GEFIL1 Sanaysay

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Ariane Jill U. Casuco Prof.

Jenyn Pacarro Libre


BS Psychology GEFIL 03875

“MAGSASAKA ANG NAGPAPAKAIN SA ATIN,


PERO BAKIT SILA ANG WALANG MAKAIN?”
Isang Argumentibong Sanaysay

Isang kahig, isang tuka. Ganyang ang buhay ng isang magsasaka. Kung ating
mamarapatin, dapat sila ang masagana sa buhay sapagkat sila ang nagtatanin ng bigas
na ating kinakain sa pangaraw-araw. Pero anong klaseng pamayanan ang mayroon
tayo na ang ating sariling mga magsasaka ay napapabayaan at hindi pinapahalagahan?

Maraming likas na kayamanang taglay ang Pilipinas. Biniyayaan tayo ng


napakagandang arkipelago kung kaya’t tayo ay kilala sa ating mga lugar na
pangturismo. Higit pa ro’n ay ang kayamanan natin sa agrikultura. Masisinop at
masisipag ang ating mga magsasaka. Hindi po sila tamad, taliwas sa iginigiit ng isang
nakaupong senador sa gobyerno. Maghapon silang nakayuko, babad sa init ng araw,
nakapaang nakayapak sa maruming lupa, at matitiyagang naghihintay ng ani, kahit na
ang hinihintay ay di makapantay sa dugo at pawis na kanilang ibinuhos sa pagtatanim.

Ngayong taong 2019 ay sunod-sunod ang pagbaba ng presyo ng palay. Pero


nitong buwang ng Agosto, kung kailan bumaba sa higit 7php ang kilo ng palay, lubos
na nangamba ang ating mga magsasaka. Ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas
(KMP), sinasabing ang dahilan ng pagbaba ng presyo nito ay ang pagbaba ng
imported rice kasunod ng pagsasabatas ng rice tarrification law, kung saan kaakibat
ng kasunduan ng ating bansa sa World Trade Organization.

Ano ba ang solusyon na ibinahagi ng ating pamahalaan? Ang Rice Tarrification


Law ay may kaakibat na tulong na P10 bilyong halaga para sa mga kinakailangang
tulong pinansyal ng mga magsasaka sa kanilang pagsasaka. Naglahad din ng pautang
ang Department of Agriculture (DA) para sa mga magsasaka bilang ayuda kasunod sa
pagbagsak ng presyo ng palay. Ini-utos din ng Pangulong Rodrigo Duterte sa National
Food Authority (NFA) na bilhin nito ang mga aning palay ng mga magsasaka upang
matulungan ang mga ito kahit na malugi ang gobyerno.
Pero lahat ba nito ay sapat? Maraming mga magsasaka ang nagprotesta sa
pagsasabatas ng Rice Tarrification Law. Ayon din sa kanila, subsidirya ang tulong na
ninanais nila, hindi pautang. At kung bibilhin nga ng NFA ang palay direkta sa kanila,
tanging ang makakadala lamang ng kanilang palay ang mabibili nito at hindi lahat.

Patuloy ngang naghihirap ang ating mga magsasaka para matustusan ang
kanilang pangangailangan sa kanilang pangaraw-araw na buhay. Ano nga ba
15,000php na kita sa 10,000php na kanilang pang-capital? Inaasahan ba natin itong
maging sapat? Hindi makatarungan ang pagbaba ng presyo nito sapagkat hindi naman
naapektuhan ang presyo ng bigas na ating nabibili sa palengke.

Lubos na nakakalungkot ang sinasapit na krisis ng ating mga magsasaka ngayon.


Pahirap na ng pahirap ang pamumuhay natin, at ang mas nakakaranas ng kagipitan
ang iyong mga mas nakakababa pa sa buhay. Paano ba natin mai-angat ang buhay ng
mga Pilipino? Ito ba ay nangangailangan lamang ng sariling sikap? O kaya naman
nating magtulungan upang hindi malugmok sa kahirapan ang ating mga mamamayang
mahirap na simula pa lang.

Ito ay isang panawagan sa mga makasarili at mapansamantalang rice traders at


hoarders. Huwag nating ibaba ang kantedad ng pagsasaka ng ating mga magsasaka
sapagkat sa pag-gawa natin nito, ay inaapakan na rin natin ang kanilang pagkatao.
Ang mga kamay na siyang nagpapakain sa atin ay siya ring mga kamay na humihingi
ng tulong mula sa atin. Sila ang nagtanim, pero bakit sila ang hindi makakain?
References:

https://www.google.com/amp/s/amp.rappler.com/move-ph/ispeak/239405-magsasaka-
kasipagan-kahirapan

https://news.abs-cbn.com/business/09/03/19/subsidiya-di-pautang-ang-kailangan-ng-
mga-magsasaka

https://www.google.com/amp/s/www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2019/0
9/06/1949557/palay-ng-magsasaka-bilhin-nyo/amp/

https://www.google.com/amp/s/www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2019/0
9/06/1949557/palay-ng-magsasaka-bilhin-nyo/amp/

https://tonite.abante.com.ph/amp/pagbagsak-ng-presyo-ng-palay-dapat-tutukan-ng-g
obyerno.htm

https://www.bworldonline.com/understanding-rice-tariffication/

You might also like