Professional Documents
Culture Documents
Grade 3-Q1-ARPAN-LAS 1
Grade 3-Q1-ARPAN-LAS 1
ARALING PANLIPUNAN 3
Let Us Discover
Ang mapa ay isang larawan o repsresentasyon sa papel ng isang lugar na maaaring
kabuuan o bahagi lamang nito, na nagpapakita ng pisikal nakatangian, mga Lungsod, kabisera,
mga daan, at iba pa. Ang mapa ay gumagamit ng iba’t ibang simbolo upang kumatawan sa mga
bagay. Ginagamit ang mga simbolong ito upang ipahiwatig ang ilang mga bagay, katangian, at iba
pang impormasyon ukol sa mga lugar. Nagtuturo ito ng eksaktong kinalalagyan ng isang lugar o
pook at ng mga bagay na matatagpuan dito.
Bago pa naimbento ang mapa, ang mga tao ay gumagamit na ng sariling simbolo upang
magamit nila sa pagtunton ng lugar. Tayorin ay maaaring mag-isip ng mga simbolo ng mga bagay
upang ipakita sa mapa.
Ang mga simbolo o panandang ginamit sa aktuwal na mapa ay may kahulugan. Kailangang
malaman at maintindihan ang bawat simbolo upang mas madaling makilala o mapuntahan ang
isang lugar.
Madali lamang kilalanin o intindihin ang mga simbolo sa mapa. Karaniwang ginagamit
nalarawan sa mga simbolong mga bagay ay ang mismong hugis nito. Isang halimbawa gaya ng
hugis ng bundok na kagaya nito (ΛΛΛ). Kung ang lugar ay bulubundukin, nakikita ang ganitong
simbolo sa mapa.
Let Us Apply
1.Iguhit ang mapa ng inyong lalawigan sa isang Bond Paper.
2.Isulat ang mga pangalan ng bawat bayan at lungsod sa tamang kinalalagyan nito sa mapa.
3.Lagyan ng kaukulang simbolo at pangalan ang mahahalagang anyong lupa, anyong tubig, at
estrukturana matatagpuan sa lalawigan.
4.Maaari mong dagdagan ang mga anyong lupa o tubig at estruktura na ipinakita sa naunang
mapa.
Gumawa ng sariling likhang simbolo kung may nais kang ilagay na estruktura at walang magamit
na simbolo para rito. Ilagay mo rin ito sa ibaba ng mapabilang pananda.
Let Us Do
Panuto: Ipaliwanag ang mga panuntunan/simbolo sa pamamagitan ng pagtatapat-tapat ng Hanay
A sa Hanay B. Titik lamang ang isulat.