Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Republika ng Pilipinas

Rehiyon VIII

EASTERN VISAYAS STATE UNIVERSITY

Kolehiyo ng Sining at Agham

Departamento ng Wika at Literatura

Main Campus

Tacloban City, Leyte

Batsilyer ng Sining sa Filipino

"MGA ISTILO AT ESTRATEHIYA NG PAGKATUTO SA PAGTUTURO NG


WIKANG FILIPINO SA MGA MAG - AARAL NG BSF NA NASA UNANG
TAON NG KOLEHIYO SA EVSU"

Isang pananaliksik na iniharap kay:

Propesor Jovito Madeja

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa Pangangailangan ng Asignaturang

RES 001: Thesis

Inihanda nina :

Cadion, Reshel

Limpin, John Harvey

Peliño, Gene Kenneth


Kabanata I

INTRODUKSYON

Sanligan ng Pag-aaral

"The task of educators is to enhance the capabilities of the students for

them to accomplish holistic growth" (Dotong 2014). Ang edukasyon ay hindi

lamang nagtuturo ng kaalaman kundi isa rin itong instrumento kung paano

tayo nakatatanggap ng kaalaman mula sa ibang tao. Ayon kay Banks et al.

(1988) “Lahat ng estudyante ay natututo, ngunit hindi lahat ay natututo sa

parehong paraan." Ang mga mag-aaral ay may iba't ibang istilo ng pagkatuto

at hindi masasabi na ang istilo ng pagkatuto ng isang tao ay mabuti at hindi

maganda. Ang iba ay nakakakuha ng impormasyon sa pamamagitan ng

pakikinig, habang ang iba ay mas natututo sa pagbabasa, pangangatwiran, at

sa kanilang naging karanasan. Ang iba't-ibang paraan ng pagkatuto na ito ay

tumutukoy bilang istilo ng pagkatuto (as cited on “Teaching and Learning”,

2003)

Ayon kay (Felder, 1993), ang mga guro ay may iba't-ibang estratehiya

sa pagtuturo sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang ilan sa kanila ay

gumagawa ng lektura, pagtatalakay, at pag-uulat. Ang ibang guro ay

nakasentro naman sa pagtuturo ng mga prinsipyo, tungkulin, pagsasaulo at

pag unawa. Responsibilidad ng mga guro na tulungan ang mga mag-aaral sa

pamamagitan ng pagbibigay ng mga estratehiya na angkop sa kanilang istilo

ng pagkatuto, ngunit sariling obligasyon ng mga mag-aaral na hikayatin ang

kanilang mga sarili na gamitin ang kanilang mga istilo ng pag-aaral nang mas

epektibo. Gayunpaman, dapat alam ng mga mag-aaral ang pamamaraan na


angkop para sa kanilang antas ng katalinuhan, personalidad, edad, at layunin

sa pag-aaral ng wika (Felder, 1993).

Nalaman sa pag-aaral ni Felder (1993) na: kapag may hindi

pagkakatugma ang mga istilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa estratehiya

ng pagtuturo ng isang propesor, ang mga mag-aaral ay nawawalan ng interes

na makinig, hindi aktibo sa klase, mabababa ang marka sa pagsusulit,

nawawalan ng interes sa piling kurso, kurikulum, at ilan sa mga kaso ay

lumilipat sa ibang kurikulum at humihinto sa pag-aaral.

Sinabi ni Jenkins (n.d.) na, “Student outcomes are the bottom line of a

school program” (gaya ng binanggit sa Stitt-Gohdes, n.d.). Samakatuwid, ang

mga guro ay dapat maging considerate sa kanilang mga istilo ng pagtuturo.

Kailangan nilang umangkop sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral at

bumuo ng mga sitwasyon sa pag-aaral na mag-uudyok sa mga mag-aaral na

maging interesado sa kung paano nila pinipiling matuto.

Balangkas Teoritikal

Ang pag-aaral na ito ay iniayon sa modelo ni Kolb (1984) ukol

sa mga istilo ng pagkatuto kung saan ito ang pinakakilala at pinakaginagamit

na teorya sa larangan ng pedagohiya. Naniniwala siyang ang pagkatuto sa

wika ng isang indibidwal ay nakakamit sa pamamagitan ng kanilang personal

na karanasan sa buhay at mga pangangailangan ng kanilang paligid na

ginagalawan. Ayon sa kanya, ang experiential theory ay nagpapakita na ang

pagkatuto ay may apat na stage cycle. Una, ang kanilang direktang

karanasan ay ang basehan ng pagsusuri. Pangalawa, ang repleksyon ng

bawat isa sa pamamagitan ng nasabing pagsusuri, kung saan mula dito,


makalilikha ng mga teorya tungkol sa mga kahulugan ng mga impormasyong

ibinahagi. Sa ikatlong yugto, ang mga mag-aaral ay bubuo ng isang konsepto

at ebalwasyon base sa mga palagay na kanilang ginawa. Panghuli, ang mga

mag-aaral ay magsasagawa ng aplikasyon ukol sa mga implikasyon tungkol

sa mga nabuong konsepto sa pang-araw-araw na mga sitwasyon at

kaganapan.

Ang mga teoryang ito ay sinusuportahan ng iba’t ibang mga teorya ng

wika sa pagkatuto na nagpapakilala sa kung papaano ito nakakamit sa

pamamagitan ng paggamit ng mga nararapat na mga istilo ng pagkatuto.

Ang pangunahing teorya ay ang teorya ng behaviorism ni J. B. Watson

na orihinal na ginagamit bilang teorya para sa mga sikolohikal na pag-aaral.

Ito ay tungkol sa pagsusuri sa pag-uugali ng isang tao sa pamamagitan ng

mga naoobserbahang aspeto—mga pagtugon sa mga interaksyon. Ayon sa

mga behaviorists, ang istilong ginagamit ng mga bata sa pagkatuto ay sa

pamamagitan ng panggagaya o imitasyon.

Ang pagkatuto sa isang wika ay nakakamit sa pamamagitan ng tuloy-

tuloy na pag-eensayo (Bloomberg, 1993). Ang proseso ng pagkatuto ng wika

ay may ugnayan sa pagkatuto sa iba’t ibang disiplina. Ang teoryang ito ay

mula sa ideya ng pagkakaugnay ng stimulus o ganyak at response o tugon.

Ayon sa obserbasyon ng mga behaviorists, ang mga mag-aaral ay

nahahantad sa mga stimulus mula sa kanilang kapaligiran at mula sa mga

kontekstong mula rito. Ang pag-uugali ay nabubuo dahil sa kanilang pagtugon

sa mga stimuli na ito sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagpapatibay at

pagtatagpo.
Isa pang teorya ay ang teorya ng interaksyonismo. Ang bawat

indibidwal ay may likas na mekanismo sa pagkatuto ng wika na may

komprehensibong teorya tungkol sa mga kahulugan tungkol sa mga

impormasyong ibinahagi. Sa ikatlong yugto, ang mga mag-aaral ay bubuo ng

isang konsepto at ebalwasyon base sa palagay ng kanilang ginawa. Panghuli,

ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng aplikasyon ukol sa mga implikasyon

tungkol sa mga nabuong konsepto sa pang-araw-araw na mga sitwasyon at

kaganapan.

Ang mga teoryang ito ay sinusuportahan ng ibat-ibang mga teorya ng wika

sa pagkatutoo na nagpapakilala sa kung papaano ito nakakamit sa

pamamagitan ng paggamit ng mga nararapat na mga istilo ng pagkatuto.

Ang pangunahing teorya ay ang teoryang behaviorism ni J.B Watson na

orihinal na ginagamit bilang toerya para sa mga sikolohikal na pag-aaral. Ito

ay tungkol sa pagsusuri sap ag-uugali ng isang tao sa pamamagitan ng

naoobserbahang aspeto—mga pagtugon sa mga interaksyon. Ayon sa mga

behaviorist, ang istilong ginagamit ng mga bata sa pagkatuto ay sa

pamamagitan ng panggagaya o imitasyon.

Ang pagkatuto sa isang wika ay nakakamit sa pamamagitan ng tuloy-

tuloy na pag-eensayo (Bloomberg, 1993). Ang proseso ng pagkatuto ng wika

ay may ugnayan sa pagkatuto ng ibat-ibang didiplina. Ang teoryang ito ay

mula sa ideya ng pagkakaugnay ng stimulus o ganyak at response o tugon.

Ayon sa obserbasyon ng mga behaviorist, ang mga mag-aaral ay nahahantad

sa mga stimulus mula sa kanilang kapaligiran at mula sa mga kontekstong


mla rito. Ang pag-uugali ay nabubuo sa kanilang pagtugon sa mga stimuli na

ito sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagpapatibay at pagtatagpo.

Isa pang teorya ang ang teoryang interaksyonalismo. Ang bawat indibidwal ay

may likas na mekanismo sa pagkatuto ng wika na may komprehensibong

pag-intindi (Krashen, 1982). Umuunlad ang wika at dahil dito, nakalilikha ng

mga uganayan ang mga bata at ispiker ng wika. Ang bawat mag-aaral ay

dapat na makisalamuha at makipag-ugnayan sa iba upang mailapat nila ang

kanilang mga natutunan at maipakita ang kanilang talino at abilidad.

Samakatuwid, mapaunlad pa nila ang kanilang mga abilidad sa lenggwahe at

kung may kakayanan ba sila sa komunikasyon kaysa sa paulit-ulit na

panggagaya. (Nunen, 1991).

Paglalahad ng mga Suliranin

Ang pag- aaral na ito ay naglalayong matukoy ang mga istilo ng pagkatuto

ng mga mag-aaral at mga estratehiya ng mga guro sa pagtuturo ng Wikang

Filipino sa mga mag- aaral ng BSF na nasa unang taon ng Kolehiyo sa

EVSU.

Ang pag-aaral ay naglalayong sagutin ang mga spesipikong katanungan:

1. Ano ang iba't ibang estilo ng pagkatuto ang ginagamit ng mga mag-

aaral sa pag- aaral ng Wikang Filipino?

2. Ano-anong mga estratehiya ang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo

ng asignaturang Filipino?

3. Ano ang ugnayan ng estilo ng pagkatuto ng mga mag - aaral sa

estratehiya ng mga guro sa pagtuturo ng Wikang Filipino?


Saklaw at Limitasyon ng pag- aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga istilo ng pagkatuto ng mga

mag-aaral sa wikang Filipino at mga estratihiyang ginagamit ng mga guro sa

pagtuturo ng asignaturang Filipino. Sakop nito ang mga mag-aaral na nasa

unang taon ng kolehiyo at mga gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino sa

EVSU.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na makakuha ng mga respondente

mula sa mga mag-aaral ng BSF sa EVSU na nasa unang taon ng kolehiyo.

Ang mga mananaliksik ay kukuha ng 25 mag-aaral sa bawat klase na

magiging katugon sa paannaliksik na ito upang maisagawa ang pag-aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay at makatutulong sa mga

sumusunod:

Sa mga mag-aaral - makatutulong na mapalawak ang kanilang kaalaman at

malinang ang kanilang kakayahan sa pagkatuto ng Wikang Filipino. Maging

gabay para sa epektibong pamamaraan ng estilo at estratehiya sa pagkatuto.


Sa mga guro – makatutulong na magkaroon ng kaalaman sa mga dapat

gawin para sa kanilang mga mag-aaral. Magig gabay sa pagtuturo ng

mabisang estratehiyang gagamitin na magiging angkop sa pagkatuto ng mag-

aaral.

Sa ulo ng departamento ng Filipino - makatutulong upang magkaroon sila ng

kaalaman ano ang kanilang maibabahagi at idagdag sa pagkatuto ng mag-

aaral tungo sa wastong pag-aaral. Ito ay dagdag na kakayahan upang

maibahagi sa mga gurong nasasailalim sa kanya na mailapat ang mga resulta

ng pag-aaral na ito sa klase.

Sa mga mananaliksik – makatutulong sa pagpapaunlad ng kaalaman ukol sa

iba’t ibang istilo ng pagkatuto sa wika, at bilang mga susunod na mga

tagapagturo, mga estratehiya sa pagtuturo. Gayundin, makatutulong ang pag-

aaral na ito sa pagpapayabong ng bokabularyo ng mga mananaliksik at sa

kritikal na pag-iisip at pagsusuri sa mga penomenon.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Ang depinisyon ng mga terminolohiya ay mga listahan ng mga salita na

may mahalagang tungkulin sap ag-aaral at kung paano ito lubos na

mauunawaan ng mga mambabasa. Ang mga salitang ito ay inilarawan at

isinaayos ng mga mananaliksik batay sa kanilang isinagawang pag-aaral.

Estratehiya sa Pagtuturo- mga diskarte o kaparaananang ginagamit o

ginagawa ng isang guro o tagapagturo para sa kanyang mga mag-aaral.

Aktibo: Natututo sa pamamagitan ng aktuwal na karanasan.


Reflective: Natututo sa pamamagitan ng pag-iisip at pag-unawa.

Sensing: Natututo sa pamamagitan ng malinaw na mga katotohanan at

detalye. Mas pinipiling sundin ang isang kilalang pamamaraan.

Intuitive: Natututo sa pamamagitan ng mga konkretong impormasyon

at subukang tumuklas ng mga bagong kaalaman.

Visual: Mas gustong matuto gamit ang mga visual na presentasyon

tulad ng mga larawan, graph, animation atbp.

Verbal: Mas gustong matuto sa pamamagitan ng pakikinig at

pagbabasa.

Sequential: Natututo ng mga hakbang sa isang organisadong

kapaligiran.

Global: Mas gustong matuto nang walang pili sa isang bagay sa isang

malikhaing paraan

Istilo ng Pagkatuto- paraan kung papaano mabilis na makakuha ng

impormasyon ang isang indibidwal/mag-aaral

Korelasyonal na Pananaliksik- uri ng kwantitatibong disenyo ng pananaliksik

na kung saan ito ay naglalayong sukatin ang kaugnayan ng dalawang

baryabol na hindi kinokontrol ang kahit ano sa dalawa. (Bhandari, 2021)


Kabanata II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga kaugnay na literatura pagkatapos

ng masusing paghahanap ng mga mananaliksik. Ang mga literatura at pag-

aaral na nakapaloob sa kabanatang ito ay tumutugon sa iba't ibang ideya,

konsepto, at konklusyon kaugnay sa pag-aaral. Ilalahad din dito ang teorikal

na balangkas upang lubos na maunawaan ang pananaliksik na gagawin at

panghuli ang kahulugan ng mga termino para sa mas mahusay na pag-unawa

sa pag-aaral.

Ang mga sekondaryang mag-aaral ng EFL sa Bali ay nagging

kabahagi ng pag-aaral tungkol sa istilo ng pagkatuto gamit ang Index at

Learning Style ni Felder at Silverman (1988). Nalaman sa sinuring datos na

mas natututo ang mga mag-aaral sa mga istilo tulad ng: visual (76.7%), active

(66.7%), sensing (60%), at global (53.3%). Ang mga resultang ito ay

nagpahiwatig na dapat ikonsedera ang pagtuturo upang mabigyan ng pansin

ang istilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Mas makabubuti rin na maglapat


ng ibat-ibang midya tulad ng mga video at animated na mga larawan para

mas ganahan ang mga mag-aaral na matuto (Ramaniya, 2021, p 128-133.)

Ang pag-aaral ay isang proseso, hindi makakamit ang pag-unawa kung

ang proseso ay naaapektuhan na dulot ng paghihirap. Bawat studyante ay

may kanya-kanyang istilo ng pagkatuto para matutuhan ang isang

asignaturang pinag-aaralan niya. May mga studyante naman na natututo sa

iisang istilo at may iba naman na natututo sa marami depende sa sitwasyon.

Samantala, sumasalungat ito sa teorya ng istilo ng pag-aaral ni Kolb na

naniniwalang may natural na kagustuhan ang isang tao para sa iisang istilo.

Sa VARK Learning model na ginamit sap ag-aaral tinutukoy sa VARK ang

visual, auditory, reading and writing choice at kinesthetic na mga istilo ng

pagkatuto.

(Magulod Jr, 2019).

Ang kamalayan sa iba't ibang kagustuhan sa istilo ng pagkatuto ng mga

mag-aaral ay magreresulta sa mas epektibong mga karanasan sa pag-aaral.

Sa katunayan, Pinatunayan nina Alavi at Toozandehjani (2017) na ang

pagkakaroon ng kaalaman sa mga istilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral ay

maaaring makatulong na mapahusay na palakasin ang self-actualization.

Binibigyang-diin din ni Teevan, Michael at Schleselman (2011) na ang

kaalaman sa mga istilo ng pagkatuto ay makakatulong sa mga guro na

gumamit ng angkop na mga estratehiya at pamamaraan sa pagtuturo upang

mapangalagaan ang pagganap ng akademiko ng mga mag-aaral. Magbibigay

din ito ng positibong feedback sa mga guro at mag-aaral sa kanilang mga

kalakasan at kahinaan sa senaryo ng pagtuturo at pagkatuto. Iminungkahi ni


Dalmolin, Mackeivicz, Pochapski, Pilatti, at Santos (2018) na ang pagtukoy sa

mga istilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral ay makatutulong na mapahusay

ang kanilang karanasan sa edukasyon. Ayon sa mga dating literatura,

nakumpirma na ang mga istilo ng pag-aaral ay na nahulaan na nakakaapekto

sa akademikong performans ng mga mag-aaral. Ang mga istilo ng pagkatuto

at akademikong tagumpay ng mga undergraduate na estudyante sa Thailand

na may positibong ugnayan na nalaman nina Jiraporncharoen,

Angkurawaranon, Chockjamsai, Deesomchok at Euathrongchit (2015). Pinag-

aralan din nina Barman, Aziz at Yusoff (2014) ang learning style awareness

at academic performance ng mga mag-aaral.

Si Lumanog (2016), ay sumulat ng isang journal na pinamagatang

"Student's Learning Styles and Preferred Teaching Styles of the College

Freshmen" kung saan ipinakita nito ang istilo ng pagkatuto at mas gustong

stratehiya ng pagtuturo ng mga estudyante ng Bukidnon State University.

Ipinakita ng journal kung gaano karami sa mga mag-aaral ang auditory at

visual learners at ipinakita din na nakasentro sa mga mag-aaral ang mas

mabisang paraan ng pagtuturo. Ang pagbigay-alam sa mga guro tungkol sa

naging resulta ng mga istilo ng pagkatuto ng kanyang mga mag-aaral ay

nagsilbing gabay sa kung papaano tutugunan ng mga guro ang mga

pangangailangan ng kanyang mga mag-aaral upang mas maging epektibo

ang kanyang pagtuturo.

Ang proseso ng pag-aaral ng isang wika ay nagsasangkot ng sariling

pag-unawa ng mga mag-aaral sa kanilang sariling istilo ng pagkatuto, at

ginagawa nitong aktibo ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtuturo sa

kanila na suriin ang kanilang sariling mga pamamaraan sa pag-aaral. Ang


tradisyonal na diskarte sa pagtuturo ng wika ay karaniwang kulang sa kalidad

na ito, at ang mga mag-aaral ay bihirang hilingin na unawain ang kanilang

sariling pag-aaral o pag-aralan at suriin ang kanilang mga karanasan sa

edukasyon. Ang mga panayam, talakayan ng grupo, at mga nakabalangkas

na talatanungan ay mga halimbawa ng mga gawain sa nakaraan na

humihikayat sa mga mag-aaral na isipin muli ang kanilang natutunan. Ang

pagbuo ng awtonomiya ng mag-aaral ay lubos na nakasalalay sa papel ng

guro. Responsibilidad ng instruktor na itaguyod ang awtonomiya ng mag-aaral

sa silid-aralan. Maaaring kailanganin nito ang pagtalakay muna ng guro sa

mga naunang karanasang pang-edukasyon ng mga mag-aaral bago unti-

unting ipakilala ang mga pakinabang ng higit na kalayaan ng mag-aaral. Ayon

kay Dickinson (1993), ang pagsasanay sa mag-aaral ay dapat ding tumulong

sa mga mag-aaral na maging mas may kakayahang pangasiwaan ang

kanilang sariling edukasyon. Isang survey ang isinagawa sa Taif University

English Language Center (KSA) upang mangalap ng mga opinyon ng guro sa

mga aplikasyon at potensyal na awtonomiya ng mga mag-aaral sa kanila. Ang

pag-aaral ay nakatuon sa mga ideya ng instruktor tungkol sa awtonomiya ng

mag-aaral, mga aplikasyon nito, at potensyal ito sa hinaharap (Al Asmari,

2013).

Napag-alaman na ang parehong indibidwal at group tactics ay

ginagamit ng mga guro habang gumagamit ng instruksyonal na kagamitan sa

pagtuturo. Ang mga estudyante sa kaalaman nila sa asignaturang Filipino ay

binuo sa pamamagitan ng isang iba't ibang mga teknolohiya at mga paraan,

tulad ng paggamit ng mga instruksyonal na gamitan pati na rin ng iba't ibang

kalidad at mga stratehiya a tulad ng collaborative learning, constructivism,


inquiry-based learning, integrative learning at reflective learning,

kinakailangan na ang mga mag-aaral ay magtulungan, magkakaroon ng

aktibo sa pagbuo ng kaalaman at kaalaman, at bumuo ng kanilang sariling

mga tanong, koneksyon, at self-evaluations tungkol sa anumang asignatura

kabilang na ang Filipino (Marasigan et al., 2019).

Ang pagkuha at aplikasyon ng kaalaman ay isang bahagi ng sama-

samang pagsisikap sa lipunan (UNESCO, 2015). Isa sa mga mahahalagang

hakbang na dapat gawin upang matiyak ang kalidad at pinakamainam na

karanasan sa edukasyon ng mga mag-aaral sa unibersidad ay isaalang-alang

ang kanilang iba't ibang istilo at kagustuhan sa pag-aaral. Ang ilang mga

nakaraang pag-aaral ay nag-imbestiga sa kaugnayan sa pagitan ng mga

estilo ng pag-aaral ng mga mag-aaral sa kolehiyo at pagganap sa akademiko,

Sa katunayan, pinatunayan ni Moeinikia at Zahed-Babelan (2010) at Williams,

Brown atEtherington (2013) na mayroong positibong ugnayan sa pagitan ng

mga estilo ng pag-aaral at akademikong pagganap sa mga setting ng

unibersidad. Ito rin ay tumutukoy sa katotohanan na ang bawat tao ay may

kanya-kanyang pamamaraan o hanay ng mga istratehiya kapag nag-aaral

(Gokalp, 2013).

Isang pag-aaral na isinagawa ni Wong (2015), na may pamagat na “A

Study of Language Learning Style and Teaching Style Preferences of Hong

Kong Community College Students and Teachers in English for Academic

Purposes (EAP) Contexts”. Isinagawa ang pag-aaral sa isang silid-aralan ng

wikang Ingles na may ibat-ibang istilo ang ginagamit ng mga mag-aaral upang

isagawa ang mga gawain sa pag-aaral ng Ingles.


Sa pag-aaral naman ni Lorenzo (2013), nagsagawa ng pag-aaral sa

Malacampa, Camiling, Tarlac. Ang pag-aaral ay nakatuon sa mga istilo ng

pagkatuto ng edukasyon ng guro: batayan sa pagpapabuti ng proseso ng

pagtuturo — pagkatuto ng mga respondent na may edad 16-17 taong gulang

na kabilang sa isang pamilya na may Php 10,000 at mas mababa sa

buwanang kita; may 4-5 na kapatid sa pamilya at may mga magulang na

nagtapos ng high school level; ang mga ama ay ang pangunahing trabaho ay

ang pagsasaka habang ang mga ina ay mga maybahay. Ang pag-aaral ay

nagpakita na sa mga tuntunin ng kagustuhang emosyonal, karamihan ay self-

motivated; mas gustong mag-aral ng nang mag-isa; mas pinipiling mag-aral

nang hindi pinapaalalahanan; at mas gustong masabihan kung ano at kung

paano gagawin ang mga bagay. Habang sa mga tuntunin ng sikolohikal na

kagustuhan, karamihan ay analitiko o mas gusto nilang matuto nang sunud-

sunod at maglaan sila ng oras upang gumawa ng mga desisyon. Kaugnay ng

pag-aaral na ito, binigyang pansin ng mga mananaliksik ang mga resulta

tungkol sa mga ginustong istilo ng pagkatuto ng mga kalahok na isinaad ng

pananaliksik.

Ipotesis

Ipinapalagay ng mga mananaliksik na may kaugnayan ang mga

estratehiya ng guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa pagkatuto ng

mga mag-aaral. Gayundin naman, ang mga istilo sa pagkatuto ng mga mag-

aaral ay inihihinuha ng mga mananaliksik na may malaking parte sa

akwisisyon ng mga impormasyon ng mga estudyante. May impluwensiya ang

teknik sa pagtuturo ng isang guro sa pagsibol ng mga istilong naakma sa

bawat mag-aaral.
Kabanata III

METODOLOHIYA

Ang bahaging ito ng pag-aaral ay pagsasalaysay ng mga metodo sa kung

paano maisasakatuparan ang pananaliksik, ang daloy nito at maging sa kung

papaano bibigyang kahulugan ang mga datos at mga impormasyong nakalap

sa pag-aanalisa.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang disenyong ginamit sa pananaliksik na ito ay ang disenyong

kwantitatibo. Ayon kay Aliaga at Gunderson (2002, as cited in Boutellier et.

al., 2013) na ang kwantitatibong pananaliksik ay pagpapaliwanag ng mga


phenomena sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga numerikal na datos na

sinusuri gamit ang mga pamamaraan na batay sa matematika particular na

ang istatistika.

Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng Korelasyunal na disenyo ng

pannaliksik na isang uri ng kwantitatibong disenyo (Correlational Research

Design). Ang korelasyunal na pananaliksik ay naglalayong sukatin ang

kaugnayan ng dalawang baryabol na hindi kinokontrol ang kahit ano sa

dalawa (Bhandari, 2021).

Iinog sa dalawang yugto ang pag-aaral: una ay kukunin ang

kwantitatibong mga datos mula sa mga mag-aaral sa kung ano ang kani-

kanilang mga istilo ng pagkatuto. Pagkatapos, ang ikalawang bahagi naman

ay ang pagkuha ng datos sa mga guro sa kanilang mga estratehiya sa

pagtuturo at kung ito ay akma ba sa mga istilo ng pagkatuto ng mga mag-

aaral.

Ito ang napiling disenyo ng mga mananaliksik sa pag-aaral sapagkat

sa pangangalap ng datos, hindi kinontrol ng mga mananaliksik ang kahit ano

sa dalawang baryabol, ito ang mga istilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral ay

sinukat lamang sa kaakmaan ng mga ito sa estratehiyang ginagamit ng mga

guro sa pagtuturo.

Lokal ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa Eastern Visayas State University

(EVSU), dito rin pumili ang mga mananaliksik ng nga mag-aaral na magiging

respondente sa kanilng pag-aaral. Napili ang mga mag-aaral sa programang


BSF bilang maging bahagi ng pananaliksik. Ang pag-aaral ay nakatuon

lamang sa mga mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa EVSU na kung

saan dito makukuha ang mga impormasyon na makatutulong hinggil sa

isasagawang pananaliksik. Ang Eastern Visayas State University (EVSU) ay

may limang (5) external campuses na matatagpuan ha rehiyon. Ito ay ang

Burauen Campus, Carigara Campus, Dulag Campus, Tanauan Campus, at

Ormoc Campus. Tanging EVSU Main Campus lamang ay mayroong

programang Batsilyer ng Sining sa Filipino kaya rito isinagawa ang pag-aaral.

Mga Kalahok sa Pag-aaral

Ang respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng

programang Batsilyer ng Sining sa Filipino na nasa unang taon sa kolehiyo.

Nahahati ang mga respondente sa dalawang pangkat dalawampo't lima (25)

sa bawat klase na sa kabuuan may limampu (50) na magiging kalahok sa

pag-aaral. Pinili ang mga respondete sa pamamagitan ng paggamit ng

Solvin's Formula. Ayon kay Ellen (2020) ginagamit ang Slovin's Formula sa

pagkalkula ng mga kinakailangang bilang ng mga respondente kapag ang

populasyon ay masyadong malaki para gawing respondente o bahagi ng

isang pag-aaral sa kabuuan. Kasama rin sa magiging kalahok ay ang mga

gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino sa Departamento ng Wika at

Literatura.

Instrumento ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng survey questionnaire o

talatanungan at interbyu bilang pangunahing instrumento ng pangangalap ng

datos. Ang mga mananaliksik ay naniniwala na sa pamamagitan nito, ang


mga mag-aaral ay madaling makapagbibigay ng tugon kaugnay sa pag-aaral

na ito. Ayon kay McLeod (2018), ang paggamit ng mga talatanungan o survey

questionnaires ay isang epektibong paraan upang makakuha ng iba’t ibang

opinyon ng tao.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng online sarbey sa tulong ng

Google Forms. Ito ay isinagawa sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya

kagaya ng smartphones at laptop. Higit itong mas matipid at napapadali ang

pangangalap ng datos. Ang talatanungan ay naglalaman ng mga katanungan

tungkol sa istilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral ng BSF. Ang mga

mananaliksik ay nagsagawa ng panayam o interbyu sa mga guro sa

asignaturang Filipino, ang interbyu ay naglalaman ng mga katanungan

tungkol sa estratehiyang ginagamit nila sa pagtuturo ng Wikang Filipino.

Paraan sa Pangangalap ng mga Datos

Ang unang hakbang na ginawa ng mga mananaliksik ay humingi ng

pahintulot sa Dean ng koehiyo ng Agham at Sining at ulo ng departmento ng

Wika at Literatura sa pamamagitan ng paggawa ng liham para maisagawa

ang online sarbey. Matapos lagdaan ang liham at bigyan ng pahintulot ang

mga mananaliksik na isagawa ang pag-aaral, kumuha sila ng opisyal na ng

mga pangalan ng lahat ng mag-aaral na naka enroll sa unang taon ng

programang Batsilyer ng Sining sa Filipino na hiningi sa program coordinator

ng BSF. Matapos makuha ang opisyal na listahan ng mga mag-aaral ay

isinagawa naman ang pagkakalkula at dito nakuha ang mga aktwul na bilang

ng mga mag-aaral na isinama sa pananaliksik sa pamamagitan ng Slovin's


formula. Gumamit ang mga mananaliksik ng simple random sampling. Dito

isinulat ng mga mananaliksik ang lahat ng pangalan ng mga mag-aaral. Dito

binunot ang limampung (50) respondente na magiging kalahok sa pag-aaral.

Matapos makuha ang mga respondente, isinagawa ang aktuwal na

pangangalap ng datos. Ang liham pahintulot ay isasama sa talatanungan na

naka-Google Forms upang ipagbigay alam sa mga respondente na ito ay

aprobado na at may pahintulot sa nakakataas. Ang mga mananaliksik ay

gumawa ng group chat (GC) at doon kasama lahat ng mga kalahok ng Pag-

aaral. Doon din sa group chat pinadala ang ang sarbey questionnaire na naka

Google form. Matapos sagutan ang mga kalahok Ang sarbey at makompleto

ang mga datos na kinakailangan ng mga mananaliksik ay kaagad itong

nilikom upang isagawa na ang pagsusuri at interpretasyon.

Paraan ng Pagsusuri ng mga Datos

Matapos malikom ng mga mananaliksik ang mga datos mula sa mga

respondente ng pag-aaral na ito, gayundin upang higit na maging kapaki-

pakinabang ang resulta ng pag-aaral. Sa bahaging ito ng pag-aaral ay

ilalahad ang paraan ng pag-aanalisa sa mga datos na nakuha sa

pamamagitan ng mga pagsusuring istatistikal at pagsasa-tema ng mga ito.

Gumamit ang mga mananaliksik ng isang umiiral na modelo bilang

pagmumulan ng mga istilong maaring taglay ng mga mag-aaral ng

programang BSF sa EVSU. Ang Modelo ng Estilo ng Pagkatuto ay isa pang

pinakamalawakang ginagamit na modelo na binuo nina Richard Felder at


Linda Silverman. Mayroon itong walong uri ng istilo ng pagkatuto upang

ikategorya ang isang mag-aaral. Ang mga sumusunod ay ang mga uri ng istilo

ng oagkatuto na tinukoy sa modelong ito:

Aktibo: Natututo sa pamamagitan ng aktuwal na karanasan.

Reflective: Natututo sa pamamagitan ng pag-iisip at pag-unawa.

Sensing: Natututo sa pamamagitan ng malinaw na mga katotohanan at

detalye. Mas pinipiling sundin ang isang kilalang pamamaraan.

Intuitive: Natututo sa pamamagitan ng mga konkretong impormasyon at

subukang tumuklas ng mga bagong kaalaman.

Visual: Mas gustong matuto gamit ang mga visual na presentasyon tulad ng

mga larawan, graph, animation atbp.

Verbal: Mas gustong matuto sa pamamagitan ng pakikinig at pagbabasa.

Sequential: Natututo ng mga hakbang sa isang organisadong kapaligiran.

Global: Mas gustong matuto nang walang pili sa isang bagay sa isang

malikhaing paraan

Sa unang bahagi, gumamit ang mga mananaliksik ang Pearson's

Correlation coefficient (r) upang malaman kung may ugnayan ang istilo ng

pagkatuto ng mga mag-aaral at estratehiya ng mga guro sa pagtuturo ng

Wikang Filipino.

Sa pagkuha ng datos, tinukoy muna ang mga istilo ng pagkatuto ng

mga mag-aaral (x) at tinukoy ang mga estratehiyang ginagamit ng mga guro

sa pagtuturo ng asignaturang Filipino (y).


Hakbang 1: I-kompyut and total ng x at y.

Idagdag ang lahat ng mga numero sa x at lahat ng number sa y

hanggang sa ibaba.

Hakbang 2: i- compute ang deviation mula sa mean

Pagkatapos makuha ang mean ng x at ang mean ng y ay i-kompyut

naman ang deviation. Para makuha ang mean ng x ay ididibayd ang naging

sum ng x kung ilang respondente ang pumili ng kani-kanilang istilo. Bawat

numerong nandoon sa x ay ibabawas doon sa mean. Ganoon din ang

gagawin sa baryabol na y, uulitin lang ang ginawa sa mean.

Hakbang 3: I-multiply ang mga deviation sa panibagong kolum. I-multiply ang

deviation ng x at deviation ng y sa mga means nila.

Itototal lahat ng nasa panibagong kolum at papangalanan bilang “SP”

na nangangahulugang sum of products.

Hakbang 4: I-multiply ang mga squared deviations

Ang mga deviation na nakuha doon sa x and y ay kailangang i-square.

Una i-square ang deviation ng x, uulitin lang sa deviations of y. I-square isa-

isa ang mga deviation at i-add lahat ng mga deviations na tinatawag na sum

of squares of x.

Hakbang 5: icompute ang r. Nalaman an ugnayan ng istilo ng pagkatuto ng

mga mag-aaral at estratehiya sa pagtuturo ng mga guro sa Wikang Filipino

gamit ang pormulang Pearson's r.


r=
∑ [(x−x ¿)( y− y)] ¿
√ ∑ ( x−x ¿¿)2
√ ∑ ( y − y ¿¿)2
¿ ¿ ¿ ¿

na kung saan:

r = correlation coefficient

xi= value ng baryabol ng x sa isang sample

x = mean ng mga values ng baryabol ng x

yi= value ng baryabol ng y sa isang sample

y = mean ng mga values ng baryabol ng y

Ang pagkokompyut ay sisimulan ng mga mananaliksik sa pag lilista ng

ibat- ibang istilo ng pagkatuto at mga estratehiya sa pagtuturo.

Mga Sanggunian:

https://www.studocu.com/ph/document/university-of-cagayan-valley/social-

science/effects-of-different-learning-styles/33510545

https://scholarzest.com/index.php/ejhea/article/view/895

https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://

www.researchgate.net/publication/

256018526_Learning_and_Teaching_Styles_in_La_Salle_University_-

_Ozamiz&ved=2ahUKEwj6te_z9Pv9AhWuTmwGHfj2CNgQFnoECCUQAQ&u

sg=AOvVaw1GD9ERf4k8Um-dUfEG_XJn
https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=http://

www.udyong.gov.ph/index.php%3Foption%3Dcom_content%26view

%3Darticle%26id%3D10865:learning-styles-vs-teaching-strategies-in-filipino

%26catid%3D90%26Itemid

%3D1368&ved=2ahUKEwjLjNv25P39AhXis1YBHW_aAQkQFnoECCcQAQ&u

sg=AOvVaw1r-4JKq5G4MsxquawB0UWb

https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://

ojs.aaresearchindex.com/index.php/AAJMRA/article/view/

6551&ved=2ahUKEwjLjNv25P39AhXis1YBHW_aAQkQFnoECCoQAQ&usg=

AOvVaw1WjsDoN9VTdSrqZ7xO8eZW

https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://

go.gale.com/ps/i.do%3Fid%3DGALE%257CA17422894%26sid

%3DgoogleScholar%26v%3D2.1%26it%3Dr%26linkaccess%3Dabs%26issn

%3D00131172%26p%3DAONE%26sw

%3Dw&ved=2ahUKEwjLjNv25P39AhXis1YBHW_aAQkQFnoECFQQAQ&usg

=AOvVaw2DtJ_mPnWAddn2-vcrUqPG

You might also like