Professional Documents
Culture Documents
Ang Karapatang Pantao
Ang Karapatang Pantao
MULA
PAGKABATA
HANGGANG
KAMATAYAN
Introduksyon
Sa pagkapanganak pa lamang ay nagtatamasa na ng tiyak, di-
maihihiwalay, buo, at di-maitatangging mga karapatan ang tao na
mananatili sa kanya hanggang sa kanyang libingan. Pangunahin sa
karapatan ng tao ang mabuhay nang malaya - malaya sa anumang
paninikil ng kahit na sino, kapwa man niya tao, grupo ng tao, o institusyon sa
lipunan. Kakabit ng "pagiging buhay" ang karapatang matugunan ang
lahat ng mga pangangailangan upang "manatiling buhay" at mabuhay
nang may dignidad at puno ng pagpapahalaga sa sailing kapakanan
bilang tao. Tandaan na walang kinalaman dito ang pagiging makasarili
dahil kailangang mabuhay nang matiwasay ang isang tao upang siya ay
makatulong sa ibang tao na maging ganap ang kanilang pagiging tao.
URI NG
KARAPATAN:
1. Karapatang Likas o Natural
Ang bawat tao ay may karapatang mabuhay. Ang
karapatang ito ay likas at wagas para lahat. Halimbawa nito ay
ang mabuhay nang puspos; ang magkaroon ng sariling
pangalan, identidad pagkakakilanlan, at dignidad; ang
paunlarin ang iba't ibang aspekto ng pagiging tao gaya ng
pisikal, mental, at espiritwal.
2. Karapatang Ayon sa Batas
Mauri pa rin sa dalawa ang ganitong mga karapatan:
Paliwanag: Ang “right to life” ay nagsasabi na hindi puwedeng kitilin ang buhay
ng isang tao. Ang karapatang mabuhay ay hindi lamang tumutukoy
sa pagpapanitiling buhay ng isang tao, kundi maging sa
pagangalaga ng integridad ng kanyang katawan.
Ang “right to liberty” naman ay ang karapatan mong gawin ang
iyong nais nang walang pakiki-alam mula sa ibang tao. Gayun
paman, ang iyong kalayaan ay hindi ganap. Maari mo lang gawin
ang isang bagay kung hindi ito nakaaapekto sa karapatan ng ibang
tao.
Ayon naman sa “righ to property”, maaari kang mag may-ari,
magbenta o gumamit ng iyong mga gamit sa kahit na anumang
paraan basta hindi ito lumalagpas sa mga limitasyong itinakda ng
batas
Seksyon 2: Ang karapatan ng mga taong-bayan na magkaroon ng
kapanatagan sa kanilang sarili, pamamahay, papeles, at
mga bagay-bagay laban sa hindi makatwirang
paghahalughog at pagsamsam sa ano mang layunin ay
hindi dapat labagin, at hindi dapat maglagda ng
warrant sa paghalughog o warrant sa pagdakip
maliban kung may malinaw na dahilan na
personal na pagpapas-yahan ng hukom matapos
masiyasat ang mayhabla at ang mga testigong
maihaharapniya sa ilalim ng panunumpa o patotoo, at
tiyakang tinutukoy ang lugar na hahalughugin, at mga
taong darakpin o mga bagay na sasamsamin.
Paliwanag: Ayon naman sa karapatang ito, hindi maaaring
dakpin ang isang tao, o di kaya’y halughugin ang
kanyang katawan, bahay, at iba pang mga ari-arian
nang walang search o arrest warrant.
May mga pagkakataon na maaring arestuin o
halughugin and gamit ng isang tao kahit walang search
warrant. Tulad na lamang halimbawa, kung ang
isang illegal na bagay ay nakalantad sa publiko,
maaari itong kunin upang maging ebidensiya laban
sa’iyo.
Seksyon 5: Hindi dapat magbalangkas ng batas para sa
pagtatatag ng relihiyon, o nagbabawal sa
malayang pagsasagamit nito. Dapat ipahintulot
magpakailanman ang malayang pagsasagamit at
pagtatamasa ng pagpapahayag ng relihiyon at
pagsamba nang walang pagtatangi o pamimili.
Hindi dapat kailanganin ang pagsusulit
pangrelihiyon sa pagsasagamit ng karapatang
sibil o pampulitika.
Paliwanag: Ang konstitusyon ng Pilipinas ay nagbibigay ng garantiya
sa mga mamamayan ng malayang pananampalataya at
walang pagtangkilik sa kahit na anong relihiyon. Hindi maaring
magpasa ng batas ang pamahalaan upang tumulong at
magbigay ng pabor sa isang partikular na relihiyon. Ang
kalayaang ito ay nahahati sa dalwang aspeto:
Una ay ang kalayaan sa paniniwala. Ibig sabihin nito ay hindi
maaaring pakialaman ng pamahalaan ang nasa loob ng isip ng
mga tao; Samantala, ang ikalwang aspeto naman ay ang
kalayaan na gawin ang iyong pinaniniwalaan. Ito ay
limitado sa kadahilanang may kalakip na itong aksiyon na
maaaring makasama sa ibang tao. Halimbawa, hindi masama
ang na sumamba sa apoy. Ngunit, kung kinakailangan mong
magsunog ng mga bahay upang ipakita ang iyong debosyon,
ibang usapan na ito.
Hindi dapat bawalan ang kalayaan sa paninirahan at ang
Seksyon 6: pagbabago ng tirahan sa saklaw ng mga katakdaang
itinatadhana ng batas maliban sa legal na utos ng hukuman. Ni
hindi dapat bawalan ang karapatan sa paglalakbay maliban
kung para sa kapakanan ng kapanatagan ng bansa,
kaligtasang pambayan, o kalusugang pambayan ayon sa
maaaring itadhana ng batas.