Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

POSISYONG PAPEL

PAGPAPATUPAD NG CURFEW SA MGA KABATAAN SA SIYUDAD NG


TUGUEGARAO

Sa mga nakalipas na araw, mayroong sunod-sunod na kaso ng mga krimen tulad ng


pananaksak at pagbabanta sa siyudad ng Tuguegarao. Lubos itong ikinababahala ng alkalde
mayor na si Maila Ting-Que sapagkat ang mga pangyayaring ito ay kinasangkutan ng mga
kabataan na nasa edad na siyam hanggang labinlimang taong gulang. Kaugnay nito,
magkakaroon ng pagpupulong ang mga opisyales ng siyudad patungkol sa pagpapatupad ng
curfew para sa mga menor de edad sa Tuguegarao. Aming nababatid na mapapabuti ang
kalagayan ng siyudad kung ito ay maipapatupad, kung kaya’t kami ay sumasang-ayon dito upang
mabawasan ang mga karahasan at masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan sa siyudad.

Sa kabila ng dami ng bilang ng mga sumsuporta sa pagpapatupad ng curfew sa siyudad,


mayroong mga indibidwal ang umaalma at hindi sumasang-ayon dito. “Labag ang curfew sa
isang konstitusyon o Juvenile Justice and Welfare Act o ang Republic Act No. 9344.”, ito ang
isinisigaw ng ibang mga kabataan dahil tila ba mawawalan sila ng kalayaan na magawa ang mga
kailangan nilang gawin tulad na lamang ng mga ginagabing mga pangkatang gawain na
nagpapatungkol sa paaralan. Subalit, hindi sapat na idahilan ang paggawa ng pangkatang gawain
sa pag-uwi ng napaka gabi sapagkat tayo ay puno ng mga alternatibong pamamaraan. Maaari
nating gamitin ang makabagong teknolohiya upang kumonekta sa ating mga kaklase.

Naniniwala rin ang iba na ang mga magulang ang may responsibilidad sa pagpapaigiting
ng disiplina ng mga menor de edad. Kinakailangan na ang mga magulang ang magbigay ng payo
at alituntunin na dapat sundin ng kanilang mga anak. Ayon sa kanila, sa ganitong paraan ay hindi
na kinakailangan pa na magpatupad ng curfew sa siyudad ng Tuguegarao. Gayunman, batay sa
mga naiulat na mga karahasan kamakailan sa siyudad ay tila ba hindi sapat ang gabay ng
magulang upang matutukan at masiguro ang disiplina ng mga kabataan.

Ayon sa pag-aaral ni Moslow tungkol sa herarkiya ng mga pangangailangan na tinukoy


ni Villarica (2011), ang pangunahing inaalala ng mga tao ay kaligtasang pisikal. Kung kaya’t
seguridad ang pangunahing mithiin ng mga tao, partikular na ang mga kabataan. Hindi
makakailang maraming kabataan ang nasasangkot sa mga hindi magagandang gawain. Ang ilan
naman ay nagiging biktima ng mga krimeng laganap tuwing gabi. Upang masiguro ang
kaligtasan ng lahat, nararapat lamang na ipatupad ang curfew. Ang pagkakaroon ng curfew ay
maaaring magdulot sa pagbaba ng insidente ng krimen at karahasan sa isang siyudad.

Ayon kay Medina (2011), walang magandang dahilan na manatili ang kung sinumang
kabataan sa labas ng kanilang mga tahanan sa disoras ng gabi, hindi ito paglabag at pagtatakda sa
kanilang karapatan maging malaya bagkus ay paglalayo lamang sa kanila sa kapahamakan. Ang
pagpapalaganap at pagpapairal ng curfew sa mga kabataan ay makatutulong upang maialis ang
mga kabataan sa mga kalsada at galaan lalo na’t sa mga delikadong oras kung saan talamak ang
mga krimeng nangyayari, mailalayo sila sa kapahamakan at mapapanatag ang kanilang mga
magulang (Piedad et al., 2011). Isa ang Bicol sa magpapatunay na epektibo ang pagpapatupad ng
curfew. Nang magsimula ang pagpapatupad nito sa naturang bayan, nabawasan aniya ang mga
insidente ng pagananakaw, road accident, at iba pang krimen.
Ayon sa Joint Task Force COVID-19 Shield commander Police Lieutenant General
Guillermo Eleazar na dapat idagdag ang curfew sa ilalim ng new normal kaugnay ng pandemya
ng coronavirus disease 2019. Patunay nito ay bumaba nang 61% ang bilang ng mga krimen sa
Luzon mula noong tayo ay nasa ilalim ng quarantine protocols. Gaya ng epektibong pagpigil sa
pagkalat ng nasabing virus, nakatulong rin ang curfew upang bumaba ang kaso ng krimen. Ang
maging bahagi ng ating kasanayan ang curfew ay isang oportunidad upang pahintulutan ang
ating sarili na maiwasan na makagawa ng mga krimen.

Samakatuwid, nararapat lamang na ipatupad ang curfew sa siyudad ng Tuguegarao


upang mabawasan ang mga karahasan at masiguro ang kaligtasan ng mamamayan. Ang
importansya ng pagbibigay ng seguridad sa isang komunidad ay hindi maaaring ituring na maliit
na bagay. Higit na naaapektuhan ng kawalan ng seguridad ang mga kabataang walang muwang
at walang laban sa mga nang-aabuso. Kung kaya’t nararapat lamang ang magkaroon ng isang
ordinansa na siyang makakasiguro sa kaligtasan ng lahat ng mamamayan sa isang siyudad.
Maraming mga mamamayan ang hindi basta basta sumusunod sa mga ganitong alintuntunin at
ordinansa ngunit sa pagpapairal nito ay mas mapagiigting at nakikita ng bawat isa na ang lahat
ng ito ay upang madisiplina at Maitama ang gawi, hindi lamang ng mga kabataan, gayun din ng
mga nakatatanda.

Kaugnay nito, upang mas mapalaganap ang kapayapaan sa siyudad, aming


iminumungkahi na maliban sa pagpapatupad ng curfew ay maaari ding magtalaga ng mga foot
patrol at ayusin ang mga surveillance cameras sa siyudad. Mas paigtingin rin ang business
curfew hours lalo na sa mga internet café’s upang mabawasan ang bilang ng mga kabataang
nagpapa-abot ng dilim.

Sanggunian:

https://m.facebook.com/story.php?
story_fbid=559535146174790&id=100063549297171&mibextid=Nif5oz

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2016/07/28/1607381/editoryal-
curfew-sa-mga-menor-de-edad

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/05/11/2013175/curfew-isama-na-
sa-new-normal

https://brigadanews.ph/pagpapatupad-ng-curfew-sa-bayan-ng-virac-catanduanes-maganda-at-
positibo-ang-epekto-ayon-sa-pnp/

https://ourhappyschool.com/debate/curfew-minors-advantageous-or-disadvantageous

Villarica, H. (2011) Maslow 2.0: A new and improved recipe for happiness, The Atlantic.
Atlantic Media Company. Available at:
https://www.theatlantic.com/health/archive/2011/08/maslow-20-a-new-and-improved-recipe-for-
happiness/243486/

You might also like