Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

Ito ay isa sa mga tanyag na katagang binitiwan ng ating pambansang bayani na si Doktor Jose
Rizal noong siya’y nabubuhay pa. Totoo na ang kabataan na ang siyang pag-asa ng ating bayan
sapagkat sa ating makabagong panahon, inaasahan na tayong mga kabataaan ang siyang
magbibigay ng magandang kinabukasan para sa ating bansa at ibigay ang hangad nitong
kasaganaan. Ngunit paano kung ang kabataan na pag-asa ng bayan ay nadapa at nalugmok sa
mapait na alaala ng kanyang kamusmusan, pag-asa pa rin ba sya ng bayan?

Ang ala-ala na nais ko ipagbili ay ang ala-ala noong minsan akong nagkaroon ng bagsak na
grado sa asignaturang Agham. Maaaring para sa iba, ito’y hindi magandang ala-ala ngunit para
sa akin, isa ito sa alaalang bumuo sa kung sino ako sa kasalukuyan. Sino ang magaakala na sa
gradong 78 ay magsisimula ang isang bagong kabanata sa aklat ng aking buhay?

Maaaring hindi na maging ako ang kasalukuyan kung wala ang bakas na iniwang ng markang
78 sa akin. Dahil kung wala noon, baka isa pa rin akong lagalag na magaaral. Ngunit kahit
ganon, may aral na naiwan sa akin na may pag-asa pa din kapag nangarap ka ng posible dahil
walang imposible sa nangangarap ng posible.

Sa lahat ng mga kamaliang ginagawa natin bilang kabataan ng ating bayan, panahon na siguro
upang tayo’y magbago at tahakin ang matuwid na pamumuhay upang magkaroon ng
katuparan ang katagang binitawan ni Dr. Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

You might also like