Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Sa mga Mag-aaral,

Isang malugod na pagtanggap sa kursong Pagbasa at Pagsusuri


ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Ang kursong ito ay
napatutungkol sa pag-aaral sa proseso ng pagbasa at pagsusuri ng
iba’t ibang anyo at uri ng teksto na nakatutulong sa pagbuo at
pagsulat ng sistematikong pananaliksik. Ang paggawa at pagpasa sa
mga pangangailangan ng kurso ay siyang pangunahing susi sa
pagpasa ng naturang asignatura. Isa sa tunguhin ng kurso ang
mapalawak ang kaalaman at magkaroon ng sapat na kakayahan
ang bawat mag-aaral sa pagsusuri, paggamit ng wikang Filipino at
pagbuo ng isang masinop na pananaliksik upang makipagsabayan
sa globalisasyon.

Mga Guro sa Kagawaran ng Filipino

Sa modyul na ito, makikita ang mga sumusunod na bahagi:

Sa bahaging ito makikita ang tunguhin ng bawat


LAYUNIN
paksa at gawain na inaasahang matamo ng
bawat mag-aaral.

Sa bahaging ito, tatalakayin ang mga paksa ng


bawat aralin na makatutulong upang maunawaan
NILALAMAN
ang ang mga konsepto at kasanayan na dapat
matamo ng maga-aaral.

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga


PAGTATASA paunang gawain na tatasa sa kaalamang natamo
ng mga mag-aaral.

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga


KARAGDAGANG
karagdagang babasahin, videos at iba pa na
BABASAHIN/PANOORIN
makatutulong sa pag-unawa ng aralin.

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga ginamit


SANGGUNIAN
na babasahin sa pagggawa ng aralin at gawain.

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga


gawaing hahasa at magtataya sa mga
PAGTATAYA
natutuhang konsepto at kasanayan ng mag-aaral.

©2022 Pagbasa at Pasusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik 2 | P a g e


LAYUNIN
a. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa;

b. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong


binasa; at
c. Nasasagot nang wasto at may katapatan ang mga katanungang
inihanda.

IBA’T IBANG URI NG TEKSTO


(IMPORMATIBO at DESKRIPTIBO)

A. TEKSTONG IMPORMATIBO (Ekspositori)


 Ito ay mga tekstong nagpapaliwanag at nagbibigay ng mga bagong
impormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano,
kalian, saan, sino at paano.

 Pangunahing layunin ng tekstong ito ang magpaliwanag sa mambabasa ng


anumang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig o naglalahad ito ng
tunay na pangyayari.

Katangian ng Tekstong Impormatibo


1. Ang tesktong impormatibo ay naglalahad ng sanhi at bunga.
2. Maaaring pinaghahambing ang dalawa o higit pang mga pangngalan.
3. Ito rin ay maaaring pagbibigay ng kahulugan ng isang bagong salita.
4. Paglilista ng klasipikasyon - ipinapaliwanag kung ano ikinaiba ng isang termino sa ibang
salitang kauri nito.

Mga halimbawa:
1. Pananaliksik Papel (Research Paper)
2. Pahayagan (newspaper)
3. Encyclopedia
4. Talambuhay
5. Mga Legal na dokumento at iba pang katha na walang halong opinion ng manunulat

Halimbawa ng talambuhay:
Ang ating pambansang bayani ay si Doctor Jose Protacio Mercado Rizal y Alonso
Realonda. Anak siya ng mag-asawang Teodora Alonso at Francisco Mercado.I
Ipinanganak siya noong June 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Namatay siya noong ika-
30 ng Disyembre taong 1896 sa pamamagitan ng firing squad. Marami siyang tinapos na kurso
kabilang na ang medisina.
Isa rin siyang pintor at iskulptor. Ngayong Disyembre 30, 2019 ang ika- isangdaan at
dalawampu’t tatlong taong anibersaryo ng kanyang pagkamatay.

(https://philnews.ph/2020/02/25/halimbawa-ng-tektstong-impormatibo-mga-halimbawa-ntio/)

May iba't ibang uri ang tekstong impormatibo depende sa estruktura ng paglalahad nito:
a) Sanhi at Bunga - ito ay estruktura ng paglalahad na nagpapakita ng pagkaka-ugnay ng mga
pangyayari at kung paanong ang kinalabasan ay naging resulta ng mga naunang
pangyayari. Sa urng ito, ipinaliliwanag ng manunulat ang malinaw na relasyon sa dalawang
bagay at nagbibigay ng pokus sa kung bakit nangyari ang mga bagay (sanhi) at ano ang
resulta nito (bunga)
b) Paghahambing - ang mga tekstong nasa ganitong estruktura ay kadalasang nagpapakita ng
mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anomang bagay,konsepto o pangyayari.

©2022 Pagbasa at Pasusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik 3 | P a g e


c) Pagbibigay-depinisyon - ipinaliliwanag ng ganitong uri ang kahulugan ng isang salita, termino
at konsepto. Maaaring ang paksa ay tungkol sa isang konkretong bagay gaya ng uri ng
hayop, puno o kaya naman ay mas abstraktong mga bagay gaya ng katarugan o pag-ibig.
d) paglilista ng Klasipikasyon - ang estrukturang ito ay kadalasang naghahati-hati ng isang
malaking paksa o ideya sa iba't ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ng
pagtalakay. Nagsisimula ang manunulat sa pagtalakay sa pangkalahatang kategorya at
pagkatapos ay bibigyang-depinisyon at halimbawa ang iba't ibang klasipikasyon o grupo sa
ilalim nito.

B. TEKSTONG DESKRIPTIBO (Naglalarawan)


Layunin nitong maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon, at iba pa.
Nagtataglay ito ng mga impormasyong may kinalaman sa katangian ng mga tao, bagay, hayop,
lugar at mga pangyayari. Maaari din itong magpahayag ng pagkakaiba o pagkakatulad ng
mga bagay-bagay.

Katangian ng Tekstong Deskriptibo

1. May malinaw at pangunahing impresyon na nalilikha sa mambabasa.


2. Maaaring maging obhektibo o subhektibo at maari gumamit ang manunulat ng iba’t ibang
tono at paraan sa paglalarawan.
3. May espisipiko at naglaman ng mg konkretong detalye.

Uri ng Tekstong Deskriptibo


1. Karaniwan – Ito tahasan o simpleng paglalarawan sa mga bagay-bagay. Gumagamit ito ng
mga pang-uri o pang-abay na madaling maunawaan.

Halimbawa: Ang paaralan ay isang mahalagang sector ng ating lipunan dahil tumutulong ito
sa paghubog sa mga kabataan.

2. Masining – Layunin nitong magkintal ng isang imahe sa isipan ng mambabasa sa


pamamagitan ng pagbibigay ng mga detalye at mga makukulay o malikhaing deskripsyon
ng tagapagsalaysay. Maaari rin itong gamitin ng mga tayutay at idyoma.

Halimbawa:
Noon ay mataimtim na minalas ni Impong Sela ang kanyang lalabing-animing taong apong
lalaki sa kanyang pagkakahigang walang katinag-tinag. Sa ilalim ng maputing kumot, ang
kanyang apong nakatihaya ay matuwid na katulad sa isang bangkay at walang kalikos-kilos,
maliban marahil sa, paminsan-minsang pagkibot ng kanyang mga labi…
(halaw sa maikling kwento ni Epifanio G. Matute, 2009)

Mga Tayutay na maaaring makatulong sa Masining na Paglalarawan:

1. Pagtutulad (Simile)
Halimbawa: Ang puso niya ay kasingtigas ng bato.
Kasingningning ng bituin ang iyong mata.
(tulad ng, tila, sing, magkasing, kasing, kaysa, kumpara sa, higit sa at marami pang iba)

2. Pagwawangis (Metaphor)
Halimbawa: Ang puso niya ay bato.
Ang lungkot na iyong nadarama ay bato sa aking dibdib.

3. Pagsasatao (Personification)
Halimbawa:
Naghahabulan ang malalakas na bugso ng hangin.
Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.
Matalinong mag-isip ang bagyo kaya lilihis sa ating bansa.

©2022 Pagbasa at Pasusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik 4 | P a g e


4. Pagmamalabis (Hyperbole)
Halimbawa:
Pasan niya ang daigdig sa dami ng kaniyang problema.
Abot langit ang pagmamahal niya sa anak

5. Paghihimig (Onomatopoeia)
Halimbawa:
Malakas ang dagundong ng kulog.
Dinig na dinig ang tik-tak ng orasan.
Kalabog ng pinto ang gumising sa kanya.

KASANGKAPAN SA MALINAW NA PAGLALARAWAN

A. WIKA
Ginagamit ng isang manunulat ang wika upang makabuo ng isang malinaw at
mabisang paglalarawan na karaniwang ginagamitan ng pang-uri at pag-abay

B. DETALYE
• Ang malinaw na paglalarawan ay hindi nangangahulugang “Simple lamang o mababaw
lamang” na paglalarawan.
Halimbawa: Magandang Dilag
Halimbawang detalye: Ang magandang dilag ay may mahaba at makintab na
buhok.

C. PANANAW
• Maaaring magkaiba-iba ang paglalarawan ng isang tao, bagay, pook o pangyayari salig na
rin sa karanasan at saloobin ng taong naglalarawan.
• Bilang Manunulat, kailangang maging angkop at maging sensitibo sa paglalarawan.

D. IMPRESYON
• Ang layunin ng paglalarawan ay makabuo ng malinaw na larawan sa imahinasyon ng mga
mambabasa, mahalaga na isaaalang-alang ng manunulat ang kabuuang imahen na
mabubuo sa imahinasyon ng babasa mula sa paraan ng paglalarawan.

PAGNILAYAN NATIN:

Two Roses and a Thorn:


Magbigay ng dalawang konsepto na naunawaan sa paksang aralin na
tinalakay at magbigay ng isang konsepto na nais pang mabigyan ng linaw.
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

©2022 Pagbasa at Pasusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik 5 | P a g e


MGA KARAGDAGANG BABASAHIN AT PANOORIN

Youtube: Tekstong Impormatibo


https://www.youtube.com/watch?v=IaRi3J8juqM

Youtube: Tekstong Deskriptibo


https://www.youtube.com/watch?v=FgKw-34-Q8A

https://takdangaralin.ph/teksto//

MGA SANGGUNIAN

Garcia,L.C., Gonzales, C.C., Gozom, B.P., Cantre,M.C., Lartec, N.C.,


Domalanta,M.B.,& Adraneda.,G.C.(2012).Kalatas: pagbasa at pagsulat
tungo sa pananaliksik.(Bagong Edisyon).Jimcyzyville Publishing House.
Sikat,C. D.(2016). Pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa
pananaliksik. Rex Publishing House.
Gala, N. ( 2017)Tekstong Deskriotibo -Filipino. Retrieved from
https://www.slideshare.net/NicoleGala/tekstong-deskriptibo-filipino

©2022 Pagbasa at Pasusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik 6 | P a g e

You might also like