Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Maraming ahensya ang nakatutulong sa atin sa oras ng kalamidad at sakuna kaya naman sa aming hinandang script makikita

niyo kung ano nga ba ang mga paglilingkod at benepisyo ang ating matatanggap sa oras na tayo ay lumapit sa kanila.

EL NIÑO

Jeric: Uy, pre! May tubig ka ba diyan? Ang init eh!

Alexa: Oo naman pre, ito oh.

Haze: Pare, susunduin mo rin ba ang anak mo ngayon? Kung Oo, Sabay na tayo, tutal parehas lang naman sila ng paaralan.

Jeric: Sige. Pero bakit nga ba ulit pinapauwi nang maaga mga anak natin?

Alexa: Ang kakalimutin mo naman! Kakaanunsiyo lang kanina ah,

Haze: Nag-anunsiyo kasi ang DEPED na ang lahat ng paaralan sa ating lugar ay kinakailangang umuwi nang maaga dahil sa
init ng panahon.

Jeric: Ahhh, oo. Ang Department of Education nga pala ang nagsasabi kung anong kalamidad at pandemiya sa paaralan, at
kung paano nila ito haharapin at paghahandaan. At ito rin ay lubos na inuuna ang kapakanan ng mga mag-aaral at ang
kanilang edukasyon ay patuloy na magiging pinakamahalaga. Sa partikular, nag-aalok sila ng kalahating araw na mga klase
para sa mga mag-aaral, lalo na sa mga pampublikong paaralan, upang mabawasan ang anumang potensyal na panganib.

Alexa: Napaka-init nga ngayon! Maaari mo bang ipaalam sa akin


ang kasalukuyang temperatura?

Jeric: Sige, wait, search ko sa PAGASA

Alexa: Ano ang PAGASA? Parang narinig ko na 'yan

Jeric: Oo, narinig mo na 'to. Ang PAGASA ay ang organisasyon na responsable sa pagsukat ng ating panahon at pagbibigay
ng impormasyon tungkol sa mga temperatura. Malaki rin ang papel nila sa paggabay sa atin sa panahon ng mga kalamidad,
partikular sa panahon ng El Niño. At ang mga bagay na ito ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng paghahatid sa atin ng
kaalaman ng PAGASA o Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.

Haze: Maraming mga social media ang maaaring magamit upang makita ang mga updates tungkol sa pinakabagong
kalagayan ng ating panahon, diba?

Jeric: Oo! Tama ka!

Alexa: Eh, Beh, 'yung NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council na may layuning isulong ang
paghahanda sa sakuna at pagbabawas ng panganib. Nilalayon nitong magbigay ng mga regular na update tungkol sa mga
epekto ng mga kalamidad at mga kinakailangang pag-iingat na dapat gawin sa pag-asam ng mga kaganapan tulad ng mga
bagyo, lindol, at katulad na mga pangyayari. May Parte ba 'yan sa El niño?

Hazel: Oo naman. Nabasa ko sa google na may koneksyon ito sa El niño dahil magkakaroon tayo ng insight sa mga
potensyal na hamon na kinakaharap ng mga magsasaka. Ang matinding init
mula sa araw ay nagdudulot ng pagsipsip ng tubig, na nagdudulot ng banta sa mga pananim. Bukod pa rito, pinalala nito ang
mainit nang panahon, na nagdaragdag ng panganib ng heat stroke sa mga indibidwal.

Alexa: Woah! Ganon pala! Galing, Slay ka diyan.

Jeric: Oo, ganon nga, Ey, slay rin sa'yoo, kaya mag kaibigan tayo eh.

LINDOL

Laurice: Uy, hala, lumilindol! Nawalan din ng kuryente! Ang lakas ng yanig, ano gagawin natin?!

Jacob: Takpan niyo mga ulo niyo para masigurado natin na ligtas tayo. Huwag muna kayo umalis, at huwag niyo muna alisin
ang mga kamay niyo sa ulo nyo hangga’t di pa natatapos ang lindol.

Laurice: Hay, natapos na ang lindol, buti walang masyadong nahulog at nasira sa ating mga gamit. At nagkaroon na rin ng
kuryente! Tignan natin ang mga naging epekto nito sa ating bansa.

Jacob: Ano kaya ang naging dahilan ng lindol na ito?

Laurice: Ito na! Nag text na 'yung NDRRMC.


Jacob: Ano 'yung NDRMMC?

Laurice: Hala! ba't hindi mo alam 'yon? Ang NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council ay isang

ahensiya. Sila 'yung nag-tetext sa atin kapag may nararamdaman tayong panganib dala ng isang kalamidad. Sangay rin ito
ng ating pamahalaan, sila ang may pananagutan na tiyakin ang kaligtasan at kabutihan ng mga mamamayan sa panahon ng
sakuna. Sila rin ang nag-sasabi o nag-tetext sa atin kung gaano kalakas ang lindol, bagyo, at iba pang mga naranasan natin.
Isa sila sa mga dahilan kung bakit marami mga tao ang naliligtas sa mga kalamidad na nangyayari. Marami rin tayong
ahensiya na katulad ni NDRRMC. Kaya tara! Tignan pa natin ang ibang mga ahensiya kung may announcement sila.

Jacob: Check na rin natin 'yung page ng PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology para malaman natin
kung saan ang epicenter nito at kung gaano kalakas ang magnitude na naranasan natin, sila kasi ang nag-momonitor ng mga
bulkan, earthquakes, mga tsunami at sila din ang nag-iissue ng mga warnings and information pagkatapos ng isang
kalamidad upang malaman ng lahat.

Laurice: Ganoon pala kalakas 'yung lindol 'no? Panigurado marami ang gamit at daan na nasira dahil sa lindol na iyan, lalo na
sa mga highway.

Jacob: Tingnan mo 'tong post na nakita ko! Marami nga ang nasirang daan dahil sa lindol na ito.

Laurice: Sino kaya ang makakapag-ayos ng mga daan na ito? Mahihirapan ang marami makapag-commute, maka-punta sa
kailangan nilang puntahan, at hindi tayo makaka-gala! Hala ka, sis!

Jacob: Edi ang DPWH o Department of Public Works and Highways! Sila ang nag-aayos ng mga nasirang daan dala ng
kalamidad para mabilis nilang maidala ang mga relief operation, goods at iba pang mga pangangailangan natin lalo na kapag
nagkaroon ng kalamidad upang mabalik sa dati ang mga operations na kailangan gawin sa ating mga daanan.

Laurice: Salamat! Marami akong natutuhan ngayong araw tungkol sa mga ahensiya, pagaaralan ko pa ang mga ito upang
mas maging updated ako sa mga nangyayari before, during, and after ng isang kalamidad.

TSUNAMI

Abi: Diyos ko! Ang lakas naman ng lindol na iyon! Sigurado akong may susunod diyan na tsunami at malapit pa naman tayo
sa dagat. Bilis! buksan mo 'yung radyo!

Radyo: Naghahatid kami ng mga babala tungkol sa paparating na tsunami dulot ng malakas na lindol. Mangyaring lumayo sa
mababang lugar o lumipat sa abot ng iyong makakaya mula sa mga baybayin. Maari p—

Kurt: Nako, kailangan na nating lumikas! Buti nalang at may NTC o National Telecommunications Commission na
ipinapaalam sa atin ang mga nangyayari sa oras ng sakuna sa pamamagitan ng mga media na kanilang pinapangasiwaan.
Sila ay nagkakaroon ng koordinasyon sa iba't-ibang telecommunications providers, mga ahensya ng gobyerno, at lokal na
pamahalaan upang mapanatili ang makabuluhang komunikasyon sa panahon ng kalamidad

Abi: Pa, natatanaw ko na 'yung tsunami! Tara na!

Kurt: Sira na 'yung mga kalsada, hindi na natin magagamit 'yung kotse. Bilisan mo at tumakbo na tayo papunta sa evacuation
center!

Abi: Pa, tignan mo 'yung kapitbahay natin!


Kurt: Pabayaan mo siya at tumakbo ka na lang dahil nasa ikatlong palapag naman siya ng apartment niya

Makalipas ang ilang oras.

Abi: Hay, nakakapagod naman tumakbo! Buti nalang hindi tayo naabutan ng tsunami.

Kurt: Ang daming tao dito at dumadami pa dahil sa tulong ng PNP at iba pang mga ahensiya na nagsasagawa ng mga search
and rescue operations. Tumutulong din sila sa relief distribution at sa pagpapalaganap ng impormasyon. Hindi lang pala sila
nagtataguyod ng batas! Dapat pumila na tayo bago pa sila maubusan sa dami ng tao dito."

PNP: Pasensya po sir, naubusan na po kami ng suplay. Maghintay nalang po kayo ng mga ilang oras at may dadating pa dito
na tulong mula sa DOTr.

Abi: DOTr? Naghahatid din sila ng relief goods sa panahon ng kalamidad? Akala ko ba namamahala lang sila sa mga
proyektong may kaugnayan sa batas trapiko.
PNP: Hindi ka mali diyan ngunit naghahatid din sila ng impormasyon, tauhan, at mga kagamitang kinaikalangan dito sa
evacuation center na ito!

Abi: Pa, yung kapitbahay natin, baka natangay na siya ng tsunami!


PNP: Huwag po kayong mag-aalala dahil sinusubukan na namin ang aming makakaya sa paghahanap ng mga nakaligtas
kasama ang mga nagboboluntaryo. At saka, maaga naman nakapagbigay ng paalala ang gobyerno at naagapan ang paglikas
ng iba sa tulong ng PNP. Masisiguradong ligtas ang paglikas mo kapag PNP ang kasama mo.

Kurt: Mabuti naman at handa ang mga ahensiyang ito na maglingkod sa panahon ng kalamidad. Tiyak na mas makakaligtas
ang mga tao dahil sa kanilang tulong.

BAGYO

Jasmine: Huy, tingnan mo oh kadilim-dilim, anong oras na ba? tingnan mo, alas sais pa lang ng umaga parang gabi na. May
pasok pa kali? uy swerte may exam pa naman kami ngayon.

Ayen: Huwag mong sabihin hindi ka na naman nag-aral. Pero oo nga, mukhang may paparating na malakas ng hangin at
ulan. halika nga! manood tayo ng balita, baka sakaling may ukol ang PAGASA tungkol sa panahon ngayon

Jasmine: Tama tama, tutal naman ang PAGASA o Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services
Administration ang nagpapahayag ng mga impormasyon o babala sa ating bansa. Sila na rin ang nagsasabi na maging handa
tayo sa ating kasalukuyang panahon

Ayen: Iyan ganiyan, so ito nga, ang PAGASA rin ay isang ahensiya na nag-bibigay ng kaalaman at impormasyon sa
kalagayan ng ating panahon. Tungkulin nila na paga-aralan ang takbo ng panahon sa ating bansa. Nagbibigay din sila ng
mga mungkahi sa kung ano ang mga hakbang na gagawin upang matalinong
makapagpasiya ang mga tao. Responsibilidad nilang magbigay proteksyon sa mga mamayan ng ating bansa, ukol sa
kalamidad.

Jasmine: Kahit kailan PAGASA talaga ang nagiging pangunahing tagapagbalita natin! hala! eto na pala ang balita, grabe
gan’to pala kalakas ang bagyong tatama sa ating lugar. Hindi ba’t nakakatakot ‘to, ang laki ng sakop nito, nararapat na rin
tingnan natin ang ibang balita.

Ayen: Ayan, tama ‘yan, eto na nga nag text na si NDRRMC, eto talaga laging nagt-text sa tamang oras!”

Jasmine: Talagang magigising ka sa text ng NDRRMC, buti pa NDRRMC nagpaparamdam.

Ayen: Sis naman. Ang NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council ay isa rin itong ahensiya kung
saan sila ang nagbibigay babala, impormasyon at anunsiyo tuiwng may sakuna at kalamidad sa ating banda. Ang
responsibilidad ng NDRRMC panatilihin ang kaligtasan at proteksyon ng mga tao, at hindi lang sila nagaanunsiyo tuwing may
bagyo, tuwing may lindol halos lahat ng kalamidad andyan sila para mag anunsiyo.

Jasmine: Grabe, sis, ang talino mo talaga kahit kailan. Totoo nga na nararapat na maging alerto tayo tuwing may parating na
kalamidad. Kaya dapat maging alerto rin tayo sa panahon tuwing may pasok para mas lalong mag iingat

Ayen: Oo, tama ‘yan, tsaka dapat alam mo rin ang mga ginagawa tuwing nagyayari ito pati bago pa ito mangyari. Dapat lagi
ka rin maging alerto sa nagyayari sa kapaligiran mo.
Jasmine: Pero bakit nga ba kailangan natin maging alerto sa nangyayari sa paligid natin?

Ayen: Siyempre, sa ganitong mga kalamidad, dapat may malasakit din tayo sa kapwa natin. Katulad na lamang na kapag may
kakilala tayong nasalanta ng Bagyo o nangangailangan ng rescue, 'wag na 'wag nating kalimutan ang numero ng MMDA o
Metropolitan Manila Development Authority para ma-contact agad natin sila kasi sila ang nagpapatupad ng mga plano o mga
dapat gawin pag dating sa pag likas para masigurado ang proteksyon nating lahat. Sila rin ang sumusubaybay sa mga baha
na dulot ng bagyo, nagpapadala rin sila ng mga tauhan para kapag may nawawalang tao o nangangailangan ng tulong, mag-
sasagawa sila ng operasyon ng pag-hahanap. Sobrang halaga talaga na alam natin ang MMDA dahil isa rin sila sa mga nag-
bibigay ng babala o nag-babahagi ng mga imposmasyon tungkol sa kalamidad katulad ng mga weather advisories at
emergency contact details.

Jasmine: Nakakaawa nga 'yung mga taong mahihirap kapag dumarating sa ating buhay ang mga ganitong matitinding
kalamidad buti na lang nariyan sila para tumulong—hala! May nakakalimutan pa tayo! 'Yung DSWD o Department of Social
Welfare and Development hindi ba sila 'yung tumutulong din para maibsan 'yung pag-hihirap ng bawat mamamayan na
malalang naapektuhan ng bagyo?

Ayen: Oo nga pala tama ka diyan!


Jasmine: Sila 'yung tumutulong sa bawat indibidwal at komunidad na makaahon muli sa buhay dulot ng sakuna. Namimigay
rin sila ng mga malilinis na pagkain at tubig at iba pang mahahalagang gamit na magagamit sa mga apektadong lugar. Tsaka
dahil hindi
naman tayong lahat ay mapalad na magkaroon ng matibay at magandang tahanan, nandiyan sila upang mag-bigay ng
pansamantalang tirahan para sa mga taong lumikas at nawalan ng tirahan. Nag-bibigay rin sila ng mga tulong pinansyal sa
mga biktima ng sakuna para matugunan nila 'yung mga gastos at kakailangan nila para mabuhay sa araw-araw. Diba,
napaka-laking tulong nila kaya hindi dapat tayo mag dalawang isip na lumapit sa kanila kasi nga maaari nilang tustusin ang
pag-papagamot, pagkain, damit at transportasyon natin sa oras na kalamidad.

Ayen: Namimigay rin pala sila ng tulong pinansyal? Akala ko kasi SSS lang

Jasmine: SSS? Iyan ba 'yung Social Security System?

Ayen: Oo! Ang SSS ay isang ahensiya ng ating bansan na may programang tumulong sa mga manggagawa o sa mga tao sa
ating bansa, na mayroong hanap buhay sa mga probadong kompanya o sariling negosyo. Sila ay may layunin na tumulong sa
mga miyembro sa mga pangyayaring kalaip aa programa na ito, sila rin ay nagpapahiram ng salapi sa miyembro na
naapektuhan ng bagyo na maliit lang ang interes at bawat miyembro ay may benepisyo para may pang-gastos sila sa mga
bayaring medikal at pang-ayos ng bahay. Mahalaga talaga na suriin at tignan ang mga website ng SSS o lokal na tanggapan
ng SSS dahil naka-batay ang benepisyo at programa na maaaring matanggap sa uri o kalubhaan ng kalamidad at depende
rin patakaran ng iyong pamahalaan.

LANDSLIDE

Bea: Nabalitaan mo ba 'yung landslide na nangyari noong isang araw?


Ces: Oo nga, nakakatakot, 'no? Sana ligtas ang mga nadamay dito.

Chad: Meron naman mga tumutulong na ahensiya sa mga naapektuhan ng mga sakuna. Gaya na lang ng DILG.

Cea: DILG? Sorry ah, pero ano 'yon?

Bea: Ah! Ang DILG o Department of the Interior and Local Government ay ang mga responsable sa pagpapa-alam ng mga
tagubilin at pamantayan para sa mga sakuna. Sila rin ang nagpapatupad ng mga programa at proyekto upang ihanda ang
mga LGU o Local Government Unit para sa mga sakuna.

Ces: So sila ang mga tagapag-bigay ng impormasyon at nagsasagawa ng mga relief operations?

Chad: Hindi lang 'yon! Sila rin ang nagmarka kung aling mga lugar ang prone sa mga sakuna, tulad na nga lang ng pagguho
ng lupa.

Ces: Malaki pala ang naitutulong nila, 'no?”

Bea: Yes, pero isa lang 'yan sa mga uri ng ahensiyang pwedeng makatulong sa kaso ng isang landslide.

Ces: Meron pang iba? Ano pa?”

Chad: Marami-rami rin eh, pero isa pa sa mga makakatulong ay ang GSIS.

Ces: Paano naman nakakatulong ang GSIS sa sitwasyon na ito? Ang alam ko, sila yung nagbibigay lang ng mga benepisyo
sa mga
taong nagtatrabaho sa gobyerno.

Bea: Tama ka nga, pero isipin mo nalang, halimbawa, ikaw ay isang government employee na naapektuhan ng landslide.
Paano kung ang iyong bahay ay nasira o kung ikaw ay nakukulangan ng pera dahil sa pinsalang dala ng sakuna?

Chad: Naku, ang hirap naman isipin nyan, nakakatakot.”

Bea: aO Diba? Pero ang GSIS ay mayroong "Emergency Loan" na pwedeng applyan ng mga GSIS members

Ces: Ah meron din pala silang ganon! Tanong ko lang, 'yung kaibigan ko kasi nadamay rin sa landslide noong isang araw—
isa syang guro sa pampublikong paaralan, pwede kaya sya maka-avail ng emergency loan?”

Bea: Pwedeng pwede! since siya ay nagtatrabaho sa lugar na naapektuhan, at dahil empleyado sya ng gobyerno, pwede
siyang makakuha ng emergency loan!

Ces: Masabi ko nga sa kanya yan, talagang nakakatulong nga ang GSIS!
Bea: Oo, saka hindi mataas ang interest sa loan, at matagal din ang termino ng loan na tatlong taon kaya hindi masyadong
nahihirapan ang mga tao sa pagbabayad nito.

Ces: Meron pa bang ibang mga ahensiya na nakakatulong sa atin ng ganyan?”

Chad: Oo, may naiisip pa akong isa!


Ces: Ano naman ang ahensiya na ito?

Chad: Ito ay ang DENR o Department of Environment and Natural Resources

Bea: Ah iyan yung nangangalaga sa environment natin, hindi ba?”

Chad: Oo, Ang DENR ay tumutulong sa DRR o Disaster Risk Reduction sa pag-provide ng geohazard maps upang malaman
ang landslide-prone areas at mapaghandaan ito ng maaga.

Bea: Kung ang DENR ang namamahala sa environmental activities at natural resources, edi kaya din ba nilang bawasan ang
panganib na magkaroon ng landslides?

Chad: Tama ka dyan, pwede silang magsimula ng mga programa tulad ng reforestation. At sila rin ang mga nagmo-monitor
ng mga aktibidad na maaaring maging dahilan sa pagguho ng lupa, tulad ng illegal mining.

Cea: May ganoon din pala.

Chad: Ilan lang yan sa mga marami pang ahensiya na makakatulong sa atin sa panahon ng mga sakuna gaya ng Landslide.

Ces: Salamat sa pagbabahagi ng impormasyong ito! Mahalaga nga talagang alam natin kung sino ang mga makakatulong
satin tuwing nagigipit tayo

Bea: Oras na pala ng balita, baka mayroong mga updates tungkol


sa Landslide?

Ces: Oo nga, 'no! Sige buksan mo na para na’t malaman na natin kung anong nangyari

Huwag kalilimutan ang mga emergency hotlines na maaari nating mahingan ng tulong sa tuwing tayo ay nasa panganib
upang masigurado ang ating kaligtasan.

You might also like