Esp Las Grade 5 Week 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

5

Activity Sheets sa
Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Quarter 2 – MELC 22
Pagmamalasakit sa Kapwa, Gagawin Ko!

REGION VI – WESTERN VISAYAS

REGION VI – WESTERN VISAYAS


Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Learning Activity Sheet (LAS) na ito


ay inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 .- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet


Edukasyon sa Pagpapakatao 5

Writer: Charito C. Dajao


Editor: Josephine S. Tero
Quality Assurance: Gualberto A. Dajao

Division of Bacolod City Management Team:


Gladys Amylaine D. Sales
Michell L. Acoyong
Janalyn B. Navarro
Gualberto A. Dajao

Regional Management Team:


Ma. Gemma M. Ledesma
Josilyn S. Solana
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Miriam T. Lima

Ellen G. De La Cruz
Pambungad na Mensahe
MABUHAY!
Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Learning Activity Sheet (LAS) na ito
ay nabuo sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Division of Bacolod
City sa pakikipagtulungan ng Kagawaran gn Edukasyon, Region 6 – Kanlurang
Visayas sa sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division (CLMD).
Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating
mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng
Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa
kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang
buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-
alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Learning Activity Sheet (LAS) na ito


ay binuo upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa
larangan ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa
kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang
komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto
sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan
ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Learning Activity Sheet (na ito ay


binuo upang matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka
ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng
makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain
nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.
Quarter 2, Week 1

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 1

Pangalan ng Mag-aaral:______________________ Grado at


Seksiyon:__________ Petsa: ______________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 5

Pagmamalasakit sa Kapwa, Gagawin Ko!

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nakapagsisimula ng pamumuno para makapagbigay ng kayang tulong
para sa nangangailangan

1.1. biktima ng kalamidad


1.2. pagbibigay ng babala/impormasyon kung may bagyo, baha, sunog,
lindol, at iba pa (EsP5P – IIa –22)

II. Panimula
Ang pagmamalasakit sa kapwa lalo na sa pamilya ay bahagi ng ating
responsibilidad bilang nilalang. Sa pagmamalasakit, nararamdaman natin
ang hirap at sakit ng iba. Dahil dito hinihingi sa atin ng sitwaswon na
kumilos at gumawa ng mga bagay na makatulong sa kanila.
Sa panahong ngayon kung saan may pandemiya, marami ang
naapektuhan. May mga nagkakasakit, may mga nawawalan ng trabaho,
may mga nagugutom. Maliban pa sa pandemiya, may mga natural na
sakuna na dumating sa ating bayan tulad ng bagyo, pagputok ng bulkan,
pagguho ng lupa, baha at lindol.
Sa ganitong panahon dapat nakahanda tayong gawin ang pagtutulungan
sa paraan ng sama-samang pagkilos upang makaiwas at mailigtas mula
sa kapahamakan. Sa ngayong panahon gamitin din natin ang ating puso
para mararamdaman ang hirap ng iba. Halimbawa: pagbibigay ng pagkain
sa mga nagugutom, pagbibigay ng lumang damit para sa mga
nasusunogan, magpadala ng mainum na tubig sa lugar na nasasalanta ng
bagyo, tumulong sa pamilya sa paghanda ng mga kakailanganin sa
pagdating nga malakas na ulan tulad ng pagkain, tubig, kahoy, at iba pa.
Subalit ang pamumuno sa mga gawaing tutulong sa nangangailangan ay
gawain ng di karaniwang bata ngunit kahit bata pa man ay maaring
makapagsimula ng paggawa ng mga bagay na nakakatulong sa kapwa.
III. Mga Sanggunian

DepEd MELCs 2020

IV. Mga Gawain

1. Panuto: Basahing mabuti ang mga pinapagawa sa bawat pagsasanay


sa ibaba.

2. Pagsasanay

Unang araw

Mga Tama Mong Gawin: Piliin ang tamang gagawin batay sa isang
sitwasyon. Isulat ang titik lamang.

1. Isang araw na lumilindol nang malakas nang nakikita mo ang isang


matanda na naghahanap ng mahawakan upang hindi sya
matutumba. Ano ang inyong gagawin?
a. Tatawag ako ng maaring tumulong
b. Alalayan ko siya para hindi matutumba.
c. Bigyan ko siya ng makakapitan.
d. Lahat ng mga nabanggit.

2. Hindi pa tayo nakaraos mula sa COVID 19, may narinig naman


kayong anunsyo mula sa PAG-ASA na may darating na malakas na
pag-ulan sa susunod na araw. Upang makapaghanda ang iyong
mga kapitbahay, ano ang gagawin mo?
a. Magpapatawag ako ng pulong sa aming barangay para sabihin
sa kanila.
b. Ititext ko ang mga kaibigan ko sa aming barangay.
c. Ako mismo ang mag-iikot para sabihin sa kanila ang balita
d. Mananahimik na lang sa bahay.

3. May ilang bahay ang nasunog sa kabilang barangay. Wala


naisalbang mga gamit lalo na ang mga damit para sa mga bata.
Ano ang gagawin mo para makatulong?
a. Hihingin ko ang mga lumang damit ng mga kaklase at
ipamimigay sa nasunugan.
b. I-ipunin ko ang aking sariling lumang damit at ibigay sa mga
nasunugan.
c. Magpopost ng message sa social media na tutulong sa mga
nasunugan.
d. Lahat ng mga nabanggit
4. May sakit ang iyong inay at hindi siya makapagtrabaho ng mga
gawaing bahay. Ano ang iyong gagawin na magpapakita ng
pagmamalasakit?
a. Magpakabait ako at hindi gagawa ng pasaway.
b. Alayan ko si nanay sa paghanap at pag-inom ng gamot, at
paghanda ng makain.
c. Ako muna ang gagawa ng mga gawaing bahay tulad ng
paglilinis, paglalaba at iba pang gawain.
d. Lahat ng mga nabanggit.

5. Namatay ang tatay ng kaklase mo dahil sa COVID 19. Paano mo


ipakita ang pagmamalasakit?
a. I-mimessage ko siya at sabihing nakikiramay ako sa kanila.
b. Mag-iipon kami ng pera ng mga kaklase at ibigay sa kanya.
c. Mamumuno sa paggawa ng virtual prayer meeting para
ipagdasal ang yumaong tatay ng aming kaklase.
d. Lahat ng mga nabanggit.

Ikalawang araw:

Pagpapakita ng Pagmamalasakit sa Kapwa: Gamit ang iyong angking


kakayahan, tulad ng pagdodrawing o pagpipinta, paggawa ng kanta o
tula o maikling kwento, gumawa ng isang paglilikha na nagpapakita ng
pagmamalasakit sa kapwa. Maari ring gumawa ng picture o video na
aktwal na nagpapakita na ikaw ay nagmamalasakit sa kapwa at
pamilya. Isumite ito sa iyong guro.

Mga Batayang Tanong:

1. Bilang bata, ano sa palagay mo ang makakaya mong gawin para


maipakita ang magmamalasakit sa kapwa at pamilya?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

2. Sa aktwal na karanasan mo, may natulungan na ba kayong


nangangailan ng iyong tulong? Ikuwento mo.
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

3. Ano ang pakiramdam mo tuwing may natutulungan kayo?


__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
V. Repleksiyon

1. Ano ang mga mahalagang bagay na natutunan mo mula sa ating


leksyon?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

2. Paano mo isabuhay ang iyong mga natutunang leksyon?


__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

3. Ano ang iyong mga iminumungkahi na gawin upang mapaunlad mo ang


iyong pag-aaral gamit ang activity sheet na ito?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

VI. Susi sa Pagwawasto

d
Paliwanag: lahat ng mga nabanggit ay maaring mong gawin
b
Paliwanag: dahil dapat may social distancing at hindi pa pinapayagan na lumabas
ng bahay ang mga bata, hindi pwede ang sagot na a, c at d. Ang pwede lang
gawin ay ang magtext.
d
Paliwanag: lahat ng mga nabanggit ay maaring mong gawin
d
Paliwanag: lahat ng mga nabanggit ay maaring mong gawin
d
Paliwanag: lahat ng mga nabanggit ay maaring mong gawin

Unang Araw:

You might also like