Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

9

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 7:
Alamat mula sa India

AIRs - LM
Sapulin

Binabati kita mahal kong mag-aaral dahil nasa ikapitong bahagi ka na ng


paglalakbay para sa ikatlong markahan. Alam kong nasasabik ka na sa mga gawaing
ating tatapusin. Kaya’t tara na, simulan na natin ang paglalakbay.

Ang Modyul 7 ay tatalakay sa Alamat mula sa India. Ang India ay isang


bansang matatagpuan sa Timog Asya. Ito ay ang ikaapat na pinakamalaking bansa
sa buong mundo ayon sa lawak ng teritoryo at ang bansang pangalawa sa
pinakamaraming populasyon sa buong mundo. Ang mga karatig-bansa ng India ay
ang: Tsina sa Hilagang, Pakistan sa Hilagang-Kanluran, Bhutan at Nepal sa
Hilagang-Silangan, Myanmar at Bangladesh sa Silangan at Sri Lanka at Maldives sa
Timog. Ang mga pinakamahahalagang lungsod ay Mumbai (dating Bombay), New
Delhi, Kolkata (dating Calcutta) at Chennai (dating Madras). Isa ang bansang India
sa may pinakamayayamang kultura at sining sa buong mundo. Dahil sa kanilang
relihiyong Hinduismo, naimpluwensiyahan nito ang kanilang panitikan at maging
pang-araw-araw na pamumuhay. Nagdala rin ito ng malaking impluwensiya sa
Timog-Silagang Asya na magpahanggang ngayon ay nalilinang at nananatili pa. Sa
modyul na ito, mas makikilala pa nating lubos ang kanilang panitikan.

Bahagi pa ng pag-aaral sa modyul na ito ang pagtalakay sa pang-abay na


pamanahon, panlunan at pamaraan sa pagbubuo ng alamat. Patuloy tayong
maglalakbay upang makabuo tayo ng sarili nating alamat gamit ang pang-abay na
pamanahon, panlunan at pamaraan.

Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang malilinang mo ang sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC):


1. Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa akda batay sa ilang pangyayaring
napakinggan. (F9PN-IIIg-h-54)
2. Nagagamit ang pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan sa
pagbubuo ng alamat. (F9WG-IIIf-55)

Alam kong magiging kasabik-sabik ang ating pag-aaral sa makulay at


maalamat na kultura ng India. Kung handa ka na, magsimula na tayo sa ating pag-
aaral.
Aralin Alamat mula sa India
Panitikan: Ang Pinagmulan ng
7.1 Tatlumpu’t Dalawang Kuwento
ng Trono (Simhasana Battisi)

Simulan

Bago tayo magsimula sa pagtatalakay, magkaroon muna tayo paunang


pagtataya sa iyong kaalaman sa ating mapag-aaralan.

Gawain 1: Paunang Pagtataya


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong o pahayag. Isulat
sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

_____ 1. Ito ay isang uri ng panitikang nagsasalaysay sa pinagmulan ng isang


bagay, tao, lugar o pangyayari.
A. kuwentong-bayan C. epiko
B. alamat D. elehiya

_____ 2. Saang bahagi ng Asya matatagpuan ang bansang India?


A. Timog Asya C. Kanlurang Asya
B. Hilagang Asya D. Silangang Asya

_____ 3. Ayon sa Alamat na “Ang pinagmulan ng Tatlumput Dalawang Kuwento


ng Trono”, ang India noong unang panahon ay kilala sa pangalang
______?
A. Bharat B. Bhuradi C. Khurdafi D. Khurdalhi

_____ 4. Alin sa sumusunod ang katangiang dapat taglayin ng isang raha upang
maibigay sa kaniya ang karangalang umupo sa trono?
A. magalang, masigasig at matulungin
B. kasipagan, makatarungan at katapatan
C. pagiging patas, masigasig at matalino
D. kabutihan, pagiging patas at lubos na katapatan
_____ 5. Ano ang tawag sa pag-uuri ng tao sa India na naayon sa kanilang
kalagayang panlipunan?
A. case system C. caste system
B. vedic system D. sudra system
_____ 6. Ito ay mga salitang nagbibigay turing sa isang pandiwa, pang-uri at iba
pa.
A. Pang-ukol B. Panghalip C. Pangatnig D. Pang-abay
_____ 7. Ito ay uri ng pang-abay na nagsasaad kung paano ginawa ang kilos
A. Pamanahon B. Pamaraan C. Pang-agam D. Panlunan

_____ 8. “Matapat na naglingkod sa bayan ang aking nasirang ama kung kaya’t
siya ay ginawaran ng parangal.” Alin sa mga salita sa pangungusap
ang halimbawa ng pang-abay na pamaraan?
A. mapatapat B. naglingkod C. nasirang D. ginawaran

_____ 9. Ito ay uri ng pang-abay na sumasagot sa katanungang saan at nasaan.


A. Pamanahon B. Pamaraan C. Pang-agam D. Panlunan

_____ 10. Ito ay uri ng pang-abay na sumasagot sa katanungang kailan.


A. Pamanahon B. Pamaraan C. Pang-agam D. Panlunan

Mahusay! Alam kong nasagutan mo nang tama ang bahaging paunang gawain.
Natitiyak kong magiging makulay pa ang ating paglalakbay sa makabuluhang
panitikan ng India.

Lakbayin

Ngayon naman ay ating nang lalakbayin ang kultura at paniniwala ng mga


Indian sa pamamagitan ng kanilang alamat na pinagatang “Ang Pinagmulan ng
Tatlumpu’t Dalawang Kuwento ng Trono (Simhasana Battisi)”. Basahin at unawain
mo ito upang mahulaan mo ang maaaring mangyari sa akda batay sa ilang
pangyayaring napakinggan.

Ang Pinagmulan ng Tatlumpu’t Dalawang Kuwento


ng Trono (Simhasana Battisi)
(Halaw mula sa The Ghost-Brahman)

Noong unang panahon, sa isang lugar na tinatawag na Bharat na ngayon’y


kilala na bilang India, may isang binata ang naninirahan kasama ang kaniyang
matandang ina. Sila’y kabilang sa mataas na uring panlipunang tinatawag na
Brahman subalit sila nama’y napakadukha. Tanging maliit na dampa lamang at
kapirasong lupang tinatamnan nila ng gulay ang kanilang pag-aari. Dahil sa
kanilang kalagayan, wala nang pag-asa ang binatang Brahman na makapag-
asawa.
“Dapat siguro’y manghiram o mangutang ka muna sa ating mga kamag-
anak at kaibigan”, ang payo ng ina sa kaniyang anak. “Noong kumikita ka pa’y
napakarami mo din namang taong natulungan”, ang dugtong pa niya.
Nahihiya man ay nakumbinsi naman ng ina ang binatang Brahman na
humingi ng tulong sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak. Gustong-gusto talaga
niyang makapag-asawa upang may makasama sila ng kaniyang matandang ina sa
kanilang munting dampa.
Pagkalipas ng ilang linggo ay halos mapuno na ang dalawang banga ng
salapi at ginto na naiambag ng kanilang mga kaibigan at kamag-anak. At dahil
dito, sa wakas, nakapagpakasal ang binatang Brahman. Siya ngayon ay may isang
maganda at mapagmahal na asawang nagngangalang Mela. Ang kaniyang ina
naman ay masayang-masaya dahil may malakas at masipag na manugang na
siyang makatutulong sa mga gawaing mahirap na para sa isang matandang tulad
niya, tulad ng pagkuha ng panggatong sa gubat at pagluluto ng pagkain ng
pamilya.
Sa tuwing umaalis ang kaniyang manugang para mangahoy ay laging
nagpapaalala sa kaniya ang matandang babae. “Mag- iingat ka sa mga espiritu
anak. Itali mong mabuti ang iyong buhok dahil iyan ang hahatakin ng espiritu
upang makuha ka”, ang lagi niyang paalala.
“Huwag po kayong mag-alala, Inang. Lagi ko pong itinatali ang aking
buhok”, ang sagot naman ni Mela sa kaniyang biyenan. Maingat nga niyang
itinatali ang kaniyang buhok sapagkat alam niyang sa dinadaanan niyang mga
puno ay may nakatirang shakchunni, isang espiritu ng maybahay na walang ibang
hangad kundi magpanggap bilang asawa. Ito ang nais ng mga espiritu, ang muling
maging bahagi ng isang pamilya at magpanggap bilang isang tao. Subalit hindi
nila maiisahan si Mela dahil hindi lang siya maganda, maayos din siya sa katawan
at higit sa lahat ay matalino.
Ang akala niya ay masisiyahan na ang kaniyang asawa sa kung anong
mayroon sila subalit nagkamali siya. Ngayong ubos na ang salapi at ginto sa
kanilang banga ay gusto uli ng lalaking umalis at makipagsapalaran upang
magkaroon pa ng mas maraming kayamanan. “Asawa ko, bakit kailangan mo pang
umalis. Masaya ako kahit mahirap ang ating buhay basta’t magkasama tayo”, ang
lumuluhang pakiusap ni Mela sa asawa.
“Kailangan kong umalis Mela. Tingnan mo nga ang buhay natin,
napakahirap. Gusto kong magkaroon ng malaking bahay at maraming salapi”, ang
sabi ng lalaki. Hindi na nga napigil ni Mela ang kaniyang asawang dali-daling
umalis para magtrabaho sa lungsod. Ang hindi alam ng mag-asawa ay isang
espiritu pala ang nakikinig sa punong papal na nasa tabi ng kanilang bahay.
Naulinigan niya ang usapan ng dalawa”, Napangiti ang espiritu. “Sa wakas,
magkakaroon na rin ako ng pamilya”, ang nakangising sabi nito sa sarili. “Sige,
iwan mo ang asawa at ina mo, para sa akin na sila”.
Malungkot na malungkot si Mela at ang kaniyang biyenan sa pag-alis ng
Brahman. Magkatabi silang lumuluha nang biglang may kumatok. Halos
mapalundag sa tuwa ang dalawang babae nang makita nilang bumalik agad ang
Brahman. “Hindi ko pala kayo kayang iwan”, ang masayang sabi nito sabay yakap
sa dalawang babaeng naiiyak sa tuwa dahil sa pagbabalik ng inaakala nilang
Brahman na walang iba kundi ang espiritu pala sa punong papal. Wala naman
silang napapansing kakaiba sa lalaking bumalik sa kanilang bahay kaya ang
buong akala nila’y ang Brahman nga ito. Kasama nilang namuhay ang impostor
na Brahman sa loob ng isang taon.
Samantala, ang tunay na Brahman ay nagtrabaho sa lungsod. Naging labis
siyang abala sa kaniyang mga gawain at sa layuning makapag-ipon ng pera tulad
ng pangako niya sa kaniyang ina at asawa kaya’t ni hindi siya nakadalaw o
nakasulat man lang. Subalit pagkaraan ng isang taon ay hindi niya natiis ang
pananabik na makita ang ina at asawa kaya nagpasya siyang bumalik na sa
kanilang nayon. Nagmamadali siyang umuwi sa dampa, puno ng pananabik.
“Tiyak na magiging napakasaya ni Inang at ni Mela kapag nakita nila akong muli
at ipapakita ko sa kanila ang aking mga pasalubong”.
Masayang-masaya ang Brahman nang pumasok sa pinto ng dampa. Nabigla
siya nang datnang kumakain ng tanghalian ang kaniyang ina at asawa kasama
ang lalaking kamukhang-kamukha niya. Biglang tumayo ang lalaki at itinulak ang
totoong Brahman palabas ng pinto. “Umalis ka rito! Ina, Mela, huwag ninyong
papapasukin ang lalaking iyan. Siya’y isang espiritung nagpapanggap na ako”, ang
sabi nito habang itinutulak palayo ang bagong dating.
Litong-lito ang ina at si Mela sapagkat magkamukhang-magkamukha ang
dalawang Brahman. “Ina, Mela, ako ito. Ako ang inyong anak, Ina! Mela, ako ang
iyong asawa. Huwag kayong maniniwala sa espiritung iyan!”, ang sigaw ng tunay
na Brahman subalit nakasara na ang kanilang pinto. Anomang pakiusap niya ay
hindi siya pinagbuksan ng ina at ng asawa.
Hindi malaman ng totoong Brahman kung ano ang gagawin. “Ito ba ang
naging bunga ng aking paglayo? Nagkaroon nga ako ng salapi at kayamanan
subalit nawala naman sa akin ang pinakamahahalagang tao sa buhay ko”, ang
nawawalan ng pag-asa at buong pagsisising bulong niya sa sarili.
Sa wakas, naipasya niyang humingi ng tulong sa rahang namumuno sa
bansa. Matiyagang nakinig ang raha sa kaniyang istorya at pagkaraan ay nag-utos
iyon na paharapin sa kaniya ang dalawang binata. Magkamukhang-magkamukha
sila. Tinatanong niya sila ng mga tanong na maaaring makapagpatunay kung sino
ang tunay at kung sino ang impostor ngunit pareho nilang alam na alam ang mga
tamang sagot kaya hindi rin mapagpasyahan ng raha kung sino sa dalawa ang
tunay na Brahman. Araw-araw ay pumupunta ang tunay na Brahman sa korte ng
raha. Ngunit hindi makumbinsi ang raha na isang nagpapanggap na espiritu ang
dahilan ng pagkawala ng kaniyang mga mahal sa buhay.
Isang araw, habang malungkot siyang naglalakad pabalik mula sa korte ng
raha, nadaanan niya ang isang grupo ng mga batang lalaking naglalaro sa bukid.
Isa sa mga bata ang patakbong lumapit sa binatang Brahman. “Bakit ka
malungkot?” nang-uusisang tanong ng bata.
“Wala na ang aking ina at asawa. Walang awang inagaw sila ng isang
impostor na espiritu”, iyak ng Brahman. “Hay napakalungkot ng buhay ko.”
“Lumapit ka sa aming raha”, ang sabi ng bata. “Lumapit ka at sabihin mo
sa kaniya ang iyong problema at matutulungan ka niya.”
“Pero kagagaling ko lang sa raha. Maging siya ay hindi naniniwalang ako
ang tunay na Brahman.”
“Hindi, hindi ang rahang iyon, lumapit ka sa amig raha”, himok ng bata.
“Sino ang inyong raha? Tiyak na walang ibang raha sa bayang ito.”
“Basta sumama at tingnan mo.” Ang bata ay hindi na naghintay ng sagot.
Agad na hinila ang kamay ng Brahman at dinala sa lugar na may iba pang mga
batang naglalaro. Isang batang mukhang matalino ang nakaupo sa kanilang gitna
at nakaharap sa isang bunton ng lupa.
Ang batang nagdala sa Brahman ay yumukod nang mababa at nagsalita:
“Inyong Kamahalan, ang lalaking ito’y may mahiwagang pangyayaring sasabihin
at hihingi ng inyong payo.”
Agad mong sabihin ang iyong kuwento at makikinig kami”, sabi ng batang
lalaking tinatawag na “Inyong Kamahalan” ng iba pang mga bata.
“Nagbibiro ba kayo?” Ina at asawa ko ang nawala sa akin. Wala akong
panahong makipagbiruan”, ang nayayamot na sabi ng Brahman.
“Hindi kami nagbibiro. Gusto ka talaga naming tulungan”, sabi ng batang
nasa tabi ng bunton ng lupa.
Ang boses niya ay tunay na nakikiramay. Ang mga bata ay hindi man
lamang tumawa sa kaniya. Kaya nakumbinsi ang kawawang Brahman na sabihin
ang lahat ng nangyari.
“Malulutas ko ang iyong problema”, sabi ng bata pagkatapos marinig ang
kuwento ng Brahman, “pero may isang kondisyon.”
“Ano iyon?”
“Ibibigay ko ang hatol bukas ng umaga, pero papuntahin mo rito ang raha
kapag sinabi ko iyan sa kaniya.”
“Pero…Paano ko sila mapapupunta rito? Papupugutan ako ng ulo ng raha
kapag sinabi ko iyan sa kaniya.”
“Buweno, nasa iyo iyan”, matatag na sabi ng bata.
Lalong nag-alala ang Brahman. Ngunit tila wala ng iba pang paraan. Kaya
tinapangan niya ang sarili at pumunta siyang muli sa raha para sabihin ang
kaniyang kakatuwang pakiusap. Sa halip na magalit ay naging interesado ang
raha at pumayag na pumunta sa bukid at dalhin ang lahat ng kaniyang ministro.
Kinaumagahan, ang raha, ang Brahman, at ang lahat ng tao sa nayon ay
pumunta sa bukid. Mangyari pa, ang ina, asawa at maging ang espiritu ay naroon
din. Nakangisi ang espiritu dahil hindi naniniwalang magtatagumpay ang batang
lalaki kung saan maging ang makapangyarihang raha ay nabigo.
Magalang na yumukod ang batang lalaki sa raha at pumunta sa kaniyang
puwesto sa bunton ng lupa.
“Pumarito ako ngayong umaga sapagkat ipinangako mong lulutasin ang
misteryong lumilito sa akin”, matigas na sabi ng raha sa bata. “Pero tandaan mo
– kapag nabigo ka, paparusahan kita nang mabigat.”
“Opo, Inyong kamahalan,” Pormal na sagot ng bata.
Pigil ng mga tao ang kanilang paghinga. Isang batang lalaki ang magbibigay
ng katarungan habang ang pinakamakapangyarihang pinuno ng bansa ay
nakatayo lamang at nanonood!
Ang batang lalaki ay humingi muna ng isang boteng may mahaba at makitid
na leeg. Nang iyon ay mailagay sa kaniyang harapan ay nagsalita siya. “Ito ang
pagsubok na lulutas sa suliranin ng mga taong ito. Kung sino sa inyong dalawa
ang makapapasok sa loob ng boteng ito ay siyang tunay na Brahman.”
“At kung sinoman ang hindi makakapasok diyan ay mamamatay!” ang
makapangyarihang sabi ng bata.
“Teka, teka, ang naiiyak na tutol ng tunay na Brahman sa pagsubok na sa
tingin niya’y hindi makatarungan. Paano ako makapapasok diyan ay ang laki-laki
ko! ang kaniyang malakas na tutol.
“Kung gayon ay hindi ikaw ang tunay na Brahman. Ikaw, kaya mo?” ang
tanong ng bata sa isa pang Brahman. “Oo naman, manood kayo”, ang masayang-
masayang sabi ng espiritu. Agad siyang nag-anyong hangin at isinilid ang sarili sa
loob ng bote. Ito lang ang hinintay ng bata. Nang makapasok ang espiritu ay agad
niyang tinakpan ang bote.
“Heto ang impostor na espiritu”, ang sabi niya habang iniaabot sa tunay na
Brahman ang bote. Nagawa niyang mangpanggap dahil sinamantala niya ang
iyong paghahangad ng mas maraming yaman.”
“Nagsisisi po ako”, ang mahinang sabi ng Brahman. “Ang tunay ko palang
kayamanan ay ang aking minamahal na ina at asawa”, ang dugtong pang sabi
habang mahigpit na niyayakap ang kaniyang pamilya.
Hindi makapaniwala ang raha. “Saan galing ang iyong katalinuhan? Ni ang
rahang tulad ko’y hindi naisip ang ginawa mong paraan”, ang sabi niya.
“Mga ordinaryong bata po kaming nagpapastol ng baka. Isang araw habang
nanginginain ang aming mga baka ay natagpuan namin ang bunton ng lupang ito.
Nagsasalisi kami sa pag-upo sa harap nito. Napansin po naming ang sinomang
maupo sa harap ng buntong ito ay nagkakaroon ng pambihirang katalinuhan. Sa
Araw na ito’y nagkataong ako ang nakaupo subalit wala po akong kapangyarihan.
Ang lahat ay nagmumula sa bunton ng lupang ito”, ang paliwanag ng bata sa raha.
Ipinag-utos ng raha na hukayin ang bunton ng lupa. At sa ilalim ng lupa
natagpuan nilang nakabaon ang isang magandang tronong tila plataporma.
Nababalutan iyon ng mga alahas at sinusuportahan ng magagandang inukit na
mga pigura ng tatlumpu’t dalawang anghel.
Agad umakyat sa kinaroroonan ng trono ang raha upang maupo. Inaakala
niya kasing sa pag-upo rito ay magiging matalino rin siya sa pagpapasya at
makikilala ng buong mundo ang kaniyang katalinuhan ngunit bago pa siya
makaupo ay may narinig siyang tinig. Isa sa mga nililok na pigura ang nagsalita:
“Hinto”, sabi niyon. “Ang tronong ito’y pag-aari ng dakilang Raha Vikramaditya.
Bago ka maupo rito, ipakita mo munang kapantay mo siya sa tapang at
karunungan. Makinig ka at sasabihin namin kung gaano siya kadakila.”
Pagkatapos, isa-isang nagkuwento ang tatlumpu’t dalawang anghel tungkol
sa katalinuhan at kagitingan ni Raha Vikramaditya. At nang ang huling istorya ay
maikuwento, binuhat ng anghel ang trono, pataas nang pataas sa kalawakan at
lumipad sila kasama niyon sa malayo, malayong-malayo. Naiwan ang rahang nag-
iisip na hindi niya pa taglay ang mga katangiang mabibigay sa kaniya ng
karangalang umupo sa trono. Ang ilan sa mga katangiang ito ay kabutihan, lubos
na katapatan, pagiging patas at walang kinikilingan at pagiging makatarungan.
Subalit bago tayo magwakas, makabubuting sabihin na ito ang pinagmulan
ng tatlumpu’t dalawang kuwentong naging popular sa buong India. Kilala ito
ngayon bilang Simhasana Battisi.

Salamat mahal kong mag-aaral sa matiyaga mong pagbabasa. Nalaman mo


ngayon ang tungkol sa isang akda mula sa India. Magpatuloy ka lang sap ag-aaral
at pagsagot sa mga gawain.

Alam mo bang…
Sa India ay kilala ang apat na uring kalagayang panlipunang tinatawag
nilang varnas o caste system. Ang apat na ito ay ang:
1. Brahman – kaparian
2. Kshatriya – mandirigma
3. Vaisha – mangangalakal
4. Sudra -manggagawa

May mataas na pagtingin sa mga Brahman simula pa noong panahong


Vedic at nanatili sa ganoong estado hanggang sa kasalukuyan.

Gawain 2: Unawain Natin!


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong. Sagutin ito sa
iyong sagutang papel.
1. Bakit kinailangang umalis ng binatang Brahman sa kanilang bayan?
Makatuwiran ba ang kaniyang pag-alis?
__________________________________________________________________________
2. Paano nalinlang ng espiritu ang matandang ina at ang kaniyang asawa kaya’t
agad silang napaniwalang ang Brahman ang kumatok sa kanilang pinto?
__________________________________________________________________________
3. Sino ang nakatulong sa Brahman?
__________________________________________________________________________

4. Ano ang aral na maari nating mapulot mula sa naging karanasan ng


Brahman?
__________________________________________________________________________

Mahusay! Nagagalak ako sa mahusay mong pagsagot sa mga tanong. Ngayon


nama’y dadako pa tayo sa kasunod na gawaing lilinang sa iyong kakayahan.
Galugarin

Gawain 3: Papatunayan Ko! (PERFORMANCE TASK 4. ISULAT SA BONDPAPER)


Panuto: Sumulat ng tatlong hakbang na gagawin mo kung ikaw ay naharap sa
sitwasyong kinaharap ng Brahman. Mag-isip ng mga estratehiya at ilahad sa mga
kahon sa ibaba.

Ang mga estratehiyang gagawin ko para patunayang


ako ang tunay na asawa at anak ay…

Unang Hakbang Ikalawang Hakbang Ikatlong Hakbang


_____________________ _____________________ _____________________
_____________________ _____________________ _____________________

Paano ko ito Paano ko ito Paano ko ito


isasagawa? isasagawa? isasagawa?
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________

Wow! Nagtagumpay kang muli sa pagsagot sa gawain. Ngayon ay mas


palalalimin pa mo pa ang iyong kasanayang pampagkatuto sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng inaasahang awtput sa araling ito.
Aralin
Wika at Gramatika:
7.2 Mga Pang-abay

Lakbayin

Alam mo bang…
Pang-abay ang tawag sa bahagi ng pananalitang naglalarawan o nagbibigay-
turing sa pandiwa, pang-uri at maging sa kapwa nito pang-abay.
Halimbawa:

Pang-abay Magaling umarte si George.

Pandiwa

Ang salitang Magaling ay naglalarawan sa pandiwang umarte. Sa


makatuwid ito ay isang Pang-abay.
Mga Uri ng Pang-abay
1. Pang-abay na Pamanahon – Ito ay nagsasaad kung kailan ginanap,
ginaganap o gaganapin ang pangyayari o kilos. Maaaring may pananda,
walang pananda at nagsasaad ng dalas.
➢ May pananda (nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,
hanggang)
Mga Halimbawa:
- Kailangan mo bang pumasok nang araw araw?
- Tuwing Pasko ay nagtitipon ang mga magkakamag-anak upang
magsalo-salo.
- Umpisa sa Linggo ay mapanonood na sa plaza ang mga magagaling na
payaso.
- Mula sa pagsilang hanggang sa pagtanda ay kabutihan natin ang
inuuna ng ating ina.
- Kapag oras ng pagkain ay inaasahan ang lahat na dudulog sa hapag-
kainan

➢ Walang pananda (kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas)


Mga Halimbawa:
- Manonood bukas ang buong Pilipinas para sa laban ng pambansang
kamao sa boksing.
- Ipinagdiriwang ngayon ng aking lola ang kaniyang ika-isandaang
taong kaarawan.
- Mamaya pa ako dadaanan ng mga kaibigan ko para manood ng
pagtatanghal sa plaza.
- Kahapon nakita ko ang ating gurong bumibili ng gulay.
- Umalis ang mag-anak ni Mang Ambo kaninang madaling araw
patungong Maynila

➢ Nagsasaad ng dalas (araw-araw, tuwing, taon-taon, buwan-buwan)


Mga Halimbawa:
- Tuwing Undas ay dinadalaw ng mga tao ang kanilang mga
namayapang mahal sa buhay.
- Ang bata ay kailangang araw-araw maligo upang hindi dapuan ng
sakit.
- Taon-taon ay nagbibigay ng pamasko ang pinaglilingkuran ng ama ko.
- Ang mga miyembro ng 4P’s ay buwan-buwang nakatatanggap ng pera
mula sa DSWD.

2. Pang-abay na Panlunan – Ito ay tumutukoy sa pook na pinangyarihan o


pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Ito ay sumasagot sa katanungang saan.
Karaniwang ginagamit ang salitang sa, kay o kina.
➢ sa – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o
panghalip.
➢ kay/kina – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging
ngalan ng tao.
Mga halimbawa:
- Maraming masasayang alaala ang nabubuo sa araw ng Pasko.
- Nagpaluto ako kina Aling Maring ng masarap na dinuguan para sa
pagdiriwang ng aking kaarawan.
- Hindi siya nagpakita sa mga magulang at kapatid sa loob ng 3 taon.
- Sa India matatagpuan ang isa sa pinakamatandang sibilisasyon.
3. Pang-abay na Pamaraan – ay naglalarawan kung paano naganap,
nagaganap o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit
ang panandang nang o na/-ng. Ito ay sumasagot sa tanong na paano.
Mga halimbawa:
- Kinamayan niya ako nang mahigpit.
- Bakit siya umalis na umiiyak?
- Masayang nakilahok sa pagdiriwang ang 60 milyong taong dumalo sa
New Delhi.

Gawain 2: Hanap-tukoy
A. Panuto: Tukuyin ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap. Tukuyin din
kung ito ay nauuri sa may pananda, walang pananda at nagsasaad ng dalas.
Isulat ang sagot sa sagutang papel sa tulong pormat sa ibaba.
___________________ 1. Sina Renan at Chloe ay nag-eehersisyo araw-araw.
___________________ 2. Madalas ko silang nasasalubong sa parke.
___________________ 3. Si Phillip ay isa sa mga naunang nagwagi sa paligsahan
noong isang taon.
___________________ 4. Tatawagan ko sila sa Biyernes kung matutuloy kami sa
pamamasyal.
___________________ 5. Sabay kaming kumain ng almusal paminsan-minsan.
___________________ 6. Taon-taon ay sumasali kami sa RSPC.
___________________ 7. Si Anton ay nagtapos sa kolehiyo kamakailan lamang.
___________________ 8. Noong unang panahon, may alpabetong nilikha ang ating
mga ninuno.
___________________ 9. Oras-oras niya akong tinatawagan sa opisina.
___________________ 10. Laging nakaabang sa gate ang asong alaga ni Sara.

Pang-abay na Pamanahon May Pananda, Walang Pananda,


Nagsasaad ng Dalas
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

You might also like