Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 70

ME TANG

LI E
O

RE
N
1887
Sino ang asawa ni Kapitan Tiyago?
Sagot: Don Pia
Anong ibig sabihin ng Prayle?
a. tawag sa mga taong misyonero na nagkalat ng katolisismo ng pilipinas.
b. tawag sa mga taong kalaban ng simbahan at pamahalaan.
c. tawag sa taong mayroong hindi wastong paniniwala o pananampalataya.
Sagot:
a. tawag sa mga taong misyonero na nagkalat ng katolisismo ng pilipinas.
KABANATA 14
Ang Baliw o Ang Pilosopo
- Noli Me Tangere -
Kasabay ng pagdalaw ni Ibarra sa puntod ng ama, ay ang pagdalaw din ni Pilosopo Tasyo sa
kanyang namayapang asawa. Pilosopo Tasyo ang tawag nila kay Don Anastacio. Mayaman
ang pakalat-kalat na matanda sa lansangan. Sadyang matalino ito at mahusay magsalita.

Pinahinto ito ng kanyang ina sa pag-aaral sa dalubhasaan ng San Jose dahil baka raw malimot
na nito ang Diyos sa sobrang talino. Nais kasi ng ina niya na maging pari ito.

Sinuway ito ni Tasyo at nag-asawa. Gayunman, isang taon matapos ikasal ay namayapa ang
asawa niya. Itinuon na lamang niya ang oras sa pagbabasa at napabayaan ang mga minana.

Madilim ang langit at maraming kidlat sa langit. Ngunit sa halip na matakot, masaya pa si
Tasyo sa lagay ng panahon. Hiling daw kasi niya na magkadelubyo upang malinis ang
sangkatauhan.
14 14
Nagtungo si Tasyo sa simbahan at nakita ang magkapatid. Sinabihan niya ito na umuwi na
dahil may espesyal na hapunang inihanda ang ina nila. Natuwa man ang magkapatid ay
nanatili sila sa simbahan.

Nagpatuloy sa paglalakad ang matanda hanggang narating ang bahay nina Don Filipo at
Aling Doray. Napag-usapan nila si Ibarra at ang hinagpis na nararamdaman nito dahil sa
sinapit ng ama.

Nauwi sa usapang purgatoryo ang talakayan. Hindi man daw naniniwala ang Pilosopo rito ay
gabay naman daw ito upang mabuhay nang malinis.

Katulad ng nakagawian, nagpaalam si Tasyo at naglakad kahit madilim ang langit at


nagngingitngit ang kulog at kidlat.
14 14
ARAL
Matututuhan sa kabanatang ito ang pag-unawa sa isang tao. Marahil magkakaiba
ang bawat isa ng personalidad, paniniwala, at pamumuhay, ngunit bandang huli,
hindi ito dahilan upang maging katatawanan ang kapuwa.

KABANATA
14
KABANATA 15
Ang mga Sakristan
- Noli Me Tangere -
Ang kinausap na magkapatid ni Tasyo ay sina Crispin at Basilio. Kahit may banta ng bagyo,
pinatunog pa rin ng dalawa ang kampana sa kampanaryo ngunit hindi nila ito napatunog nang
tama.

Gusto nang makauwi ng dalawa lalo’t sa ibinalita ni Tasyo tungkol sa hapunang inihanda ng
inang si Sisa. Pero patuloy sila sa trabaho sa simbahan.

Napagbintangang nagnakaw si Crispin. Galit siya sa paratang at ipinagdarasal na magkasakit ang


mga prayle. Halagang dalawang onsa ang pinababayaran sa magkapatid gayong dalawang piso
lang ang sahod nila kada buwan.

15 14
Hindi nila mababayaran ang ibinibintang na ninakaw nila. Nakapagbitiw si Crispin ng mga salitang
sana ay tunay na nagnakaw na lamang umano siya para makapagbayad sa ibinibintang na halaga.

Habang nag-uusap ang dalawa, dumating ang sakristan mayor at sinita ang dalawa sa palyadong
pagpapatunog sa kampana. Sinabihan din sila na hanggang ika-sampu pa sila ng gabi sa simbahan,
lagpas na sa ika-siyam ng gabing pahintulot upang maglakad sa kalsada.

Makikiusap sana si Basilio sa sakristan mayor, ngunit hinila nito ang umiiyak na si Crispin pababa sa
simbahan hanggang lamunin ng dilim. Hindi makapaniwala si Basilio sa sinasapit na kalupitan ng
kapatid.

Gumawa ng paraan si Basilio upang makababa sa kampanaryo. Nang tumila ang ulan, kumuha ng
lubid at nagpadausdos hanggang makarating sa simbahan. Nahanap niya ang silid na pinagdalhan sa
kapatid ngunit sinarado ang pinto.
15 14
ARAL
Kung minsan, madaling manghusga ang mga ito. Madalas na
napagbibintangan sa krimen ay ang mga mahihirap habang ang hustisya ay
laging nakakamit ng makapangyarihan.

KABANATA
15
KABANATA 16
Si Sisa
- Noli Me Tangere -
Si Sisa ang ina ng dalawang tauhan sa simbahan na sina Crispin at Basilio. Naninirahan sila sa
isang maliit na dampa sa labas ng bayan. Mahirap ang pamumuhay nila.

Nakapangasawa siya ng isang tamad, sugarol, at hindi responsableng lalaki. Maliban sa wala
itong pakinabang, nakatatanggap pa si Sisa ng pagmamalupit sa asawa. Martir si Sisa. Hindi niya
alintana ang pananakit at patuloy na sinasamba ang asawa.

Isang gabi ay naghanda si Sisa ng isang espesyal na hapunan gaya ng sinabi ni Tasyo. Bihira itong
mangyari dahil salat sila sa buhay. Naghain siya ng tuyong tawilis at kamatis na paborito ni
Crispin. Tapang baboy-ramo at hita ng patong bundok para kay Basilio.

16 14
Gayunman, dahil naipit sa isang pangyayari sa simbahan, hindi makauuwi ang magkapatid para
saluhan ang ina. Hindi rin matitikman ng magkapatid ang espesyal na hapunan dahil dumating ang
asawa ni Sisa. Inubos ng walang pusong ama ang hapunan at umalis pagkatapos mabusog tangan
ang panabok na manok.

Dahil sa ginawa ng asawa, naiyak sa sama ng loob si Sisa. Iniisip niya ang masasarap na pagkaing
para sa dalawang anak.

Masakit man sa damdamin, nagluto ng kanin at nag-ihaw ng tuyo si Sisa para sa mga anak na
inaasahang darating. Ngunit lumipas ang ilang oras at wala pa ring Crispin at Basilio na
dumarating. Inaaliw niya ang sarili upang hindi mainip. Maya-maya pa ay dumating si Basilio at
isinisigaw ang pangalan ng ina.

16 14
ARAL
Ang pagmamahal ng isang ina ay dakila. Kahit na kung minsan ay marami
na siyang naisasakripisyo, para sa pamilya, hindi iindahin ng isang ina ang
hirap na dinaranas.

KABANATA
16
KABANATA 17
Si Basilio
- Noli Me Tangere -
Nakarating sa bahay nila si Basilio na may sugat sa noo. Mula iyon sa daplis ng bala mula
sa mga guwardiya sibil na humahabol sa kaniya na nais siyang ikulong sa kuwartel.

Ipinaliwanag niya sa ina ang nangyari at sinabing nasa kumbento si Crispin. Papayapa na
sana ang damdamin ni Sisa nang ibunyag ni Basilio na napagbintangang nagnakaw ng
dalawang onsa ang kapatid.

Nahabag si Sisa na nangyari sa bunsong anak. Ipinangako naman niya kay Basilio na
walang makaaalam ng tunay na dahilan ng sugat nito sa noo at nakuha lang ito sa
pagkakalaglag sa puno

17 14
Nabatid rin ni Basilio na dumating sa kanilang bahay ang ama. Nawalan siya ng ganang
kumain dahil dito. Alam niya ang pagmamalupit na ginagawa ng ama sa kaniyang ina.
Ipinabatid ni Basilio na gusto na niyang mawala na nang lubusan ang kaniyang ama sa kanilang
buhay na ikinalungkot naman ni Sisa. Nais pa rin kasi niyang mabuo ang kanilang pamilya.

Nakatulog si Basilio dahil sa pagod. Napanaginipan pa rin niya si Crispin na inaalipusta pa rin
ng mga pari. Ginising siya ng ina at sinabi rito na ayaw na niyang bumalik sa simbahan.
Magpapastol na lamang daw siya ng mga hayop sa bukid ni Ibarra.

Kapag nasa hustong gulang na raw ay mag-aararo na lamang sa bukid. Pag-aaralin na lamang
daw niya ang kapatid kay Pilosopo Tasyo. Natigilan naman si Sisa sa ginagawa at muling
nalungkot dahil hindi kasama ang ama sa mga plano ni Basilio.

17 14
ARAL
Makikita sa kabanata ang pagmamahal at pagiging responsableng kapatid. Bilang
isang anak, mayroon itong pangarap na paunlarin at bigyan ng magandang
pamumuhay ang mga magulang at kanilang buong pamilya.

KABANATA
17
KABANATA 18
Mga Kaluluwang Nagdurusa
- Noli Me Tangere -
Mababasa sa kabanatang ito kung paano nabulag ang mga tao sa mga maling
paniniwala tungkol sa kaligtasan ng mga kaluluwa mula sa Purgatoryo.

Matamlay na tinapos ni Padre Salvi ang tatlong misa na kayang inalay. Dahil sa
kanyang karamdaman ay hindi niya pinansin ang mga hermana at hermano mayor na
naghihintay sa kanya upang siya ay kausapin. Bagkus ay dali-dali siyang nagtanggal ng
kanyang sutana at tumuloy sa kanyang silid.

18 14
Hindi na lang kumibo ang mga debuto sa inasal ng pari. Karamihan sa mga ito ay mga
matatanda na siyang naatasang mangasiwa para sa nalalapit na kapistahan. Sa gitna ng palitan
ng kanilang mga kuro-kuro ay napag-usapan nila ang tungkol sa usapin ng indulhensiya.

Ayon sa kanilang paniniwala, ang taong maraming indulhensiya ang siyang maliligtas ang
kaluluwa papunta sa Purgatoryo. Nagmayabang ang bawat isa tungkol sa dami ng kanilang
mga naipon para sa kaligtasan ng kanilang mga kaluluwa.

Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay dumating si Sisa, ang ina ng magkapatid na Crispin at


Basilio. Siya ay sumadya sa simbahan upang tanungin si Padre Salvi tungkol sa anak na si
Crispin na nagsisilbing sakristan ng pari.

18 14
ARAL
Ang kaligtasan ng bawat kaluluwa kailanman ay walang katapat na halaga. Hindi
ito nabibili. Tanging kabutihan ng loob ang susi para sa tunay na kaligtasan.

KABANATA
18
KABANATA 19
Karanasan Ng Guro
- Noli Me Tangere -
Sa kabanata na ito lantarang ipinakita ni Rizal kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng
mga prayle para sirain ang kinabukasan ng mga kabataan.

Dalawang lalaki na kapwa nakadamit pang luksa ang tahimik na nagmumuni sa lawa.
Ang mga ito ay sina Ibarra at ang guro. Ikinumpisal ng guro na kasama niya ang
sepulturero at si Tenyente Guevarra sa pagtapon ng bangkay ni Don Rafael sa lawa.

19 14
Mula sa kanyang narinig ay hindi nagalit at tumangis si Ibarra. Sa halip, mas lalo siyang nagka-
interes sa pagkatao ng nasabing guro. Sinabi rin ng guro kung gaano niya ninais na baguhin ang
lumang kairalan sa pagtuturo ngunit siya ay bigo.

Habang tumatagal ay nababawasan ang bilang ng mga bata na nag-aaral. Ang silid aralan na
kanilang ginagamit ay isang kwadra. Pinag-aaralan ng mga bata ang mga litanya ng dasal sa salitang
Kastila. Pinakita rin sa kabanatang ito ang marahas na kaparusahan na binibigay sa bawat kamalian
ng mga bata.

Ayaw ng guro ang ganitong pamamaraan kaya pilit niya itong binago ng patago. Ngunit siya ay
inalipusta at pinarusahan ni Padre Damaso sa harapan ng kanyang mga mag-aaral. Nanlumo si
Ibarra sa mga tinuran ng guro, ngunit binigyan niya ito ng pag-asa na balang araw mababago rin
ang lahat.
19 14
ARAL
Huwag manibugho sa kadiliman ng buhay. Ang bawat araw na darating ay
mayroong kasamang bagong pag-asa.

KABANATA
19
KABANATA 20
Ang Pulong Sa Tribunal
- Noli Me Tangere -
Sa kabanata na ito makikita ang kasamaang dulot ng pagkakaroon ng isang pinuno na alipin ng
mga dayuhan. Kumpleto na ang mga kasapi na nasa bulwagan para sa gaganaping pulong ng
tribunal.

Nahati ang mga ito sa dalawang grupo – ang konsertabatibo ng mga matatanda at ang liberal
ng mga nakababata.

Ang bawat paksiyon ay mayroong panukala para sa nalalapit na kapistahan ng bayan. Ang
gusto ng mga konserbatibo ay isang marangya at magarbong kapistahan. Nais nila na maging
masaya ang mga alkalde at prayle sa gaganaping na selebrasyon.

20 14
Gusto ng mga konserbatibo na magdaos ng dalawang araw na kapistahan at bubuksan ang
lahat ng bahay pasugalan. Kasabay nito ay ang pagtapon ng mga pagkain sa lawa alinsunod
na rin sa tradisyon ni Sila, isang kilalang diktador na Romano.

Ang mga mungkahing ito ay sinalungat naman ng mga partido liberal. Ang gusto nila ay
isang selebrasyon na ang taong bayan ang mapapasaya at hindi ang mga iilan lamang.
Hangarin din nila na ang matitipid na pondo ay gagamitin na lang sa pagpapatayo ng mga
silid aralan.

Hindi ito sinang-ayunan ng mga konserbatibo dahil malulungkot at magagalit ang mga
alkalde at kura kung ganito lang ang gagawin sa kapistahan.

20 14
ARAL
Sa pagtitimbang ng mga layunin laging alalahanin ang karapatan, kalagayan at
kasiyahan ng mga nakakarami laban sa bilang ng iilan lamang.
Ditech

KABANATA
20
KABANATA 21
Kasaysayan Ng Isang Ina
- Noli Me Tangere -
Si Sisa ay isang larawan ng ina na sadyang mahina at marupok kapag nasa kapahamakan ang
kanyang mga anak. Ipinakita ito sa kabantang ito.

Mula sa kinatatayuan ay natanaw ni Sisa ang dalawang sundalo na palabas sa kanilang


tahanan. Hindi nila bitbit si Basilio, tanging ang inahing manok lamang niya ang kanilang
nakuha.

Tinanong si Sisa kung nasaan ang kanyang mga anak pati na ang pera na ninakaw ng mga
ito. Sinabi niya na hindi pa niya nakikita ang kanyang mga anak, kasabay ng pagtatanggol na
hindi sila mga magnanakaw.

21 14
Pinilit ng mga sundalo na isama si Sisa sa bayan upang humarap sa kura. Dito, naranasan niya
ang sobra-sobrang panglalait at pang-aalipusta mula sa mapanghusgang mata ng mga taong
bayan. Pakiramdam niya ay parang mamamatay na siya sa kahihiyan.

Nang makarating siya sa kwartel ng mga sundalo, siya ay paulit-ulit na tinanong. Muli,
pinasinungalingan niya lahat ng mga paratang sa kanila. Dahil dito, hindi naglaon ay nagdesisyon
ang kura na pauwiin siya.

Sa kanyang pag-uwi ay nakakita siya ng maliit na pilas ng damit ni Basilio na mayroong bahid ng
dugo. Siya ay labis na nabahala dahil ang lugar na iyon ay malapit sa bangin. Dahil sa mga
pangyayaring ito ay tuluyan nang tinakasan ng bait si Sisa at siya ay namuhay bilang isang
palaboy.
21 14
ARAL
Ang ina, gaano man kahirap ay hahamakin ang lahat para sa anak na minamahal.
Sadyang hindi masusukat ang kanilang pagmamahal.

KABANATA
21
KABANATA 22
Dilim At Liwanag
- Noli Me Tangere -
Ang kabanatang ito ay tungkol sa pag-uwi ni Maria at ng kanyang Tiya Isabel sa tahanan ng San Diego
dahil sa pistang darating.

Ang pag-uwi ni Maria ay naging salita ng tahanan sapagkat ilang taon rin siyang di nakakapag-uwi sa
bayan niyang sinilangan. Si Maria ay napamahal na sa mga taong bayan dahil sa taglay nitong bait at
kagandahan.

Kaibigan at kilala niya halos lahat ng kanyang mga kapitbahay at kababayan. Lahat ng mga taga San Diego
ay nag-aabang sa kanyang pag-uwi dahil labis nilang kinagigiliwan ang dalaga.

Mas pinag-uusapan ang dalaga dahil simula ng pagbalik nito ay napapadalas ang pagbisita at pagsama ni
Ibarra sa kanya. Sapagkat, niyaya ni Ibarra si Maria sa isang piknik kinabukasan. Natuwa naman si Maria sa
kanyang imbitasyon at agad pumayag sa pamamasyal na inalok ng binata.

22 14
Ngunit sa pagbabalik ng dalaga sa bayan, di maiwasan ng mga tao sa San Diego ang kakaibang
kilos ni Padre Salvi. Napansin din ng dalaga ang pagbabago ng kilos ni Padre Salvi at sinabi ito
sa kasintahan at kababata niyang si Ibarra.

Sinabi niya kay Ibarra ang kanyang napansin at nakiusap na kung pwede sila lamang dalawa ang
sasama sa piknik at di na papuntahin ang mga kura.

Subalit sa mga nangyayari sa bayan ng San Diego, pinaintindi ni Ibarra sa dalaga na kailangan
nila isama ang kura sa kanilang mga pasyang lakad, dahil din sa ikabubuti nila.
Nahinto ang kanilang kwentuhan ng bigla namang nagpakita si Padre Salvi. Humingi ng
paumanhin si Maria sa dalawa upang sila ay maiwan at makapag-usap.

22 14
ARAL
Hindi lahat ng tao na nakapalibot sa iyo na nagsisilbing tagapag-protekta sayo ay
may tunay at malinis na intensyon.

KABANATA
22
KABANATA 23
Ang Pangingisda
- Noli Me Tangere -
Sa kabanata na ito pinapakita ang isa sa mga araw ni Maria sa pag-uwi niya sa bayan ng San
Diego. Kaagapay niya ang mga matatalik niyang kaibigan na sina Iday, Victoria, Sinang, at
Neneng sa may dalampasigan at nagkukuwentuhan at nagbibiruan.

Yun ay madaling araw at may mga ilang kabataan, kadalagahan, at ilang matatandang babae
ang naglalakad papunta sa mga bangka na nakaparada sa dalampasigan. Sila ay may dala-
dalang mga pagkain.

Sumakay sila sa bangka. Tig-iisang bangka ang mga dalaga dahil lulubog ang bangka kung sila
lahat ang sasakay. Bawat dalaga ay may kasamang binata.

23 14
Si Maria at Ibarra ay magkasama, samantala si Victoria naman at si Albino. Sinagwan ang
dalawang bangka papunta sa dagat ng isang lalakeng nagngangalang Elias. Siya rin ang
nagsilbing piloto ng mga bangka.

Sila ay masayang nagmasid-masid sa lawa. Nagpatugtog naman si Maria at umawit ng


Kundiman. Masaya ang lahat sa piknik ng biglang nakahagilap si Elias ng isang buwaya.

Pinagtulungan ni Elias, Ibarra, at ng ibang binata ang pagpatay sa buwaya. Pinasalamatan


naman ni Elias si Ibarra sa pagsagip ng buhay niya. Ng matiwasay na ang lahat, nagpatuloy
ang magkakaibigan sa pangingisda at sa piknik.

23 14
ARAL
Importante ang mga kaibigan sa buhay natin dahil sila ang magiging sandal natin
sa mga panahon na kailangan natin ng tulong. Nagbibigay halaga at saya din sila
sa buhay natin.

KABANATA
23
KABANATA 24
Sa Kagubatan
- Noli Me Tangere -
Sa kabanatang ito ay nasa kalagitnaan pa rin ng piknik ang magkakaibigan na sila Ibarra, Maria,
Victoria, Iday, Elias, Sinang, at Albino.

Sa parehong araw rin na yun ay maaga natapos ang misa ni Padre Salvi at nakapag-almusal siya
agad. Habang nag-aalmusal, bigla siyang nakatanggap ng liham at biglang nawalan ng gana.
Tumungo siya sa gubat.

Nang makarating siya doon, pinauwi niya na ang kanyang sinasakyan. Naglakad siya sa gubat ng
nakarinig siya ng mga boses. Dahan-dahan siyang lumapit sa isang malaking puno.
Nakita niya sa may ilog ang tatlong dalaga na sina Maria, Victoria, at Silang na nagkukwentuhan
at nagtatampisaw sa tubig ilog. Maiging nagtago si Padre Salvi upang pagmasdan ang mga dalaga.
Ilang minuto ay napagpasyahan niyang umalis na at hinanap ang mga kalalakihan.

24 14
Pagdating ng tanghalian ay nag usap-usap ang mga nagpipiknik. Binanggit ni Padre Salvi na
nagkasakit si Padre Damaso kaya di ito nakasama. Maya-maya ay dumating si Sisa at napag-usapan
ang mga nawawala niyang anak. Sa pagdidiskusyon nito, napunta sa matinding pagtatalo si Don
Felipo at Padre Salvi.

Iniwan ni Ibarra ang dalawa na nagtatalo at pumunta sa mga kaibigan niya na naglalaro ng Gulong
ng Palad. Nang naituro ng Gulong si Ibarra, tinanong sa kanya kung natupad na ba ang binabalak
nito. Agad naman siyang sumang-ayon dahil malapit na maitayo ang bahay-paaralan na kanyang
pinaplano.

Inilahad niya ang kasulatan at binigay ito kay Maria at Sinang. Nang makita ito ni Padre Salvi, agad
niya iyong kinuha at pinunit dahil makasalanan ang nasa loob ng kasulatan na yun. Nagalit ang lahat
at pinaalis ang kura. Ilang sandali lang dumating ang Gwardya Sibil at Sarhento, dinakip si Ibarra at
Elias sa pananakit umano kay Padre Damaso.
24 14
ARAL
Masama ang makihimasok sa buhay ng may buhay ng walang pahintulot. Hindi
lahat ng akala nating tama ay tama, at hindi lahat ng akala nating mali ay mali.

KABANATA
24
SALAMAT!
WAKAS
Anong ang tawag nila kay
Pilosopo Tasyo?
sagot: Don Anastacio
Bakit nagpaalam si Tasyo kina Don FILIPO at
Aling Doray kahit madilim ang langit na
linalakaran niya?
SAGOT: Hindi man daw naniniwala ang
Pilosopo rito ay gabay naman daw ito
upang mabuhay nang malinis.
Magkano ang sahod ng magkapatid na
Crispin at Basilio sa isang buwan?
SAGOT: Dalawang piso
Sa isang Kabanata, Saang Bayan
umuwi si Maria CLARA?
SAGOT: San Diego
Saan itinapon ang bangkay
ni Don Rafael?
SAGOT: Lawa
Magbigay ng matalik na kaibigan
ni Maria Clara.
SAGOT: Iday, Victoria, Sinang
at Neneng.
Siya ang nagsilbing piloto ng mga
bangka sa kabanata ‘Ang Pangingisda”.
SAGOT: Si Elias
Ano ang pinagtugtog at inawit
ni Maria Clara?
SAGOT: Kundiman
Magbigay ng isang aral na natutuhan
ninyo sa bawat kabanata.
MARAMING SALAMAT!
MARAMING SALAMAT!
HANGGANG SA MULI!

You might also like