Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 90

MAIKLING KUWENTO AT

NOBELANG FILIPINO
Naipakikita ang kaalaman sa pangkasaysayang
pagunlad ng maikling kuwento at nobelang Filipino
na
may pagbibigay-diin sa mga sangkap at estruktura
pagkabuo nito. Naipakikita ang kaalaman sa
paggamit ng mga estratehiya sa pagsasabuhay ng
mga akda na lilinang sa kritikal at malikhaing pag-
iisip.
Mga Tunguhin ng kurso: Pagkatapos ng
kursong ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
A. Naipakikita ang kaalaman sa pangkasaysayang pag-unlad ng
maikling kuwento at nobelang Filipino na may pagbibigaydiin
sa mga sangkap at estruktura pagkabuo nito;
B. Naipakikita ang kakayahan sa pagpili, pagpapaunlad, at
paggamit ng mga angkop na estratehiya sa pagtuturo ng
maikling kuwento at nobelang Filipino; at
C. Nakasusulat at nakapagtatanghal ng iba’t ibang anyo ng
nobela at maikling kuwento gamit ang malikhaing pag-iisip.
Oryentasyon
sa Kurso
PRELIMINARYONG
PERYOD
Paksa:
1. Ano ang Maikling Kuwento
2. Ang Maikling Kuwento at ang Tradisyong Oral sa
Panitikan
3. Ang Maikling Kuwento Bilang Pamanang
Kolonyal 4. Katangian ng Maikling Kuwento
PRELIMINARYONG
PERYOD
5. Ugat ng Maikling Kwento.
Paksa:
1. Kahalagahan ng Maikling
Kuwento
PRELIMINARYONG
PERYOD
2. Mga Bahagi ng Maikling
Kuwento
Paksa:
1. Banghay
2. Tunggalian
PRELIMINARYONG
PERYOD
3. Tema
4. Tauhan
5. Tagpuan (luna at Panahon)
6. Diyalogo
7. Panauhan
PRELIMINARYONG PAGSUSULIT
PANGGITNANG PERYOD
Paksa:
1. Mga Uri ng Kuwento Batay sa
Layunin
2. Mga Uri ng Kuwento Batay sa
Bilang ng mga Salita
PANGGITNANG PERYOD
Paksa: Mga Uri ng Maikling Kwento batay sa Pamamaraan
1. Kuwento ng Pag-ibig
2. Kuwento ng Romansang pakikipagsapalaran
3. Kuwento ng Madulang Pangyayari
4. Kuwento ng Katatawanan
5. Kwento ng Katatakutan
6. Kwento ng Tauhan
7. Kwentong Makabanghay
8. Kwento ng Katutubong Kulay/Kapaligiran
PANGGITNANG
PERYOD
Paksa: Mga Uri ng Kuwento Batay
sa Tiyak na Mambabasa
PANGGITNANG PAGSUSULIT
PANGWAKAS NA PERYOD
Paksa:
1. Mga Manunulat ng Maikling Kuwento
2. Mga Ambag sa Ilang Manunulat sa
Maikling Kuwento
3. Mga Nagwaging Mga Akda ng Maikling
Kuwento sa Timpalak Palanca
PANGWAKAS NA PERYOD
Paksa: Pagsusuri sa mga Piling ObraMaestra ng
Maikling Kuwento
Paksa: Kasaysayan at Batayan ng Nobela sa Pilipinas
1. Panahon ng Kastila
2. Panahon ng Amerikano
3. Panahon ng Ilaw at Panitik
4. Panahon ng Malasariling Pamahalaan
5. Panahon ng Kasalukuyan
PANGWAKAS NA PERYOD
Paksa:
1. Kahulugan ng Nobela
2. Balangkas ng Nobela
3. Katangian, Layunin at Kahalagahan ng
NobelaPaksa:
1. Ang Mga Sangkap
2. Mga Uri ng Nobela
PANGWAKAS NA PERYOD
Paksa: Elemento ng Nobelang Filipino
1. Banghay
2. Tunggalian
3. Tema,
4. Tauhan
PANGWAKAS NA PERYOD
Paksa: Elemento ng Nobelang
Filipino 1. Tagpuan (Lunan at
Panahon)
2. Diyalogo,
3. Panauhan
PANGWAKAS NA PERYOD
Paksa: Pagsusuri ng Nobelang Filipino
Batay sa Mga Teoryang Pampanitikan
1. Ang Sampung Natatanging Nobelang
Filipino
2. Mga Nobela sa Kontemporaryong
Panahon
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
GRADING SYSTEM:
ATTENDANCE PARTICIPATION QUIZESS, PRELIM,
ASSIGNMENTS, MIDTERM,
PRODUCTS FINAL AND
EXAMINATION
PERFORMANCES

10 % 20% 30% 40%


Maikling Kwento
Ang maikling kwento ay isa sa mga anyo ng
panitikan.
Ito ay maiksing salaysay na naglalaman ng isang
kwentong may mahalagang pangyayari. Sa kabila
ng
pagiging maiksi nito, maaari nitong taglayin ang
lahat
ng elemento ng maikling kwento. Kadalasan, ito ay
mapupulutan ng magandang aral at nag-iiwan ng
panibagong karunungan sa isip ng mga bata.

Maikling Kwento
Ang maikling kwento ay isang anyo ng
panitikan na may layuning magsalaysay
ng mga pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng
isang kakintalan sa isip ng mga
mambabasa.
Maikling Kwento
Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento
ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at
may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong
masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at
dula,
isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang
isang momento lamang o iyong isang madulang
pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing
tauhan.
Si Edgar Allan Poe ang ama ng maikling kwento
sa buong daigdig, si Deogracias del Rosario
naman sa Pilipinas. Si Edgar Allan Poe ay isang
Amerikanong manunulat na kung saan sikat siya
gumagawa ng mga tula at maikling kwento na
nasa genre ng “horror” o “detective ficition”.
Bukod pa rito, siya rin ay kinikilala bilang
kaunaunahang manunulat ng maiikling storya na
mayroong tema ng romantisismo.
Si Edgar Allan Poe ay tinaguriang “ama”
ng maikling kuwento dahil sinasabing
siya ang unang naglahad sa mga tuntunin
ng
maiikling salaysay hinggil sa isang
mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at
may iisang kakintalan o impresyon
lamang.
Si Deogracias del Rosario naman ay
isang mamamahayag at makata na
kinikilala bilang “Ama ng makabagong
maikling kwentong tagalog”. Mas
nakilala siya sa pagsusulat ng maikling
kwento, halimbawa na lamang ng
kaniyang likha na “Kung Ipaghiganti ang
Puso”.
Si Deogracias A. Rosario ang
tinuturing na "Ama ng Makabagong
Maikling Kuwentong Tagalog".
Tinawag rin itong dagli noong
panahon ng mga Amerikano at
ginagawa itong libangan ng mga
sundalo.
Bahagi at
Elemento ng
Maikling Kwento
Mga Bahagi ng Maikling
Kuwento
Panimula Kakalasan
Saglit na kasiglahan Wakas
Suliraning inihahanap Tagpuan
ng lunas Paksang Diwa Tunggalian
Kaisipan
Kasukdulan Banghay
Panimula
Ang panimula ay ang bahagi na
siyang guguhitan ng mga
pangyayari sa kwento. Mahalagang
maging
kapansin-pansin ito upang
mabihag ang kawilihan ng
bumabasa.
Saglit na Kasiglahan
Ang saglit na kasiglahan ay ang bahaging
naglalarawan ng simula patungo sa
paglalahad ng unang suliraning inihahanap
ng
lunas. Dapat maging kaakit-akit ang
bahaging ito sa bumabasa at madama
niya ang
magaganap na pangyayaring gigising sa
kanya ng isang tiyak na damdamin.
Suliraning Inihahanap ng Lunas
Ang suliraning inihahanap ng lunas ay karaniwang
tatlo.
Kung minsan ay humihigit sa tatlo, depende sa
sumusulat ng kwento. Sa bahaging ito ng kwento, ang
mababasa ay
napapagitna sa mga pangyayaring gigising sa kanyang
damdamin. Ang mga pangyayaring ito ang siyang
bumubuo sa mga suliraning inihahanap ng lunas at
lumilikha ng isang kawilihang pasidhi nang pasidhi.

Tunggalian
May apat na uri:
• Tao laban sa tao,
• Tao laban sa sarili,
• Tao laban sa lipunan,
• Tao laban sa kapaligiran o kalikasan.

Kasukdulan
Ang kasukdulan ay ang bahagi ng kwento na
nagsasaad ng pinakamasidhing kawilihan. Ito ay
dapat ilarawan nang mabilisan, tiyak, o malinaw
at
maayos. Upang maging mabisa ang kasukdulan,
ito
ay di-dapat magkaroon ng anumang paliwanag.
Ang kailingan lamang ay ang maayos na
pagkakaugnayugnay ng mga suliraning
inihahanap ng lunas.
Kakalasan
Ang kakalasan ay ang panghuling bahagi
ng kwento na kaagad sumusunod sa
kasukdulan. Ito ay hindi rin dapat
pahabain at bigyan ng paliwanag.
Ipaubaya sa
mambabasa ang pag-iisip at hayaang siya
ang magbigay ng wakas sa kwento.

Wakas
Ito ang resolusyon o ang
kahihinatnan ng kuwento.
Tagpuan
Nakasaad ang lugar na
pinangyayarihan ng mga aksiyon o
mga insidente, gayundin ang
panahon kung kailan naganap ang
kuwento.

Paksang Diwa
Pinaka kakaluwa ng maikling
kuwento.
Kaisipan
Mensahe ng Kuwento
Banghay
Pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari.
Mga Elemento ng
Maikling Kuwento
Tauhan
Tagpuan
Sukat
Tema
Banghay
Estilo ng Pagkakasulat
Tauhan
Ang mga tauhan sa maikling kwento ay mga
karakter na nagbibigay-buhay sa kuwento. Sila
ang nagdadala ng plot at nag-aambag ng
emosyon sa kwento. Mahalaga na ang mga
tauhan ay may kakayahan na magdala ng
tensyon at mabisang makipag-ugnayan sa mga
mambabasa.

Tagpuan
Ang tagpuan ay ang lugar, panahon, at kultura
kung saan nagaganap ang kwento. Ito ang
nagbibigay-konteksto sa mga pangyayari at
naglalagay ng mga limitasyon at kondisyon sa
mga tauhan. Ang maayos na paglalarawan ng
tagpuan ay nagbibigay ng malinaw na larawan
sa isipan ng mambabasa.
Sukat
Ang sukat ay ang kasaysayan ng kwento na
binubuo ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari. Ito ang nagbibigay ng takbo at
kabuuan sa kwento. Ang pagkakaayos ng mga
pangyayari ay maaaring maging linear o hindi
linear, ngunit mahalaga na ito ay maliwanag at
nagbibigay-kasiyahan sa mga mambabasa.

Tema
Ang tema ay ang pangunahing ideya o
kaisipang binabanggit ng kawento. Ito ang
mensahe o
kahulugan na nais ipahayag ng manunulat sa
kanyang mga mambabasa. Ang tema ay
maaaring tungkol sa pag-ibig, kalayaan,
pagkakaibigan, o anumang may kahalagahang
konsepto sa buhay.
Banghay
Ang banghay ay ang pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari sa kwento. Ito ang naglalagay
ng mga suliranin, tunggalian, at paglutas ng
problema. Sa pamamagitan ng maayos naa
banghay, naaakit ang mga mambabasa at
nabibigyan ng interes sa kwento.

Estilo ng Pagsulat
Ang estilo ng pagsulat ay ang paggamit ng
wika, salita, at mga teknik upang
maipahayag
nang malinaw at kahanga-hanga ang
kuwento.
Ito ang nagbibigay ng tunay na pagkakaiba sa
bawat manunulat at nagbibigay-buhay sa
kwento sa pamamagitan ng mga imahinasyon
at detalye.
Ang Maikling
Kuwento at ang
Tradisyong Oral sa
Panitkan
Ang Maikling Kuwento at ang
Tradisyong Oral sa Panitkan
Tatlong paniniwala sa kalikasan ng tradisyonal na
maikling kwento (EdgarAllan Poe)
1. Maikli lamang ito at nababasa sa isang upuan.
2. may binubuong banghay ukol sa isang
protagonista o pangunahingtauhan.
3. may nilalayon upang makalikha ng isang
kakintalan.
Kwentong Bayan o
Sinaunang Salaysay
Nasa anyo ng oral o
pasalitang pamamaraan
Panitikang-bayan
Anyo ng pagsasalaysay na sinaunang anyo ng
sining.
a. Alamat
b. Mito
c. Pabula
d. Epiko
e. Kwentong bayan
Bago pa man naging matatag ang maikling
kuwento, maypagtatangka na para mabigyang
hugis ang nasabing-anyo.
1.Exemplum o ejemplo (R.C. Lucero,1994)
2.Cuadro
3.Dagli (1902) o pasingaw (Teodoro Agoncillo,
1965)
4.Pinadalagan o binirisbis (Bisaya)
5.Instantea o rafaga ( manunulat sa Wikang
kastila)
Dagli - Ayon kay Patricia
MelendrezCruz, ang unang anyo
ng maikling kwentong Tagalog,
lumitaw sa unang dekada ng
pananakop ng Amerika sa mga
makabayang pahayagan.
AngMaikling
Kuwento Bilang
Pamanang
Kolonyal
Ang Maikling Kuwento
Bilang Pamanang Kolonyal
Ang modernong maikling kwento ang
“pinakaabuso sa mga anyong
pampanitikan sa bansa. Ayon kay Rolando
Tolentino
(2000), ipinakilala ang anyong ito sa
pampublikong edukasyong itinaguyod
noong panahonng Amerikano Dalawang
Modelo ng Pagsulat ng Maikling
Kuwento (Rolando Tolentino)
1.Guy de Maupassant, paglalagay ng pihit
(twist) sa resolusyon ng kuwento at ang
paraan ng pagsalaysay na eksternal na
aksyon.
2.James Joyce, paglikha ng tahimik na
yugto ng pagkamulat sa wakas ng
kuwento.
Ambag ni E. M. Forsters, ang
konsepto ng tauhan batay
sapagunlad nito sa kuwento.
1.Flat character ( estereotipo at
pasibong tauhan)
2.Round Character ( dinamiko at
aktibong tauhan)
Kwentong may katutubong kulay,
naglalahad sa mgakatangian, kakintalan at
pagtangi sa isang isang tiyak nalokalidad at
sa mga mamamayan nito.Ambag naman
nina
Nathaniel Hawthorne, Herman Melville,at
Henry James ang pagdidiin sa mga bagay
na subhetibo at pangangapa sa mga haka
imbes sa kilos o aksiyon sa banghay.
• Kay Ernest Hemingway, ang mga detalye
ng realidad na may kahalagahan at
kaangkupang pisikal.
• Kay George Eliot, ang matukoy ang
kasangkapang foreshadowing o pahiwatig.
• Si Emile Zola, ang lunan ay nararapat
humulma sa kilos, gawi at pag-iisip ng
mga tauhan.
• Gustave Faubert, nakabatay sa lunan ang
kabuuang daloyng kuwento.
•“Dapat ikahiya ang bumabatis na luha sa panitikan”
•“Senyal ito ng di-madisiplinang simbuyo ng
damdamin”( Valery at T.S. Eliot)
• Ambag ni O. Henry , ang pinakagamiting
nakagugulat napaksa.
• May sinusundang pormula ng didak sismo,sen
mentalismo, at melodrama ang maikling
kwentongnalalathala sa komersyal na magasin.
MGA KATANGIAN
NG
MAIKLINGKUWENTO
Mga Katangian ng Maikling
Kuwento
1.Tumatalakay sa isang madulang bahagi ng
buhay.
2.Gumagamit ng isang pangunahing tauhang
maymahalagang suliranin at ng ilang ibang mga
tauhan.
3.Gumagamit ng isang mahalagang tagpo o
ngkakaunting tagpo.
Mga Katangian ng Maikling
Kuwento
4. Nagpapakilala ng mabilis na
pagtaas ng kawilihanhanggang sa
kasukdulan na sinusundan kaagad ng
wakas.
5. Nagtataglay ng iisang impresyon o
kakintalan.
UGAT NG
MAIKLINGKWENTO
MITOLOHIYA
•Ito’y salaysay tungkol sa iba’t ibang Diyos
na pinaniniwalaang mga sinaunang
katutubo.
• Ang salaysay na ito ay tungkol sa
mgakababalaghan at tungkol sa kanilang
mga pananalig at paniniwala sa mga
anito.
ALAMAT
• Ito ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol
sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
• Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga
pangyayari hinggil sa tunay napinagmulan ng mga tao
at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan.
Mga Halimbawa:
• Si Malakas at Maganda
• Alamat ng Pinya
• Ang Alamat ng Pinagmulan ng Lahi

KUWENTONG BAYAN
• Ang kuwentong bayan ay mga salaysay hinggil sa mga
likhangisip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uring
mamamayan, katulad ng matandang hari,isang marunong na
lalaki, o kaya sa isang hangal na babae.
• Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na
pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang
mga alamat at mga mito.
Halimbawa:
• Maria Makiling
• Mariang Sinukuan

PARABULA
Isang uri ng maikling kwento na ang karaniwang
gumaganap ay mga tao. Ito ay naglalarawan ng
katotohanan o tunay na pangyayari sa ating buhay. Ang
parabula ay tulad din ng pabula na kinapapalooban ng
aral. Kalimitang hango ito sa bibliya.
Mga Halimbawa:
• Ang mabuting Samaritano
• Ang Publikano at ang Pariseo
• Ang Lagalag na Anak
PABULA
Ito ay mga maikling kwento na ang mga tauhan
ay mga hayop kung saan ay napupulutan din ng
mga magagandang aral ng mga mambabasa.
Halimbawa:
• Bakit Dala-Dala ni Pagong ang kanyang Bahay
• Bakit Laging Nag-aaway ang Aso, Pusa atDaga
• Ang Lobo at ang Ubas
ANEKDOTA
Ito ay maikling kwento ng isang nakakawiling insidente sa buhay
ng isang tao. Ang isang anekdota ay isang maikling akda.Bunga
nito,ay dapat pagsikapan na ang mga pangungusap lalong-lao na
ang pambungad na pangungusap ay maging kapanapanabik. Ang
isang magandang simula ay magbibigay ng pagganyak sa mga
mamababasa at mahihilig upang ipagpatuloy ang kanilang
pagbasa ng anekdota.
Halimbawa:
• Ang nalaglag sa ilog na tsinelas ni Jose Rizal
• Nagrereklamo na Takot

Maraming
Salamat!
Pagsusulit Bilang 1
Gawain Bilang 1

You might also like