Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Senior HIGH

SENIOR High SCHOOL


School
Baitang
Baitang 11
11

Filipino: Ikalawang Semestre

MODYUL SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG


TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Ikalawang
Ikatlong Kwarter Kwarter-
– Ikaapat naLinggo
Linggo1–(Aralin
Aralin 1)
4

Tekstong Persweysiv

Baitang 11 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Kompetensi: Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling
tekstong isinulat (F11EP – IIId – 36) at naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob
sa binasang teksto sa rali, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig (F11PB-IIId-99).
Filipino - Baitang 11
Modyul sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Tekstong Persweysiv
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang Modyul sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng mga paaralan ng
Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.
Walang anumang bahagi ng kagamitan na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anumang paraan nang walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon,
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na
ipinagbabawal.

Development Team of Modyul sa Filipino

Writer: Rhyne Mae S. Gales, Kattie C. Tagud


Illustrators: Roel S. Palmaira, Althea C. Montebon
Eladio J. Jovero
Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor
Rhyne Mae S. Gales
Division Quality
Assurance Team: Lilibeth E. Larupay, Dr. Marites C. Capilitan
Armand Glenn S. Lapor, Rene B. Cordon
Nelson A. Cabaluna
Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Novelyn M. Vilchez
Dr. Ferdinand S. Sy, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Dr. Marites C. Capilitan

Baitang 11 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Kompetensi: Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling
tekstong isinulat (F11EP – IIId – 36) at naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob
sa binasang teksto sa rali, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig (F11PB-IIId-99).
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto
Tungo sa Pananaliksik, Baitang 11.

Ang Modyul sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
dalubhasa mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.
Ginawa ito upang gabayan ang mga mag-aaral at ang mga gurong tagapagdaloy na
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng
K to 12.

Layunin ng modyul na mapatnubayan ang mag-aaral sa malayang pagkatuto


ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang malinang at makamit ang panghabambuhay na
mga kasanayan habang sinasaalang-alang din ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:


Ang Modyul sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang pangangailangan ng
mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro, tiyaking maging malinaw sa
mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan o sasagutan ang mga gawain
sa kagamitan na ito.

Para sa mag-aaral:
Ang Modyul sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Pangunahing
layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-aralan ang
nakakaaliw na mga gawaing napapaloob sa kagamitan na ito. Basahin at unawain
upang masundan ang mga panuto.
Hinihiling na ang mga sagot sa bawat gawain ay isulat sa hiwalay na
papel.

Baitang 11 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Kompetensi: Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling
tekstong isinulat (F11EP – IIId – 36) at naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob
sa binasang teksto sa rali, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig (F11PB-IIId-99).
Tekstong Persweysiv
Kumusta ka na kaibigan?
Marahil ay puno na ang iyong banga ng karunungan sa mga modyul na pinag-
aralan nitong mga nakaraang araw. Dagdagan pa natin ha? May inihanda akong bagong
sanayan para sa iyo. Tiyak na mawili ka sa pagsagot ng mga gawaing inihanda ko rito.
Bagong kasanayan ang ituturo sa iyo tulad ng pagpapaliwanag ng mga kaisipang
nakapaloob sa tekstong babasahin. Madaragdagan din ang ang iyong kaalaman sa uri
ng teksto at higit sa lahat ang pagsusuri nito. Makakikilala ka ng isang bagong uri ng
teksto pati na ang katangian nito.
Ang sanayan ito ay makatutulong upang higit mong malaman at matutuhan ang
tekstong persweysiv. Tatalakayin din dito ang mga kahulugan, layunin at mga paraan ng
panghihikayat.
Bilang tugon sa iyong pagkatuto, nakapokus ito sa mga sumusunod na
kompetensi:
• nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong
isinulat (F11EP-IIId-36); at
• naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa, at daigdig (F11PB-IIId-99).
Inaasahan na pagkatapos ng araling ito, makamit ang mga sumusunod na tiyak
na layunin:
• natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginagamit
ng tekstong persweysiv;
• naibabahagi ang katangian at kalikasan nito; at
• nakasusulat ng tekstong persweysiv.
Halina’t simulan mo nang basahin at sagutin ang mga sumusunod na gawain.

TUKLASIN NATIN!
Panuto: Hanapin sa hanay B ang mga pangalan ng produkto sa mga patalastas na
isinasaad ng mga pahayag na nasa hanay A. Pagtatapat-tapat. Itapat ang hanay
A at hanay B. Gawin ito sa inyong sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. “Saan aabot ang 20 pesos mo?’’ A. Bonakid
2. “Babangon tayo!” B. Biogesic
3. “’Pag three pataas!” C. Nescafe
4. “Isa pa, isa pang chickenjoy!” D. Selecta Cornetto
5. “Lahat ng gamot effective. Lahat E. Ariel
ba safe? Ingat!” F. Jollibee

Hanay A Hanay B

1
Baitang 11 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling
tekstong isinulat (F11EP – IIId – 36) at naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob
sa binasang teksto sa rali, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig (F11PB-IIId-99).
Sagutan ang mga sumusunod na mga tanong:
1. Pamilyar ba sa iyo ang mga pahayag mula sa mga patalastas? Bakit?
2. Ano-ano ang mga patalastas na tumatak at kinahumalingan mo? Bakit
kinahumalingan mo ito at tumatak sa iyo?
3. Paano ka nahikayat ng mga patalastas na tumatak sa iyo?

LINANGIN NATIN!

A. Panuto: Suriin ang mga mahahalagang kaalaman hinggil sa Tekstong Persweysiv.

Tekstong Persweysiv
Ang tekstong persweysiv ay tekstong nanghihikayat. Ito ay isang uri ng sulatin kung
saan ang manunulat ay gumagamit ng mga pananalitang tumutulong upang mahikayat ang
mga mambabasa at tagapakinig na paniwalaan ang inihahayag nitong ideya o paniniwala.
Naglalahad ng konsepto, pangyayari, bagay o mga ideya na nagsasaad ng masining na
pagpapahayag sa mga mambabasa at tagapakinig. Bukod dito, ito rin ay nagbibigay ng
opinyon ng may akda o nagsasalita upang mahikayat ang madla. Ang tono ng tekstong ito ay
sobhetibo kung saan nakabatay ang manunulat sa kanyang mga ideya.
Layunin ng tekstong persweysiv ang maglahad ng isang opinyong kailangang
mapanindigan at maipagtanggol sa tulong ng mga patnubay at totoong datos upang
makumbinsi ang mga mambabasa.
Ito ang uri ng tekstong ginagamit sa radyo at telebisyon. Gumagamit ito ng mga
nakakaganyak na salita. Nararapat na maging maganda ang nilalaman nito upang makuha
ang interes ng mga mambabasa, manonood at tagapakinig.
Ang mga halimbawa ng tekstong persweysiv ay iskrip sa patalastas, talumpati,
propaganda sa eleksyon, flyers ng mga produkto, brochures.

Tatlong Paraan/Elemento ng Panghihikayat


ayon kay Aristotle

Ethos Pathos Logos

Naiimpluwensiyahan Pag-apila sa
ng karakter at damdamin ng mga
Paraan ng
kredibilidad ng tagapakinig. Ito
paghikayat na
tagapagsalita ang marahil ang
umaapila sa isip.
paniniwala ng mga pinakamahalagang
tagapakinig. paraan upang
makahikayat.

2
Baitang 11 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling
tekstong isinulat (F11EP – IIId – 36) at naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob
sa binasang teksto sa rali, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig (F11PB-IIId-99).
Propaganda devices o mga ginagamit na instrumento ng tekstong persweysib sa pang-aakit
ng madla:
1. Name Calling – Ang name calling ay ang hindi magagandang puna o taguri sa isang tao
o bagay.
Halimbawa:
➢ Ang pagsisiraan ng mga kandidato kapag eleksiyon. Tuwing eleksiyon ay nagbibigay ng
di magagandang puna ang kandidato sa kalaban nila sa pwesto tulad ng kurakot, kukunin
lamang ang kaban ng bayan, bagito sa politika atbp.
➢ Paninira sa isang produkto upang hindi ito mabili sa merkado.
2. Glittering Generalities – Ito ay ang pangungumbinsi sa pamamagitan ng magaganda,
nakakasilaw, at mga mabubulaklak na salita o pahayag.
Halimbawa:
➢ Sa isang komersyal ng sikat na aktor na ipapakita na sa kahit anong sitwasyon, kapag
ginamit mo ang produktong iyon ay gwapo ka sa lahat ng pagkakataon.
3. Transfer – Ito ay paglilipat ng kasikatan ng isang personalidad sa hindi kilalang tao o
produkto.
Halimbawa:
➢ Pagpromote ng isang artista sa hindi sikat na brand.
➢ Kilala ang isang reporter bilang mahilig tumuklas ng bagay bagay tungkol sa mundo lalo
na sa siyensya, dahil siya ay sikat sa ganoong larangan, pinipili siya upang magpromote
ng mga gamot na di pa masyadong sikat sa merkado.
4. Testimonial – Ito ang propaganda device kung saan tuwirang eneendorso o pino-promote
ng isang tao ang kanyang tao o produkto.
Halimbawa:
➢ Kapag eleksiyon, sinasabi at nagbibigay ng testimonya ang kandidato na huwag ding
kakalimutan ng sambayanan ang kanyang kapartido.
5. Plain Folks – Uri ng propaganda kung saan ang nagsasalita ay nanghihikayat sa
pamamagitan ng pagpapakapayak tulad ng isang ordinaryong tao para makuha ang tiwala
ng sambayanan. Ito ay kalimitang ginagamit ng mga tumatakbo sa politiko.
Halimbawa:
➢ Ang kandidato tuwing eleksiyon ay hindi nagsusuot ng magagarbong damit at pinapakita
nila na nagmula at galing rin sila sa hirap.
➢ Paggamit ng mga komersyal sa mga ordinaryong tao para sa pag-eendorso ng kanilang
produkto.
6. Bandwagon – Hinihikayat ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapaniwala sa mga ito na
ang masa ay tumatangkilik at gumagamit na ng kanilang produkto o serbisyo.
Halimbawa:
➢ Isang sikat na courier: Lahat ng tao ay dito na nagpapadala.
➢ Isang sikat na drugstore: Tagapagpagaling ng Pilipinas.
➢ Isang sikat na dishwashing liquid: Pinapakita sa komersyal nila na ang mga tao sa iba’t
ibang parte ng Pilipinas ay gumagamit na ng dishwashing liquid sa paghuhugas ng
pinggan dahil ito ay epektibo sa pagtangal ng sebo.
7. Card Stacking – Pagsasabi ng maganda puna sa isang produkto ngunit hindi sinasabi ang
masamang epekto nito.
Halimbawa:
- Isang instant noodles, pinapakita rito ang magandang dulot nito sa pamilya, ngunit sa
labis na pagkain nito, nagdudulot ito ng sakit sa bato at urinary tract infection.
3
Baitang 11 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling
tekstong isinulat (F11EP – IIId – 36) at naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob
sa binasang teksto sa rali, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig (F11PB-IIId-99).
Panuto: Basahin at suriin ang nilalaman ng ibinahaging plataporma ni Jose Manuel ‘Chel’ I.
Diokno sa kaniyang website noong Halalan 2019. Pagkatapos, sagutin ang mga
katanungan.
Ang Aking Plataporma
Jose Manuel ‘Chel’ I. Diokno

Binabahagi ko sa’yo ang plataporma ko sa senado bilang parte ng patuloy na


talakayan sa bayan natin ngayon kaugnay ng parating na eleksyon. Anim ang pangunahing
bahagi ng plataporma ko: una, hustisya para sa lahat; pangalawa, matibay na social
protection; pangatlo, ekonomiyang inklusibo at pakikinabangan ng lahat; pang-apat, mga
institusyong demokratiko at tumutugon sa bawat Pilipino; panlima, ang kalikasan at
katarungan sa klima; at panghuli, ang malayang ugnayan sa ibang bansa.
Hustisya para sa lahat. Sa lahat ng ito, hustisya ang nangingibabaw sa mga
hangarin ko. Gagawin ko lahat ng aking makakaya para buhayin muli ang sistema natin ng
hustisya. Sisiguraduhin ko na abot ng mamamayan ang hustisya. Palalakasin ang
Barangay Justice System bilang mas mura at mas mabilis na alternatibo sa paglilitis ng
kaso. Kailangan turuan ang mga Kapitan Barangay sa tamang proseso; hindi malulutas ang
problema sa pag-aantala ng mga kaso. Kailangan matugunan ang kakulangan ng huwes
at prosekutor, at dagdagan ang badyet ng hudikatura, susugpuin ang kurapsyon sa sistema
ng hustisya. Dapat nang isapubliko ng mga huwes at mahistrado ang kanilang mga SALN,
at dapat palakasin ang kapangyarihan ng ombudsman na mag-imbestiga sa mga huwes at
mahistrado; at mananagot ang mga kriminal. Para protektahan ang mga lumalantad laban
sa kanila, kailangan palakasin ang Witness Protection Act, at payagan ang “automatic
perpetuation” para mapanatili ang mga testimonya.
Ang hustista ay para sa kapakanan ng mga kababayan, kaya nakakaasa po kayo
na: hindi ako papayag na gamitin ng gobyerno ang batas para mang-api ng kapwa Pilipino;
tututol ako sa pagbalik ng death penalty. Hindi bigat ng sentensiya kundi yung
kasiguraduhang may parusa ang pipigil sa krimen; tututol ako sa pagbaba sa edad ng
pananagutan; at susuportahan ko ang mga batas na magpapalakas sa karapatang pantao
ng bawat Pilipino.
Matibay na social protection. Bukod dito, layon din ng hustisya ang isang
gobyerno at lipunan na masigasig na pagpoprotekta sa mga karapatan at pagpapabuti sa
kapakanan ng pinakamahihina sa ating lipunan. Naniniwala akong mayroon dapat matibay
na social protection sa ating bansa na babawasan yung mga panganib na hinaharap nila
at iibsan ang matinding kahirapan. Ang akin pong hangad: gumawa ng isang Magna Carta
for Children, na pagtitibayin at babantayan ang karapatan ng mga bata; palawakin ang pag-
aalaga sa mga nakatatanda at persons with disabilities; itutuloy at palalawakin ang 4Ps
conditional cash transfer program para sa mga Pilipinong nangangailangan; isulong ang
mga Anti-Discrimination Bill, at sisiguraduhin ang pagpopondo at implementasyon ng
Magna Carta of Women, Reproductive Health Law, Anti- Sexual Harassment Law, 100-day
Maternity Law, at Barangay Micro- Business Enterprises Law.
Ekonomiyang inklusibo. Susuportahan ko rin ang mga hakbang na gagawa ng
inklusibong ekonomiya na may partisipasyon, katarungan, paglago, at sustainability o ‘yung
pag-unlad na hindi makakasama sa mga susunod na henerasyon ng Pilipino. Bawat
Pilipino, matatamasa ang pagkakataong makabahagi sa pagpapalago ng ekonomiya at
makinabang sa mga bunga nito. Para magawa natin ito, magtatrabaho ako para sa mga
batas gaya ng: pagtapos sa “endo”; makamahirap na programa ng modernisasyon sa

4
Baitang 11 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling
tekstong isinulat (F11EP – IIId – 36) at naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob
sa binasang teksto sa rali, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig (F11PB-IIId-99).
agrikultura na nakasentro naman sa mga pangangailangan sa teknolohiya ng maliliit na
magsasaka; polisiya sa transportasyon na nakatutok sa paggalaw ng mga tao at hindi sa
paggalaw ng mga sasakyan; mura at maaasahang internet na bubuksan natin sa mas
maraming Pilipino habang hindi sinasakripisyo ang seguridad nila.
Mga institusyong demokratiko. Kasabay naman sa pagbuo ng inklusibong
ekonomiya ang pagpapaganda sa ating mga politikal na institusyon, para masigurong ang
ating mga kababayan ay malayang abutin ang kanilang potensyal bilang tao. Gagawa tayo
ng mga hakbang: para pabilisin ang desentralisasyon ng kapangyarihan—hindi
pederalismo—para lumawak ang partisipasyon ng taumbayan sa pagdedesisyon sa
lipunan habang pinapalakas ang pananagutan ng kanilang mga pinuno; para wakasan na
ang mga political dynasty; para i-reporma ang campaign finance o pananalapi sa mga
kampanya, at iba pang mga hakbang na gagawing patas ang laban para sa mga
kandidatong wala namang kayamanan.
Ang kalikasan. Panlima sa adyenda ko ang kalikasan at katarungan sa klima.
Aaminin ko na hindi madaling pagsabayin ang wastong paggamit sa likas na yaman natin
habang pinoprotektahan pa rin ito para sa mga susunod na henerasyon ng mga Pilipino.
Pero obligasyon natin ito, at sa laki at lala ng mga sakunang dumarating sa atin, ang
nakasalalay na dito sa usapin ng kalikasan at katarungan sa klima ay ang karapatan nating
mamuhay. Kaya sa senado, pagtutuunan ko ng pansin ang mga usaping konektado sa
tubig, enerhiya, at pagmimina.
Malayang ugnayan sa ibang bansa. Panghuli, ipagtatanggol ko ang soberanya
ng ating bansa. Kasama rito ang pagpapatupad sa arbitral ruling tungkol sa pag-aari at
karapatan natin sa West Philippine Sea; proteksyon sa hanapbuhay ng ating mga
mangingisda; pangangalaga at proteksiyon sa kalikasang pandagat; pagpapalakas sa
kakayahan ng ating hukbong-dagat.
Sa pakikipag-ugnayan naman sa ibang bansa, ang oversight o pagbabantay ng
kongreso, lalo na ang senado, ay dapat protektahang maigi para mapanatiling malaya ito.
Tutol ako sa mga bilateral na negosasyon, o yung mga usapan sa pagitan lang ng dalawang
bansa, dahil hindi ito makatarungan para sa atin, lalo na pagdating sa negosasyon sa mga
mas makapangyarihang bansa. Igigiit ko ang multilateralism o pakikipag-usap sa marami
at iba’t ibang bansa.
Hindi inaangkin ng plataporma ko na kaya nitong lutasin lahat ng problema ng
bansa natin. Pero naniniwala akong dala nito ang matibay na pundasyon para sa pagsibol
ng Pilipinas na makatarungan, na bukas sa lahat, at maunlad.
Salamat sa pagkakataong maibahagi ang aking mga ideya sa’yo.

https://diokno.ph/platform

Mga pamatnubay na tanong:


1. Tungkol saan ang teksto? Ano ang layunin ng nito?
2. Sino ang sumulat at nagsalita ng talumpati? Ano ang kaniyang katauhan?
3. Ano-anong estratehiya ang ginamit upang makahikayat ang teksto?
4. Masasabi bang isa itong mabisang tekstong nanghihikayat?
5. Paano maiuugnay ang kabuuang mensahe ng binasang teksto sa iyong sarili,
pamilya, komunidad, bansa at daigdig.

5
Baitang 11 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling
tekstong isinulat (F11EP – IIId – 36) at naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob
sa binasang teksto sa rali, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig (F11PB-IIId-99).
A. Panuto: Kopyahin sa kwaderno ang mga pahayag. Isulat pagkatapos ng pangungusap
ang TAMA kung wasto ang pahayag. Kapag hindi wasto ang pahayag,
salungguhitan ang salitang nakapagpamali sa pangungusap at isulat
pagkatapos nito.
1. Ang tekstong persweysiv ay may layuning maglahad ng isang opinyong
kailangang mapanindigan at maipagtanggol sa tulong ng mga patnubay at
totoong datos upang makumbinsi ang mga mambabasa.
2. Ang tono ng tekstong persweysiv ay obhektibo kung saan nakabatay ang
manunulat sa kanyang mga ideya.
3. Ang ethos ay naiimpluwensiyahan ng damdamin ng tagapagsalita.
4. Ang logos ay tumutukoy sa paraan ng paghihikayat na umaapila sa isip.
5. Ang pathos ay paraan ng panghihikayat na umaapila sa damdamin ng mga
tagapakinig.
6. Ang tekstong persweysiv ay nagbibigay ng opinyon ng may akda o nagsasalita
upang mahikayat ang isang tao lamang.

7. Ang mga transitional devices o mga ginagamit na instrumento ng tekstong


persweysib sa pang-aakit ng madla.
8. Ayon kay Palto, ang tatlong paraan o element ng panghihikayat ay ethos, pathos
at logos.
9. Ang plain folks ay uri ng propaganda kung saan ang nagsasalita ay
nanghihikayat sa pamamagitan ng pagpapakapayak tulad ng isang ordinaryong
tao para makuha ang tiwala ng sambayanan.
10. Ang name calling ay ang pangungumbinsi sa pamamagitan ng magagandang
nakakasilaw, at mga mabubulaklak na salita o pahayag.

Magaling kaibigan! Ipagpatuloy mo pa sa susunod na gawain.

Isa ka rin ba sa mahilig manood ng telebisyon o makinig ng radyo? Bago pa man


tayo makakapanood ng ating paboritong palabas sa telebisyon o dili kaya’y makinig sa radyo
ay kailangan tayong maghintay, manood at makinig ng ilang patalastas. Ang susunod na
gawain ay masusubukan kung nahumaling ka sa mga patalastas na ito at matutukoy mo ang
mga paraan ng panghihikayat at propaganda devices na ginamit rito.

6
Baitang 11 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling
tekstong isinulat (F11EP – IIId – 36) at naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob
sa binasang teksto sa rali, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig (F11PB-IIId-99).
B. Panuto: Manood at makinig ng mga patalastas sa telebisyon at radyo. Itala ang produkto
o bagay na inilalahad ng patalastas at tukuyin ang paraan ng panghihikayat ayon
kay Aristotle. Tukuyin din ang propaganda devices na ginamit sa naitalang
patalastas.

Patalastas Paraan ng Panghihikayat Propaganda devices na ginamit


1.
2.
3.
4.
5.

Mula sa iyong napanood at napakinggang mga patalastas, ano-ano ang iyong nahinuha
hinggil sa mga ginagamit na instrumento sa panghihikayat upang makaakit ng madla? Sa
tingin mo ba ay makatarungan o mapanlinlang ang mga paraan na ginamit upang
makahikayat? Ipaliwanag ang iyong sagot at isulat sa sagutang papel.

Binabati kita kaibigan! Ngayon ay nasa huling bahagi ka na ng modyul na ito. Ang
bahaging ito ay susukat sa kung ano ang natutunan mo sa modyul na ito.
Handa ka na ba? Simulan mo ng gawin ito.
A. Panuto: Isa kang Barangay Health Worker sa inyong barangay. Sumulat ka ng isang
talumpati na maaaring ihatid sa isang pagpupulong ng inyong barangay upang
mapaigting ang kampanya para sa paglaban sa COVID-19 o pagpapabakuna,
gamit ang natutuhan tungkol sa mga paraan o elemento ng panghihikayat at
paggamit ng angkop na datos.Gawing batayan sa pagsulat ang rubrik sa susunod
na pahina.
7
Baitang 11 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling
tekstong isinulat (F11EP – IIId – 36) at naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob
sa binasang teksto sa rali, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig (F11PB-IIId-99).
Rubrik sa Pagsulat ng Tekstong Persweysiv
Pamantayan Napakahusay Mahusay Kasiya-siya Kulang sa Iskor
Kasanayan
8-10 6-7 4-5 1-3
Nilalaman Malinaw na Naiuugnay Hindi Hindi naiugnay
naiuugnay ang mga masyadong ang mga
ang mga konseptong naiugnay ang konseptong
konseptong pangwika na mga pangwika sa
pangwika na may konseptong nabuong
may panghihikayat pangwika sa talumpati at
panghihikayat sa nabuong nabuong hindi
sa nabuong talumpati at talumpati at naipaliwanag
talumpati at naipaliwanag hindi nang maayos
naipaliwanag batay sa mga masyadong batay sa mga
nang maayos nasaliksik na naipaliwanag nasaliksik na
batay sa mga datos. nang maayos datos.
nasaliksik na batay sa mga
datos. nasaliksik na
datos.
Organisasyon Lubhang Mahusay at Sapat lamang Di sapat ang
ng mga ideya mahusay at lohikal ang ang pagkakasulat
lohikal ang pagkakasulat pagkakasulat at at
pagkakasulat at pagkakahanay pagkakahanay
at pagkakahanay ng mga ng mga
pagkakahanay ng mga paliwanag at paliwanag at
ng mga paliwanag at detalye ng mga detalye ng
paliwanag at detalye ng halimbawa ng mga
detalye ng mga konseptong halimbawa ng
mga halimbawa ng pangwika mula konseptong
halimbawa ng konseptong sa panimula pangwika mula
konseptong pangwika hanggang sa panimula
pangwika mula sa wakas. hanggang
mula sa panimula wakas.
panimula hanggang
hanggang wakas.
wakas.
Istruktura at Lubhang Wasto ang May kaunting Maraming
Gramatika wasto ang gamit ng wika, pagkakamali sa pagkakamali
gamit ng wika, mga bantas, paggamit ng sa paggamit
mga bantas, baybay ng wika, mga ng wika, mga
baybay ng mga salita at bantas, baybay bantas,
mga salita at pagkakagamit ng mga salita at baybay ng
pagkakagamit ng malalaking pagkakagamit mga salita at
ng malalaking letra ng malalaking pagkakagamit
letra letra ng malalaking
letra

Maraming salamat sa iyo kaibigan. Sana ay may naitulong sa iyo ang mga aralin sa
modyul na ito.

8
Baitang 11 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling
tekstong isinulat (F11EP – IIId – 36) at naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob
sa binasang teksto sa rali, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig (F11PB-IIId-99).
sa binasang teksto sa rali, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig (F11PB-IIId-99).
tekstong isinulat (F11EP – IIId – 36) at naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob
Kompetensi: Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling
Baitang 11 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
9
Susi sa Pagwawasto
Tekstong Persweysiv
Ikatlong Markahan – Ikaapat na Linggo – Aralin 4
Tuklasin Natin!
Hanay A Hanay B
1. “Saan aabot ang 20 pesos mo?” Selecta Cornetto
2. “Babangon tayo!” Nescafe
3. “’Pag three pataas!” Bonakid
4. “Isa pa, isa pang chickenjoy!” Jollibee
5. “Lahat ng gamot effective. Lahat
Biogesic
ba safe? Ingat!”
Linangin Natin!
Basahin at Suriin
Maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.
Pagyamanin Natin!
A.
1. Ang tekstong persweysiv ay may layuning maglahad ng isang opinyong kailangang
mapanindigan at maipagtanggol sa tulong ng mga patnubay at totoong datos upang
makumbinsi ang mga mambabasa. TAMA
2. Ang tono ng tekstong persweysiv ay obhektibo kung saan nakabatay ang manunulat
sa kanyang mga ideya. sobhetibo
3. Ang ethos ay naiimpluwensiyahan ng damdamin ng tagapagsalita. karakter at
kredibilidad
4. Ang logos ay tumutukoy sa paraan ng paghihikayat na umaapila sa isip. TAMA
5. Ang pathos ay paraan ng panghihikayat na umaapila sa damdamin ng mga
tagapakinig. TAMA
6. Ang tekstong persweysiv ay nagbibigay ng opinyon ng may akda o nagsasalita upang
mahikayat ang isang tao lamang. madla
7. Ang mga transitional devices o mga ginagamit na instrumento ng tekstong persweysib
sa pang-aakit ng madla. propaganda devices
8. Ayon kay Plato, ang tatlong paraan o element ng panghihikayat ay ethos, pathos at
logos. Aristotle
9. Ang plain folks ay uri ng propaganda kung saan ang nagsasalita ay nanghihikayat
sa pamamagitan ng pagpapakapayak tulad ng isang ordinaryong tao para makuha
ang tiwala ng sambayanan. TAMA
10. Ang name calling ay ang pangungumbinsi sa pamamagitan ng magagandang
nakakasilaw, at mga mabubulaklak na salita o pahayag. glittering generalities
B. Maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.
Tayahin Natin!
Batayan ang rubrik sa pagtataya.

You might also like