Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Surigao del Sur State University


Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
ARALIN 7: MORPOLOHIYA

INAASAHANG MATUTUHAN
Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahan na :
1. Natatalakay at Nasusuri ang morpolohiya.
PANIMULA
Ang morpolohiya ay isang bahagi ng linggwistika na nagsusuri sa kahalagahan ng
morpema ng isang wika at ng pagsasama ng mga ito upang makabuo ng salita. Inilalarawan sa
morpolohiya ang pagkakaroon ng makabuluhang kahulugan ang isang salita sa pamamagitan ng
pinagsamang mga tunog. Kaiba ito sa mga morpema na itinuturing na pinakamaliit nay unit ng
salita na nagtataglay ng kahulugan.
Ang Morpema. Galing ang salitang morpema sa katagang morphem sa Ingles na kinuha
naman sa salitang Griyego –morph (anyo o yunit) + eme (kahulugan). Ang dalawang salitang ito
ay ating naasimila at tinawag na morpema ayon sa paraan ng ating panghihiram ng wika.
Sapagkat ang morpema ang pinakamaliit na yunit ng salita na may kahulugan, hindi na maaari
pang hatiin ito nang hindi makakasira sa kahulugan.

Mga Uri ng Morpema


1. Mga Morpemang may kahulugan panleksikal- masasabing tiyak ang pangalan ng
lugar at ng tao.
Halimbawa: Nanood ng sine sa SM Fairview sina Fatima at Nurhasia.
2. Mga Morpemang may kahulugang pangkayarian- kapag nag-iisa ay walang
kahulugang ipinahahayag.
Halimbawa: ng, sa, ang mga – ang mga ito ay walang tiyak na kahulugan.
Anyo ng Morpema
1. Panlapi. Isa itong morpema na nagtataglay ng kahulugan. Maaari itong: panlaping
makauri, panlaping makadiwa, at panlaping makangalan. Kapag ang nabuong salita ay
pang-uri, tinatawag itong panlaping makauri; kapag ang nabuong salita ay pandiwa,
tinatawag itong panlaping makadiwa; at kapag ang nabuong salita ay pangngalan,
tinatawag itong panlaping makangalan.
Halimbawa:
Makauri
Panga + -han = pangahan (malaki ang panga)
Makadiwa
Sama + -han = samahan (kilos na nagsasaad ng pagsabay iba)
Makangalan
Tinda + -han = tindahan (lugar ng pamimili)
2. Salitang-ugat/batayang salita. Ito’y mga simpleng salita na walang kasamang panlapi.
Halimbawa: awit sayaw kinis ganda ulan
dasal bayani gawa laba
3. Ponema o isang makabuluhang tunog
Halimbawa: propesor propersora
Doctor doktora
Senador senadora
PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO
Mga Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko
1. Asimilasyon- sinasabing may pagbabagong morpoponemiko sa paraang asimilasyon
kapag ang tunog ng isang morpema ay naaasimila ng isa pang morpema. May dalawang
uri ng asimilasyon:
a. Asimilasyong parsyal. Nakikita sa pagbabagong nagaganap sa isang ponema sanhi
ng posisyong pinal kasunod ang bigkas na pailong. Halimabawa nito ang /ng/ ng
[pang-] ay nagiging /m/ o /n/ at maaaring manatiling /ng/ ayon sa kasunod na tunog.
Masdan:
[pang-] + bisita = pambisita

Fil. Cog. 2- Batayang Estruktura ng Filipino


Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
[pang-] + bansa= pambansa

[pang-] kapag ang sumusunod na mga salita ay nagsisimula sa /p/ at /b/,


[pan-] kung ang inuunlapian ay mga salitang nagsisimula sa /d,l,r,s,t/.

Masdan:
[pang-] + depensa= pandepensa
[pang-] + limpiya= panlimpiya
[pang-] + raket= panraket
b. Asimilasyong ganap. Nagkakaroon ng asimilasyong ganap kapag ang unang
ponemang inuunlapian ay naasimilang ganap ng tunog ng panlapi. Makikita ito sa
panlaping [pam-] na iniuunlapi sa ponemang /p/ tulad ng palo o panday. Ang tunog
ng /p/ sa palo at panday ay naasimila ng ponemang /m/ ng [pam-]. Kaya sa halip na
bigkasing pampalo o pampanday, ang mga ito ay nagiging pamalo o pamanday. Dito
ang asimilasyon ay ganap.
Mga Halimbawa:
Pambasag-pamasag pantapon-panapon
Pambenda-pamenda pansabit-panabit
Pampakyaw-pamakyaw pantinda-paninda
Pampitas-pamitas pansuntok-panuntok
Pambitin-pamitin pantabas-panabas
Pampatong-pamatong pansubo-panubo

Tandaan: Hindi lahat ng mga salitang nagsisimula sa /p,b,s,t/ ay maaaring magkaroon ng


asimilasyong ganap. Ang mga salitang-ugat na inuunlapian ay nananatili ang anyo.
2. Pagpapalit ng Ponema- May mga pagkakataon na sa pagbubuo ng mga salita ang
ponemang nasa pusisyong inisyal ng salitang nilalapian ay nagbabago o nagpapalitan.
Madalas maganap ito sa mga ponemang /d/ at /r/.
Halimbawa:
/d/ nagiging /r/ /h/ nagiging /n/
[ma-] + dapat= marapat tawahan = tawanan
[ma-]+ dungis= marungis saluhan = salunan
[ma-] + dilang= marilah kuhahan= kuhanan
/o/ nagiging /u/
Tuluy=tuloy
Sunud=sunod
Pulitika=politika
3. Metatesis- Paglilipat ng titik sa loob ng isang binuong salita. Inilalarawan ito sa
pamamagitan ng pusisyon ng ponema.
Halimbawa:
Tanim + [-an]= tamnan
Talab + [-an]= tablan
Atip + [-an]= aptan
Tandaan: Ang mga salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/ na gigigitlapian ng [-in-] ay
nagkakaroon ng paglilipat ng pusisyo ng /n/ at ng /l/ o /y/.

Halimbawa:
Lingap + [-in-] liningap nilingap
Yakap + [-in] yinakap niyakap
Yupi + [-in-] yinupi niyupi
4. Pagkakaltas ng Ponema- Ang pagbabagong morpoponemikong ito ay nagaganap kung
ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat na hinuhulapian ay nawawala.
Halimbawa:
dakip+[-in]= dakipin = dakpin

Fil. Cog. 2- Batayang Estruktura ng Filipino


Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
bukas+[an]= bukasan = buksan
tingin+[-an]= tinginan= tingnan
5. Paglilipat-diin- Ang paggamit ng panlapi ay nakapagpapabago ng diin ng salita.
Maaaring ang diin ay malipat ng isa o salawang pantig patungong huling pantig o isang
pantig sa unahan ng salita.
Halimbawa:
[ka-] + sagana + [-an] = kasaganaan
[ka-] + lawak + [-an] = kalawakan

KAYARIAN O PAGBUO NG SALITA


1. Payak. Hindi ito sinasamahan ng panlapi.
Halimbawa:
Sulat aral hapon tula sam
Saya araw ilaw init
2. Reduplikasyon o Inuulit. Binubuo ito ng ganap at di-ganap na pag-uulit. Kapag inuulit
ang buong salitang-ugat, tinatawag itong ganap na pag-uulita. Maaari ring ulitin ang
salitang-ugat na may konekto o linker tulad ng /g/ at /ng/.
Halimbawa:
Salitang-ugat Ganap na pag-uulit
Hapon > hapun-hapon
Ilan > ilan-ilan
Gusto > gustung-gusto
Bato > batung-bato

Halimbawa ng di-ganap na pag-uulit:


Himu-himutok tatakbo
Kani-kaniya aawit
Bali-baligtad baha-bahagi

Kapag inuulit naman ang isang bahagi at ang kabuuan ng salita, ito ay tinatawag na
magkahalong di-ganap at ganap na pag-uulit.
Halimbawa:
Salitang-Ugat Di-ganap ganap Magkahalong di-
ganap at ganap
ilan iilan Ilan-ilan Iilan-ilan
sabay sasabay Sabay-sabay Sasabay-sabay
3. Paglalapi o Maylapi. Ang mga panlapi ay maaaring ilagay sa mga sumusunod na
posisyon ng salita gaya ng:
a. Pag-uunlapi o unlapi: magsimba, umibig, ipagluto
b. Paggigitlapi o gitlapi: sumulat, sinunod, lumukso
c. Paghuhulapi o hulapi: ilawan, suklayan, sambahin
d. Pag-uunlapi ay paggigitlapi: ibinigay, magsumikap
e. Pag-uunlapi at paghuhulapi o kabilaan: paaralan, paglutuin, magyakapan
f. Paggigitlapi at paghuhulapi: sinubukan, pinutulan, sinabihan
g. Pag-uunlapi, paggigitlapi, at Paghuhulapi o laguhan: magdinuguan,
pagsumikapan
4. Tambalan o Pagtatambal. Ito ay pinagsamang dalawang salita sa pagbubuo ng isa
lamang na salita. Binubuo ito ng dalawang uri:
a. Tambalang di-ganap o karaniwang tambalan- Ang mga ganitong salita ay
nananatili ang kanilang kahulugan. Maaari rin itong ipakahulugan bilang layon,
gamit, pagtitimbangan, paglalarawan, at pinagmulan.
Halimbawa:
Batang gubat panic-panaog

Fil. Cog. 2- Batayang Estruktura ng Filipino


Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
Agaw-buhay taong-bundok
Agaw-dilim ahas-tubig
b. Tambalang ganap. Nagkakaroon ng ibang kahulugan o ikatlong kahulugan ang
pinagtambal na dalawang salita o kaya sa dalawang salitang pinagsama.
Halimbawa:
kapitbahay bahaghari basag-ulo

Mga Iminumungkahing Gawain: (Isulat sa inyong kwaderno/sa malinis na papel)


A. Magbigay ng karagdagang mga halimbawa ng mga salitang tambalang ganap at di-ganap.
B. Paramihan ng Salita. Bumuo ng mga salita mula sa mga salitang-ugat;
1. Sayaw
2. Sulat
3. Aral
4. Lakbay
5. takot
C. Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na mga tambalang salita.
1. Isip-bata
2. Ningas-kugon
3. Kapit-tuko
4. Kilos-reyna
5. Ngiting-aso

Sanggunian:
Andaya, A. M.C et.al, 2018. Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina. Jimcyzville Publications
Austero, C.S. et.al, 2012. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Rajah Publishing House

Fil. Cog. 2- Batayang Estruktura ng Filipino

You might also like