Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

MilenyalHub 101

Nakakagulat ang bawat eksena. Nakakalito ang bawat angulo. Hindi mo na makikita
kung alin ang totoo sa plastikado. Yung tipong sa isang click mo lang ay nakaraos ka na, sa isang
sakay mo lang ay nasa ibang dimensyon ka na at sa isang maling galaw ay sikat ka na.
Sa panahon ngayon, teknolohiya na ang nagpapatakbo sa mundo. Base nga sa isang pag-
aaral, nasa 80% ng mga gamit ng tao ang ginagamitan ng teknolohiya para mapatakbo dito sa
bansa. Kung tutuusin, teknolohiya na rin ang nagpapatakbo sa ating mga buhay.
Narito ako ngayon sa isang sakayan na malapit sa aming bayan. Mula sa aking
kinatatayuan ang langhap ko ang amoy ng nilulutong pagkaing kalye na nakahambalang sa daan.
Matatanaw sa hindi kalayuan ang mga studyanteng nagse-selpon sa tawiran – mga kabataang
puro facebook ang alam na walang pakialam kahit manakawan. Post dito, post doon – mahalaga
bawat segundo. Kulang na lang ay asawahin ang selpon na minamahal.
Sa aking paglingon sa aking tagiliran, hindi ko sinasadyang mapakinggan ang balita na
ang mga paaralan sa buong Pilipinas ay hindi na gumagamit ng kwaderno kundi gumagamit na
lamang ng ‘gadgets’ na ngayon ay usong-uso dahil sa kalaban na hindi natin nakikita. Ang
COVID-19. Napansin ko rin ang ilang mga batang nagkakanda-kuba na sa kakadutdot ng
kanilang mga ‘gadgets’ sa kanilang pag-aaral.
Saksi ako. Saksi ako sa makabagong mundo na ito. At aaminin ko, isa ako sa mga
biktima ng teknolohiyang kinababaliwan ng bawat tao. Nandito ako sa isang mundo na kinain na
ng teknolohiya nag bawat tao.

You might also like