Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Agosto 31, 2023

Sa aking mga kapwa-kabataan at mga magulang,

Pagbati! Nawa ay makarating ang liham na ito nang nasa maayos kayong kalagayan. Ako
ay si , isang mag-aaral at isang kabataan. Aking isinusulat ang bukas na liham na ito upang
bigyang pansin ang pandaigdigang suliranin na lumalaganap sa kasalukuyang panahon.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang mga isyung panlipunang kinakaharap ng ating
mundo. Isa rito ay ang paglaki ng populasyon ng mundo na dahilan ng kakulangan sa mga
pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng pagkain at tubig at ang pagkalat ng carbon dioxide
(CO2) na dahilan ng pagkasira ng ating ozone layer. Ilan pa sa pandaigdigang problema ay ang
pagkasira ng likas na yaman, pisikal na katangian ng ating daigdig, suliraning pangkapaligiran, at
marami pang iba na ang kalimitang pinagmulan at naging dahilan ay kagagawan nating mga
mamamayan.
Kung ating pakakaisipin, tayo rin mismong mga mamamayan na siyang dahilan ng
pagkasira ng kalikasan ang umaani ng hindi magagandang epekto nito. Tayo rin ang nahihirapan
sa pagkasira ng ating mga likas na yaman. Kaya’t sa mga puntong ito, nais kong maglaan tayo ng
ilang sandali upang pakaisipin ang bawat ginagawa natin at ang nagiging epekto nito sa
mundong ating ginagalawan. Naniniwala akong sa pamamagitan nito ay unti-unting mabubuksan
ang ating mga mata at isipan sa mga suliraning ito. Sa anumang paraang kaya natin at kung saan
ang kaya nating abutin, maging instrumento tayo sa paglutas ng mga problemang ito. Mula sa
mga simpleng gawain tulad pagpatay ng ilaw at gripo tuwing hindi ginagamit, pagtatapon ng
basura sa tamang basurahan, pakikilahok sa mga aktibidad ng komunidad para sa kapaligiran,
pagsunod sa mga batas na inilulunsad ng gobyerno, pagtatanim ng mga halaman at puno, pag-
iwas sa mga bagay na nagdudulot ng polusyon sa tubig at hangin, at marami pang iba, kapag
napagsama-sama at lahat ay gumagawa, ito ay tiyak na may maidudulot na maganda.
Mga magulang at kapwa ko kabataan, naniniwala ako na ang henerasyon natin ay may
malaking magagawa upang manguna sa pagbabago. Ating gamitin ang ating boses at kakayahan
upang gawin at paunlarin ang mundo upang ito’y mas maging maganda para sa ating henerasyon
at sa mga susunod pa.

Nagmamahal,

You might also like