Kabanata 3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

KABANATA 3

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik.

Dahil maraming uri ang deskriptibong metodolohiya, pinili ng mga mananalisik na gamitin ang

“Descriptive Survey Research Design” na gumagamit ng talatanungan (survey questionnaire”)

upang makalikom ng mga datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang desenyong

ito sa paglakap ng mga datos sapagkat mas mapapadali ang pag kuha ng datos sa mga mga

repondents.

Limitado lamang ang bilang ng mga tagasagot sa talatanungan, ngunit ang uri ng

desenyong ito ay hindi lamang nakadepende sa dami ng sasagot sa talatanungan, kaya

nauunanwan ng mga mananaliksik na nababagay ito sa pag aaral kung saan maari rin guamamit

ng obserbasyon at pakikipanayam sa pagkuha ng mga datos.

Ang desenyong deskriptibong metodolohiya ay ang nakikitang mabisang pamamaraan

sap ag lakap ng mga datos sa pag aaral na ito.

PAMAMARAAN NG PAGPILI NG RESPONDENTE.

Upang makakuha ng datos ang mga mananaliksik ukol sa paksang: ““(Pagsusuri sa

Impluwensiya ng Noli Me Tangere sa kahalagang moral ng mga mag-aaral)” gagamitin ang

“simple sampling method”kung saan sa pamamraan na ito malaya ang mananaliksik sa

pagkuha ng respondente na nabibilang sa grupo.


Ang napiling respondent sa pagsusuring ito ay ang mga mag aaral na nasa baitang

labing isa at nasa Strand na HUMMS at mga mag-aarl na nasa baiting Sampu (10) sa seksyon

na Archimedes sa eskuwela ng Zamboanga Chong Hua High School. Nahahati ang “strand”

na HUMMS at ang ARCHIMEDES sa apat (4) na seksyon, malayang pumili ang mga

mananaliksik ng tatlong put anim (36) na mag aaral na maaring kumatawan sa kabuuan ng pag

aaral na ito.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan (survey questionnaire”) ay ang

pangunahig instrumento na gagamitin upang makalikom ng mga datos sa mga kumakatawan

sa pag aaral. Ang talatanugan ay may dalawang parte: ang profile at ang survey ukol sa pag

aaral. Ang sarbey ay ang pagkokolekta ng mga impomasyon tungkol sa katangian, at opinion

ng isang malaking grupo na nabibilang sa isang populasyon na malawak ang sakop ng

pananaliksik. Ang sarbey na ito ay binubuo ng mga ibat ibang istilong sa pag lakap ng mga

impormasyon kabilang dito ang mga pagtatanong sa mga respondent.

Narito ang sipi ng talatanungan (survey questionnaire”) upang mas lubos na maunawan

ang nilalaman ng sarbey ukol sa pag aaral na ito.

PAMAMARAAN NG PAGKALAP NG DATOS

Sa kabanatang ito ay ipapakita ng mga mananaliksik ang pamamaraan na ginamit sa

paglakap ng mga datos na kakailanganin upang masagot ang mga katanungan sa ginawang

pagsusuri. Sa ginawang pag-aaral ay gumamit ang mga mananaliksik ng “Descriptive Survey

Research Design” o Deskriptibong metodolohiya na kung saan ay gagamit ang mga

mananaliksik ng talatanungan o “Survey Questionnaire” upang malikom ang kinakailangang


datos. Sa pamamaraan na ito ay malalaman ng mga mananaliksik ang Impluwensiya ng Noli

Me Tangere sa kahalagang moral ng mga mag-aaral.

KOMPYUTASYONG ESTADISTIKA

Ang mga nalakap ng datos na galing sa talatanungan o “Survey Questionnaire” ay

susuriin ng maayos upang mas mapadali ang patataya rito. Kayat gagamitin ng mga

mananaliksik ang “Descriptive Statistical Analysis”. Ito ang napili ng mga mananaliksik dahil

mas madaling maiintindihan ang mga datos sapagkat itoy iprepresenta sa pamamaraan ng ibat

ibang uri ng mga graphs at tsart.

Sa pag buo ng mga interpretasyon ng mga resulta ng datos gagamitin ng mga

mananaliksik ang isang pormulasyon upang ma covert ang resulta sa percentage para sa mga

graphs at tsart.

Bahagdan(%)= O/H*100

Kungsaan:

O- Oo

H- Hindi

You might also like