Gaya ng pag-unlad ng isang paniniwala o pananaw sa buhay ng wika au umuusad din. Kaya nagkakaroon ito ng mga pagdaragdag at pagbabago sa pamamagitan ng panghihiram, paglalapi o pagpapaikli. Nililinang ang wika, kagaya nang nangyayari sa wikang Filipino na pinagsikapang umusbong ng Linangan ng Wikang Pambansa. Hindi ba't pumapasok na ito sa larangan ng globalisasyon? 7. ANG WIKA AY ARBITRARYO Walang sinumang makapagpapatunay kung sino ang unang lumikha ng wika at kung saan ito nagmula. MArami nang mga paniniwalang pangwika mula sa Genesis hanggang sa iba't ibang mga teorya tungkol sa pinagmulan ng wika. Isa lang ang matitiyak natin, kaloob ito ng Diyos sa tao bilang espesyal na nilalang dito sa mundo. Arbitraryo dahil sabi ni Archibald Hill, ang tunog ng pananalita at ang kanilang kaugnayan sa mga karanasan ay naipasa mula sa mga ninuno sa komunidad ng gumagamit nito. Dapat maintindihan na ang mga salita ay pawang arbitraryong simbolo lamang dahil ang bawat komunidad o pangkat ay may iba't ibang pakahulugan sa kanilang mga sinasalita. Halimbawa, ang salitang siling na Hiligaynon, ay nangangahulugang sulti sa Cebuano, sabi sa Tagalog, habla sa KAstila, at said sa Ingles.Ang salitang iho sa mga bisaya ay isang malaking isda, pero ang hijo samga kastila ay anak na lalaki. 8. ANG WIKA AY KABUUAN NG MGA SAGISAG NA BINIBIGKAS, NABABASA AT SINUSULAT Alam nating maari tayong makipagkomunikasyon sa pamamagitan ng ibang alternativo ng wika gaya ng pagsasakilos, pagkukumpas, pagsasalarawan at ng expresyon ng mukha o galaw ng mga bahagi ng katawan, ngunit hindi ito sapat. Magiging mas mabisa at makahulugan ang nais ipahiwatig kung ginagamitan ng mga salita sa siyang simbolo ng mga bagay o pangyayari.
Ang salitang kabayanihan ay isang halimbawa
ng salitang hindi maaring isalarawan o ikumpas ngunit mauuunawaan at magiging makahulugan sa pamamagitan ng pagbibigay ng paliwanag na ginagamitan ng wika. 9. ANG WIKA AY MAY ISTRUKTURA Taglay ng bawat wika ang wastong kaayusan ng mga salita sa isang pangungusap. Kasama na rito ang panauhan at panahunan ng mga salita para lalong maunawaan ang lipon ng mga salita o isang texto.