Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 390

Living with a Half Blood by april_avery

Category: Fantasy
Genre: beasts, demon, fantasy, half-blood, hybrids, mystery,
romance, vampire, werewolf
Language: Filipino
Status: Completed
Published: 2014-07-05
Updated: 2022-03-15
Packaged: 2022-08-26 23:40:24
Chapters: 41
Words: 89,202
Publisher: www.wattpad.com
Summary: Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang
bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito.
Lalo na noong nalaman niyang sa isang lumang mansion siya titira.
Pakiramdam niya nagsisinungaling si Aunt Helga noong sinabi nito
na silang dalawa lang ang nakatira doon. There are certain times
Laura feel someone's presence inside the place. Isa pa ano bang
meron sa third floor bakit hindi pwedeng pumunta doon? LIVING
WITH A HALF BLOOD Genre: Fantasy Mystery Adventure Romance
"She may not be living with normal people." written by: april_avery
Language: Filipino
Read Count: 23,052,727
Living with a Half Blood
Prologue:

Van Zanth.

Hindi alam ni Laura Katherine Arden kung ano ang aasahan sa


bayan na ito.

Noong namatay ang taong itinuring niyang pamilya, dito siya


pinadala.

Noong una akala niya isa lamang itong ordinaryong bayan na


malayo sa mataong lungsod.

Subalit nagkamali siya. Dahil sa unang araw niya pa lamang dito ay


napansin na niya.

Hindi normal ang bayan ng Van Zanth. Tago ito at pinaliligiran ng


kakahuyan. Halos hindi mo aakalain na may mga taong nakatira
dito.

Hindi ito pinansin ni Laura noong una, iniisip na nasanay lamang


siya sa lungsod kung saan siya lumaki.

Pero habang tumatagal, habang dumadami ang kakaibang bagay na


napapansin niya, hindi niya maiwasan na magtaka.

Ano ang meron sa Van Zanth? Ano ang meron sa third floor ng
mansion kung saan siya nakatira? Sino ang tinatawag nilang alpha
at ano ang connection niya dito?

Kailangan niyang masagot ang lahat ng tanong bago mahuli ang


lahat. Because after all, she may not be living with normal people.

LIVING WITH A HALF BLOOD


Genre: Fantasy / Mystery / Romance
Written by: april_avery

***

Author's Note:

COMPLETED.
This is not a horror story. Enjoy reading!

@april_avery

Tweet me: @breatheapril


Official hashtags: #LWAHB
Chapter 1: New Town
Chapter 1: New Town

Pinagmasdan ko ang papel na hawak ko habang patuloy sa pag


andar ang train. Nakasulat doon ang halos hindi mabasa na
pangalan ng isang bayan at station nito.

Station 11. Van Zanth.

Pinadala ako sa bayang ito matapos mamatay ang taong nagpalaki


sa akin. Dito nakatira ang kapatid ni Aunt Wilhelmina na si Aunt
Helga. Mula ngayong araw ay sa kanya na ako titira.
Ilang beses kong nakausap sa telepono si Aunt Helga bago ako
magbyahe. Tagapangasiwa siya ng isang mansion sa bayan. Hindi
gaanong nagsasalita si Aunt Helga tuwing kausap ko siya sa
telepono. Straight forward at maikli lamang ang kanyang mga sagot.

Makalipas ng ilang minuto huminto ang train. Napatingin ako sa


labas ng bintana. Nagtaka ako nang makita ang masukal at
nagtataasang mga damo sa gilid ng riles. Nasiraan ba kami?
Hinintay ko na muling umandar ang train. Maya maya pa may narinig
akong kumatok sa pintuan ng compartment kung nasaan ako.
Bumukas ito at sumilip ang conductor.

"Miss, nandito na tayo." sinabi nito. "Station 11 Van Zanth."

Natigilan ako sa sinabi niya. Wait, what? Muli akong sumilip sa labas
ng bintana. Kakahuyan at mga damo ang bumungad sa akin. This
can't be. Ito na ba yon? Ang bayan ng Van Zanth. Kinuha ng
conductor ang maleta kong nakapatong sa upuan. Hindi ako
nakagalaw.

"Sandali lang po."


Sinundan ko siya hangang sa labas ng compartment. Dumaan kami
sa makitid na hallway ng train. Lumabas ang conductor at nilapag
ang maleta ko sa labas. Halos mapanganga ako nang makita na
binalutan ng alikabok ang bag nang pumatong ito sa kahoy na
platform.

Pinagmasdan ko ang lugar na nasa harapan ko. No, it's not a train
station. Nakatayo ako sa tapat ng isang platform sa gilid ng riles.
May sira sira at halos bumagsak na bubong, may bench na
binabalutan ng alikabok, at isang street lamp na bitak. Binabalutan
ng nagtataasang damo at malalagong puno ang gilid ng platform

Tumikhim ang conductor para ipaalam na siya ay naghihintay. Wala


akong nagawa kundi bumaba mula sa train. Halos balutan ng
alikabok ang aking sapatos nang tumapak sa kahoy na sahig. The
wooden floor creaked with my weight. This can't be happening. Baka
may mali lang. Hindi pwedeng ito ang Van Zanth. There is nothing
here. Not even a proper train station.

Napapitlag ako nang maramdaman ang pag andar ng train. Wait.


Hindi nila ako pwedeng iwan dito. Baka nagkakamali lamang ang
conductor. There's no one in this place. Pilit kong hinabol ang train.

"Sandali! Hindi niyo ako pwedeng iwan dito!"

Nanghina ako nang patuloy na nilampasan ako ng train. The wind


sent my already unruly hair in haywire. Kinagat ko ang labi ko
habang pinagmamasdan ang huling compartment ng train. Hangang
sa tuluyan na itong lumapas at nawala sa aking paningin.

No. Agad kong kinalkal ang papel kung saan nakasulat ang address
na binigay ng kapatid ni Aunt Wilhelmina noong nakausap ko siya sa
telepono. A sinking feeling erupted from the pit of my stomach. May
mali kaya sa binigay na address ni Aunt Helga?

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Aunt Helga may not be
pleasant and welcoming pero hindi niya magagawa yon. Kahit paano
magkadugo kami. I've never been to Van Zanth. Tanging siya ang
connection ko sa bayang ito. Sinabi niya na susunduin niya ako sa
train station. At dito sa lugar na ito ako binaba. Kailangan ko lamang
maghintay.

Nilibot ko ang tingin sa abandunadong platform. Bumalik sa pagiging


tahimik ang paligid. Sa kabilang side ng riles sa tapat ko ay bukana
ng isang kakahuyan at sa likurang bahagi ng platform ay isang bukid
at rough road. Lumapit ako sa poste kung saan isang lumang
signage ang nakalagay. Halos mabura na ang mga letrang nakasulat
dito.

Station 11: Van Zanth.

Napa-atras ako. Nandito nga ako. Sa bayan ng Van Zanth. Isang


malalim na hininga ang pinakawalan ko. This is far from what I
expected. I didn't know that Van Zanth is located in the middle of
nowhere.

Halos mapasigaw ako sa gulat nang isang busina ng sasakyan ang


aking narinig. Sumilip ako sa rough road sa likod ng dilapidated
platform at nakita ang isang itim at lumang sasakyan na papunta sa
station.

Kinuha ko agad ang maleta ko at halos takbuhin ang distansya


papunta sa daan. Natakot ako na bigla akong lampasan ng
sasakyan. Laking pasalamat ko noong huminto ito. Napahawak ako
sa aking dibdib habang hinahabol ang aking hininga. Bumukas ang
pintuan ng sasakyan saka isang matandang babae ang lumabas
mula dito.

"Laura Katherine Arden."

Natigilan ako. "A-Ako nga po." sagot ko.

"Ako si Helga Glenmore Harrington, ang naka usap mo sa telepono


nitong mga nakaraang araw." sinabi niya. "Sakay na."
Hindi agad ako nakagalaw. Ngayon ko lamang nakita si Aunt Helga.
Hindi ko maiwasang mangamba sa pagiging formal niya.
Pakiramdam ko napilitan lamang siyang tangapin ako dahil sa
kapatid niyang namaalam. Aunt Helga looks strict. Nakasuot siya ng
salamin at nakabistida ng kulay itim. Nakaayos din ang kanyang
buhok sa isang bun. Matanda na siya, mahahalata yon sa mga guhit
sa kanyang mukha. But there's something in the way she gaze or
move, there's this strange strength, precision.

"Ano pang hinihintay mo?"

Napalunok ako at agad na pumasok sa sasakyan dala ang aking


gamit. Tahimik na nagsimula ng aming byahe. Napapasulyap ako
kay Aunt Helga na tahimik na nagmamaneho sa tabi ko.

"Ito ang unang beses mo sa Van Zanth, hindi ba?" tanong niya nang
mapansin na nakatingin ako.

I cleared my throat. "Yes po." sagot ko.

"Ito ang pinakamaliit na bayan sa distrito ng Fabrice. Malayo sa


mataong bayan ng Charlotte kung saan ka nangaling."

Tumango ako. Ngayon lamang nangaling sa kanya ang impormasyo


nang hindi ko tinatanong.

"Matapos kang iwan ng Mama mo kay Wilhelmina, ngayon si


Wilhelmina ang nagpaalam at iniwan ka sa akin."

Tuluyan akong tumahimik. Tatlo silang magkakapatid pero maagang


namaalam si Mama. Bata pa lamang ako nang mamatay siya kaya
buong buhay ko kay Aunt Wilhelmina ako lumaki. Sa nakatatanda
niyang kapatid. Aunt Helga was the middle child at bunso si Mama.

"Ako ang tanging tagapangalaga sa mansion. Hindi basta basta


nagpapasok sa pamamahay niya ang aking amo. Pero wala na
akong magagawa." sinabi niya na derecho parin ang tingin sa daan.
"Ang pagtira mo sa mansion kasabay ng iyong pagaaral sa bayan ay
hindi libre. Inaasahan ko na tutulungan mo ako sa trabaho sa
mansion."

"Naiintindihan ko po." sagot ko.

Napag usapan na namin ito sa telepono. Naipadala na ang mga


records at requirements ko sa community college ng Van Zanth last
week. Dito ko itutuloy ang pagaaral ko ng Liberal Arts. Maging ang
mga responsibilidad at mga dapat kong malaman sa mansion ay
familiar na sa akin. Pero may gusto lamang akong kompirmahin.

"Sinabi niyo po na ang mansion kung saan kayo nagtatrabaho ay


ang tahanan ng pinuno ng bayan?" tanong ko.

"Oo." sagot ni Aunt Helga nang hindi lumilingon sa akin. "Siya ang
nagmamay ari ng buong Van Zanth."

Natigilan ako. Possible ba yon? Ang maging pag aari ng isang tao
ang isang buong bayan?

May dinaanan kaming signage sa gilid ng daan. Agad ko itong


binasa. Van Zanth. District of Fabrice. Population: 1,092. Mas maliit
ang bayan na ito kesa sa aking inaasahan. Sa bayan ng Charlotte
we are more than three thousand.

Pinagmasdan ko ang ilang mga bahay na nasa gilid ng daan.


Nakapagtataka na karamihan sa kanila ay malalaki at hinaharangan
ng mga nagtataasang gate. Isang downtown ang nadaanan namin.
Bumagal ang takbo ng sasakyan dahil sa mga nakakasalubong
naming sasakyan. Mukhang ito na ang sentro ng bayan.

Sumilip ako sa labas ng bintana. Maayos at malinis ang mga


tindahan na nakikita ko. Halos pare-pareho silang may mga halaman
sa tapat ng bintana. Makaluma ang street lamps pero gumagana.
Malinis ang pavements at walkways.
Pangkaraniwan ang pag daan ng mga tao o sasakyan na
nakakasalubong namin. Subalit ilang bagay ang napansin ko.
Masyadong tahimik. Wala ang ingay na nakasanayan kong makita
sa isang downtown.

Siguro nga nasanay lang ako sa maingay na bayan ng Charlotte.


Pero hindi nito naalis ang kakaibang pakiramdam sa aking dibdib.
There's something eerily strange about the people here. I just can't
pin point what.

Nang makalampas kami sa downtown bumungad sa amin ang isang


maluwang at mataas na burol. Sumilip ako sa labas ng bintana. Mula
sa tuktok at kasama ang mangilan ngilang mga puno ay isang
lumang mansion. Bumungad sa aming dinadaanan ang mataas at
itim na gate nito. Ang pader ay binabalutan ng mga halaman. Sa
likod ng pader ay sumisilip ang nagtataasang puno mula sa loob ng
mansion.

Napalunok ako. Pumasok ang sasakyan sa loob ng nakabukas na


gate. Ito ba talaga ang lugar kung saan ako titira sa mga susunod na
buwan?

Humugot ako ng isang malalim na hininga nang makapasok na


kami. Shivers automatically run my back making my hands slightly
tremble. Isang heganteng bahay na tinatakpan ang kabuuan ng
langit ang nasa harapan namin. Hindi ito isang bahay. Isa itong luma
at napakalaking mansion.

Bumalot ang pangamba sa dibdib ko habang dumaan ang sasakyan


sa circular driveway. Huminto kami sa tapat ng double door ng
mansion na gawa sa kahoy. Bumama si Aunt Helga at sumunod ako.

Binabalutan ng ligaw na halaman ang malaking parte ng pader ng


mansion. Halos umabot sa aking tuhod ang mga ligaw na damo na
tumutubo sa driveway. Mukhang gubat ang garden dahil sa mga
malalaking puno na tinatakpan ang liwanag na nagmumula sa araw.
I felt the sudden urge to escape. Ang pagiging abandunado ng lugar
ay tila may mas malalim na dahilan.

Pumasok kami sa loob ng mansion. Ang una kong napansin ay


madilim na paligid. Tinatakpan ng mga makakapal na kurtina ang
nagtataasang mga bintana. May higanteng staircase papunta sa
second floor. Napakaluwang sa loob at tila walang laman na gamit.
Mangilan ngilan ang mga muwebles at ang iba ay tinatakpan pa ng
puting tela.

"Ito ang mansion ng mga Van Zanth." sinabi ni Aunt Helga nang
mapansin na pinagmamasdan ko ang buong paligid. "Nasabi ko na
ang ilan sa mga dapat mong malaman noong magkausap tayo sa
telepono. Pero kailangan kitang muling pagsabihan upang maging
maayos ang iyong pananatili sa mansion. Sa ngayon magpahinga ka
muna. Sa nakabukas na pintuan sa second floor ang iyong kwarto.
Bumaba ka sa oras ng tanghalian. Alas dose impunto."

Nakahanda ang aking mga tanong. Ngunit tumalikod si Aunt Helga


at pumunta ng kusina. Naiwan akong mag isa sa sala. Pinagmasdan
ko ang paligid. Ito na ang magiging tirahan ko sa mga susunod na
buwan. Malayong malayo ito inaasahan ko. Bakit tila abandunado
ang lugar na ito?

Umakyat ako sa second floor at pumasok sa aking kwarto. Maayos,


maaliwalas, at maluwang ang kwarto ko. Malinis at kompleto sa
gamit. Sinara ko ang pintuan at humiga sa malambot na kama.

Kung tutuusin mas maaayos ang kwarto ko dito kesa sa Charlotte.


Pero hindi ko magawang maging komportable. May kung ano sa
lugar na ito na hindi ko gusto. Something mysterious and cagey.
Tila may tinatago.

***

Tweet me: @breatheapril


Official hashtags: #LWAHB
Chapter 2: The Alpha

Chapter 2: The Alpha

Bumaba ako sa oras ng tanghalian na sinabi ni Aunt Helga.


Madaming tanong ang nakahanda sa isip ko nang magkaharap kami
sa hapag kainan. Tulad ng bakit siya lamang ang tao sa mansion?
Wala ba siyang katulong sa mga gawain? Nasaan ang amo niya?

Tahimik lamang si Aunt Helga habang kumakain kami. Kaya siguro


mukhang abandunado ang mansion dahil siya lamang ang nag
aasikaso dito.

"Aunt Helga, kayo lang ba ang nag aasikaso ng mansion?"

Napa-paused siya sa pagkain. "Ako lang," maikling sagot niya.

I'm expecting she would explain further pero nagpatuloy siya sa


pagkain. Bigla akong nag-hesitate sa pagtatanong.

"Nasaan po ang nagmamay ari ng mansion?" muling tanong ko.

Napansin ko na muli siyang napa-paused. "Patay na ang mag


asawa. Tanging ang anak nila ang natira."

Anak? Kung ganoon siya ang Pinuno?

"Tulad ng sinabi ko hindi gusto ng Amo natin na tumatapak ang kung


sino sino sa mansion niya."

"Alam niya po ba na darating ako ngayong araw?" Hindi niya ba ako


titingnan man lang?

"Hindi na kailangan. Wala siyang pakialam sa mga tulad natin. Isa


lamang ang tatandaan mo."
Biglang tumitig sa akin si Aunt Helga dahilan para bahagya akong
mabigla.

"Hwag na hwag kang tatapak sa third floor."

May kung ano sa huling sinabi niya na dahilan kaya nanlamig ang
aking mga palad.

"Maliwanag po."

"Maaari kang maglinis sa una at pangalawang palapag maging sa


labas o sa garden. Ako ang nag aasikaso sa third floor."

Tumango ako at nag focus sa pagkain.

"May ilang lingo pa bago ang pasukan hindi ba?"

Muli akong humarap sa kanya. "Opo."

Isa sa napagusapan namin ang pag aaral ko sa community college


ng Van Zanth. Because according to Aunt Helga, other than helping
her in the mansion, my priority should be my studies dahil yon ang
pinangako ko kay Aunt Wilhelmina bago siya namatay. Kapag wala
na akong ginagawa na may kinalaman sa pag aaral ay doon lamang
ako maaring tumulong.

"Maaari ka ng magsimulang magtrabaho bukas. Maari ka ding


pumasyal muna sa bayan kung gustuhin mo. Para maging familiar
ka sa lugar at hindi maligaw kapag inutusan kita."

"Magta-trabaho po muna ako dito." sagot ko.

Dahil hindi ko din alam kung handa ba akong harapin ang mga tao
dito.

Tumango lamang siya at nagpatuloy sa pagkain.

--
Noong gabing yon hinayaan kong balutin ako ng katahimikan ng
lugar. Tanging ang ingay ng mga puno sa labas na nilalaro ng hangin
at ang pag-creak ng bintana ang maririnig sa buong mansion.
Napakatahimik.

Nanatili akong nakatitig sa kisame ng aking kwarto.

Madaming tanong sa isip ko but seems like I can't form them into
whole sentences. Hindi ko alam kung ano ang dapat na
maramdaman. Aunt Helga seems guarded. Nakatira ako sa tahanan
ng Pinuno ng bayan pero tila abandunado ito. Hindi pangkaraniwan
ang katahimikan ng mga tao sa bayan.

Siguro nga napa-paranoid lang ako. Nasanay ako sa Charlotte.


Maingay, malaking bayan, madaming tao. Siguro nga naho-home
sick lang ako. Kailangan ko lang masanay. Unang araw ko palang.
Things will be better.

--

Kinabukasan nagsimula na ang aking trabaho sa mansion. Habang


bakasyon pa ay kailangan kong sulitin ang bawat araw para
makatulong kay Aunt Helga.

Inaamin ko naninibago ako. Sa Charlotte tinuring akong sariling anak


ni Aunt Wilhelmina. Tumutulong ako sa mga gawain pero hindi niya
ako pinipilit. It was a normal life- almost a normal family.

Pero kailangan kong tangapin ang pagbabago sa buhay ko noong


namatay siya. It could be worse. I could have sleep on the streets
and stop schooling. Kaya dapat parin akong magpasalamat na
pinatuloy ako ni Aunt Helga sa mansion.

Matapos ang agahan ay sinimulan ko na ang paglilinis sa loob ng


mansion. Inuna ko ang pangalawang palapag. Karamihan sa mga
pinto ay naka-lock. Isa sa mga bilin ni Aunt Helga na hwag
susubukang pumasok sa mga naka-lock na pinto.
Madami pa siyang naging bilin sa akin. Isa na dito ay ang hwag
hahawiin ang mga kurtina sa bintana. Hindi ko mapigilang magtaka.
Karamihan sa mga bahay ay gusto ang maliwanag na interior. Pero
iniiwasan ito dito.

Sa totoo lang hindi ganoon kahirap maglinis sa loob ng mansion.


Halos nakasara ang lahat ng kwarto. Hindi pinapagalaw ang mga
gamit. Ang tanging gagawin ko ay siguraduhin na malinis ang loob
ng mansion.

Habang nasa second floor at nagpupunas ng mga gamit ay


napansin ko ang isang picture frame na nakasabit sa hallway. Ang
puti telang nakatakip dito ay bahagyang nakalislis. Humarap ako ito
upang ayusin.

Natigilan ako nang makita ang mukha na nasa picture. Isang lalake.
Mukhang magka edad kami o mas matanda siya ng ilang taon sa
akin. Nakasuot ito ng formal- a black tuxedo. Seryoso ang kanyang
mukha. Hindi marunong ngumiti. Mababakas sa tindig nito kung
paano siya pinalaki. Proud, confident. He made it seems like this
whole town was created for his favor. His head held high, his gaze
piercing.

Pinagmasdan ko ang kanyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit


pero hindi ko maiwasan na matigilan kahit isa lamang litrato ang
nasa harapan ko. Hangang sa napansin ko ang isang bagay. Bakit
ganoon ang kulay ng kanyang mga mata? They seemed to be the
color of a precious metal... the color of gold.

--

Iniisip ko parin ang nakita ko sa hallway noong sumunod na araw.


Pero noong madaanan ko ang picture frame sa hallway ay wala na
ito doon. May bago ng nakalagay. Natigilan ako. Nasaan na ang
dating frame? Medyo nangamba ako. Nalaman ba ni Aunt Helga na
nakita ko ang picture doon?
Hindi ko alam kung may nilabag ba akong house rule dahil sa aking
ginawa. Ang lalakeng yon ba ang anak ng may ari ng mansion na
tinutukoy ni Aunt Helga? Inaasahan ko na pagsasabihan ako ni Aunt
Helga. Subalit lumipas ang buong maghapon at wala siyang sinabi
sa akin. Nagpatuloy lamang siya sa pagluluto at paglilinis sa third
floor.

On my third day isang kakaibang bagay ang muli kong napansin.


Pumasok ako sa kusina noong tanghaling yon dahil may
nakalimutan akong gamit na panlinis. Nagsimula na kasi ako sa
paglilinis sa garden sa labas. Natigilan ako nang may mapansin sa
sink.

Binilang ko ang mga plato ang basong nandoon. Three sets. Tatlong
dining plates, tatlong soup bowls, tatlong baso ng tubig. Maging ang
pares ng kutsara at tinidor ay tatlo. Pero bakit? Walang ibang tao sa
mansion maliban sa aming dalawa. At lagi kaming sabay kumakain
sa kusina. There must be some logical explanation here. Kailangan
kong malaman.

Muli akong bumalik sa garden. Ang garden ng mansion ay tila


masukal na lote na binabalutan ng mga damo at patay na halaman.
It has this ethereal and peaceful atmosphere that reminds me of a
cemetery. Sa bukana nito ay may arko na gawa sa manipis na bakal
kung saan nakakapit ang tuyong sanga ng halaman. May mga
estatwa na binabalutan ng lumot, most of them are in the form of
angels, at sirang fountain sa gitna.

Lumapit ako sa iniwan kong trabaho. Plano kong putulin ang mga
patay na rose bushes. Kaya pumunta ako sa kusina kanina upang
kunin ang garden scissors. Magsisimula na sana ako ngunit bigla
akong natigilan. Isang kakaibang ingay ang narinig ko. Ingay ng
nabasag na baso o salamin.

Napatayo ako at linibot ang tingin sa paligid. Saan ito nangaling?


Nagmadali akong bumalik sa loob ng mansion para icheck ang
pinagmulan nito nang may mapansin akong pag galaw. Bigla akong
napatingin sa isa sa mga bintana sa third floor.

Nakabukas ito at sumasayaw sa hangin ang puti at manipis na


kurtina nito. I saw something move.

"Laura, anong ginagawa mo dyan?"

Nabigla ako nang marinig ang boses ni Aunt Helga. Napalingon ako
sa pintuan ng kusina. Hindi agad ako nakapagsalita. Kanina lamang
ay pakiramdam ko may nakatingin sa akin.

"Naisip ko na putulin ang mga patay na rose bushes-"

"Hwag mong gagalawin ang mga rose bushes." mariin niyang sinabi
na pinutol ang paliwanag ko.

"Po?"

"Ang mga rose bushes ay pag aari ng pamilya. Hindi mo ito


gagalawin."

Humingi ako ng paumanhin. "Pasensya na po. Hindi na po ito


mauulit."

Pumasok sa loob ng mansion si Aunt Helga matapos niyang sabihin


na sa loob na lamang ako maglinis. Tahimik akong sumunod. Bago
tuluyang makapasok ay muli akong lumingon sa bintana sa third
floor. Natigilan ako. Nakasara na ito saka natatakpan ng makapal na
kurtina.

--

Pang limang araw ko sa bayan ng Van Zanth nang utusan ako ni


Aunt Helga na pumunta sa downtown. Gamit ang kanyang lumang
sasakyan ay sinimulan kong tahakin ang daan na papunta sa bayan.
Ito ang unang beses na tatapak ako sa downtown mula noong
dumating ako sa Van Zanth.

Hindi ko alam kung saan ang tinutukoy na tindahan ni Aunt Helga.


Ang tanging sinabi niya ay nasa dulo ito ng downtown.
Kung tutuusin ay maganda ang Van Zanth. Tahimik ito at pinaliligiran
ng mga kakahuyan at bukid. Maaliwalas ang paligid at mahangin.
Malayo sa maingay na lungsod.

Habang nagmamaneho ay may nadaanan akong mga tao sa labas


ng kanilang tahanan. Pinagmasdan nila ang sasakyan na aking
gamit at bahagyang nagbow na tila bumabati.

Nagpatuloy ako sa pagmamaneho papasok sa downtown. Mas


madami na ang sasakyan at hindi na ako napapansin ng mga tao.
Nakakapagtaka talaga ang mga kinikilos nila.

Nag drive ako hangang sa dulo ng downtown habang hinahanap ang


tindahan na sinabi ni Aunt Helga. Subalit nang lumipas ang
kalahating oras ay bumungad sa akin ang isang dead end.

Isang lumang parke ang makikita sa dulo ng downtown. Sira at


kinakalawang ang swings at mga palaruan. Basag ang street lamps.
Puno ng tuyong dahon at kalat ang lupa. Tulad ito ng abandonment
sa mansion ng mga Van Zanth o sa train station. Mysterious. Dark.
Eerie.

Bumaba ako sa sasakyan. Nagbabakasali ako na may


mapagtanungan. May ilang tindahan na malapit. Baka alam nila ang
tindahan na hinahanap ko.

Pumasok ako sa tindahan ng mga lumang libro. Tahimik sa loob, tila


walang tao. Pumapasok sa salaming bintana ang liwanag na
nagpapakita kung gaano kaalikabok ang lugar. Pakiramdam ko nasa
attic ako.
Isang babae ang lumabas mula sa backdoor. Nabigla ako. Ngumiti
ito sa akin, tila inaasahan na may taong nagmamasid sa kanyang
tindahan.

"Yes?"

"Bago lang kasi ako dito sa bayan." sinabi ko. "Alam mo ba kung
nasaan ang Vindershack?"

Pinagmasdan niya ako. Lalo na noong sinabi ko na hindi ako


tagarito. I noticed a strange glint in her eyes.

"Sa kabilang kalye yon. Malapit sa pangatlong street lamp mula sa


lumang park."

Nagpasalamat ako sa tulong niya.

"Saan ka sa Van Zanth?" tanong niya nang akmang paalis na ako sa


shop.

"Sa mansion sa itaas ng burol." sinabi ko. "Pamangkin ako ng


tagapangasiwa doon."

"Sa mansion ng mga Van Zanth?" tanong niya na halatang nagulat.

"Yes." sagot ko.

"Kung ganoon pakibati si Alpha para sa akin."

Natigilan ako. Balak ko sanang tanungin kung sino ang tinutukoy


niya nang may tumawag sa kanya mula sa likod ng shop. Nag
paalam siya na kailangan niyang bumalik sa loob. Naiwan ako sa
loob ng shop na nagtataka.

Alpha?

***
Chapter 3: Flicker
Chapter 3: The Flicker

Nakauwi na ako mula sa downtown pero hindi maalis sa isip ko ang


narinig. Nasa second floor ako noong hapong yon at naglilinis sa
study room ng mansion.

Alpha.

Paulit ulit itong sumasagi sa isip ko. Ano ang ibig sabihin ng salitang
ito? Sino ang tinutukoy ng babae sa bookshop?

Hindi ko sinabi ang nalaman ko kay Aunt Helga. Pakiramdam ko siya


mismo may tinatago sa akin. Hindi ko gustong maghinala pero hindi
ko maiwasan. Habang tumatagal mas nararamdaman ko na may
kakaiba sa mansion kung saan ako nakatira.

Noong gabing yon ay sinubukan kong isa-isahin ang mga kakaibang


bagay na napapansin ko sa bayan at sa mansion. At maliban sa
sinabi ng babae mula sa bookshop ay may isa pang tanong sa isip
ko.

Ang Vindershack.

Ang tindahan kung saan ako inutusan ni Aunt Helga. Isa itong
tindahan ng mga traditional medicines. Karamihan sa tinitinda nila ay
mga halamang gamot. Noong binigay ko ang papel sa matandang
lalakeng nandoon tulad ng utos ni Aunt Helga ay inabot niya ang
agad ang brown paper bag na tila ba inaasahan na ako. Isang bote
ang laman nito. Isang uri ng gamot na pampakalma.

Halos hindi ako nakatulog noong gabing yon. Sari saring tanong ang
naglalaro sa isip ko. Isang imahe ang huli kong naalala bago pumikit
ang aking mga mata. Ang mukha ng lalakeng nasa picture frame sa
hallway.
Sino ba talaga siya?

Alas dose ng gabi nang maalimpungatan ako. Isang kakaibang ingay


ang narinig ko. Para bang may bumagsak na mga gamit sa sahig.
Malakas at puno ng pwersa.

Tuluyang nawala ang aking antok. Lalo na nang mapagtanto ko na


nagmumula ang ingay sa third floor.

Bigla akong napaupo sa kama. Anong nangyayari?

Muling kong narinig ang ingay. Para bang may gustong sirain ang
mga gamit na nandoon. Nagsimulang dumagondong ang kisame
dahil sa pagbagsak ng mga gamit sa third floor.

Ano bang nangyayari? Bakit mukhang may nagwawala sa loob ng


mansion?

Mabilis akong umalis sa kama at dumerecho sa pintuan. Gusto kong


gisingin si Aunt Helga. Subalit nabigla ako nang pagbukas ko ng
pinto isang maliit na liwanag ang nakita ko sa hallway.

Naaninag ko si Aunt Helga na may dalang lampara habang


naglalakad. Nagmamadali siyang umakyat sa hagdan papunta sa
third floor. Nakatalikod siya mula sa akin ngunit narinig ko ang isang
familiar na salita mula sa kanyang labi.

Alpha.

Pag gising ko kinabukasan, alam kong kailangan ko ng magtanong.


Alam kong may hindi tama sa lugar kung saan ako nakatira at
kailangan kong malaman ito. Habang kumakain ng breakfast
kasama si Aunt Helga ay napag decision kong magtanong tungkol
sa ingay kagabi.
"Hindi maayos ang pagkakasalansan ko ng mga gamit kaya nahulog
sila sa sahig." sagot niya.

Nagpatuloy siya sa pagkain. Pakiramdam ko inasahan niya na


itatanong ko yon. Her answer almost came out as automatic.

Nawala ang plano ko na magtanong pa. Pakiramdam ko wala din


siyang balak sagutin ang mga ito. Gusto kong isipin na totoo ang
sinabi ni Aunt Helga. Mas mabuti na yon kesa ang tangapin na
napa-paranoid na ako tungkol sa lugar na ito.

Lumipas ang mga araw at nanatiling tahimik ang pananatili ko sa


mansion. Kung may nakikita man ako ay hindi ko na ito
pinagtutuunan ng pansin. Isa lamang ang gusto kong mangyari. Ang
maging tahimik ang pananatili ko dito sa mansion. Hindi ko
kailangan ng gulo.

Nagkaroon ako ng routine sa araw araw. Sa umaga ay gigising at


kasamang mag aalmusal si Aunt Helga. Matapos ang almusal ay
pupunta na kami sa kanya kanya namin mga trabaho. Siya sa third
floor at ako sa ibaba.

Minsan kapag wala ng masyadong ginagawa sa loob ng mansion ay


pinapagayan niya akong maglinis sa labas. Hwag lamang gagalawin
ang mga rose bushes na nandoon.

Tuwing hapon ay madalas wala ng ginagawa sa mansion. Kaya


malaya akong magbasa sa study room o sa balkonahe. The routine
was almost reassuring and comforting. Kung hindi ko papansinin ang
mga kakaiba sa bayan o mansion magiging normal ang lahat.

Isang lingo bago ang pasukan ay bumisita ako sa community college


ng Van Zanth kung saan ako mag aaral. Minabuti kong bumisita at
libutin ang lugar para hindi ako maligaw sa unang araw. Pinahiram ni
Aunt Helga ang isang lumang sasakyan sa garahe.
Halos walang tao sa paaralan pagpasok ko. Tahimik ang campus at
tanging guard at tagapaglinis ang makikita. Hangang pangalawang
palapag lamang ang building at mukhang luma ngunit malinis.

Maaliwalas ang paligid dahil nakabukas ang ilang salamin na


bintana ng ilang classrooms. Madaming mga puno at maluwang ang
quadrangle na nakapalibot sa campus. Sa kaliwang parte ng
campus at sa bandang likuran nito ay makikita ang kakahuyan.

Kinuha ko ang schedule ko sa guidance office sa loob ng building.


Nang makita ng babaeng nag assist sa akin ang address kung saan
ako nakatira, pinagmasdan niya ako ng ilang segundo. At doon ko
napansin ang isang kakaibang bagay sa kanyang mga mata.

A flicker.

Tila mabilis na nagbago ang kulay nito. Umiwas ako ng tingin at


tahimik na kinalma ang sarili ko.

Stop imagining things, Laura.

Nang makuha ko ang schedule ay nagsimula akong maglakad lakad


sa loob ng building, taking down notes kung saan makikita ang mga
naka-assign na rooms sa bawat subject.

Nang matapos ay sa campus naman ako naglibot. Napakaluwang ng


campus at bakante ang malaking bahagi nito. It's like a given space
on the campus where you can run freely.

Naglalakad ako sa likurang bahagi ng campus nang ilang lalake ang


nakita kong lumabas mula sa kakahuyan sa dulo ng campus.
Natigilan ako at hindi sinasadyang pinagmasdan sila. Anong
ginagawa nila sa kakahuyan?

Nag uusap sila at mukhang nagtatawanan habang naglalakad. Ang


iba sa kanila ay hinihingal na tila katatapos tumakbo ng malayo.
Umiwas ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Subalit nabigla
ako nang isa sa kanila ang nakapansin sa akin. Bumulong ito sa
kasama niya. Saka sila tumingin sa akin. Pakiramdam ko nag uusap
sila kahit hindi ko sila nakikitang nagsasalita. May sinabi ang isa
pero tila tumangi ang isa pa, umiling.

Agad akong nagpatuloy sa paglalakad. Noong nakalayo na ako,


nagulat ako nang may humawak sa aking balikat. Halos mapasigaw
ako.

"Miss."

Humarap ako sa kanila at napaatras ng isang hakbang.


Pinagmasdan ko ang mga mukha nila saka ako muling lumingon sa
bungad ng kakahuyan kung saan ko sila nakita kanina. Paano sila
nakalapit ng ganoon kabilis?

"Bago ka lang? Mukhang hindi ka taga rito."

"Bago lang ako sa bayan." nagawa kong isagot. Pilit kong tinago ang
pangamba sa boses ko. "Nakatira ako sa mansion-"

I sudden movement cut me off. Isa sa kanila ang lumapit sa akin at


tuluyan akong nabanga sa pader na nasa likuran ko. He placed one
of his hands against the wall behind me. A playful glint flashed his
eyes.

"Kaya pala hindi familiar ang amoy mo." sinabi nito. "Bagong salta."

Nabigla ako nang mas lumapit ito. Tila inaamoy niya ang aking leeg.
Ano ang nangyayari?

Halos sumayad ang tungki ng kanyang ilong sa aking balat.


Kinilabutan ako dahil dito. Napansin ko ang mga mata niyang
nakatitig sa akin. There is was. The flicker.
Maya maya pa biglang huminto ang lalake, nagtiim bagang ito.
Hangang sa isang boses ang narinig namin.

"Cut it out."

Napalingon ako sa pinangalingan ng bagong boses. Kalmadong


naglakad ang isang lalake papunta sa amin. Nakapamulsa ito at
bahagyang nagkakamot ng ulo na tila nastorbo sa kanyang
pagtulog.

Agad na tumigil ang lalakeng nasa harapan ko at umatras palayo.


Bahagya ding lumayo ang kanyang mga kasama. Naghikab ang
lalakeng kadarating. Mukhang ka-edad lamang namin siya. Pero tila
hindi siya matingnan ng derecho sa mata ng grupong nasa harapan
ko.

"Ano nanaman ito?" tila reklamo niya.

Bumaling siya sa grupo. Napailing ang isa sa kanila at tiningnan ng


masama ang kanyang kasama, sinisisi sa gulong ginawa nito.

"Wala ito, Sebastian." sagot ng isa. "Naisipan lang naming batiin ang
bagong salta sa bayan."

Batiin? Anong klaseng pagbati yon?

Bumaling si Sebastian sa akin, nakataas ang kilay, nagtatanong.


Hindi agad ako nakapagsalita. Maya maya pa pinagmasdan niya
ako, tila inaalala kung saan ako nakita.

"Alam niyo ang patakaran." sinabi ni Sebastian habang nakatingin


parin sa akin. "Nakailang opensa na ba ang grupo niyo ngayong
buwan?" tanong niya sa mga lalakeng nasa harap ko.

"Hindi na mauulit, Sebastian."


Bumaling si Sebastian sa kanila. "Siguraduhin niyo lang. Hindi niyo
naman siguro gustong makarating pa ito sa kanya."

Napalunok ang isa sa mga lalake. Humingi sila ng paumanhin sa


akin saka nagmadaling umalis nang sabihin ni Sebastian. Nawala na
sila sa paningin ko pero nanatili paring nakatingin sa akin si
Sebastian, nakakunot ang noo, nagtataka.

Nagpasalamat ako sa kanya.

"Ikaw ang bagong salta sa Van Zanth?"

Napakurap ako. "Ah, ako nga." sagot ko.

"Nakatira sa mansion ng mga Van Zanth, tama ba?"

Natigilan ako.

"Maliit lamang ang bayang ito. Mabilis kumalat ang balita." sagot
niya nang makita ang nabigla kong mukha.

"Ilang araw ka na sa bayan?" tanong niya.

"Tatlong lingo."

"Matagal na." sinabi ni Sebastian na tumango tango. Saka siya tila


may naalala. "Kamusta na siya?"

Tinitigan ko siya. "Sino?"

Pinagmasdan niya ako. Ngumiti siya at umiling. "Wala." Nag stretch


siya ng braso. "Sige, mauna na ako." paalam niya.

Nagsimula siyang maglakad. Ngunit nakakailang hakbang pa


lamang siya nang bahagya siyang lumingon sa akin. "Magkikita pa
tayo sa pasukan."
I stare at his retreating figure, nakapamulsa siya at muling nag hikab
habang naglalakad. Pero maliban doon isang bagay ang napansin
ko bago siya tuluyang tumalikod. His eyes. The flicker.
Bakit ko nakikita yon sa kanila?

***
Chapter 4: The Letter
Chapter 4: The Letter

Ilang beses akong napapatingin sa staircase papunta sa third floor


tuwing maglilinis malapit dito. I shouldn't be curious but I can't help it.
Malinaw na ngayon na may tinatago ang mga tao sa bayan na ito. At
sino ba talaga ang tinutukoy nila tuwing nababangit ang salitang
alpha?

Noong gabi bago ang araw ng unang klase ko sa bayan hindi ako
nakatulog ng maayos. Nangangamba ako. Ang mga tao sa bayan,
hindi sila normal. At hindi ko gustong malaman kung bakit.

Maaga akong nagising kinabukasan kahit halos wala akong tulog.


Naghanda ako sa pagpasok at nagpaalam kay Aunt Helga bago
umalis ng mansion. Simula na ng pasukan sa bayan. Ngayon ko
lamang nakita na ganito kabusy sa downtown mula noong unang
araw ko dito.

Halos nahirapan akong pumasok sa campus dahil sa mga sasakyan


na kasabay ko. May ilang na naglalakad. Pilit kong pinagsawalang
bahala ang pangamba ko. Everything seems normal so far.

I parked the car on the parking lot. Bumaba ako mula sa sasakyan.
Kinuha ko ang backpack ko at ilang libro. Nagsimula akong
maglakad kasabay ang ilang mga estudyante na nagmamadaling
pumasok sa building. Subalit hindi pa ako nakakalayo nang
pagtinginan nila ako.

I suddenly became conscious of their stares. Ang iba nagbulungan.


Ilang salita ang narinig ko sa mga usapan nila. Bagong salta.
Mansion ng Van Zanth. Maging ang pangalan ni Aunt Helga ay
nabangit nila. At ang familiar na salitang yon. Alpha.
Ilang hindi makapaniwalang tingin ang aking natangap. Ang iba ay
tila pinag aaralan ako. May kung ano sa kanilang tingin na dahilan
para umiwas ako. Their stares made me feel like they know
something I didn't.

Hindi ko sila pinansin at tumuloy sa pagpasok sa building. Ang


community college sa bayan ay hindi malaki. Ilang course or
certificate programs lamang ang ino-offer dito tulad ng General
Education, Liberal Arts, Accounting, Law Enforcement, Technical
Courses, and Practical Nursing. I was taking Liberal Arts on
Charlotte at nasa huling taon na ako.

Bawat madaanan kong estudyante ay tila napapatingin sa akin.


Dumerecho ako sa isang seminar room sa dulo ng hallway.
Nakahinga ako ng maluwag nang makitang halos walang tao dito.
Theater style ang seminar room kaya naman bahagyang madilim.
Pinili ko ang pinakamataas na row at naghintay doon para sa aming
unang subject.

Lumipas ang ilang minuto at nagdatingan ang mga kaklase ko.


Halos nasa thirty lamang kami. Karamihan ay muling napatingin sa
akin. Pero tahimik akong nagpasalamat sa ibang tila walang
pakialam.

Binuksan ko ang librong dala ko at nagbasa habang naghihintay at


para iwasan na din ang tingin nila. Inalis ko ang attention sa libro
nang may marinig akong familiar na boses.

"Kita mo nga naman magkaklase pala tayo."

Bumaling ako sa lalakeng kanina lamang ay nadaanan kong


nakatungo sa kanyang mesa at mukhang natutulog. Ngayon
nakaharap na siya sa akin at pinagmamasdan ako.

"Sebastian."
"At your service." sinabi niya. "At natandaan mo din ang pangalan
ko."

Dahil hindi madaling kalimutan ang nangyari noong tumapak ako ng


unang beses sa campus.

"Liberal Arts?" tanong niya.

Tumango ako. Nakaka panibago na hindi siya naiilang sa akin. Hindi


tulad ng halos lahat ng estudyanteng makasalubong ko. Napansin
ko na habang kausap ko si Sebastian ay tumigil sa bulungan ang
iba.

Lumipas ang ilang minuto at dumating ang guro namin. Pinapunta


niya ako sa harapan para magpakilala. Sinabi ko ang pangalan ko,
kung saan ako galing, at saan ako nakatira sa Van Zanth.

"Alpha's mansion."

Natigilan ako nang marinig ang sinabi ng isa sa aking mga kaklase.
Tumikhim ang aming guro at pina-upo na ako. Nagsimula ang klase
namin. And I found myself doodling the word on my notebook.

Alpha.

Naalala ko ang picture na nasa hallway. Siya ba ang tinutukoy nila?

Nagmadali akong lumabas sa building matapos ang klase. Sinadya


kong umiwas sa hallway na puno ng mga tao. Pakiramdam ko pagod
na pagod ako.

Habang nagmamaneho pauwi sa mansion naisip ko na mag


research tungkol sa bayan na ito. Dapat matagal ko na itong ginawa.
Umasa ako na napa-paranoid lamang ako nitong mga nakaraang
araw. Pero kahit anong logical na reason ang isipin ko, ang mga
napapansin ko sa school ay hindi pangkaraniwan. I need to know
what was happening in this town.
Van Zanth.

A few months back halos hindi ko alam na may nag eexist na


ganitong bayan sa Fabrice. Halos walang nakaka alam ng bayan na
ito. Tago ito at nakahiwalay sa mataong mga bayan. Siguro ay dahil
may tinatago sila. A secret that makes Van Zanth secluded from the
world outside.

Plano kong magsimula sa research pag uwi ko sa mansion. It was


the first day of classes after all. Wala pang masyadong pinapagawa
ang mga guro kaya mabuting umpisahan ko na bago pa ako
mawalan ng oras. Pero nabura ang plano ko noong utusan ako ni
Aunt Helga.
Kailangan kong alisin ang mga telang nakatakip sa mga furniture at
gamit upang malabhan bukas. Kaya sa halip na mag umpisa sa
plano ko, bumaba ako sa sala at sinumulan ang aking gawain.

Noong gabing yon ay pabagsak akong humiga sa kama. Pagod na


pagod ako. Halos oras na ng dinner noong matapos ako sa gawain
kasama na ang pagbabad sa mga tela. Ilang minuto lamang
matapos kong humiga ay nakatulog na ako. Malalim ang aking
naging pagtulog dahil sa pagod. Pero noong sumapit ang gitna ng
gabi, naalimpungatan ako dahil sa isang ingay.

Nagising ako at pinakingang mabuti ang ingay. Para itong ingay na


narinig ko ilang araw na ang nakararaan. Pero sa halip na bumagsak
na mga gamit sa sahig, ang naririnig ko ay sigaw. Screams of pain.
Tila ba nasasaktan ang kung sino mang nagmamay ari sa boses na
yon.

Bumangon ako at tumapak sa malamig na sahig. Hindi ako pwedeng


magkamali. Nagmumula ang sigaw na yon sa third floor. Nagmadali
akong lumabas sa hallway. Paglabas ko nakita ko si Aunt Helga na
nagmamadaling umakyat sa staircase na papunta sa third floor.

Sinundan ko siya hangang sa tapat ng hagdan. Nang makaakyat si


Aunt Helga sa madilim na hallway sa taas, tuluyan siyang nawala sa
paningin ko. Nanatili ako sa bungad ng staircase not daring to take
another step. Halos mapa atras ako nang marinig ang boses ni Aunt
Helga na tila may kinakausap sa itaas.

"Alpha, kumalma lamang kayo."

"Pakiusap, huminahon kayo."

--

Hindi ako makapag concentrate buong araw. Maging sa paaralan ay


hindi ko magawang magfocus. Laging pumapasok sa aking isip ang
mga narinig noong nakaraang gabi. Hindi ko magawang tingnan si
Aunt Helga. Sino ba talaga ang nasa third floor?

Gusto kong magtanong pero wala akong mapagtanungan. Tila lahat


sila ay may tinatagong lihim sa bayan. Hindi pangkaraniwan ang
pagiging tahimik ng mga mamamayan dito. They hang out in groups
pero hindi sila madalas na nag uusap.

Almost all of them seemed to have this aura of mystery and


precision on their every movement. Sa mga tindig nila, sa
paglalakad, sa tingin, at maging sa mga salitang lumalabas sa mga
bibig nila.

Sa paglipas ng mga araw ay pumasok sa isip ko na tanungin si


Sebastian. But I decided against it. Hindi kami ganoon ka-close para
tanungin ko siya tungkol sa mansion kung saan ako nakatira. Isa pa
alam kong may kakaiba din sa kanya. Pakiramdam ko iba ang turing
sa kanya ng mga tao.

Tuwing nakakasalubong ko siya sa hallway o kapag nagkikita kami


sa klase, napapansin ko na tumatahimik ang mga tao, ang iba ay
tumatabi, minsan naman ay binabati siya. Noong minsan na
nagkaroon ng gulo sa campus, makita lamang ang pagdating niya ay
agad tumigil ito.
Tila ba nirerespeto siya ng mga tao dito. Maging ang ilang mga guro
ay hindi na pinapalaki ang usapan kapag siya ang nala-late sa klase.
Minsan narinig kong naguusap ang kaklase ko tungkol sa kanya.
Narinig ko ang isang kakaibang salita. They refer to him as Beta.

Lumipas ang unang lingo ng klase. Nabawasan ang mga tingin ng


mga tao sa akin, nasasanay na sa presence ko. Pero hindi parin
maiwasan na makarinig ako ng bulungan. Maliban kay Sebastian ay
wala na akong nakilala o kausap sa paaralan. Hindi na ako umaasa
na magkakaroon ng kaibigan. Pero hindi ko parin mapigilang
madismaya. I was hoping that things will be better here. Pero halos
wala itong pinagbago sa Charlotte.

Biyernes ng hapon. Pag uwi ko sa mansion ay ni-park ko agad ang


sasakyan sa garahe. Akmang papasok na ako sa loob nang
mapansin ko ang isang sulat na nakalagay sa mailbox sa gate.
Kinuha ko ito. Nahagip ng paningin ko kung kanino nakaaddress ang
sulat.

To: Zander Van Zanth

Natigilan ako nang mabasa ang pangalan.

Napapitlag ako nang biglang bumukas ang pintuan ng mansion.


Napalingon ako. Lumabas si Aunt Helga at agad na nakita ang
hawak kong sulat.

"Aunt Helga." bati ko. "Para kay Zander-"

Bago pa matapos ang sasahihin ko ay kinuha niya ang sulat mula sa


mga kamay ko.

"Ako na ang bahala dito. Pumasok ka na sa loob."

Natigilan man ay tumango ako. "Yes, Aunt Helga."


Naglakad ako papasok sa mansion. Napansin ko ang uneasiness sa
mukha ni Aunt Helga nang makita niyang hawak ko ang sulat.

Muling pumasok sa isip ko ang pangalan na nakalagay doon.

Zander Van Zanth.

***
Chapter 5: The Cat
Chapter 5: The Cat

Noong weekend, matapos ang aking trabaho ay dumerecho ako sa


study room ng mansion. Sinubukan kong buksan ang lumang
computer na nandoon. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang
gumagana pa ito. Sinubukan kong isearch ang mga salitang narinig
ko nitong mga nakaraang araw.

Alpha.

Madaming lumabas na search result. Pero ang pinaka nakakuha ng


pansin ko ay ang tungkol "alpha males". I clicked the link at dinala
ako nito sa isang website tungkol sa mga hayop.

Kumunot ang noo ko. Plano ko na sanang pindutin ang exit button
nang matigilan ako sa paragraph na nabasa ko.

Most animal live in packs. Within each pack, a hierarchy exists. The
pack leader is called the alpha male. The alpha male animals occupy
the dominant rank in their respective hierarchies.

Animals? Muli akong nag search: Beta.

The second in command in a pack. A beta is essential in packs. Beta


helps the alpha male in protecting their territory from outsiders or
from common interior threats to the hierarchy.

Tinitigan ko ang screen ng ilang segundo bago nag decision na


tuluyang patayin ang computer. Bahagya akong pumikit at huminga
ng malalim.

Ano ba itong ginagawa ko? Nababaliw na ata ako. Impossible na


may kinalaman ang mga taong nakakasalamuha ko araw araw sa
mga bagay na ito.
Isang imahe ang pumasok sa isip ko dahilan para humigpit ang
hawak ko sa edge ng mesang nasa harapan ko. Animals. Humans.
Pumikit ako at umiling. Hindi. It doesn't make sense. There must be
an explanation here. A more logical, more reasonable explanation.

Pagpasok ko noong sumunod na lingo ay hindi ko na napigilan na


tanungin si Sebastian. Matapos ang klase ay nakita ko siyang tila
papunta sa kakahuyan sa likod ng school.

Nagtaka ako dahil dito. Sumunod ako sa kanya. Nasa bungad na


siya ng kakahuyan nang tumigil siya sa paglalakad. Maging ako ay
napatigil sa aking paghakbang.

Napakurap ako ng bigla siyang lumingon sa akin. Pinagmasdan niya


ako, tila ba inaasahan na kung sino ang makikita. Nakapamulsa
siya, nakataas ang kilay, nagtatanong ang mga mata.

"May kailangan ka?" tanong niya.

"May itatanong lang ako." sagot ko.

A small frown crossed his lips.

"Magkasama tayo sa room kanina. Hindi mo ako kailangang sundan


para magtanong."

"Hindi ako komportableng tanungin ito kung may ibang makakarinig."


sinabi ko.

Dahil hindi ko din alam kung may sense ba ang mga sasabihin ko.
Baka mapagkamalan akong baliw. At least, kapag sinundan ko si
Sebastian siya lang ang makakarinig. I could take one person
thinking I'm insane.

"Ano ba yon?"
Napansin ko na napahikab siya. Nakakatulog ba siya ng maayos?
Para kasing lagi siyang inaantok. Sa classroom madalas ko siyang
nakitang nakatungo sa mesa at mukhang umiidlip.

"Narinig ko kasi na tinawag ka nilang beta. Ang mansion kung saan


ako nakatira, mansion ng alpha." Napalunok ako bago nagpatuloy sa
pagsasalita. "Ito ba ang hierarchy sa bayan na ito?"

Tinitigan niya ako. Napansin ko na tila natigilan siya sa aking sinabi.


His eyes were watching me.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo."

Natigilan ako. May pakiramdam ako na hindi siya nagsasabi ng


totoo. Hindi ko ba pwedeng malaman? Dahil ba hindi ako taga Van
Zanth? Isa ba ito sa mga tinatago nilang sekreto?

"Sino si Zander Van Zanth?"

Hindi siya sumagot. Nanatili lamang siyang nakatitig sa akin.

"Siya ba... Siya ba ang alpha sa bayang ito?"

Hindi nagbago ang expression ni Sebastian. His eyes are the only
give away of his emotions. I can see uneasiness in there. Tila ba
may malalim siyang iniisip.

Noong akala ko ay sasagutin niya na ang mga tanong ko bumuntong


hininga lamang siya at nagkibit balikat.

"Pasensya na wala akong alam dyan."

Gusto kong mainis sa kanya. You know, Sebastian. Alam kong alam
mo ang mga tinutukoy ko. Bakit hindi mo masabi sa akin?

"Ganoon ba." sagot ko sa walang emosyong boses. "Pasensya na


sa storbo. Hwag mo nalang akong pansinin."
Tumalikod ako at muling naglakad pabalik sa school campus. Pero
bago tuluyang lumayo, narinig ko ang boses ni Sebastian.

"Laura."

Lumingon ako sa kanya. Napansin ko na pagbabago ng kulay ng


kanyang mga mata. Mabilis. From golden yellow to black. Like a
flicker.

"You don't want to be involved with us, trust me."

--

Hindi na ako nagtanong pa kay Sebastian matapos ang nangyari.


Hindi maalis sa isip ko ang huling sinabi niya. Alam kong may mali.
Hindi sila normal sa bayan na ito. At malaki ang kinalaman ng
nakikita kong pagbabago ng kulay ng kanilang mga mata.

Madami na akong narinig tungkol sa mga kakaibang bagay sa buong


distrito ng Fabrice. At ayokong paniwalan na isa ang bayan ng Van
Zanth sa pinagmumulan ng mga kwentong ito.

Pinili kong umiwas kay Sebastian at ganoon din sa ibang mga


estudyante. Minsan nakikita ko si Sebastian na nakatingin sa akin,
nakakunot ang noo, at tila ba may malalim na iniisip. Ako na mismo
ang umiiwas sa kanya.

Kahit gustuhin ko pa na umakto na hindi nangangamba tungkol sa


tinatago ng lugar na ito ay hindi ko na magawa. I'm starting to doubt
who they are. What they really are.

Wenesday afternoon, umuulan sa labas at pauwi na ako sa mansion


nang bahagya kong ihinto ang sasakyan ko nang isang bagay ang
mapansin ko sa gilid ng daan. Malapit sa basurahan ay isang kahon
kung saan isang itim at basang pusa ang nasa loob.
Nanghihina ito at tila hindi makatayo ng maayos. Mukhang isa sa
mga bahay na nadaanan ko kanina ang inabanduna ang pusa.

Lumabas ako mula sa sasakyan at tiningnan ito. Napansin ko ang


sugat sa kaliwang paa nito. Humalinghing ito.

Kinuha ko ito at sa aking mga kamay. It was a form of life in my own


hands. It's breathing and alive. How can someone abandon a form of
life?

Hindi ko alam kung papayag si Aunt Helga na iuwi ko ang pusa sa


mansion. Ngunit hindi ko na ito magawang iwan. Pinasok ko ang
kahon sa loob at muling pinaandar ang sasakyan.

Pagdating ko sa mansion gaya ng inaasahan ay hindi pumayag si


Aunt Helga nang makita ang aking dala.

"Nag uwi ka ng isang pusang napulot mo sa daan?"

"Aunt Helga-"

"Problema lamang ang dulot niyan."

Natigilan ako sa sinabi niya. Napakurap ako nang isang alaala ang
pumasok sa aking isip.

"Kinupkop mo ang batang yan, Wilhelmina?"

"Pero Ate, pamangkin natin siya."

"Problema lamang ang dulot niyan."

It was an almost forgotten memory. Isang alaala noong bata pa ako.


Hindi ako nakagalaw pansamantala. A sharp pain pierced through
me. Nang bumalik ako sa kasalukuyan, tumango ako sa sinabi ni
Aunt Helga at muling kinuha ang kahon para mailabas.

"Yes, Aunty." tanging sagot ko.


Wala akong nagawa kundi ang ilabas ang pusa sa mansion.

Alam kong hindi ako gusto ni Aunt Helga noon pa man. Ang sabi ni
Aunt Wilhelmina may naging alitan sa pagitan ng aking mga
magulang at ni Aunt Helga noong nabubuhay pa sila. Sinabi niya din
na hindi ko ito kasalanan. Pero may mga pagkakataon parin na hindi
ko maiwasan na maramdaman ang tila malamig na pakikitungo ni
Aunt Helga.

Bago pakawalan ang pusa ay tahimik ko itong dinala sa balkonahe


at ginamot ang kanyang sugat. Nagfocus ako na hindi mapansin ni
Aunt Helga.

Lumipas ang ilang minuto nang matigilan ako. Pakiramdam ko may


nakatingin sa akin. Hininto ko ang ginagawa at linibot ko ang tingin
sa buong paligid.
Bahagya ng humihina ang ulan.

Isang pag galaw ang nahagip ng aking mga mata. Pinagmasdan ko


ang terrace na nasa third floor. Halos mabitawan ko ang gamot na
hawak ko. Mula sa nakabukas na pintuan ng terrace ay isang
silhouette ng tao ang nakita kong naglakad papasok sa loob ng
kwarto.

Hindi ako nakagalaw. Kung hindi pa nag ingay ang pusang hawak ko
ay hindi ko mapapansin na maging ang paghinga ko ay tila ba
tumigil. Pinilit kong isipin na maaaring si Aunt Helga ang nakita ko.
Pero alam kong hindi. Malaki ang pagkakaiba nila. Mas lean ito, mas
matangkad. Iba ang tindig at tayo nito. There's someone on the third
floor. I'm sure of it.

--

I didn't keep the cat like what Aunt Helga instructed me to. Matapos
gamutin ay pinakawalan ko din ito sa labas ng mansion. Ngunit
kinabukasan, nabigla ako nang makita kong muli ang itim na pusa sa
balkonahe ng mansion.
Aunt Helga asked if I really put away the cat. I said I did. Nakita
niyang umalis ako na dala ang pusa at bumalik na wala na ito.
She said something about the cat would keep on returning because I
treated its wounds. Pinakain ko din ito.

Sinubukan kong muling ibalik ang pusa noong pumasok ako ng


school. Pero lumipas ang mga araw at patuloy lamang itong
bumabalik sa mansion. Hangang sa nagsawa si Aunt Helga sa pag
uutos sa akin na ibalik ito kung saan ko nakita. Hinayaan na lamang
niya ang pusa.

I promised I would be responsible for the cat. Pinangalanan ko itong


Elvis. Araw araw ay nakikita ko ito na naglalaro sa kakaibang parte
ng mansion. Sa garden, sa mga estatwang nandoon, sa terraces sa
second floor. Tila komportable ito sa tahimik at abandunadong
atmosphere ng mansion.

Dinadalhan ko ito ng pagkain sa labas. Hangang sa tumagal ay


pumapasok na ito sa loob ng mansion at naglalaro sa mga lumang
gamit na nandoon. Napapailing na lamang si Aunt Helga kapag
nakikita ang pusa. Subalit sinigurado ko sa kanya na walang
masisira o mababasag na gamit si Elvis.

Sa paglipas ng mga araw, napapansin ko na madalas kong makita si


Elvis sa second floor. Minsan noong umuwi ako galing sa school
nadatnan ko siya sa paanan ng hagdan papunta sa third floor. Agad
ko siyang linayo mula doon at sinabihan ang pusang hindi siya
pwedeng lumapit sa parteng yon ng mansion.

Few days passed at madalang ko na siyang makita sa ibaba. Tila


may bago siyang lugar na pinaglalaruan sa loob ng mansion.

Isang gabi noong hinahanap ko siya para pakainin, nabigla ako nang
makitang bumaba ang pusa mula sa third floor. Halos mabitawan ko
ang hawak kong pagkain.
Dahil sa panic ay agad ko siyang kinuha. Mabuti na lamang nasa
kusina pa si Aunt Helga noong mga oras na yon. Muntik na. Kapag
nakita niya si Elvis na nasa third floor siguradong pareho kaming
mapapahamak.

Pinagmasdan ko ang pusang hawak ko.

"Sino ba ang pinupuntahan mo doon?" asik ko. "Hindi ka pwede


doon. Pareho tayong mapapahamak."

The cat purred contentedly with my touch. He rested his head on my


palms as if wanting me to scratch it.

Natigilan ako. Hindi ko ito madalas gawin. But the cat's reaction was
almost automatic. Tila ba may ibang gumagawa nito sa kanya.

Kaya ba lagi kang nasa itaas? Tahimik kong tanong sa pusa habang
pinagmamasdan ito. Nakikita mo ba siya?

--

Halos dalawang buwan na ako sa Van Zanth. At sa loob ng


dalawang buwan na ito naging malinaw sa akin ang ilang mga
bagay. May kakaiba sa mga tao sa bayang ito. Hindi ko alam kung
ano ang eksaktong bagay na yon. Pero unti unti na akong
nasasanay sa mga kakaibang tingin ng mga estudyante sa school.
Maging ang pagbabago ng kulay ng kanilang mga mata tuwing
nagagalit o nakakaramdam ng matinding emosyon.

Naobserbahan ko ang tungkol sa bagay na yon noong isang araw


lang. Noong nagkaroon ng gulo sa school. Nasa cafeteria ako noong
mga oras na yon, nakapila sa counter para sa aking pagkain.

Nabigla ako nang magsilabasan ang mga tao sa cafeteria dahil may
gulo sa labas. Nanatili ako sa pila, not daring to associate myself
with the chaos. Subalit noong narinig ko ang pangalan ni Sebastian
sa mga tao ay nacurious ako.
Iniwan ko ang pila at sumilip sa labas. Sa maluwang na lawn ay
dalawang lalake ang halos magpatayan. Punit punit ang damit nila
habang nagpapambuno sa damuhan, gustong saktan ang isa't isa.
Galit na galit. Nagtatangis ang kanilang mga bagang. Nangingitngit
ang kanilang mga ngipin.

Their palms were formed into a claw as if wanting to scrape the flesh
out of each other's body. Napansin ko ang kulay ng mga mata nila.
Tuluyang nawala ang normal na itim na kulay ng mga ito at napalitan
ng isang steady na kulay. A yellowish penetrating gaze.

"Call Sebastian!" sinabi ng isa sa mga estudyante.

Ilang minuto ang lumipas nang dumating si Sebastian. Pumagitna


siya sa dalawang lalakeng nag aaway. Nabigla ako nang makita na
mag isa niyang hinila ang mga ito palayo sa isa't isa.

The two struggled to reach each other, baring their teeth, clawing
their hands. Pinilit kong makita ng maayos ang nangyayari ngunit
madaming nakaharang sa harapan ko.

Narinig kong may sinabi si Sebastian sa dalawa subalit hindi ko


naintindihan. Sumagot ang isa sa kanila. But a somewhat low growl
resonated form the chaos silencing everyone.

Nabigla ako nang magatrasan ang mga taong nanonood at


magbalikan sa dati nilang ginagawa. Bumalik ang karamihan sa
cafeteria at ang iba nagpatuloy sa paglalakad papasok o palabas ng
building na tila walang nangyari.

Narinig ko ang binulong ng isang babae sa kasama niya.

"Nagalit na si Sebastian. Sana lang hindi makarating ang gulong ito


kay Alpha kundi pati tayo madadamay."

***
Chapter 6: Meet the Alpha
Chapter 6: Meet the Alpha

Sabado ng hapon. Tahimik sa buong mansion. Tapos na ang


karamihan sa mga trabaho at gumagawa ako ng book report sa
aking kwarto. Habang nagsusulat, napapaused ako nang pumasok
sa isip ko ang nangyaring gulo sa school noong nakaraang araw.

I flicked my pen absentmindedly on the table. Naging usap usapan


ang gulo. Tila nagbago ang atmosphere sa paaralan matapos ang
nangyari. Naging mas tahimik ang mga tao. Nag iingat. Tila ba
nagkaroon sila kasunduan. Hindi nila ito gustong makarating sa
Alpha. Base yon sa narinig ko. Sinigurado ni Sebastian na hindi na
mauulit pa ang nangyari.

Nirerespeto nila si Sebastian at ang iba ay natatakot na magalit siya.


Pero mukhang mas kinakatakutan na magalit ang tinatawag nilang
alpha. Mabangit lamang siya ay natatahimik ang mga tao. Hindi sila
magiging maingat nang ganito kung isa siyang simpleng pinuno ng
bayan. Is he that strict? Mahirap ba siyang pakisamahan? Ano bang
klase siyang tao?

I tapped my fingers on the surface of the table. Masyadong tahimik.


Naririnig ko ang pag galaw ng kamay ng orasan na nasa aking
kwarto. Maaliwalas sa labas. Maalinsangan ngunit mahangin. Mula
sa bintana ng aking kwarto ay nakikita ko ang bughaw na langit at
tuktok ng berdeng puno sa garden.

Lumabas si Aunt Helga at pumunta ng downtown. Pabalik na siguro


siya sa mga oras na ito. Hininto ko ang ginagawa ko at lumabas sa
kwarto. Plano ko sanang pumunta sa kusina noong matigilan ako.

Huminto ako sa paglalakad sa hallway nang mapansin na may


gumalaw sa dulo nito. Lumingon ako sa hagdan papunta sa third
floor. Halos manlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang
paakyat dito. Shit.

Agad akong tumakbo papunta sa paanan ng staircase.

"Elvis!" tawag ko sa pusa. "Elvis, bumaba ka dito!"

Nagpatuloy sa pag akyat ang pusa sa makitid na hagdan. Kumalat


ang pangamba sa dibdib ko.

"Elvis!" I hissed.

Ano bang ginagawa niya? Ilang beses kong sinabi na hindi siya
pwedeng maglaro sa itaas. Pilit kong kinalma ang sarili ko. Pero
paano kung dumating si Aunt Helga? Paano kung madatan niya
doon si Elvis? I promised to take full responsibility of Elvis. Hindi niya
gustong makita ito sa lugar na pinagbabawal niya.

Nanatili ako sa paanan ng hagdanan. The cat has been up there for
the past few days. Siguro naman hindi siya mahuhuli ngayon.
Napapitlag ako nang marinig na may nabasag na baso o salamin sa
itaas.

I froze. May nabasag ba si Elvis? Lumakas ang tibok ng puso ko.


Lagot ako.

Dahan dahan akong tumapak sa hagdan. Kailangan ko siyang


makuha. Kailangan maayos ko ito bago pa dumating si Aunt Helga.
Huminga ako ng malalim at nagsimulang pumanhik sa itaas.
Hangang sa nagmadali na ako sa pag akyat ng hagdan habang
tinawag si Elvis.

Nang makatapak ako sa mismong third floor halos mangilabot ako.


Nandito ako sa pinagbabawal na lugar sa mansion. Napalunok ako
at halos gusto ng bumaba. Iba't ibang klase ng frustrations ang
nararamdaman ko. Nakita ko si Elvis na pumasok sa nakabukas na
pintuan ng isang kwarto.
"Elvis!"

Agad ko siyang sinundan. Nadaanan ko ang isang vase na nabasag


niya sa sahig. Lagot talaga ako kay Aunt Helga.

Pinakalma ko ang aking sarili. Napansin ko ang malaking kaibahan


ng hallway kung nasaan ako sa hallway sa ibaba.

Carpeted ang hallway dito at hindi tulad ng nasa ibaba na halos


natatakpan ng puting tela ang lahat ng gamit, dito naka exposed ang
lahat. Mula sa tables, candle holder, vases at mga paintings- kitang
kita ko.

Pakiramdam ko mas pinangangalagaan ang floor na ito kesa sa mga


floor na nasa ibaba. Malinis at halos walang alikabok. Maaliwalas
kahit na madilim. Tanging ang nakabukas na ilaw mula sa siwang ng
pintuan kung saan pumasok si Elvis ang nagbibigay liwanag sa
lugar.

Nang makarating ako sa tapat ng pintuan ay hinawakan ko ang


doorknob at tuluyan itong binuksan. Pumasok ako sa kwarto na isa
lang ang nasa isip- ang makuha si Elvis. Subalit biglang naglaho ang
lahat ng nasa isip ko noong makita ko loob ng kwarto.

It was a bedroom. May king size bed sa gitna na may malinis at


puting sheets, nakabukas na lampshade, may baso ng kalahating
tubig sa isa sa mga mesa at nakalubog ng bahagya ang kama na
para bang may taong kaaalis lamang dito.

Pakiramdam ko tumigil ang aking paghinga. Napaatras ako. Hindi


dapat ako nandito. Kung sino man ang nagmamay ari ng mga gamit
na ito ay alam kong hindi ko dapat ito makita. I swear hindi ko
sinasadyang makita ang mga ito.

Palabas na sana ako ng kwarto nang makita ko si Elvis. Nanggaling


siya sa nakabukas na pintuan ng terrace na bahagyang natatakpan
ng puting kurtina. Pero hindi yon ang dahilan kung bakit bigla akong
nanghina at hindi nakagalaw sa pagkabigla.

"What's the problem, Elvis?"

It was a stranger's voice, a male's voice. Smooth, deep, almost


husky. Galing ang boses na yon sa terrace. Unti unti kong
naramdaman ang hakbang nito na para bang papasok sa loob ng
kwarto.

Shit.

Halos mapaatras ako sa pader na nasa likod ko nang makita ang


isang lalake na pumasok sa loob ng kwarto. Isang matangkad na
lalake, lean, may itim na itim at bahagyang magulong buhok,
nakakunot ang noo, at nakatingin siya sa akin ng masama.

"What are you doing here?"

Halos manghina ako sa boses niya. Deep. Harsh. Commanding.


Hindi ko magawang magsalita. His well-defined jaw clenched in a
dangerous way. Mariin niya akong tinitigan. Para akong lumulubog
sa kanyang titig. I saw a familiar flicker in his eyes. From intense
black to radiant gold. Mas matingkad ito sa lahat ng mga nakita ko
sa bayan.

"I said what the fuck are you doing here?!"

"I-I'm sorry."

My voice tremble. Kilala ko ang taong nasa harap ko. Siya ang
lalakeng nakita ko sa picture frame. Siya si Zander Van Zanth na
tinutukoy sa sulat. Ang alpha o pinuno ng bayan na ito.

Umatras ako. "Hindi ko sinasadya-"

Tinuro niya ang pintuan. "Out." utos niya sa nagbabantang boses.


"I said get out!"

Nagmadali akong lumabas ng kwarto. Halos masobsob ako sa


carpet sa hallway. Umayos ako ng tayo at nagmadaling bumalik sa
staircase. Nakita ko si Elvis na lumabas ng kwarto at agad ko siyang
kinuha. Saka ako bumaba ng hagdan. Nanginginig ang mga binti ko
maging ang palad ko. My eyes are stinging dahil sa pagpipigil kong
maluha.

I messed up. I messed up so bad.

Noong akala ko wala ng mas lalala pa sa sitwasyon, nadatnan ko si


Aunt Helga na naglalakad sa hallway sa second floor sa ibaba.
Tumigil ako sa gitna ng hagdan. Tinitigan niya ako. Bumaling ang
tingin niya kung saan ako nangaling. Bumakas ang pangamba at
disappointment sa kanyang mga mata. Alam kong alam na niya ang
nangyari.

--

Hindi ako mapakali habang nasa loob ako ng kwarto. May kalahating
oras na ang lumipas mula noong pumasok ako dito. Hindi ko alam
kung ano ang nangyayari sa itaas. Walang sinabi si Aunt Helga
noong makita akong pababa ng hagdan. Linampasan niya lamang
ako at nagmadaling pumanhik sa itaas.

Pero hindi ko na kailangan ng salita para makita kung gaano siya ka-
disappointed sa akin. Mababakas yon sa mga mata niya noong
tinitigan niya ako. Sinuway ko siya. Sinuway ko ang isa sa mga
importanteng bilin ni Aunt Helga.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto ko. Naisip ko ang mga


consequences ng ginawa ko.
Saan ako pupunta? Kapag pinaalis ako dito sa mansion, saan ako
pupunta?
Napapitlag ako nang marinig ang pagkatok sa pinto. Pinahid ko ang
luha na hindi ko namalayan na dumaosdos pababa ng pisngi ko.
Agad ko itong pinuntahan upang buksan. Nakatayo si Aunt Helga sa
hallway at nakatingin ng derecho sa akin nang buksan ko ang pinto.

"Nadismaya ako sa ginawa mo." sinabi niya. "Sinuway mo ang bilin


ko."

"I'm so sorry, Aunt Helga. Hindi ko sinasadya."

"Pinagbawak kong pumunta ka sa third floor para na din sa ikabubuti


mo. Kung gusto mong magtagal sa mansion kailangan mong sundin
ang mga bilin ko." sinabi niya sa mas kalmadong boses.

"Kung gusto mong manatili pa dito ay hwag mo ng ulitin pa ang


nangyari."

Tumango ako. "Naiintindihan ko po, Aunt Helga."

"Aasahan ko yan. Bumalik ka na sa iyong ginagawa."

Matapos akong kausapin ay bumalik si Aunt Helga sa first floor ng


mansion. Nang mawala na siya sa paningin ko, pumasok ako sa
aking kwarto at halos sumandal sa pintuan dahil sa panghihina.

Hindi pa ako mapapaalis.

Huminga ako ng malalim. Muntik na. Akala ko talaga katapusan ko


na. Napahawak ako sa dibdib ko. Mabilis parin ang tibok nito. Tila
hindi naalis ang kabang naramdaman ko noong nakita ko siya.

Zander Van Zanth. The alpha.

Kung ganoon totoo nga lahat ng hinala ko. May iba pang nakatira sa
mansion na ito maliban kay Aunt Helga at sa akin. Pero kung
ganoon bakit siya nananatili sa third floor? Bakit hindi ko siya
nakikita sa labas?
Umiling ako. Wala na dapat akong pakialam. Nasagot na ang mga
tanong ko. Kailangan ko ng kalimutan ang lahat ng ito kung gusto ko
pang manatili dito. I can't mess up again.

--

Araw ng Lunes. Maaaga akong pumasok kesa sa dati. Habang


naglalakad ako sa hallway kasabay ang ilang mga estudyante, hindi
ko maiwasan na maramdaman na may nagbago. Ngayon ay alam ko
na kung ano ang tinutukoy nila tuwing pinag uusapan ang mansion
ng mga Van Zanth. A part of the town's secret became part of me.
Nakilala ko na ang pinuno nila.

Alam ko na kung bakit ganoon na lamang ang reaction nila


mabanggit lamang ang pinuno nila. He was indeed scary.
Nakakapanghina ang kanyang mga titig. His voice was harsh and
commanding. Maging ang tindig niya, nakakaintimidate. Nakakatakot
talaga siya.

Iniisip ko parin ang bagay na yon noong pumasok ako sa seminar


room para sa una kong klase. Kaya naman hindi ko namalayan na
may nabanga ako pagpasok. Muntikang mahulog ang mga hawak
kong libro.

"Okay ka lang?" tanong ni Sebastian na nabanga ko.

Nag angat ako ng tingin saka inayos ang strap ng backpack sa aking
balikat. "Okay lang."

Pinagmasdan niya ako. I noticed a certain glint in his eyes. Hindi


siya naniniwala sa sinabi ko. Para bang may alam siya tungkol sa
mga nangyari noong weekend sa mansion.

Pumunta ako sa aking silya. Lumabas naman sa classroom si


Sebastian.
Makalipas ang ilang minuto ay bumalik siya saka umupo sa silya
niya na nasa tapat ko.

Pinagmasdan ko ang room. Halos limang tao lamang ang kasama


ko dahil masyado pang maaga. I stared at Sebastian who's sitting on
the aisles directly below mine. Nilalaro niya ang isang ballpen sa
pagitan ng kanyang mga daliri. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa
nakita ko sa third floor. Tungkol kay Zander Van Zanth.

"Okay ka lang ba talaga?"

Natigilan ako sa narinig. Halos hindi ko namalayan na nakaharap na


siya sa akin. Nakataas ang kanyang kilay, nagtatanong.

"Mukha kasing hindi ka mapalagay kanina pa."

Ganoon na ba kahalata?

Tinitigan ko siya. May kutob ako na may alam siya sa nangyayari.


Huminga ako nang malalim bago tuluyang nagsalita.

"I saw him." I said.

Napansin ko ang bahid ng interest sa mga mata niya. Tama ako.


Inaasahan niya ang sasabihin ko.

"I saw Zander Van Zanth."

Natigilan siya at bumuntong hininga. Para bang nakarinig siya ng


isang masamang balita. Kumunot ang noo niya.

"Ah, talaga." sinabi niya.

But he doesn't sound as if asking me at all. Bahagya siyang nag


stretch ng kanyang mga braso.

"Kung ganon alam mo na kung bakit pinagtitinginan ka ng mga tao."


Bumalik siya sa dati niyang pwesto, paharap sa podium na nasa
ibaba, at muling sumandal sa kanyang upuan.

"You are living with our alpha." narinig kong sinabi niya, mas mahina.
"A human girl."

Kumunot ang noo ko sa narinig. Nag focus si Sebastian sa harapan,


tila iniwasan na muling humarap sa akin. Anong ibig niyang sabihin?

"A human?" tanong ko sa kanya. Bahagyang lumingon si Sebastian.

"What do you mean, Sebastian?" tanong ko. "Aren't you the same?"

Bigla kong naalala ang nabasa kong research tungkol sa alpha at


beta. It's a form of hierarchy of certain animals. Humigpit ang
pagkakakuyom ng mga palad ko. Hindi kaya? Possible ba yon?

Pinagmasdan ko ang mga kasama namin sa room. Ano mang oras


ay magdadatingan na ang karamihan sa mga kaklase ko. Sino ba
talaga ang mga tao sa bayan na ito? Ano ba talaga sila?

"Bakit hindi mo masabi sa akin?" tanong ko kay Sebastian.

"There are a lot of things you don't know."

"Then tell me." I insisted. Dahil naguguluhan na ako. Ano pa ba ang


tinatago ng bayan na ito?

"Hindi ko pwedeng gawin yon."

"Bakit?"

Sebastian's expression was unrecognizable.

"It's dangerous to be associated with us, trust me."

***
Chapter 7: Hybrids

Chapter 7: Hybrids

Thursday afternoon. Alas sais na ng gabi pero nasa paaralan parin


ako dahil sa research paper na tinatapos ko. Paglabas ko ng Library
ay madilim na. Halos wala ng tao sa loob ng school building at
nakabukas na ang mga street lamps sa bawat sulok ng campus.

Nagmadali akong pumunta sa parking lot. Tumawag ako kay Aunt


Helga kanina at sinabing malalate ako ng uwi dahil sa school
requirements. Pero hindi ko parin maiwasang mag alala sa kanyang
sasabihin. Habang naglalakad ako patawid sa maluwang na lawn sa
side ng campus nahagip ng paningin ko ang ilang mga taong nasa
dulo ng campus malapit sa kakahuyan.
Bakit ba ang hilig nilang pumunta doon kahit sa ganitong oras? Ano
bang meron sa kakahuyan?

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nang madaanan ko sa bakod na


naghihiwalay sa baseball field at parking lot, bigla akong napadaing
nang isang nakausling bakal mula sa bakod ang sumabit sa binti ko.
Halos mapaupo ako sa biglaang hapdi na naramdaman.

Umupo ako at pinagmasdan ang ginawang sugat nito. "Shit." bulong


ko.

I winced as blood immediately trickled from the cut. Ang hapdi.


Kinagat ko ang labi ko habang kinakapa ang panyo sa bulsa ko.
Kung kailangan pauwi na ako saka pa nangyari ito. Matapos pigilan
ang pagdugo gamit ang tinaling panyo, muli akong tumayo.

Nagsimula ulit akong maglakad. Pero natigilan ako nang may


maramdaman na may papalapit sa akin. Napalingon ako at nakita
ang dalawang lalake at isang babae ang palabas ng school tulad ko.
Bahagya silang napalingon sa akin. Mukha silang magkakaibigan.
Nakahinga ako ng maluwag nang lampasan nila ako at hindi
pinansin. Pero natigilan ako nang tumigil sa paglalakad ang isa sa
kanila. Bahagya itong tumingala tila may inamoy sa hangin.
Napaatras ako nang bigla itong lumingon at nagtama ang mga
paningin namin. Napansin ko na bumaba ang tingin nito sa puting
panyo ko sa binti ko may mantsa ng dugo.

Biglang natigilan ang babaeng kasama niya at hinila ang braso nito.
Narinig ko ang paulit ulit na sinasabi nito. Control your impulses.
Bumaling ito sa isa pang lalakeng kasama niya, tila humihingi ng
tulong.

"What are you doing? Calm him down!" sigaw nito.

Pero maging ang isa niya pang kasama ay tila hindi na siya naririnig.
Nakatitig ito sa akin. Napaatras ako. Agad nagbago ang kulay ng
kanyang mga mata. From dark to pale yellow. Hangang sa naging
steady ito.

Tuluyang nagbago ang expression ng dalawang taong nasa harapan


ko. They stares became dark and menacing. Tila nagbabago ang
kanilang anyo sa mismong harapan ko at hindi nila magawang
makontrol ang mga sarili.

Umatras ako. Hangang sa tumakbo na ako. Maging ang babae ay


tila unti unti ng nawawalan ng kontrol. Ano bang nangyayari? Ano ba
sila?

Tumakbo ako pabalik sa Library umaasa na may madadatnan pa


doon. Pero isang kamay ang mahigpit na humawak sa braso ko.
Napadaing ako. Doon ko napansin ang tila ba matutulis na kukong
halos nakabaon sa aking balat.

Pilit kong hinila ang aking braso. Subalit napasinghap ako nang
isandal ako nito sa bakod. Nag shake ang metal fence sa likuran ko
dahil sa impact. Halos maluha ako dahil sa sakit. Nagpumiglas ako
para makawala. Ngunit tuluyan akong nawalan ng hininga sa
sumunod kong nakita.

The guy bared his teeth in front of me. At nakita ko ang bagay na
kumislap mula sa liwanag ng lamp post na nasa likuran namin.
Fangs. I'm seeing fangs.
Hindi ako nakagalaw. I stared at it, transfixed.

Hangang sa isang familiar na boses ang nagbalik sa akin sa


kasalukuyang sitwasyon.

"George, calm yourself down."

It was Sebastian. Kalmado siyang lumapit sa lalakeng nasa harapan


ko at hawak ako. No. It was not my schoolmate anymore. It was a
monster.

A low growl is all his response. Nagpatuloy ito sa paglapit sa akin


hangang sa halos nasa tapat na ito ng leeg ko. It was like a de ja vu.
Nangyari na ito sa unang beses kong tumapak sa campus.

"I said calm the fuck down. Didn't you hear me?!"

Natigilan ang lalake dahil sa banta ni Sebastian. Tila natauhan ito


kung sino ang sinusuway niya. Unti unting lumayo ito sa akin. Ang
mga matatalim niyang kuko tila umatras. Ang kanyang
nakamamatay na titig ay kumalma. At ang kanyang pangil ay
naglaho sa likod ng kanyang mga labi.

Humahangos na dumating ang babae at lalakeng kasama nito.

"I'm so sorry, Sebastian! I tried to calm them. I did. Pero hindi ko na


sila napigilan. I'm so sorry!" Sunod sunod na sinabi nito sa nag
aalalang boses. Tila natatakot sa maaaring mangyari.

Hindi sumagot si Sebastian. Mariin ang titig nito sa lalake. Saka siya
bumaling sa akin. Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng dibdib
ko habang nakasandal parin sa bakod.

Hindi ako makagalaw. Nanginginig ang halos buo kong katawan.


Hindi ko na alam ang nangyayari. Hindi ko na gusto pang malaman!

Ang galit sa mukha ni Sebastian noong oras na yon ay kapareho sa


galit niya noong may nag away sa school. Mukhang mas matindi pa.

"Umalis na kayo dito." utos niya sa magkakaibigan. "Mamayang gabi


kakausapin ko kayo." sinabi niya.

Nanatiling nakatingin si Sebastian sa akin. Agad na umalis ang


magkakaibigan at naiwan kami sa campus ni Sebastian. Pero
maging sa kanya ay hindi na din ako sigurado kung ligtas ako.
Matapos ng mga nakita ko hindi ko alam kung kanino pa magtitiwala
sa lugar na ito.

Bigla siyang lumapit sa akin. Napa atras ako. Natigilan siya nang
makita ang reaction ko.

"Hindi kita sasaktan, Laura." sinabi niya.

"You are just like them." mariin kong sinabi. "Pare-pareho kayo sa
bayan na ito, hindi ba? Kaya paano ka nakakasigurado?"

Bahagya siyang ngumiti at umiling. "Only eighty percent. The


remaining twenty are the people like you. Humans."

"Ano ba talaga kayo?" tanong ko. Halos nakikiusap na ako. Gusto ko


ng matigil ito. Kailangan kong malaman.

Muli siyang humakbang palapit. "Kung sinabi ko maniniwala ka ba?"

Tinitigan ko siya. Siguro nga ayokong maniwala. Dahil ayokong


tangapin na hindi normal ang mga taong nakakasalumuha ko araw
araw.
I'm always been logical and reasonable about things. Ayoko ng mga
bagay na walang paliwanag, mga bagay na hindi ko maintindihan.

"We know you are working on finding the truth about Van Zanth.
Ngayon ay nasa harapan mo na." sinabi ni Sebastian. "Ano ba kami
sa tingin mo, Laura?" naghahamon na tanong niya.

"I-I don't know." I breathed. "You have animal characteristics, the


hierarchy, the isolation of Van Zanth from other town-"

"That's what we are."

Natigilan ako. "Then tell me exactly!"

Bumuntong hininga siya na tila ba wala ng pagpipilian kundi ang


sabihin sa akin ang gusto kong malaman.

"We are hybrids."

I stared at him. Hybrids?

"We are humans with animal characteristics. We are almost the


same as werewolves. But we don't do shifting. We are as it is. Kaya
naman palabasin ang mga katangian tulad ng pangil o matutulis na
mga kuko, mabilis na pag galaw o matinding lakas, depende sa nag
trigger sa amin. Emotions, predatory impulses, danger or territorial
reflexes."

Pakiramdam ko nalulunod ako sa mga salitang naririnig mula kay


Sebastian.

"Part human, part animals. Sa mga normal na tao we are a monster,


a beast. Dahil sa kakaibang dugo na dumadaloy sa lahi namin. It's
like an illness with no cure. Ang kaibahan lang we treat it as an
advantage dahil sa hindi pangkaraniwang bagay na nagagawa
namin."
Wala akong magawa kundi ang titigan siya.

"We are simple contaminated with wild animal's DNA. Hangang sa


naipasa ng mga ninuno namin ang kakaibang dugong ito sa
kasalukuyang henerasyon. Hindi kami normal sa bayan na ito,
Laura."

"Sa buong Fabrice hindi lamang ang Van Zanth ang pinaninirahan
ng mga katulad namin." sinabi ni Sebastian. "Maaaring sa bayan
kung saan ka nagmula meron ding tulad namin nang hindi mo alam."

Umiling ako. "Hindi."

"Hindi mo matangap ang katotohanan dahil malayo ito sa gusto


mong marinig o paniwalaan. Very typical of humans." sinabi ni
Sebastian.

"Hindi kita pipilitin na maniwala. Pero ito lang ang maipapayo ko


sayo, Laura. The truth is in front of you. I hope it was enough
warning. Mas makabubuti kung hindi ka madadamay sa mga katulad
namin."

--

Hindi ko namalayan kung paano ako nakauwi ng mansion noong


gabing yon. Nanginginig parin ang mga kamay at binti ko nang
muling tumapak doon. Nakasalubong ko si Aunt Helga sa sala. She
saw my fear stricken face. Nagtaka siya pero wala siyang sinabi.

Dumerecho ako sa aking kwarto at agad na sinara ang pinto.


Pinagmasdan ko ang sugat na nakuha ko. Bago umalis sa campus
ay binigyan ako ng gamot ni Sebastian para tumigil ang pagdudugo
nito.

Sinabi niya na natural na makaramdaman sila ng predatory instincts


kapag nakakaamoy ng dugo. May ilan parin sa kanila na hindi
makontrol ang mga impulses lalo na kung hindi familiar ang amoy ng
dugo. Sa sitwasyong ito, ako ang tinutukoy niya.

Pabagsak akong umupo sa aking kama. Hangang ngayon ay hindi


parin ako makapaniwala sa mga narinig ko. Alam din kaya ni Aunt
Helga ang totoo? Alam ba niyang hindi normal ang mga tao sa
bayan na ito? At nagta-trabaho siya sa mismong pinuno nila?

Kinagat ko ang labi ko habang nag iisip.

Wala akong masyadong alam tungkol kay Aunt Helga maliban sa


mga kwento ni Aunt Wilhelmina tungkol sa kanya. Hindi ko alam
kung ilang taon na siyang naninirahan o nagtatrabaho sa bayan na
ito. Siguro nga alam niya. Pero bakit hindi niya sinabi sa akin?

Muli akong lumabas ng kwarto at pumunta sa study room. Muli kong


binuksan ang lumang computer na nandoon. Nag search ako.
Hybrids. Madami ang lumabas na search results.

Hybrid is a cross between different species, genera, or, in rare


cases, families. A hybrid can also be a cross between different
subspecies or varieties of a species.

Hybrids occur in nature, where they serve the important evolutionary


function of increasing genetic variety. But there are isolated cases
where hybridization is acquired through contamination.

Hybrids often have what is called hybrid vigor; they tend to be


stronger, healthier, and their skills are well developed than normal
species. Thus, their strength and skills are superior to that of either
specie where they came from.

Bahagyang nanginginig ang mga darili ko noong pinindot ko ang exit


button. Lahat ng nabasa ko ay konektado o may kinalaman sa
kanila. Kung ganoon ay totoo nga ang lahat ng sinabi ni Sebastian.
They are indeed hybrids.
Muli akong nag search. I entered the name of the town Van Zanth.
Pero mga pangkaraniwang information lamang ang nandoon. Tulad
ng location nito, population, area na nasasakupan.

Pinatay ko ang computer. Tumayo ako at pinagmasdan ang


nagtataasang mga bookshelves na binabalutan ang study room.
There must be something here that would help me.

Nagsimula akong maghanap ng libro na makakatulong sa akin. Inisa


isa ko ang mga lumang librong nakasalansan sa bookshelves. Ang
iba ay binabalutan na ng alikabok dahil halos hindi nagagamit.

Mula sa dulo ng bookshelf ay isang lumang maroon na libro ang


nakita ko. "Van Zanth: A Town's History." Umupo akong muli sa silya
at sinimulan basahin ang libro.

Ayon sa nabasa ko, ang bayan ng Van Zanth ay naitatag ilang


generasyon na ang nakakalipas. Itinatag ito ng great grandfather ni
Zander na si Zoilo Van Zanth. Ang bayan ng Van Zanth ay
nagsimula bilang isang hacienda. Hangang sa lumaki nang lumaki
ang territoryo o lupang sinasakupan ng pamilya. Kinailangan nila ng
mga mangagawa. Sa paglipas ng dekada naging maliit na
komonidad ang Van Zanth. Hangang sa naging bayan ito.

Kung ganoon, totoo nga na ang pamilya ni Zander ay nagmamay ari


ng isang buong bayan. Pag aari nila ang lupa kung saan nakatayo
ang buong Van Zanth. Nagpatuloy ako sa pagbabasa hangang sa
makita ko ang salitang kanina ko pa hinahanap. Hybrids.

Ang Van Zanth ay isa sa bayan na sa distrito ng Fabrice kung saan


mas malaki ang populasyon ng mga hybrids kesa sa mga normal na
ito. Mas tinatangkilik ng mga hybrids ang mga bayan na kauri nila
ang nagtatag dahil sa pamamalakad at environment na mas
umaayon sa uri nila kesa sa normal na tao. Ayon din sa libro, isa ang
bayan ng Van Zanth sa limang bayan sa Fabrice na pamilya ng
hybrid ang nagtatag. Ang mga bayan na ito ay karaniwang
nakahiwalay mula sa mataong mga bayan. Ang hierarchy of
authority o pamumuno sa bayan ay base sa batas ng mga hybrids.

Sinabi sa libro na ang mga grupo ng hybrids ay tinatawag din na


pack. Sa oras na naging parte ng pack ang isang hybrid ay
pinapangako nito na susunod sa lahat ng batas ng bayan at ang
pagsuway ay katumbas ay buhay. Importante ang loyalty sa isang
pack. Nakadepende dito ang kapayapaan ng buong bayan. At sino
man ang sumuway sa mga alituntunin at batas sa loob ng pack ay
may kaakibat na parusa o buhay.

Ang hierarchy ng bayan ay nahahati sa anim na uri. Ang alpha, ang


beta, ang orders, ang elites, ang mga lower cache, at huli ang mga
settlers. Ang alpha ang pinuno ng bayan. Ang beta ay ang second in
command. Ang orders ay katulong ng alpha at beta na
nagpapatupad ng mga batas sa bayan. Ang mga elites ay mga
mayayaman na pamilya ng mga hybrids samantalang ang mga lower
cache ay ang mga pangkaraniwang mamamayan sa uri nila. Ang
settlers ay mga hybrids na nagmula sa ibang bayan na gustong
manirahan sa Van Zanth. Sila ang pinaka mababa sa hierarchy.
Bago maging lower cache o elites, kailangan muna nilang patunayan
ang loyalty nila sa bayan. Minsan taon o dekada ang kailangan bago
sila makaalis sa position bilang settlers at maging opisyal na lower
cache o elites.

Sa bayan na ito ang pamilya Van Zanth ang may hawak ng


pinakamataas na position sa bayan. Ang pagiging alpha ay
naipapasa sa mga susunod na generasyon. Samantalang ang
pagiging beta ay base sa decision ng kasakuyan na alpha. Ang
pinuno ang may karapatang pumili kung sino ang kanyang magiging
second in command.

Nakalagay sa libro ang pangalan ni Zander Van Zanth at Sebastian


McAllister bilang inaasahan na susunod na alpha at beta ng bayan
sa oras na tumungtong sila sa tamang edad. Labing walong taong
gulang. Tiningnan ko ang petsa kung kailan napublish ang libro.
Four years ago. Ibig sabihin noong taon na ito ay ang Ama pa
lamang ni Zander ang nasa position at ang beta nito. Kung hindi ako
nagkakamali sinabi ni Aunt Helga na patay na ang dati niyang mga
Amo. Kung ganoon, kailan lamang nangyari ito.

Hindi ko namalayan ang pagtakbo ng oras habang nasa loob ako ng


study room. Nanatili akong nakaupo sa silya malapit sa bintana
habang patuloy na binabasa ang libro. Madami akong nalaman
tungkol sa bayan. At habang tumatagal unti unti kong natatangap
ang katotohanan. Ngayon mas naging malinaw sa akin ang lahat ng
kakaibang bagay na bumabalot sa bayan na ito. Hindi nga talaga
impossible na magkaroon ng mga tulad nila.

Halos alas dose na ng gabi nang mapagdesisyonan kong


ipagpabukas na ang pagbabasa. Naghiyab ako at nag stretch bago
lumabas sa study room. Dahil sa pagbabasa buong gabi halos
nakalimutan na ang mga nangyari sa campus. Napa-daing ako nang
muling maramdaman ang sugat sa binti ko habang naglalakad sa
hallway. Kaya naman sa halip na bumalik sa kwarto ay bumaba ako
sa kusina para kunin ang first aid kit.

Tahimik na sa mansion noong mga oras na yon at madilim. Tulog na


si Aunt Helga. Nang makarating ako sa kusina ay hinanap ko agad
ang first aid kit at ginamot ang sugat ko. Nang matapos ako ay
pinatay ko ang ilaw at umalis. Habang paika ikang naglalakad sa
sala ay nahagip ng mga mata ko ang pusang si Elvis. Nakaupo ito
sa tapat isang malaking bintana. Litaw na litaw ang silhouette nito
dahil sa liwanag ng buwan na nagmumula sa labas.

"Elvis, come here." tawag ko sa pusa.

I motioned my hands for him to come to me while my other palm


rested on my knees. "Come here, Elvis."

The ears of the cat perked up as if sensing my presence. Tumayo ito


at nag stretch ng katawan.
"Come here."

Tumalon ito sa sahig at nagsimulang maglakad papunta sa direction


ko. I waited with my palm open. Ngunit natigilan ako nang mag iba
ang tinatahak niyang direction. Kumunot ang noo ko at sinundan ng
tingin ang pusa. Hangang sa tuluyan akong napaatras nang makita
kung kanino ito papunta. Halos mapadaing ako nang tumama ang
sugat ko sa sofa dahil sa aking pag atras. Tinitigan niya ako.
Napansin ko ang kakaibang expression sa mga mata niya nang
marinig ang pagdaing ko. Zander Van Zanth is in front of me.

Tanging ang bintana kung saan pumapasok ang liwanag ng buwan


sa labas ang nagbibigay liwanag sa madilim na sala. Pinagmasdan
ko ang kanyang mukha. Mataman na nakatitig sa akin ang kanyang
mga mata. Bahagyang nakakunot ang kanyang mga noo. Tila may
malalim siyang iniisip.

Hindi ko alam kung bakit pero palakas nang palakas ang tibok ng
puso ko habang nagtatagal ang mga titig niya sa akin. Bumaba ang
tingin niya sa sugat na nasa binti ko. Bahagya akong tumungo para
umiwas sa kanyang tingin at bilang pag galang. Pakiramdam ko kasi
hindi ko siya maaaring tingnan ng derecho sa mga mata. Kinagat ko
ang labi ko. Bakit ba siya nandito sa ibaba?

Hindi ko magawang iangat ang tingin ko. Nanatiling tahimik ang


buong paligid. Magkalipas ng ilang segundo at naramdaman ko na
nawala ang presence niya sa harapan ko. Nag angat ako ng tingin at
nakitang wala na siya sa tapat ng staircase. Isang malalim na
hininga ang pinakawalan ko. Napahawak ako sa dibdib kong
kumakabog parin sa kaba.

Why does my heart have to beat so fast whenever he's near?

***
Chapter 8: Half Blood
Chapter 8: Half Blood

Kinabukasan hindi ko nakita si Sebastian sa school maghapon.


Narinig ko mula sa kaklase kong nag uusap na may inaasikaso daw
sila sa border kasama ang mga orders.

Dahil sa mga nabasa ko ay naging malinaw na sa akin ang mga


bagay na madalas kong naririnig noon. Dati ay wala akong pakialam
sa mga ito. Now everything makes sense. Naging mas observant
ako sa galaw ng mga taong nasa paligid ko.

Nakasalubong ko din ang babaeng kaibigan ng lalakeng sumugod


sa akin kahapon. Umiwas ito ng tingin. Wala akong narinig na balita
tungkol sa mga nangyari kahapon. Nakahinga ako ng maluwag dahil
doon.

Ayoko din na pinaguusapan nila na nalaman ko ang sekreto ng


bayang ito sa nakamamatay na paraan. Nanatili na kaming lima
lamang ang nakakaalam ng nangyari. I wonder kung ano ang
nangyari sa lalakeng sumugod sa akin. Naparusahan ba siya?

Noong una ay hindi ko alam kung iiwas ba ako matapos ang mga
nalaman ko. I'm surrounded by hybrids. Hindi ko maiwasan na
mapatingin sa kanila tuwing nakakasalubong ko sila sa hallway o
habang nasa klase.

There a several times na halos hindi na ako nagco-concentrate sa


klase. Hindi ako makapaniwala na nakakasalumuha ko ang mga
tulad nila. Pero maliban sa mga nalaman ko ay walang nagbago
mula noong una ko silang nakilala. They remain silent with their own
matters. Silent and eerily mysterious.

Matapos ang klase at pag uwi ng mansion ay muli akong dumerecho


sa study room para ipagpatuloy ang pagbabasa ko.
Kinuha kong muli ang libro sa bookshelf. Pero nagulat ako nang isa
pang libro ang malaglag sa sahig dahil sa pagkuha ko. Pinulot ko ito
at binasa ang title.

Zeref Van Zanth: The Third Alpha.

Kung hindi ako nagkakamali ay Zeref ang pangalan ng magulang ni


Zander. Kung ganoon si Zander ang pang apat na pinuno mula
noong maitatag bilang bayan ang Van Zanth.

Binuksan ko ang libro at sinimulang basahin ito. Kung ang unang


libro ay tungkol sa pagkakatatag ng Van Zanth, ang librong hawak
ko ay tungkol sa mga taon ng pamununo ng Ama ni Zander.

Palubog na ang araw sa labas at pumapasok ang matingkad na


liwanag nito sa bintana na nasa tapat ko. Tahimik ang mansion
noong hapong yon. Umupo akong muli sa silya at nagbasa.

Ayon sa libro, twenty eight years ang pamumuno nito bilang alpha.
Mula noong tumuntong ito sa wastong gulang ng labing walo
hangang sa maging labing walo ang anak na lalake nito na si
Zander. Mas latest ang librong ito kesa sa unang librong nabasa ko.
Napublish lamang ito two years ago. Ang taon kung saan natapos
ang pamumuno niya at pinalitan ng kanyang anak na si Zander Van
Zanth.

Sa ilalim ng pamumuno ni Mr. Zeref Van Zanth idinaos ang ika-


isandaang taong anibersaryo ng bayan mula noong maitatag ito.
Nalaman ko kung gaano kahusay na pinuno ang Ama niya. Even on
his early years madami itong nagawang batas bilang alpha.
Ginagalang siya bilang pinuno at nirerespeto ng mga tao sa loob at
labas ng bayan. Subalit isang bagay ang agad na nakakuha ng
attention ko.

Isa sa pinakamalaking problema sa kanyang pamununo. Umibig siya


sa isang tao. A pure blooded human. Cassandra Lorainedale. And it
was stated here that Cassandra was converted to be a hybrid. Thus,
offspring with one or both parents who are converted to become
hybrids are considered half-bloods. Zander is not a pure blooded
hybrid. Ayon sa libro ang consequences ng nangyari ay mapupunta
sa kanilang magiging anak.

Half-bloods possessed two different bloods. The blood of a pure


human and the predatory blood of a hybrid. Alphas that are half-
blood have a harder time controlling their shifting compared to
regular half-bloods or hybrids for that matter. It is because alpha
blood is more aggressive in nature. It is the blood that wants to
dominate the body.

--

Kinabukasan, umaasa ako na makita si Sebastian sa school.


Madami akong gustong itanong sa kanya. Lalo na tungkol sa mga
nalaman ko kagabi. Zander is not a pure blooded hybrid. Normal na
tao tulad ko ang kanyang Ina. At ayon sa libro ay nagkakaroon ng
physical na epekto ang pagiging half-blood. Hindi ko ito nagawang
tapusin. But it seems like the book covers the reign of the previous
alpha, like an autobiography.

Nakahinga ako nang maluwag nang makitang pumasok na si


Sebastian. Hinintay ko dumating ang lunch bago ko siya nilapitan
para kausapin. Naglalakad siya sa quadrangle habang nakapamulsa
noong nilapitan ko siya. Tumaas ang kanyang kilay nang makita ako.

"Akala ko iiwas ka matapos ang mga nalaman mo nakaraang araw.


Pero ikaw pa ngayon ang lumalapit." Ngumiti ito tila nang aasar.
"Hindi ka ba natatakot? Pwede kitang saktan."

I almost rolled my eyes at his dark humor. "Hindi mo magagawa


yon." sinabi ko. "You are the beta. You must set a good example. Isa
pa ay may mga batas kayong sinusunod."

An expression of amusement filled his eyes. "Someone did her


research, eh?" sinabi niya.
"I have to." tanging sagot ko.

Tuluyan siyang humarap sa akin habang nakapamulsa. "Ano bang


gusto mong malaman?"

Kung titingnan hindi halata kay Sebastian na isa siyang second in


command sa bayan na ito. He looks carefree. He has this lazy eyes
na akala mo laging inaantok. And disheveled brown hair na tila
bagong gising. But looks can be really deceiving. Nakakatakot na
magalit ang isang Sebastian McAllister. At kung tingnan ka niya
pakiramdam mo pinag aaralan ka. Even his sense of humor is dark.

"Si Zander Van Zanth hindi siya tulad niyo hindi ba?" tanong ko.
"He's not a pure blooded hybrid."

His interest was pricked. "He's not a pure blood. But he's definitely
higher than us." sinabi niya.

"Kung siya ang pinuno ng bayan na ito bakit nananatili siya sa


mansion? May kinalaman ba ito ang pagiging half-blood niya?"

Tinitigan niya ako.

"Your curiosity is dangerous, Laura." Sebastian said. "The more you


know the truth about us, the more dangerous it is for you. Kaya bakit
gusto mo pa itong dagdagan? Hindi ka ba natatakot?"

Natigilan ako sa sinabi niya. "I'm scared of things I don't understand.


So I need to know the truth."

"Very typical of you." Bumuntong hininga si Sebastian. "Mukhang


wala na akong magagawa."

Nakahinga ako ng maluwag noong pumayag si Sebastian. Sinagot


niya ang mga tanong ko. Ayon sa kanya mahirap makontrol ang
katawan na dalawang uri ng dugo ang dumadaloy. When they were
kids Zander was trained to keep his control in particular situations.
Zander was known to be calm. His every move is precise. His every
decision measured. Ang hindi alam ng madami ay nagtraining siya
para iwasan na mawalan ng control.

Madaling ma-trigger ang predatory impulses at territorial reflexes ng


isang half-blood kapag hindi nacontrol. Walang problema doon si
Zander noong bata pa siya. Nitong mga nakaraang buwan lamang
siya madalas mawalan ng control. He started to lose himself.

According to Sebastian- Zander hates his dark side. Dahil wala


siyang control dito. Hindi niya alam ang mga ginagawa niya.
Malalaman niya nalang ang mga nangyari kapag natapos na ang
lahat. Few months back an internal issue in the pack caused Zander
to nearly kill two of his own people. Matapos ang nangyari ay siya na
mismo ang nagdesisyon na kailangan niya munang umalis hangang
sa mabalik niya ang kanyang control.

"It's his way to avoid further problems." said Sebastian. "Kahit na


noong bata pa kami yon ang ginagawa niya. Kapag nawawalan siya
ng control, hindi niya gustong nakikialam kami. He often tells people
to avoid him as much as possible during situations like these."

A strange emotion filled my chest. Halos mapahawak ako sa dibdib


ko dahil sa emosyon na biglang nararamdaman.

"When will he come back?" I asked.

Nagkibit balikat si Sebastian.

"Ewan. Nakaka usap ko parin siya. Alam niya parin ang nangyayari
sa buong bayan. Siya parin ang nagsasabi sa amin ng mga decision
na dapat sundin."

Siniksik niya ang palad sa kanyang mga bulsa.

"Being a half blood may not be easy compared to regular hybrids like
us. Oo natatapos namin ang mga dapat gawin sa bayan. Naaayos
namin ang mga gulo bago pa makarating sa kanya. Pero iba parin
kung nandyan ang alpha kasama namin."

Nag stretch si Sebastian ng mga braso. Alam kong ginawa lamang


niya yon para iwasan ang tingin ko.

"He is our alpha. Ngunit maliban doon, maliban sa mga taong


nasasakupan niya, ano pa nga ba ang rason para piliin niyang
bumalik?" tanong ni Sebastian habang bahagyang nakatingin sa
langit. "Si Zander na lamang ang natitirang Van Zanth sa bayan na
ito. Maybe he started to lose himself because he has no reason left
to protect."

--

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ilang araw na ang


lumipas mula nang nagkausap kami ni Sebastian. Pero hangang
ngayon hindi ako matahimik. Ngayong alam ko na ang lahat ng
dapat kong malaman tungkol sa bayan. Dapat okay na ako hindi ba?
Pero may kakaibang pakiramdam sa dibdib ko na hindi maalis.

Pag uwi ko sa mansion noong araw na yon, pinasok ko ang


sasakyan sa garahe katulad ng dati at dumerecho sa front door.
Habang naglalakad dala ang aking backpack, hindi ko maiwasan na
pagmasdan ang lumang mansion na sa aking harapan. Halos wala
paring pinagbago ito mula noong unang beses akong tumapak dito.
But it doesn't look as creepy or scary anymore. Siguro nga ay dahil
alam ko na kung ano ang tinatago nito.

I'm living with a half blood.

Pumasok ako sa mansion. Ganoon parin ang paligid. Madilim kesa


sa normal na mansion, natatakpan ng mga puting tela ang mga
gamit, kakarampot ang liwanag na pumapasok mula sa labas dahil
sa mga makakapal na kurtina na tinatakpan ang naglalakihang mga
bintana. Yet the atmosphere is welcoming. Like a personal
sanctuary. Isang payapang lugar na naghihintay sayo matapos ang
nakakapagod na araw. It almost feels like a real home.

Bumati sa akin si Elvis pag akyat ko sa second floor. Pumulupot ang


mabalahibong katawan nito sa mga binti ko. Inayos ko ang
pagkakasabit ng bag sa balikat ko para kunin siya.

"How's your day, Elvis?" tanong ko habang naglalakad papunta sa


aking kwarto. "Parang ang tagal kitang hindi nakita."

The cat purred against my arms.

"Ginagawa mo rin ba ito sa kanya?" tanong ko. "Inaalagaan ka ba


niya tuwing wala ako?"

The cat let a silent meow. Napangiti ako. Marahan kong hinaplos
ang kanyang balahibo.

"I hope he doesn't feel alone when you're there."

***
Chapter 9: The Game

Chapter 9: The Game

Sa paglipas ng mga araw tuluyan ng naging normal ang pananatili


ko sa Van Zanth. Everything became acceptable noong nalaman ko
ang totoo. Nasanay na ako sa presence ng mga hybrids na nasa
paligid ko. Other than their extra ordinary skills specific to the hybrids
ay halos normal sila. At siguro nga ay natuto na din akong umiwas
dahil alam ko kung ano ang iiwasan.

Dumadalang na din ang mga naririnig kong ingay mula sa third floor.
Kadalasan ay tahimik ang buong mansion. Hindi ko alam kung
napapansin na ba ni Aunt Helga na alam ko na ang totoo. Kung may
napapansin man siya, wala siyang sinasabi. Maybe she knows.

Nasa terrace ako ng aking kwarto noong hapon na yon at


gumagawa ng home work. Mula sa likod ng mga puno sa garden ay
sumisilip ang matingkad na sinag ng papalubog na araw at
tumatama sa mukha ko.

Absentmindedly, I bit the tip of my ballpen while thinking deeply. Pero


napa-paused ako nang mapansin ko ang isang bagay.

Lumingon ako saka bahagyang tumingala sa terrace na nasa


pangatlong palapag. Tuluyan akong natigilan nang makita kung sino
ang lalakeng nakatayo doon. Nakaharap siya sa bayan sa ibaba
habang nakasandal ang magkabilang braso sa safety rails ng
terrace.

Bahagyang nakakunot ang kanyang noo, tila may nakikitang hindi


niya gusto. Nasisinagan ng palubog na araw ang mukha niya. And it
made his features more defined. His clenched jaw, his sharp nose,
ang nakakunot niyang noo, his lips curved into an annoyed
expression, even his quite messy hair and lush eyebrows.
Akala ko hindi niya ako napapansin dahil sa lalim ng kanyang iniisip.
Kaya nanatili akong nakatitig sa kanya. Subalit halos mabitawan ko
ang ballpen na hawak ko nang lumingon si Zander at magtama ang
paningin namin. He stared at me. I was stunned. He was probably
wondering why I'm gaping at him. Napakurap ako at agad na
umiwas ng tingin.

I bit my lips. I distinctively heard a deep sigh bago ko narinig ang


pagbukas at pagsara ng terrace door. Nang masigurado kong
nakapasok na si Zander sa kanyang kwarto, iniangat kong muli ang
tingin ko at bumuntong hininga ng napakalalim. Gusto kong
pagalitan ang sarili ko.

What am I doing staring at Zander like that? Balak ko ba talagang


ipahamak ang sarili ko?

--

Maliban sa pagtulong kay Aunt Helga sa pag aasikaso ng buong


mansion ay naging busy na din ako sa school. Ilang buwan na ang
lumipas mula noong nagsimula ang klase. Ang mga guro at
professors ay nagsimula na sa sabay sabay na pagbibigay ng mga
requirements.

Madalas ay nauubos ang oras ko sa pagawa ng mga school


requirements. Subalit tuwing nagkakaroon ako ng libreng oras o
kapag natatapos na ang mga ito ay agad akong bumabalik sa
trabaho para tulungan si Aunt Helga.

Noong umagang yon ay naka assign ako na alisin ang mga kurtina
sa sala para malabhan. Makakapakal at matataas ang mga ito na
binabalutan ang mala higanteng mga bintana ng mansion.
Kinailangan kong gumamit ng foldable stairs para lamang maabot ko
ang itaas ng mga ito.

Tumingala ako at pinagmasdan ang isa sa mga bintana. Huminga


ako ng malalim habang nakahawak sa foldable stairs na nakatayo sa
tabi ko. Kinuha ko ito mula sa library ng mansion. Tinapat ko ang
hagdan sa tabi ng pader ng isa sa mga bintana. Nagsimula akong
umakyat pataas.

Noong una wala akong naging problema sa pagalis ng mga kurtina


sa makakapal na gold post ng bintana. Nalaglag ang unang kurtina
sa sahig. I heard a soft thud on the floor because of the weight of the
fabric. Napaubo ako nang umabot sa akin ang alikabok nito.

Nagpatuloy ako sa aking ginagawa. My arms started to sore dahil sa


bigat ng mga kurtina at sa pagtaas at pagbaba ng stairs para alisin
ang mga ito sa window post. Halos nasa huling pares na ako ng
bintana. Umakyat ako sa stairs para abutin ang tuktok nito.
Subalit may hindi inaasahan na nangyari.

Pagtapak ko sa pinakamataas na step ay nakarinig ako ng


mahinang creak. Natigilan ako sa tangkang pag abot ng kurtina at
napatingin sa ibaba. The stairs started to wobble while I was still on
top. Bumalot ang takot sa dibdib ko.

Sinubukan kong maghanap ng mahawakan pero tanging ang


kurtinang nasa harap ko ang meron. I grabbed the fabric of the
curtain. My feet started to lose the feel of the metal stairs. Napapikit
ako ng mariin.

Noong akala ko kasama akong babagsak ng metal stairs, natigilan


ako nang maramdaman na bigla itong naging steady. Tila isang tao
ang hinawakan ito para hindi tuluyang matumba.

Nanatili akong nakahawak sa kurtina nang buksan ko ang aking mga


mata. Bumaba ang tingin ko sa dulo ng hagdan na ngayon ay
maayos ng nakatayo sa sahig. Napakurap ako. Walang tao.

Maingat akong bumaba sa hagdan. Ang mga binti ko bahagya


paring nanginginig. Nang muli akong makapatak sa sahig, linibot ko
ang paningin sa paligid.
I'm sure someone held the stairs. Naramdaman ko ang mga kamay
nitong hinawakan ang hagdan para pigilan ang pagtumba.

Bumalot sa akin ang katahimikan ng buong mansion habang


nakatayo akong mag isa sa sala. Naging maliwanag ang lugar sa
unang pagkakataon dahil sa nakabukas na mga bintana.
Binabalutan ng manipis na alikabok ang hangin.

Nagkamali lang ba ako?

--

Isa paring misteryo ang nangyari sa sala noong umagang yon.


Maging sa school ay hindi ko ito maiwasan na isipin. Maaliwalas at
mahangin noong araw na yon.

Naglalakad na ako palabas ng school building para umuwi nang


napansin ko ang usapan ng grupong kasabay ko sa hallway.
Ayon sa isa sa kanila ay may mangyayaring laro sa kakahuyan
malapit sa school campus. Ang sabi nila ay nandoon ang mga
orders at kasama din si Sebastian.

Kumunot ang noo ko habang patuloy sa paglalakad. Laro sa


kakahuyan? Anong klaseng laro?

Noong nasa labas na ako ng building, napansin ko na ang


karamihan ng mga estudyanteng tapos na ang klase tulad ko ay may
isang direction na pinupuntahan. Lumingon ako sa side ng school
kung saan makikita ang bungad ng kakahuyang pinapalibutan ang
campus. Ang iba ay excited na naglalakad o nag uusap habang
papunta doon.

Nakarating ako sa parking lot. Pero hindi ko magawang buksan ang


sasakyan ko. Anong meron sa loob ng kakahuyan? Sinilip ko ang
wrist watch ko at tuluyang binulsang muli ang susi ng sasakyan. Alas
kwatro ng hapon. Kung tutuusin maaga pa dahil maagang nagpa-
dismiss ang last subject namin. Hindi naman siguro masama kung
sisilip ako sa nangyayari.

Naglakad ako papunta sa kakahuyan na tinutukoy nila. Umiwas


akong makisabay sa ilang mga estudyante. Nang nasa bungad na
ako ng kakahuyan ay tumigil ako sa paglalakad. Nagtataasan ang
mga puno at dahil hapon na ay medyo mahangin ang paligid. Ito ang
unang beses kong papasok sa kakahuyan nang walang kasama o
kakilala.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hangang sa tuluyan akong


makapasok sa kakahuyan. Ngunit nabigla ako nang makitang
tahimik at walang tao sa loob. Nasaan na ang mga taong pumasok
dito kanina? Bakit bigla silang nawala? Napaatras ako. Balak ko na
sanang lumabas ng kakahuyan nang may marinig akong ingay. A
distant noise. Mga taong nagchi-cheer.

Muli akong humarap sa loob ng kakahuyan. Nasa loob sila. Nasa


bandang gitna. Humigpit ang hawak ko sa strap ng aking backpack
bago nagpatuloy sa paglalakad. Naririnig ko sila. They must be here
somewhere.

Matapos ang ilang minuto ng paglalakad ay mas lumalakas ang


ingay na naririnig ko. Tuluyang bumungad sa akin ang ingay ng mga
tao nang marating ko ang gitna ng kakahuyan. Ang espasyo kung
nasaan sila ay hindi tinutubukan ng puno at kasing luwang ng isang
baseball field. Bumungad sa akin ang likod ng mga tao habang
nakapalibot sila sa gitna.

Lumapit ako at pilit sinilip kung anong meron sa gitna. Naririnig ko


ang boses ni Sebastian. Pero masyadong madaming tao sa
kinaroroonan ko. Halos kalahati ata ng estudyante ng school ay
nandito.

"Hey, narinig mo ba?" tanong ng babaeng nasa harapan ko sa


kasama niya. "Manonood ang alpha sa laro."
Bigla akong natigilan sa gitna ng pagpupumilit na makita ang mga
nasa harapan. Si Zander?

"Saan mo naman narinig yan?" tanong ng kasama niya.

"I heard the orders talking earlier. Pero hindi nila gustong ipaalam.
Hindi ba madalas parin siyang bumaba sa bayan? Yon nga lang mga
orders at si Sebastian lang ang nakakaalam."

Napaatras ako. Kung ganoon maaari ngang nandito siya. Kinagat ko


ang labi ko. Sa tingin ko kailangan ko ng umalis.

Magsisimula na sana akong maglakad paalis nang marinig ko ang


sigawan. Magsisimula na ang laro. Nagsimulang mag spread ang
mga manonood para bigyang espasyo ang mga manlalaro. Doon ko
nakita ang gitna ng field. Ilang lalake ang nandoon at nagstretch.
May hawak na baseball bat ang dalawang sa kanila at may
makakapal na gloves ang ilan.

A baseball game.

Huminto ako at pinagmasdan sila. May board kung saan nakasulat


ang "elites vs. orders". Pumwesto ang mga manlalaro at nagsimula
ang laro. Nakita ko si Sebastian. Siya ang pitcher o maghahagis ng
bola sa gitna. Hinagis niya ang bola at agad tinamaan ng may hawak
ng bat. Nagsimula itong tumakbo habang naghanda sa pagsalo ang
iba.

Akala ko noong una isang ordinaryong laro lamang ito. Pero napa-
atras ako nang makita ang sumunod na nangyari. The ball was hit
with too much force it begun rocketing through the woods. Tumakbo
ang mga nagbabantay sa field upang habulin ito. They run with
unusual speed they became a blur in front of my very eyes. I was
frozen on my spot. Lalo na noong ilan sa kanila ay mabilis na
umakyat sa puno para maabot lamang ang bola.
Nakuha ito ng isang lalake saka pinasa sa kanyang kasama. The
ball rocketed once more. Hinabol ito ng kanyang kasama, nakuha, at
agad tumakbo ng napakabilis papunta sa home base bago pa
makahome run ang tumira nito. Sinubukan siyang abutan ng
lalakeng tumira ng bola.

Nagpang abot ang dalawa sa home base. Halos masira ang mga
damo at umangat ang lupa kung saan sila parehong nagdive.
Sandaling katahimikan ang namayani bago nagsalita ang lalake na
nag sisilbing referee.

"OUT!"

Nagsigawan ang mga tao. The score went to the orders. Napangiti
ako. Nagsimulang muli ang laro. Puno ng excitement ang buong
paligid.

Halos makalimutan ko kung nasaan ako o kung gaano hindi normal


ang larong pinapanood ko. Their game was strange and yet nerve-
wracking.

Nagpatuloy ang laro. Nakalimutan ko ang pag lipas ng oras.


Nagsimula ang huling part ng laro. The radiant orange glow of the
sunset spilled through the woods.

Doon ako natigilan. Sunset.

Sinilip ko ang wrist watch ko. Five thirty. Shit. Nagpapanic na


tumalikod ako at nagsimulang maglakad paalis. Lagot. I was just
supposed to stay for a few minutes.

Habang naglalakad paalis ilang mga boses ang narinig ko sa aking


likod- sa nangyayaring laro. May sumigaw. Anong nangyayari?

Tumigil ako sa paglalakad at muling humarap. Natigilan ako ng isang


bola ang mabilis na bumubulusok papunta sa direction ko.
Nabitawan ko ang librong hawak ko at hindi nakagalaw.
Halos hiwain ng bola ang hangin na dinadaanan nito. Sinubukan
kong umiwas bago tumama sa akin ang bola. Ngunit isang lalake
ang biglang lumitaw sa aking harapan at sinalo ang bola sa kanyang
palad.

Natigilan ang mga tao. I stood frozen on my spot.

"The game ends here."

Tila tumigil ang aking paghinga nang marinig ang familiar na boses
ng lalakeng nakatayo sa harapan ko.

"A-Alpha." someone from the crowd said.

Naglakad si Zander at binalik ang bolang nasa kamay niya sa


pinakamalapit na manlalaro. Halos hindi nakagalaw ang lalake
habang pinagmamasdan ang kanilang pinuno.

"Good game." tanging sinabi niya.

Saka ito naglakad siya ng ilang hakbang bago tuluyang nawala sa


harapan naming lahat.

***
Chapter 10: Connection
Chapter 10: Connection

Lagot ako. Yon ang paulit ulit na pumapasok sa isip ko habang


pauwi sa mansion noong hapon na yon. Hindi dapat ako nag stay ng
ganoon katagal. Hindi na dapat ako nanood ng game.

Tulad ng sinabi ni Zander ay agad natapos ang laro. Tie ang orders
at elites. Nagsimulang mag alisan ang mga nanonood maging ang
mga kasali sa laro. Some people cast weird glances in my direction
while we walked out of the woods.

Pero karamihan ay ang kanilang pinuno ang pinaguusapan.


Halos lahat ay nabigla sa pagdating ni Zander. Maliban siguro sa
mga orders. Was Zander there all along?

Kinagat ko ang labi ko habang nagmamaneho pauwi. Kung ganoon


lagot talaga ako.

I expected a talk from Aunt Helga the moment I step inside the
mansion. Late ako nakauwi kesa sa normal at hindi ako
nakapagpaalam sa kanya. Ngunit nang makasalubong ko siya sa
sala ay wala siyang ano mang sinabi maliban sa tinanong niya ako
kung saan ako galing.

Kung ganoon hindi sinabi ni Zander na nakita niya akong nanonood


ng laro sa kakahuyan. At sa tingin ko ay hindi din alam ni Aunt Helga
na nandoon siya.

Noong gabing yon ay hindi ako makatulog. Humarap ako sa third


floor habang nakahiga sa aking kama.

Kung kaya ng mga uri nila na gumalaw ng mabilis kesa sa normal na


tao, possible kayang si Zander ang tumutulong sa akin noong
muntikan na bumagsak ang tinatapakan kong hagdan? Bumuntong
hininga ako at huminga ng malalim. Ano ba itong iniisip ko?

--

Sa mga sumunod na araw ay naging usap usapan parin ang


nangyari sa baseball game. Lalo na ang pagdating ni Zander.
Madami ang nagtaka. Madami ang hangang ngayon hindi parin
makapaniwala. Naging seryoso ang usapan tungkol sa topic.
Sinasabi ng ilan na maaaring babalik na siya. Sa simpleng pagdating
niya ay tila naalarma ang mga taong nasasakupan niya. Ganito ba
talaga ang epekto ng isang alpha?

Noong araw na yon ay makulimlim at mahangin. Malayo sa


maaliwalas na panahon nitong mga nakaraang araw.
Winawagayway ng hangin ang tuktok ng mga puno. Maingay ang
mga bintana na humahampas sa pader ng school. And the woods
surrounding the campus are incredible creepy and dark.

Ngayon malinaw na sa akin kung bakit pinalilibutan ng kakahuyan


ang bayan ng Van Zanth. At kung bakit lagi akong nakakakita ng
mga taong papunta o galing sa kakahuyan. Isa ang kakahuyan sa
mga lugar kung saan malayang nakakagalaw ang mga uri nila.

Pinagmasdan ko ang paligid sa labas habang naglalakad sa hallway


ng school. The wind was howling. Sa quadrangle sa ibaba, ilang
mga estudyanteng naglalakad ang hawak ang kanilang buhok
habang winawagway ng hangin.

Ang sabi kanina may paparating na bagyo. Hindi ko sigurado.

Pag uwi ko sa mansion naabutan ko si Aunt Helga na inaayos ang


mga shutters ng bintana upang hindi masyadong liparin ng hangin.
Umakyat agad ako sa kwarto at nagbihis para matulungan siya.
Sinabi niya na ipasok ko ang ilang gamit na nasa garden.
Pagdating ko sa garden ay tila nagsasayawan sa hangin ang mga
tuyong sanga at dahon. Humahampas ang ilang sanga sa mga
kalapit na puno at lalong dumami ang tuyong dahon sa lupa.

Kinuha ko ang mga naiwan na garden tools doon katulad ng pandilig


at garden scissors. Habang busy ako sa aking ginagawa isang
mahinang creak sa itaas ang narinig ko. Halos hindi ko napansin ito
noong una dahil sa lakas ng hangin. Huminto ako sa ginagawa at
napatingin sa itaas.

Napaatras ako nang makita ang pagkaputol ng sanga ng puno.


Bumilis ang tibok ng puso ko. Mabilis akong lumayo nang bumagsak
ito. Nalaglag ito sa harapan ko at naputol sa dalawa. Huminga ako
ng malalim habang pinagmamasdan ito. Muntik na ako.

Agad kong kinuha ko ang mga natitirang gamit at mabilis naglakad


pabalik ng mansion.
Hindi pa ako nakakalayo nang tumigil ako sa pag hakbang.
Napalingon ako sa kwartong nasa third floor. Nabigla ako nang
makita siyang nakatayo sa terrace at nakatitig sa akin. His jaw
clenched. His expression unreadable.

Huminga siya ng malalim bago tumalikod at pumasok muli sa


kanyang kwarto. Hindi ko nagawang gumalaw.

May nagawa ba akong masama?

--

Noong sumunod na araw ay tuluyan ng naging bagyo ang kahapon


ay malakas na hangin at makulimlim na langit. Halos lahat ng
makasalubong ko sa school ay may dalang payong o jacket.

Hinigpitan ko ang pagkakasuot ng jacket sa katawan ko habang


naglalakad papasok sa building. The rain is pelting on the roofs and
tress. Buong paligid ay basa.
I love the rain. But I don't like storms. Ayoko ang malakas na hangin
na dulot nito. Habang nagkaklase ay hindi ko maiwasan na
mapatingin sa labas ng bintana kung saan unti unti ng lumalakas
ang hangin at ulan. Madilim ang buong kalangitan. Bumuntong
hininga ako. Sana walang masyadong masira sa bayan sa pagdaan
ng bagyo.

Maaga kaming pinauwi. Alas tres palang ng hapon ay pinauwi na


ang lahat ng estudyante. Nagmamadali ang karamihan na
makasakay sa mga sasakyan nila. Ang mga malapit sa school ay
nagmadaling naglakad pauwi dala ang mga payong nilang nililipad
ng hangin.

Habang nagmamaneho pauwi sa mansion, natanaw ko ang


kakahuyan di kalayuan. Winawagway ng hangin ang tuktok ng mga
puno. Nang makarating sa mansion ay halos basa na ang kalahati
ng katawan ko dahil sa pagtawid sa ilalim ng ulan mula kaninang
uwian.

Pumasok ako sa loob ng mansion at agad na binati ng madilim at


familiar na paligid. The air was warm, dry, and cozy. Hindi tulad ng
malamig na ulan at hangin sa labas. Nagmadali akong umakyat sa
hagdan para makarating sa kwarto. Natigilan ako nang mapansin
tahimik sa buong mansion.

Nasaan si Aunt Helga?

Muli akong bumaba at pumunta sa kusina. Wala siya doon. Baka


pumunta siya ng downtown. Hindi siya nag iwan ng note. Maybe it
was just a quick trip. Sana lang. Muli akong pumanhik sa aking
kwarto. Nagbihis agad ako ng tuyong damit at binalot ng kumot ang
aking sarili.

I was freezing.

Naririnig ko ang lakas ng ulan at hangin sa labas. Halos hampasin


ng sanga ng mga malapit na puno ang pader ng mansion. Ngayon
ko napagtanto kung gaano ako kaswerte dahil nakatira ako sa
malaki at matibay na mansion tulad nito. Habang lumilipas ang oras
ay nagsisimula na akong mangamba.

Bandang alas sais ng gabi nang mawalan ng kuryente sa buong


mansion. Napapitlag ako habang nakaupo sa kama. Hindi agad ako
nakagalaw nang bumalot sa akin ang madilim na paligid. Umalis ako
sa kama at tumapak sa malamig na sahig. Kinapa ko ang daraanan
ko papunta sa bathroom kung saan nakalagay ang mga kandila.
Sinindihan ko ang isa at bumalik sa kwarto.

Akmang ipapatong ko ang kandila sa table nang may marinig akong


ingay. Napa-paused ako at pinakiramdaman ang paligid. It was a
sharp sound. Tila salamin na humahampas sa matigas na bagay.

Lumabas ako sa kwarto upang puntahan ang pinagmumulan ng


ingay. Sa hallway ay dumoble ang lakas nito. Sinundan ko ito
hangang sa dalhin ako sa tapat ng staircase.

Agad namatay ang apoy ng kandilang hawak ko. Naramdaman ko


ang marahas na buga ng hangin mula sa labas. Lumingon ako sa
kanan ko at nakita ang isang nakabukas na bintana. Hinahampas ng
hangin ang shutters nito sa pader sa labas. Sinasayaw ng hangin
ang mga kurtina. Mukhang hindi nakayanan ng lock nito ang lakas
ng hangin.

Lumapit ako sa bintana. Ang tanging liwanag na maaaninag ay


nagmula sa labas. Inangat ko ang braso ko para harangan ang
patak ng ulan na tumatama sa aking mukha habang kinakapa ang
shutters ng bintana mula sa labas. Subalit hindi ko ito magawang
abutin.

Sinampa ko ang tuhod ko sa espasyo ng frame ng bintana para


umangat ang aking katawan. Humawak ako sa gilid saka muling
inabot ang shutter na hinahampas ng hangin sa labas. Isang
malakas na hangin ang biglang umihip. Natigilan ako nang makitang
papunta sa akin ang shutter na gawa sa makapal na salamin at
akmang hahampas sa frame kung nasaan ako.

Halos mahulog ako sa pagmamadaling umatras. Hangang sa isang


kamay ang mahigpit na humawak sa braso ko. Hinila ako nito palayo
sa bintana. Tumama ang aking likod sa pader. Kasunod nito ay
umalingawngaw sa paligid ang malakas na paghampas ng shutter
sa frame.

Sumabog ang salamin sa ilang daang parte. Hinarang ng taong yon


ang sarili sa harapan ko. Tumama sa kanyang likod ang mga basag
na parte ng salamin habang nakalapat ang mga palad niya sa pader
sa magkabilang gilid ko. Nakita ko ang pagdaing niya dahil sa sakit.

Tinitigan ko siya. Hindi ako nakapagsalita o halos nakahinga dahil sa


bilis ng mga nangyari. Isang kidlat ang humuhit sa madilim na
kalangitan. Mula sa liwanag nito nakita ko ang kanyang mukha.
Bahagya siyang nakapikit. Malalim ang kanyang paghinga.

Halos manghina ako habang nakasandal sa pader. Binuksan niya


ang kanyang mga mata at tinitigan ako. I stared back. My heartbeat
was in chaos. My chest rise and fall relentlessly with every breath.

I was staring at the penetrating golden gaze of Zander Van Zanth.

--

I was shaking.

Nakabalik na ako sa kwarto pero nanginginig parin ako. My head


was spinning. My chest ached from beating too fast. Napahawak ako
sa dibdib ko hangang sa unti unti akong kumalma.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatiling nakatayo at


nakasandal sa pader kanina matapos umalis ni Zander. One second
he was staring at me and the next he was gone. Hindi ako
mapalagay habang nasa loob ng kwarto. Patuloy parin ang malakas
na hangin at ulan sa labas. I bit my lips and stared at the dark room.
Naalala ko kung paano siya dumaing nang tumama sa kanya ang
mga basag na parte ng bintana.

Bakit niya ginawa yon?

Nagkaroon din ng kuryente isang oras matapos ang nangyaring gulo


sa bintana. Another hour after that dumating si Aunt Helga. Sinabi
niya na nangaling siya sa downtown at bahagyang nastranded dahil
sa bagyo.

Tinanong niya kung ano ang nangyari sa nabasag na bintana. Sinabi


ko na dahil ito sa malakas na hangin. But I didn't tell the part when
Zander save me.
Hindi ko ito masabi. Ganoon din ang lahat ng bagay na nangyari na
konektado kay Zander. It was almost nine o'clock noong nakita kong
pumanhik siya sa third floor.

Nagalala ako na malalaman niya ang totoo kapag nakita niya si


Zander. Subalit dumating ang sumunod na araw at wala siyang ano
mang sinabi tungkol sa mga nangyari. It felt like whatever is
happening between Zander and me, we're bound to keep it a secret.

Pero ano nga bang nangyayari? Bakit halos mawalan ako ng hininga
kapag nasa malapit siya? Why am I feeling this way?

Noong sumunod na araw ay bakas sa buong bayan ang epekto ng


dumaang bagyo. Makulimlim parin ang kalangitan at malamig ang
hangin. Malakas ang ulan noong umaga at naging ambon bandang
tanghali. Sa daan makikita ang ilang natumbang puno sa gilid. May
ilang property din ang nasira tulad ng bakod at bubong ng ilang
sheds.

Sa school tahimik at tila wala parin sa mood mag aral ang mga
estudyante. Madami ang absent kasama na si Sebastian. Sa
cafeteria ay narinig ko sa usapan ng mga kasama kong nakapila sa
counter na naglilibot sina Sebastian para makita ang mga damages
sa bayan at para tumulong sa mga nasiraan.

Umuwi agad ako sa mansion nang matapos ang klase. Madami ang
kailangan na ayusin sa mansion ngayon dahil sa bagyo. Nasalubong
ko si Aunt Helga habang palabas ng mansion. Sinabi niya na
kailangan niyang pumunta sa downtown para makausap ang
gagawa sa nabasag na bintana at iba pang parte ng mansion na
aapektuhan ng bagyo.

Nang makaalis si Aunt Helga ay nagsimula akong maglinis. May


ilang bintanang nagkaroon ng bitak at nagdulot ng pagpasok ng
tubig ulan hangang sa sahig. Nakafocus ako sa ginagawa ko at
halos hindi napansin ang pag daan nang oras.

Umakyat ako sa second floor at pinagmasdan ang nasirang bintana.


Nalinis na ang kalat pero mababakas parin sa sahig ang pagbabad
ng tubig ulan buong gabi at pagtama ng matitigas na piraso ng
salamin.
Natigilan ako nang muling maalala ang nangyari.

Habang nakatayo doon ay naramdaman ko ang malambot na


balahibo ni Elvis sa mga binti ko. I lower my gaze and squatted on
the floor to face the cat. Maya maya pa ay bigla itong umalis sa
harapan ko.

Muli akong tumayo at tiningnan kung saan papunta ang pusa. He


was heading to the third floor. Lumingon ito sa akin, tila sinasabi na
kailangan kong sumunod.

Hindi ako gumalaw.

Nagpatuloy ito sa paglalakad at muling huminto at lumingon sa akin.


Tila may gusto itong ipakita sa akin. Sinundan ko ang pusa hangang
sa makarating ako sa tapat ng hagdan papunta sa third floor at siya
nasa itaas nito. Nagingay ang pusa tila sinasabi na sumunod ako.
"Come down here, Elvis."

Nagpatuloy lamang ito sa pag iingay. "Sssh. Don't be so loud." sinabi


ko. "Baka magising mo siya."

I squatted on the floor and cooed and the cat. "Come down here,
Elvis."

Napatayo ako nang may narinig na nabasag mula sa third floor.


Umalis si Elvis nang marinig ang ingay. Dumerecho ito sa hallway ng
third floor.

Napakurap ako. Nakarinig ako ng pag daing dahil sa sakit. May


nangyari ba sa itaas?

Umiling ako. I can't go in there. Hindi ako pwede sa third floor.


Tumalikod ako at akmang aalis na nang tumigil ako sa paghakbang.
Napahawak ako sa dibdib ko.

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Naalarma ako.


Pakiramdam ko konektado ito sa nangyayari.

Pilit akong lumayo sa third floor. Pero habang tumatagal ay tila


nahihirapan akong huminga. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin.
Lumingon akong muli sa hagdan papunta sa third floor. Huminga ako
ng malalim. I need to- I need to see him.

Nagsimula akong maglakad paakyat.

Habang papalapit sa kanyang kwarto ay unti unting kumalma ang


masamang pakiramdam ko. Alam kong hindi dapat ako nandito sa
lugar na ito. Sa pangalawang pagkakataon ay sumusuway ako. I'm
risking everything here and I don't even understand why.

Pagdating ko sa tapat ng nakabukas na pintuan sa hallway, natigilan


ako nang muli siyang makita. Nakatayo siya at nakatalikod mula sa
akin. Nakapatong ang magkabilang palad niya sa edge ng mesa.
Wala siyang suot na damit pang itaas.

Napansin ko ang maliit na mga cracks sa mesa kung saan


nakapatong ang magkabilang palad niya. Malalim ang kanyang
paghinga. At ang kanyang likod- napakadaming sugat.
Hindi ako nakagalaw. Ang mga sugat na yon. Nakuha niya yon mula
sa nabasag na bintana kahapon.

"You're not allowed in here."

Natigilan ako nang marinig ang kanyang boses. Nakatalikod parin


siya mula sa akin pero alam niya ang pagdating ko. With every deep
breath the muscles on his back constricted. It was as he's trying to
calm himself. Bahagya siyang pinagpapawisan.

Bumaba ang tingin ko sa nabasag na baso sa sahig. Meron ding


gamot sa mesa katulad ng bandages at alcohol. Tuluyan akong
pumasok sa kanyang kwarto.

Humarap siya sa akin at tinitigan ako. "What are you doing?"

I stared back. "I don't know."

My hands were trembling. Pero hindi ako natatakot. It was trembling


from a different unexplainable reason. All I know that time was I
need to do something. Dahil naapektuhan ako sa nakikita kong
kalagayan niya. Inabot ko ang mga gamot sa lamesa.

Napapitlag ako nang hawakan ni Zander ang kamay ko.


Napasinghap ako nang bigla niya akong isandal sa pader.
Tinitigan ko siya. Napagtanto ko kung bakit ako nanginginig at hindi
makahinga ng maayos. It was Zander. His proximity, his closeness,
every fiber of my body was responding to it.

Halos mapapikit ako nang idiniin niya ako sa pader. His eyes were
examining me. Confusion was written in his face the same way with
mine. We are breathless from a reason not one of us knows.

"Who are you?" His voice rough, husky, as if whispering to me.

Halos manghina ako. Lalo na nang maramdaman ko ang kanyang


hininga sa aking leeg.

"Why can you make me feel this way?"

Hindi ko magawang sumagot. Dahil pareho lamang kami ng


nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaction ko
pagdating sa kanya. Every fiber of my body was in haywire.

Halos mapapikit ako nang dumampi ang tungki ng kanyang ilong sa


balat ko. Zander was breathing me- taking me all in.
Naramdaman ko ang init ng kanyang hininga na naglalakbay sa
aking leeg. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko nang
tuluyang dumapo ang kanyang labi sa aking balat. Napadaing ako.
Zander's lips were pressed on my jaw. Shivers run my whole body.

"Zander..."

Muli akong huminga ng malalim. I know I shouldn't feel this. Not with
him. Not with someone like Zander Van Zanth. Subalit hindi ko
mapigilan ang sarili ko. My body is slowly learning to crave for him.

"Who are you?" tanong niya.

Napapikit ako nang maramdaman ko ang kanyang labi na gumalaw


na tila ba hinahalikan ang aking balat.

"Why do have this effect on me?"

I nearly clawed the wall with my fingers when I felt his lips moved
further, upward, into mine.

Subalit biglang napadaing si Zander. Tila nakaramdaman siya ng


matinding sakit. Tuluyan siyang bumagsak sa harapan ko.
I stayed on my spot. My eyes wide open. With Zander's half naked
body against me and me against the wall.

***
Chapter 11: Loraine Van Zanth

Chapter 11: Loraine Van Zanth

Bumuntong hininga ako habang pinagmamasdan si Zander.


Nakatulog na siya. Pinagmasdan ko ang orasan sa pader. Alas
singko na ng hapon. Linigpit ko ang mga gamit na nagkalat bago
tuluyang umalis ng kwarto. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa
kanya. Sa tingin ko ay bumagsak siya dahil nanghihina ang kanyang
katawan.

Madami siyang mga sugat. Kaya naman noong bumagsak siya ay


pilit ko siyang binuhat papunta sa kanyang kama. Padapa siyang
nahiga doon. Kinuha ko ang pangamot sa mesa at sinimulang linisan
ang kanyang mga sugat. Noong una ay tumatangi siya at inuutusan
akong lumabas ng kwarto. Pero dahil masyado siyang nanghihina ay
wala siyang nagawa.

Habang ginagamot ang kanyang mga sugat ay napansin ko ang


mga scars sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. Ang iba ay
halatang malalalim. May ilan ding mahahabang peklat mula balikat
hangang sa harapan ng kanyang dibdib na tila malalaking kalmot.
Pero ang talagang nakatawag ng attention ko ay ang isang peklat
mula sa tama ng bala.

Hinawakan ko ito gamit ang bahagya kong nanginginig na mga daliri.


Napapitlag si Zander. Binawi ko agad ang kamay ko. I worried that I
crossed an invisible line. Napansin kong huminga siya ng malalim.
Hindi siya nagsalita. Pero alam kong hindi niya nagustuhan ang
ginawa ko.

Walang sino man sa amin ang nagsalita habang ginagamot ko siya.


Nanatili kaming tahimik. I'm a human and he's a hybrid and we both
know what we are doing was against the normal. Pero hindi ko
magawang tumigil o tumangi. Because I feel it. There's something
undefined between us. At alam kong nararamdaman niya din ang
bagay na yon. It's like a strong tension, an electricity, which can only
be diffused whenever we're close to each other.

Nakatulog si Zander sa gitna ng aking pangagamot. Nang matapos


ako ay tuluyan akong umalis sa kanyang kwarto at bumalik sa
second floor. Nadatnan ko doon ang mga naiwan kong panlinis.
Bigla akong nangamba sa nararamdaman ko. He is the alpha. He
owns the whole town. And I work for him. Hindi ko dapat
maramdaman ito. This tension is not right. I should be scared of this.

--

Naglalakad ako kinabukasan sa school grounds nang may mabanga


ako. Wala sa sariling humingi ako ng tawad. Nitong mga nakaraang
araw lagi nalang malalim ang iniisip ko. Nag angat ako ng tingin at
nakita si Sebastian na nakatingin sa akin. Napaatras ako.

"Bakit para kang nakakita ng multo?"

Napakurap ako sa sinabi niya. Buong araw akong umiiwas sa mga


uri nila. Nangangamba na baka malaman nila ang tinatago ko. Their
alpha and I shared something unexplainable. The tension. The
almost kiss. Whatever we have I want to keep it between us.

"May kakaiba yata sayo ngayon."

Natigilan ako. "It's nothing."

Tinitigan ako ni Sebastian. Once again there it was. A flicker. He was


assessing me once again. Bago pa siya muling magsalita ay
nagpaalam ako na kailangan ko ng pumunta sa susunod na klase.
Noong tumalikod ako sa kanya at nagsimulang maglakad ay hindi ko
mapigilan na bumungtong hininga.

No one has to know.

--
Noong hapon na yon, napag-desisyonan kong lumabas ng kwarto at
sa terrace gumawa ng homework. Dala ang mga gamit, pinatong ko
ang mga ito sa mesa. Magsisimula na sana ako nang matigilan ako.
Napalingon ako sa kanan ko saka bahagyang tumingala.

Bahagyang lumakas ang tibok ng puso ko. Nakabukas ang terrace


door ng kanyang kwarto. Nakasandal siya doon habang naka-
halukipkip ang mga braso at pinagmamasdan ang bayan sa ibaba.
Seryoso nanaman ang kanyang mukha at nakakunot ang kanyang
noo.

Bahagya akong napahawak sa aking dibdib. There it was again. Ang


hindi maintindihang reaction ng aking katawan kapag nasa malapit
siya. Natigilan ako nang maalala ko ang mga nangyari nitong
nakaraang mga araw. Mabuti na lamang at mukhang okay na siya.
Hindi na siya nanghihina.

Inalis ko ang tingin mula kay Zander. Kinuha kong muli ang mga
gamit ko sa mesa. Mabuti pang pumasok nalang ako sa loob.
Sigurado namang hindi din ako mapapalagay habang nasa labas
siya. Naglakad ako pabalik ng aking kwarto. Ngunit hindi pa ako
nakakarating sa terrace door nang bigla itong sumara. Natigilan ako
sa paghakbang.

Tila isang mabilis na hangin ang naramdaman ko. Lumingon ako sa


terrace na nasa itaas. Wala na siya doon. Linibot ko ang tingin sa
buong paligid. Ngunit sa aking paglingon, naramdaman ko na may
nakatayo sa aking likuran. Hindi ko nagawa pang gumalaw.

My entire body tensed when I felt the presence behind me. Halos
tumigil ang aking paghinga. My heartbeat was in haze. I can feel
Zander's heat against my back. It's radiating from his body.

"Next time," he whispered.

His warm breath fanned the back of my neck. Halos madikit na ang
katawan namin. Napapikit ako. The proximity is overwhelming. I
hope he knows it. I hope he knows his effect on me.

"I don't want you staring."

Halos manghina ako nang tuluyan siyang mawala ang kanyang


presensya. Naiwan akong muli sa terrace. Napahawak ako sa
pintuan at naramdaman ang unti unting pagbukas nito. Huminga ako
ng malalim at kinalma ang aking sarili. Ano ba ang nangyayari sayo,
Laura?

--

Sa mga sumunod na araw ginawa ko ang lahat para umiwas sa third


floor o kahit mapatingin lamang dito o lumapit sa hagdan papunta
dito. I need to. Kailangan kong bumalik sa dati. I don't want to feel
this.

Habang naglalakad papasok sa mansion ay isang sulat ang muli


kong nakita sa mailbox. Gusto ko sana itong kunin. Subalit naalala
ko ang reaction ni Aunt Helga noong huling beses na nakatangap ng
sulat ang mansion. Hindi niya gusto na pakialaman ko ito. Iniwan ko
ang sulat. Pero bago umalis nahagip ng aking paningin ang
nakasulat sa labas ng sobre.

To: Zander Van Zanth


Thru: Helga Glenmore Harington
From: Loraine Van Zanth

Natigilan ako nang mabasa ang pangalan. Loraine Van Zanth? May
iba pa bang Van Zanth sa bayan na ito maliban kay Zander?

Iniisip ko ang bagay na yon habang kumakain ng hapunan kasama


si Aunt Helga. Noong muli akong lumabas kanina ay napansin ko na
wala na ang sulat sa mailbox. Siguro ay kinuha na ito ni Aunt Helga.
Tahimik kong pinagmasdan si Aunt Helga habang kumakain kami.
Kahit matanda na siya hindi maiiwasan na mapansin ang precision
sa kanyang mga galaw. Maingat ang kanyang mga kilos, banayad,
ngunit pulido. Kahit sa simpleng bagay tulad ng pagkain o
pagsasalita, makikita kung bakit nananatili siyang tagapangala ng
mansion. She's calm, oftentimes she's silent, maalaga siya sa mga
gamit, hindi siya nag tataas ng boses. She's well-adjusted to the
place. Parte siya ng lugar na ito.

I often feel it, when someone is in the place where they belong. Hindi
man sa ngiti, makikita yon sa kislap ng kanilang mga mata o sa
kanilang mga kilos. Aunt Helga moved like the mansion is part of
her. Every nook and cranny, every hallway and passages, she
knows. And I hope I can feel the same. I hope I can feel that kind of
belonging somewhere.

Halos patapos na kaming kumain nang mapansin ko ang sulat sa


ilalim ng vase na nasa mesa. Tinitigan ko ito, hindi alam kung
tatanungin si Aunt Helga tungkol sa pangalan na nakasulat. Kaya
naman halos napapitlag ako nang mapansin ni Aunt Helga na
nakatitig ako sa sulat.

Agad akong umiwas ng tingin. Inasahan kong ililigpit niya ang sulat.
Subalit tila alam niyang nabasa ko na ang nakalagay doon. Tumayo
siya para iligpit ang kanyang pinagkainan sa sink. Kinagat ko ang
labi ko bago naglakas ng loob magtanong sa kanya.

"Sino po si Loraine Van Zanth?" I asked.

Walang naging reaction si Aunt Helga. Hindi siya natigilan.


Inaasahan na niyang itatanong ko ito. Nanatili siyang nakaharap sa
sink at nakatalikod sa akin. Pero sa sumunod niyang sinabi, ako ang
tila nabigla.

"Siya ang nakakatandang kapatid ni Zander."

--
May nakakatandang kapatid si Zander.

Yon ang paulit ulit na pumapasok sa isip ko. Bakit hindi ko alam?
Nabasa ko ang mga libro tungkol sa Van Zanth. I should have
known. Pero bakit hindi nabanggit ang kanyang pangalan?

Sinubukan kong muling scan ang libro. Baka nakaligtaan ko lang.


Maybe her name is here somewhere. Subalit kahit anong gawin
kong pagbabasa ay wala ang pangalan niya doon. Pero bakit?
Paanong hindi siya nabangit sa sariling libro na tungkol sa bayang
pinamumunuan ng kanyang pamilya?

Kinabukasan, pagpasok ko sa school si Sebastian agad ang hinanap


ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makita siyang nakaupo sa
kanyang silya sa seminar room pagpasok ko. Nakatungo siya sa
table at mukhang natutulog. Minsan maaga siyang pumapasok.
Minsan naman sobrang late o tuluyan na siyang absent. At madalas
nakikita ko siyang nakatungo o natutulog.

Base sa mga naririnig ko isa sa mga duties ng beta at mga orders


ang magpatrolya sa bayan tuwing gabi. Binabantayan din nila ang
mga borders para sa pagpasok ng outsiders sa bayan na hindi
pinapaalam sa kanila mismo. Kaya siguro kapag umaga lagi siyang
inaantok.

Umupo ako sa aking silya at pinagmasdan siya. Hindi ko siya


magawang gisingin knowing nab aka nga wala pa siyang tulog.
Bumuntong hininga ako at hinintay na lamang na magising siya.
Nagsimula akong magbasa ng notes para sa susunod naming klase.
Nang dumami na ang pumapasok na estudyante sa seminar room
napansin kong naalimpungatan na si Sebastian. Nag stretch siya ng
braso saka tiningnan ang orasan sa pader.

"Tamang tama lang." narinig kong bulong niya. Tila inorasan niya
ang kanyang pagtulog. Muli siyang nag inat at nag hikab. Ngunit
maya maya pa bigla siyang lumingon sa akin.
"May kailangan ka?" tanong niya.

Nagulat ako sa tanong niya kaya hindi agad ako nakapagsalita.


Sandali, paano niya nalaman?

"Our reflexes are aware when someone is eyeing us even in our


subconscious state." maikling paliwanag niya.

Pilit kong hindi pinahalata ang pagkabigla sa kanyang sinabi. "May


gusto lang akong itanong."

Tuluyan siyang humarap sa akin, naghihintay sa tanong ko. I can't


help but be intimidated by his stare. Even Sebastian has this aura of
authority and intimidation.

Bahagya akong huminga ng malalim. "May kilala ka bang Loraine


Van Zanth?"

Bigla siyang natigilan sa sinabi ko. Nawala ang amusement sa


kanyang mukha at napalitan ng seryosong expression.

"Nagpadala kasi siya ng sulat sa mansion. I didn't know there is


another Van Zanth here." paliwanag ko.

"Wala siya dito." sagot ni Sebastian. The straightforwardness of his


answer surprised me. "Hindi na siya nakatira sa bayan."

Napakurap ako. "Pero siya ang kapatid ni Zander, hindi ba?"

Napatingin ang dalawang kaklase namin na nakaupo sa malapit.


Nang bumaling si Sebastian sa kanila ay agad silang umiwas ng
tingin at nagpatuloy sa ginagawa. Bumuntong hininga si Sebastian.

"Mag usap nalang tayo mamaya."

Nagtaka ako sa sinabi niya. Tila iniiwasan niyang may ibang


makarinig ng kanyang sasabihin. Wala akong nagawa kundi ang
pumayag. Hinintay kong matapos ang morning classes namin.
Pagdating ng lunch, sinabi ni Sebastian na magkita kami sa garden
sa west side ng building.

Doon ako dumerecho paglabas ko ng huling subject. Pero wala siya


doon noong dumating ako. Lumipas ang ilang minuto at inakala ko
na hindi siya sisipot. Kaya bahagya akong nabigla nang makita
siyang naglalakad palapit habang hawak ang dalawang maliit na
milk cartoon.

"Hindi ka pa naglunch, no?" tanong niya.

Umupo sa bench na nasa tabi ko saka inabot ang isa sa akin.


Tinusok niya ng straw ang hawak niya at sumipsip dito habang
nakasandal sa bench at bahagyang nakatingala. Sebastian is weird
sometimes. Hindi mo alam kung loner siya tulad ko o ano. Madalas
wala siyang kasama. Palakad lakad o patulog tulog lamang kung
saan niya naisip.

Umupo ako sa tabi niya. Hindi ko alam kung saan magsisimula sa


tanong ko. Pakiramdam ko lagi kong nastorbo si Sebastian nitong
mga nakaraang lingo. I know he's busy. Pero wala na akong iba
pang mapagtatanungan. Ayokong dumating ang araw na mapagod
siya sa akin. Hangang hindi ko pa kaya sana nandito lamang siya
kapag kailangan ko.

"Gusto mong malaman ang tungkol kay Miss Loraine, tama ba?"
tanong niya.

Hindi agad ako sumagot. I wonder kung nakakatulog pa ba si


Sebastian ng maayos. Kung tama ang pagkakakilala ko sa kanya,
he's more on the carefree side. Pero ngayong kailangan niyang
humalili dahil sa pagkawala pansamantala ni Zander, kinailangan
niyang maging seryoso sa kanyang responsibilidad bilang beta.
Hindi pwedeng carefree lang.

"Si Miss Loraine ang nakatatandang kapatid ni Zander." sinabi ni


Sebastian.
Bumalik ako sa totoong rason kung bakit kami nasa labas noong
mga oras na yon. Humigpit ang hawak ko sa milk cartoon sa aking
palad. Hindi ko alam kung anong aasahan sa maririnig ko.

"Apat na taon ang pagitan nila. Zander is almost twenty. Nasa twenty
four si Miss Loraine." Natigilan si Sebastian bago nagsalita. "Si Miss
Loraine ay anak ng Ama ni Zander sa ibang babae."

Bigla akong napalingon kay Sebastian. Surprise was written on my


face. "Ibang babae?" tila hindi makapaniwala na sinabi ko. Pumasok
sa isip ko ang pangalan ng Mama ni Zander. Cassandra
Lorainedale. Kung ganoon maliban dito ay may ibang babae sa
buhay ng dating alpha.

"Mr. Zeref was a former alpha." sinabi ni Sebastian. "Madaming


babae ang naghahangad na maging kabiyak niya. Maliban sa
yaman, authority at titulo ang makukuha nila. At ang ina ni Miss
Loraine ay isa sa mga ito."

Nanatili akong tahimik habang nagpatuloy sa kwento si Sebastian.


Ayon sa kanya, isang elite ang Ina ni Miss Loraine na gustong
mapangasawa ang alpha. She was known in Van Zanth for being a
socialite. Mahilig siyang makihalubilo sa mga nasa position.

Alam ng lahat na may gusto siya sa kanilang alpha. Pero noong


panahong yon ang twenty four years old na si Mr. Zeref Van Zanth
ay nagkagusto na sa pure blooded human na si Cassandra
Lorainedale. Gumawa ng paraan ang Ina ni Loraine upang mapigilan
ang lumalalim na ugnayan ng dalawa. Hangang sa magkaroon ng
malaking pagtitipon sa bayan.

"Nalasing siya noon. Yon ang sabi nila. Pero hindi basta nalalasing
ang mga tulad namin lalo na ang isang alpha." sinabi ni Sebastian.
"Malaki ang tyansa na may iba pang ginawa ang Ina ni Miss Loraine.
Pero hindi na nalaman ang totoo. Dahil ilang buwan matapos ang
pagdidiwang ay kumalat na lamang ang balita na ang pinagbubuntis
ni ina ni Miss Loraine ay anak ng alpha."
Bumuntong hininga si Sebastian. Naging tahimik kami pareho bago
siya muling nagsalita.

Ayon sa kanya, malaking gulo ang nangyari. Pilit itong kinalimutan


ng lahat. Kung tutuusin mas pabor ang sitwasyon kay Lady Luisa
Richford, ang ina ni Miss Loraine. Walang magiging problema sa
pamilya Van Zanth o sa bayan kapag siya ang pinakasalan ng alpha.
She was a hybrid. Subalit kahit saan tingnan ni Mr. Zeref ay isang
pagkakamali ang nangyari sa kanila.

Masama ang loob ni Lady Luisa. Umalis siya sa bayan kasama ang
anak na noon pinagbubuntis pa lamang niya. Hiningi ni Mr. Zeref ang
custody ng bata. Hindi ito pumayag. Tumakas sila paalis ng Van
Zanth. Sa loob ng madaming taon ay walang narinig tungkol sa mag
ina.

Nagpakasal si Mr. Zeref at Cassandra Lorainedale. Madami ang


naging tutol sa pagsasama nila. Pero si Mr. Zeref parin ang alpha at
nasa kanya parin ang pinakamataas na authority sa bayan. Hangang
sa unti unti nilang natangap ang decision nito.

Isang taon matapos ang kanilang pagsasama ay pinanganak si


Zander Van Zanth. Isang half-blood. Si Zander ang tinalagang
susunod na alpha at ang tanging tagapagmana ng Van Zanth.

Subalit bumalik sa bayan si Lady Luisa. Apat na taon noon si Miss


Loraine habang sangol pa lamang si Zander. Hindi linihim ni Mr.
Zeref mula kay Lady Cassandra ang existence ng una niyang anak.
Bago sila nagpakasal ay natangap ito ni Lady Cassandra at gustong
makita ang bata.

Muling nagkaproblema sa bayan sa pagdating ni Lady Luisa. She


insisted that Van Zanth should be for her daughter. Pero alam ng
lahat na hindi maaaring maging tagapagmana ng position ang isang
babae sa lahi nila. The first son of the alpha is the future heir of the
position. Tagapagmana din si Miss Loraine. Pero malaking parte ng
bayan ay para kay Zander Van Zanth.
Noong panahon yon hindi sekreto na hindi maganda ang pagtrato ni
Lady Luisa sa kanyang sariling anak. Gusto niya ng isang anak na
lalake. Sa paraang yon baka nagkaroon pa siya ng pagkakataon
para mapakasalan ang alpha. Pero isang babae ang nakuha niya. Si
Miss Loraine. At ito ang kanyang sinisi sa nawalang pagkakataon
para sa kanya.

Kinupkop ni Mr. Zeref si Miss Loraine at tuluyang naging parte ng


kanilang pamilya. Tinuring siyang sariling anak ni Lady Cassandra.
Miss Loraine became Zander's big sister. Lady Luisa was sent out of
Van Zanth for insisting a position in the pack as alpha's wife. She
didn't even care about her daughter anymore. She cared about
herself.

Miss Loraine is a pure hybrid and Zander is a half blood. Pero


naging malapit silang magkapatid.

"Naalala ko noong mga bata kami." sinabi ni Sebastian. "Zander was


ruthless, even back then. Kinatatakutan sila ng lahat. Masama ang
kanyang ugali at maliit ang kanyang pasensya kahit sa mas
nakakatanda. And Miss Loraine would be there afterwards,
apologizing for his brother's behavior."

"Pero nasaan na siya ngayon?" tanong ko. "Bakit wala na siya sa


Van Zanth?"

Sumandal si Sebastian sa bench at ini-stretch ang kanyang binti sa


harapan saka napatingala sa langit.

"Five years ago nabalitaan na nagkaroon ng sakit ang Ina ni Miss


Loraine na si Lady Luisa. Nineteen years old siya noon. Nag paalam
siya sa pamilya Van Zanth para puntahan ang kanyang Ina. Lady
Luisa was terminally ill. Siya parin ang ina ni Miss Loraine kaya
kinailangan niyang manatili sa tabi niya."

"Isang taon siyang nanatili sa bayan ng kanyang ina bago ito


namatay. Iniwan ni Lady Luisa ang yaman ng pamilya Richford kay
Miss Loraine. Bilang isang elite hindi maipagkakaila na may kaya
ang pamilya. Twenty years old na noon si Miss Loraine kaya
kinailangan niyang asikasuhin ang mga naiwan ng kanyang ina tulad
ng isang regular na trabaho. Nagpaalam siya sa pamilya Van Zanth
at pumayag ang kanyang Ama."

"Bumibisita siya ng regular sa bayan. Dito siya nagdidiwang ng mga


importanteng okasyon. Kaarawan, pasko, bagong taon, mga
anibersaryo." Bumuntong hininga si Sebastian bago nagpatuloy.
"Pero three years ago ay namatay ang kanilang mga magulang.
That was the biggest blow in the Van Zanth family. Nagbago ang
takbo ng buhay ng lahat."

"Naiwan si Zander bilang nag iisang Van Zanth sa bayan. Mas


maagang naipasa sa kanya ang pagiging alpha. At kahit na buong
buhay siyang naghanda para dito, ang malaking pagbabagong
nangyari ay nakaapekto sa kanya. Miss Loraine tried to visit Van
Zanth and her brother as much as possible. Pero hindi ito naging
sapat lalo na at tuluyan ng naging alpha ang kanyang kapatid."

"May mga responsibilidad si Miss Loraine sa dalawa niyang pamilya.


At kailangan niyang hatiin ang kanyang oras. Because of that, the
two remaining Van Zanth- the siblings drifted apart. Zander became
an alpha and Miss Loraine handles a family business. Habang
tumatagal hindi na sila nagkakasundo ng kapatid. Dumalang ng
dumalang ang pagbisita ni Miss Loraine sa bayan."

"Nagpapadala parin si Miss Loraine ng sulat. Minsan tumatawag.


Kinakamusta ang bayan at kanyang kapatid. Pero halos mag isang
taon na mula noong huli siyang bumisita. At ilang buwan na ang
lumipas mula noong huli siyang nagpadala ng sulat. Kaya
nakakapagtaka."

Napansin ko na tila may lumalim ang iniisip ni Sebastian. Mukhang


sa bawat pangangamusta ni Miss Loraine ay may mas malalim na
dahilan.
"Kaya ba hindi madalas nababangit si Miss Loraine?" tanong ko.
"Wala din ang pangalan niya sa records ng pamilya."

Muling bumalik ang attention niya sa akin.

"The bloodline of the ruler family in a pack is important. But only the
legal bloodline." said Sebastian. "Tagapagmana si Miss Loraine ng
yaman ng pamilya. But in the hierarchy of power in town she is
considered as an elite based on her mother's bloodline. Not as one
of the ruler family."

Pinagmamasdan ko ang kakahuyan sa aming harapan habang


hawak ang hindi pa nagagalaw na milk cartoon sa aking kamay.

Dalawa na lamang silang natitirang Van Zanth. And they drifted


apart. Hindi ko maiwasang na maisip ang sitwasyon ko kasama si
Aunt Helga. Siya nalang ang natitirang pamilya ko. Magkasama kami
pero may pagkakataon na malamig ang pakikitungo niya sa akin.

"Don't they feel alone?"

Napalingon sa akin si Sebastian. Tinitigan niya ako. Maging ako


hindi inasahan ang tanong na lumabas sa bibig ko. Bahagya akong
umiwas ng tingin at humarap sa maaliwalas na paligid. Kung
titingnan, ang problemang kinakaharap ko ay tila nakapasimple
kumpara sa pagiging Van Zanth. Natahimik si Sebastian bago
muling nagsalita.

"Magkakampi silang magkapatid mula pagkabata. Pinagtatangol nila


ang isa't isa sa mga taong ginagawang malaking bagay ang
pagiging half-blood at anak sa ibang babae." sinabi ni Sebastian.
"Pero dahil sa mga nangyari ay hindi na umasa pa si Zander na
babalik ang dating pamilya."

"Nasanay na siyang mag isa." Sebastian sighed. "After all he


became our alpha at the age of eighteen. And nobody, not a single
member of his family, was behind him. Maybe that's why he became
this ruthless."

***
Chapter 12: Confirmation

Chapter 12: Confirmation

Nasa loob ako ng aking kwarto noong gabing yon. Kasalukuyan


kong tinatapos ang isang essay. But every now and then I found
myself stopping in the middle of a sentence to wonder about the
certain things.

Ilang araw na ang lumipas mula noong nag usap kami ni Sebastian.
Pero hindi parin maalis sa isip ko kanyang sinabi. It was surprising
enough that Zander has a sibling. Pero ang nakakabigla ay ang
kwento sa likod nito. Their family seems to be perfect. Noong
binabasa ko ang tungkol sa pamilya Van Zanth ay hindi ko mapigilan
na humanga. Pero madaming bagay na nakatago sa likod ng
magagandang salita sa pahina o tinta.

Habang lumalaki si Zander ay natutunan niya ang pagiging


responsible at kalmado sa mga sitwasyon. His moves and decisions
are calculated. Hindi pa man siya tumutungtong sa tamang edad ay
humahalili na siya sa kanyang ama sa mga responsibilidad nito. He
was expected to be a strict alpha, maybe ruthless, but nevertheless
a good one. At hindi sila nagkamali. Naging magaling siyang pinuno
sa loob ng unang tatlong taon.

Subalit mula noong nangyari ang sunod sunod na gulo sa pamilya


Van Zanth ay tila doon nagsimulang magbago si Zander. Unti unti
siyang naapektuhan ng kawalan ng mga taong mahalaga sa kanya.
Madalas na siyang mawalan ng control. At ang pagiging half blood
na hindi naging problema noon ngayon ay nakakaapekto na sa
kanya.

Pilit kong binalik ang attention ko at nagpatuloy sa pagsusulat.


Maybe he was too focused on being an alpha he started to lose
himself as Zander. Tahimik ang buong mansion noong gabing yon.
Kaya naman madali kong napansin ang kakaibang ingay na biglang
pumuno dito. Tumigil ang kamay ko sa pagsulat at pinakingan ito.
Nagmumula ang ingay sa third floor.

Natigilan ako nang mapagtanto na ingay ito ng mga nagbagsakang


gamit sa sahig. Alam ko ang ibig sabihin ng ingay na ito. Hindi ko
alam kung bakit pero agad akong umalis mula sa silya. Halos
matumba ito sa biglaang pagtayo ko. Isa lamang ang pumasok sa
isip ko noong oras na yon.

Zander.

Palabas na ako ng kwarto nang bigla akong tumigil. Ano nga ba ang
gagawin ko? Zander doesn’t want me, or anyone meddling in this
kind of situations. Nanatili ang kamay ko door knob. Alam kong hindi
dapat ako makialam. Yon ang paulit ulit na paalala ko sa sarili. Pero
namalayan ko nalang na pinipihit ko na ang door knob. Lumabas ako
ng kwarto.

Narinig ko ng malinaw ang ingay paglabas ko ng hallway. Other than


the sharp disturbing sound, the mansion was silent. Humarap ako sa
staircase na papunta sa third floor. Natigilan ako noong mapansin
ang pagbaba ni Aunt Helga mula dito. Nagmamadali siya.

“Ano pong nangyayari?” tanong ko.

Sandali siyang napatingin sa akin, tila nagdadalawang isip kung


maaari ba niyang sabihin sa akin. Maya maya pa ay umiling si Aunt
Helga. “Wala ito.” sinabi niya. “Bumalik ka na sa iyong kwarto.”

“Pero Aunt Helga—“

Hindi ko ito masabi sa kanya dahil maging ako ay hindi din ito
maintidihan. I know Zander is in pain. I can feel it.

“Kailangan ko lamang bumaba sandali. Bumalik ka na sa kwarto


mo.” muli ay sinabi niya.
Hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. Hindi ko napigilan si
Aunt Helga. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Naglakad siya hallway
at tuluyang ng nawala sa paningin ko.

Nanatili ako sa hallway. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.
There’s this disturbing pricking over my body that made my hands
tremble. Rinig ko ang ingay. Halos dumagundong ang kisame sa
itaas ko dahil sa impact ng pagbagsak ng mga gamit na akala mo ay
hinahagis. Naririnig ko ang kanyang sigaw. Para bang nasasaktan
siya.

Alam kong kailangan kong bumalik sa loob ng aking kwarto. Pero


hindi ko magawa. Hinintay kong mawala ang ingay habang nasa
hallway. Subalit lumipas ang ilang minuto ay nanatili ito.

Please, kumalma ka na, Zander.

Isang malakas na ingay ang dahilan kung bakit halos matigilan ako.
Tila ba may sumuntok sa pader at naramdaman ko ang impact nito
mula sa ibaba. Kumalat ang matinding pangamba sa aking sistema.
Humarap akong muli sa staircase papuntang third floor.

Zander.

Napahawak ako sa sarili kong dibdib habang umaakyat papunta sa


kanyang kwarto. Nanlalamig na ang aking mga palad at halos
mapadaing sa bawat ingay na aking naririnig. Pagdating ko sa third
floor hindi ko mapigilan na bahagyang tumigil sa paghakbang.

The third floor looks darker, more looming. Isang nakabukas na pinto
ang nagbibigay liwanag sa madilim na hallway. Nakita ko si Elvis sa
tapat nito, sa kanyang kwarto. Hindi dapat nandito si Elvis tulad ko.
Pero hindi ito ang dahilan kung bakit halos mangilabot ako. May
hindi tama. Para bang gusto ng umalis ni Elvis pero hindi nito
magawa. Nakatitig ito sa loob ng kwarto at nakataas ang itim na
balahibo na tila may kaaway.
Unti unti akong lumapit sa kanyang kwarto. Hangang sa masilayan
ko ang loob nito. Halos hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan
nang makita ang nangyayari. Malayong malayo ito sa kwarto na
natatandaan kong pinuntahan ko ilang araw ng nakararaan
Nagtumbahan ang lahat gamit. Basag ang halos lahat ng salamin.
Nakakalat ang kurtina at bedsheet sa sahig. Napalunok ako nang
makita ang malalaking scratch sa pinto at drawer. Maging ang mga
kakaibang punit sa kurtina at bedsheet.

Napaatras ako lalo na nang makita ko si Zander. Nakatalikod ito


mula sa akin at nakaharap sa pader malapit sa terrace. Nakatukod
ang isang palad niya dito at marahas ang pagtaas baba ng kanyang
balikat na para bang hinihingal. Ang isang palad niya ay nakakuyom
habang isang malaking bitak ang makikita sa pader. Dumadaloy ang
kanyang dugo mula dito.

It was Zander. Pero tila hindi na siya ang Zander na kilala ko.
Pakiramdam ko may nagbago sa kanya. Tahimik kong kinuha si
Elvis mula sa sahig. Nagulat ang pusa sa biglang paghawak ko kaya
nagsimula ako nitong kalmutin. Dahil sa pag galaw ay biglang
lumingon si Zander.

Nagtama ang paningin namin. Hindi ako nakapagsalita. Ang


kanyang mga mata— it was an intense color of gold. The color was
steady. But his eyes were unfocused. Sa unang pagkakataon ay
nakaramdam ako takot sa kanya.

“What are you doing here?”

Tuluyan ng nakawala si Elvis mula sa pagkakahawak ko at lumabas


ng kwarto. Alam kong kailangan ko ding umalis. Pero hindi ko
magawa. It was the harshest I heard of Zander’s voice. Paos ito na
para bang pagod na pagod na siya at nagtitimpi lang. Anong
nangyayari, Zander?

“Zander…”
“Leave.” he said. “Umalis ka na habang kaya ko pang pigilan ang
sarili ko.”

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Sebastian. Zander often


tells people to avoid him as much as possible when he loses his
control. He hates his dark side. Pinagmasdan ko si Zander. Alam
kong hindi niya gusto ang nangyayari. Tila pagod na pagod na siya.

“I said leave.”

Umatras ako para lumayo. Wala akong magawa. Lumayo ako


hangang sa tapat na ako ng bahagyang nakabukas na pintuan ng
kwarto. Noong hawakan ko ang knob doon ko napansin ang tila mga
sugat at dugo sa aking kamay. Natigilan ako. Bago ko pa
mapagtanto kung saan ko ito nakuha, isang marahas na pag galaw
ang aking naramdaman.

Bigla akong hinila papasok ni Zander sa kwarto. Hinawakan niya ang


aking braso. Halos dumaing ako nang marahas na bumabaon ang
kanyang matutulis na mga kuko sa aking balat. Naramdaman ko ang
pagtama ng aking likod sa matigas na pader. Halos mawalan ako ng
hangin dahil impact. Nanlabo ang paningin ko at hindi nakahinga.

“Zander…”

Pilit akong nagpumiglas sa pagkakahawak ni Zander. Naramdaman


ko na ilang beses siyang huminga ng malalim.

“Please, let me go.”

Tinitigan ako ni Zander. Ang mga ngipin niya nagngingitngit.


Napakalapit niya. Halos madikit ang katawan namin. Lumapit ang
kanyang mukha sa aking leeg, tila may hinahanap dito.

“Laura…”
Pumikit ako nang maramdaman ang tuluyang pagdikit ng kanyang
labi sa aking balat. Nanginginig ako. Hindi ko alam kung bakit
ginawa niya ito. Natatakot na ako. Napasinghap ako nang dalawang
matutulis na bagay ang dumampi sa balat ko. Pakiramdam ko
pinapaso ako.

“You shouldn’t have come here.”

Naramdaman ko ang dalawang mainit at matulis na bagay sa aking


leeg. Para bang mga talim ng kutsilyo na binabad sa nagbabagang
apoy. Napapikit ako. Tuluyang pumatak ang luha pababa sa aking
pisngi.

“Please, Zander.” pakiusap ko. “Please, hwag mo akong sasaktan.”

Sa huling mga salitang yon, bigla siyang bumitaw. Para bang bigla
nalang may nagsaboy ng malamig na tubig sa kanya at bigla siyang
umalis sa aking harapan. Lumayo siya sa akin na tila ba napapaso
habang nakatingin ng derecho sa mga mata ko. Bumalik ang
focused sa kanyang mga mata. Nagtataka. Naguguluhan.

Hindi ako nakagalaw. Taas baba ang aking dibdib, hindi magawang
huminga ng maayos. Napansin ko ang unti unting pagkalma ni
Zander habang nakatitig sa akin. Napahawak ang kamay ko sa
pader at ang isa naman sa leeg ko. Nanghihina ako. Nanginginig
ang mga binti ko at hindi ako makagalaw.

Tumalikod sa akin si Zander. Natigilan ako nang marinig ang


kanyang malakas na sigaw. Puno ng galit. Galit sa kanyang sarili.
Naguguluhan si Zander. Gusto niyang suntuking muli ang pader.
Pero natigilan kaming dalawa nang marinig ang isang hindi familiar
na boses.

“Zander.”

Lumingon ako sa pintuan. Isang babae ang nakatayo doon.


Pinagmasdan ko siya. Noong mga oras na yon ay naging malinaw
sa akin kung sino ang babaeng nasa harapan ko.

Loraine Van Zanth.

—-

Kasama ni Miss Loraine si Aunt Helga na dumating sa third floor.


Noong mga oras na yon ay bahagya ng kumalma si Zander. Hindi ko
alam kung ano ang nangyayari. Sinabihan ako ni Aunt Helga na
bumalik muna sa ibaba. Dahil sa pagkabigla wala akong nagawa
kundi sumunod.

Nanatili si Aunt Helga, Miss Loraine, at Zander sa itaas. Bumalik ako


sa aking kwarto. Lumipas ang kalahating oras bago bumaba si Aunt
Helga. Sinabihan niya akong pumunta sa sala. Pumunta ako tulad
ng sinabi niya. Halos maghahating gabi na. Tahimik ng muli ang
buong mansion.

Dumerecho sa kusina si Aunt Helga. Bahagya akong nagulat nang


makita si Miss Loraine na nakaupo na sa sala. Halos matigilan ako
sa pagbaba sa hagdan. Napakaganda niya. Maputi at makinis ang
kanyang balat. Napansin kong may sinabi siya kay Aunt Helga bago
ito tuluyang nakaalis sa sala. Totoo ngang hindi maipagkakaila na
isa siyang Van Zanth. Bawat galaw niya ay tila ba kalkulado.
Mahinhin at maingat. Maging ang kanyang boses ay kalmado at
pino. Pareho sila ni Zander ng mga mata.

A mysterious captivating gaze of a Van Zanth.

Umiwas ako ng tingin nang bumaling siya sa akin. She is Loraine


Van Zanth. The Loraine Van Zanth. Hindi ko akalain na makikita ko
siya sa mismong harapan ko. Ngumiti ito.

“You don’t have to be intimidated.”

Tumayo siya mula sa pagkaka upo sa sofa. Nagpatuloy ako sa


pagbaba sa hagdan hangang sa makarating ako sa katapat niyang
sofa. Napansin kong linibot niya ang tingin sa dimly lit na mansion.

“Ang dami na palang nagbago dito.”

Muli niya akong pinagmasdan. Hindi ko magawang maging


komportable sa kanyang tingin. She looks gorgeous and calm. Pero
tila may malalim siyang iniisip habang pinagmamasdan niya ako.

“How did you do it?”

Napakurap ako sa tanong ni Miss Loraine. “Anong ibig niyong


sabihin?”

“Paano mo siya napahinto?”

Natigilan ako nang tuluyan. “Hindi ko alam ang sinasabi niyo.”

Hinawakan niya ang kamay ko at bigla itong ini-angat. Doon ko


napansin ang mga sugat na nakita ko kanina. Ngayon ay malinaw na
sa akin kung saan ko ito nakuha. Mga kalmot ito mula kay Elvis.

“Hindi siya pwedeng maka amoy ng patak ng dugo. Nagkakaroon


siya ng instinct na pumatay.”

Sinabi niya yon nang hindi man lang natitinag. Marahan niyang
binitawan ang aking kamay. Linibot muli ni Miss Loraine ang tingin
sa kabuuan ng sala. Huminto ang paningin niya sa isang picture
frame.

“Kapag nawawalan ng control si Zander ay walang sino man sa amin


ang kayang pumigil sa kanya. Madalas maging ang sarili niya ay
nasasaktan niya. Kung maaga akong dumating ay maaari niya din
akong saktan kapag nakialam ako. Hindi niya gustong nakikialam
kami.”

Muling humarap sa akin si Miss Loraine. “Pero ikaw, hindi ka niya


nagawang saktan. Paano mo nagawa yon?”
Tinitigan ko siya. “Hindi kita maintindihan.” sinabi ko. Hindi ko alam
kung ano ang tinutukoy niya. Wala akong ginawa.

Miss Loraine stared at me. She seemed to be scanning me.


Nanghihina ako sa mga tingin niya.

“Did you see the confusion in his face?” tanong ni Miss Loraine.
“Zander was never confused. He’s practically confident and
responsible for his every actions. But you confuses him. Hindi ka
niya kayang saktan at napakalma mo siya ng ganoon kadali. Who
are you?”

Hindi ako nakasagot.

Maya maya pa ay lumapit siya sa akin. “Maaari ka bang sumama sa


akin? May gusto lang akong malaman.”

Nagtataka man wala akong nagawa kundi ang sumunod. Noong una
akala ko may ipapakita lamang siya sa akin. Subalit nabigla ako
noong pumasok kami sa loob ng isang kwarto.

Sinara niya at ni-lock ang pinto. Natigilan ako.

“This is important, Laura. I won’t hurt you, I promise.” said Miss


Loraine. “I just have to confirm something.”

Napaatras ako nang lumapit siya. Napagtanto ko na bahagya paring


nanghihina ang mga binti ko dahil sa nangyaring gulo kanina. Ano
bang balak niyang gawin? Napasinghap ako nang makitang
nagbago ang kulay ng kanyang mga mata. It was almost the same
shade as Zander. The color of intense gold. Ano ba talagang
nangyayari?

Tuluyan akong napaatras palayo. Tumama ang likod ko sa edge ng


isang mesa. Napadaing ako. Gagawin din ba niya ang binalak ni
Zander? Mabilis ang naging pagalaw ni Miss Loraine. Lumapit siya
sa akin at tinapat ang labi sa aking leeg. Naramdaman ko ang mainit
niyang hininga. Nanghihina ako at naguguluhan sa nangyayari.

“Please…”

Tuluyang lumapat ang labi niya sa aking balat. Humigpit ang


pagkakahawak ng nanginginig kong kamay sa table sa likod ko.
Maya maya pa bigla siyang tumigil. Parang may hinihintay.

“Come on.” narinig kong bulong niya.

Nanatiling tahimik ang paligid. Mas lalo siyang lumapit sa akin. Halos
ramdam ko ang dulo ng matatalim at nakakapaso niyang ngipin sa
aking balat.

“Come on, Zander.” bulong niya.

“Please, stop…”

Hindi ko alam kung para saan ito. Nanginginig ako sa takot.


Pakiramdam ko pinaglalaruan nila ako. Tuluyan siyang lumapit
hangang sa dumiin sa balat ko ang ngipin niya. Napasinghap ako
dahil sa sakit. Pakiramdam ko tinutusok ako ng nagbabagang
kutsilyo.

Sinubukan kong magpumiglas mula sa pagkakahawak niya. Halos


manlabo ang aking paningin dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Maya maya pa isang malakas na ingay mula sa itaas ang bigla kong
narinig. Natigilan si Miss Loraine. Segundo lamang lumipas nang
narinig ko ang pagkalmot na halos sumira sa pintuan ng kwarto kung
nasaan kami. Isang marahas na boses ang narinig namin. Pilit
binubuksan ni Zander ang pinto.

“Don’t touch her! Don’t fucking touch her!”

Lumayo si Miss Loraine sa akin. Tinitigan niya ako. Shock was


written in her face.
“I won’t.” sinabi niya nang hindi inaalis ang tingin sa akin. “Bumalik
ka na sa itaas, Zander.”

Isang dagundong lamang ang narinig namin. Gusto niyang sirain


ang pinto. Nararamdaman ko ang malalim na paghinga ni Zander.

“Loraine.” Zander snarled.

“Hindi ko siya sasaktan, Zander. Bumalik ka sa itaas.”

Subalit patuloy sa pagsira ng nakaharang na pinto si Zander.


Huminga ng malalim si Miss Loraine.

“Hwag kang aalis dito.” sinabi niya sa akin.

Bago pa ako makasagot ay tuluyan siyang pumunta sa pintuan.


Binuksan niya ito. Muntik siyang tamaan ng kamao ni Zander.
Nagtama ang paningin namin ni Zander. Hindi ako nakagalaw.
Mabilis na sumara ang pinto. Nasa labas na silang dalawa. Narinig
ko kanilang ingay.

“Calm down and go back, Zander!” sigaw ni Miss Loraine sa kapatid.


“Hindi ko siya sasaktan.”

Nagkaroon ng dagudong sa pader. Pakiramdam ko sinasaktan nila


ang isa’t isa. Lumipas ang ilang segundo bago napunta ang ingay sa
itaas— sa third floor. Naiwan ako sa loob ng kwarto. Naging tahimik
ang paligid. My hands were shaking and my breathing was violent.

Sinubukan kong kumalma at tumayo ng maayos. Subalit nagulat ako


at halos mapaatras nang muling bumakas ang pintuan. Muling
pumasok si Miss Loraine. Napansin ko na bahagya siyang hiningal.

“Still the same.” narinig kong bulong niya. “Still hard headed and
stronger than me.”
Bumaling siya sa akin. I was frozen on my spot. Napansin ko na may
sugat siya sa kanyang braso. Nagkaroon ng bahid ng dugo ang suot
niyang puti at eleganteng blouse. Pero tila wala lamang sa kanya
ang sugat na ito. Pinagmasdan niya akong mabuti.

“My God.” nasabi niya. Tila unti na niyang naintindihan ang mga
nangyayari. Napahawak siya sa kanyang noo huminga ng malalim.
Hindi siya makapaniwala habang pinagmamasdan ako.

“My God, Zander.”

***
Chapter 13: His Mate

Chapter 13: His Mate

Loraine Van Zanth

Bumaba ako ng hagdan habang pinagmamasdan ang kabuuan ng


interior ng mansion kung saan ako lumaki. Mataas na ang sikat ng
araw. Maayos kong nasisilayan ang buong paligid. At hindi
mapagkakaila na madami na ang nagbago mula noong huli akong
tumapak dito.

Halos isang taon na din ang lumipas. Pingamasdan ko ang mga


furnitures na natatakpan ng puting tela. Maging ang mga frames at
iba pang gamit sa hallway ay nawala na. Makakapal ang mga
kurtinang nakatabing sa mga bintana. The mansion looks
abandoned.

Dumerecho ako sa kusina. Hangang ngayon masakit parin ang


katawan ko dahil sa mga nangyaring gulo kagabi. Nadatnan ko sa
kusina si Senior Helga habang nagtitimpla ng kape. Kung may isang
bagay akong pinagpapasalamat yon ang pananatili ni Senior Helga
sa mansion kahit pa wala na ang magulang namin na pinagsilbihan
niya.

Si Senior Helga ay ng dating mayor doma ng mansion. Pero ngayon


ay tila tagapangasiwa na lamang siya ng isang abandunadong lugar.
Nawala na ang mga dating katulong at mga tagapagsilbi. Maayos at
malinis parin ang loob ng mansion. Ngunit sa labas, mukha itong
napag iwanan. Ang garden ay mukhang gubat. Kinakalawang ang
gate. At sino man na mapapadaan ay magdadalawang isip na
pumasok sa mansion.

Hindi ko mapigilan na magtaka kung ano ba ang nangyari. Sa ilang


taon kong pagkawala sa Van Zanth, ano ang nangyari sa kapatid
ko? Bakit hinayaan niyang maging ganito ang mansion?
Umupo ako sa silya at bumuntong hininga. Inabutan ako ng tasa ng
kape ni Senior Helga.

"Salamat, Senior Helga."

Tahimik akong uminom habang nakaharap sa garden. Every now


and then, my thoughts would drift to Zander.

Ayon sa mga nabasa kong sulat nitong nakaraang buwan mula kay
Senior Helga, kinukulong ng aking kapatid ang sarili sa kwarto.
Noong una hindi ako nag alala. Ginagawa ito ni Zander kapag may
mga araw na nahihirapan siyang kontrolin ang kanyang sarili.

Pero ang araw ay naging lingo. Ang lingo ay naging buwan. Habang
tumatagal ay nanatiling ganoon ang laman ng mga sulat na
pinapadala sa akin. Dumadalas at lumalala ang kawalan ng control
ni Zander. Hangang sa pinaalis na nito ang mga tagapasilbi at
katulong maliban kay Senior Helga.

This was not like Zander at all. Kilala ko ang aking kapatid. Hindi nito
hahayaan na maging malala ang isang sitwasyon tulad nito. Isa siya
sa mga pinaka-mature na binatang kilala ko. Kung tutuusin mas
mature pa itong mag isip kesa sa akin at mas alam ang kalakaran ng
bayan.

Bata palang kami ay tinuruan na si Zander ng aming Ama kung


paano ang pamamalakad sa bayan. Zander was the future alpha.
Hindi pa man formal na naipapasa sa kanya ang posisyon ay gamay
na niya ang batas at ang pamumuno sa bayan.

This was very unlikely for a man who has been a leader all his life.
That was why I decided to come back. Pero sa aking pag uwi ay
isang hindi inaasahang bagay ang aking nadatnan.

Laura Katherine Arden.


Ilang beses siyang nabangit ni Senior Helga sa mga sulat. Siya ang
pamangkin ni Senior Helga na may dugong Arden. Naalala ko ang
mukha nito. Kumpara sa mga katulad namin, napakanormal niyang
tingnan, walang kakayahan. Pero may isang bagay akong napansin.
Ang determinasyon sa mga mata niya.

Nasaksihan ko ang mga bagay na kaya niyang gawin kay Zander.


Isang salita, isang impit na daing mula kay Laura, ay nagwawala ang
aking kapatid. I've found my brother's weakness. Ngunit hindi ko
alam kung magiging magandang bagay ba ang aking nadiskobre.

"Nasaan siya ngayon?" tanong ko kay Senior Helga.

"Maaga siyang pumasok sa school kaninang umaga."

Naibaba ko ang tasa ng iniinom kong kape. "Sa tingin ko ay hindi


dapat siya basta umaalis ng mag isa."

Napansin ko na natigilan si Senior Helga sa sinabi ko.

"Senior Helga, alam nating pareho kung ano siya sa bayan na ito.
We both know Zander and Laura's connection."

"Pero Miss Loraine." sinabi ni Senior Helga. "Alam mo kung saan


nagmula ang pamangkin ko. Alam mo kung ano ang dugong
dumadaloy sa kanya. Kaya hindi maaaring mangyari ang sinasabi
mo."

"I know, Senior Helga." I said. "Pero nakita niyo naman ang kaya
niyang gawin, hindi ba? Hindi siya kayang saktan ng kapatid ko.
Naaapektuhan si Zander tuwing nasasaktan si Laura. And Laura can
feel Zander's emotional pain. They are almost sharing the same
emotions, the same feelings. They are both half of the same thing.
Every fiber of their body is connected to each other."

"Pero paanong nangyari yon?"


"There is no way to know how the bond works, Senior Helga. No one
in our race knows." I said. "We only know there is a connection. But
only the people who experience it understand how it works."

Tuluyang bumuntong hininga si Senior Helga. "Pero magkaiba sila


ng pinagmulan ni Zander."

Humigpit ang hawak ko sa tasang nasa palad ko.

"The bond was now established." I said. "Naramdaman na nila ang


connection nila sa isa't isa. Mahirap ng mapigilan yon. Saan man sila
nagmula ay wala na tayong magagawa."

--

Matapos ang breakfast ay pumunta ako sa kwarto ng aking kapatid.


Nadatnan ko si Zander na nakahiga sa kanyang kama. Nakadapa ito
at natatakpan ng kumot ang kalahati ng kanyang katawan.

"Zander." tawag ko.

Zander groaned. Ngayon na kalmado na ito at tapos na ang mga


nangyaring gulo kahapon ay maaari na siyang makausap ng matino.

"Alam kong gising ka na." sinabi ko.

"What do you want?" He muttered.

Same old, Zander. Kahit apat na taon ang aming pagitan kung mag
usap kami ay pakiramdam ko mas matanda pa siya sa akin.
Bumuntong hininga ako at umupo sa isang silya.

"Kaya ba ganoon nalang ang reaction mo pagdating sa kanya?"


tanong ko. "Ngayon lang kitang nakitang naguluhan ng ganito sa
harap ng ibang tao, Zander. Sa harap ng tulad niya."

Natigilan siya sa sinabi ko. Zander knew who I was referring to.
"Zander, you found your mate."

Hinintay ko ang magiging reaction niya. Subalit nanatili itong tahimik


at nakatalikod mula akin.

Huminga ako ng malalim. "Alam kong nararamdaman mo yon." I


said. "The bond between you and Laura."

"Hindi ko alam ang sinasabi mo."

Inaasahan ko ng maririnig yon mula sa kanya.

"Then let me kill her."

Naramdaman ko ang pagngitngit ng kanyang mga ngipin. Sa isang


iglap ay natumba ang upuan kung nasaan ako at tumama ang likod
ko sa pader. Bahagya akong napadaing pero hindi ko ito pinahalata.
Hawak niya ang aking leeg. Zander's always been rough, impatient,
and stronger than me.

Kalmadong kong inalis ang kamay niya mula sa aking leeg. Agad na
kumalma si Zander at umupo sa kama na tila ba ngayon lamang
napapagtanto ang kanyang ginawa.

"Instincts don't lie, Zander."

He cursed under his breath.

"Alam mo ba kung saan siya nagmula at kung ano ang dugong


nananalaytay sa kanya?" asik nito.

"I know." mahinahon kong sagot. "But our kind doesn't question the
laws of nature. She's your other half.

"She is just another woman in this fucking town."

Tinitigan ko ang aking kapatid. At sa unang pagkakataon ay


napansin ko na naguguluhan siya.
"She's an alpha's mate. You are aware of that. And she can't go
around not knowing she holds the position."

Hindi siya nakasagot.

"How far can you resist, Zander?"

--

Laura Katherine Arden

Naging usapan sa school ang pagdating ni Miss Loraine sa Van


Zanth. Madami ang nagtaka sa biglaan niyang pagbisita matapos
ang halos isang taon mula noong huli siyang tumapak sa bayan.

Planong manatili ni Miss Loraine sa Van Zanth ng ilang araw. People


hoped it was a good thing. Pero hindi ko magawang mapalagay.
Madalas ko silang makita ni Aunt Helga na tahimik na nag uusap.
Seryoso ang kanilang mga boses at tila may malalim na iniisip.

I also often heard Miss Loraine and Zander arguing. Minsan


nadatnan ko sila na naguusap sa second floor. Tumalikod ako para
umalis at iwasan na marinig ang kanilang uusapan. Subalit nabigla
ako nang makitang nakatitig sa akin si Zander. Bumuntong hininga
ito at napamura ng mahina.

Pag alis ko hindi ko maiwasan isipin kung kasama ba ako sa pinag


uusapan nila. Napapansin ko maging si Miss Loraine ay kakaiba ang
tingin sa akin. Ginawa ko ang lahat para ipagsawalang bahala ito.
Subalit alam kong may mali. At lalo pang nakadadag sa tension yon
ang mga nangyayari sa Van Zanth sa mga sumunod na araw.

Wednesday ng umaga noong mapansin ko yon. May kakaiba sa


atmosphere sa paaralan. Mas tahimik ang mga tao kesa dati. Mas
maingat ang kanilang mga galaw. Kapag nag uusap sila ay
bulungan.
Pagdating ko sa cafeteria ay mas naramdaman ko ang kakaibang
mood ng paligid. Nakakunot ang mga noo ng karamihan sa mga tao.
They are talking on aggressive voices. Kapansin pansin ang tension
sa paligid.

Pagkakuha ng aking pagkain umalis ako para kumain sa labas.


Nasalubong ko si Sebastian kasama ang grupo ng mga orders na
nag uusap. They were talking something about borders and
outsiders. Their voices serious and hostile. Nang makita ako ay
sandali siyang tumigil. Umiwas na lamang ako ng tingin at
nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi nagbago ang atmosphere buong maghapon. Noong hapon,


paalis na ako sa seminar room nang tawagin ako ni Sebastian.
Bahagya akong nabigla dahil doon. Nakapagtataka lang na gusto
niya akong kausapin. Madalas kasi ako ang may kailangan sa
kanya.

Napansin ko din nitong mga nakaraang araw na tila may


bumabagabag sa kanya. Madalas malalim ang kanyang iniisip at
laging napapabuntong hininga. Kapag pinagmamasdan niya ako
kadalasan nakakunot ang kanyang noo. Sebastian stared at me as if
I'm hiding something he needs to know.

"May problema ba?" tanong ko nang tawagin niya ako. Hawak ang
libro at bag sa balikat, pinagmasdan ko siya.

"Mag ingat ka sana sa pag uwi."

Natigilan ako sa kanyang sinabi. Napa-kamot siya sa kanyang ulo at


bumuntong hininga.

"Nitong mga nakaraang araw may mga nakapasok na outsiders sa


border ng Van Zanth. Hindi pa namin sila nahuhuli kaya pagala gala
pa sila sa bayan sa ngayon. Gusto lang kitang balaan."
Hindi agad ako nakapagsalita. Kung ganoon ito ang dahilan kung
bakit tila ba may kakaiba sa atmosphere ng paligid. Napansin ko ang
mukha ni Sebastian. Mukhang ilang araw na siyang walang pahinga.

"Hindi pa namin natutukoy kung ano ang mga nakapasok. Kaya


naman binabalaan namin ang lahat. Hybrid man o normal na tao."

"Natutukoy?" tanong ko. "May mga uri ba sila?"

"May iba't ibang uri ng outsiders na pumapasok sa territoryo. May


ibang walang panganib na dala at talagang napadpad lamang sa
teritoryo ng Van Zanth. Pero madalas may mga taong sinasadyang
pumasok sa teritoryo ng walang paalam. Panganib ang dala nila sa
bayan na tulad ng Van Zanth. Sila ang dapat naming bantayan."

Tinitigan ako ni Sebastian. Tila ba nagdadalawang isip siya sa


susunod niyang sasabihin.

"Maaari silang maging rouges o maaari ding maging hunters."

Tumigil si Sebastian hinihintay ang magiging reaction ko. Kalaunan


umiling siya at muling nagsalita.

"Ang rouges ay mga hybrid na pumapasok sa territoryo nang hindi


nag papaalam sa namumuno o sa mga namamahala nito. It's a
common courtesy in our kind. Kung babalewalain nila ang patakaran
na ito ay ituturing namin silang may masamang hangarin."

"Ang mga hunters?"

Tinitigan ako ni Sebastian. "Hunters are our human enemy. They


treat us as killers. We treat them as nemesis."

Hindi ako nakapagsalita.

"Kaya kung sino man ang mga nakapasok ay kailangang mag ingat
ang lahat. Lalong lalo ka na."
"Hindi mo kailangan mag alala. Wala akong balak makialam sa
gulong wala akong kinalaman."

Natigilan si Sebastian. Tila may gusto siyang sabihin. Maya maya pa


bigla siyang umiwas ng tingin.

"Hindi ka nakakasigurado sa bagay na yan."

***
Chapter 14: Outsider
Chapter 14: Outsider

Nanatili ang tension sa atmosphere sa mga sumunod na araw.


Narinig ko din na pinaalam na sa alpha ang nangyayari. Kapag
ganoon ang sitwasyon ibig sabihin seryoso ito. Hangat maaari kasi
ay tanging importanteng bagay lamang ang pinaparating sa kanya.

The orders and Sebastian are restless. It's been days pero hints
palamang ang nakukuha nila. Narinig ko na bawat gabi ay mag
nagpapatrolya sa bayan. Anong uri kaya sila ng outsiders? Ano ang
kailangan nila sa bayan?

Pinag iingat ang mga taga-bayan. Hindi muna maaaring manatili sa


kakahuyan o malapit sa borders lalo na tuwing gabi maliban sa mga
orders. Karamihan sa nakakasalubong ko palabas ng school ay
derecho pauwi.

Noong hapong yon matapos ang klase ay umalis agad ako sa


campus tulad ng karamihan. Pero bago tuluyang umuwi dumaan
muna ako sa downtown. Muli akong pumunta sa tindahan ng gamot
kung saan ako inutusan ni Aunt Helga noong mga unang lingo ko sa
bayan.

Muli ay binigyan ako ng parehong gamot- gamot na pampakalma.


Sinabi din ng nagtitinda na mag ingat ako sa sa pag uwi. Habang
naglalakad pabalik sa aking sasakyan, hindi ko maiwasan na
pagmasdan ang brown paper bag na dala ko. Si Zander- para kay
Zander ang gamot hindi ba?

Bigla kong naalala ang mga nangyari ilang araw na ang nakararaan.
Unang pagkakataon na nakita kong nawalan ng control si Zander.
Kinamumuhian niya ang parteng yon ng kanyang pagkatao. At
noong mga oras na yon nakita ko ang pagkamuhing yon sa kanyang
mga mata.
But other than that there's another thing that bothers me. For an
unknown reason Zander seem to hate me.

Dumercho ako para umuwi ng mansion matapos makuha ng gamot.


Habang nagmamaneho paakyat ng burol bigla kong inapakan ang
preno ng sasakyan nang makita kung ang nasa harapan ko. My
head almost hit the dashboard because of the sudden halt. Natigilan
ako nang magregister sa akin ang nangyari. May nabanga ata ako.

Mabilis kong inalis ang lock ng seatbelt at bumaba sa sasakyan.


Masyado na bang malalim ang iniisip ko at hindi ko agad napansin?
Ano ba ang ginagawa niya at nakaharang siya sa daan?

Pagbaba ko isang lalake ang nakita kong nasa tapat ng harapan ng


sasakyan. Pinagmasdan ko ang distansya ng sasakyan mula sa
kanya. May isang dangkal na pagitan. Nakahinga ako ng maluwag.
Thank God. Hindi ko siya nabanga. Ngunit natigilan ako noong
mapansin ang estado ng kanyang katawan. Dumudugo ang kanyang
kaliwang braso.

"Anong nangyari?" tanong ko. "Okay ka lang ba?"

Tinitigan ko siya. Halos magkaedad lamang kami ng lalake. Pero


hindi siya mukhang familiar. Taga Van Zanth ba siya? Bumabang
muli ang tingin ko sa kanyang dumudugong braso.

"Sa tingin ko kailangan mong pumunta sa Hospital ng bayan."

Hindi agad siya nakapagsalita. Ngunit napansin ko na bahagyang


kumorba ang kanyang labi nang makitang handa akong tumulong.

"Okay lang ako. "Pasensya din sa ginawa kong pagharang sayo.


Kailangan ko lang talaga ng tulong."

Sa totoo lang mukha siyang normal na tao. Walang kakaiba sa


kanyang galaw o sa kanyang mga mata. Pero may kung ano sa titig
niya na tila ba sinusuri ako. Pakiramdam ko kilala niya ako.
"Naaksidente ako sa kakahuyan." Bumaling siya sa bungad ng
kakahuyan hindi kalayuan sa daan. "Hindi ako taga rito kaya hindi ko
alam kung saang direction ang bayan. Kaya hinarang ko ang unang
sasakyan na makita ko. Pasensya na talaga." sinabi niya.

Napakurap ako sa sinabi niya. "Hindi ka taga rito?" tanong ko.

Isa ba siyang outsider? Pinagmasdan ko siya. There's a half smile


on his face, an apologetic smile. Hindi siya isang hybrid. Sigurado
ako doon. Iba ang dating ng mga hybrid sa normal na tao.

"Sa totoo lang hindi ko namalayan na nakapasok na pala ako sa


ibang bayan. May hinahanap lang kasi kami ng mga kasama ko."
Napahawak siya sa kanyang batok. "May problema ba? Hindi ba
dapat ako nandito?"

"You shouldn't be here."

He looks carefree and normal to be a threat to this town. Pero sa


takbo ng mga nangyayari sa bayan ngayon baka mapagkamalan
siyang isa sa mga outsider na pinaghahanap nina Sebastian.

"Ganoon ba? Pasensya na hindi ko alam ang patakaraan sa bayang


ito." Bahagya siyang lumayo mula sa akin. "Mabuti pa bumalik ka na
sa sasakyan mo. Hindi ko gustong ipahamak ka."

Pinagmasdan ko siya. Nag aalala siya para sa akin kahit pa siya ang
may sugat na hindi matigil sa pagdudugo. I know I should have
stayed out of trouble. Dapat akong sumunod sa patakaran ng bayan
at sabihin kay Sebastian o sa mga orders na may tagalabas na
nakapasok sa bayan.

Pero kapag ginawa ko yon baka ang lalakeng ito ang mapahamak.
Nasa kritikal na sitwasyon ang bayan ngayon ay baka
mapagkamalan siyang kasama sa mga taong nakapasok sa bayan
na may dalang gulo. Hindi siya mukhang mapanganib. Isa pa
sugatan na siya.
"Ihahatid kita hangang sa border ng bayan."

Tinitigan ako ng lalake. Bahagya itong ngumiti. "Totoo ngang mabait


ka."

I stared at the stranger. "Kilala mo ba ako?" tanong ko. The way he


said made it seemed like this guy knows me.

Umiling ito. "Pakiramdam ko lang." sagot niya.

Natigilan ako. He seemed intriguing. Bahagya akong nagduga kung


maaari ko ba talagang gawin ang sinabi ko. Pero hindi ko maaaring
iwan sa lugar na ito lalo at sugatan siya. Kalaunan ay nagdecide ako
na ihatid na lamang siya. Bago kami nagbyahe ginamot ko ang
kanyang mga sugat habang nasa loob ng sasakyan. Napansin ko na
panay ang tingin niya sa akin habang ginagamot ko siya.

"Hindi ka ba nag aalala na papasukin ako sa loob ng sasakyan mo?"


tanong niya dahilan para matigilan ako. "Delikado ang ginagawa mo.
Paano nalang kung nandito pala ako para saktan ka?"

"Hindi ka mukhang sasaktan ako." sagot ko at nagpatuloy sa


ginagawa.

Hindi ko alam kung bakit ko yon nasabi pero pakiramdam ko hindi


siya nandito para saktan ako.

"Paano ka nakakasigurado?" Bahagya siyang napadaing nang idiin


ko ang bulak na may alcohol sa sugat niya.

Bumuntong hininga ako. "Tinulungan kita dahil mahirap para sa tulad


natin ang makakuha ng tulong sa lugar na ito."

Napataas ang kanyang kilay. Tila may sinabi ako na naging


interesado siya. "Tulad natin?"
Napa-paused ako. "Hindi ako original na taga rito." tanging sagot ko
saka tahimik na tinapos ang aking ginagawa.

Matapos ko siyang gamutin ay nagsimula na kaming magbyahe


papunta sa pinakamalapit na border ng bayan. Habang nasa daan
ay napansin ko siyang panay ang tingin sa akin. Hindi ito tulad ng
mga tingin na nakukuha ko mula sa mga taga bayan. This guy's
stare had familiarity. Tila ba pinagmamasdan niya ako dahil kilala
niya ako.

"May problema ba?" tanong ko nang hindi matagalan ang titig niya.

Umiling lamang siya at binalik ang tingin sa harapan ng sasakyan.


Sa gilid ng aking mga mata napansin ko siyang ngumiti.

"Sana sa susunod makausap kita nang hindi sinusubukang tumakas


ng ganito."

Natigilan ako sa kanyang sinabi.

"Hindi ka na dapat bumalik dito. Kung babalik ka man kailangan


mong magpaalam sa pakay mo sa bayan."

"Sa susunod ikaw na ang magiging pakay ko sa pagbalik dito."

Napalingon ako sa kanya. Derecho parin ang tingin niya sa daan.


"You better not." sagot ko.

"Bakit? May magagalit ba?" tanong niya. Sa unang pagkakataon ay


naramdaman ko ang bahid ng threat sa kanyang boses. "Gusto ko
lamang makapag pasalamat sa tulong mo."

"Hindi na kailangan." maikli kong sagot.

Bahagya kong binilisan ang pagmamaneho. Hindi ko gusto ang


nagiging takbo ng usapan na ito. Ilang minuto ang lumipas bago
nakarating kami sa pinakamalapit na border sa downtown area.
Isang signage ang nakalagay sa gilid ng daan malapit sa kakahuyan.

You are now leaving Van Zanth.

Bumaba siya sa sasakyan. Sumunod ako para ituro ang daan.

"Ilang metro mula dito ay nasa labas ka na ng territoryo ng Van


Zanth. Wala ka ng magiging problema." sinabi ko. "Siguro naman ay
may mahihingian ka na ng tulong mula sa dumadaan na-"

Nabigla ako nang lumapit ang lalake sa akin. Napaatras ako sa


pagkabigla. "Why not leave Van Zanth with me?"

Mukha itong biro dahil sa tono niya. Pero hindi ko gusto kung gaano
siya kalapit sa akin. Halos nakasandal na ako sa side ng sasakyan
habang nasa harap ko siya at nakatungo at pinagmamasdan ako.

"Ilang metro nalang ay makaka-alis ka na sa lugar na ito. Hindi mo


ba naisip na umalis?"

Tinitigan ko siya. Umalis? May kung ano sa dibdib ko na pumintig.


Sa kung anong dahilan ay naalala ko si Zander. Pakiramdam ko
nakatitig siya sa akin. Bigla akong naguluhan.

"Wala pa yon sa isip ko." sagot ko.

Sinubukan kong bumalik muli sa loob ng sasakyan. But I froze when


the guy's hand touched my face.

"Then I will see you again."

Nabigla ako nang maramdaman ko ang labi niya sa pisngi ko. He


gave me a light kiss on the cheek.

"A token of appreciation." sinabi niya. "Dahil pagbalik ko siguradong


papayag ka ng umalis."
Ngumiti siya sa akin. "Laura Katherine Arden."

--

Halos masapo ko ang aking noo habang nagmamaneho ako pabalik


sa downtown. Matagal ng nakaalis ang estrangherong lalake pero
ramdam ko parin ang epekto ng kanyang mga sinabi sa akin. Ano ba
ang nangyayari? Paano niya nalaman ang pangalan ko?

Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko siya kilala. Hindi ko sinabi


ang pangalan ko sa kanya. Gusto ko siyang tanungin subalit
masyado akong nabigla. Pagtingin ko naglalakad na siya papunta sa
border, kumakaway at nagpapaalam habang nakatalikod.

Gusto ko siyang tawagin o kaya sundan. Pero kinailangan kong


bumalik sa loob ng sasakyan dahil alam kong hindi ako maaaring
lumabas sa border ng bayan. Maliban doon, may kakaiba pang
nangyari. Habang nakasandal ang aking noo sa steering wheel
isang boses ang narinig ko.

You shouldn't have done that, Laura.

Halos manlamig ako sa narinig. Binuksan ko ang mga mata ko.


Noong oras na yon tuluyan ng nakaalis ang lalakeng tinulungan ko.
Pero alam kong hindi sa kanya nagmula ang boses. Galing ito sa
isipan ko na tila bigla nalang pumasok doon. At... boses ito ni
Zander.

Hindi ko alam kung paano nangyari yon. Pakiramdam ko sa isang


iglap ay muling napuno ng tanong ang isipan ko. Sino ang lalake?
Bakit niya alam ang pangalan ko? Bakit ko narinig ang boses ni
Zander? Did I imagine it? Did my mind made it up? Naguguluhan na
ako.

Halos magtatakip silim na nang makabalik ako sa mansion.


Dumerecho agad ako sa second floor para pumunta sa aking
kwarto. Gusto ko ng magpahinga. Masyadong naging mahaba ang
araw na ito. Ngunit tumigil ang aking mga paa sa paghakbang nang
makitang may nakatayo sa dulo ng hallway, sa tapat ng hagdanan
papunta sa third floor.

Hindi ako nakagalaw. Nasa magkabilang dulo kami ng hallway. Ako


sa bukana ng second floor at siya sa mas madilim na dulo nito.
Nakatitig siya sa akin. Hindi ko magawang huminga ng maayos.
Galit siya. Nakikita ko yon sa kanyang mga mata. Alam niya ba?
Alam niya ba na may tinulungan akong outsider para makaalis ng
bayan?

Why do you keep exposing yourself to danger, Laura?

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig muli ang kanyang boses.
Pero paanong nangyari yon? Bakit ko naririnig ang boses niya sa
isipan ko? Tinitigan ko siya. Sinalubong ko ang kanyang mga mata.

"Stop..." sinabi ko. "Stop this."

Wala na akong maintindihan. Isa ba ito sa mga kaya nilang gawin?


Napa-atras ako nang bigla kong naramdaman na may humawak sa
magkabilang balikat ko. All of a sudden my back hit the nearest wall.

"Stop what?"

Napatitig ako kay Zander na halos inches na lamang ang pagitan sa


mukha ko. Nakahawak siya sa magkabilang balikat ko, trapping me
into place. Kapansin pasin parin ang galit sa kanyang mga mata.
Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin at bahagya na akong
nasasaktan.

"Zander..."

My chest started to rise and fall. Whenever he was this close, I was
breathless. Nanatiling tahimik ang mansion. Pero alam kong ano
mang oras ay dadating na ang mga kasama namin sa bahay.
Bahagya ko siyang tinulak sa kanyang dibdib. Subalit naikuyom ko
ang mga palad kong nakahawak sa kanya nang marinig ko ang
bulong niya.

"The smell of other guy is lingering on you. It's disgusting."

Halos tumigil ang aking paghinga. He tipped my chin to face his


gaze. His eyes were field with strange expressions. Anger,
annoyance... lust. Napapikit ako ng tuluyan noong maramdaman ko
ang labi niya sa aking panga. Hinahalikan niya ako. Halos kapusin
ako sa paghinga dahil sa ginagawa niya.

"I don't want you dirtying yourself with that stench."

Wala akong nagawa kundi ang humawak ng mahigpit sa tela ng


kanyang damit. His kisses were rough, as if punishing me. I even felt
his teeth grazing my skin, his lips sucking gently.

"Zander..."

Zander's warm lips seemed to leave a burning sensation on my bare


skin. I was suddenly enveloped by a familiar fire, a familiar electricity,
a familiar desire. Tulad noong gabi sa kanyang kwarto. Bakit ganito
ang aking nararamdaman? Bakit ganito ang kanyang epekto sa
akin?

Natigilan ako nang marinig ang pagbukas ng isang pintuan di


kalayuan sa amin. Nagpapanic na binuksan ko ang aking mga mata.
Ano mang oras ay may aakyat sa second floor at makikita ang
nangyayari.

His lips were teasing me, commanding me to moan for him.


"Zander... please..."

"Remember this feeling, Laura." He whispered on my ear. His warm


breathe sent shivers down my body. "Only I can make you feel this
way."
Yes! Just please stop this torture.

"Be careful who you associate yourself with. I can kill without mercy."

Halos mawalan ako ng lakas nang tuluyang nawala si Zander sa


harapan ko. Napahawak ako sa aking dibdib. Ramdam ko ang
malakas na tibok nito. Bahagyang nanginginig ang aking mga palad.

Napasandal ako sa pader at huminga ng malalim. It seems like I'm


trapped in a dangerous place. At hindi ko magawang lumabas. And
yet as deadly as Zander may sound, I still found myself being suck
into the depths of whatever Zander and I have.

***
Chapter 15: Venise Marseille

Chapter 15: Venise Marseille

Sa pag lipas ng mga araw ay naging kalmado ng muli ang paligid.


Bumalik na sa normal ang atmosphere sa bayan. Nahuli na ang mga
outsiders at ayon sa aking narinig ay mga rouges sila o hybrid na
pumasok sa territory ng walang paalam sa namamahala dito.

Nakahinga ako ng maluwag kahit paano. Ibig sabihin ay walang


nakaalam sa ginawa kong pagtulong sa lalakeng pumasok sa bayan.
Ngunit hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi ni Zander.

Be careful who you associate yourself with. I can kill without mercy.

Sinabi ng lalake na babalik siya sa bayan. Mabuti pa hindi ko na siya


makita. Maaari siyang mapahamak dahil sa akin. Pero hindi ko parin
maintindihan. Bakit ganoon nalang ang galit ni Zander? Muli kong
naalala ang kanyang mga matang pinagmamasdan ako. Zander
loathed me yet he keeps doing things- things that confused me.

Ganoon na ba niya ako kinamumuhian para paglaruan ako ng


ganito?

Nasa Library ako ng school noong hapong yon at gumagawa ng


essay. Habang nakaupo malapit sa bintana napansin ko ang
pagpasok ni Sebastian sa Library. Dumerecho siya sa aisles ng mga
libro habang panay ang tingin sa dala niyang notebook.

Narinig ko kanina na kailangan niyang humabol sa ilang mga klase.


Lagi kasi siyang wala kasama ang mga orders lalo na noong mga
nakaraang araw. Kaya hindi nakapagtataka na makita ko siya dito. I
heard they are often given extensions on requirements or make up
classes. Maliban kasi sa responsibilidad bilang isa sa namamahala
sa bayan ay hindi din nila pwedeng ipagsawalang bahala ang mga
pagaaral nila.
Nakakunot ang noo ni Sebastian habang seryosong hinahanap ang
mga librong kailangan niya. Napakamot siya sa kanyang ulo at
naghikab habang naglalakad sa pagitan ng mga bookshelves.
Madalang ko lamang makita si Sebastian na ganito kaseryoso.
Madalas kasi tulog siya sa klase. I wonder what Zander was like
noong pumapasok pa ito.

Bumalik ako sa aking ginagawa. Ilang minuto ang lumipas nang


maramdaman kong may umupo sa tabi ko.

"Seryoso natin ah."

Lumingon ako at nakita si Sebastian. Nilapag niya sa table ang mga


dala niyang notebook at mga libro katabi ang mga gamit ko. Ngumiti
siya sa akin bago niya binuksan ang dalang libro.

"You miss several exams." sinabi ko.

Bumuntong hininga siya at nag stretch ng mga braso. "Ang dami


ngang kailangang habulin."

Pinagmasdan ko siya. Nag umpisa siya sa pagbabasa ng ilang mga


pahina. Pero lumipas lamang ang ilang minuto ay nag hikab siya.
Mahirap nga siguro ang pagsabayin ang mga responsibilidad niya sa
bayan at ang kanyang pag aaral.

Hinayaan ko si Sebastian at bumalik ako sa aking ginagawa. Halos


patapos na ako noong mapansin na nakatungo siya sa table at
tuluyan ng natulog. Kumunot ang noo ko. Seryoso ba siya? Kanina
lang nagrereklamo siya sa dami ng kailangan niyang habulin tapos
ngayon tutulugan niya lang?

"Sebastian." mahinahong tawag ko.

Hindi siya gumalaw. Lumapit ako saka tinitigan ang natutulog niyang
mukha. "Sebastian."
Sa unang tingin ay hindi mo mahahalata kung gaano kataas ang
kanyang position sa bayan. Sebastian looks carefree. He's the type
of guy who couldn't care less if he's sleeping in most of the classes.
Subalit kapag nalaman mo ang rason sa likod nito at kung sino siya
sa bayan ay doon mo mapapagtanto na hindi lahat ng tao ay
mahuhusgahan sa kanilang pinapakita.

Magkaibang magkaiba sila ni Zander.

"Sebastian, you are supposed to be studying."

Lumayo ako nang bahagya siyang gumalaw.

"Para kang si Venise."

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi siya umalis mula sa pagkakatungo


sa table. Pero alam kong gising siya.

"Venise?" tanong ko.

"Kababata namin ni Zander." sinabi niya. Umupo siya ng maayos sa


kanyang sila at bumuntong hininga. May pakiramdam ako na hindi
siya talaga natulog. Nakapikit lamang siya. "Si Venise ang anak ng
dating beta ng bayan."

Napansin ko kung paano laruin ni Sebastian ang ballpen sa kanyang


kamay habang nagsasalita.

"Madalas namin siyang kasama. Malapit ang mga pamilya namin.


Siya ang madalas magpaalala sa amin ng mga dapat gawin sa
paaralan lalo na noong nasa gitna kami pagtetraining." Ngumiti si
Sebastian. "Madalas kasi namin na makaligtaan ang pumasok."

I imagined the three of them walking or talking on the hallways or


outside school. Sebastian, Zander, and Venise. They look like a
team. A strong team. I wonder what Venise was like.
"She must be a resilient girl to tame you like that." sinabi ko.

"Halos pareho sila ng ugali ni Zander. Palaban. Matapang. Lalo na


pagdating sa pinaniniwalaan. Madalas silang magbangaan ni
Zander. Siya lamang ang kayang sumalungat sa mga utos ni Zander
lalo na kapag may nakita siyang hindi tama dito. Venise is like the
moderator in some way."

Natahimik ako. Tinitigan ako ni Sebastian bago siya sumandal sa


silya. "Pero sa Fabrice na siya nag aaral ngayon. Akala namin dati
dito din siya mag aaral sa community college ng Van Zanth. Pero
gusto ng kanyang Ama sa Fabrice kaya wala siyang nagawa."

"Bumibisita parin ba siya dito?"

"Nandito ang kanyang pamilya kaya kapag bakasyon o importanteng


okasyon ay umuuwi siya." Sebastian placed his palms on the back of
his head and let the chair rocked back and forth with his weight.

"Isa pa may gusto siya kay Zander kaya madalas siyang pumunta sa
mansion para bumisita."

Bumagsak ang ballpen na hawak ko sa sahig. Gumawa ito ng ingay


sa pagitan ng usapan namin ni Sebastian. Natigilan ako dahil sa
pagkabigla bago ito nagawang pulutin. Napalingon si Sebastian sa
akin. He stared at me as if he was waiting for something.

Sinubukan kong umakto na hindi naapektuhan sa narinig. Kaya


muling bumaling si Sebastian sa harapan at nagpatuloy. May kung
ano sa expression niya na tila pinagaaralan ang reaction ko.

"Ilang buwan na din ang lumipas mula noong huli siyang bumisita
dito sa bayan. Dalawang lingo bago ka dumating, bumisita siya kay
Zander. Ngayon ay wala pa kaming naririnig tungkol sa kanya."

Bumaba ang tingin ko sa sinusulat ko.


"Sinabihan niya ako dati na balitaan siya tungkol sa kondisyon ni
Zander o sa napapadalas na pagkawala ng control nito." Sebastian
said. "Maliban kasi sa nakatatandang kapatid ni Zander na si Miss
Loraine, siya lamang ang babaeng pinakikingan nito."

--

That night, I stayed still on my bed and stared at the ceiling. Mainit
ang aking pakiramdam kahit malamig ang simoy ng hangin sa labas.
Huminga ako ng malalim. Pakiramdam ko pagod na pagod ako.

Pinikit ko ang aking mga mata at hinayaan na balutin ng katahimikan


ng buong mansion. Naalala ko ang pinag usapan namin ni Sebastian
noong hapong yon. Pumasok sa isip ko ang mga salitang sinabi
niya.

Venise likes Zander. And it seems like she's the only one in Van
Zanth who was allowed to and can have all the rights. After all she's
the former beta's daughter. A shallow feeling erupted from my chest.
A strong alpha and a brave hybrid girl. Venise must be a strong
counterpart for Zander.

Lumipas ang araw at dumating ang long weekend. Because of a


certain district wide holiday in Fabrice ay tatlong araw kaming
walang pasok. Wednesday afternoon pa lamang ay ramdam na ang
weekend atmosphere sa school. Ilang estudyante ang nagplano ng
mga lakad nila sa loob at labas ng Van Zanth.

Nang matapos ang klase ko ay umuwi agad ako ng mansion. It was


my first long weekend since I started school in Van Zanth kaya
naman gusto kong sulitin ang maikling bakasyon para makatulong
sa mansion. Nitong mga nakaraang araw ay tambak ang mga
gawain sa school.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nagbihis ako para


magsimula sa aking trabaho. Nang pababa na ako ng hagdan,
natigilan ako nang mapansin na may babaeng nakatayo sa sala at
tila ba may hinihintay. Tumigil ako sa paghakbang. Dumating si Miss
Loraine mula sa kusina at may dalang dalawang mug ng kape.
Ngumiti siya sa babaeng naghihintay at nagsimula silang maglakad
papunta sa balkonahe ng mansion.

Noong una ay nagtaka ako kung sino ang babaeng yon. It seems we
had an early morning visitor. Pero nang maalala ko ang mga ingay
kagabi ay napagtanto ko na kagabi pa siya nandito. Bahagya akong
nagising noong dumating siya sa mansion. Naririnig ko ang kanilang
usapan kagabi dahil sa guest room na katapat ng aking kwarto siya
natulog.

Venise Marseille.

Hindi ko narinig ang eksaktong pangalan sa usapan nila. Pero alam


kong siya ang babaeng yon. Mahahalata ito sa pagiging malapit niya
kay Miss Loraine. Sinabi ni Sebastian ay magkababata silang tatlo
nila Zander. Maybe she stays here kapag bumibisita siya sa bayan.
After all, it was a long weekend. Tulad nila, ilang araw din silang
walang pasok.

Bumaba ako at pumunta sa kusina. Nadatnan ko doon si Aunt


Helga. Tinanong niya ako kung gusto kong magkape. Umiling ako.
Gusto ko siyang tanungin tungkol sa aming bisita. Pero nagulat ako
nang siya na mismo ang nagpaalam sa akin ng nangyayari.

"May bisita tayo ngayong araw. Anak siya ng dating pangalawang


namumuno sa bayan." sinabi ni Aunt Helga. "Mahalaga siyang bisita
ng pamilya. Dalawang araw siyang mamamalagi sa mansion."

Tumango ako. "Yes, Aunt Helga." She was that important.

Lumabas ako sa kusina. Muli ko silang nakita ni Miss Loraine. Hindi


ko maiwasan na humanga sa kanilang dalawa. Napakaganda nila. It
seems like they are from a whole new ranking. A former alpha's
daughter and a former beta's daughter. Grace and elegance was
radiating from them. Nag uusap lamang sila habang nasa
balkonahe. Pero hindi ko mapigilan na tumitig.

Akmang paalis na ako nang marinig ko ang kanilang usapan.

"I'm worried about him."

Malumanay ang kanyang boses. Ngunit mariin ang bawat salitang


lumalabas sa kanyang bibig. She reminds me of a princess. Kung
paano siya tumindig, ang pino niyang mga galaw. Maging ang
maaliwalas niyang mukha at buhok na nakalugay. Napakaganda
niya.

"Noong huli akong dumalaw ay humaharap pa siya sa akin para


kausapin ako." Napansin ko ang lungkot sa kanyang boses. "Pero
kagabi hindi niya man lang ako binati."

"A few things have change, Venise." said Miss Loraine. "Pero
katulad ng dati dito ka parin madalas tumuloy kapag umuuwi ka ng
bayan."

"My parents are in Fabrice this weekend." Venise said. "Naisip kong
umuwi sa Van Zanth kahit wala sila dito. Nag aalala ako kay Zander.
Kung hindi kasi ako umuwi ngayon, I have to wait for another long
weekend or vacation."

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi dapat ako nakikinig sa kanilang


usapan. Dumerecho ako sa aking kwarto. Hindi ko alam kung bakit
ako bumalik doon. Pakiramdam ko kailangan kong umiwas.

Pagdating ng breakfast ay muli akong bumalik sa dining area.


Mahigpit si Aunt Helga pagdating sa oras ng pagkain. Ilang beses ko
ng naka sabay sa pagkain si Miss Loraine. Pero naiilang ako ngayon
na may iba kaming kasama.

Pumasok ako sa kusina. Nadatnan ko si Miss Loraine at si Venise na


nag uusap habang nakaharap sa dining table. Napatingin sa akin si
Venise nang pumasok ako. Surprise was written on her gorgeous
face. Halos mapaatras ako.

"You're here." sinabi niya. "Finally I got to meet you."

Hindi ako nakapagsalita. It was like talking to a royalty. Tumayo si


Venise mula sa kanyang silya at lumapit sa akin. Ngumiti siya. Her
radiant smile seemed to lighten up the room.

"Hindi kita nakilala kagabi. It was quite late noong dumating ako. But
I heard there is another person in this household that I have to
meet." sinabi niya. "I'm Venise Marseille."

"Laura." sinabi ko. "Laura Katherine Arden."

Napansin ko na bahagyang nagbago ang tingin niya sa akin nang


binangit ko ang buong pangalan ko. Tinitigan niya ako. Hindi ko
mapigilang umiwas. Hindi ko siya kayang tingnan ng derecho sa
mga mata. Ngumiti siya nang mapansin ang pag iwas ko.

"Nice meeting you, Laura."

***
Chapter 16: Hurting
Chapter 16: Hurting

Venise is supposed to stay in the mansion for two days. Sa unang


araw niya sa mansion ay lagi silang nag uusap ni Miss Loraine.
Mukhang kinukumusta niya ang kalagayan ni Zander.

"Hindi pa ba gising si Zander?" tanong ni Venise bago kami


magbreakfast noong umagang yon.

"Tulog pa siya sa mga oras na ito." sinabi ni Miss Loraine. "Hindi


siya sumasabay sa pagkain gaya ng dati. Dinadalhan na lamang
siya ng pagkain ni Senior Helga sa kanyang kwarto."

Bakas ang pag aalala sa mukha ni Venise.

"Kung ganoon gigisingin ko siya. Ako na din ang maghahatid ng


breakfast niya sa itaas."

Natigilan ako dahil sa narinig. I felt a light stab on my chest. Like a


silent warning of emotional instability. For a moment I thought Miss
Loraine stared at me. Muli siyang bumaling kay Venise.

"Sure." She managed to smile. "But you know Zander is never a


morning person, don't you?"

Ngumiti si Venise. "I'm very much aware of that."

Habang kumakain ay napansin ko napapatingin sa akin si Miss


Loraine. May ilang bagay siyang sinabi, ordinary inquiries like how I
plan to spend my long weekend. Sumagot ako subalit wala sa
hapagkainan o sa usapan namin ang aking buong attention.

Habang kumakain, sinabi ni Miss Loraine na baka bumalik agad si


Venise sa dining room dahil hindi gusto ni Zander na may gumigising
sa kanya. Subalit natapos na kaming kumain ay hindi pa bumabalik
si Venise.

"Sa tingin ko pumayag si Zander na kumain kasama niya." said Miss


Loraine.

Bumaba ang tingin ko sa pagkain kahit pa tuluyan na akong nawalan


ng gana. Nanghihina ako sa hindi malamang dahilan.

Matapos ang breakfast ay nag paalam ako na aasikasuhin ang


garden. Sa labas ko napiling magtrabaho ngayon weekend. Para na
din maiwasan kong makaharap ang mga tao sa loob ng mansion.

Subalit hindi ko magawang mag focus sa ginagawa ko. I often find


myself stopping. Habang nakaupo sa harap ng tini-trim kong
halaman hindi ko mapigilan na pakiramdaman ang aking sarili.

My heartbeat was unsually fast. Napahawak ako sa aking dibdib at


huminga ng malalim. Hangang sa pumasok sa isip ko si Venise at
Zander. Naalala ko ang pag aalala sa mukha ni Venise tuwing si
Zander at pinaguusapan. They must have been really close.

Hindi maipagkakaila na isa siya sa pinakamalapit kay pinuno ng


bayan na ito. They know each other better than any people in this
town. They know each other's weaknesses and strengths. Alam ni
Venise ang gusto at hindi nito gusto. Hindi siya natatakot na harapin
ito. Because she knows a side of Zander I want to see even a
glimpse of.

Magtatanghali na noong pumasok ako sa loob ng mansion. Subalit


napatigil ako sa tapat ng pintuan nang mapansin na may kausap si
Venise sa sala. Noong makalapit ako ay halos manghina ako nang
makita kung sino ang kasama niya.

Zander was indeed on the first floor. He was never on the first floor in
broad daylight. But there he was- talking to Venise. Nakakunot ang
kanyang noo habang nakikipagusap. Venise on the other hand was
talking with a smile on her face. They seemed to be having a friendly
banter.

"Oh hi, Laura."

Napapitlag ako nang marinig ang pangalan ko mula kay Venise.


Hindi ako nakapagsalita. I stared at Zander. Both of them stared at
me. And in that moment I realized how good they look together.
Napaka ganda nilang tingan na magkasama. Both high ranking and
influential.

My chest constricted. Hindi ko alam kung napansin ba ito ni Zander.


Napasin kong natigilan siya nang huminga ako ng malalim upang
pakalmahin ang masamang pakiramdam ko. Pilit akong ngumiti kay
Venise bago nag paalam na kailangan kong pumunta sa kusina.

Nang mawala na sila sa paningin ko, napasandal ako sa pader ng


kusina. Mahigpit kong hinawakan ang dibdib ko. Mabilis ang pintig
nito. Huminga ako ng malalim. Please, calm down. Tumingala ako at
sandaling pumikit para kumalma. Muli kong naalala ang mukha ni
Zander na nakatitig sa akin. For a moment he almost looked worried.

--

Kinabukasan ay hindi nagbago ang pakiramdam ko. Habang


tinutulungan ko si Aunt Helga na magligpit ng mga pinagkainan
noong lunch ay hindi ko sinasadyang nabitawan ang ilang plato sa
sahig. Nabigla ako. Ito ang unang beses na nakabasag ako sa
mansion.

Hindi ako nakagalaw. I was dumbfounded with my own body's


reaction. Lumingon si Miss Loraine na paalis na ng kusina noong
mga oras na yon. Nagtataka na pinagmasdan niya ako.

"Are you okay, Laura?"


Hindi ako nakasagot. Nang makabawi ako sa gulat ay humarap ako
sa kanya at humingi ng paumanhin.

"I'm sorry."

Umupo ako para linisin ang mga nabasag na parte nag nagkalat sa
sahig. Akmang pupulutin ko ang mga ito noong marinig ko ang
kanyang boses dahilan upang tumigil ako.

"Leave it be."

Lumingon ako at nakita si Zander sa pintuan ng dining area.


Tinitigan niya ako. Nanginginig na ang mga kamay ko noong mga
oras na yon. Umiwas ako ng tingin. Lumapit si Aunt Helga at sinabi
na siya na ang mag lilinis nito. Wala akong nagawa kundi ang
tumayo.

"Please take a rest, Laura." sinabi ni Miss Loraine.

Pagtingin kong muli sa pintuan ay nakaalis na si Zander. Piit kong


tinago ang nanginginig kong mga kamay mula kay Miss Loraine.
Tumango ako at nag paalam na aakyat sa aking kwarto. Pero bago
tuluyang nakaalis ay napansin ko ang kakaibang tingin ni Miss
Loraine sa akin.

Pakiramdam ko my alam siya sa nangyayari.

--

Bandang hapon nang muli akong lumabas sa aking kwarto. Bahagya


ng maayos ang aking pakiramdam kaya naisip kong bumalik sa
ibaba. Habang naglalakad sa sala napansin ko ang pusang si Elvis
na nangaling sa second floor.

Lumapit ako sa kanya at binuhat ang pusa. I gently pet his head.
The cat purred contentedly.
"Minsan nalang kita nakikita sa ibabang parte ng mansion. Saan ka
ba nagpupunta?" tanong ko sa pusa. "Madalas ka ba sa itaas?
Pakiramdam ko tuloy mas nagiging malapit ka sa kanya kesa sa
akin."

Naglakad ako papunta sa kusina habang buhat ang pusa. Subalit


tumigil ako sa paghakbang nang mapansin na may nakatingin sa
akin. Humarap ako sa pintuan papunta sa balkonahe. Zander was
standing at the door. Nakasandal ang kanang balikat niya sa door
frame.

He was staring at me.

Bumaba ang tingin ko sa sahig. Balak ko sanang umiwas subalit


nabigla ako nang kumawala si Elvis mula sa pagkakahawak ko.
Napaawang ang labi ko at balak sana siyang muling kunin sa sahig.
Ngunit tumigil ako nang makitang pumunta siya kay Zander.

The cat rubbed its soft fur against Zander's feet. Bumaling ang tingin
niya sa pusa. Bahagya siyang umupo. He lightly scratched the back
of the cat's ear. It purred contentedly with his touch.

Hindi ko maiwasan na titigan siya. Zander was never gently. He's


calm, he's commanding, but he was never gently. But that certain
afternoon, I saw a glimpse of Zander that a lot of people can't see.

Bago pa ako makapagsalita pumasok si Venise sa loob ng mansion.


Natigilan siya noong makitang magkaharap kami ni Zander.
Bahagyang kumunot ang noo niya. Ngumiti siya bago humarap kay
Zander.

"What a cute little cat." sinabi niya.

Tumayo si Zander. Humarap si Venise sa akin. Napansin kong


tuluyang nawala ang kanyang ngiti.

"Unfortunately, I'm allergic to stray cats."


--

Hindi ako makatulog. Pinagpapawisan ako habang nakahiga sa


aking kama. Pakiramdam ko napakainit ng paligid. Pinagmasdan ko
ang orasan na nasa pader. Eleven ng gabi.

Umalis ako sa kama at binuksan ang mga bintana. Hinayaan ko na


pumasok ang malamig na hangin sa aking kwarto. Pumikit ako at
pinakiramdaman ang malamig na hangin sa aking mukha. Bahagya
akong kumalma.

Muli akong dumilat at pinagmasdan ang madilim na paligid sa labas.


Kalmado ang paligid tuwing gabi. Malamig dahil sa mga malalaking
mga puno na nakapaligid sa mansion. At payapa ang buong bayan.
Tanging ang mga natural na ingay ng paligid ang maririnig.

Isa ito sa mga bagay na gusto ko sa Van Zanth. The atmosphere.


Araw araw kong nakikita ang pagsikat at paglubog ng araw.
Magkakakilala ang mga tao mula pagkabata. Bawat sulok ng bayan,
bawat likod bahay o kalye, tindahan o mga matatandang naninirahan
ay familiar sa bawat isa.

I never had that kind of familiarity. Siguro ay dahil palipat lipat ako ng
tirahan mula pagkabata. So rather than someone who interacts, I'm
more of an observer. Mas nakikilala ko ang isang tao o lugar sa
pagobserba mula sa malayo kesa sa pakikilamamuha dito. Because
a lot of times, intruders like me in places like this are hard to fit it.

Lumabas ako ng kwarto para pumunta sa kusina. Tahimik na ang


buong mansion. Sasaglit lamang sana ako sa baba upang kumuha
ng isang bago ng tubig. Subalit noong nasa sala na ako, tumigil ako
sa paglalakad nang marinig na may nag uusap malapit dito.

"I noticed you have a soft spot for stray cats."

Boses ni Venise. May kausap siya sa balkonahe. Nakabukas ang


isang pintuan papunta dito. Nakasindi ang dim lights na makikita sa
garden sa labas. Naaninag ko ang mga silhouettes nila mula sa
kakarampot na liwanag.

"I don't know what you're talking about."

It was the voice of Zander. His voice almost sounded low and husky.
Napansin ko na tila may iniinom sila. Whiskey? Wine? Beneath the
soft lights they looked like two people having a deep conversation.

"Come on, Zander. We both know who I'm referring to." sinabi ni
Venise. Sumimsim siya sa hawak na inumin. "Am I wrong? She is a
stray cat. An intruder. Why are you even keeping her?"

Natigilan ako sa narinig. Ako ba... ako ba ang pinag uusapan nila?

"You know the goddamn reason, Venise."

"You are letting her stay here even though you know who she really
is. Are you out of your mind?"

"This does not concern you."

Bigla akong nanghina dahil sa aking narinig. My feet suddenly lost its
strength. Kinakapos ako ng hininga. Ano ba itong mga naririnig ko?
Ano ba ang ibig nilang sabihin?

"You can reject her, Zander." I heard Venise said. "Or did you already
develop something for her?"

Zander scoffed. "Don't be stupid."

My hand found their way to my chest, clutching it. My chest rise and
fall desperately. Gusto kong umalis. Pero wala akong magawa kundi
ang humawak sa isang mesa upang makatayo ako ng maayos. Tila
naupos ang aking lakas. Nawawalan ako ng hininga.

"Zander, we know each other since we were kids. And I would know
when there is wrong with you. And I'm telling you, you are heading to
a dangerous direction." said Venise. "Aalis na ako bukas. I can't
leave peacefully knowing something like this is happening in Van
Zanth- no- happening to you."

"You worry too much."

"Because I care for you!" Venise exclaimed. "Zander, you know so


well why I care for you this much."

Venise's voice softens. My breathing was uneven. Hindi ako


nakagalaw sa sumunod na nangyari. Venise tip toed until she met
Zander's face. Nagdikit ang kanilang labi. Napapikit si Venise.

Venise kissed him.

Narinig ko ang boses ni Zander. Tila may sinabi siya. Ngunit wala na
akong naintindihan.

"Venise-"

"Zander, please."

Tuluyang tumahimik ang buong paligid. Their silhouettes became


one. Umakyat ang kamay ng Zander sa side mukha ni Venise,
deepening the kiss. My heartbeat was deafening.

Everything started to drift off. Wala na akong maintindihan. Narinig


ko na may bumagsak sa sahig. May nabasag ako. Pero wala na sa
focus ang paningin ko. Tumakbo ako paalis bago pa man nila ako
makita.

Nang makapasok na ako sa aking kwarto, mabilis kong sinara ang


pinto gamit ang nanginginig kong mga kamay. Halos bumagsak ako
sa sahig dahil sa panghihinang nararamdaman ko. My knees and
hands were shaking.
Hinawakan ko ang aking dibdib na kinakapos sa hininga. Please,
calm down. Halos nagmamakaawa na ako sa sarili ko. Something
inside of me started caving in. Tila may nawawasak.

Pumikit ako habang nakaupo sa sahig at nakahawak sa aking


dibdib. Tuluyang bumagsak ang luha mula sa aking mga mata.

I don't understand why. But I'm hurting.

***
Chapter 17: The Beta
Chapter 17: The Beta

Kinabukasan ay ang araw ng pag alis ni Venise. Linggo. Sinubukan


kong umiwas noong araw na yon. I stayed outside or at the back of
the mansion so I wouldn’t interfere with anything. Hindi ko na ulit
gustong maramdaman ang sakit na naramdaman ko kagabi.

Hindi ko maintindihan kung bakit ko nararamdaman ang mga


emosyong yon. Alam kong kailangan ko ng itigil ito. Whatever this is
— this is foolishness. Pero sa tuwing makakasalubong ko siya I felt
like losing my grasp, my senses, because of these foreign emotions.

Nakasalubong ko siya sa pagbaba ko sa kusina. Maaga siyang


nagising noong umagang yon. His hair was quiet disheveled.
Mukhang hindi siya masyadong nakatulog. Mahahalata na wala din
siya sa mood dahil sa bahagyang nakakunot niyang noo.

Nagkasalubong kami sa hallway na papunta sa kusina. Napaatras


ako nang magtama ang paningin namin. Napansin niya ito. Gusto
kong bumalik na lamang upang maiwasan siya. Sariwa parin sa
pakiramdam ko ang sakit na naramdaman ko kagabi kaya hindi ko
mapigilang umiwas.

Tinitigan ako ni Zander. Akala ko noong una may sasabihin siya.


Bahagya akong nagbow. Dahil natatakot ako na kapag tinitigan ko
din siya sa ng mga mata makikita niya ang sakit na pilit kong
tinatago. Wala akong karapatang masaktan ano man ang makita o
marinig ko. Lalong lalo na pagdating kay Zander. Kailangan kong
alalahanin ang position ko sa lugar na ito.

I’m a stranger in Van Zanth and that’s all I ever be.

Hindi siya nagsalita. Narinig ko lamang siyang bumuntong hininga.


Zander cursed under his breathe bago nagpatuloy sa paglalakad.
Pero bago tuluyang nakaalis, napansin ko ang nakakuyom niyang
kamao.

He seemed to be resisting himself.

Tanghali noong umalis si Venise. Nagpaalam siya sa akin. I tried to


smile. Noong kaharap ko siya, doon ko napagtanto ang isang bagay.
I was staring at a girl Zander cared about. And I’m jealous.

I was left dumbfounded with that realization. Nakaalis na si Venise


pero nanatili ang pakiramdam na yon. It’s physically and emotionally
hurting me to see Zander and Venise together. And nothing makes
sense to me anymore. Natatakot ako sa kahihinatnan ng
nararamdaman ko. Not with him— not with their alpha.

Naging tahimik ang mansion matapos umalis ni Venise. Bumalik sa


dati ang lahat. Nanatiling muli sa third floor si Zander. Gusto ko ng
pagsabihan ang aking sarili na tumigil sa nararamdaman ko. If I
could only command myself to stop. Hindi ko ito kailangan. I can’t fall
for the alpha.

Noong hapon na yon pinili kong bumaba sa bayan. I was hoping I


can distract myself and forget what happened and what I realized.
Siguro naguluhan lamang ako sa pagdating ni Venise. Any reasons
would do. Hwag lamang yon. Pero alam kong lolokohin ko lamang
ang sarili ko.

Because every time I remember the intimate moments Zander and I


shared, sa mga pagkakataon na yon pakiramdam ko pareho kami ng
nararamdaman. We breathe the same air, fueled by the same fire,
and crave for each other’s touch. Sa mga pagkakataon na yon hindi
ko mapigilan na umasa.

I know there’s something between Zander and I. Hindi ko man ito


maipaliwanag pero hindi ko mapigilang umasa na hindi lamang ako
ang nahuhulog sa mapanganib na bagay na ito.
Bumaba ako sa sasakyan pagdating ko ng bayan. Pinark ko ito sa
bukana ng downtown. Gusto kong maglakad lakad. I want to clear
my mind even just for a little while. Dahil Linggo at walang pasok,
madaming tao ang makikita sa downtown. Karamihan sa kanila ay
naglalakad lakad din tulad ko. It was a clear lazy Sunday afternoon.

Pero habang tumatagal, napapansin ko na bawat madaanan ko ay


napapatingin sa akin. Ang iba sa kanila ay bubulong sa katabi na tila
ba ako ang pinag uusapan. Hangang ngayon tila hindi parin sila
sanay na nakikita ang estrangerong tulad ko sa kanilang bayan.

Pilit akong umiwas sa lugar na madaming tao. Pinili ko ang parte ng


downtown kung saan makikita ang mga shops na hindi masyadong
pinupuntahan ng mga tao. Kahit liblib at tagong bayan ang Van
Zanth, hindi maipagkakaila na maayos at magandang bayan ito.

It has this eerie yet welcoming atmosphere of a small town. Maging


ang mga shops dito, maliliit man ay nananatiling maganda at malinis
tingnan. They seemed to have distinct harmony na sa Van Zanth ko
lang nakita. Instead of competition, everything seemed to be
connected to each other.

Papunta ako sa isang souvenir shop nang natigilan ako sa


paglalakad. Biglang bumukas ang pintuan ng store na katapat ng
dinadaanan ko. Napaatras ako palayo upang hindi mabanga ang
taong lalabas dito. Narinig ko kanyang boses. Mukhang nakikipag
biruan sa taong nasa loob. Noong tuluyan siyang makalabas ay
pareho kaming natigilan.

“Sebastian.”

Nawala ang ngiti sa labi niya nang makita ako. But it was not
surprise written on his face.

“Nandito ka lang pala.”


Agad akong nagtaka sa sinabi niya. “Bakit? May kailangan ka ba sa
akin?”

Sebastian seemed to be expecting I’m here. Bumuntong hininga siya


saka siya napakamot sa kanyang ulo.

“Kaya naman pala.” bulong niya sa sarili saka siya muling humarap
sa akin. “You’re alone?”

Tumango ako. Mas kumunot ang kanyang noo. “Hindi ka dapat


umaalis mag isa sa mansion ng hindi nagpapaalam.”

Gusto ko sanang tanungin kung paano niya ito nalaman pero pinili
kong tumahimik. Nagpaalam ako sa kanya na may kailangan pa
akong puntahan. Hindi ko alam kung bakit pero ayoko muna silang
makaharap. Sebastian, Venise, Zander. Inaamin kong nanliliit ako
tuwing kaharap sila.

“Samahan na kita.”

Lumingon ako kay Sebastian. Nakapamulsa siya habang naglalakad


kasunod ko sa daan.

“Hindi na kailangan.” sinabi ko.

Nagkibit balikat lamang siya na tila sinasabing wala akong


magagawa. Napansin ko agad na napatingin ang mga tao sa kanya
sa labas. Ang iba ay marahang bumati at nagbow. Hindi ko
mapigilan na mailang.

“Hindi mo na ako kailangang samahan. Familiar na sa akin ang


bayan.”

Napangiti siya sa sinabi ko. “Hindi tungkol doon ang tinutukoy ko,
Laura.”
Wala akong nagawa nang patuloy siyang naglakad sa tabi ko.
Pasipol sipol pa siya na tila normal lang sa kanya ang ginagawang
pagsunod sa akin. Kalaunan ay napabuntong hininga na lamang
ako. Alam kong wala siyang kasalanan sa mga nangyayari. I
shouldn’t take it after him.

Habang naglalakad, isang familiar na lalake ang lumapit kay


Sebastian. Isa siya sa orders o mga taong madalas na kasama ni
Sebastian. Even on weekends they are busy. Makikita sila na
nagpapatrolya sa bayan.

May tinanong ang lalake kay Sebastian, tila may hinihingi ng


permiso. Tumigil si Sebastian sa paglalakad kaya napatigil na din
ako. Nag usap sila pero hindi ko na pinakingan. Nanatili akong
nakatayo malapit sa street lamp. Maya maya pa ay napalingon sa
akin si Sebastian.

“Busy ako.” sinabi niya matapos muling humarap sa lalake. “Mas


importante itong pinapagawa niya.”

Nagtaka ako. Hinintay kong matapos ang pag uusap nila. Noong
makaalis na ang lalake, muling humarap sa akin si Sebastian.

“Tara na.”

“Bakit mo ba talaga ako sinasamahan, Sebastian?” tanong ko.

Bahagya siyang natigilan sa tanong ko. Maya maya pa sumeryoso


ang tingin niya. “Sabihin na natin na hindi ka ordinaryong
mamamayan sa bayan na ito. We have a special order to watch over
you.”

Watch over? Balak ko sana siyang tanungin nang muli siyang


naglakad. “Sebastian.” tawag ko.

“Hindi ba may shop na gusto kang puntahan?”


Pinagmasdan ko siya, bawat pag tango siya sa mga taong bumabati
sa kanya. Hindi ko madalas makita sila sa labas ng paaralan. Pero
ngayon ko napatunayan ang kahalagahan ng ranking o hierarchy sa
bayan na ito ngayong kasama ko siya sa gitna ng mga tao.

He’s respected, even by people older than him. Madalas kasi kung
hindi seryoso, madalas antukin si Sebastian ang nakikita ko. Kahit
paano pakiramdam ko pantay pantay kami pagdating sa paaralan.
Ngunit sa labas ay mas umiiral ang mga position nila.

Sebastian seemed so calm and formal. But maybe it was all just a
mask. Magaling siyang magtago ng totoong nararamdaman para
hindi maipakita sa oras na kailangan niyang umakto base sa position
niya. Dahil nakikita ko ang pagbuntong hininga niya pagkatapos
makalampas sa madaming tao.

I wonder what the real Sebastian’s like, not the beta that everyone
expected him to be. But simple Sebastian.

“Nasaan ang bahay niyo dito sa Van Zanth?”

Natigilan siya sa paglalakad dahil sa tanong ko. Marahil ay nabigla


siya. Maging ako hindi inaasahan na magtatanong ako ng personal
sa kanya.

“Dito lang sa downtown. Malapit sa lumang park sa dulo ng daan na


ito.” sinabi niya. Ngumiti siya. “Bakit, interesado ka?” biro niya.

Lumang park sa dulo ng downtown? Kung hindi ako nagkakamali


nakapunta na ako doon. Doon ako halos naligaw noong unang araw
ko sa downtown. The street consisting of rundown buildings and
shops, and old alleyways. Hindi ko alam kung paano ako sasagot. I
was expecting a mansion, maybe, like Zander’s or Venise’s.
Because he’s a beta and from a respected family.

“Inakala mo siguro na sa mansion ako nakatira, no?” sinabi niya


habang derecho ang tingin sa daan at nakapamulsa. “Hindi
nakadepende ang pagiging beta sa yaman o pangalan ng pamilya.
When an alpha trusted an order to be his second in command, that
is when he became a beta. Mula ka man sa mayaman o
maimpluwensyang pamilya o sa hindi.”

“Kasama ko ang uncle ko sa bahay. Minsan tumutulong ako sa


negosyo niya. Malapit lang yon dito. Gusto mong makita?”

Napakurap ako ng hawakan ni Sebastian ang kamay ko para hilain.


Pero agad niya itong binawi. Tila natigilan siya sa ginawa. Ngumiti
siya kalaunan at napakamot sa kanyang ulo.

“Muntik na.” tila natawang sinabi nito.

Muli ay naglakad siya. Wala akong nagawa kundi ang sumunod. As


much as I don’t want to be too close to anyone, I want to know more
of Sebastian. Yes, he’s a leader, yes he’s respected. Pero tuwing
titingnan ko siya-- kung tutuusin para siyang isang bata.

“Nasaan ang magulang mo?” tanong ko habang naglalakad kami.

Nasa bandang unahan siya kaya hindi ko magawang makita ang


kanyang reaction. Hindi ko alam kung masyado na bang nagiging
personal ang tanong ko. Pero tila nasanay na si Sebastian sa tanong
na ito.

“Naghiwalay sila noong thirteen ako. Nag ibang bayan ang Papa ko
at nasa Fabrice ang Mama ko. Iniwan nila ako dito kay uncle. Wala
akong kapatid kaya ayos lang.”

This is the first time I see myself into someone here in Van Zanth.
Halos pareho pala kami ng pinagdaanan. Habang naglalakad kami
unti unti ng nagiging familiar sa akin ang daan. Hangang sa halos
abot tanaw ko na ang lumang parking lot sa dulo ng downtown.
Ganoon parin ang itsura nito. Eerie, abandoned. Overgrown ang
mga halaman at puno. Kinakalawang at sira ang mga swings at
slides, at basag ang mga lamp post na makikita dito.
“Dito.”

Huminto si Sebastian sa tapat ng isang napaka familiar na tindahan.


Ang Vindershack. Kung saan ako kumukuha ng gamot ni Zander.
Pinagmasdan ko ang yellowish na bintana nito at ang lumang sign
sa tapat ng pintuan.

Lumingon ako kay Sebastian. “Uncle mo ang may ari nito.”

Tumango siya, a proud nod. “At minsan tumutulong ako dito.


Nakikita mo ang second floor? Dyan ako natutulog. Sa ibaba ang
tindahan at sa itaas at bandang likod ang bahay.”

“I often go here.” I said, still stunned. “Does it mean it’s possible na


sa ilang beses na pagpunta ko dito natutulog ka lang sa taas?”

Sebastian shrugged with a smile.

“Siguro.” tanging sinabi niya. “Pero madalas umuuwi ako para


lamang matulog o magpahinga sandali.”

Pumasok kami sa loob. Tumunog ang door chime na nakasabit sa


may pinto na gumambala sa tahimik na atmosphere ng tindahan.
Hindi ko parin maiwasan na mamangha tuwing pumupunta ako sa
lugar na ito.

Hindi lamang ito tindahan ng mga alternative or herbal medicines.


May mga halaman din dito na nakapaso, medical herbs and plants,
gardening tools, iba’t ibang klase ng mga tsaa at tuyong dahon o
sanga na mula sa puno o halamang nakaka gamot. It’s enthrallingly
dark yet alive.

Lumabas mula sa pintuan sa likod ng counter ang matandang lalake


na madalas nagbibigay sa akin ng gamot. Ngumiti siya noong nakita
ako tulad ng lagi niyang ginagawa. Pero nang mapansin si
Sebastian na nasa likuran ko lamang, napakurap siya.
“Oh, pards. Wala kang trabaho?”

Paglingon ko napansin ko na nakaupo na si Sebastian sa mahabang


bench sa loob ng shop na nakasandal sa pader. Dito ako madalas
umupo kapag may mga tao at kailangan kong maghintay.

“Nandito ang trabaho ko, pards.” casual na sabi nito.

Nag stretch ito ng mga braso at huminga ng malalim. Sumandal ang


ulo niya sa pader at bahagyang tumingala.

“Yang customer mo, pards, gumagala mag isa sa bayan.


Pagsabihan mo nga. Sumasakit ulo ko, eh.” sinabi nito habang
bahagya siyang nakapikit.

Natawa ang matandang lalake sa counter. His uncle.

“Tumayo ka dyan, pards. Mukhang itutulog mo nanaman yan. May


trabaho ka pa.” sinabi nito.

“Takte, pati ba naman ikaw, pards?”

Pinagmasdan ko si Sebastian na nakapikit habang nakasandal sa


pader. For the first time he looks open, no formal mask of a beta, no
defense mechanism to protect himself. In front of me is just plain
Sebastian.

“Ganyan yan, hija.” sinabi ng kanyang uncle. “Darating dito,


matutulog o sandaling magpapahinga, tapos aalis nanaman. Halos
hindi ko na nga madalas makita eh. Madalang din makasabay sa
pagkain.”

I tried to smile. They must be really close. Nararamdaman ko yon.


They are not just uncle and nephew. They are each other’s friend.
Tuluyan ng hindi gumalaw si Sebastian. Tila naka idlip na yata.
“Nakilala ni Sebastian si Zander dahil sa shop na ito.” sinabi ng
kanyang uncle. “Madalas siyang sumama noon sa mansion tuwing
naghahatid ako ng gamot para sa tagapagmana ng bayan, ang
susunod na alpha, si Zander Van Zanth.”

Napangiti ang matandang lalake sa alaalang yon.

“Noong una hindi sila nagkakasundo. Matigas ang ulo ni Sebastian.


May sariling paniniwala. At si Zander, ang anak ng aming alpha, he
was a spoiled brat. Hindi palakaibigan. Natatakot ang ibang mga
bata na lumapit sa kanya.”

“Pero itong si Sebastian, nagawa pang makipag pambuno sa kanya


noong may hindi sila pinagkasunduan. Pangatlong bisita palamang
ni Sebastian noon at kinailangan namin silang pigilan. Halos masira
na kasi nila ang mga halaman sa garden dahil sa away na ginagawa
nila.”

“Naalala ko pa nga, hindi makapaniwala noon ang namumunong


alpha at asawa nito dahil may batang sumalungat sa kanilang anak
sa unang pagkakataon. Madalas kasi walang lakas ng loob ang mga
bata dahil sinasabihan sila ng kanilang mga magulang na maging
mabait sa anak ng alpha at kaibiganin ito dahil importanteng
koneksyon ito pagdating ng araw.”

“Siguro nga ay ramdam din ito ng batang si Zander. Halos lahat ng


mga gustong mapalapit sa kanya ay may ibang motibo. Kaya siguro
mas gustong mapag isa. Madalas kalmado ang batang yon at si
Sebastian ang makulit at ipaglalaban ang gusto. Kaya nabigla ang
mga tao sa mansion, dahil nalingat lang kami sandali, nakita ng
nagpapambuno ang dalawang bata sa damuhan sa labas.”

Pinagmasdan niya ang umiidlip na si Sebastian.

“Yon ang unang away nila. Yon din ang dahilan kung bakit sila
naging magkaibigan. Madalas parin silang magbangayan kapag
bumibisita kami sa mansion. Hangang sa unti unti naging
magkasundo sila. Hangang sa kusa ng pinapatawag ng batang si
Zander si Sebastian upang makasama nito na tumakbo sa
kakahuyan o minsan pumunta ng kusa si Sebastian upang
makipaglaro sa anak ng alpha.”

A warm fatherly smile crossed his wringled lips.

“Kita mo nga naman, napakalayo na ng darating ng kanilang


pagkakaibigan. Napakarami na nilang napagdaanan. Siya na ang
alpha at siya na ngayon ay beta. Madami mang hindi magandang
nangyayari ngayon sa bayan at madami na silang naging
responsibilidad, alam kong sila parin ang dalawang batang madalas
maglaro noon sa kakahuyan.”

Napangiti ako habang nakatitig kay Sebastian.

“And I admire them for that.”

***
Chapter 18: Forbidden
Chapter 18: Forbidden

Tuluyan ng nakaidlip si Sebastian. Nakangiti at napapailing na


lamang ang kanyang uncle. Ganyan daw talaga siya kapag umuuwi
siya sa bahay. Yon lamang kasi ang tanging oras kung saan malaya
siyang makakapag pahinga nang walang iniintiding responsibilidad
sa labas.

Nagtingin tingin ako sa shop. Hindi ko siya gustong gisingin. Hintayin


ko nalang sigurong makapagpahinga siya. Bumalik sa trabaho ang
kanyang uncle. Nagbabalot siya ng mga tuyong dahon sa maliliit na
paper bags. Tinitimbang niya din ito sa timbangang gawa sa tanso. It
was a kind of herbal tea.

Tahimik sa loob ng shop. But it was a comfortable silence. Natutulog


si Sebastian sa sulok, gumagawa ng tea ang kanyang uncle, at ako
naman ay nakatayo habang nagbabasa ng libro mula sa bookshelf
malapit sa counter. The only noise you would hear is the silent
creaks of the metal weighing scale.

Inalis ko ang tingin sa aking binabasa nang mapansin na umalis sa


kinauupuan ang uncle ni Sebastian. Tila may hinahanap ito. Umalis
ito mula sa likod ng counter at lumapit sa tapat ng isang mataas na
shelf. Nakalagay sa itaas ang ilang malalaking kahon.

Kinuha niya ang isang metal ladder sa sulok at umakyat dito. Hawak
niya ang isang listahan habang nakatingala sa mga kahon at tila
chini-check ang mga ito. Kalaunan bumaba din siya mula sa hagdan.
Sinandal niya ito sa shelf. Tiningnan ang mga produktong nasa baba
ng shelf at yon naman ang nicheck. I think he was taking inventory.

Bahagya siyang umupo habang binibilang ang mga produkto.


Bumalik ako sa aking binabasa. Ngunit natigilan ako nang mapansin
ang pag galaw ng hagdan na hindi maayos na nakasandal sa shelf.
Bumaba ang tingin ko sa uncle ni Sebastian na nakafocus parin sa
ginagawa.

Bago ko pa nabalaan ang matandang lalake tuluyang bumigay ang


hagdan mula sa pagkakasandal nito sa shelf. Nabitawan ko ang
librong hawak ko. Bago pa tuluyang bumagsak ang metal ladder ay
tinulak ko ang matandang lalake palayo. Naramdaman ko ang
pagtama ang metal ladder sa likod ko.

Napadaing ako. Tumama ang sulok ng metal ladder sa aking balikat.


Kinagat ko ang labi ko dahil sa sakit na naramdaman. The fall
created a commotion inside the shop. Bahagya kaming binalutan ng
alikabok. Biglang dumilat si Sebastian. Tila ba naramdaman ang
nangyari.

"Shit."

Sinubukan kong umalis mula sa ilalim ng mabigat na ladder.


Pinuntahan agad ako ni Sebastian na tila ba tuluyang nagising

"What happened?" tila nagpa-panic na tanong niya. Muli siyang


nagmura habang tinutulungan ako.

Inalis niya ako mula sa pagkakadagan ng hagdan at tinulungan


akong tumayo. Nakita ko ang uncle niya na nakatitig sa akin. Nabigla
ito. Dahan dahan siyang tumayo mula sa sahig kung saan ko siya
naitulak.

"Okay lang po ba kayo?" tanong ko.

Hindi ito nakapagsalita.

"Laura, Ikaw ang nasaktan, tapos si pards ang tatanungin mo


niyan?" halos asik ni Sebastian.

Lumingon ako kay Sebastian. Nakahawak ako sa kanyang balikat


habang hawak niya ang bewang ko, tinutulungan akong tumayo. I
manage to smile. "Okay lang naman ako-"

Muli kong narinig na nagmura si Sebastian. "You're not. This is not


okay!"

Natigilan ako sa reaction niya. "Sebastian, calm down." sinabi ko sa


kanya. "You're over reacting. I'm fine."

Pilit akong umalis mula sa pagkaka alalay niya sa akin para ipakita
na okay lang ako. Ngunit nang maramdaman kong muli ang
matinding sakit sa aking balikat ay napahawak akong muli sa kanya.

"See?!" he exclaimed. "Hindi na dapat kita dinala dito. Hindi ka sana


napahamak-"

"Pasensya na, pards." Pareho kaming napatingin sa uncle ni


Sebastian. "Hindi ko napansin. Pasensya na, hija."

Umiling si Sebastian at bumuntong hininga. Bahagya siyang


kumalma.

"Hindi, pards. Kasalanan ko ito. Masyado akong naging kampante.


Nandito nga pala ako para bantayan siya."

Humarap sa akin si Sebastian. Bahagya siyang nagbow, like a form


of respect. "Pasensya na, Laura."

Naguguluhan ako sa nangyayari. Hindi ko alam na ganito siya


kaseryoso sa sinasabi niyang pagbabantay sa akin.

"S-Sebastian, it's okay. Mawawala din naman ito."

Bumalik sa pagiging attentive ang kanyang uncle.

"Mabuti pa gamutin natin yan. Kahit pasa ay magiging masakit


kapag pinabayaan. Kukuha ako ng gamot, sandali lang."
Bumalik sa likod ng counter ang uncle ni Sebastian. May kinuha ito
sa mga cabinet na nandoon. Bumaling ako kay Sebastia. Tahimik
lamang siyang nakatayo sa tabi ko habang naghihintay tulad ko.

"I'm sorry. I was being careless."

Lumingon siya akin. Sebastian sighed, relief that I was quite okay
than what he presumed.

"It's my duty to watch over you. Hindi ko lang gustong nasasaktan


ka."

Lumabas mula sa likod ng counter ang uncle ni Sebastian at may


inabot. Sinabi ni Sebastian na kailangan na niya akong iuwi. Hindi na
ako tumangi pa. Ayokong mas magalit pa siya sa akin. Nagpaalam
kami sa uncle niya. Muli itong humingi ng despensa.

"Mas lalo akong mag aalala kapag kayo ang natamaan." sinabi ko.

I manage a smile to assure Sebastian's uncle that it was okay. Bago


ako tuluyang nagpaalam at lumabas ng shop. Hinatid ako ni
Sebastian hangang bukana ng downtown kung saan nakapark ang
sasakyan ko. Tahimik lamang siya. Maging ang mga taong bumati sa
kanya tila hindi niya napansin.

Nang makarating kami sa aking sasakyan, humarap ako sa kanya.


"Kaya ko ng magmaneho pabalik."

Tiningnan niya lamang ako. "Laura-"

Hindi niya naituloy ang sasabihin nang hawakan ko ang


magkabilang side ng mukha niya. I held it as if squeezing his face.
Natigilan si Sebastian at napatitig sa akin. Bumitaw ako nang
makitang kumalma na siya.

"Sebastian, loosen up okay? I'm not going to die." natatawang sinabi


ko.
Binuksan ko ang pintuan ng aking sasakyan. "I'm fine. Magkita
nalang tayo sa school bukas." sinabi ko.

Wala siyang nagawa kundi bumuntong hininga. Nanatili siya sa tapat


ng sasakyan. Sinigurado niya muna na nakapasok na ako sa loob at
pinaandar na ito bago siya bahagyang lumayo.

Hindi parin mawala ang kunot sa kanyang noo. Nagpaalam akong


aalis na. Tumango lamang siya.

"Relax, okay?" sinabi ko mula sa bintana.

Napailing lamang siya. "Mag ingat ka na."

Tinaas ko ng tuluyan ang bintana nang makitang tumalikod na siya.


Ngunit bago tuluyang matakpan ng engine ng sasakyan ang ingay
sa labas, napansin kong napahawak sa batok si Sebastian habang
ang isang kamay ay nakapamulsa. Naglalakad na siya palayo ngunit
narinig ko ang kanyang sinabi.

"I cared more than I expected."

--

Tahimik akong nagmaneho habang pauwi ng mansion. Habang


nagmamaneho hindi ko mapigilang humigpit ang hawak ang steering
wheel. Huminga ako ng malalim at napapikit.

I told Sebastian I'm fine to ease his mind. Subalit noong oras na yon
ramdam ko ang sakit na pumipigtig sa aking balikat. Hinawakan ang
parte kung saan ako labis natamaaan. Napadaing ako at agad
binawi ang kamay ko. Kinagat ko ang labi ko at nagpatuloy sa
pagmamaneho.

Tahimik sa mansion pag uwi ko. Dumerecho ako sa aking kwarto


para gamitin ang gamot na binigay sa akin. Isa itong gamot na
pinapahid. Naligo muna ako bago at nagpalit ng damit.
Pinagmasdan ko ang reflection ko sa salamin. A purple swollen
bruise stained my pale shoulder.

Lumabas ako sa bathroom matapos magbihis. Tila mas lumala ang


pamamaga nito. Agad akong pumunta sa mesa kung saan ko
nilagay ang gamot. Nang makuha ito, natigilan ako nang mapansin
ang putting kurtina sa terrace door na tila hinahangin. Pinuntahan ko
ito upang isara. Ngunit natigilan ako nang maramdaman na may
nakatitig sa akin.

Lumingon akong muli sa loob ng kwarto ko. Napakurap ako nang


makita siyang nakatayo sa tapat ng pintuan. Nakahalukipkip ang
kanyang mga braso sa dibdib habang mariin akong
pinagmamasdan. Ngayon ko lang ulit siya nakita sa ibabang palapag
mula noong umalis si Venise.

Zander.

For a moment hindi ako nakalagaw. Ito ang unang pagkakataon


nakita ko siyang tumapak sa aking kwarto maliban sa terrace. My
confused gaze dropped to the floor avoiding his. Nagpatuloy ako
naglakad papunta sa pintuan ng terrace nang hindi lumilingon sa
kanya.

Subalit tuluyan akong tumigil nang makalapit siya at hinawakan ang


aking braso. Bahagya akong napadaing sa sakit. Malapit yon sa
parte ng balikat kung saan ako tinamaan ng ladder.

Napansin ko na natigilan siya sa reaction ko. Wala siyang ano mang


sinabi. Pero nagawa niyang muli akong bahagyang hilain upang
humarap sa kanya. Tinitigan ko siya. Hindi ko alam kung ano ang
kanyang iniisip.

"Let me go." sinabi ko.

Pilit kong hinila palayo ang braso ko. Pero humigpit lamang ang
kanyang pagkakahawak sa akin. Ano ba ang kailangan niya?
Lumapit siya. Napaatras ako. Ramdam ko ang paglakas ng pintig ng
aking puso.

Hindi ko na gusto pang maramdaman ang bagay na ito kapag nasa


malapit siya. Umatras ako palayo hangang sa maramdaman ko ang
edge ng table sa likod ko. Binitawan ni Zander ang braso ko.

"Courting trouble and hurting yourself." Zander said while staring at


me. "I've told you to avoid these things haven't I?"

Hindi ako naka sagot. Hindi ko siya maintindihan. Bakit ba siya


ganito? Halos mabitawan ko ang bote ng gamot na hawak ko noong
kunin niya ito at ilapag sa mesang nasa likuran ko.

Tumigil ang aking paghinga nang bumalik ang kamay niya sa tapat
ng aking damit. Naramdaman kong inaalis niya ang pang itaas na
butones ng suot ko. Hindi ako nakagalaw.

"Stay still."

Tila nawalan ako ng lakas. Napakalapit niya at ramdam ko ang


kanyang hininga sa aking leeg habang nakatungo siya sa ginagawa.
Zander's long fingers carefully unbuttoned the second one. I was
wearing a white button down shirt. Napahawak ako sa mesang nasa
likod ko. My breathing became rushed.

Naamoy ko ang kanyang buhok. Halos nakasandal na ako sa mesa


habang nasa harapan ko siya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang
reaction ko kapag nasa malapit siya. It almost felt like a time bomb
ticking. Bawat galaw niya, bawat paglapit niya, pakiramdam ko
nauupos akong kandila.

Nilislis niya ang aking damit hangang sa maexposed ang aking


kaliwang balikat. Napapikit ako at huminga ng malalim. I flinched
when I felt his fingers stroked my swollen bruise. Dahan dahan niya
itong hinawakan. Wala akong nagawa kundi ang kapusin ng hininga.
"Does it hurt?" malumanay na tanong niya.

Hindi ko maintindihan. Why does he care? Bakit siya umaakto na


may pakialam matapos halikan at sabihin ang mga salitang yon kay
Venise? He hates me. He's cruel. But he cares and he helps me. I
don't understand.

Naikuyom ko ang mga palad ko. "Please..."

"I don't want you doing things that can hurt you." Zander said. "Take
care of yourself more."

"Please, stop this." I found myself saying. Tuluyan ko siyang


tinitigan. "Whatever this game is, please stop."

Zander stared at me.

Huminga ako ng malalim. "You act like you care but you are the one
who's hurting me more than anything."

Natigilan siya sa sinabi ko. Muli akong umiwas ng tingin.

"Why are you doing this?" Halos bulong ko habang nakatitig sa


bahagya kong nanginginig na mga kamay. "Why are you playing this
game? I don't know what to believe anymore."

Muli akong humarap sa kanya. Naramdaman ko ang pangingilid ng


aking luha. Pilit akong ngumiti para takpan ang sakit na
nararamdaman ko. Subalit tuluyan ng bumagsak ang aking luha.

"I'm hurting." I whispered. "So please stop-"

Zander cut me off. He placed his lips against mine. Zander kissed
me. Hindi ako nakagalaw.

Tuluyan niyang hinawakan ang gilid ng aking mukha at nilapit sa


kanya. Nawala ang namamagitan distansya sa amin. Hangang sa
muli akong napapikit nang maramdaman ang pag galaw ng kanyang
labi.

The taste of his lips enveloped me. Minty with a hint of something
sweet. A feeling so foreign to me. Kinapos ang aking paghinga.
Napaatras ako at kumuha ng suporta sa mesang nasa likuran ko.
Suminghap ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa beywang
ko. Inupo niya ako sa mesa at nanatili siya sa pagitan ng aking hita
habang hinahalikan ako.

It was alcohol and fire. Nakakalasing na nakakapaso. Hindi ko alam


kung bakit ganito ang nararamdaman ko. My feelings were
contradicting each other. Bumaba ang kanyang mga halik. My
breathing became hard and uneven. Pinagmasdan ko ang kanyang
mga mata. His penetrating golden eyes stared back at me as he
kissed my neck. His lips were blaze slowly setting my body on fire.
Napadaing ako sa hindi malamang dahilan.

Narinig ko siyang nagmura. "God, Laura."

Naramdaman ko ang pagigting ng kanyang panga. "Do you even


know what you're doing to me?"

Humigpit ang pagkakahawak ko sa edge ng mesa. His voice was


low, and for some reason husky and controlled. Nakarating ang labi
ni Zander sa aking balikat. Isang malalim na hininga ang
pinakawalan ko. He was kissing my swollen bruise. I don't know if it
was because of the pain or the pleasure pero bigla akong
napahawak sa kanyang dibdib.

My fingers clawed the fabrics of his shirt. Hindi ko alam kung


patitigilin ko siya o hahayaan siyang magpatuloy.

"We are doing something we'll both regret." Zander breathed. "And
God knows I couldn't stay away."
Sa hindi malamang dahilan ay naintindihan ko ang ibig niyang
sabihin. Ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw ay tila
naging mitya lamang ng paglabas ng aming nararamdaman.

I should hate him. I know I should. But his warm lips, his touch on my
heated skin, the way my body reacted to him. All this foreign feeling
was igniting something forbidden. We are playing fire. And it was
something we both can't stop.

Patuloy ang mapupusok niyang halik. I was panting. My breathing


uneven. I never wanted anything, never wanted a feeling to fill my
body so bad, more than this. More than what Zander can make me
feel. There is this attraction between us that's pulling me to him-
wanting to be close, craving for his touch. And these foreign feelings
scared me.

***
Chapter 19: Destined

Chapter 19: Destined

Loraine Van Zanth

Pumasok ako sa kwarto ni Zander. Nakita niya siyang nakatayo sa


terrace at pinagmamasdan ang bayan sa ibaba. Napansin ko ang
mga palad nitong mahigpit na nakahawak sa railing ng terrace.
Malalim ang kanyang pahinga. Zander looks frustrated.

Ilang araw na siyang ganyan. Kilala ko ang kapatid ko bilang


kalmado at alam ang gagawin sa halos lahat ng bagay. Pero sa mga
oras na ito ay tila hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. Zander
seemed lost. And despite the situation, sa unang pagkakataon ay
hindi isang alpha ang nakikita ko sa aking harapan kundi ang aking
nakababatang kapatid.

Mula noong dumating si Venise ay tila mas lalo itong naguluhan.


Zander tried to convince himself that Laura is nothing to him. He
even tried distracting himself by focusing on Venise. But every now
and then, I found him staring at Laura. Zander knows when Laura is
in pain. At ang mga nangyari noong nadito si Venise ay nagkaroon
ng epekto sa bond na namamagitan sa dalawa.

The bond connecting them is like a tangible object. Maaari itong


masira kapag hindi iningatan. Ang masamang pakiramdam ni Laura
sa nakalipas na araw ay dahil pakiramdam niya tinatanggi siya ni
Zander bilang mate. She felt possessiveness, jealousy, and pain.
The same way Zander feels those emotions tuwing may ibang
lalakeng kasama si Laura.

The only difference is that Laura doesn’t know any of this. Ang alam
niya lang ay nasasaktan siya. Ngunit hindi niya maipaliwanag kung
bakit. Kapag nagpatuloy ito, those negative emotions can cause the
bond to falter. Para itong goma na hinihila palayo hangang sa
tuluyan itong masira.

Bumuntong hininga ako bago lumapit kay Zander.

“I heard from Sebastian that Laura got hurt yesterday.”

Lumingon ito at nagtiiim bagang. Alam niya kung gaano katigas ang
ulo ng aking kapatid. Hindi nito gustong pagusapan si Laura. Linibot
ko ang paningin sa magulo niyang kwarto.

Zander was always been a neat freak. Ayaw nito ng magulong


paligid. He wants silence. He wants solitude so he can concentrate
on his duty of being an alpha. Oftentimes, Zander was too focused
on being an alpha he would lose sight of being Zander.

Tuwing kaharap ko siya, ang nakikita ko ay ang aming pinuno at


hindi ang aking kapatid. Kaya naman nakakapanibago ang makita
siyang ganito. Here he was being frustrated, being wasted, like a
normal guy his age. It’s astonishing how Laura can transform a great
alpha into a regular guy.

“Zander, how far can you resist? Hangang saan mo ipaparamdam sa


kanya na wala kang pakialam?”

Hindi siya sumagot. Nanatili ang tingin niya sa ibaba ng bayan. This
is typical of you, Zander.

“When you learned that Laura cried because she thought you and
Venise kissed, hihintay mo siyang tumahan at makatulog bago ka
umalis sa tapat ng pintuan ng kanyang kwarto. Yesterday you
ordered Sebastian to watch over her noong magisa siyang pumunta
sa bayan.”

Tinitigan ko siya. “Why can’t you just tell her the truth? Tell her you
and Venise didn’t actually kissed. Tell her who she is to you. Do you
want your mate to hate you that much?”
“She’s an Arden. That should be enough reason for both of us to
hate each other.” sagot niya.

“But she’s also your mate.” sinabi ko. “Naguguluhan na siya, Zander.
Nahihirapan siyang maintindihan ang nararamdaman niya. You were
either cruel to her or saving her. Manghihina siya sa ginagawa mo.
Hindi siya katulad natin. The strength of the bond can drain her.”

Muli ay hindi ito sumagot. Hindi ko masisisi ang kapatid ko kung


maguluhan siya ng ganito. All his life he was thought to put Van
Zanth first before his personal interest. Hindi madali ang maaring
mangyari. But I don’t want my brother to let go of what’s destined for
him because of his position as an alpha.

“You have two choices Zander.” I said. “Forget she’s an Arden and
accept her as your mate. Or forget she’s your mate and treat her as
your worst enemy. There’s no in between.”

Pinagmasdan ko siya sa huling pagkakataon bago tumalikod at


umalis sa kanyang kwarto.

You’ll either accept her and let everyone know she’s yours, or reject
her and let her leave Van Zanth. You need to make up your mind
soon, Zander. Things are getting more complicated.

—-

Laura Katherine Arden

Pinagmasdan ko ang mga tao habang naglalakad ako papunta sa


school building. Everyone is either in excited chatter or in whispered
conversation. Some faces brooding, some in awe. Narinig niya ang
familiar na pangalan sa isa sa mga usapan nadaanan niya.

Venise.
It was the first Monday after the long weekend. Sa maliit na bayan
katulad ng Van Zanth, madaling kumalat ang balita. At sa tulad ni
Venise na galing sa isang importanteng pamilya hindi na ako
magtataka kung pag usapan siya. Minsan lamang siya bumisita sa
bayan. At karamihan sa mga tao ay nagtataka sa bigla niyang
pagdalaw.

“I heard she visited the alpha.”

Narinig ko ang bulungan ng mga taong nasa hallway. Hindi pa


nagsisimula ang karamihan sa mga klase kaya puno pa ng
estudyante sa labas. Tahimik akong nakipagsiksikan para
makadaan.

“Siya lang ang malayang nakakalapit kay alpha ng ganoon.”

“There’s other one.”

Bahagya akong natigilan nang mapansin na lumingon ang isa sa


kanila sa akin. “The human girl.”

Umiwas ako ng tingin saka nagpatuloy sa paglalakad. Gusto kong


bilisan ang paglalakad dahil kasunod ko lamang sila. I heard the
distinct sound of a silent laugh from one of them.

“She’s just a helper in the mansion.”

Nang makarating ako sa seminar room, dumerecho ako sa aking


silya. Muling napatingin ang iba sa akin noong pumasok ako. May
ilan na tila hindi parin sanay nakikita ako kahit halos anim na buwan
na ako sa lugar na ito.

Habang naghihintay ng klase, nagbukas ako ng dalang libro. Half of


the reason is to read, the other half to drown out their noise. Pero
hindi ko parin maiwasan na marinig ang kanilang usapan.
Mula sa kanilang usapan napagtanto ko ang isang bagay.
Kinaiingitan ng marami si Venise dahil sa pagiging malapit niya kay
Zander at pamilya nito. Maging kina Sebastian at mga orders. Many
girls wish to be just like her. Madami ang gustong mapalapit sa
kanya at maging kaibigan siya. Venise seemed to be popular noong
sa Van Zanth pa siya nag aaral. I forced my thoughts to go back to
the open book in front of me.

“They look good together. I wonder kung may gusto sila sa isa’t isa.”

Bigla akong natigilan dahil sa narinig. Humigpit ang hawak ko sa


librong nasa kamay ko.

“They wouldn’t care as much if they are not, right?”

Pumasok sa isip ko ang eksenang nakita ko sa balkonahe ilang araw


na ang nakakalipas. Their silhouettes, the conversation, the kiss. My
fingers tremble at the thought. Binitawan ko ang libro bago ko pa ito
mahulog. Bahagya akong pumikit at huminga ng malalim para
kumalma. Subalit sa pagpikit ko, ang mukha ni Zander habang
hinahalikan ako ang pumasok sa isip ko.

Gusto kong magalit sa sarili ko. Hindi ko na alam kung ano ang
mararamdaman. I let Zander kissed me, after he kissed Venise in
front of me. Ganoon na ba ako kababa para hayaan na paglaruan
niya ako ng ganito? Binuksan ko ang mga mata ko at sinandal ang
aking ulo sa mesa.

Why does it feel so right when we’re together and feels so wrong
when we’re apart? Why does it have to be this confusing?
Nagseselos ako pero wala akong karapatan. Pero sa tuwing
magkasama kami ni Zander pakiramdam ko may karapatan akong
ipagdamot siya. Habang ramdam ko ang mainit niyang labi sa aking
balat at kapwa kaming kinakapos sa hininga, pakiramdam ko sa
amin lamang ang isa’t isa. Marahan kong inuntog ang noo ko sa
mesa.
Stupid, stupid, Laura. What’s inside the mansion was all but a
dream. Wake up. What’s in front of you is the reality.

I drifted through my morning class. Focusing on the discussion but


sometimes being shallowed by my thoughts. I’ve never been this
confuse. Ngayon ko napagtanto na tama si Aunt Helga. Mas
magiging maayos ang pananatili ko sa mansion kung hindi ko siya
nakilala. If I stayed as a normal helper in the mansion. Can I still go
back? Namimiss ko na ang dating ako bago ko siya nakilala. Walang
gulo. Walang pagkalito. At kontento na ako lang.

Lumabas ako sa building noong lunch. Sa likod na bahagi ng


campus malayo sa usapan ng mga kapwa ko estudyante, may
mataas na bahagi na tila mallit na burol malapit sa kakahuyang
pinalilibutan ang school. Doon ako pumunta. Umupo ako sa ilalim ng
isang malaking puno. Mula sa kinauupuan ko tanaw ko ang
pagpasok at paglabas ng mga estudyante mula sa school building.

Malapit na pala ang semester break. Lumalamig na ang hangin at


mas matagal ang gabi. Ang mga normal na suot ng mga estudyante
noong tag ulan ay unti unting napapalitan ng makakapal na damit.
Madalas ay mahangin tuwing hapon. Ang mga estudyanteng tulad
ko na dating sa loob lamang ng school building nagpapalipas ng
oras ngayon makikita silang nakaupo sa mga damuhan sa campus.

Dalawang lingo nalang ay matatapos na ang unang semester. Two


weeks from now is our final exams. Kaya karamihan sa mga
estudyante ay nagiging busy na sa paghahabol ng requirements at
paghahanda sa nalalapit na exams. Napayakap ako sa tuhod ko
habang nakaupo sa damuhan. Parang kailan lang noong hesitant pa
akong tumapak sa downtown. Parang kailan lang noong curious pa
ako sa lahat ng mga nangyayari dito.

Pero madami na ang nagbago. But all those calm and peaceful days
seemed so far away now.

“Hey.”
Natigilan ako at lumingon. Nakita ko si Sebastian na papalapit sa
kinaroroonan ko. Mukhang nangaling siya sa kakahuyan. Nag
stretch siya ng braso bago umupo sa damuhan sa tabi ko.

Hindi na ako nagtataka kung bigla nalang sumusulpot si Sebastian


kung saan. Back then I find it weird, but knowing Sebastian, he’s
unpredictable kaya hindi na ako nabibigla kapag nandyan. Actually I
find it comforting.

“Mag isa ka lang?”

Tumango ako. He should be used to it by now.

“Kamusta na ang balikat mo?”

Napalingon ako sa kanya mula sa pagnataw sa ibaba. Ngayon ko


napansin ang bahagyang nagaalala niyang mga mata na pilit
tinatago ng formal na koryosidad sa kanyang mukha. Iniisip niya
parin ba ang nangyari sa Vindershach?

“Okay na ang balikat ko.” sagot ko. Napahawak ako dito.


“Nakapagtataka ka dahil nawala na nang tuluyan ang sakit.”

Natigilan siya sa sinabi ko. Pinagmasdan niya ako. Like I said


something that pricked his interest or maybe he thinks I’m lying to
ease his mind. Pero totoo na hindi ko na nararamdaman ngayon ang
sakit. Mula noong— Napakurap ako nang maalala ang bagay na
yon.

“Does it hurt?”

Ang boses niya. Low, gently. Noong hinalikan niya ang pasa ko,
noong napadaing ako dahil sa pagdampi ng labi niya sa namamaga
kong balat, yon ang huling beses na naalala kong sumasakit ito.
After that, hindi ko muli pang naramdaman ang sobrang pagsakit
nito.
Natahimik ako. Kaya ba ako pinuntahan ni Zander noong gabing
yon? Umiling ako. Hindi. Nagkataon lang siguro. Paanong
mangyayari yon? Imposible na dahil sa nangyari ang nawala ang
physical na sakit na naramdaman ko.

“Do you know something about mates?”

Bumalik ako sa kasalukuyan noong muli kong marinig ang boses ni


Sebastian. Napansin ko na naging seryoso ang boses niya. Hindi
tulad ng mga unang tanong kanina. I don’t even know why he keeps
asking me these random questions all of a sudden.

“Mate?” ulit ko sa estrangherong salita.

Sumandal si Sebastian sa puno kung saan kami sumisilong. He


placed his hands on the back of his head. It was a carefree position.
But he was as if thinking something deeply. At isang bagay din ang
napansin ko. His eyes seemed clouded, as talking something he
doesn’t want to.

“We, hybrids, have mates.” sinabi niya. “They are considered as our
partners, our destined other half.”

I let his statement sink in.

“Hindi lahat ay meron nito o natatagpuan ang bagay na ito.”


Sebastian said. “Some even think of it as a legend. Dahil rare
lamang magtagpo ang dalawang taong tinadhana. Pero kapag
nagtagpo sila, mararamdaman nila ito. The attraction or the bond.”

Nagsisimula ng maging mahangin sa lugar kung nasaan kami.

“Kadalasan ramdam ng isang tao ang nangyayari sa kanyang mate.


A mate can feel a part of their other half’s emotions or physical pain.
They will have a strong desire to connect with their mate. Like two
pieces of magnetic puzzle being drawn together. At kapag
magkasama sila, napapagod, o nagkakasakit, sa isa’t isa sila
kumukuha ng lakas. They fuel each other.”

Nanatili si Sebastian sa position nito. “That’s what the legend says.”

I rested my palms on the grass and stared at the campus below.


Tahimik ako bago nagsalita.

“It’s a magnificent story, don’t you think?” I said to him. “To meet the
person you are destined for.”

Hindi nagsalita si Sebastian. Lumingon ako sa kanya. Bahagya


akong nagtaka nang makita ang pag aalala sa kanyang mga mata.

“Some bonds are destructive.” sinabi niya. “Kapag napunta ito sa


maling tao o sitwasyon, maaari itong makasira. There are people
who are destined to be together, but are better apart.”

Natahimik ako sa sinabi niya.

“Pero kung yon ang maaaring mangyari, hindi ba ang tao ang mali at
hindi ang tadhana?” tanong ko. “You are part of something for a
reason. Maybe two people are destined for a reason.”

Lumingon si Sebastian sa akin.

“My Mom and Dad, their families hated each other. Aunt Helga is
cold to me because she sees my Dad in me. Noong bata ako halos
walang tumagap sa akin sa magkabilang pamilya dahil ako ang
bunga ng bawal na pagsasama ng mga magulang ko. But my
parents fought for what they have.”

Bahagya akong tumingala sa maulap na langit.

“Pero wala na ang magulang mo, hindi ba?”

Lumingon ako kay Sebastian at ngumiti. “Bata palang ako noong


namatay sila. Pero sinabi ni Aunt Wilhelmina na bago nila ako iwan,
hangang sa huli ay pinaglaban nila ang meron sila.”

“Isn’t that what life is all about?” sinabi ko. “You fight for something
you believe in. Because no matter how long or short life is, what
counts are the moments you regretted nothing.”

Bahagya akong pumikit habang nakaharap sa langit.

“My parents live a short life, they left me. Pero hindi ko sila sinisisi.
Their moments together were a lifetime.”

Bigla kong binuksan ang aking mga mata nang muling nagsita si
Sebastian.

“What if the same happens to you?”

Napalingon ako sa kanya.

“What if you die fighting for that kind of love?”

Natahimik ak bago ngumiti. A distant smile. “My Dad loves my Mom


so much he risked everything for her.”

Pinagmasdan ko ang campus sa ibaba at mga taong dumadaan dito.

“That kind of love is rare. I don’t think it will be able to find me.”

***
Chapter 20: Shattering
Chapter 20: Shattering

Sa susunod na lingo final exams na. Matatapos na ang unang


semester. Isang lingo nalang. Karamihan sa mga naririnig kong
usapan sa school ay tungkol darating na bakasyon. Madami na ang
nagpa-plano kung saan pupunta o ano ang pagkaka-abalahan.

Other than reviewing for the finals, I still have no plans for the
upcoming vacation. Siguro magfocus ako sa pagtulong kay Aunt
Helga dito sa mansion or maybe I can drive around Van Zanth, read
books that’s been pending on my list. Madami ang nangyari nitong
mga nakaraang buwan at halos makalimutan ko ang mga bagay na
ito.

Sumilip ako sa labas mula sa nakabukas na bintana ng aking


kwarto. Nakaupo ang pusang si Elvis sa tapat nito habang
pinagmamasdan ako. Maliwanag sa labas at mahangin. I could hear
the rattling of leaves on the trees. The cat yawned lazily and
scratched the back of his ears. Everything seemed so calm and
peaceful. Pero unti unting nasira ang kalmadong pakiramdam na ito
nang bigla akong ipatawag ni Aunt Helga.

Lumabas ako sa aking kwarto matapos ayusin ang mga gamit ko sa


pagre-review. Sinabi ni Aunt Helga na may importante siyang
kailangan sabihin sa akin. Habang naglalakad sa hallway hindi ko
mapigilan na magtaka. Ngayon lang ulit niya ako pinatawag.

Nang pababa na ako sa hagdan nakita ko si Aunt Helga sa sala at


hinintay ako. Natigilan ako noong mapansin ang seryoso niyang
expression. Nakatingin si Aunt Helga sa labas ng bintana— sa
garden. Her wrinkled hands are massaging each other in an anxious
way.
Lumingon siya nang marinig ang pagbaba ko. Hindi ko mapigilan ka
mag alala sa expression na bumakas sa kanyang mukha. Noong
oras na yon wala akong idea na ang mga susunod niyang sasabihin
ay maaari kong ikawasak.

“Pagkatapos ng exams mo ay kailangan mong asikasuhin ang mga


records mo sa community college.”

“Records?” tanong ko. “Bakit po, Aunt Helga?”

“Kapag natapos na ang semester break ay hindi ka na maaaring


manatili sa mansion na ito.”

Tinitigan ko si Aunt Helga. My face pale. Hindi ako nakapagsalita.

“Pasensya na, hija.”

Doon tila bumagsak sa akin ang lahat ng sinabi ni Aunt Helga.


Pakiramdam ko ay nabingi ako. Sari saring tanong ang pumapasok
sa isip ko. Bakit? Paano? May nagawa ba akong masama?

Pinagmasdan ko si Aunt Helga. Nangingilid ang luha sa aking mga


mata. Hindi ako makapagsalita o makagalaw man lang.

“Maaari kang bumalik sa Charlotte. Nakausap ko ang isa sa mga


kaibigan ni Wilhelmina. Pumayag sila na tangapin ka.”

No. Umiling ako.

Gusto kong isipin na masamang panaginip lang ang lahat, na may


mali sa lahat ng naririnig ko. Pero noong makita ko ang lungkot at
pag aalala sa mga mata ni Aunt Helga sa unang pakatataon habang
nakatitig sa akin, doon tuluyang bumagsak ang aking luha.

Kung ganoon totoo ang lahat ng ito. Babalik ako sa Charlotte. Iiwan
ko ang bayang ito. Pilit kong pinahid ang aking mga luha. My hands
were trembling.
“Bakit?” Nanginginig ang aking boses. Hindi ko magawang magsalita
ng maayos. “Bakit, Aunt Helga?” tanong ko. “May nagawa po ba
akong mali? May kasalanan ba akong nagawa?”

“Wala kang ginawang kasalanan, hija.” mahinahon niyang sinabi sa


akin. “Ito ay kagustuhan ni Zander.”

Pakiramdam ko tuluyang huminto ang mundo ko. Unti unti akong


nawawasak. Napahawak ako sa aking dibdib at naramdaman ang
sakit dito. Hindi ko alam kung saan ako labis na nasasaktan. Hindi
ko alam kung para saan ang mga luha na pumapatak mula sa aking
mga mata.

I’m slowly shattering. And it was not because I have to go back to


Charlotte and leave Van Zanth. But because everything I heard…
was Zander’s order.

—-

Loraine Van Zanth

Hating gabi. Madilim at tahimik ang buong mansion. Walang


makikitang liwanag maliban sa ilang nakabukas na lampshade sa
hallway at mga ilaw sa garden sa labas. Everything seemed serene.
But invisible tension was filling the air.

Nakatayo si Zander sa balcony at may hawak na baso ng alak


habang nakatanaw sa garden.

“Did you really want her out of Van Zanth?”

Kanina ko lamang nalaman ang kanyang decision. Nasabi ito ni


Senior Helga noong napansin kong hindi sumabay si Laura sa
hapunan. I know Zander would resort to something like this. Ngunit
gusto kong malaman kung ito ba talaga ang gusto niyang mangyari.
Dahil sa nakikita ko sa mga oras na ito, nahihirapan siya pareho ng
paghihirap ni Laura ngayon.
“It’s better for Van Zanth.”

Nanatili ang tingin niya sa garden. Nitong nakaraan napansin ko


madalas siyang tumanaw sa garden. Ang garden kung saan
madalas makita ang Mama niya noong nabubuhay pa ito. Maybe my
brother misses his Mom. Siguro iniisip niya na kung nandito lang
sana si Mama ay matutulungan siya na nito mag decision. Mom was
always been the gentle one, the passionate one. Two emotions that
a Van Zanth is lacking.

“How about you?” sinabi ko. Nanatili ako sa nakabukas na pinto ng


balcony habang pinagmamasdan ang nakababata kong kapatid.
“What’s better for you Zander?” I asked.

“My choice doesn’t matter.”

Uminom siyang muli ng alak na hawak niya. Hindi ko alam kung


kailan pa siya nagsimulang uminom nito.

“How long are you going to punish yourself?”

Tanging ang likod niya lamang ang nakikita ko dahil nakaharap siya
sa dim lights ng garden. Subalit sapat na ito para makitang natigilan
siya dahil sa sinabi ko. Napapaused siya sa pag inom.

“You don’t hate Laura because of the blood running in her veins. It
was really yourself that you hate.”

I heard a silent scoffed from him.

“When we were kids, you go went through excessive trainings. Sa


gitna ng ulan o tirik na araw. Minsan inaabot ka pa ng gabi. When
you were ten, kasabay mo na sa trainings ang mga fifteen years old
orders in training. When you were twelve your trainings was already
for orders who are in service. You were fifteen and Dad was already
training you to be the alpha.”
Alam kong nakikinig si Zander kaya nagpatuloy ako.

“In the eyes of other people you were training to be an excellent


leader. But I can see right through you, Zander. In the eyes of people
who care for you, you are punishing yourself. Because you think you
will never be good enough like a pure blooded alpha. You trained
your ass off, trying to prove to them at a young age that you deserve
the position. Because a half blood alpha in a respected town like Van
Zanth is a stained reputation for the whole town.”

Hindi sumagot si Zander. Pero napansin ko ang mahigpit niyang


pagkakahawak sa baso ng alak sa palad niya. Hangang sa tuluyan
itong nabitak. This situation is shattering him.

“Kaya mo itinatangi si Laura dahil maaaring masira ang tiwala ng


mga tao sa pamumuno mo na matagal mong binuo. You don’t
actually hate her, Zander. You hate your situation.”

Pinagmasdan ko ang kapatid ko. You don’t hate her, Zander. I think
you are slowly falling for her. Kaya mo ito ginagawa. Dahil alam
mong mahihirapan ka na kapag nagtagal pa siya dito. Because
being a Van Zanth is never easy. People think of prestige and power
when they here our name. But what they didn’t know is we’re as
mess up as normal people.

“Zander, you are good enough.” sinabi ko. “You’ve been through a lot
at a young age. You are a great leader. But please remember, more
than being a Van Zanth or an alpha, you are also an individual.”

Pinagmasdan ko siya sa huling pagkakataon bago tuluyang


tumalikod. My younger brother.

“I hope what you are going to do is what’s best for you.” sinabi ko. “I
hope you are fighting for what you believe is right.”

Sinara ko ang pinto ng kanyang kwarto paglabas ko. Saka ako


bumuntong hininga. Siguro nga kahit ano pang payo ang sabihin ko
ay hindi ko kailanman maiintindihan ang responsibilidad na
nakapatong sa kanyang balikat.

All his life Zander is living to the pressure of that responsibility. I just
want him to think of himself for once. Ayokong parusahan niyang
muli ang kanyang sarili at saktan ang taong mahalaga sa kanya.
Ayokong sayangin niya ang isang bagay na nakatadhana para sa
kanya dahil lamang sa dikta ng kanyang position.

—-

Laura Katherine Arden

Pinagmasdan ko ang mga estudyante habang naglalakad ako sa


hallway. Everything seemed alive and cheerful. It was the last day of
the final exams after all. Ang opisyal na huling araw ng semester.

Kahit umuulan sa labas ay hindi nito napigilan ang saya ng ilang


estudyante. Pinagmasdan ko ang ulan sa labas habang naglalakad
sa hallway. It was a rare October rain. Tapos na ang lahat ng mga
exams ko. Ito na siguro ang huling pagtapak ko sa school building.

Binagalan ko ang paglalakad. Naririnig ko ang mga ingay sa mga


classrooms na nadadaanan ko. Maging ang mga usapan ng mga
estudyanteng kasama kong naglalakad sa hallway. I let the noise of
the rain and their voices filled me while I was staring outside. This
will be my last memories of the place. Kung pwede lang sana
huminto muna ang oras.

Ilang araw na ang lumipas mula noong sinabi sa akin ni Aunt Helga
ang balita. Noong una hindi ko ito magawang tangapin. It was as if
destiny is playing with me, tossing me into places. And when I finally
found where I want to stay, it decided to toss me back from where I
started.

Pero sa paglipas ng araw ay unti unti kong napagtanto ang isang


bagay. I'm temporary in this place. Hindi man ngayon, maaring
darating ang araw na kailangan ko ding umalis. Siguro hindi ko
lamang inasahan na magiging ganito kaaga. But I have to eventually
leave Van Zanth.

Nang makalabas ako sa school building, sumilong ako sa gilid nito


tulad ng ilang estudyanteng walang dalang payong. Hinintay kong
tumila ang ulan habang pinagmamasdan ang basang paligid. May
ilang estudyante na sinadyang magpakabasa sa ulan at nagyaya pa
ng mga kasama. After all, it was the last day of the first semester. It
was their form of celebration.

Hindi ko inaasahan na magiging malapit ang loob ko sa bayang ito.


Noong una ay wala akong idea kung ano ang mangyayari sa akin
dito. A town in the middle of nowhere. I was suspicious of the place,
of the people, of their ways. Madami akong naging tanong,
pangamba, at takot sa lugar. Pero sa ganoong paraan unti unti kong
natangap ang bayan.

A lot of people here are mature for their age. They have rankings
that made them discipline. They have a close respect to rules and
authorities because it’s part of who they are. It's part of their race. At
madami sa kanila bata palang ay alam na ang kanilang
responsibilidad.

But during moments like this where they are carefree, when they are
having fun, and are acting their age, it’s when they are the most
fascinating. Their rare captivating smiles, the brightness and the
flicker in their eyes. They are indeed mesmerizing creatures.

And I guess it all ends here.

Mamimiss ko ang routine ko sa Van Zanth. Ang pagbaba sa burol


tuwing papasok ako, ang mansion lalo na tuwing naglilinis ako.
Maging ang aking kwarto na saksi sa mga emosyong pilit kong
tinago.
Tumingala ako sa ulan. Binuksan ko ang aking palad at sinalo ang
mga patak nito. It seemed like the weather is showing my emotions
I’m trying hard to suppress at the moment.

Nang bahagyang tumila ang ulan ay naglakad na ako papunta sa


parking lot upang umuwi sa mansion. Habang hawak ang bag at
ilang mga libro ay tinawid ko ang daan na papunta sa aking
sasakyan.

Pilit kong hindi pinansin ang masakit na pakiramdam na ilang araw


ng bumabalot sa katawan ko. Nagconcentrate ako para matapos
ang maaayos ang lahat ng aking exams. Pero ngayong wala na
akong ibang iniisip o pinagtutunan ng pansin, unti unti kong
naramdaman ang panghihina.

Nadaanan ko ang ilang estudyanteng nagpapakabasa sa ilalim ng


ulan. Sa lalim ng aking iniisip ay hindi ko napansin na nabanga ko
ang isa sa kanila. Nalaglag ang mga dala kong gamit sa basang
parking lot. Humingi ako ng paumanhin saka umupo para pulutin ang
mga gamit ko. Muling lumakas ang ulan dahilan para unti unti akong
mabasa.

Nang tumungo ako para abutin ang mga libro, tumigil ako nang may
dumaosdos na luha sa aking pisngi. Nabigla ako noong una at inisip
na patak lamang ito ng ulan. Hangang sa tahimik na akong humikbi.
Napatingin sa akin ang ilang estudyanteng nasa malapit. Siguro ay
nagtataka kung bakit bigla akong natigilan sa ilalim ng ulan.

My emotions were slowly betraying me. Akala ko natangap ko na


ang lahat. Pero noong oras na yon halos manghina ako at parang
batang umiyak sa ilalim ng ulan.

I want to say I’m fine, but I’m not. Since that day, and every single
day after that, I’m slowly shattering into pieces. I want to understand
everything. I want to understand him and his decisions. I can’t just
leave. I don’t want to leave like this.
People stared at me funny. Pero nawalan na ako ng pakialam. Ilang
minuto din ang lumipas bago ako kumalma. Pinahid ko ang aking
mga luha. Huminga ako ng malalim.

Siguro nga ay mas mabuti na ito. Maybe this is what I need. Ang
bumalik sa dati ang lahat. It will not be that bad. Nakaya ko ng ilang
taon sa Charlotte, makakabalik ako sa dati.

Tumayo ako at kinuha ang basa kong mga gamit sa lupa. Tears are
still blurring my vision kaya pinahid ko ang ang aking mga luha.
Subalit isang makatindig balahibong sigaw ang nakapag patigil sa
akin.

“TABI!”

Hindi ako nakagalaw. My vision is still hazy from the unexpected


tears and from the dreariness of the surrounding. Pilit kong hinanap
ang pinagmumulan ng ingay. Hangang sa narinig kong muli ang
sigaw. A frantic scream.

Doon ko napagtanto na ako na lamang ang nakatayo sa parking lot.


Tila umalis ang lahat ng taong nagkakasayahan kanina lang. Nakita
ko ang ilang taong nasa gilid na nakatingin sa aking likuran.
Lumingon ako. A red car was colliding wildly on the wet parking lot
and it was heading towards me.

Nabitawan ko ang aking mga gamit sa lupa. Hindi ko alam kung


saan pupunta. The car was out of control. Sinubukan kong umiwas
pero mas lalo itong bumulusok palapit sa akin. Naramdaman ko ang
hangin na dulot ng pagbulusok ng sasakyan. Napapikit ako kasabay
ng pagtigil ng aking hininga.

“TABI!”

Hindi na naging malinaw sa akin ang sumunod na nangyari. All of


sudden a pair of broad arms grabbed me before the car totally hit
me. Hinawakan ako nito sa braso at mabilis na hinila palayo. Rain
water drenched my face na tila ba mabilis kaming gumalaw.
Umalingawngaw ang warning system ng sasakyan.

My mind was hazy. I heard people’s shocked noises, I can feel the
tension in the air. But I was too dumfounded to register what is
happening. Naputol ang ingay ng warning system ng sasakyan.
Tumahimik ang buong paligid. Tila doon ko lamang napagtanto na
patuloy parin ang paglakas ng ulan. Huminga ng malalim ang
lalakeng nasa harapan ko. Narinig ko itong nagmura bago humarap
sa akin saka ako niyakap. Hindi ako nagalaw.

Mahigpit na bumalot ang mga braso niya sa akin. Naramdaman ko


ang malakas na tibok ng kanyang puso. Naramdaman ko ang
mabilis niyang paghinga na tila pareho naming naramdaman ang
takot sa nangyari kanina. The arms embracing me seemed familiar.
Narinig ko ang mga singhap ng mga tao sa aking paligid.

“Nandito siya.”

Lumakas ang ingay sa paligid. Their breathing suspended, their eyes


staring wide, habang hindi makapaniwalang nakatingin sa taong
nasa harap ko. Ini-angat ko ang paningin sa kanyang mukha. He
was staring at me. His intense golden eyes piercing and serious.

Droplets of rain fell from his dark hair down to his forehead, face,
and his jawline. Sandali siyang pumikit at sinandal ang kanyang noo
sa akin. Naramdaman ko ang paghugot niya ng malalim na hininga
habang nakabalot parin ang kanyang braso sa akin.

“Zander Van Zanth.”

***
Chapter 21: The Invitation
Chapter 21: The Invitation

Nanatiling nakatitig ang mga tao sa akin. Lahat sila ay tila hindi
makapaniwala sa nangyayari. Pinagmamasdan nila ako. May mga
sinasabi sila pero hindi ko maintindihan.

Tinitigan ko si Zander. Pareho kaming nababasa na ng ulan.


Bahagya niya akong inilayo mula sa kanya. I stepped back. Nanatili
siyang nakatitig sa akin. His eyes betraying his expression.

“Hindi ka ba nasaktan?”

Natigilan ako sa tanong niya. Rain water trickled down his face pero
hindi niya ito alintana. Umiling ako. “I-I’m fine.”

Narinig ko ang ingay ng pagdating ng ilang pang tao. Nakisiksik sa


mga tao sina Sebastian para lumapit. Ang iba sa mga orders ay
nagulat nang makita si Zander. Some of them bowed momentarily.

Sebastian stared at me. Bahagya siyang hinihingal. Mukhang galing


sila sa loob ng kakahuyan. Pag aalala ang bumakas sa kanyang
mukha. Agad siyang lumapit. Bahagya siyang nabow, a form of
formality.

“Bring her home, Sebastian.”

Naramdaman ko na hinawakan ako ni Sebastian. Zander stepped


back this time. Pinagmasdan niya ang paligid, tila ina-assess ito.
Bago siya muling humarap kay Sebastian at akin.

“I will handle this.”

Wala akong nagawa kundi sumama kay Sebastian. Inalalayan niya


ako hangang makarating sa loob ng aking sasakyan. Pagpasok ko,
doon ko naramdaman kung gaano ako nanginginig at giniginaw dahil
sa pagkabasa ko sa ulan at dahil sa mga nangyayari.

Pinaandar ni Sebastian ang sasakyan. Nanatili akong walang imik.


My cold lips were quivering. Nag focus si Sebastian sa
pagmamaneho paalis ng parking lot. Nang makalabas na kami sa
campus, bigla niyang hininto ang sasakyan at napamura ng mahina.

“Hindi dapat ito nangyari.”

Nahampas niya ang manibela. Nagulat ako sa kanyang ginawa.


Tinitigan ko siya. Huminga siya ng malalim.

“Hindi dapat nila malaman. Not this early.” sinabi niya.

Nagtaka ako. “Sebastian-”

Humarap siya sa akin. Napakurap siya nang makita ang


nangangambang expression ko.

“Wala ‘to.”

Nagpatuloy siyang muli sa pagmamaneho. Bakas parin ang


frustration sa mukha ni Sebastian. Nanatili ang tingin niya sa daan.
Napansin ko ang kamay niyang mahigpit ang hawak sa manibela.

We’re both trenched and cold. Pero maliban doon may kakaibang
tension sa paligid. Hindi niya ito masabi sa akin. Pakiramdam ko
malaking gulo ang nangyari kanina.

“D-Did I do something wrong?” tanong ko nang paakyat na kami sa


burol.

Napansin niya ang nanginginig kong boses. Huminto siya sa gilid ng


daan. May inabot sa likod ng sasakyan. Kinuha niya doon ang
pulang jacket ko saka inabot sa akin. Sinuot ko ito. Pero dahil
masikip sa loob ng sasakyan ay kinailangan niya akong tulungan.
“You didn’t do anything wrong.” sinabi niya habang inaayos ang
kwelyo ng jacket ko.

Akmang haharap na siya muli sa manibela nang hilain ko ang


laylayan ng kanyang damit. Bumaba ang tingin ko sa kamay kong
hawak siya. They were trembling lightly.

“I'm scared.”

Doon siya tuluyang napalingon sa akin.

“I'm scared of what will happen after this. Zander and I-”

Hindi ko magawang ituloy ang sasabihin. Nothing make sense to me


anymore. Maliban sa bagay na yon. Maliban sa nararamdaman kong
connection namin ni Zander.

Humarap ako kay Sebastian. “You’re the only person constant in this
changing and confusing situation, Sebastian.” I said. “Kakampi kita,
hindi ba? You're the only ally I know. Please don’t let me down.”

For a moment tinitigan niya lamang ako. Maya maya pa napapikit


ako nang hawakan niya ang ulo ko at guluhin ang aking buhok
habang ang isang kamay ay nasa manibela. Ngumiti siya sa unang
pagkakataon mula noong nangyari ang kaguluhan.

“Kakampi mo ako. I’ll be your ally until my last breath.”

—-

Loraine Van Zanth

Bumaba ako sa sala nang makita ang pagpasok ni Sebastian at


Laura sa mansion. Both are soaked wet from the rain. Nakabalot kay
Laura ang isang pulang jacket. Bahagya siyang namumutla habang
panay ang haplos sa kanyang braso halatang nilalamig na.
Hinintay ko siyang magpaalam bago lumapit sa kinaroroonan nila ni
Sebastian. Nasalubong niya ako sa pag akyat sa hagdan. Bahagya
siyang yumuko saka bumati bago muling nagpaalam na
magpapahinga na sa kwarto. Pinagmasdan ko siya hangang sa
mawala siya sa paningin ko.

“This news will spread like wild fire in Van Zanth.” sinabi ko habang
nakatingin sa staircase. Nanatili si Sebastian sa tapat ng nakabukas
na pintuan. Hindi ito umimik. Subalit alam ko na pareho lang kami ng
pinag aalala.

Ano mang oras mula ngayon ay malalaman ng buong bayan ang


nangyaring gulo sa paaralan. What happened was not a normal car
accident. Zander hasn’t officially recognized Laura yet. But it was
enough for everyone to know that our alpha has a mate.

“It’s too early for them to know.” I said.

An alpha is never liable to protect a human or anyone out of his race


without an agreement or connection. Pero dahil hindi inaasahang
ang nangyari nawala ang restrain ni Zander sa sarili at niligtas niya
si Laura. At nasaksihan ito ng mga taga bayan.

Sa ngayon hindi ko na alam kung ano ang iniisip ng aking kapatid.


Few days ago he was certain that she wanted Laura out of Van
Zanth. Plano niyang kalimutan ang koneksyon nila ni Laura para sa
ikabubuti ng bayan. Pero ngayon ay hindi ko na sigurado kung ito
parin ang decision niya.

“Siguradong gagawa sila ng paraan para masiguradong hindi


babawiin ni Zander ang kanyang decision.”

Natigilan ako sa sinabi ni Sebastian. Tama siya. Ano mang oras


makakarating na sa mga seniors at advisers ng bayan ang insidente.
Ito ang pinaka iniiwasan naming mangyari.
Dahil ngayon ay hindi na namin hawak ang sitwasyon. It had gotten
way out of our hand. At alam kong ano man ang decision ng aking
kapatid ay magkakaroon ito ng malaking epekto sa bayan at kay
Laura.

—-

Hindi nga ako nagkamali.

Dahil dalawang araw lamang matapos ang insidente ay nagkaroon


kami ng hindi inaasahang bisita. Naghihintay siya sa sala noong
bumaba ako mula sa second floor. Hindi ko maiwasang matigilan
noong makita siya. Bahagya akong nagbow bilang pagalang nang
makarating ako sa harap niya.

“Lady Brenda.”

Siya ang asawa ng dating beta ng bayan na si Senior Roberto


Marseille at ina ni Venise. Si Lady Brenda Marseille. Wala siyang
ibang kasama pero alam kong nagbabantay sa labas ang mga
guards na kasama niya. Formal ang suot niyang bistida. The former
beta including his wife is considered as one of the advisers in this
town. I wonder if this is an official visit.

“Magandang umaga.” bati ko.

She raised her hand and motioned for me to sit. Pag upo ko,
lumabas si Senior Helga mula sa kusina. May dala siyang mga
inumin para sa amin. Mukhang alam na niya agad na meron kaming
importanteng bisita. Habang nilalapag niya ito sa mesa sa pagitan
namin hindi ko maiwasan na mangamba. Hindi ko na matandaan
kung kailan ang huling beses na nagkaroon ng official visit sa
mansion simula noong naging alpha si Zander. Kadalasan
nagkakaroon lamang nito kapag may malaking problema sa bayan.

Bumalik si Senior Helga sa kusina. Tahimik na sumimsim si Lady


Brenda sa kanyang tsaa. Kinuha ko ang tasa na nakalaan para sa
akin. Subalit hindi ko ito magawang inumin. Kalmado ang umaga.
Elegante at mahinahon ang taong kaharap ko. Ngunit may masama
akong pakiramdam sa pagbisita na ito.

“We heard what happened.” sinabi nito dahilan upang pabiwiin ko


ang akmang pagsimsim sa tsaa. Humarap siya sa akin at binaba
ang hawak na tasa sa saucer nito. “Zander’s mate is an Arden.”

Hindi ako nakasagot. Doon palang alam ko na kung ano ang


magiging takbo ng usapang ito.

“Yes, Lady Brenda.” sagot ko.

“Why did you let this happen?” she asked. “Why did you expose
something like this without consulting us?”

Tuluyan kong naibaba ang tasa na hawak ko sa mesa. “Lady


Brenda, I don’t think this issue concern—“

She cut me off. “You know this will be a big problem.” she said.

Sanay na ako na hindi niya ako pinapatapos kapag magkausap


kami. In her eyes, I’m still an illegitimate daughter of the former
alpha. At sa mata niya at ng iba pang nakatatanda sa bayan, hindi
maaaring maging alpha ang tulad ni Zander na isang halfblood.

“Hindi na siguro malinaw sayo o sa bagong generasyon ng mga


hybrid sa bayan ngayon ang nangyari ilang taon na ang nakakalipas,
pero sa mga matagal ng naninirahan sa bayan ay malinaw parin ang
lahat. And I don’t think we can accept that girl in this town.”

“But she’s my brother’s mate.”

“Aren’t your brother’s supposed to be the one who should despise


her?” tanong nito bago muling sumimsim ng tsaa. “O maging siya ba
kinalimutan na ang ginawa ng pamilyang yon sa bayan?”
Naging kalmado ako sa gitna ng lahat ng narinig. I won’t stoop to the
level of the Loraine she expected to see from me. Sanay na ako sa
mga ganitong usapan mula noong nawala ang mga magulang
namin.

“Laura is the alpha’s mate. And no matter how we see it, we can’t
control the bond or both of them.”

“Did Zander already accept her?

Humigpit ang hawak ko sa tasang nasa palad ko. “Not yet.”

Lady Brenda stared at me as if saying ‘see?’. “You are not


Cassandra’s child but you took a lot from her. Both having a soft side
for humans. Mabuti nalang namana ng kapatid mo ang disiplina at
pagiging strikto ng inyong ama. What would Van Zanth be without
those traits known to your family?”

Muli akong tumahimik.

“I should have believed my daughter Venise when she told me this


absurd thing is happening in this mansion.” Humarap siya sa akin.
“The alpha needs to make a decision soon. Bago pa lumaki ang
gulo.”

“The advisers of the town gave Zander until the end of the month to
have a decision. And whatever his decision is, will be known by the
town in the upcoming All Hallow’s Eve.”

All Hallow’s Eve. “But Lady Brenda—“

“Zander needs to decide. The seniors needs to confirm from Zander


himself if he’s going to accept that woman or not. The elders will
respect the alpha’s decision nonetheless. But I do hope it is for the
good of the people. The All Hallow’s Eve celebration will be held on
the mansion this year so I hope the alpha will be ready by that time.”
Tuluyan niyang binaba ang tasang hawak. Nagpunas ito ng kanyang
labi. Doon na tinatapos ang usapan.

“When your parents died my husband and I promised to look after


you.” sinabi niya. “You are like my kids. That is why I know this is for
the better. Zander must decide in front of the people of Van Zanth.
And make sure this woman will be there.”

Hinatid ko si Lady Brenda hangang sa pintuan ng mansion. Nang


tuluyang makaalis ang kanilang sasakyan, bumalik ako sa sala at
umupo sa sofa. Isang malalim na buntong hininga ang aking
pinakawalan.

Once a year there’s a specific day when our skills and ability as a
hybrid are more prominent. At yon ang All Hollow’s Eve. Nagaganap
ito tuwing ika huling araw ng ikasampong buwan ng taon. It
resembles as a new year’s celebration in our race. A celebration of
being a hybrid.

Every hybrid town like Van Zanth celebrates this occasion. And Van
Zanth’s way of celebrating it is through a Ball. The All Hallow’s Eve
Ball. At dito nila napili na magdecision si Zander. Sa harapan ng mga
mamamayan ng Van Zanth. At ang okasyong ito ay limang araw
mula ngayon.

—-

Noong gabing yon tahimik akong pumasok sa kwarto ni Laura.


Payapa na siyang natutulog sa kanyang kama. Marahan ang
kanyang paghinga. Hindi tulad kanina na halos nahihirapan siyang
makatulog.

Patuloy ang kanyang pag alis sa darating na Linggo. Hindi parin siya
pinipigilan ni Zander. The Ball is going to be the last night of Laura in
Van Zanth. Matapos nito, kapag hindi nagbago ang sitwasyon o
decision ni Zander, she has no choice but to leave Van Zanth.
Bumuntong hininga ako at humarap sa labas ng bintana. Napansin
ko ang pag galaw sa bandang itaas nito, sa third floor. Sumilip ako at
nakita ang aking kapatid sa terrace ng kanyang kwarto. Nakaharap
siya sa madilim na bayan sa ibaba. Seryoso ang kanyang mukha at
walang ano mang makikitang expression dito.

Sa mga oras na ito alam ni Zander kung ano ang mangyayari sa All
Hallow’s Eve. Pero ano nga ba ang iniisip mo, Zander? Ano ang
gagawin mo?

—-

Laura Katherine Arden

Naging tahimik ang mansion sa mga sumunod na araw matapos ang


nangyari sa paaralan. But I began to notice it was not a calm silence.
Habang lumilipas ang mga araw ay nararamdaman ko ang tension
sa paligid. Tahimik ang hapagkainan tuwing kakain kami. Hindi nag
uusap si Miss Loraine at Zander. And I often caught Miss Loraine
staring at me.

Tatlong araw nalang bago ako umalis. Habang lumilipas ang araw
mas nagiging anxious ang atmosphere sa buong mansion. Minsan
nakita kong nag uusap si Miss Loraine at Aunt Helga. They seemed
to be talking in hushed uneasy voices. Miss Loraine seemed to be
waiting for something.

Nasa kwarto ako at nag aayos ng mga natitirang gamit nang


ipatawag ako ni Miss Loraine. Bumaba agad ako sa sala. Nakita ko
siyang naghihintay doon. She smiled when she saw me
approaching. But it was a half-smile. Tila ba may malalim siyang
iniisip.

Pinaupo niya ako sa sofa. Hindi ko mapigilan na magtaka kung bakit


niya ako pinatawag. Isa nanaman ba itong masamang balita? Is
there something worse than what I heard last time?
Umupo siya sa katapat kong silya. “You’re going to leave in three
days?”

Tumango ako. “Yes.”

“I’m sorry Zander has to resort into this.”

Hindi niya kailangan humingi ng tawad. Sa totoo lang naging


maayos ang kanyang pakikitungo sa akin. She’s one of the most
rational and kind hybrid I know. Almost human like. Sandaling
katahimikan ang namayani. It was mid-afternoon and the mansion is
silent.

“There’s a celebration in Van Zanth this upcoming Saturday.”


Bumalik ang aking attention kay Miss Loraine dahil sa kanyang
sinabi. “It’s the annual All Hallow’s Eve celebration.”

All Hallow’s Eve?

“There’s a traditional Ball that will be held in the Marseille’s mansion


as part of the celebration. I want you to be there.”

Tumahimik ako. Familiar sa akin ang okasyon na kanyang binangit.


Minsan ko ng nabasa ang tungkol dito. Miss Loraine wants me to
attend a traditional Ball held specifically for their race.

“I’m sorry. I don’t think people want me there. It’s an event for your
race.”

Sandaling natigilan si Miss Loraine. Napansin ko na nag hesitate


siya bago muling nagsalita.

“As a member of the ruler family of Van Zanth, I can invite anyone in
the party.” she said. “And I’m inviting you.”

Gusto kong tumangi. That kind of event is no place for me. Gusto
kong umalis ng maayos sa bayan. Gusto kong umiwas sa kahit
anong gulo hangat maari. Pero noong oras na yon alam kong wala
akong magagawa.

“This is my last request, Laura. You need to be there.”

***
Chapter 22: All Hallow's Eve
Chapter 22: AllHallow'sEve

It was the day of the All Hallow’s Eve. Kapansin pansin ang tila
pagbabago sa atmosphere sa bayan sa araw na ito. It seemed like
the town was more alive, more vibrant. Maging ang mga hybrid na
nasa bayan ay may kakaibang aura. Madali mo itong mapapansin.
They seemed to be more energetic. Their skills and their
characteristics as hybrids are more apparent.

Nakatayo ako sa harap ng full length mirror noong gabing yon. Ito
ang huling araw ko sa bayan. Bukas ng umaga ay ihahatid ako ni
Aunt Helga sa train station. Sasakay ako sa unang train na dadaan
ng Van Zanth pabalik ng Charlotte. Pinagmasdan ko ang reflection
ko sa salamin.

I’m wearing a long vintage gown. It’s a traditional gown for All
Hallow’s Eve. Mukha itong luma ngunit eleganteng tingnan. I looked
like someone from a vintage picture. My hands were covered in
intricate see-through lace up to my wrist. The dress is color beige
and my hair was styled up in a delicate crown braid with loose
strands framing my face.

Noong mapansin ko ang oras ay lumabas na ako ng kwarto at


bumaba sa sala. Bahagya akong nahirapan sa pagbaba sa hagdan
dahil sa damit na aking suot. Hinawakan ko ito at maingat na
bumaba. Wala pa si Miss Loraine sa sala noong dumating ako. Kaya
pumunta ako sa balcony upang magpahangin. Hindi ako mapalagay.
Hindi ko alam kung dahil ba ito sa kakaibang atmosphere sa bayan o
dahil sa maaaring mangyari ngayong gabi.

Bahagya akong pumikit ng maramdaman ang malamig na hangin na


tumatama sa aking mukha. Huling araw na ng buwan. Lumalamig na
ang hangin. Unti unti ng binabalot ng dilim ang paligid dahil sa
paglubog ng araw. Everything seemed so calm. If things only stay
this way.

Binuksan ko ang aking mga mata nang may maramdaman na


nakatitig sa akin. Lumingon ako pabalik sa sala at nakita siyang
nakatayo doon. Nagtama ang paningin namin. I stared back at him.
Nakasuot siya ng itim na tuxedo at itim na polo bilang panloob.
Ngayon ko lamang siya nakitang ganito kaformal.

Naalala ko ang picture frame sa hallway noong unang lingo ko dito


sa mansion. The picture looked just like him. But more matured now,
more self-assured, and more confident. Napaka gwapo niyang
tingnan sa kanyang suot. His slightly ragged, well defined features
matched the dark color of his tuxedo. And he’s standing in the living
room staring at me. Nakakapanghina ang kanyang mga titig.

Zander.

Unti unti akong umiwas ng tingin. Humarap akong muli sa labas at


marahang napahawak sa aking dibdib. There’s still this erratic
beating in my heart whenever he’s around. Huling araw ko na sa
bayan pero ganito parin ang kanyang epekto sa akin. Hindi ko alam
kung ano ang mararamdaman ko kapag tuluyan ko na siyang hindi
makikita.

Lumipas ang ilang minuto at dumating si Miss Loraine. Nakasuot


siya ng maroon vintage dress kung saan lumilitaw ang kanyang
maputing balat. It has fine lace and embroidered details like mine.
Bumaba siya sa staircase habang nakahawak sa kanyang damit.
She indeed looked like a princess.

Noong bumaba si Miss Loraine ay wala na si Zander sa living room.


Sinabi ni Miss Loraine na hindi namin siya makakasabay. Sumakay
kami sa itim na sasakyan na nagaabang sa labas. Ito ang
magdadala sa amin sa mansion ng mga Marseille na matatagpuan
sa kabilang dulo ng bayan.
—-

Naging tahimik ang aming byahe. Nakatingin lamang ako sa labas


ng bintana habang nasa sasakyan. Madilim ang paligid. But there is
somewhat a buzz in it. Isang kakaibang pakiramdam na tila buhay
na buhay ang bayan. Pumasok sa isip ko ang maaaring kahinatnan
ng gabing ito para sa akin. Subalit pilit ko itong kinalimutan
pansamantala.

Lumipas ang halos kalahating isang oras bago kami nakarating sa


destinasyon. Sa bungad pa lamang ay kitang kita na ang mansion
ng mga Marseille. Lumilitaw ang liwanag nito sa madilim na paligid.
Tila isang lampara sa gitna ng dilim. Madaming sasakyan ang
nakaparada sa harapan nito. Bahagyang elevated ang lugar, kaya
naman hindi pa kami nakakarating ay masisilayan na ang mga taong
pumapasok sa nakabukas na pintuan ng mansion.

Noong maipark na ang sasakyan sa driveway ay bumaba na si Miss


Loraine. Pinaliligiran ng mga tao ang paligid. Lahat ng mga
importanteng tao sa bayan ay nandito. Every single one of them is
hybrid. Inalala ko ang dahilan kung bakit ako nandito ngayong gabi.
Huminga ako ng malalim bago tuluyang bumaba mula sa sasakyan.

Ngumiti sa akin si Miss Loraine. But even her smile seemed to falter.
Agad napansin ng mga tao ang aming pagdating. Binati nila si Miss
Loraine bilang pag galang. Bumaling sila sa akin, tila inaasahan ang
aking pagdating.

There is something looming in the way they stare. Hindi ako


komportable pero hindi ko pinahalata. Sa pagpasok namin sa loob
ng mansion napansin ko na may ilang nagbulungan. But it was not in
hearsay way. Para bang pinapaalam nila sa lahat ang aming
pagdating. Humigpit ang hawak ko sa hem ng suot kong damit.
Dinala kami sa table na nakalaan para sa pamilya Van Zanth. Doon
kami umupo.

“Will you be alright here?”


Lumingon ako kay Miss Loraine.

“May kailangan lang akong kausapin. Okay ka lang ba dito?”

Tumango ako. “I’ll be fine.”

Bago umalis ay pinag masdan ako ni Miss Loraine. Alam kong may
gusto siyang sabihin sa akin. Pero tahimik lamang siyang
bumuntong hininga bago tuluyang nagpaalam. Naiwan ako sa table
nang mag isa. Bumalot sa akin ang ingay ng nangyayaring
pagtitipon.

Despite the situation, hindi ko mapigilang humanga sa aking


nakikita. Everything seemed so classic, elegant, and the surrounding
seemed to sparkle. Ngayon lamang ako nakadalo sa ganitong klase
ng pagtitipon. It almost looked like it came from a fairytale picture
book. Ang mga taong nagkakasayahan, ang mga pino nilang mga
galaw, ang elegante nilang mga suot. There must be something
special about All Hallow’s Eve na sila lamang ang nakakaalam.
Because this enchanting atmosphere, ang kakaibang aura ng mga
hybrid na nasa paligid, this what made the current celebration
stunning.

Napalingon ako sa grupo ng mga taong nasa tapat ng grand


staircase. Mukha silang grupo ng mga pinaka importanteng tao sa
bayan. Nakasuot sila ng tuxedo. Ang karamihan sa kanila ay
matatanda na. Napansin ko ang isang lalakeng nakatayo sa gitna ng
mga taong ito.

Zander.

Ngayon ko lamang siya nakita sa ganitong sitwasyon. He was


discussing something with the seniors. Pero mahahalata mo parin
ang authority mula sa kanya. Mula sa kanyang tindig, sa seryosong
expression ng kanyang mukha, maging sa tono ng kanyang
pananalita. And even though Zander is barely half of their age, the
seniors seemed to listen to him, taking his words seriously.
Napansin ko din na karamihan sa mga tao ay nakatingin sa kanyang
direction. His presence was enough to imposed discipline in the air.
May ilan na hindi maka paniwalang na makikita siya dito. He is the
alpha. And he was in front of the people of Van Zanth.

Mapait akong napangiti. You’re so near, Zander. And yet we are


worlds apart. Umiwas ako ng tingin at muling binalik ang atensyon
sa kasiyahan. Sana lamang kapag matapos ang gabing ito,
masasabi na natin na ginawa natin kung ano ang tama.

Lumipas ang ilang minto ay nagsimula ang sayawan. Bumalot sa


mansion ang malamyos na tugtog. Tumayo ang ilan sa mga taong
komportableng nakaupo sa kanilang mga silya. The grand clock on
the Marseille hall stroked the hour. It’s nine o clock.

It was like witnessing a tradition in front of me. Lahat halos ng mga


tao ay may kapareha. Whether it’s a family, lover, or a friend.
Napuno ang gitna ng hall ng mga taong nagsasayawan. Hangang sa
halos ako na lamang ang natirang nakaupo sa parteng yon ng hall.
Naramdaman kong ang tingin ng mga tao sa akin. Ang iba sa kanila
ay nabulungan.

I lower my gaze. Inalala ko ang dahilan kung bakit ako nandito


ngayong gabi. I need to find Zander.

Lumipas ang ilang segundo bago ko nagawang tumayo. My hands


were trembling. Subalit pilit akong humarap sa mga tao upang
hanapin siya. Subalit bigla akong natigilan noong mapansin ang
isang lalakeng naglalakad papunta sa directon ko. Zander.

Biglang tumahimik ang paligid. Tumabi ang mga tao upang


magbigay daan sa kanya. Some of them even bowed their heads.
Their breathing seemed suspended. I could almost taste the tension
in the air.

“He’s here.”
“The alpha.”

I watch him as he made his way towards me. At noong mga oras na
yon hindi ko mapigilang manghina. He was walking towards me. At
sa bawat tapak niya tila nawawala ang lakas ko para sabihin sa
kanya ang lahat ng gusto kong sabihin. At noong tuluyan siyang
makalapit sa akin halos hindi ko magawang gumalaw sa
kinatatayuan ko.

“I want to dance you.”

Gusto kong matawa. Hindi dahil sa pagiging tipikal ng kanyang


sinabi kundi dahil pinangako ko sa sarili ko na oras na nakausap ko
siya ngayong gabi, agad kong tatapusin ang lahat ng ito. Pero
katangahan ba na kahit sandali gusto ko pa siyang makasama?
Kahit konti lang. Bago matapos ang gabing ito, bago ako umalis,
bago masira ang namamagitan sa amin.

Nilahad niya ang kanyang palad para sa akin. Tinitigan ko ito. Alam
kong maaari kong pagsisihan ang aking gagawin. Yet, I know I would
risk anything just to have a little more time to be with him. Inabot ko
ang kanyang palad. Zander enclosed his warm rough hands against
my small pale hand. And again, he became the Zander who is mine.

Marahan niya akong dinala papunta sa gitna. Sinundan kami ng


tingin ng mga tao. Kasabay ng malamyos na kanta ay ang bulungan
nila. Maging ang ilang mga importanteng taong kausap niya kanina
ay nakatingin na sa amin. Pero hindi niya ako binitawan.

“What is he doing?”

“Does he have any idea what he will ruin with his decision?”

“Such a disappointment for a Van Zanth.”

Napansin ko na humigpit ang hawak niya sa kamay ko habang


naririnig ang mga salitang nagmumula sa mga taong nasa paligid
niya. Pinagmasdan ko ang kanyang likuran habang naglalakad.

Zander.

Nakarating kami sa gitna ng mga taong nagsasayawan. Nang


humarap siya sa akin, tinitigan ko ang kanyang mga mata. At sa
unang pagkakataon ay nakita ko ang emosyon doon. In that moment
he was not the strong alpha I thought he is. In that moment he was
Zander.

A lost Zander.

Nagsimula kaming magsayaw. Pilit naming kinalimutan ang lahat ng


aming naririnig. Maging ang masakit na pakiramdam na unti unting
bumalot sa akin ay pilit kong kinalimutan. Hinayaan ko na magsayaw
kami. Hayaan niyo muna akong makasama siya. Kahit sandali lang.
Kahit konti pa.

Napapikit ako nang yakapain niya ako habang nagsasayaw. This


was almost like a dream. Zander was embracing me. Ramdam ko
ang tibok ng kanyang puso. His closeness, which was once
overwhelming, was comforting. Para bang bumabagal ang oras
habang hawak niya ako.

Kahit alam ko ang patutunguhan nito, pansamantala kong


kinalimutan ang lahat. Ngayon ay malinaw na sa akin kung bakit guilt
ang nararamdaman ko tuwing magkasama kami. Dahil hinihiram ko
siya. Kaagaw ko ang buong bayan ng Van Zanth sa kanya.

Zander embraced me tightly and kissed the side of my head. And for
a moment, I felt like he doesn’t want to let go. And also I don’t want
to. I badly don’t want to let him go. Pero kailangan. Kailangan isa sa
amin ang bumitaw. Isang magandang panaginip ang tila nawasak.
Unti unti akong kumalas sa kanyang pagkakayakap. Natigilan siya at
pinagmasdan ako.
Pilit akong ngumiti habang tinititigan siya. Gusto kong hawakan ang
kanyang mukha. Gusto kong isaulo ang lahat ng detalye ng kanyang
mukha. Bago ako umalis, bago matapos ang lahat ng ito.

“Choose them.”

Sandali akong napapikit. Unti unti akong nawawasak.

“Choose Van Zanth over me.”

Tinitigan ako ni Zander.

“I’ll be gone tomorrow. Choose your people, Zander. They are


counting on you.”

Alam kong mangyayari ito. Mula pa noong araw na nalaman ko na


maaaring ako ay mate ni Zander. Naintindihan ko na kung bakit
ganito ang nararamdaman ko kapag malapit siya. Kung bakit
nasasaktan ako kapag may kasama siyang iba. Tama si Sebastian.
Bonds can be destructive. There are people who are destined to be
together, but are better apart.

Masyado akong umasa na magkakaroon ng bagay na meron sina


Mama at Papa. Umasa ako na magkaroon ng taong ipagtatangol
ako hangang sa huli. Pero ang totoo, ako ang sumuko. Dahil hindi ko
kayang makita si Zander nang ganito. He needs Van Zanth more
than he needs me.

Humakbang ako palayo mula sa kanya. Tila ba tumahimik ang


paligid. Ang mga nagbulungang mga tao ay tuluyan tumahimik.
Nanatiling nakatitig sa akin si Zander. Unti unti na akong nanghihina.
Pero ginawa ko parin ang lahat upang hindi tumulo ang aking luha.

“I’ll be fine.” I assured him. I smiled for the last time. “Thank you for
all those times you saved me.”
Gustong gusto ko ng tumalikod mula sa kanya. Gusto ko ng iwasan
ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Dahil habang tumatagal ito
pakiramdam ko hindi ko na makakayang lumayo pa.

Zander.

I don’t want him to keep me because of the bond. I won’t hold it


against him. He needs to be free from me. Unti unti akong umatras
palayo mula sa kanya. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha sa
huling pagkakataon. Hangang sa tuluyan na akong tumalikod.

Nang mawala na siya sa aking paningin, doon tuluyang bumagsak


ang aking luha. Napahawak ako sa aking dibdib. My fingers clawed
the layers of fabrics on my chest. The pain I was feeling was making
me breathless.

Nagsimula akong maglakad paalis. Umiwas ako ng tingin sa mga


matang pinagmamasdan ako. Kinagat ko ang ibabang labi ko at
pinigilan ang sarili ko na umiyak. Pero sa bawat paghakbang ko
palayo kasabay nito ang pagbagsak ng aking mga luha.

I’ve done what I’m here for. Everything will be fine after this. Pero
bakit ako sobrang nasasaktan?

Pinahid ko ang mga luha ko. Nang tuluyan na akong makalabas sa


mansion, halos bumagsak ako sa lupa. Tinakpan ko ang aking bibig
at tahimik na umiyak. My knees were weak and I sobbed.

Maybe I’ll be fine after this. But right now, I’m slowly breaking in half.

***
Chapter 23: Tamed

Chapter 23: Tamed

Loraine Van Zanth

Nanatiling tahimik ang mga tao nang makalabas si Laura sa pintuan.


I stood there in shock of what happened. Maging ang ilang katabi ko
ay tila ganoon din ang reaction. She knew. Laura knew she is
Zander's mate. Hindi ko alam kung mas mabuti ba na nalaman niya
ang totoo kung bakit nangyayari ito sa kanya. Pero maliban doon,
siya ang pumutol sa kanilang ugnayan.

Bumaling ako sa kapatid kong nakatayo parin sa gitna ng maluwang


na sala ng mansion. Unti unting kumuyom ang mga palad nito. They
both made a decision. And we should respect that. Pero ang mga
mata niya. Iba ang sinasabi ng mga mata niya habang
pinagmamasdan kung saan dumaan si Laura.

Kumalas ang pagkakakuyom ng kanyang mga palad. Huminga siya


ng malalim at kalmadong naglakad paalis na tila ba walang nangyari.
He is back to being the cold Zander once again. Pero kanina,
habang kasayaw niya si Laura, ibang Zander ang nakita ko. Ang
Zander na kasayaw ni Laura kanina mahinahon, inaalalayan siya,
niyayakap siya, hinalikan siya. It was the sweet young boy I used to
know. Not this Zander in front of everybody.

"It ended well, I guess."

Humigpit ang pagkakahawak ko sa hem ng aking damit dahil sa


narinig. One of the seniors in town, isang matandang babae na isa
sa mga dating adviser ng mga magulang namin, ang nagsabi nito.
Hindi ko mapigilan na tanungin ang sarili ko. Did it really end well?

Alam kong ito ang gusto nilang mangyari una palang. Ito ang dahilan
kung bakit pinapunta si Laura sa pagdiriwang na ito. I know my
younger brother. He will always prioritize Van Zanth over himself.
Pero noong oras na pinili niya si Laura ay ang parehong oras na
pinili ni Laura ang Van Zanth para kay Zander. Hindi ko alam kung
sino ang uunahin kong puntahan upang kausapin. They are both in a
fragile position right now.

Balak ko sanang sundan si Laura nang huminto ako sa paglalakad.


Nakita kong pumasok sa isa sa mga pinto si Sebastian. Bahagyang
kumunot ang noo ko nang makita ang ayos niya. He's not wearing
formal attire. Mukhang pinili niya ang magpatrolya sa bayan ngayong
gabi kesa ang dumalo sa pagtitipon. Ngunit agad nagbago ang
expression ko nang makita ang mukha ni Sebastian. Linibot nito ang
tingin sa paligid tila may hinanap.

Muling nagsimula ang party na tila ba walang nangyari. Bumalik ang


nagsasayawan sa gitna. Bumalik ang ingay ng kanilang pag uusap
at tunog ng champagne glasses. A calm classic song enveloped the
mansion. Nakita ako ni Sebastian. Bahagya siyang nagbow nang
makalapit sa akin.

"What's the problem? Why are you in such a rush?" tanong ko.

Sebastian hesitated before answering. "May mga nakapasok na


rogues sa territory. Sugatan ang ilan sa mga orders na nagbabantay
ngayon sa border. Kailangan namin-"

"Saang border sila nakapasok?" agad na tanong ko dahilan para


tumigil siya sa pagsasalita.

"West border."

West border. Malapit lamang ito. Nagmadali akong lumabas sa


pintuan. Tumabi ang mga taong nadadanan ko. May ilang bumati at
nagbow. Hindi ko na sila nagawang pansinin.

Bumalot sa akin ang madilim na paligid paglabas ko. Linibot ko ang


paningin sa maluwang na driveway. Nakapark ang ilang sasakyan sa
malapit. Hinanap ko kung saan naka-park ang itim na sasakyang na
ginamit namin.

It was supposed to be here.

Huminto ako sa tapat ng bakanteng espasyo sa pagitan ng


dalawang sasakyan. May skid mark sa lupa. Mukhang bago lamang
ito. A few minutes or so. Sumunod si Sebastian sa tabi ko.
Nagtataka na siya sa kinikilos ko.

"Umalis si Laura." sinabi ko. "Ginamit niya ang sasakayan. She's


heading back to the mansion."

Bahagya akong pumikit. In exhaled. Bakit ba ngayon pa ito dapat


mangyari? It is the night of the All Hallow's. Ang gabi kung saan
kami pinaka malakas. We are prone to lose control. Hindi maganda
para sa normal na taong tulad niya ang nasa labas sa mga oras na
ito.

"Call the orders, Sebastian." sinabi ko. "Kailangang mahanap si


Laura. Hindi siya familiar sa daan. At hindi siya pwedeng
magmaneho ng mag isa with rouges roaming the west border. Isa
yon sa madadaanan niya."

Natigilan si Sebastian sa narinig. Bumakas ang mantinding


pangamba sa kanyang mukha. Naikuyom niya ang kanyang palad
bago bahagyang nagbow at umalis. "Masusunod, Miss Loraine."

Naiwan ako sa labas. In front of me is the pitch black surrounding


and on my back glistening in the dark were the lights, the slow
music, and the party. Hindi pa masyadong nakakalayo si Laura.

I pinched the bridge of my nose in distress. Hindi maaring magulo


ang party. Lalo na ngayon na si Zander at Laura na mismo ang
tumapos ng bond sa pagitan nilang dalawa.
Muli akong pumasok sa loob ng mansion. Ilan sa mga orders ang
napansin kong palabas mula dito. Mabuti na lang hindi ito
masyadong napansin ng mga tao. Nagdalawang isip ako kung
sasabihin ko ang nangyayari kay Zander. Walang sino man ang
maaaring kumausap sa kanya sa mga oras na ito. Not even me or
the orders.

Tahimik ko siyang hinanap sa gitna ng mga tao. Someone told me


he headed on the back of the mansion. Tinaas ko ang mahabang
hem ng suot kong ball gown at naglakad.

Hindi pa ako nakakarating sa likod ng mansion ay ramdam ko na


presence ni Zander. Patay sindi ang basag na ilaw sa dulo ng
hallway. Madilim ang paligid. And Zander's presence, the presence
that only an alpha can give, was radiating from the place.

Nakita ko siyang nakatayo sa patio. Nakaharap siya sa kakahuyan


di-kalayuan sa likod ng mansion. Napansin ko ang kaliwang kamao
niyang nakahawak sa poste. May mga sugat at dumudugo ito.

"Zander." I started.

Hindi ko alam kung paano sasabihin ang nangyayari. Maaaring


makasama ito sa sitwasyon.

"Leave." utos niya.

Kung ibang tao lang siguro ay baka napaatras na ito at tumakbo


paalis. Pero sanay na akong makita ang parteng ito ni Zander.
Harsh, indifferent. Lalo na ngayon na All Hallow's Eve.

"I did the right thing. People should be fucking happy now."

"Zander-"

Destruction was all around him. Mula sa bitak ng pader tumutulo ang
dugo niya mula dito. It's killing him. They both did what they deemed
is the right choice, Laura and Zander. But it's slowly killing both of
them. Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita.

"There are rogues roaming on the west border according to the


orders."

Hindi ito sumagot o lumingon man lang. Nanatili itong nakawak sa


posteng nasa kanyang tabi na tila kapag bumitaw siya doon ay
tuluyan na ding mapuputol ang kakarampot na control na meron
siya.

"Laura left the place with the car."

His whole body froze. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Hindi siya


nagsalita pero ramdam ko ang mabilis na pagbabago ng kanyang
emosyon. The All Hallow's Eve doesn't only make our supernatural
skills more prominent, it also makes our emotions more palpable.

"Inutusan ko na ang mga orders na hanapin siya-"

Bahagya akong napatras noong lumingon si Zander. Natigilan ako


nang makita ang kanyang mukha. Zander's eyes were shifting from
deep black to intense gold. At nangingitngit ang kanyang mga ngipin.
Hindi ko mapigilan na mangamba sa nangyayari.

"Let the orders handle it, Zander." mahinahon kong sinabi.

"Loraine..."

Ang kanyang boses, marahas, malalim, nagpipigil. Zander was


slowly shifting into a hybrid on my very eyes. At alam ko ang dahilan
kung bakit ganito ang reaction ng kanyang katawan. He wants to
protect Laura. But both of them already made a decision. He is not
supposed to feel this way.

"Zander, she's not your mate anymore. Let the orders handle this.
Hwag mong sirain ang desisyong niyong dalawa."
Pero noong oras na yon ay hindi na siya nakikinig. Naramdaman ko
ang pagbitak ng mga salaming bintanang nakapalibot sa amin. He
was losing control. Hindi siya maaaring mawalan ng control sa lugar
na ito.

"Zander-"

"I can't..." He tried to say. "I can't lose her."

"But you will lose everything."

Lumingon si Zander sa akin. At noong mga oras na yon muli kong


nasilayan ang aking kapatid.

"I have her."

Sa mga salitang yon ay bigla akong nakaramdam ng marahas na


hangin- isang marahas at mabilis na pag galaw. Tuluyang nawala si
Zander sa aking harapan. Pinagmasdan ko ang madilim na paligid.
Isang kaluskos ang narinig ko mula sa kakahuyan.

"Zander!" tawag ko.

Pero alam kong hindi na niya ako naririnig. Sa mga oras na ito wala
na siyang sino mang pinakikinggan. Naiwan akong mag isa sa likod
ng mansion. Crippling silence enveloped me. Napatitig ako sa
madilim na paligid. Isa ito sa kinakatakot kong mangyari.

--

Laura Katherine Arden

Pinagmasdan ko ang madilim na paligid mula sa bintana ng


sasakyan habang nagmamaneho. Nasaan na ako? Tanging ang
mga headlights ng sasakyan ang nagbibigay liwanag sa derechong
daan. Pinaliligiran ng kakahuyan ang daan na tinatahak ko. Ilang
minuto na din na hindi nagbabago ang aking paligid. Puro
kakahuyan. Hindi ko matandanan na dumaan kami sa kakahuyan
noong papunta sa mansion ng mga Marseille.

Naliligaw na ba ako?

Pinagpatuloy ko ang tahimik na pagmamaneho. Tanging ang tunog


ng sasakyan at natural na ingay sa paligid ang aking naririnig.
Nasilip ko ang aking reflection sa salamin. I looked like a mess.
Magulo ang aking buhok, maputla ang aking mukha, bahagyang
namamaga ang mata sa pag iyak. Ilang minuto na din ang lumipas
mula noong kumalma ako.

Kanina ay halos hindi ako makapagmaneho ng maayos dahil sa luha


sa aking mga mata. My hand was gripping the steering wheel and
the other one was clutching my breathless chest. Ngayon tuyo na
ang aking mga luha at maayos na ang aking paghinga. Pero
bahagya paring nanginginig ang mga kamay ko na nakahawak sa
steering wheel at nanghihina parin ang katawan ko dahil sa
nangyari.

I never knew a pain like this could exist. Pakiramdam ko nawalan


ako. Half of me was taken away. At ngayon pakiramdam ko may
kulang. Alam kong hindi dapat ako makaramdam ng ganito. I was
whole before I met Zander. I was doing fine. But he made me feel a
different kind of completeness. Everything seemed to be in place
whenever I'm with him. But what I didn't realize sooner was I was
slowly leaving pieces of me with him. That was why when I left; I left
half empty.

Pain started to crept once again. Mas tinapakan ko ang accelerator


ng sasakyan. Ngunit mabilis akong lumipat sa break at halos idiin
ang bigat ko doon nang isang kakaibang bagay ang dumaan sa
aking harapan. , Halos sumobsob ako sa manibela ng sasakyan
dahil sa nangyari. I lose control of the steering wheel. Nagsimulang
magpagewang gewang ang sasakyan sa daan. I gasped in shock
and fear. Tumama ang hood ng sasakyan sa isang puno. My head
abruptly hit the dashboard and steering wheel.

My senses were shaken. Hindi ako nakagalaw noong una. Bumalot


sa akin ang matinding sakit dahil sa pagtama ng ulo ko. Matapos
ang ilang segundo ini-angat ko ang aking paningin. Umuusok ang
hood ng sasakyan at bahagyang nayupi dahil sa impact ng pagtama
nito sa puno. Everything inside the car was shaken. I was
speechless. My head hurts. My hands tremble.

Kinailangan ko ng ilang minuto bago kumalma. Nang bumalik na sa


ayos ang aking paghinga sinubukan kong lumabas ng sasakyan.
Pagbaba ko, binalot ako ng katahimikan ng paligid. Malalago ang
mga puno. A lone evening breeze swept the surrounding, making the
leaves rustle. I exhaled. I gripped the hem of my gown. Pumunta ako
sa harapan ng sasakyan para tingnan kung makakaya pa nitong
umandar.

Wala akong alam sa sasakyan pero umaasa ako na magagawa ko


paring makauwi sa mansion. Hindi ko alam kung nasaan ako. At
walang sasakyan na dumadaan dito maliban sa akin. Habang
sinisilip ang hood sa gitna ng usok, natigilan ako nang maramdaman
ang pag galaw sa paligid. I heard the distinct sound of dry leaves
crackling under someone else's weight. Mabilis akong napalingon sa
kakahuyan sa kabilang side ng daan.

I froze.

Mula sa loob ng kakahuyan, tatlong pares ng mga mata ang


nakatingin sa akin. But they were not ordinary human eyes. They
seemed to be red and blazing. Mula sa nakabukas parin na
headlights ng sasakyan ay nakita ko silang papunta sa akin.
Napaatras ako. Iba sila. Hind sila mukhang taga bayan. Mababakas
yon sa kanilang mga galaw. Uneven. Tila walang balanse. Their
eyes unfocused. Their features unkempt and filthy.
Nagsimula silang tumawid sa daan paputa sa akin. Hindi ko alam
kung ano ang gagawin. Humigpit ang hawak ko sa hem ng suot
kong damit. Napaatras ako. Hangang sa tuluyan na akong tumakbo
palayo.

My heart was thumping loudly. I breathed and gasped. Hindi ko alam


kung ano ang gagawin. Ano ang ginagawa ng mga tulad nila sa loob
ng Van Zanth? Bago ako nakalayo ay narinig ko silang hinahalughog
ang buong sasakyan. Nagmadali akong tumakbo. Sumasabit ang
aking damit sa mga ligaw na halaman, nasusugtan ang mukha ko ng
mga mabababang sanga. Pero wala na akong pakialam. Ang
tanging malinaw sa akin ay makalayo sa kanila.

Halos mapasinghap ako nang ilang matulis na bagay ang gumuhit


sa aking likod. Matinding sakit ang bumalot sa akin. Halos bumagsak
ako sa lupa at mawalan ng hininga. Napaatras ako at napahawak sa
ulo ko dahil sa pagkahilo na aking naramdaman. Pagharap ko sa
taong may gawa nito, tuluyang tumigil ang aking paghinga.

Bahagyang nakataas ang kanyang kaliwang kamay at tinititigan


doon ang dugong dumadaloy mula sa kanyang matutulis na mga
kuko. Napaatras ako at hinawakan ang aking likod. Nahawakan ko
sirang damit at sarili kong dugo mula sa dalawang malalaking sugat.
Halos maluha ako sa hapdi nito. Bumaling ang lalake sa akin.
Tinitigan ko siya.

"What is a human doing in this kind of place?"

His voice was full of venom and danger. Nasa gitna kami ng
kakahuyan, hindi ko na alam kung nasaan ang dalawang kasama
niya. Umatras akong muli. Hinawakan ko damit ko at muling
tumakbo. Out of nowhere my back hit the rough trunk of a tree.
Napasigaw ako sa sakit dahil sa pagtama ng mga sugat ko ito. Isang
kamay ang humawak sa leeg ko. The back of my head hit the trunk
with the same force. I gasped for air.

"Running?" tanong nito. "You can never outrun a hybrid."


Naikuyom ko ang aking palad. Hinawakan niya ang aking
magkabilang pisngi. "Alam mo bang hindi maganda para sa normal
na taong tulad mo ang nasa labas ngayong gabi?"

Lalo siyang lumapit sa akin. Napasandal ako sa puno. Iniwas ko ang


aking mukha at kinagat ang aking labi dahil sa matinding sakit. What
am I thinking? Hindi ko sila matatakasan kahit ano pang takbo ang
gawin ko. Naramdaman ko ang kamay niya humahagod sa braso ko.

Napapikit ako. Zander...

"Tingnan natin. Ano ba ang pwede kong gawin sayo?"

Hindi ko binuksan ang aking mga mata. Nagtaas baba ang aking
didbib na halos nakadikit na sa katawan niya. Hinawakan niya ang
aking pisngi, pababa sa aking panga, dahan dahan hangang
makarating sa aking leeg. He traced my neck with his thumb.

"You smell so nice."

Tuluyan akong nanghina nang maramdaman ko ang paglapit ng


kanyang mukha sa aking leeg.

Zander...

Dalawang matulis na bagay ang tumama sa aking balat. Napadaing


ako. May sinabi ang lalake. Ngunit hindi ko na gustong makinig pa.
Lalo kong pinikit ang aking mga mata.

Naramdaman ko ang pagbaon ng matulis niyang ngipin sa aking


balat. A tear slipped from my eyes. Tuluyan kong tinawag ang
pangalan niya.

"ZANDER!"

Isang kakaibang bagay ang aking narinig. Tila tunog ng nabaling


buto. Nawala ang presence ng lalake sa harapan ko. Binuksan ko
ang aking mga mata. Hindi ako nakagalaw. Hawak niya sa leeg ang
lalake. Wala na itong buhay. Nakabaon ang matutulis niyang kuko sa
balat nito at mabilis na dumaloy ang dugo. Tinitigan ko ang lalakeng
nasa harapan ko.

"Zander..."

Hindi ako pwedeng magkamali. Si Zander ang nasa harapan ko.


Pero bakit... bakit pakiramdam ko may hindi tama? Pakiramdam ko
may nagbago sa kanya. Mas matatalim kesa normal ang kanyang
mga titig. Nilampasan niya ako tingin. Wala sa focus ang kanyang
mga mata. Biglang hinablot ni Zander ang damit ng lalake at inamoy.
Saka niya ito pabalang na binitawan at bumalik sa direction kung
saan ako nangaling.

Doon ko napagtanto ang nangyayari. Tinawag ko siya. "Zander!"


sigaw ko. "Zander, tama na!"

Mabilis na nawala si Zander sa aking pangin. I was left with a


deafening silence. Zander's the alpha of this town. Hindi siya
pwedeng mawalan ng control at pumatay nalang. Pilit ko siyang
sinundan. Hindi pa ako nakakalayo nang marinig ko ang kakaibang
mga ingay. It was screams of pain, halos nagmamakaawa. Agad ko
itong pinuntahan.

Nang makita ko ang nangyayari ay halos matutop ko ang bibig ko.


Walang awang pinapaslang ni Zander ang dalawang kasama ng
lalake na halos duguan na ang katawan. Napaatras ako.

"Tama na." Halos bulong ko.

Pero wala na siyang pinakikingan. Ang tanging nasa isip niya nalang
ay ang pumaslang. Namatay ang lalake sa kanyang kamay. Halos
baliin niya ang buong katawan nito. Bumaling siya sa huling lalakeng
natitira. Duguan na ito. The guy scampered on the dirt in fear.
Nagmamakaawa ito, sinasabi hindi nila sinadyang makapasok sa
territory.
"Zander, please stop."

Bago pa tuluyang makalapit si Zander nagmadali akong tumakbo


para pigilan siya. Hinarang ko ang aking sarili sa pagitan ni Zander
at ng lalake. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata.

"Tama na." sinabi ko. "Pakiusap."

Tinitigan ako ng dilaw niyang mga mata, tila nagtataka kung sino
ako. Tumigil ito at pinag aaralan ang aking mukha. Bahagya akong
napapikit nang maramdaman ang paglapit niya. Ako ito, Zander.
Pakiusap itigil mo na ito.

"Laura!"

Bigla akong napalingon sa familiar na boses. Nakita kong dumating


sina Sebastian at iba pang mga order na papunta sa amin. Hindi sila
nakagalaw nang makita ang nangyayari.

"Laura!" muli niyang sigaw. "Laura, hindi ka niya nakikilala."

Dahil sa ingay ay tila nawala sa focus si Zander. Tumigil ito at


bumabalik ang nakakatakot na aura nito. Tumitig si Zander sa akin. I
heard a deep angry growl resonated from his chest. Iniangat niya
ang kanyang kamay na may matutulis na kukong puno ng dugo.
Narinig ko ang sigaw nina Sebastian na lumayo ako. Subalit hindi
ako umalis sa aking kinatatayuan.

Pinagmasdan ko siya. "Let's stop this, Zander. Let's go home."

Hindi ko alam kong pakikingan niya pa ako. I'm not his mate
anymore. Nasira na ang bond na namamagitan sa aming dalawa.
Pero kailangan kong magtiwala. Infrontofmeis still Zander.
MyZander.

Isang marahas na hangin ang aking naramdaman. Napapikit ako.


Hinintay ko ang pagtama ng matutulis niyang mga kuko sa aking
dibdib. Pero lumipas ang ilang segundo at wala akong ano mang
naramdaman. Naging tahimik ang buong paligid. Binuksan ko ang
aking mga mata.

Nakita ko ang matutulis niyang mga kuko na halos inches nalang


ang layo mula sa aking diddib. Nag-angat ako ng tingin at nakitang
nakatitig sa akin si Zander. Titig na may halong pagtataka, pagkalito,
at recognition.

Halos manghina ako sa nakikita. Namalayan ko na lamang na sunod


sunod nang tumulo ang mga luha ko. Inabot ko ang aking kamay at
marahang hinawakan ang mukha ni Zander. Natigilan siya at para
bang nagulat sa haplos ko. Ngumiti ako at niyakap siya ng mahigpit.
Unti unti kong naramdaman ang pag kalma ng kanyang paghinga.

Maya maya pa yumakap si Zander sa akin. Sumandal ang kanyang


noo sa aking balikat.

"Umuwi na tayo."

***
Chapter 24: You're Mine

Chapter 24: You're Mine

Naalimpungatan ako dahil sa matinding sakit na bumabalot sa aking


katawan. Napadaing ako. Binuksan ko ang aking mga mata at
napatingin sa maliwanag na paligid. Umupo ako sa kama. The
sunlight was spilling from the open window. Pumapasok din doon
ang malamig na hangin ng umaga. Tahimik at maaliwalas ang buong
paligid.

"How are you feeling?"

Napalingon ako sa nakatayong lalake sa aking kwarto. Nakasandal


siya sa pader at pinagmamasdan ako. Kumunot ang noo ko.
Sumasakit parin ang ulo ko at hindi ko masyadong maaninag ang
mukha niya. Nakatayo siya sa sulok ng aking kwarto. Tila ayaw
akong lapitan.

Sinubukan kong umalis sa aking kama. Subalit muli kong


naramdaman ang sakit sa aking likod. Dalawang kamay ang biglang
umalalay sa akin at muli ako nitong pinapaupo sa kama.

"Hwag kang masyadong gumalaw."

Doon nagregister sa akin kung sino ang kausap ko. Naging malinaw
ang kanyang boses dahil sa paglapit niya sa akin.

"Zander."

Bigla kong naalala ang mga nangyari noong nakaraang gabi. Ang
party sa mansion, ang sayawan, ang pag alis ko, ang mga rogues sa
kakahuyan, at si Zander. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha.
Malayong malayo na ito sa Zander na kinakatakutan ng lahat kagabi.
Tinitigan niya ako. I saw relief in his eyes. Pero maliban doon isang
kakaibang expression ang makikita sa kanyang mga mata. It was
longing na tila matagal niya akong hindi nakita. Hinawakan niya ang
gilid ng aking mukha. Napapitlag ako sa kakaibang pakiramdam na
dinulot ng pagkakadikit ng aming balat. At tila ba naramdaman ko
ang kanyang nararamdaman sa mga oras na ito. I leaned on his
palm.

"Are you feeling better?"

Tumango ako. It was a strange sensation, like something has been


reborn and I was staring at something new. Tila isang importanteng
bagay ang nasira ngunit naibalik sa akin ng bago.

"Wala kang malay ng dalawang araw."

Natigilan ako sa kanyang sinabi. Dalawang araw? Kung ganoon ay


hindi kahapon nangyari ang lahat. Napatingin ako sa orasan. Ten
o'clock ng umaga. Doon ko napansin ang mga gamit kong
nakaempake sa sahig at ang aking maleta. Dapat nakaalis na ako
two days ago. Dapat nasa Charlotte sa mga oras na ito.

Sinubukan kong muling umalis sa kama. "My train ticket..."

Hinawakan ni Zander ang aking kamay. Napalingon ako sa kanya.


Humigpit ang kanyang pagkakahawak ng makita ang nalilito kong
mukha. Nagkaroon ng panandaliang katahimikan bago siya
nagsalita.

"Stay." he said. "Stay here with me. Stay in Van Zanth."

Natigilan ako at hindi agad nakasagot. Nanatili ang mga kamay


niyang hawak ako. Hinila niya ako palapit sa kanya. Bahagya akong
bumanga sa kanyang dibdib. His familiar scent enveloped me.
Clean, minty, with hints of woody outdoor scent. Naramdaman ko
ang kanyang braso na bumalot sa akin. Niyakap ako ni Zander.
"Please stay, Laura."

Tinitigan ko siya. Ramdam ko ang tibok ng kanyang puso at ang


banayad niyang paghinga. Zander and I, we both made our decision
in the party. Those are the words that I dream to hear from him. Pero
ngayong magkasama na muli kami, ngayong kaharap ko siya, hindi
ko na alam kung ano ang aking susundin.

"Pero Zander—"

Paano ka? Paano ang Van Zanth? They can never accept me as
your mate, Zander.

"As long as I'm still the alpha, they will have no choice but to accept
you."

Natigilan ako sa kanyang sinabi. As long as I'm still the alpha.


Maaari ba talagang mawala ito dahil sa akin? Would I risk it? Would
we risk it? Tinitigan ko si Zander. Walang ano mang pag aalinlangan
ang makikita sa kanyang mukha. Handa siyang sumugal.

Ngumiti ako at tumango. "I won't go anywhere."

Humigpit ang yakap niya sa akin. Hinalikan niya ako sa ibabaw ng


aking ulo habang yakap ako. Bahagya akong pumikit. It seemed like
a dream. Zander's arms were embracing me. My heartbeat picked
up its pace. Tulad ng natural na epekto tuwing malapit si Zander sa
akin. Zander's lips moved down to my forehead, my nose, and down
to my open lips.

"Zander..."

Nanatili parin siyang nakatayo sa tapat ko, hawak ang aking mukha,
habang ako ay nakaupo sa kama. His warm lips found mine. I
inhaled. Humigpit ang kamay kong nakahawak sa kanya. Hindi ito
ang unang pagkakataon. Pero ramdam kong may nagbago sa
kanyang halik.
It was gently, warm, and yearning. His lips were setting my body on
fire. Napahawak ako sa kanyang buhok. Zander tipped my head to
the side and planted a kiss on the side of my face. He grazed my
skin down to my jawline. I was slowly becoming breathless.

"Can you feel it?"

Zander's promiximity was almost electrifying. My body was


responding to his every touch. This is what it feels like to be with
him, to be with Zander and knowing he's feeling the same
sensations as I am.

"You're my mate, Laura." He breathed. "You're my other half. I'm


bound to be yours... and yours only. "

Humarap siya sa akin at tinitigan ako sa mga mata. Marahan niyang


pinagdikit ang aming mga noo. Napapikit ako at huminga ng
malalim. Are lips were close but not touching. Zander's warm breath
was filtering through my open lips. Like we were sharing the same
air.

"All of them will know you're mine." Zander said. "No one can touch
you. You're mine, Laura."

—-

Loraine Van Zanth

Lumabas ako ng aking kwarto at naglakad sa hallway. Pababa na


ako ng hagdan noong marinig kong may nag uusap. Nakita ko si
Senior Helga at Zander sa sala. Zander was giving instruction.

Mukhang gising na si Laura. Zander was talking about the treatment


of her wounds. Noong dumating si Laura sa mansion dalawang araw
na ang nakararaan ay wala siyang malay. Matindi ang mga sugat na
tinamo niya mula sa mga rogues sa kakahuyan.
Laura had a sever fever for two days. Nanatili si Zander sa tabi niya
at nagbantay buong araw. Halos hindi siya maayos na nakakakain o
natutulog. He was restless. Halos hindi siya makausap nitong mga
nakaraang araw. Kahit sabihan na kailangan niyang magpahinga
tumatangi siya.

Ngayon ay kalmado na siyang muli at mahinahon. Bumalik na ang


dating Zander na kilala ko. Malayong malayo na ito sa Zander na
nakita kong umalis sa mansion ng Marseille habang nagaganap ang
party. Zander lost his total control. Isang bagay na matagal kong
hindi nakita. Isa sa mga bagay na kinakatakutan kong mangyari lalo
na sa All Hallow's Eve.

No one in this entire town, not even his beta— Sebastian, or my


father— the former alpha, can make him calm down. It was Zander's
dark side who took over. Pero madaling napakalma ni Laura si
Zander. She was able to tame the monster side of Zander.

I didn't realize that the bond between them would be this strong.
They both made a decision. Pero mukhang hindi na lamang ang
bond ang namamagitan sa kanilang dalawa ngayon. They may not
still realize it but it's not just about the bond anymore. The alpha
completely fell for the human.

Hindi ko akalain kayang talikuran ni Zander ang matagal niyang


pinaghirapan na pangalan at sumalungat sa desisyon ng mga
seniors ng bayan para kay Laura. Ngayon ay alam na ng mga
seniors at halos lahat ng mga mamamayan sa Van Zanth ang
nangyari. Mawala man ang bond ay hindi na papayag si Zander na
muling mawala sa kanya si Laura.

Umakyat muli si Zander. Nakasalubong ko siya. Mahahalata na ilang


araw na siyang walang maayos na pahinga. And yet relief was
written on his face. Sa loob ng ilang buwan mula noong nalaman
namin na si Laura ang mate ni Zander ay ngayon ko lamang nakita
ang mukha niya na ganito kaaliwalas. Bago pa siya muling naglakad
nagsalita ako.

"Zander..." I started. "Whatever your decision is, you know you have
my support. But things will not be easy for you and Laura. So I hope
you are ready."

Napansin ko ang pag kuyom ng kanyang mga kamao. "They will


have to kill me first before anyone can hurt her."

Muli siyang naglakad sa hallway. Hangang sa nawala na siya sa


aking paningin. Bumuntong hininga ako. Nahanap na niya ang
bagay na kanyang poprotektahan. Zander really grew up to be a
respectable man. Naalala ko ang sinabi ng isa sa mga seniors na
nakausap ko kagabi.

"Isang malaking pagkakamali ang ginawa ni Zander para sa Van


Zanth."

Now that Laura is an alpha's mate, her name will be known. They
might trace her. Pero ano nga ba ang magagawa namin? Kahit ilang
beses nilang pinigilan ang kanilang mga sarili, kahit pa gumawa ng
paraan ang ibang tao para maghiwalay sila, they still ended up in
each other's arms. Maybe, they are meant to be together no matter
what clans they are from.

I just hope both of them are ready to face the consequences that
come with their decision.

***
Chapter 25: The Arden
Chapter 25: TheArden

Loraine Van Zanth

Nakakapanibago ang katahimikan nila. It's been days since the


incident happened ngunit wala parin akong naririnig mula sa mga
advisers at sa council. It's unusual. Inaasahan ko ang hakbang na
kanilang gagawin oras na nalaman nila na pinili ni Zander si Laura.
Pero nanatili silang tahimik.

Gusto kong umasa na kahit paano ay natangap nila ang dalawa.


Lahat sila ang nakasaksi sa bond na namamagitan sa dalawa. Only
Laura can tame the monster in him. Pero alam kong may kapalit ang
panandaliang kapayapaang ito. It was as if time is ticking, a time
bomb waiting to explode. Sa ginawang pagtangap ni Zander kay
Laura ay nagsimula ng mangyari ang isang bagay na dapat naming
katakutan.

Nakaupo ako sa veranda noong hapong yon. Van Zanth is unsually


peaceful. Ilang araw ng walang gulo o alitan na nababalitaan sa
bayan. Kahit ang mga orders ay naninibago sa katahimikan ng
bayan. Akala ko gagawa agad ng hakbang ang council para alisin si
Zander sa position niya bilang alpha. Ito ang ginawa nila sa aming
Ama noong nalaman nilang may relasyon ito sa normal na tao.
Ngunit hindi sila nagtagumpay. Pero ngayon na halos dalawa nalang
kami ni Zander na natitira, malaki ang tyansa na magtagumpay sila
kung gugustuhin nila.

Bumuntong hininga ako at pinagmasdan ang paligid. Maaliwalas ang


langit at mahangin. Pinanood ko ang pagdaan ng hangin sa mga
rose bushes sa garden. Maya maya pa bumukas ang terrace door
sa side ko. Napalingon ako at nakita si Senior Helga na may dalang
tray ng kape. Nilapag niya ito sa mesang nasa harap ko saka umupo
sa tapat ko.
"Mukhang malalim ang iniisip mo."

I tried to smile at her. Isa sa pinasasalamat ko ang pananatili ni


Senior Helga sa mansion even if she have all the reason to leave.

"Just thinking a few things." sagot ko.

Kinuha ko ang kape at sumimsim dito. Binalik ko ang tingin sa


garden at bumuntong hininga.

"Senior Helga." sinabi ko. "Minsan mo ng nakaharap ang Ama ni


Laura, hindi ba?" tanong ko.

Bahagya siyang natigilan. "Nakaharap ko na siya ng ilang beses."


sinabi nito. "Kung tutuusin magalang siya, tahimik. Kapag nakikita ko
si Laura mas nakikita ko ang kanyang Ama kesa sa kapatid ko.
Pareho sila ng kulay ng mga mata. Kung paano tumingin. He was
determined but well-mannered."

"Hindi mo mahahalata ang angkan na kanyang pinagmulan kung


titingnan mo siya. Hindi mo mababatid sa kanyang mukha na
nagmula sa makapangyarihang pamilya. Napasimpleng tao. Pero
ganoon pa man, ang pagsasama nila ng kapatid ko ay kataksilan sa
pamilya."

Pinagmasdan ko si Senior Helga. Bumakas ang lungkot sa kanyang


mukha habang sinasabi ang mga bagay na ito. Hindi lingid sa aking
kaalaman ang pinagmulan ni Laura. Alam kong malamig ang trato
niya sa dalaga dahil na din sa nangyari sa kanyang kapatid. Pero
mas sinisisi niya ang kanyang sarili sa labis niyang pagtutol noon na
nauwi sa pagkawala ng kanyang kapatid.

Dalaga pa lamang si Senior Helga nang mapadpad siya sa Van


Zanth. Lumalago pa lamang ang bayan sa mga panahong yon.
Napadpad siya dito dahil nalaman niyang nangangailangan sila ng
mga trabahador sa noon ay pinapatayo pa lamang na pagawaan sa
bayan. Ilang buwan na siyang naninirahan sa bayan nang bumisita
si Grandma sa pagawaan at nakilala siya. Isa siya sa pinakamasipag
na mangagawa doon. Hindi madaling magtiwala si Grandma. Strikto
siya at intimidating katulad ng ibang myembro ng pamilya Van Zanth.
But Grandma is fond of hardworking, loyal people. Nakagaanan niya
ng loob si Senior Helga. Inalok niya itong magtrabaho sa mansion sa
halip na sa pagawaan.

Magmula noon sa mansion na nagtrabaho si Senior Helga. Naging


parte siya ng pamilya. Siya ang nag alaga sa Ama namin na noon ay
bata pa. Nasaksihan niya ang pagusbong ng bayan pati na rin ang
mga dagok na sumubok dito. Hangang sa isang malaking pagsubok
sa bayan ang halos sumira dito. Ang pag atake ng angkan ng
hunters.

Binata na noon ang aming Ama at naipasa na ang position sa kanya


bilang alpha. At ang gulong nangyari ay ang naging unang dagok sa
kanyang pamumuno. Labis na pinsala ang tinamo ng bayan.
Madami ang mga sugatan at namatay sa magkabilang panig. Pero
wala ng mas hihigit pa sa dagok ng pagkamatay ng isang myembro
ng pamilya Van Zanth- ang aming Grandma.

Hindi alam ng bayan kung paano babangon matapos ang delubyong


nangyari. Matinding mga sugat ang natamo ni Grandpa at ng aking
Ama pero mas matindi ang sakit na dinulot ng pagkawala ng
pamilya. Sinumpa ni Grandpa na maghihiganti sa angkan na
kumalaman sa kanila. Pero unti unting nanghina si Grandpa dahil sa
pagkawala ni Grandma. Kalaunan ay namatay si Grandpa dalawang
taon matapos mawala ni Grandma.

Noong panahon na yon labis ang pagkasuklam ng aming Ama hindi


lamang sa mga hunters kundi sa normal na mga tao. Halos paalisin
niya sa teritoryo ang mga ito kabilang na si Senior Helga. Alam
namin na ang turing ng mga tao sa aming uri ay halimaw. Nararapat
lamang sa amin na unti unting mawala o maubos. Pero may dugo
parin kaming tao. Mga tao kami. At nakakaramdam kami ng
emosyon at sakit at pagkasuklam.
Matapos mamatay ang parehong grandparents namin, sa halip na
manghina mas tumindi ang kagustuhan ng aming Ama na
maghiganti. Makalipas ng ilang taon nakabangon muli ang Van
Zanth at naging mas malakas pa. At sa panahon na yon nangyari
ang isa nanamang gulo. Ang Van Zanth ang umatake sa bayan na
pinaninirahan ng angkan ng mga hunters bilang paghihiganti.

Madami ang namatay sa mga hunters kabilang ang ilang


importanteng member ng pamilya. Nagtagumpay ang aming Ama.
Pinaghandaan nila ito. Matagal nilang ginustong maghiganti. Pero sa
halip na matapos ang gulo, mas lalo lamang nitong pinasiklab ang
alitan sa pagitan ng dalawang angkan.

Dahil sa labis na pagkasuklam ni Ama sa mga normal na tao, naging


malamig ang pakikitungo niya maging sa mga taong naninirahan sa
sarili niyang bayan. Naging sangayon sa kanyang decision ang mga
elders at ang council. They believe that a hybrid town should remain
a hybrid town. Kahinaan ang mga normal na tao. But Grandma loves
humans. At hindi kaya ni Ama na tuluyang paalisin ang mga ito sa
bayan. Lalo na si Senior Helga kung saan ang Grandma mismo ang
pumili sa kanya upang manatili sa mansion.

But the universe has a funny way of turning things around. Because
my Dad, who loathed humans, fell in love with a normal human. Ang
Ina ni Zander, si Cassandra Lorendaile. At kasabay ng kanilang
relasyon ay nalaman ni Senior Helga na ang kanyang kapatid na si
Katherine na naninirahan sa Fabrice ay nagkagusto sa isang hunter.
It was a twisted interconnected fairytale in a cruel way. Naging
matindi ang pagtutol ng mga tao kay Cassandra. Ganoon din ang
pagtutol ni Senior Helga kay Lauro. Malaki ang utang na loob at pag
galang ni Senior Helga sa mga hybrid. Nagtatrabaho siya sa mga ito
at dito binuhay at pinag aral ang kanyang mga kapatid. Isang
kataksilan sa kanyang pamilya ang pagkakaroon ng relasyon ng
kanyang bunsong kapatid sa mimsong member ng pamilya na
sumira sa mga taong pinaninilbihan niya.
Itinaboy si Lauro at Katherine ng magkabilang pamilya. At halos
ganoon din ang nangyari kay Zefer at Cassandra. Ngunit sa
pagkakataong yon nangyari ang kinakatakot ng lahat. Ang dalawang
maling pagsasama ay nagbunga- yon ay si Zander at Laura.

Kaya hindi na ako magtataka kung silang dalawa ang nakatadhana


para sa isa't isa. Their parents' pasts are interconnected. Pareho
silang nagmula sa bawal na pagsasama dahil sa magkaalitang mga
angkan. Kung noon ay pinagtabuyan ng pamilya Arden si Lauro
dahil sa pagkakaroon nito ng relasyon sa babaeng may kaugnayan
sa pamilyang ng mga hybrids. Ngayon ay hindi ko alam kung ano
ang maaari nilang gawin kapag nalaman ng mga Arden na ang
kanilang apo- a hunter's daughter- fell for a hybrid.

--

Laura Katherine Arden

Hindi ako matulog. Maaga akong umakyat sa aking kwarto noong


gabing yon. Pero lumipas ang ilang oras at hindi parin ako
makatulog. Bumangon ako sa kama at pinagmasdan ang orasan.
Nine thirty ng gabi. Bumuntong hininga ako at umalis sa kama.
Binuksan ko ang ilaw at naglakad palabas ng aking kwarto. My
throat was parched dry.

Tahimik at madilim ang buong mansion nang bumaba ako sa


hagdan. Hindi ko alam kung tulog na ang iba. Alam kong wala parin
si Zander sa mansion. Nitong mga nakaraang araw madalas siyang
makita sa bayan o kasama ng mga orders na nagbabantay sa
borders ng Van Zanth.

Ngayon ko lamang siya nakita sa ganitong sitwasyon. Bilang isang


pinuno. I always wonder what he was like before everything became
messed up. Bago pa siya nawalan ng control at ikulong ang sarili sa
pangatlong palapag.
Ngayon alam ko na. Zander is dedicated. Madalas late na siya
umuwi dahil laging kasama ang mga orders sa pagbabantay sa
bayan. Gusto niya na maayos na nasusunod ang kanyang mga utos.
He's strict but logical. Hindi ko mapigilan na manibago. Kapag
magkasama kami ni Zander halos nakakalimutan ko kung sino siya
sa bayang ito. I have to constantly remind myself he's an alpha and
a whole town is depending on him.

Dumerecho ako sa kusina upang uminom ng tubig. Tanging ang ilaw


mula sa nakabukas na pinto ng refrigerator ang nagbibigay ng
liwanag sa lugar. Nang magsasalin na ako ng tubig natigilan ako
nang mapansin na may taong nakatayo sa tapat ng pintuan.
Lumingon ako at nakita siyang nakatayo sa pintuan ng kusina at
pinagmamasdan ako.

"Zander."

Maghapon ko siyang hindi nakita ngayong araw. Hindi ko siya


tinatanong kapag lumalabas siya o kung saan pupunta. I don't want
to meddle on his businesses. Kaya naman nabibigla nalang ako
kapag dumadating siya. Pakiramdam ko ang tagal ko siyang hindi
nakita.

"Kanina ka pa ba nakauwi?" tanong ko.

"Kararating ko lang."

Hindi niya inaalis ang seryosong titig sa akin. Dahil madilim ang
paligid ay hindi ko makita ng maayos ang expression niya. Napansin
ko ang tila mga galos sa kanyang mukha.

Natigilan ako at lumapit sa kanya. "What happened?" tanong ko.

Hinawakan ko ang kanyang mukha at pinagmasdan ang mga galos


dito. Hindi siya gumalaw sa kanyang kinatatayuan. Naramdaman
kong huminga siya ng malalim habang nakatitig sa akin.
"Just some rough encounters."

Hinawakan ni Zander ang kamay kong nakahawak sa kanyang


mukha. "Laura." Napatitig ako sa kanya. Naramdaman ko ang unti
unti niyang pagyakap sa akin. "I will do anything to make you stay.
Hell will be damned if anyone will try to steal you away from me."

Hindi ko alam kung bakit niya nasabi ang mga katagang yon. Tila
may gumugulo sa kanyang isipan. Wala akong magawa kundi ang
yakapin siya pabalik. "I won't go anywhere. I already told you that."

Mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin na para bang kapag


bumitaw siya ay bigla nalang akong mawawala. Isang malalim na
hininga ang aking pinakawalan. Zander kissed the side of my head.
Napapikit ako at napahawak sa tela ng kanyang dibdib.

"God, I miss you."

Ramdam ko ang paglakas ng tibok ng puso ko. I miss Zander. I miss


this kind of proximity between us. Unti unting bumaba ang kanyang
halik hangang matunton nito ang labi ko. Napapikit ako ng tuluyan.
Sa bawat galaw ng kanyang labi ay tila nanghihina ako.

"Zander..."

I can feel the pressure in the air slowly building. Naging malalim ang
kanyang mga halik. Ilang beses kong kinailangang huminga ng
malalim. Naglakbay ang labi niya pababa sa aking panga. His
heated lips on my bare skin made me unsteady in my position.
Zander held me in place with his rough hand on my waist and the
other on the side of my face.

Mas lalong humigpit ang hawak ko sa tela ng kanyang damit. Again


I'm slowly being drunk with his proximity. His warm lips grazed the
curve of my neck down to my shoulder blade. My limbs were
trembling from the sensations he's giving me. A low moan escaped
my lips. My body is screaming for him. But I know what we are
heading to danger here.

Bago pa lumala ang sitwasyon ay naramdaman kong tumigil si


Zander. Tila naramdaman niya ang parehong pangamba na
naramdaman ko. Hiniwalay niya ang kanyang sarili at huminga ng
malalim.

"I'm sorry." he said.

Hindi ako nakapagsalita. Zander stared at me. Isang mahinang mura


ang narinig ko mula sa kanya.

"I want you... God knows how much I want you right now." Zander
runs his fingers through his hair in frustration. "But I don't know if I'll
be able to control myself if we headed somewhere deeper."

Tinitigan ko si Zander. I want Zander the same way he want me. But
we both feel a warning and it was not just because we intend to go
somewhere deeper. It's a warning way beyond our physical contact.
Isang bagay na nagsasabing hindi kami dapat mapalapit ni Zander
nang ganito, na may nilalabag kaming importanteng bagay sa
ginagawa namin.

Zander rests his forehead against mine.

"I want to mark you and claim you as mine. But we need to fix our
own demons first. Gusto kong maging maayos muna ang lahat,
Laura. Dahil hindi na kita kayang pakawalan pa."

Tiningnan niya ako ng derecho sa mga mata. My eyes close at their


own accord as Zander's lips graze mine once more, a slow gently
kiss. I let his closeness enveloped me.

Me too, Zander. And it terrifies me what I can do for you.

***
Chapter 26: Lurking

Chapter 26: Lurking

Ilang araw bago ang second semester, nadatnan ko ang mga orders
sa mansion. Nasa sala sila noong bumaba ako. Nang makita nila
ako agad silang yumuko at bumati.

Hangang ngayon naninibago parin ako kapag nakikita ko ang mga


orders sa mansion. Malayo na ito sa secluded at tahimik na mansion
na nakasanayan ko. Tila sa pagbabalik ni Zander bilang pinuno ay
unti unting nagiging bukas ang lugar sa mga tao.

Nakita si Sebastian sa gitna ng mga tao. Parang ang tagal na mula


noong huli ko siyang nakita. Nakikipag usap siya sa isa sa mga
orders. Tumigil siya at humarap sa akin nang marinig ang pagdating
ko.

"Hey."

Nakangiti siya nang lumapit sa akin. Pero hindi ko maiwasan na


mapansin ang seryosong atmosphere sa paligid.

"Is there something wrong?" tanong ko kay Sebastian.

"Nagpatawag ng meeting si Zander." sagot niya.

"Para saan?"

"Tungkol sa kanyang position bilang alpha."

Natigilan ako. Napansin ni Sebastian ang reaction ko. Bahagya


akong napayuko nang maramdaman ang palad niyang hinawakan
ang ulo ko.

"Nag aalala ka nanaman para sa kanya." sinabi niya. "Hwag mo


itong intindihin. Mananatili siya bilang alpha ng bayan."
Tumango na lamang ako. Maya maya pa dumating si Zander.
Bumaba siya mula sa hagdan. Napansin ko na bahagyang magulo
ang kanyang buhok at kasalukuyang nagbubutones ng kanyang
damit. Dumerecho ang tingin niya sa akin. A light frown crossed his
face.

"Why are you downstairs?" He asked. May usapan kasi kami na


kapag may mga meeting o pack issues ay hindi ako makikialam. It's
too dangerous according to him.

Napansin ko na naging attentive ang mga orders sa presensya niya.


Some of them bowed in his direction.

"I'll go ahead, then." sinabi ko.

Paakyat na ako sa hagdan nang mapansin ko ang kwelyo ng damit


ni Zander. Tumigil ako at lumapit sa kanya. Saka ko inayos ang
kanyang damit. He was probably rushing out of his room kaya hindi
niya ito napansin. Nang matapos ako muli akong nagpaalam.

Bago tuluyang umalis I noticed that Zander was watching me. At first
I thought he would say something. Pero kalaunan ay tuluyan siyang
humarap sa mga orders.

I busied myself while waiting for the meeting to end. Kumuha ako ng
ilang libro at nagbasa. Ilang araw nalang magsisimula na ang
pangalawang semester sa bayan.

It was already late afternoon nang marinig kong bumukas ang


pintuan ng aking kwarto. Sinara ko ang librong binabasa ko at
lumingon dito.

"Tapos na ba kayo?" tanong ko.

He nodded. Pumasok si Zander sa kwarto. Sumandal siya sa pader


na katapat ko. He folded his arms in front of his broad chest at
tinitigan ako. Bigla akong naconscious sa gesture niya.
"What?"

"You and Sebastian seem to be close."

"We are." sagot ko. "Siya ang unang taong naging malapit sa akin
dito sa Van Zanth."

He nodded. "Good. He's my best alliance and a friend. Kung may


isang taong pinagkakatiwalaan kong mapalapit sayo, siya yon."
Sinabi niya.

"I already arrange some orders to be in your class."

"You don't have to."

"You're my mate. If I have to lock down the whole school for your
security, I will."

Natigilan ako bago muling nagsalita.

"Aren't you going with me?" tanong ko.

He sighed. "I want us to go together. But there are still things I need
to fix. And spending time in a classroom won't help."

Inaasahan ko na ang sagot na yon mula sa kanya. After all attending


a public school is only a form of formality for him. Muling pumasok sa
isip ko ang tungkol sa meeting. It was one of the consequences of
Zander keeping me. Another stain in the long outstanding Van Zanth
reign. And this time, it's because of me.

"Napapagod ka na ba?"

Natigilan siya sa tanong ko. Umalis ako mula sa kanyang


pagkakayakap at tinitigan siya. Doon ko napansin ang pagod sa
kanyang mga mata. This past few days he's been overworking
himself. Hindi niya gustong magkamali. Lalo na ngayon na
naghihintay lamang ang council ng pagkakataon.
"Would it be easier if you have someone who has the same status as
you?" sinabi ko. "No issues, no complications. A strong and
dependable woman who can be by your side at all cost."

Hindi siya sumagot. Sa halip pinalapit niya ako sa kanya. "C'mere."

Noong una nagtaka ako. Pero tumayo ako at lumapit sa kanya.

"What--"

Hindi ko natapos ang sasabihin nang bumalot ang kamay ni Zander


sa bewang ko at hinila ako palapit sa kanya. He kissed the top of my
head.

"I want you to remember one thing." I heard him say. "I will never be
tired if it's all for you. You are more than enough, Laura."

Tinitigan ko siya. Zander, you always say you're fine even if


everything is falling apart on your feet. What can I do for you?

—-

Maaga akong nagising noong umagang yon. Ito ang unang araw ng
second semester. Bumaba ako sa staircase. I was about to go
directly to the front door when I stopped.

Naghihintay si Zander sa paanan ng hagdan. Nakabihis siya na tila


may pupuntahan. Nilislis niya ang cuff ng suot niya at sinilip ang
wrist watch. Maya maya pa lumingon siya nang marinig ang pag
dating ko.

"Let's go."

Nagtataka na pinagmasdan ko siya. “Where are you going?" tanong


ko.

He frowned. "Ihahatid kita." He pointed out.


Nagsimula siyang maglakad papunta sa front door bago pa ako
makapagsalita. Sumunod ako. Nakita ko ang isang itim na sasakyan
sa harap ng mansion. Pumasok siya sa driver's seat.

“I can use my truck. Hindi mo na ako kailangan ihatid.”

"May aasikasuhin ako sa bayan so I might as well drive you to


school.” He said.

Sa huli ay wala akong nagawa kundi ang pumasok sa loob ng


sasakyan. Tahimik na nagdrive si Zander. It was the first time that he
was seated beside me, driving, like a normal person. Like it's a
normal relationship.

Naging tahimik ang aming byahe. Muli kong nakita ang familiar na
daan patungo sa campus. Huminto ang sasakyan sa parking lot.
Kinuha ko ang gamit ko. My hands were unnervingly all over the
place. Napansin ito ni Zander. He held my hand. I flinched. Kumunot
ang kanyang noo dahil sa aking reaction. Tuluyang niyang pinatay
ang engine ng sasakyan.

“What’s wrong?”

Ito ng unang beses na haharap ako sa mga taga bayan matapos


ang gabi ng All Hallow. Matapos ang party at ang gulo. Hindi ko alam
kung ano ang aasahan sa pagkakataong ito.

“Nothing.”

“Step outside and wait for me.”

Napalingon ako kay Zander dahil sa sinabi niya. “You don’t have to.”
Mabilis kong sinabi. “I’ll go ahead.”

Tila nabasa ni Zander ang nasa isip ko.


“Laura.” Natigilan ako sa pagbukas ng pintuan ng sasakyan.
Humarap ako sa kanya. “Let me do this.”

Tinitigan ko siya. Tumango ako. Kinuha kong muli ang aking gamit at
binuksan ang pintuan. Paglabas ko agad natigilan ang mga tao sa
parking lot nang makita ako.

“She’s here.”

“Did you hear what happened?”

“I know.”

Humigpit ang hawak ko sa straps ng bag na suot ko. Maya maya pa


narinig kong bumukas ang pintuan ng sasakyan kung saan ako
galing. Huminga ako ng malalim.

Halos hindi nakapagsalita ang mga tao nang makita siya.


Bahagyang tumigil sa paglalakad ang ilan at yumuko sa direction
niya.

“Alpha.”

Lumapit si Zander sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Ihahatid kita


sa classroom.” sinabi niya na hindi alintana ang reaction ng mga
taong nasa paligid niya.

Nagsimula kaming maglakad papunta sa building. Nasa amin ang


tingin ng lahat. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Zander.

“The alpha's really with her.”

Sinalubong si Zander ng ilang mga orders na tila inaasahan na ang


pagdating niya. Nakita ko din si Sebastian. Ngumiti siya bago
humarap kay Zander. Nag uusap sila. Pinagtinginan sila ng mga tao.
Zander is really here in school, in front of his people.
Bago nagpaalam na umalis, muling lumapit sa akin si Zander.
Hinalikan niya ako sa aking noo.

“I’ll see you later.”

Tumango ako. Naglakad siya pabalik sa hallway bago tuluyang


nawala sa aking paningin. Noong pumasok ako sa classroom,
napansin kong nakatingin sila sa akin. Ang iba sa kanila ay
napayuko nang maglakad ako sa kanilang harapan.

“Don’t look so surprised.”

Napalingon ako sa nagsalita. Pumasok sa loob ng classroom si


Sebastian habang nakapamulsa.

“You're the alpha's mate now.”

Nakangiti siya. Sebastian can always make a serious topic sound so


light. I’m glad magkaklase parin kami. Umupo kami sa mga
bakanteng upuan sa likod ng classroom.

Ilang mga kaklase namin ang bumati kay Sebastian. Nang makita
nila ako muli silang yumuko. Hindi ko mapigilan na mailang.

Nagsimula ang aming klase. Everyone, even the teachers seems to


know what happened during the semester break. Napansin ko ang
pagiba ng pakikitungo nila sa akin. The treatment was so different
from the last time I stepped in this place.

Pagdating ng lunch nag paalam si Sebastian na may aasikasuhin.

"Pero unang araw palang ng klase, aalis ka na?"

Bahagya siyang humalakhak sa sinabi ko. Ginulo niya ang aking


buhok. "I'm only here to monitor things."

Natigilan ako sa sinabi niya.


"Si Peter at Chailo, sila ang magbabantay sayo kapag wala ako."

Nakatingin si Sebastian sa aking likuran. Lumingon ako at nakita ang


dalawang orders na papunta sa amin. Nang makalapit sila, yumuko
sila para bumati.

I smiled uncomfortable. "You don't need to do that, really."

Nanatiling formal ang kilos nila.

"They are here just to keep an eye on you." Bumaling siya kay Peter
at Chailo saka niya tinapik ang kanilang balikat."Kayo na ang bahala
sa kanya."

Nagpaalam si Sebastian. Bumuntong hininga ako. Lumabas siya ng


building at tinahak ang direction ng kakahuyan. Nang mawala siya
sa paningin ko, naglakad ako papunta sa cafeteria. Nanatili sa
malapit si Chailo at Peter. They are not exactly following me, but
close enough to casually keep an eye.

Pagpasok ko sa cafeteria natigilan ako nang mapansin na tumahimik


ang paligid. Nag iwas ako ng tingin at dumerecho sa counter.
Tumabi ang mga taong nakapila sa harap nito. I wanted to tell them
it's fine. Pero tuluyan silang lumayo.

Ganito ang naging sitwasyon buong araw. Tumatahimik sila at


yumuyuko kapag napapalapit ako. Kahit ang magtanong sa kanila ay
hindi ko magawa dahil sa labis na formality na pinapakita nila. They
couldn't even address me with my name alone. It's always Miss
Laura or the alpha's mate.

I found this sudden change of behavior of the town's people quite


eerie. Dahil sa kanilang mga mata nakikita ko ang tunay na iniisip
nila.

"You shouldn't be here."


—-

Nagmadali akong umalis sa classroom nang matapos ang aking


klase. Paglabas ko ng building natigilan ako nang makita siyang muli
sa school grounds. Kausap niya ang isang order habang nakatalikod
sa direction ko.

Hindi maiwasan ng mga tao na mapatingin sa kanya. Saka sila


mapapalingon sa akin. Pilit ko silang hindi pinansin. Naglakad ako
papunta sa parking lot kung nasaan siya. Pero bago pa man ako
makarating, tumigil siya sa pakikipag usap at lumingon sa akin. And
a sudden certain act caught me off guard. Zander smiled.

"Hey."

Lumapit siya sa akin. Maging ang mga tao sa paligid ay napansin


ang madalang na ngiting yon. The alpha smiled.

"Bakit ang tagal mong lumabas?" tanong niya. Bumalik ang kunot sa
kanyang noo. But still, the smile on his eyes is visible.

"I didn't know na susunduin mo ako." nasabi ko.

Kinuha niya ang bag na dala ko at sinabit ito sa sarili niyang balikat.
The huge backpack looked pre-school like in his broad arms.

"Let's go."

Hinawakan niya ang aking kamay. Sabay kaming naglakad papunta


sa sasakyan. Tinanong niya ako kung kamusta ang naging araw ko.
He didn't even recognize all the eyes staring at him.

Nang halos nasa parking lot na kami, doon ko yon napansin. In the
middle of the staring people, isang kakaibang pakiramdam ang
bumalot sa akin. Natigilan sa paglalakad. Linibot ko ang tingin sa
mga tao.
"What's wrong?"

Bumaling ako kay Zander. Tinitigan niya ako, nagtataka. Umiling


ako.

"Nothing."

If Zander or the people around me didn't felt it, it must be nothing. I


pushed the peculiar feeling on the back of my mind. But a sudden
wave of shiver run down my spine.

Automatic na tumigil ang mga paa ko sa paglalakad at nanlamig ang


aking mga kamay.

Pakiramdam ko may nagmamasid sa mga galaw namin.

***
Chapter 27: The Bullet

Chapter 27: The Bullet

Hindi ko sinabi ang bagay na nakita ko Kay Zander. Maybe I was just
being paranoid. It was more likely a member of the pack, or one of
Zander's orders checking out on us. I shouldn't be worried.

Mabilis na lumipas ang unang linggo ng second semester.


Nagpatuloy ang klase namin. May mga pagkakataon na ihahatid ako
ni Zander sa umaga at susunduin sa hapon. But most of the time
maaga siyang umaalis at late na dumadating sa mansion.

Si Sebastian parin ang madalas kong kasama sa school tulad noong


nakaraang semester. Pero mas madalas na siyang wala ngayon.
Ayon sa kanya ngayong bumalik na si Zander sa pagiging alpha ay
mas nakatutok na sila sa pagbabantay ng kaayusan sa bayan.

Peter and Chailo had been diligent on keeping an eye on me. They
don't seem like guards. They make it seem like nagkataon na
nandoon lamang sila sa lugar kung nasaan ako. And I prefer it that
way.

Ganoon parin ang trato ng mga tao sa akin. Formal. Respectful.


Bowing their heads and avoiding my glances. Pero habang
tumatagal mas napapansin ko yon. The loath in their eyes. They only
respect me because they respect Zander's decision. It doesn't mean
they accepted me. Hindi na bago sa akin ang ganoong pakikitungo.
Sa totoo lang mas nasanay ako dito.

I was walking on the hallway of the second floor. Kagagaling ko


lamang sa library noong hapong yon. Tahimik ang paligid dahil nasa
klase pa ang karamihan. Hangang sa tumigil ang mga paa ko sa
paglalakad.
Napatingin ako sa labas ng bintana. Makikita dito ang kakahuyan na
nakalalibot sa campus. May nakamasid sa akin.

Umihip ang hangin. Banayad na sumaway ang mga tuktok ng puno


na tila gumagawa ng alon. In the middle of the movement something
caught my eyes.

Lumapit ako at pinagmasdan itong mabuti. But it disappeared as


soon as I caught a glance of it. It was something black. Like
silhouettes.

--

Lumipas ang mga araw at mas lalo pang naging busy sina Zander.
Nawalan ako ng pagkakataon na masabi sa kanya ang mga
napapansin ko. Even Sebastian was always out.

Noong hapong yon, palabas na ako ng building para umuwi nang


nadaanan ko ang ilang estudyante. Isa sa kanila ang bumangga sa
akin. I was guard with the force he inserted. Halos mapaatras ako at
dumaing.

Agad na lumapit si Chailo at Peter na nagmamasid lamang mula sa


malapit. Linapitan nila ang lalake at hinawakan ito sa braso.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

Napadaing ang lalake sa pwersa na ginagawa nila. Natigilan ang


mga taong nasa malapit dahil sa gulo na nangyayari. Humarap si
Peter at Chailo sa akin at pilit hinarap ang lalakeng hawak nila.
Umiling ako telling Peter and Chailo it was fine, na hindi ako
nasaktan.

"Pero Miss Laura-"

"It was an accident."


Yumuko sila. "Yes, Miss Laura."

Yumuko ang lalakeng bumangga sa akin. Pero bago yon napansin


ko ang kakaibang ngiti sa kanyang labi. A sly smirk.

—-

Hindi yon ang naging huli sa mga kakaibang bagay na napapansin


ko. Ang pakiramdam na may nagmamasid sa akin. The smirk. The
brooding stares from hybrids. I started to think that all of this polite
gestures are only on the surface. Hindi ko alam kung konektado ang
mga bagay na ito sa naramdaman ko sa parking lot o sa second
floor.

A few days after the bumping incident nagsimula kong marinig ang
bulungan. Noong una tila ba parte lamang ito ng kanilang
kwentuhan. Hangang sa napansin ko na tuluyan ng nag iba ang
tingin nila sa akin kapag dumadaan ako sa harapan nila.

Some of them would still avoid my gaze and bow.But some of them
also started to stare at me as if presence revolted them.

Habang naglalakad sa campus isang grupo ng mga estudyante ang


nagsimulang magbulungan.

"Why is she still here?"

"I can't believe she dared to stay in this town in the first place."

"Is being our alpha's mate a part of her plan?"

Hindi ko mapigilan na matigilan sa mga salitang narinig ko. Subalit


hindi ko pinakita na naapektuhan ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad
papunta sa parking lot.

Bago tuluyang makaalis napansin ko ang isa sa kanila na


napangiti.The same dark smile someone gave me at the hallway.
Nang makarating ako sa aking sasakyan hindi ko mapigilan na
bumuntong hininga. What is it this time?

Binuhay ko ang engine ng sasakyan at nagsimulang magmaneho.


Wala si Zander ngayong araw sa bayan kaya hindi niya ako
masusundo.

Nang palabas na ako ng campus, unti unti kong inapakan ang break
upang maayos na makalabas sa gate. Pero natigilan ako nang tila
hindi kumagat ang preno. Inapakan kong muli ang break nang mas
madiin. Walang nangyari. Tuloy tuloy ang paglabas ng sasakyan sa
gate papunta sa mataong downtown.

What is happening?

Ilang beses kong inapakan ang break. The sidewalk continuously


passed through the window. Sinubukan kong buksan ang pintuan ng
driver's seat pero nakalock ito.

Tuluyan akong nagpanic. Naalala ko ang ngiti ng isa sa mga


nakasalubong ko kanina. May kinalaman ba sila dito?

Sinubukan kong controlin ang manibela. I gripped the steering wheel


tightly. Nakikita ko na ang bukana ng downtown sa dulo ng kalye. I
pushed the horn with my trembling hands. Umilangawngaw ang
busina ng sasakyan.

Ilang taong nasa daan ang napatingin sa direction ko. I want to tell
them to stay away. But I'm locked inside the car. Tuloy tuloy ang pag
andar nito. Either dederecho ako sa downtown or I'd let myself hit
the pavement.

I turned the steering wheel to the side. I was suddenly faced with a
wall few feet away from me. Nanghina ako. When I thought all I
could do is absorb the impact, a sudden movement in front of the car
caught my eyes. The next thing I knew, I almost hit the dashboard
dahil sa paghinto ng sasakyan.
Tila tuluyang tumahimik ang buong paligid. My hands were trembling
on my lap. Hindi ako agad nakagalaw. Maya maya pa biglang
bumukas ang pintuan ng driver's seat. It was nearly unhinged from
the body. Bumungad ang mukha ni Sebastian. Hinihingal. Doon ko
napagtanto na siya ang pumigil sa sasakyan sa tuluyang pagtama
nito sa pader.

"What the hell, Laura!"

Natigilan ako sa kanyang sigaw. Halos kaladkaran niya ako palabas


ng sasakyan. Napansin ko ang pagdaing niya. Bumaba ang tingin ko
kamay niya na ginamit niyang pangharang ng sasakyan. Namamaga
ito.

"What do you think you're doing?"

Tinitigan ko si Sebastian. The effect of what may have happen still


lingered on my system.

"I-I lost control." Tanging nasabi ko. Ngayon ko lang nakita na nagalit
ng husto si Sebastian.

Hindi malinaw sa akin kung paano ipapaliwanag kay Sebastian ang


nangyari. Nagkumpulan ang mga tao sa paligid namin. The engine
of the car halted giving a sudden jolt. Huminga ng malalim si
Sebastian. Saka siya tahimik na napamura.

"Orders. Meeting after an hour."

Nagbulungan ang mga tao sa paligid. There was no particular order


near the place. But it seemed like the beta doesn't need to directly
face them to know what's going on. Sa mga bulungan palang alam
kong makakarating ito sa kanila.

Hinawakan ni Sebastian ang kamay ko at hinila ako palayo sa


nagkakagulong mga tao. Nanlalamig parin ang mga palad ko noong
oras na yon.
"Ihahatid na kita sa inyo."

Bumalik kami sa direction ng parking lot ng school. Doon niya


iniiwan ang sasakyan niya kapag bigla siyang umaalis sa campus.

"Sebastian, I'm sorry."

Hindi ko ito magawang dugtungan. Hindi ko masabi ang hinala ko.


Wala akong proweba. It could be anyone or it could be just a bizarre
coincidence. Ang kanilang tingin at ngiti. Ang kanilang bulungan.
Kailangan kong malaman kung ano ang connection ng mga ito sa
mga kakaibang nararamdaman ko.

"Kapag nalaman ito ni alpha-"

"Don't." Mabilis kong sinabi. "Don't tell Zander."

Biglang huminto si Sebastian sa paglalakad. Halos kasunod niya


lamang ako kaya halos magbangaan kami noong humarap siya.

"It was my fault." Sinabi ko. "It was a technical accident. I didn't
check the car beforehand."

Tinitigan ako ni Sebastian. Ngayon na medyo nakalayo na kami sa


mga tao tila doon siya kumalma.

"Pero Laura-"

"Masyado na siyang madaming pinag aalala. Just tell him when he


get back that it was a small incident."

Muli siyang bumuntong hininga. Napahawak siya sa buhok niya at


timingala sa matingkad na langit. Papalubog na ang araw sa di
kalayuan. It was filtering through the trees beside the sidewalk where
we're stepping.

"Laura, your safety is the priority here. No incident is small or large


when it concerns you. You're not just an alpha's mate. You're...
different."

Ramdam ko ang frustration sa boses ni Sebastian. Subalit sa huling


sinabi niya ako natigilan.

"Different?"

Natigilan siya bago umiling. "Let's just go."

Kinuyom niya ang kanyang palad bago siniksik ang mga ito sa bulsa
ng kanyang pantalon. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Narinig ko ang
kanyang mahinang mura na tila pinagalitan ang sarili.

—-

Hinatid ako ni Sebastian sa mansion. Naging tahimik kami habang


nasa sasakyan. Nang umuwi kami, naabutan namin si Miss Loraine
sa living room. She asked me about my car at kung bakit si
Sebastian ang naghatid sa akin.

Si Sebastian ang sumagot. He told her a small accident happened


but everything was being taken care of. I thanked him silently for not
disclosing the full details. Though alam kong sa tingin palang may
hinala na si Miss Loraine. She's one of the most observant hybrid I
know.

Noong gabing yon pabagsak akong humiga sa aking kama. Hindi ko


alam kung ano ang mararamdaman ko. Tila ba unti unting bumabalik
sa akin ang uneasiness at takot dahil sa pananatili ko sa Van Zanth.
It came back, and it was worse.

Tiningnan ko ang orasan. It was late evening. Pero wala parin si


Zander. Muli ako bumangon sa kama nang may maalala.

Pumunta ako sa closet. Hinanap ko ang mga lumang gamit na


nandoon. Maya maya pa isang itim na kahon ang nalaglag sa sahig.
Natigilan ako bago ito kinuha mula sa sahig. At first I thought it was a
jewelry box. The box was velvety black. Pero noong buksan ko ito,
isang maliit at itim na metal ang nakasalagay sa kahon.

Nakaipit ito sa itim na cushion. Bahagya kong hinawakan ito gamit


ang nanlalamig kong kamay. It was a bullet. A silver bullet na may
nakaukit na mga salita.

...the clan of Arden...

My hands were suspended. Bakit... Bakit nakakit ang apelyido ko sa


isang silver bullet? Kinuha ko ito mula sa cushion. Isang manipis na
silver chain ang kasama nito. Nakasabit ang bullet sa tila kwintas.

Napatitig ako dito. Isang alaala ang biglang pumasok sa isip ko.
Dalawang mukha ang aking nakikita. Isang maamong mukha ng
babae at isang lalake na sinusuot sa isang bata ang kwintas. Blurry
ang imahe pero ilang salita ang pumasok sa isip ko.

Laura, hwag mo itong iwawala...

Family seal...

Hahanapin ka nila...

***
Chapter 28: Forewarning

Chapter 28:Forewarning

Hindi ako makatulog. Hindi mawala sa isipan ko ang bagay na nasa


kahon. It was a necklace with a silver bullet as a pendant. At
nakaukit dito ang apelyido ng aking ama. Ang apelyido ko.

I shifted back and forth on the bed. Nanlalamig ng aking mga palad
na tila hawak parin ang bagay na yon. Pumikit ako upang balutin ng
kadiliman ang aking paligid. Biglang pumasok sa isip ko si Zander.

Binuksan ko ang aking mga mata at napaupo sa kama. Biglang


lumalim ang aking paghinga. Ramdam ko ang pagtaas at baba ng
aking dibdib. Tiningnan ko ang orasan. Maghahating gabi na.
Hangang ngayon nasa labas parin si Zander kasama ang mga
orders.

Bumalik ako sa pagkakahiga. Pumikit ako upang muling makatulog.


Tahimik at payapa ang gabi. Ang tanging ingay na maririnig ay ang
pag galaw ng kamay ng orasan at ang aking marahang paghinga.
Tuluyang bumalot sa akin ang pagod at antok.

Nakita ko ang aking sarili pinapalibutan ng nagtataasang mga puno.


Nasa gitna ako ng isang madilim na kakahuyan. I was wearing a
vintage dress. It reminded me of All Hallow's Eve. Pero sa halip na
tumatakbo, nakatayo lamang ako doon, tila may hinihintay.

I heard a familiar noise. May tumatakbo sa kakahuyan. Linibot ko


ang tingin sa paligid. Mas lumalakas ang ingay at mga kaluskus na
para bang papalapit ito sa akin. Hangang sa dumating ang taong
yon.
Umaliwalas ang aking mukha nang makita siya. Agad siyang tumigil
na tila ba nakita niya na ang kanyang hinahanap. Hinihingal siya.
Bahagyang madumi ang kanyang mukha. Magulo ang buhok. May
mga punit ang kanyang damit. At puno ng galos ang kanyang
katawan.

Gusto kong itanong kung ano ang nangyari sa kanya. Bakit madami
siyang sugat. Subalit lumapit lamang siya sa akin. Naramdaman
kong hinawakan niya ang aking pisngi.

"Don't leave me, Laura."

I rest my cheeks against his palms. Naramdaman ko ang init ng


kanyang palad. Pumikit ako. Isang ingay ang biglang
umalingawngaw sa paligid. Binuksan kong muli ang aking mga mata.

A gunshot.

Hindi ko alam kung saan galing yon. Linibot ko ang tingin sa madilim
na kakahuyan. Pero bumalik ang attention ko kay Zander. Halos
mangilabot ako nang bumagsak siya sa harapan ko.

"Zander!"

Nakita ko ang pagdaloy ng dugo mula sa kanyang dibdib. Halos


manginig ang buo kong katawan. Nanghina akong lumuhod sa tabi
niya. Subalit halos takasan ako ng lakas nang makita ang bagay na
nasa aking palad. Isang malamig na bagay na gawa sa metal ang
aking hawak. Isang baril.

Hindi.

Umupo ako at tinakpan ang aking tenga at pumikit. Sumigaw ako.


Pumuno ito sa buong madilim at tahimik na paligid. Tears started
streaming down my eyes.

Hindi ito totoo.


--

"Laura."

Napabalikwas ako ng bangon. That's when I realized that tears were


blurring my eyes. My breathing was deep. Nanlalamig ang aking
katawan.

"A nightmare?"

Napatitig ako sa taong nakatayo sa tapat ng aking kama at nag


aalalang nakatitig sa akin. Tuluyan akong nanghina noong maaninag
ko ang kanyang mukha mula sa liwanag ng buwan.

"Zander."

Masyadong malalim ang naging panaginip ko at natatakot ako na


baka hindi parin ako tuluyang gising. Bigla ko siyang niyakap.

Naramdaman kong yumakap siya sa akin pabalik. "Are you okay?"


tanong niya.

Tumango ako pero ramdam ko ang panginginig ng buong katawan


ko. "Sshh, Laura, calm down."

Hinagod niya ang likod ko at marahang hinalikan ang noo ko. Gusto
kong magsalita. Pero tanging hikbi lang ang lumalabas sa bibig ko.
Hindi ko alam kung saan nangagaling ang panic na kumakalat sa
sistema ko. Ayokong nararamdaman ito.

"Zander-"

"I'm sorry. I'm here now, Laura. Calm down."

Pero hindi ko magawang kumalma. Paulit ulit na pumapasok sa


aking isip ang panaginip na yon. Mahigpit akong humawak sa kanya.
Hangang sa hinayaan niya akong manatili sa kanyang bisig.
Pinagmasdan ko ang mga mata ni Zander na nakatitig sa akin.
Umiling ako. Panaginip. Isa lang yong panaginip.

Ilang minuto ang lumipas bago ako muling kumalma. Naramdaman


kong umupo si Zander sa kama habang yakap parin ako. Muli niya
akong hinalikan sa noo. Napapikit ako nang dumampi ang labi niya
sa aking balat.

"I'm here now."

Hiniga niya ako sa kama. Naramdaman kong muli ang pagod dahil
sa pagdantay ng katawan ko sa malambot na kama. Inayos ni
Zander ang kumot sa aking katawan. Nakaupo siya sa kama habang
nakasandal sa headboard at ako ay nakahiga sa kanyang tabi.

"Matulog ka na." Narinig kong sinabi niya. "Nandito lang ako


hangang makatulog ka."

My breathing remained uneven. "Saan ka nangaling?" tahimik kong


tanong.

"Sa mga borders ng bayan."

Tahimik ang paligid. Hindi ko alam kung anong oras na. Tanging
silhouette niya na lamang ang aking nakikita.

"Zander..." Hinawakan ko ang kanyang palad. "Lay here with me."

Naramdaman ko ang bahagya niyang paghugot ng malalim na


hininga. "Just sleep, Laura."

"Please."

Bumuntong hininga siya at nahiga sa tabi ko. Lumubog ang kama sa


bigat niya. Bahagya akong tumingala upang humarap sa kanya.
Zander's eyes were darker than usual. His profile gleaming beneath
the silver moonlight. Pinagmamasdan niya ang aking mukha.
"What's wrong?"

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. I felt his body tensed


up. Sinandal ko ang aking noo sa chin niya at pumikit. Unti unting
bumalik sa akin ang aking panaginip. Tears slowly blurred my vision.

"Zander..." I whispered.

It was just a dream. Paulit na ulit ko itong sinasabi ko aking sarili.


Gusto kong makalimutan ang bagay na yon ngayong nasa harap ko
na si Zander. Muli kong hinawakan ang mukha ni Zander. But this
time I lean in to kiss him.

Nabigla siya sa ginawa ko. Ito ang unang pagkakataon na ako ang
unang humalik sa kanya. Naramdaman ko ang mga braso niyang
mahigpit na yumakap sa akin. He kissed me back, a deep lingering
kiss. And I knew that time, I would never hurt Zander.

Tuesday ng umaga noong una ko itong maramdaman. Hindi lang ito


mga tingin ngayon. Someone was following me.

Ramdam ko ito habang naglalakad sa hallway, sa parking lot, o


kapag nasa tahimik akong parte ng campus. I could hear their faint
footsteps. Pero tuwing lumilingon ako, wala akong makikitang
kakaiba maliban sa mga taong normal ng nakapaligid sa akin.

Minsan sasadyain ko na bagalan ang paglalakad to get a better


listening. Pero mananatili ang distansya ng ingay. Hindi ito lalapit o
magmamadali. Tila pinagmamasdan ako, inoobserbahan.

Ang mas nakapagtataka ay walang nararamdamang kakaiba ang


mga tao sa paligid ko. The orders would often greet me as usual
kapag nakikita nila ako. Kapag nasa paaralan si Sebastian ang
madalas kong kasama.
Alam kong sila ang unang makakapansin kung may kakaibang
nangyayari sa bayan. Was I overanalyzing things? Hindi ko
mapigilan mangamba. Alam kong may mali dito. I need to find it out.

Loraine Van Zanth

Pinagmasdan ko ang tahimik na paligid habang nakaupo sa isa sa


mga lawn chair na makikita sa garden. It was mid afternoon. Tahimik
at maalinsangan ang paligid. The greens and rare burst of pastel
colored flower in the garden was unusually vibrant.

The plants were still rumpled and the trees maintain their dark
stature. Pero hindi na ito tulad ng dati na mala gubat. It seemed like
little by little, the cold frame was being filled with patches of color,
making the garden balance.

Narinig ko ang yapak na papalapit sa kinaroroonan ko. Senior Helga


came with a tray of coffee on her hands. Binaba niya ito sa metal
table na nasa harap ko.

"Malalim yata ang iniisip mo." Sinabi niya. "Madalas kang pumunta
dito kapag may bumabagabag sayo o gusto mong kumalma at mag
isip."

Humarap ako kay Senior Helga. I smiled. "You know me so well."

Umupo siya sa silyang katapat ko. Alam kong may idea siya kung
ano ang bumabagabag sa akin ngayon.

"Ngayong Sabado ang death anniversary ng aming grandparents."

Marahan siyang tumango. "Hindi ko nakakalimutan yon."

I stared at Senior Helga. Siya ang isa sa iilang tao na


pinakapinagkakatiwalaan ni grandma. And one of the most
devastated one noong namatay ito.

"Pupunta ba kayo ngayong taon?"

I gripped the warm coffee cup on my hand. "Probably."

Tuwing sasapit ang death anniversary ng grandparents namin,


bumibisita kami sa ancestral house ni grandma sa labas ng bayan. It
was a tradition.

"Pupunta ba si Zander?"

Doon ako hindi nakasagot. Nitong mga nakaraang taon mula noong
namatay ang aming mga magulang ay iniiwasan niya ang okasyong
ito o ano mang okasyon na konektado sa pagkawala ng aming
pamilya.

"Wala pa siyang sinasabi tungkol dito." Sagot ko.

Hindi ko siya masisisi. The house is govern by my late


grandmother's relatives. Our relationship is on civil terms but we're
not exactly welcome at the place. Ngayon na wala na ang aming
mga magulang, wala na siyang dahilan para harapin sila. Facing
them is like facing fact that we are the remaining Van Zanth in town.

"Noong nakaraang taon, hindi siya bumisita." Saad ni Senior Helga.

Last year, I was still on my biological mother's place. The spoon


clicked the walls of my cup as I stir.

"But they heard about Laura and they want to meet her."

Natigilan si Senior Helga.

"Kapag nalaman ito ni Zander siguradong mas lalo siyang


magmamatigas na pumunta." Senior Helga said.
"But we all know that the reason why they loath our family is
connected to Laura." A lone gust of wind blew across the garden. I
sighed.

"Hindi namin ito maaaring iwasan. Lumiliit ang aming mga mundo
lalo na ngayong magkasama na si Zander at Laura."

But until when? That is what bothers me. Everything that happened
in the last few months is just a taste of what can happened in the
near future.

They are young, with lives ahead of them. They may feel the
connection, but we're still humans. And humans have the tendency
to let go when things get difficult.

Sooner or later everything will be interconnected. One information


may lead to someone's strength or downfall. It's a crucial time. And
both of them is still unsure on which side to take and where this is all
heading.

Sinadya kong hintayin ang kapatid ko noong gabing yon. Nanatili


ako living room ako. The clock already stroked midnight. I was
staring at the luminous moon on the ink like evening sky.

Maya maya pa bumukas ang front door. Pumasok si Zander. His


steps were solid yet silent on the wooden floor. He has the
composure of a leader and the move of a predator.

He shuffle his hair lightly with his fingers. Dumerecho siya sa


staircase. He knew I was on the living room. But he never bothered
with greetings. Isa ito sa mga problema ng aming Ama noong
pinapalaki kami.

Zander was calm but detached. It was instilled in his mind at a young
age that he will become the alpha. He was trained to be formal and
civil, to be of power and authority. But he was never taught of
emotions. He bow for no one.

Pinaalala ko sa kanya ang tungkol sa pagbisita sa ancestral house


ngayong darating na Sabado.

"They also want you to bring Laura."

Huminto siya sa paglalakad.

"Wala akong balak pumunta." Sinabi nito.

"Zander, you and I know that they have to meet Laura sooner or
later."

Napansin kong nag igting ang kanyang panga. Zander knew what I
was referring to. Hindi magiging ganyan ang kanyang reaction kung
totoong wala siyang pakialam.

I was hoping that if they meet her sooner, maybe they will
understand. Hindi namin alam kung may oras pa ba kaming natitira
bago malaman na nasa Van Zanth si Laura.

"Zander, Laura will soon recognize what's happening. We can't keep


things from her."

Kinuyom niya ang kamao. I almost thought he would say something.


Maybe a falter in his cold eyes, or a little doubt in his usual
commanding voice. Anything that could betray the emotion he's
hiding. Pero nanatili siya sa pagiging kalmado.

"I'm not planning to."

Tanging sinabi niya bago nagpatuloy sa pag akyat sa hagdan.


Bumuntong hininga ako.

Until when, Zander?


Lumipas ang ilang minuto bago ako sumunod sa taas. Pagtapak ko
sa second floor nakita ko na pumasok si Zander sa kwarto ni Laura.
Ilang segundo ang lumipas lumabas din ito. Sinara niya ang pintuan
bago umakyat sa sarili niyang kwarto.

He often to that. Kapag madaling araw o late siyang nakakauwi, he


would go to Laura's room to check if she's asleep, kissed her
forehead goodnight, before taking a rest in his own room upstairs.

Pinagmasdan ko ang kapatid kong naglalakad sa madilim na


staircase hangang sa tuluyan siyang mawala sa paningin ko. And in
that moment, things became clear to me.

Zander needs time. He needs all the time he can buy to keep Laura
away from the truth. Because he's afraid he might lose her. He's
afraid that this time, Laura won't choose him.

***
Chapter 29: Faded History
Chapter 29: Faded History

Hindi ko maiwasan na magtaka. Ito ang unang beses na pinatawag


ako ni Zander. Kadalasan siya ang pumupunta sa aking kwarto
kapag gusto niya akong makausap.

Naglakad ako papunta sa study room. I wonder what he wants to tell


me. Nitong mga nakaraang araw napansin kong malalim ang
kanyang iniisip. Lagi siyang napapabuntong hininga. Minsan
nakatayo siya sa balkonahe ng mag isa. Tila isang importanteng
desisyon ang kanyang pinag iisipan.

Kumatok ako sa pintuan. Nanatiling tahimik ang paligid.


Nagdalawang isip ako bago binuksan ang pinto. Bumungad sa akin
ang maliwanag na kwarto. Nakahawi ang kurtina ng malaking
bintana na makikita sa dulo ng kwarto.

"Zander?"

Maingat kong sinara ang pintuan bago naglakad papasok. Tahimik


ang paligid. Nandito ba siya? Isang bagay ang nakakuha ng aking
attention. Isang makapal na libro ang nakapatong sa kahoy na
mesa. Nilapitan ko ito. There were several pictures pasted on the
pages. It was a photo album.

"Hey,"

Napaatras ako sa gulat. Nabangga ng aking likod ang dibdib ni


Zander. I breathe deep. These past few days I've been anxious.
Kahit maliit na galaw o ingay nagugulat ako.

Akmang lilingon ako kay Zander nang maramdaman ko ang kanyang


brasong bumalot sa aking balikat. Zander is tall and he can easily
envelop me against his broad chest. His body heat radiates from
him.

Bumaba ang kanyang braso sa aking bewang at mas naging


mahigpit ang kanyang yakap. One thing people didn't know about
their alpha, Zander is clingy.

"Zander, you scared me."

His warm breath tickled my bare neck where his head slowly bury
itself between my bare neck and shoulder blade.

"Did I?" Humigpit ang kanyang pagkakayakap. "Do you want me to


apologize?" He asked playfully.

I know Zander. I know him too well to be aware how these gestures
is his way of pulling himself together from whatever is bothering him.
Kinalas ko ang kanyang braso upang humarap sa kanya. But aren't
we under the same circumstances? May mga bagay din akong hindi
masabi sa kanya.

"Tell me what's bothering you," I said.

Tinitigan niya ako. He gave me a gentle smile. Like he just proved


something.

"Some people wants to meet you."

Meet me? Nakaramdam ako ng pangamba. My history of meeting


people in relations to Zander were not exactly nice experiences.

"If you're not comfortable with it, you don't have to go."

Napansin ni Zander ang pangamba sa mukha ko.

"Who are they?" I asked.


"They are my late grandmother's immediate family," said Zander. "It's
my grandparents death anniversary tomorrow."

"I'm sorry to hear about that," nasabi ko. "I'll go."

Naramdaman ko ang paghinga ng malalim ni Zander. Tila pinipigilan


niya ang sarili na magsalita pa. Kumalas si Zander mula sa
pagkakayakap.

"Are you sure?"

I can see it in his eyes. It was as if what I've said could alter a
profound decision. A decision he didn't wanted to make.

"Yes." But I have to.

--

Halos isang oras na kaming nasa byahe. The inside of the car was
silent. Kasama ko si Zander sa sasakyan habang nasa kasunod
naming sasakyan si Aunt Helga at Miss Loraine. Naiwan sa
pamamahala ni Sebastian ang bayan.

Today was the death anniversary of the great Van Zanth's third
generation. Maging ang buong bayan nagluluksa. The town was
solemn and bare. Noong dumaan kami sa downtown makikita ang
lungkot at pag gunita sa mukha ng mga tao.

Hindi ako mapalagay. Mula noong magising ako kaninang umaga


hangang sa mga oras na ito. May kung anong bumabagabag sa akin
ngayong araw na ito. Lumingon ako kay Zander na nagmamaneho
sa tabi ko. He was unusually silent today.

Hinigpitan ko ang pagkaka suot ng itim niyang jacket sa katawan ko.


I forgot to bring a jacket so he gave his earlier. Maliban doon wala na
kaming ibang napag-usapan pa. All I know is we're heading to his
grandmother's ancestral house.
"Malapit na tayo."

Nasira ang katahimikan sa loob ng sasakyan dahil sa kanyang


sinabi. Natigilan ako at tumingin sa labas ng bintana. Paakyat kami
sa isang burol. Nagtataasan ang mga puno sa paligid. The asphalt
road was silent and secluded.

Mula sa di kalayuan, isang bagay sa gitna ng berdeng kakahuyan


ang nakatawag sa aking pansin. They seemed to be small towers
and chimney from a gigantic house above the hill. The brown brick
wall slowly surfaced from the green surrounding as the car got
nearer.

Napansin ko ang paghigpit ng hawak ni Zander sa manibela nang


pumasok kami sa gate nito. Maluwang at malinis ang property. May
kakaibang katahimikan na bumabalot dito. It seemed like the silence
in this place is listening. The trees were strategically plotted to shade
the property from the sun.

Ilang tagapagsilbi ang nakaabang sa tapat ng malaking pintuan ng


bahay. House is an understatement. Mas maluwang pa ito sa
mansion ng mga Van Zanth. Huminto ang sasakyan sa driveway.

"If you feel any discomfort just tell me right away."

Tumango ako. Sabay kaming bumaba sa sasakyan. Sa likod namin


huminto ang sasakayan ni Miss Loraine at Aunt Helga. The maids
bowed their heads as we approached the front door. Isang bagay
ang aking napansin. Hindi sila tumitingin sa aming mga mata. The
formality in the air was suffocating.

They lead us inside the mansion. Habang naglalakad nakaramdam


ako ng mabilis na pagbago ng pintig ng aking dibdib. It was so
sudden and strong it almost made me breathless. Humawak ako sa
aking dibdib at huminga ng malalim. What's this?

"Laura,"
I was a little disoriented when I heard Zander voice. He was
searching into my eyes. Like he know what just happened.

"Nasa loob na po ang lahat."

Bumalik ang attention namin sa tagapagsilbing nagturo sa amin ng


daan. Nakatayo kami sa tapat ng higanteng double door. Yumuko
sila upang padaanin kami.

Zander stared at me. I manage to give him a half smile. "Go."

Binuksan niya ang pinto. The pain on my chest was worsening. This
place... what is this place? Bumungad sa amin ang isang common
room. Naamoy ko ang samyo ng bulaklak at scented candle.
Gigantic pictures frames and other memorabilia lined the walls.

May mga sofa at mesa na makikita sa buong kwarto. It almost look


like a room for exhibits. May hawak na inumin ang mga tao habang
nag tahimik na nag uusap. Nakatalikod sila mula sa amin. Subalit
napalingon sila nang marinig nila ang aming pagdating.

There are more than five people in the room. But my vision zeroed
into an old lady beside a man sitting on a wheelchair. Nakatayo sila
sa pinakadulo ng kwarto malapit sa bintana. Kinailangan kong
huminga ng malalim. Something was wrong with me. Pakiramdam
ko nanghihina ako sa lugar na ito.

"The Van Zanths are here. Finally."

Ang matandang nasa wheelchair ang nagsalita. Lumapit ito sa amin


habang nakaalalay ang matandang babae sa likuran niya. Tumabi
ang mga tao upang padaanin sila. Napansin ko ang discomfort sa
mukha ni Miss Loraine. Tila ba maging sila ay nahihirapan sa
paghaharap na ito.

"The alpha, Zander Van Zanth and her half sister Loraine Van
Zanth."
Zander recognized the greeting. But he didn't bow like what Miss
Loraine did. Maging si Aunt Helga ay yumuko upang bumati.

"It's an honor to have you here in my sister's death anniversary."

There was a strange meaning on his statement. He didn't mentioned


that her sister is also the grandparents of Zander and Loraine. I
knew little of the Van Zanth's history. But I'm aware that the death of
the well beloved wife of the late alpha was grieved by many.

Bumaling ang matanda sa aking direction. My chest automatically


constricted. Hindi ko siya magawang tingnan sa mga mata.
Humawak ako sa palad ni Zander. Napansin ito ng matanda.

"Hindi ka ba komportable hija?" There was venom in his crackling


voice. The question was not meant for concern, it was dripping in
malice.

"I'm fine, sir." I tried to reply.

Sumenyas siya sa babaeng nasa kanyang likuran. "Kung ganoon


magsimula na tayo."

The wheelchair clad senior and the old lady headed to the curtain
covered door. Binuksan ito ng matandang babae. I thought at first we
were going inside another room. Subalit babigla ako nang isang
hardin ang aking nasilayan.

The door was directed to the back of the property. Napakatahimik at


payapa ng paligid. Maririnig ang huni ng mga ibon mula sa malapit
na kakahuyan. Lumabas kami mula sa mansion. Kasunod namin
ang tatlong matanda na nadatnan namin sa common room. They
were talking in hushed voices.

Nang tuluyan kong masilayan ang lugar napagtanto ko na isa itong


sementeryo. A private cemetery. The grass was trimmed. The plants
and trees nicely kept. At sa dulo nito malapit sa kakahuyan ay
dalawang puntod. Ang puntod ng grandparents ni Zander at Miss
Loraine.

--

There was a short ceremony. It has something to do with the ruler


family's tradition. The immediate family was in front. Nanatili ako sa
likuran kasama si Aunt Helga at ang tatlo pang matanda mula sa
mansion.

Hindi ko mapigilan na mapatitig sa dalawang puntod sa aking


harapan. The place was solemn. I want to pray for the peace of
these people. Subalit may kung ano sa likod ng aking isipan na
dahilan kung bakit hindi ko magawang makalapit sa dalawang
puntod. Like touching an electrically charged iron, I kept my
distance.

Tumagal ang taimtim na programa ng halos isang oras. Kinalimutan


ko ang hindi maipaliwanag na pakiramdam na bumalot sa akin. I
though everything would end up civilly. But I was wrong. Patapos na
ang programa nang magsalita ang matandang lalake.

"Nakakapanghinayang ang ganitong kapalaran."

He was talking to the gravestone. But his next words hit me like a
hammer.

"Ang apong hindi mo nasilayan ay nandito ngayon kasama ang apo


ng taong gumawa nito sayo."

Napantig ang aking tenga. My mouth went dry. Nanatili akong


nakatitig sa puntod.

"Inaasahan mo bang mayayari ito, mahal kong kapatid?"

Isang kamay ang humigit sa braso ko.


"Let's go."

Galit si Zander. Halos kaladkarin niya ako paalis sa lugar. Hindi ako
nakapagsalita. Iniwan namin ang mga tao at bumalik sa loob ng
mansion. Hangang sa makarating kaming muli sa front door at
sumakay sa sasakyan.

Binuksan niya ang pintuan at pinapasok ako doon. Subalit bago pa


mapaandar ni Zander ang sasakyan isang matinding sakit ang
biglang bumalot sa aking katawan.

Napahawak ako sa aking dibdib. I clenched the piece of fabric


covering it. I couldn't breathe.

I heard Zander cursed. "Fuck this god forsaken place."

Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan. Panay ang tingin niya sa


akin. He wanted to tend to me but we need to get away. Whatever
this pain was, I'm sure it has something to do with the place.

Nang bahagya na kaming makalayo, unti inting kumalma ang


paghinga ko. The aggressive rise and fall of my chest became
moderate. Huminto nang tuluyan ang sasakyan. We were in the side
of the road overlooking the tall evergreen trees and rocks formation
below the hill. Ang tuktok ng mga puno ay halos kalebel lang ng
daan kung nasaan kami.

Agad na humarap sa akin si Zander. "Are you okay?"

Tumango ako. More than concern, there was hatred in his dark eyes.
Nakakuyom ang kanyang palad na hawak ang manibela. Halos
iuntog niya ang sarili dito.

"I should have expected this from him." Zander was muttering words
I couldn't comprehend.
Pinagmasdan ko si Zander. Veins started to be visible against his
toned arms. His eyes flicking a dangerous golden color. He was
losing his control. Hinawakan ko ang kanyang palad.

"Calm down, Zander. I'm okay."

Zander blinked. Bumalik siya sa kasalukuyan. He was suddenly


aware that he's inside a compact vehicle with me.

"I'm sorry." He breathed. "Hindi na dapat kita sinama dito."

Umiling ako. "Hwag muna natin itong pag usapan. Kumalma ka


muna. I won't let you drive in this state."

Nanatili kami sa gilid ng daan. It was almost noon. Ngunit


maaliwalas ang panahon. Mababa ang puting mga ulap. Lone
breeze swept through the trees making the thin nail like leaves rattle.
It was almost comforting to be here with Zander, away from the town
and everything that lies beyond it. We were in the middle of
nowhere, and somehow we found peace.

Nanatili ang aking palad sa kamay ni Zander. Nakasandal ang


kanyang ulo sa head rest at nakatingala sa ceiling ng sasakyan. His
eyes were closed, his neck flexed, his adam's apple visible, and his
breathing controlled. He was dark, destructive and mine.

Hinawakan ni Zander ang palad ko. Nanatili siyang nakatingala nang


magsalita.

"My grandmother's family, they loathed us. She was their only sister.
Their princess. They were one of the most powerful family in Van
Zanth. My ancestor's family friend and trusted alliance."

Binuksan ni Zander ang kanyang mga mata. His eyes were fixed on
the car's roof, reliving his family's faded history.
"They entrusted her to a Van Zanth. It was a fixed marriage. A
partnership between two families. But grandmother, she loved my
grandpa."

"Both of then were hybrids. But Grandma was well loved by local
people and even by humans. Grandma has a soft spot for them. But
she ended up being killed by them."

Natigilan ako. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Zander sa


kamay ko.

"It was then that grandpa realized the commitment he felt for his wife
was indeed love. It was too late. He was devastated."

"All this time, grandma's brothers thought it was a tragic negligence


in the part of my grandpa. Ang buong akala nila walang naging
pakialam ang Lolo namin sa aking Lola. Na hinayaan niya itong
mamatay."

Everything... everything that Zander was saying felt like a dagger


being stabbed on my chest.

"His brothers thought that all those love, those compassion, and
commitment was an act to show the public that their marriage was
what Van Zanth needed. The town was just starting back then.
People needed something to looked up to. And two powerful family
thought that a good leader with a perfect marriage would settle the
people."

"But disaster after disaster happened. My grandmother died. Her


family blamed the Van Zanth for her death. My grandpa fell ill.
Generations had passed. Hindi na naibalik pa ang samahan ng
dalawang makapangyarihang pamilya sa bayan. We are family by
law. But hatred for each other runs in our blood."

"Zander, will you tell me the truth?"


Tuluyang lumingon si Zander sa akin.

"Am I related to the person who killed your grandmother?"

Hindi siya sumagot. Bumalik siya sa maayos na pagkaka upo sa


driver's seat. The vulnerability I saw from him was gone. He was
back to being the unfazed Zander.

"Zander, I need to know."

"If this truth can ruin us, do you still want to know?"

I stared at him. "Yes."

There was a sad expression on Zander's face. Pinaandar niya ang


sasakyan.

"I'll tell you everything when we get back."

Tumango ako. Muli kaming nagbyahe. Pinagmasdan ko ang


payapang paligid mula sa bintana. Because I know that this peace,
right here beside Zander, away from the town and from people's
opinion, will be the last.

***
Chapter 30: Attack
Chapter 30: Attack

Hapon na noong nakabalik kami sa bayan. Sa border palang


naramdaman na namin na may hindi tama. Wala ang mga orders na
madalas ay nakabantay dito. They are the one who checks every car
or vehicle that past through the territory of Van Zanth.

Nagtaka si Zander. Nagpatuloy kami sa pagmamaneho pauwi sa


bayan. Pero habang palapit kami sa sentro nito tuluyan naming
naramdaman ang pagbabago sa atmosphere ng paligid. The air was
heavy and tensed. Malayo ito sa tahimik na bayan noong umalis
kami. Something must had happened when we were gone.

Nakarating kami sa downtown. Halos walang taong makikita sa


labas. Ang ilan na nadaanan namin ay nagmamadali na makapasok
sa kanilang mga tahanan o tindahan. Their faces were anxious, their
moves rigid and careful. Isa sa mga orders ang nadaanan namin.
Papunta ito sa gymnasium ng bayan. Huminto ang aming sasakyan.
Agad nakilala ng order kung sino ang may ari nito. Agad siyang
tumigil. Nang bumukas ang pinto at nakita niya si Zander, yumuko
ito.

"Ano ang nangyayari dito?" Tanong ni Zander. "Nasaan ang orders


na nagbabantay sa bayan?"

"Alpha," Tila nag alangan ito sa sasagot. "Sugatan ang karamihan sa


mga orders na nagbabantay sa mga borders."

Nag igting ang panga ni Zander.

"May nakapasok po sa bayan."

--
Mabilis ang pagpapatakbo ni Zander sa sasakyan. Napansin ko ang
mahigpit na hawak niya sa manibela. Ilang minuto lamang ang
lumipas dumating kami sa harapan ng gymnasium ng Van Zanth.

"Stay here."

Lumabas siya mula sa sasakyan. Agad siyang binati ng mga orders


na nasa lugar. Pumasok siya sa pintuan ng gym. Labas pasok ang
mga orders dito. A lot of them had stains of blood in their clothing
and injuries in their body. Hindi ako nakatiis. Lumabas ako mula sa
sasakyan at sumunod sa loob ng gym. Ilang orders ang pumigil sa
akin.

"Miss Laura, mas makabubuti kung hwag muna kayong papasok."

"I need to talk to Zander."

"Pero Miss Laura,"

Nilampasan ko sila. Alam kong hindi nila ako tuluyang mapipigilan.


Nang makapasok ako sa loob isang hallway ang bumungad sa akin.
Naging tahimik at bahagyang madilim ang paligid. Napatingin ako sa
sahig, katabi ng aking sapatos ang mga patak ng dugo sa sahig.
Muli akong naglakad. The only sound resonating on the hallway was
my footsteps. Bumabalot sa paligid ang pinaghalong amoy ng
alcohol at dugo. Unti unti kong narinig ang mga ingay. Voices
shouting frantically, screams of pain. Mga nagmamadaling yapak sa
sahig.

Tumigil ako sa paglalakad noong nasa dulo na ako ng hallway.


Nagdalawang isip ako na tingnan ang nasa likod ng malaking
pintuan. I know what I will see inside can ruin me. Hinawakan ko ang
pintuan at unti unti itong tinulak.

I froze. Blood. Every body I saw in the place were stained with blood.
May sugatang orders na nakahiga sa sahig. Ang iba ay nakasandal
sa pader. Ilang mga nurse mula sa local hospital ng Van Zanth ay ng
nasa lugar. Kasama nila ang natitirang orders sa pag gamot sa mga
sugatan.

Out of the corners of my eyes, I saw Zander. He was talking to


Sebastian. Halos matutop ko ang aking bibig nang makitang maging
si Sebastian ay sugatan. Binabalutan ng benda ang bahagi ng
kanyang likod. Lumapit ako para kamustahin siya. Ngunit natigilan
ako nang marinig ang pag uusap nila ni Zander.

"Hunters." I heard Sebastian said. "Nakapasok na sila sa teritoryo."

Napa-atras ako. Tahimik akong umiling. Hindi. Tuluyan akong


lumayo. Nanginginig ang aking mga binti. Nakabalik ako sa
sasakyan. Ngunit hindi ako mapalagay.

Ilang minuto ang lumipas pero hindi parin ako kumakalma. Alam
kong hindi pa makakabalik si Zander sa mga oras na ito. Binuhay ko
ang engine ng sasakyan at pinaandar ito. May mga orders na
nagtangkang pigilan ang pag alis ko.

"Miss Laura, kailangang malaman ni alpha-"

"I need to go home." Sinabi ko mula sa nakabukas na bintana. "Tell


Zander I'm heading to the mansion."

Tuluyan akong umalis. Kailangan kong malaman ang totoo. Kung


hindi ito magmumula kay Zander, mabuti pang alamin ko ang gamit
ang bagay na ito. Ito lang ang alam kong makakapag paliwanag ng
lahat.

--

Habang nasa byahe unti unti akong nanghihina. This is why


everyone wanted me to stay away. I could bring chaos in Van Zanth.
Tears blurred my eyes. I tried to wipe it off. I almost lost control of
steering wheel when I saw a person blocking my way. I cursed and
stepped heavily on the break.
Halos tumama ang ulo ko sa manibela. Huminga ako ng malalim.
Hinintay ko ang ilang segundo bago kumalma. Nang muli kong
ibaling ang tingin sa labas, nanlamig ang aking katawan. He was
standing there, with a light smile on his full lips. Hindi ko akalain na
makikita ko siyang muli. The outsider.

Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Nanatili ako sa loob ng
sasakyan. It was a de ja vu. Halos ganito din ang sitwasyon noong
una kaming nagkita. Lumapit siya sa akin. Alam kong hindi niya ako
sasaktan. I could see it in his eyes. Tila ba kilala niya ako maliban pa
sa pagiging mate ng alpha.

Kumatok siya sa bintana ng driver's seat. I gripped the steering


wheel tightly. What is he doing here? He can't be here.

Dahil sa frustration at pangamba, binuksan ko ang pintuan ng


sasakyan at bumaba. Napaatras siya. Nang tuluyan na akong nasa
harap niya, ngumiti siya. A strangely genuine smile.

"Long time no see." Bati niya.

"Hindi ka dapat nandito." Sinabi ko. How can he even smile in this
critical situation?

"Bakit hindi?" Balewalang tanong niya.

Wala akong makitang pangamba sa kanyang mukha. Maybe he's


more dangerous than I thought. Napaatras ako.

"I-I have to go."

Akmang babalik na ako sa loob ng sasakyan nang hawakan niya


ang aking braso. I flinched. Agad akong lumayo sa kanya.
Pakiramdam ko nakuryente ako.

"Masyado ka ng naging malapit sa kanya."


Naging seryoso ang boses nito habang nakatitig sa akin. Tila hindi
niya nagustuhan ang nalaman.

"Ano bang sinasabi-"

Natigilan ako. Tinitigan ko ang kwintas na suot niya. Isang familiar na


bagay ang nakasabit dito. A bullet. Pareho ito ng sa akin. Bumalik
ang tingin ko sa mukha ng lalake. My mouth went dry and my
breathing suspended. Madaming tanong ang pumasok sa aking isip.

"Who are you?"

"Laura, kakampi mo ako."

Umiling ako. Hindi maaari. Impossible na may kinalaman siya sa


aking pamilya.

"Nandito ako para balaan ka."

"Hindi ko alam ang sinasabi mo."

"Laura, ang lahat ng ito, sa ayaw mo man at gusto ay may


kinalaman sayo. Kaya nilang wasakin ang bayan na ito."

"Stop messing with me!" Halos singhal ko. "I don't even know you."
Mariin kong sinabi.

For a second pain flashed in his eyes. Pero agad itong nawala nang
muli niya akong balaan.

"You don't belong here, Laura. The earlier you realize it, the better."

Tinitigan niya ako at bahagyang ngumiti.

"Siguro nga hindi ito ang tamang pagkakataon. Kung handa ka ng


harapin ang katotohanan, alam mo kung saan ako makikita."
Tuluyan siyang umatras palayo sa akin. Pero ramdam ko na maging
siya ay nagdadalawang isip na hayaan akong umalis. Why was he
so worried?

Gusto kong masagot ang aking mga tanong. Gusto ko siyang


makausap. Ngunit nangangamba ako na baka mapahamak siya sa
lugar na ito dahil sa akin.

--

Panay ang tingin ko sa side mirror habang nagmamaneho pabalik sa


mansion. He stood there, carelessly, in the open. Walang takot na
mababakas sa kanyang mukha maliban sa pangamba noong
hinayaan niya akong umalis.

Noong tuluyan na akong nakapasok sa property ng mansion,


pagsilip kong muli ay wala na siya. Hindi ko alam kung makakahinga
ako ng maluwag o mas mangangamba. How can someone like him
roam freely in Van Zanth?

Walang tao sa mansion noong dumating ako. Nasa ancestral house


parin si Miss Loraine at Aunt Helga. Baka mamayang gabi pa sila
makauwi. Umakyat ako sa aking kwarto. Sa second floor nadatnan
ko ang pusang si Elvis na tila naramdaman ang pagdating ko.
Bumalot ang kanyang mabalahibong katawan sa aking paanan. I
have to usher him away.

Nagmadali akong pumunta sa aking kwarto. Pagpasok ko kinalkal ko


ang aking drawer. Isang bagay lang ang kailangan kong makita.
Nang mahanap ko ito at mahawakan, bigla akong kinabahan. Paano
kung totoo ang lahat ng aking hinala? Makakaya ko bang tangapin?
Tinitigan ko ang itim na kahon na nasa aking palad. Binuksan ko ito.
Kumislap ang metal na nasa loob nito. The bullet.

Kinapa ko sa aking bulsa ang isa pa. Dumikit ang bahid ng dugo sa
panyo kung saan ko ito binalot. Palihim ko itong kinuha mula sa tray
na may kasamang medical instrument bago ako umalis sa
gymnasium kanina. Hawak ang metal sa magkabilang palad,
pinagkompara ko ang mga ito. Same copper bullet. Mine was
engraved with cursive words. The bullet tainted with blood has a
single letter on its base. A.

Napaupo ako sa aking kama. The bullets were almost identical. Tila
isa lamang ang pinagmulan nito. Bumalik muli sa aking isip ang
sinabi ng outsider.

You don't belong here. The earlier you realize, the better.

Sila ba ang may kagagawan nito? Dapat ko bang ipaalam kay


Zander ang lahat ng nalaman ko?

--

Nagkaroon ng meeting ang natitirang orders matapos ang insidente.


Nangyari ito sa mansion at nasaksihan ko ang lahat. Kung paano
nagalit si Zander at kung paano siya bumalik sa pagiging
nakakatakot na leader.

"They would pay for this."

Tahimik akong nakinig habang nasa paanan ng hagdan sa second


floor. Hindi ko gustong malaman niya na nakikinig ako at nakikita ko
kung paano siya magalit. Zander, when it comes to protecting this
town, could be heartless.

"Hunt them down. Kill them. I don't want to see any human hunter
breathing in my territory."

Nakasandal ako sa pader habang naririnig ang kanyang command


sa living room. Napahawak ako sa aking dibdib. May kung anong
sakit ang bumalot dito.

How about me, Zander? Can you really keep me if both of our worlds
collide like this?
***
Chapter 31: Alpha's Mark

Some of the scenes contained mature theme. You can skip the part
or read at your own risk.

***

Chapter 31: Alpha's Mark

Nanatili ang tension sa bayan. Half of the orders were injured. Ang
mga natira at maayos ang kalagayan ay salitan sa pagbabantay at
pagpapatrolya sa bayan. Nag iingat ang halos lahat maging ang mga
normal na taong naninirahan sa lugar. Ngayon lamang ulit
nagkaroon ng ganito kalaking pag atake sa bayan.

Naging busy si Zander. Halos hindi ko na siya makausap. Aalis siya


ng umaga at darating ng hating gabi. Minsan ay hindi na siya
natutulog sa mansion. He stayed at the borders and campsites with
the orders. Lumipas na ang mga araw pero hindi ko parin masabi sa
kanya ang mga pangamba ko. Maaaring may kinalaman ako sa
lahat ng nangyayari sa bayan, na alam ko kung sino ang nasa likod
ng mga pag atakeng ito. Natatakot ako na totoo ang lahat ng
sinasabi ng mga tao sa amin. This is what they were warning us
about. I will bring destruction to Van Zanth. At natatakot ako na
tuluyan makita ni Zander na totoo ang lahat ng sinasabi nila.

If I could only talk to that person. Ang lalake na may alam ng lahat
ng ito. Ang outsider. Sinubukan kong muli siyang puntahan. He said
last time he would wait for me there. Ngunit wala siya sa lugar na
tinutukoy niya. Wala na akong pagkakataon na hanapin siya.
Masyadong delikado kaya kinailangan kong umalis agad. Hindi ko
maiwasang mangamba. Nahuli ba siya o bumalik siya sa bayan na
pinangalingan niya? I hope it was the latter.

Kinabukasan matapos ang aking pagpunta sa border, nabalitaan ko


mula kay Miss Loraine na may mga tagalabas na nahuli ang mga
orders. Nakapasok ang mga ito sa north border. Kumakain kami ng
almusal noong oras na yon. Halos malaglag ko ang hawak kong
kobyertos. Tumigil ako sa pagkain.

"North border?" Tanong ko.

Tumango si Miss Loraine. "According to Sebastian there are at least


three to five people."

"Saan sila nakadetain?"

Natigilan si Miss Loraine. I know it was odd for her to hear those
words from me. Pero maaaring kasama sa mga taong yon ang
lalakeng nakausap ko.

"In the order's quarter at the back of the town hall building." She
stared at me. There was a bothered look on her face. "Why?" She
asked.

"I... I was just wondering."

"Wag kang masyadong mag alala, Laura. Natural lamang ang mga
nangyayari sa bayan na tulad ng Van Zanth."

I tried to smile. I wanted to say sorry for causing all of this. Alam
kong pareho silang nahihirapan ni Zander sa mga oras na ito. They
are the two remaining people from the ruler family. They are the front
row when a larger chaos hits the town. Hindi ko gustong isipin na
dahil sa akin mapapahamak sila.

--

Matapos ang breakfast nagpaalam ako kay Aunt Helga na may


pupuntahan.

"Delikado ang sitwasyon, Laura. Hanga't maaari mas makabubuti na


manatili ka sa mansion."
"Mabilis lang ito, Aunt Helga," sinabi ko. "Babalik din ako agad."

Aunt Helga wanted to say something. Subalit bumuntong hininga


siya saka tumango.

"Kung ganoon mag iingat ka."

Umalis ako sa mansion gamit ang sasakyan. Ilang araw na ang


nakalilipas mula noong nangyari ang pag atake pero hindi parin
bumalik sa dati ang bayan. The peaceful, small town atmosphere I
fell inlove with was gone. Napuno ng takot ang mga tao para sa
kanilang kaligtasan. Ito ang kailanman hindi maiintindihan ng mga
normal na taong taga labas. These people may be monsters in their
eyes, they may have extra ordinary skills. But they can also feel.
They can feel pain, suffering, fear, and the need to protect
themselves. They are people like us. Their skills may protect them,
but it can never excuse them from pain.

Nakarating ako sa lugar na tinutukoy ni Miss Loraine. It was the


order's quarter. Karamihan sa mga meeting ng mga orders at iba
pang importanteng bagay sa bayan ay dito pinag uusapan o ina-
asikaso. It was an old two storey building located in a secluded
compound away from the main downtown. Ang pinakamalapit na
landmark dito ay ang town hall.

I parked the car in front of the building. Ngayon lamang ako


nakatapak sa lugar na ito. Ngayon ko napagtanto na madami pang
lugar sa bayan ang hindi ko napupuntahan. Nagkalat ang mga
orders na makikita sa lugar. High concrete walls surrounded the
place. Alam kong wala dito si Sebastian at Zander. They are
patroling the border.

Nagtaka ang mga orders noong makita ako. Sinalubong nila ako
pagbaba ko sa sasakyan.

"Miss Laura, ano po ang ginagawa niyo dito?"


"Can I check the detainees?"

Nagtaka sila. Nag alangan sila bago sumagot.

"Miss Laura, sa ngayon hindi pinapayagan ang kahit sinong sibilyan


na bisitahin ang mga bilanggo."

"I'm not a civilian."

Napansin nila ang mariin kong tono. Wala na akong masyadong


oras. Kailangan kong malaman sa madaling panahon kung tama ang
hinala ko.

"Pero Miss Laura..."

"I'll tell Zander later. May gusto lang akong malaman."

The mere mention of their alpha made them reconsider my request.

"Kung ganon sumunod po kayo."

Naglakad ang order papasok sa building. I walked behind them.


Bahagyang madilim ang paligid. Halos walang ingay na maririnig
maliban sa yapak ng aming mga paa. Noong makarating kami sa
dulo ng hallway natigilan ako nang makita ang isang underground
staircase.

Bumaba dito ang order. Tuluyang nawala ang natural na liwanag


mula sa labas. The hallway was lit by vintage lamps and torch.
Kasing luma ng halos lahat ng bagay na makikita sa building.
Pagdating namin sa ibaba dalawang orders ang nakabantay sa
pintuang rehas. Yumuko sila noong makita kami. Binuksan nila ang
pintuan.

I was greeted by a narrower hallway. Halos isang tao lamang ang


makakapaglakad ng malaya dito. Nanguna ang order. The two
orders at the doorway stood on guard. Nang makarating sa dulo
huminto ang order. Humarap siya sa akin.

"Nandito po sila."

Hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. Tila ba natatakot akong


kompirmahin ang aking hinala. Was he here? Sino sino ang mga
taong nasa likod ng mga seldang ito? Sino ang mga taong dahilan
ng mga pag atake sa bayan?

Unti unti akong humakbang palapit. Hangang sa maging abot tanaw


ko na ang loob ng seldang tinutukoy ng order. At first all I saw were
silhauttes. Ngunit unti unting naging malinaw ang kanilang mukha
dahil sa liwanag ng torch na kinuha ng order mula sa pader. They
blinked. They stared. Hinanap ko ang kanyang mukha. Ngunit hindi
ko siya nakita sa alin man sa limang nakakulong sa selda. I didn't
recognize the faces in front of me, but they seem to recognized me. I
heard them talking in hushed voices.

"Nandito nga siya."

"Kamukhang kamukha siya ng kanyang Ama."

"Hindi maipagkakaila na isa siyang Arden."

Bahagyang yumuko ang ilan sa kanila na tila binabati ako. Nanlaki


ang aking mga mata. Umatras ako. What are they doing? Humarang
ang order at agad akong pinabalik sa hallway sa itaas.

"Miss Laura, mas makabubuti kung bumalik na kayo sa itaas.


Sasamahan kayo ng isa sa mga order."

I was escorted upstairs. Nang makabalik ako sa hallway mabilis na


sumara ang pintuan ng aking likuran. One of the orders approached
me. He was telling me something. Nagsimula kaming maglakad.
Pero walang ibang pumapasok sa aking isip maliban sa mga
nasaksihan ko kanina.
"Miss Laura,"

Hindi ko namalayan na nasa labas na ako. The sudden exposure to


light hurt my eyes.

"Ihahatid ko na kayo."

"No need."

Pumasok ako sa loob ng driver's seat. I searched frantically for my


keys. Doon ko napagtanto na nanginginig ang aking mga kamay.
The order asked me if I'm okay. I assured him I'm fine before I drove
away from the compound.

--

Hininto ko ang engine ng sasakyan. The driveway of the mansion


became silent. Naisandal ko ang aking noo sa manibela. Pumikit ako
ng mariin. Muli kong naalala ang mga taong nakakulong sa selda.
What I saw from them were recognition, they bowed as if respecting
me. At wala akong magawa kundi ang lumayo sa kanila.

One of them mentioned my father. Nakilala ba nila ito? Nakasama ba


nila? Anong klase siyang tao? Ang aking pamilya, ang mga Arden,
what were they like? Sari saring tanong ang nasa aking isipan.
Tanong na gusto kong mabigyan ng kasagutan. Ang mga taong yon,
are they my people?

Kinalma ko ang aking sarili bago lumabas sa sasakyan. Tahimik


akong pumasok sa mansion. Paakyat na ako sa kwarto nang
matigilan ako sa paglalakad.

"Kung lalala pa ang sitwasyon maaaring maki-alam na ang Council."


I heard Miss Loraine said.

Nag uusap sila ni Aunt Helga sa balkonahe ng mansion.


"Sa ngayon mino-monitor na nila si Zander at ang bayan. They are
waiting for this moment."

"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ni Aunt Helga.

"Hinihintay nilang mapatunayan na walang kakayahan ang natitirang


Van Zanth na pamahalaan ang bayan. Zander was the remaining
heir of this town. Walang sasalo sa position kapag naalis siya. Van
Zanth is an inherent hybrid town. Isa sa bayan na may
pinakamalaking populasyon ng mga hybrid. They are long been
waiting for a ruler transition in this town."

Tumahimik ang buong paligid. Kahit si Aunt Helga hindi


nakapagsalita.

"Isang pagkakamali pa at mawawala sa amin ang bayan. Zander is


too young to face all of the consequences of my family's mistakes
which filed up in his reign. Things are too difficult and destructive,
and to think the chaos are just getting started. But even in the midst
of it, Zander loves Laura too much to let her go."

"Makakaya ba ng bayan? Makakaya niyo ba?"

Habang nakatayo sa tapat ng pintuan ng balkonahe hindi


inaasahang pumatak ang aking mga luha.

"I'm still hoping there is another way. I don't want to think of what will
happen in the future. But I never saw Zander fight for something or
someone like this before. There's only one thing I'm sure of. He's the
only family I have. His fights are my battle."

--

That night I was staring at the town below from the terrace of my
room. I was wearing a pale night dress. Bahagya itong nililipad ng
hangin. The evening was chilly and quiet. Tulog na ang halos lahat
ng tao sa mansion.
Hating gabi na ngunit hindi parin ako makatulog. I heard a noise
below. Ang pagbukas at pagsara ng front door ng mansion. Nakauwi
na si Zander. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang buong
bayan. The lights were like fireflies in the dark.

Ilang minuto pa ay narinig kong bumukas ang pintuan ng aking


kwarto. He always do it. Kissing me goodnight. Minsan
maalimpungatan ako at mararamdaman ang kanyang pagdating.

"Bakit gising ka pa?"

Naramdaman ko ang kanyang paglapit. He stepped in the terrace.


Lumingon ako sa kanya.

"I can't sleep."

He stood beside me. Pareho naming pinagmasdan ang bayan sa


ibaba. I stared at him from the corners of my eyes. Tahimik siya. We
are both thinking of the same situation from a different perspective.
Was is hard, Zander? Napapagod ka na ba?

"The orders told me you went into the quarters."

Natigilan ako.

"Laura, no matter what you heard or saw, and what you will hear or
see in the upcoming days, I want you to know that I will never let you
go. We've come this far. I can't see myself not having you beside
me, or touching or kissing anyone other than you."

Lumingon siya sa akin.

"I want this. To see your face before I sleep, or waking up beside you
and be greeted by your smiles. I want to see your face and know I
made it home. We may be young but I'm going to wait for that day,
work my way up to that day, when I can finally see you in that white
dress and freely tell the world you're mine."
Zander...

"So please, hold on into me. We will make it."

I held his face on my hand. Tinitigan ko siya. At noong oras na yon


doon ko napagtanto ang isang bagay. I'm selfish... I'm selfish for
wanting him to choose me. To hear those words knowing the
consequences behind it. But I can't... I can't lose him. I won't let go.
Not this time, not ever. Even if it's the last thing I will do.

"I love you." Pinagdikit ko ang aming mga noo. I closed my eyes as
tears started to blur my vision. "I love you, Zander."

And then I kissed him. I held him and I kissed him. The taste of his
lips, his crisp outdoor scent, the light stubble on his face, and the
way he took deep breathes, chest rising and falling in sync with
mine. I breathe him all in. Not minding the world below. Because
under the silver moonlight, all that matters is him and me.

He kissed me back, with the same longing, the same warmth and
intensity.

"Laura..." He whispered. "The bond is nothing compared to what I


feel you. No one can destroy us."

He held the back of my head as his kiss deepens. I was breathless,


dizzy, weak from all the sensations he's giving me. I moaned. Zander
cursed. My bare feet was lifted from the floor. Binuhat niya ako
papasok sa aking kwarto.

"Zander..."

"Sshh..."

Naramdaman ko ang malambot na kama sa aking likuran. He laid


me in the bed. His deep ragged breathing, his rough tan skin. Ang
kanyang makapal na buhok sa pagitan ng aking mga daliri, ang
kanyang palad sa aking bewang. He was towering over me and all I
can think of is him. I look like a fragile glass next to him.

"God knows how I've waited to hear those words from you."

Napaangat ako ng katawan nang maramdaman ang kanyang halik


sa aking panga. Hindi ko siya magawang tingnan sa mga mata. I
was too busy savoring his lips on my skin. Bumaba ang labi niya sa
aking leeg. Leaving scorching spots on my soar skin.

"You're mine, Laura Katherine Arden. I won't let anyone take you
away from me."

Tinitigan ko siya. Zander was staring intently at me. Tumango ako.


Because no matter what happens, whatever this impending future
has in store for us, I want Zander to know I'm all his, now and
forever.

One by one the fabrics of our clothes left our skin. Zander kissed
every exposed part of my body, slowly, gently, as if marvelling a
piece of art. I place my hand on his chest, feeling his heartbeat as
loud as mine. His lips enveloped mine. Until I felt the searing pain. I
gasped. Humigpit ang hawak ko sa kanyang buhok. Halos
masabunutan ko siya.

"Zander..."

His name, all I can think of at the moment is his name. My fingernails
on his skin. Him, whispering words to ease the pain. My body shifting
to and fro against the mattress. Our silhouettes dancing in a slow
rhythm.

"Sshh."

A tear slipped from my eyes. Zander gently wiped it with his thumb.
"I love you, Laura. You, everything about you. From your biggest
happiness to your smallest fears and doubts. I want you."

The pain slowly subsided. It was replaced by an intense


overwhelming sensation. My breathing became rapid as Zander's
move became rushed. Tila pareho kaming may gustong abutin.
Napapikit ako sa tindi ng sensasyong dulot nito. I clawed the
mattress with my fingers.

As we hit the peak, another pain flooded me. A different nerve


wracking pain. Bumaon ang dalawang natutulis at nagbabagang
ngipin sa aking balat. Tuluyan napasigaw dahil sa sakit. I arched my
body, scraped Zander's skin, and gasped for air. The two sensations
drowning my body completely send me into the edge. I shouted his
name as we both reached the peak.

Zander kissed my forehead. "I love you. You and I. We will get
through this together."

***
Chapter 32: Insignia

Chapter 32: Insignia

Panandaliang nawala ang banta ng mga hunters sa tetitoryo sa


sumunod na mga linggo. The brooding silence was something the
town was adamant about. May mga nagsabi na natapos na ang gulo
pero maaaring may kapalit ito.

Noong umagang yon nagkaroon kami ng hindi inaasahan na bisita.


Ako ang sumagot sa pinto para sa kanya. Nang buksan ko ito
bumungad sa akin si Venise.

"Good morning."

She wasn't smiling when she greeted me. But she wasn't frowning
eiyher. There was simple nothing in her expression. Ilang buwan na
din ang lumipas mula noong huli ko siyang nakita.

Nilibot niya ang tingin sa loob ng tahimik na mansion. Para bang


inaasahan na niya na ako ang madadatnan dito.

"Can I come in?"

I was pulled out of my train of thoughts because of her request.


Tumabi ako para papasukin siya.

"Nasa downtown sina Miss Loraine." Sinabi ko. "You can wait-"

She cut me off. "Ikaw ang pinunta ko dito." She said. "Maaari ba?"

Tinitigan ko siya. Kalaunan tumango ako. Pareho kaming pumunta


sa balkonahe ng mansion. Hindi ko alam kung para saan ito. Hindi
naging maayos ang huling pagkikita namin.

Nang magkaharap kami napansin kong nakatingin siya sa markang


nasa leeg ko.
"So Zander officially claimed you as his mate." She pointed out.
"That's why stepping on Van Zanth felt different. Our alpha was now
bonded."

The change in their alpha's status was felt. Yon ang naging malinaw
sa akin. Dahil sa mga nakalipas na linggo naramdaman ko ang
pagbabago sa pakikitungo sa akin ng mga tao. They are now more
open, more accepting. Tila isang pader na nakapagitan ang nasira. I
started to gain their trust. Because the night I gave in to Zander was
the night I knew I'll stay by his side no matter what.

"I never expected a selfish decision from him like this." Venise said.
"After everything that happened he chose you over this town, over
his position."

Hindi ko alam kung ang gusto niyang patunayan sa usapan na ito.


But I remained calm. Because I could see it in her eyes. Venise was
pained with all of this.

"I heard everything. Ang pag atake, ang sugatang mga orders, ang
panic at takot na kumalat sa bayan. Do you even know what it felt
like knowing all of this was happening in your town pero hindi ka
makauwi? You worry about your family, about your friends. Pero
wala kang magawa. And you know what's the worst thing?" Tinitigan
niya ako. "It's knowing that this fear, this chaos in your home town,
was caused by a single person, an outsider, a stranger, who
happens to be our alpha's mate."

She hates me. She had him first. Pero maliban doon, alam kong nag
aalala siya para sa bayan kung saan siya lumaki. All the things I
heard from her was from the perspective of the town's people.

"Mahalaga kay Zander ang bayan na ito. Pero dahil sayo maaaring
mawala ito sa kanya."

Natigilan ako sa kanyang sinabi. "Anong ibig mong sabihin?"


"I heard everything from my father. There's a plan for a transition of
power in this town. Maaaring hindi mo pa alam ang tungkol sa bagay
na ito dahil hindi nila gustong ipaalam sayo. But the council was
taking into consideration all of the chaos that is happening in this
town."

Her act of calm sophistication melted at the mention of Zander losing


this town. Isang bagay ang aking napagtanto. Venise cared. About
this town, about Zander. Genuinely.

"I'm not blaming you this time." She said. "Pero kailangan na may
magpamukha sayo nito. Zander can sacrifice everything for you. At
gusto kong yon din ang gawin mo."

Hindi ko inaasahan ang mga katagang yon mula kay Venise.

"I'm supposed to hate you. No, I still do. Pero alam ko kung saan o
kailan ako titigil sa pagpapakita nito. Lalo na kung alam ko may iba
ng maaapektuhan."

Bumaba ang kanyang tingin sa aking katawan. Her expression


somewhat soften. Ngunit mabilis lamang ito. Muling bumalik ang
kanyang tingin sa aking mukha.

"Your surname says it all." Mariin niyang sinabi. "You are a hunter's
daughter. At alam kong alam mo kung sino ka talaga. Yon lamang
ang mga gusto kong malaman mo."

Huminga siya ng malalim. Inayos niya ang gusot sa kanyang damit


at tumayo ng maayos. She was back to being the sophisticated and
graceful Venise.

"Hinding hindi kita mapapatawad kapag sinaktan mo si Zander."

Tumalikod siya at naglakad paalis.

"Wala akong plano bitawan si Zander." Mahinahon kong sinabi.


Tumigil si Venise.

"I'm willing to breach the rules for him."

Lumingon siya sa akin.

"Aasahan ko yan mula sayo." Sinabi niya bago tuluyang lumabas ng


mansion.

Nang nawala siya sa paningin ko huminga ako ng malalim. Umupo


ako sa isa sa mga lawn chair na nasa garden. Nanghihina ako. Pero
alam kong hindi dapat. I knew it all along. Hindi ko lang maamin sa
sarili ko. Dahil alam kong maaaring masira ang lahat. But hearing
those words in the open made it real. It was not a crippling thought
anymore. It was part of my reality. It was inevitable. I'm a hunter's
daughter.

Nang kumalma ako umakyat ako sa aking kwarto. Dumerecho ako


sa lumang cabinet at binuksan ang isa sa mga drawer nito. Muli
kong nakita ang itim na kahon. Hinawakan ko ito. Bahagyang
nanginginig ang aking kamay.

Binuksan ko ito at nakitang muli ang bullet. The bronze metal


gleamed. Holding the familiar object seemed foreign to me. Tila
maging ako ay napapaso na dito. Arden. That letter represents my
family name. An insignia.

Lahat ng mga nangyayari ay upang maiwasan na magkaroon ng


ugnayan ang dalawang lahi. Hindi ko mapigilan na mag alala sa
kayang gawin ng aking pamilya. Kung magpapatuloy at
masusundan ang mga gulong nangyayari maaaring tuluyan itong
ikapahamak ng bayan at ni Zander.

This is what the outsider warned me about. Umupo ako sa kama


habang hawak ang kahon. I need to do something. Ang outsider.
Kailangan ko siyang makausap.
--

Ilang araw ang lumipas nang maalimpungatan ako dahil sa sama ng


aking pakiramdam. Bumangon ako mula sa kama at nakaramdam
ng panandaliang pagkahilo.

Dumerecho ako sa banyo. Naghilamos ako saka huminga ng


malalim. I tried to shake the uncomfortable feeling out of my senses.
Hindi ito ang tamang oras para manghina ako.

Matapos magbihis bumaba ako sa sala. Sinadya ko na hwag


magpaalam kanino man. Dumerecho ako sa labas at pumasok sa
aking sasakyan. Tahimik akong umalis mula sa mansion.

Umaasa ako na natangap niya ang aking mensahe. Gusto kong


magkita kami ngayong umaga. Iniwan ko ang sulat sa border kung
saan ko siya hinatid noon. Yon ang sinabi niyang lugar na puntahan
ko kapag kailangan ko siya.

What I did was a desperate act. Hindi ko din alam kung kailan siya
muli mapapadpad sa bayan. Ngunit kailangan ko na siyang
makausap. Siya lang ang alam kong makakatulong sa akin sa
pagkakataong ito.

Makalipas ang halos isang oras hininto ko ang sasakyan. Naging


tahimik ang buong paligid. Tall trees surrounded the side of the road.
Halos walang dumadaang sasakyan sa parteng ito ng bayan.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng daan na nasa aking harapan. It


was a long lone stretch of asphalt road leading to the next town.

Nanatili ako sa driver's seat at naghintay. Kapag hindi siya dumating


sa loob ng isang oras kailangan ay ko ng umalis. I know I'm not
supposed to be doing this.

Lumipas ang ilang minuto at nakaramdam ako ng pag galaw sa


paligid. Naging alerto ako. Mula sa kakahuyan lumabas ang isang
familiar na lalake. Agad akong nakahinga ng maluwag.

Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan. Pagbaba ko napansin kong


hawak niya ang sulat na iniwan ko.

"Delikado itong ginagawa mo." He pointed out. "Kung hindi pa ako


dumaan dito kahapon hindi ko pa ito makikita."

"Pero lagi kang dumadaan dito." I reasoned. "Ito ang sinabi mong
lugar na puntahan ko kapag kailangan kita."

Hindi siya lumalapit sa akin. Nanatili siya na ilang hakbang ang layo
mula sa akin. I was inside the border, the premises of Van Zanth.
Isang linya ang makikita sa daan. Ang boundary. Hangang hindi siya
tumatapak lampas nito ay wala siyang nilalabag na batas ng bayan.

Napansin ko na napatitig siya sa akin. Dumako ang kanyang tingin


sa aking leeg. Bumuntong hininga siya.

"Gusto kong maging masaya para sayo, Laura. Pero dahil sa ginawa
mo mas pinahirapan mo lang ang iyong sarili." Sinabi niya. "The
clan's plan to bring you back may have faltered because of the
decision you made but it doesn't mean they would stop. You don't
know what your family can do Laura."

"They are not my family. Families don't ruin and rearrange each
other's life for the sake of the clan's belief."

"I don't." Bigla niyang sinabi. "I'm your family but I don't wish you any
of those."

Natigilan ako. "You're what?"

"It's me, Laura. Dylan Antonius Arden."

Napakurap ako. Bigla akong nanghina sa narinig. Marahan siyang


ngumiti nang makita ang recognition sa aking mukha.
Hindi ko alam kung totoo itong nangyari o parte lamang ng isang
mahabang panaginip. Ang sabi ni Aunt Wilhelmina masyado pa
akong bata para maalala ang lugar na yon. But there was a certain
time in my childhood when my father took me to the town where he
grew up.

I remember pieces of it. Ang malaking bahay, ang mga taong labas
pasok mula dito, ang mga matang nakatingin sa akin. I remember
how Dad went into a room and I was left alone in the hallway. I
remember angry voices shouting behind the higantic doors. I
remember crying because I know Dad was inside and I heard him
shouting. And I remember how a young boy approached me.

He was older than I am. But even at a young age he looked


dignified. Naalala ko kung paano yumuko ang mga tagapagsilbi sa
batang lalake. Naalala ko kung paano siya magsalita na tila ba alam
niya ang nangyayari.

"Hwag ka ng umiyak. Pinagsasabihan lang ni Lolo ang Papa mo


dahil matagal siyang nawala."

He smiled at me. An open genuine smile. I remember the name he


said to me. Dan. Because for both kids, Dylan Antonius was a
mouthful. Naghintay ako sa hallway kasama si Dan. He was a
charming boy. No wonder people on that big house adore him. While
the stares I got as a kid constitute to stares of betrayal and disgust.
Pero hindi ako iniwan ng batang lalake kahit sinabihan siya ng
matatanda na lumayo mula sa akin.

Habang hinihintay lumabas si Dad mula sa pinto nagkwento ang


bata. Mga simpleng bagay tulad ng lugar kung saan siya madalas
maglaro o mga taong kanyang nakakasalamuha at ang kanyang
Lolo.

"Masungit ba siya?"
"Takot sa kanya lahat. Kahit ang Papa ko. Pero mabait siya sa akin
kasi apo niya ako. Kapag nakita ka niya sigurado mabait din siya
sayo. Dalawa na tayo."

May mga bagay siyang tinanong sa akin noon. Tulad ng kung saang
mansion ni Lolo ako titira at kung bakit hindi kasama ang Mama ko.
Pero alin man doon ay hindi ko nasagot. Maging ang Lolo na
kanyang tinutukoy ay nawalan ako ng pagkakataon na masilayan.
Dahil paglabas ni Papa mula sa pinto agad niya akong sinama paalis
sa lugar. Galit na galit siya. He was muttering something about not
coming back. Ang kanyang mga mata puno ng galit, lungkot, at
pagkadismaya. I remember how my Dad tightly grip my hand and
whispered to me.

"Hinding hindi kita ibibigay sa kanila."

Noong mga oras na yon wala akong nagawa kundi ang lumingon sa
malaking bahay. And I saw the kid at the front door waving for the
last time despite the confusion of the situation.

Ngayon matapos ang mahigit sampong taon nasa harapan ko na


siya. Ngayon malinaw na sa akin kung bakit may mga bagay na
familiar tungkol sa kanya. Lalo na ang pendant na kanyang suot.

"Ang Papa mo, siya ang nakatakdang sumunod sa position ni Lolo.


Pero umalis siya at iniwan ang angkan. And my father died from a
terminal illness two years ago. Tanging mga apo nalang ang meron
kay Lolo ngayon. Gusto ka niyang ibalik."

"But I don't want to go back." Mariin kong sinabi. "Hindi ko kailangan


sumunod sa desisyon ng pamilyang kailanman hindi ko
kinamulatan."

"Pero hindi niya ito naintindihan, Laura. Si Lolo parin ang nasa
position bilang pinuno ng angkan. And this is not even half of what
he can do. Sinubukan kong ipaliwanag ang sitwasyon noong una
tayong magkita matapos ng madaming taon. Pero hindi siya
nakikinig. Hindi niya hahayaan na isa sa kanyang kadugo ay
magkaroon ng ugnayan sa isang hybrid."

Huminga siya ng malalim na tila maging siya ay nahihirapan na sa


sitwasyon na ito.

"Isa lang ang hinihiling ko, Laura. I want to fix this mess as much as
you do. Bago pa lumala ang sitwasyon, pakiusap bumalik ka at
ipaliwanag ang lahat sa kanya."

***

Twitter username: @breatheapril


Official hashtag: #LWAHB
Chapter 33: The Escape
Chapter 33: The Escape

Binigyan ako ni Dylan ng oras para magdecision. I need to sort my


mind out. Pero alam kong kailangan kong magmadali bago muling
lumala ang sitwasyon. I need to go back to a place long been
forgotten to sort my own demon out. Ito lang ang paraan upang
maayos ang lahat.

Pero ano nga ba ang alam ko tungkol sa aking pamilya? I was too
young to remember all the details about my Dad. Ilan lamang ang
mga alaala na tungkol sa kanya. The way he used to laugh, a deep
hearty chuckle. Kung paano niya ako buhatin sa kanyang balikat.
And how he used to dance with my Mom in the middle of the living
room while humming a song they both loved. He never mentioned
about his family. I was too young to notice what was wrong.

Noong hapong yon, kung saan tapos na ang lahat ng gawain sa


mansion pinuntahan ko si Aunt Helga sa kusina. Nadatnan ko siyang
nagtitimpla ng tsaa. She offered me a cup. Umupo ako sa silya
habang hawak ng mahigpit ang tasa ng tsaa.

"Aunt Helga," panimula ko. "May alam ba kayo tungkol sa aking


pamilya? Sa mga Arden?"

Natigilan siya sa ginagawa. Pero walang pagtataka na makikita sa


kanyang mukha. Inasahan na niyang itatanong ko ang tungkol sa
bagay na ito.

"Tulad ng sinabi ko noon, ilang bagay lamang ang alam ko tungkol


sa iyong Ama." Mahinahon niyang sinabi.

Umupo siya sa silya katapat ko.


"Pinakilala na lamang siya ni Katherine sa amin isang araw. Sa
unang kita ko pa lang sa kanya alam ko na kung saan siya
nabibilang. Sa ilang taon kong paninilbihan ko sa pamilya Van Zanth
naging pamilyar sa akin ang kanilang pangalan. Arden."

"Ang mga Arden at Van Zanth noon pa man malaki na ang hidwaan
na namamagitan sa dalawang pamilya. Narinig ko noon mula kay
Katherine na maging ang pamilya ni Lauro ay tinututulan siya. Tulad
ng Van Zanth, isang maimpluwensiya na pamilya ang mga Arden."

"Sa mga oras na ito alam kong alam mo na kung anong pamilya ang
meron ka, Laura. Isa sila sa pinaka malaking pamilya ng mga
hunters. They are train to kill hybrids. At ganon din ang mga tao sa
lugar na nasasakupan nila. Ang bullet, nasayo parin ito hindi ba?"

Tumango ako.

"Sinabi ni Wilhelmina bago siya namaalam na darating ang araw na


may mga taong maghahanap sayo. Yon ang iniiwasan ng iyong Ama
at Ina dahil hindi nila gusto na matulad ka sa kanila. Ang makulong
sa paniniwala ng isang pamilya. Hindi ka nasilayan ng mga Arden sa
mahabang panahon subalit dugo parin nila ang nananalaytay sayo."

"Aunt Helga, maaari ka bang mangako sa akin?"

"Tungkol saan, hija?"

"Tulungan niyo akong ayusin ang gulong ito. Kailangan ko silang


balikan upang matapos na ito. Kailangan kong ipaliwanag ang
lahat."

Bumakas ang matinding pangamba sa kanyang mukha. "Ano ang


ibig mong sabihin?"

"Kailangan kong umalis. I need to persuade my grandfather and


explain the aituation personally. Maybe he will understand.
Something's got to give. This rivalry will end here, in this generation,
with Zander and I."

"Pero Laura-"

"Ayokong maulit lamang ang lahat. Ayoko ng tumakas o magtago o


makitang nagsa-sakripisyo ang ibang tao para sa akin. Ayokong
mapuno ng takot na ano mang araw ay maaari kaming malayo sa
isa't isa."

Tinitigan ako ni Aunt Helga. Nangingilid ang luha sa kanyang mga


mata.

"Aunt Helga, babalik ako. Hindi ko iiwan si Zander. Hindi ko siya


kayang iwan. Gusto ko lang na magkaroon ng normal na buhay. I
want a normal life with Zander, a normal future together."

Hinawakan ko ang magkabilang kamay ni Aunt Helga.

"Dalawang araw, Aunt Helga. Dalawang araw lang ang kailangan


ko."

Tinitigan ako ni Aunt Helga bago niya nagawang sumagot.

"Kung may isang bagay ka mang nakuha mula sa iyong Ama, yon ay
ang kanyang tapang. Hindi ko gustong sabihin ito ngunit hindi
maipagkakaila na isa kang Arden."

Marahang hinawakan ni Aunt Helga pabalik ang aking mga kamay.

"Harapin mo ang iyong pamilya saka ķa bumalik sa amin, dito sa


Van Zanth. Maghihintay kami."

--

Ang araw ng aking pag alis ay ang araw ng pagpunta ni Zander sa


Fabrice. Isa itong utos mula sa council. Kailangan ni Zander na
dumalo sa pagdinig tungkol sa kalagayan ng Van Zanth at ng
kanyang pamumuno.

Hindi ko alam kung ilang araw siyang magtatagal sa lugar.


Nakadepende ito sa takbo ng kanilang usapan. Kailangan kong
makabalik bago siya makauwi. Kung hindi ko ito magagawa
kailangan akong pagtakpan ni Aunt Helga. Ito ang amin naging
usapan.

Pinuntahan ko si Zander sa kanyang kwarto noong gabing yon.


Kinabukasan ang araw ng kanyang pag alis. Nadatnan ko siyang
nag aayos ng ilang mga gamit. A fading glow of the chandelier
above iluminated the room.

Hindi ito binanggit ni Zander ngunit alam kong ang pagpunta niya sa
Fabrice ay may mas malaking dahilan. He assured me that the
meeting was an annual occurrence for every leader of a hybrid town.
Pero alam ko na ang ruler transition na binanggit ni Venis sa akin
noon ang pag uusapan sa pagdinig.

Lumapit ako sa kanya. Umupo ako sa kanyang kama habang


pinagmamasdan siya. Lumingon siya sa akin. Noong oras na yon
gusto ko hawakan ang kanyang mukha. Maaari bang tumigil ang
oras? Ayoko ng dumating ang bukas.

"Magiging okay ka lang ba dito?"

I tried to smile.

"Maaga akong aalis bukas."

Maging ako, Zander. Tahimik kong dugtong. Pareho nating


haharapin ang ating mga problema. At pagbalik natin magiging
maayos na ang lahat.

Lumapit si Zander sa akin. Hinawakan niya aking aking mukha.


"Mag iingat ka." Bulong ko.

Saka ako napapikit nang maramdaman ang init ng kanyang palad sa


aking balat. Sa hindi malamang dahilan tumulo ang aking mga luha.

"Bakit ka umiiyak?"

Umiling ako. "Wala ito."

Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito, Zander. Gusto kong


makasama kita ng walang takot o gulo.

Pinahid niya ang aking luha. Ngumiti si Zander sa akin. Kahit hindi
namin parehong alam kung ano ang kahihinatnan ng lahat ng ito,
nandito parin kami umaasa na maaayos din ang lahat.

Hinalikan niya ako sa noo pababa sa aking labi. I let his lips
enveloped mine in a warm slow gesture. Saka niya hinawakan ang
magkabila kong mukha at pinagdikit ang aming mga noo. It was
almost in a whisper when he said it.

"Kapag naayos na ang lahat ng ito..." Bulong niya. "Yayayain na


kitang magpakasal."

Tinitigan ko siya. The smile on his face as he said those words will
forever be embedded to my memory. Dahil noong mga oras na yon
nalaman ko ang aking sagot.

Yes, Zander. I do. I will love you. Always. Forever.

--

Sa kwarto ako ni Zander natulog noong gabing yon, pag gising ko


wala na siya sa aking tabi.

Nakatakda kaming magkita ni Dylan ilang oras matapos umalis ni


Zander. Nag aalala si Aunt Helga sa maaaring mangyari.
Tahimik akong naghanda para sa aking pag alis. Nag paalam ako
kay Aunt Helga bago pa magising si Miss Loraine. Hinatid niya ako
hanggang sa gate ng mansion.

"Mag iingat ka, Laura. Bumalik ka agad."

Niyakap ko si Aunt Helga. "Hwag kayong mag alala. Babalik ako."

Pinagmasan ako ni Aunt Helga hangang sa pumasok na ako sa


sasakyan. Nakatayo siya sa bukana ng mansion. The mansion
looked unusually eerie and empty. Tulad noong una ko itong nakita.
Tulad noong una akong tumapak dito. Tila ba maging ito ay nag
papaalam sa akin.

Binuhay ko ang engine ng sasakyan. Lumabas ang sasakyan sa


driveway. Hangang sa wala na akong nagawa kundi tanawin na
lamang ang mansion mula sa side mirror. Kumaway si Aunt Helga.
Huminga ako ng malalim upang bigyan ng tapang ang aking sarili.

The town slowly passed me by. Muli kong pinagmasdan ang lugat na
aking naging tahanan sa loob ng kalahating taon. I have to do this,
for Van Zanth, for Zander. I need to face my own demons.

--

Nadatnan ko si Dylan sa border ng bayan. Dala niya ang kanyang


sasakyan. Nakatayo siya sa labas nito at naghihintay. He was
tapping his shoes on the long stretch of asphalt road. Nanatili siyang
nasa kabilang parte ng linya. Sa labas ng teritoryo ng Van Zanth.

He looked up at the sound of my uocoming car. Unti unti kong hininto


ang sasakyan saka ako lumabas. I'm now in the border of Van
Zanth, one step out of Zander's grasp.

"Let's go."
Humarap siya sa kanyang sasakyan. Ito ang gagamitin namin sa
pagbalik sa kanyang bayan. Napansin ni Dylan na nakatitig ako sa
linyang nasa daan. Ang boumdary. Ang naghahati sa loob at labas
ng Van Zanth.

"Laura, kung hindi ka pa handa maaari naman-"

"No." Mariin kong sinabi. "Ito lang ang pagkakataon na meron ako."

Sa pagtapak sa boundary isang bagay ang aking naramdaman.


Sebastian once told me hybrids feel each other's presence within
their territory. I'm not one of them pero tila may nawalang koneksyon
sa pagitan ko at ng Van Zanth.

"Kailangan na nating umalis. We need to be there before mid day."

Lumingon ako sa huling pagkakataon sa pabalik sa Van Zanth. Ang


matataas na mga puno sa kakahuyan. Ang abandunadong daan.
Babalik ako. Hintayin mo ako, Zander.

--

Naging mahaba at tahimik ang aming byahe. Minsan magsa-salita si


Dylan. Magkukwento siya o sasabihan ako ng mga dapat kong
malaman sa aking pagbabalik.

Nakikita ko maging siya nangangamba sa maaaring kahinatnan ng


sitwasyon. Mahigpit ang hawak niya sa manibela. Nakaupo ako sa
tabi niya sa passenger's seat.

"He's strict and cold." Tukoy niya sa aming Lolo.

"He's aware of his power and all the things it can do. Kalmado siya
ngunit matindi siyang magalit. Maging ako bilang kanyang apo ay
nakakasaksi nito."
"May tatlong mansion sa buong property. Isa para kay Grandpa, isa
para sa aking pamilya, at ang isa ay walang nakatira. It was
supposed to be for your father and his family. Pero dahil ang taong
pinakasalan niya ay may kaugnayan sa mga hybrids hindi na ito
natirhan pa. It's basically yours."

"Sino ang kasama ni Grandpa?"

"Siya ang pinuno ng angkan. Pinalilibutan siya ng mga taong


handang magsilbi sa kanya. Halos doon na din ako nakatira."

Derecho ang kanyang tingin sa daan habang nagmamaneho.

"There are days when Grandpa's health is weak. May mga pagtitipon
o okasyon na hindi na niya kayang daluhan. Ako ang kadalasang
dumadalo para sa kanya."

"You're the next in position."

He curved his lips, but it wasn't a smile, more like a sigh and a scoff.

"Grandpa's life circulated in loath and vengeance. I don't want my life


to be a second version of his. I don't want vengeance to fuel me."

"Not all hybrids are like the ones you see in Van Zanths. Kaya
madami ang nagkaka interest sa bayan na ito dahil malaking
porsyento ng populasyon ay mga hybrids. Isa ito sa iilang bayan na
ang nagpatayo ay pamilya ng mga hybrids. Humans are the
outsiders here. Hybrid have rules, territorial jurisdiction, hierarchy of
authority, and social ladder."

"Pero sa karamihan ng mga bayan, ang mga hybrids ay taga labas,


sila ang halimaw, ang kinatatakutan. And they live to that name, to
that description of them. They kill people, ruin homes, spread chaos
and fear. Ang mga tulad nito ang pinapatay namin. Those hybrids
who lost concept of who they are."
"But aren't we humans caused them to be like this?"

Natigilan siya sa aking sinabi.

"They are perceived as monsters that's why they act like monsters.
Words are poison. It can trick people into believing to be someone
they are not. Humans have less skills than these creatures but are
equal monsters."

"But things don't always work that way. Not all people has the same
heart as you. They kill. We kill them. That is the rule of nature.
Makaramdam ka man ng galit, hinanakit, o pagpapatawad.
Mahalaga man ang taong nawala sa harapan mo o hindi. In other
places this cycle continues. Wala na tayong magagawa."

"But we can end our cycle here. Now. We can end this hate and
vengeance."

Lumingon siya sa akin.

"Mahal na mahal mo talaga siya."

Agad na pumasok si Zander sa aking isipan. I soft smile lingered on


my lips.

"Higit pa sa aking buhay."

"Kung ganon gawin mo ang lahat upang hindi na muling ikasira pa


ng sino mang pamilya ang ating mga pangalan."

***

Author's Note:

Less than five chapters to go and we're done! As always thank you
for reading #LWAHB. Specially those of you who are here from the
start. This story was one heck of messy ride but alas! We're finally
here!
Aand yeah, please refrain from being silent readers. Let me know
you are here and hear your thoughts about the story. I often read
comments so please don't hesitate. Before the story ends, let me
here from you (even a squeak will do haha!).

Gotta end this blabber now. If you wanna hang out with this weirdo,
you can check my twitter account @breatheapril I stalk #LWAHB
tweet song lyrics and trash your feed with horribly random stuff.
(You've been warned!)

May you stay awesome y'all! See you on the next chapters!

@april_avery
Chapter 34: Trapped
Chapter 34: Trapped

Isang sign ang nakita ko sa tabi ng daan. Private property of the clan
of Arden. 55 hectares ahead.The property was situated within a
small town. Nakahiwalay ito at sinasakupan ang halos one third ng
bayan na kinabibilangan nito. The fact that it has its boundary and
landmark was something that bothered me. Tila may sarili itong
komonidad.

Like Van Zanth, the place was surrounded by trees. But there was
no familiarity. Wala akong maramdaman na koneksyon sa lugar na
ito. I was used to Van Zanth's atmosphere of safety, of home. Sa
lugar na ito walang alpha o mga orders. Sa bayan na ito halimaw
ang turing sa mga hybrids. The normality of this place suffocates me.

I was once like them, surrounded by my own kind, oblivious to the


fact that humans, we are not special. We assumed that this world is
only for us, created for us. But if you step out of the swarm of
mortals, you would see that there are creatures more special than
us. And we treat them as monsters because we could not accept the
fact that we used to have this world for our own.

Pumasok ang sasakyan sa loob ng kakahuyan. It was as if they


made the woods as natural barricade from the property. Di kalayuan
isang arko sa daan ang aking nakita. The clan of Arden.

"Ang property na ito ay nahahati sa tatlo," said Dylan. "Grandpa's


mansion is the main mansion. It is located at the center of the
property."

Unti unting naki-clear ang mga puno habang lumalalim kami sa


kakahuyan. The surrounding was slowly being replaced by a more
open area. Lumipas ang minuto at bumagal ang takbo ng aming
sasakyan. Ilang mga bahay ang aking nasilayan. It was a town within
a town.

"They either work at the mansions, around the property, or for the
clan."

Ilan sa kanila ay nakilala ang kotseng dumadaan. Some of them


stopped and stared as if greeting us. Ilan ay nagtataka nang
maaninag na may kasama si Dylan sa loob ng sasakyan.

Maya maya bumungad sa amin ang isang bahay sa gitna ng mga


puno at mga kabahayan. It was not a house, but a three storey
mansion. Lumakas ang tibok ng puso ko habang papalapit kami.
More people begun to take notice of us. Karamihan sa kanila
nagtataka.

The road somehow led to a vast grass covered lawn. Pinaliligiran


nito ang mansion na nasa aming harapan. Huminto ang sasakyan.
Ilang mga tauhan na mula sa mansion ang sumalubong sa amin.
Maging ang mga tao sa labas na nakita ang aming pagdating ay
lumapit. May mga bata, matatanda, ina o mga ama ng tahanang
parte ng property na ito.

Tuluyang namatay ang engine ng sasakyan. Hindi ko magawang


gumalaw sa kinauupuan ko.

"Naghihintay na sila sa loob."

Bumaba si Dylan sa sasakyan. I unlatched the seatbelt with weak


hands. Tahimik akong huminga nang malalim bago binuksan ang
pintuan.

Namayani ang sandaling katahimikan pagbaba ko. Pinagmasdan


ako ng mga tao. Ang ilan nakakunot ang mga noo, nagtataka kung
sino ako. Hangang sa isa isang bumakas ang recognition sa
kanilang mga mukha.
"Isa siyang Arden."

Hinawakan ni Dylan ang kamay ko upang hilain ako palayo sa mga


taong nakapaligid sa amin. Ilan ay bumati sa kanya. He smiled good
naturedly as he tried to get me out of the crowd. All these curious,
watchful eyes surrounding me made me dizzy.

"Siya na ba?"

"Siya ba ang nawawalang apo?"

"Ang anak ni Lauro."

Nakarating kami sa tapat ng pintuan ng mansion. The mansion has


no gate as if an administrative place open for everyone. Isang lalake
ang lumapit sa amin. Yumuko ito nang humarap siya sa akin. Kilala
ako ng mga tao bago pa ako tumapak sa lugar na ito.

"Maligayang pagbabalik, Miss Laura."

Humarap siya kay Dylan.

"Naghihintay na ang inyong Lolo sa loob."

Pumasok kami sa mansion. The place was well-lit. Tulad ng mansion


ng mga Van Zanth karamihan sa mga gamit ay matagal ng naroroon.
They seemed to hold the secrets of this household. From the
higantic crystal chandelier which is a witness to several parties,
down to the worn out grand staircase. Napansin ko ang
naglalakihang paintings sa pader.

Natigilan ako nang makita ang aking mukha sa isa sa mga ito. A
portrait of my seven years old self. Tumigil ako sa paglalakad. Sunod
sunod kong tiningnan ang mga paintings na nakasabit sa pader.
Until I saw it. A portrait of my father.We've been a part of this clan all
along. Our presence were here... as if it was indeed home.
"Laura,"

I was pulled from my train of thoughts as I heard Dylan from the


other side of the hallway. Muli kong pinagmasdan ang paintings
bago sumunod sa kanya. Hindi dapat ganito... This family is the
reason why my father died. They caused all of my family's hardships.

Nakarating kami sa tapat ng isang pinto. Tumayo ng tuwid si Dylan


at huminga nang malalim bago hinawakan ang knob ng pintuan na
nasa harapan namin.

"Laura, you must explain your side as clearly and as brief as


possible."

Ito ang mga huling paalala niya sa akin.

"Hindi gusto ni Lolo ang paligoy ligoy. Be straight forward with the
reason why you are here. At kahit na anong mangyari hwag kang
magpapakita ng kahinaan sa kanya."

Tuluyang binuksan ni Dylan ang pintuan. I was greeted by a quite


familiar scene. Ito ang kwarto kung saan nag usap sa huling
pagkakataon si Papa at si Lolo. History's repeating itself.

Tila hindi nagbago ang kwarto loob ng mahigit sampong taon.


There's the thick wooden table. Ang malaking salaming bintana. Ang
mga lumang libro na naka-salansan sa pader. The brick fireplace at
the corner. A strange scent lingers in the room. Isang klase ng amoy
na tila pilit akong binabalik sa nakaraan.

Isang pag galaw sa dulo ng kwarto ang aking napansin. Nakatayo


ang isang matandang lalake. Nakatukod sa sahig ang baston nitong
hawak. Hindi ko agad naaninag ang kanyang mukha dahil nasa
kanyang likod ang maliwanag na salaming bintana. Ngunit sa tindig
pa lamang alam ko na kung sino ang aming kaharap.
Lumapit siya sa amin. The sound of his cane was the only sound
that could he heard inside the silent room. Nang makalapit siya doon
ko naaninag ang kanyang mukha. At halos gusto kong manghina.
Dahil kamukhang kamukha niya ang aking Ama.

"Dylan,"

His voice, now matter how good natured it may sound, seemed to
keep the tone of authority, the warning and venom.

"Maaari ka ng lumabas."

Napalingon agad ako kay Dylan. Nanatili siyang kalmado habang


nakatitig sa akin. Sa kanyang mga mata ay isang mensahe.

Kahit na anong mangyari hwag kang magpapakita ng kahinaan sa


kanya.

Bahagyang yumuko si Dylan. "Maiwan ko na kayo."

Pinigilan ko ang aking sarili na sumama o pigilan siya. Hindi ako


maaaring magpakita ng kahit anong kahinaan sa harap ng aming
Lolo.

Narinig ko ang pagsara ng pinto sa aking likuran. Nawala ang


malumanay na mukha ni Lolo. Seryoso niya akong tinitigan.

"Nakuha mo ang mga mata ng iyong Ama."

Hindi ako nakapagsalita.

"May maamo kang mukha na nakuha mo sa iyong Ina, ngunit ang


mga mata mo, puno ng tapang, pangamba, pagkalito. Isang salamin
ng iyong mga iniisip."

Umupo siya sa malapit na sofa. I've never been this overwhelmed by


a person's presence.
"Maupo ka."

Wala akong balak sumunod. "Hindi ako magtatagal dito," sinabi ko.

"Maging sa ugali ay katulad ka ng iyong Ama," sinabi niya na tila


hindi naapektuhan sa aking sinabi.

"Laura, nasa iyo parin ba ang bullet na ibinigay ng iyong Ama?"

Naikuyom ko ang aking palad. Alam niyang hawak ko ito noong oras
na yon.

"Alam mo ba kung saan ito nagmula?"

Malayo ito sa inaasahan ko. I didn't expected him to be this calm.

"Ang bullet na iyong hawak ay ang siyang pumatay sa isa sa


myembro ng pamilya Van Zanth."

Doon ako natigilan. Napansin niya ito. The mere mention of Van
Zanth in this household was a curse in church.

"It was the bullet that killed the alpha's grandparents."

Halos bitawan ko ang metal na nasa palad ko. Nanlamig ang aking
mga kamay.

"Isa itong mahalagang sandali sa ating angkan. Iniingatan mo ang


bagay na ito dahil galing ito sa iyong Ama. Ngunit ito din ang sumira
sa buhay ng lalakeng pinapahalagahan mo ngayon hindi ba?"

Umiling ako. Hindi.

"Nakikita mo na ba ang ugnayan ng Van Zanth sa ating angkan?"

I heard the light click of his cane on the hardwood floor.


"May mga bagay na hindi na mababago pa." Mariin niyang sinabi.
"Ang mga Arden at Van Zanth, kailanman ay hindi maaaring
magkaroon ng kaugnayan na higit pa doon."

"You're wrong," I said.

"Ako ang sisira sa paniniwalang ito. I will end this cycle of hatred and
revenge."

Tinitigan ko si Lolo.

"Palayain niyo na ang angkan na ito mula sa galit. Hwag niyong


hintayin na dumating ang araw na wala ng taong matitira sa inyong
tabi. Tama na ang mga sakripisyo ni Papa, ang inyong sariling
anak."

"Totoo ngang malalim na ang impluwensya sayo ng bayan na yon.


Hindi mo alam ang iyong sinasabi."

Natigilan ako nang tumayo si Lolo. Ngayon ay magkaharap na kami.


Natatakot ako sa kanyang presensya, sa kaya niyang gawin.

"Babalik ako sa Van Zanth. Ginagalang ko kayo bilang pamilya. Pero


hindi ako magpapakulong sa paniniwala na sumira sa inyong buhay.
Hindi ako tutulad sa inyo."

"Ito ba ang iyong decision? Ang hayaan na mawasak ang mga


nakapaligid sayo dahil sa makasarili mong paghahangad?"

Natigilan ako sa kanyang banta.

"Kung totoo na pinapahalahagan niyo ang isa't isa kayo mismo ang
kusang lalayo para sa inyong kaligtasan, at para sa kaligtasan ng
mga bagay na mahalaga sa inyo."

Hindi makapaniwalang napatitig ako kay Lolo. "Anong ibig niyong


sabihin?"
"Wala siya sa Van Zanth sa mga oras na ito, hindi ba? Alam mo ba
na pinakamahina ang isang alpha tuwing malayo sa mga bagay na
pino-protektahan niya? At ang isang bayan tulad ng Van Zanth ay
humihina ang depensa tuwing wala ang kanilang alpha sa teritoryo
nito?"

Tila bigla akong nanghina. Hindi niya maaaring gawin ito.

"Alam mo kung ano ang kayang gawin ng pamilya na ito."

"Lolo..."

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Napalingon ako dito.


Dalawang lalakeng guard at isang babaeng tagapagsilbi ang
pumasok.

"Ano'ng nangyayari?"

"Sinisigurado ko lamang na hindi ka gagawa ng decision na iyong


pagsisisihan."

Humarap siya sa kanyang mga tauhan.

"Dalhin niyo siya sa pangatlong palapag."

Natigilan ako. "Lolo! Bitawan niyo ako! Pakingan mo ako, Lolo!"

Nagpumiglas ako mula sa mga taong may hawak sa akin.

"Hwag niyong hahayaan na makalapit ang pinsan niyang si Dylan."

Hinawakan ako ng dalawang guard sa balikat upang itulak palabas


ng kwarto. Lumingon akong muli kay Lolo.

"Please don't do this!"

Ngunit tila bingi siya sa aking hinaing. Nanatili ang mahigpit na


hawak sa akin ng mga guard habang pilit akong nilalabas sa kwarto.
They were forcing me to walk away from grandfather.

No. Tuluyang nawala sa aking paningin si Lolo. Pilit nila akong


pinaakyat sa hagdan.

Ilang tagapagsilbi ang aming nasalubong. Ngunit walang umimik at


tila ba bulag sa aking pagpupumiglas. Hindi ko gusto sumama sa
kanila. My body was trembling.

"Pakiusap, bitawan niyo ako!"

Mabilis kaming nakarating sa third floor. Huminto ang tagapagsilbi sa


tapat ng isang pintuan. Binuksan niya ito. Naaninag ko ang isang
kwarto.

"Ingatan niyo ang paghawak sa kanya."

The two guards ushered me inside.

"Hindi... Bitawan niyo ako..."

My knees were weak. I was breathless. Saka lang nila ako binitawan
noong nasa loob na ako ng kwarto. Sinubukan kong bumalik sa
hallway ngunit agad nilang sinara ang pinto. Narinig ko ang mga
papapalis nilang mga yapak. Hinampas ko ang pinto.

"Palabasin niyo ako dito!"

I slammed the door with my hands. I struggle with the knob. My tears
were brimming my eyes. I was desperate.

Lumipas ang minuto o oras. Hindi ko na alam. Unti unti akong


nanghina. Nanatili akong nakaupo sa sahig. Wala na akong lakas
pa. Naaninag ko ang madilim na paligid mula sa bintana. My
thoughts drifted home to Van Zanth. Tumingala ako at pumikit.
Hangang sa namalayan ko nalang na tumulo na ang aking mga luha.

Zander.
***
Chapter 35: Fear

Chapter 35: Fear

"Miss Laura."

Narinig ko ang tawag ng tagapagsilbi. Nanatili akong nakahiga sa


kama.

"Miss Laura, kumain na kayo," sinabi nito.

Nilapag niya ang dalang tray sa malapit na mesa. Isa siyang may
edad na babae na naatasan na magbantay at magsilbi sa akin sa
bahay na ito.

"Hindi niyo parin ginagalaw ang pagkain niyo mula kaninang


umaga."

Patuloy ito sa pagsasalita, pero hindi na ako nakikinig. Wala akong


ganang kumain, o tumayo, o gumawa ng kahit ano. Wala na akong
lakas. I've been trying to get out of this room for the past two days.
Nanghihina na ako.

"Miss Laura, pakiusap."

Pakiusap? Halos magmakaawa ako palabasin lang ako dito. Pero


walang nakinig sa akin.

Bumuntong hininga ang tagapagsilbi. Bumalik ito sa tapat ng pintuan


kung nasaan ang dalawang tagapagbantay, upang masigurado na
hindi ako makakalabas sa kwartong ito.

"Ano ang gagawin natin?" Narinig kong tanong ng matanda. "Mula


kahapon tubig pa lang ang kanyang ginagalaw."

Pinikit ko ang aking mga mata habang nakahiga sa kama. I drowned


their voices out. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong
panghihina. Ngunit hindi ko gustong tumangap ng ano man mula sa
bahay na ito.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Bumalik sa pagiging


tahimik ang aking kwarto nang makaalis ang tagapagsilbi. Nanatili sa
labas ang mga tagapagbantay. Binuksan ko ang aking mga mata at
muling tinitigan ang kwartong naging aking kulungan.

Malaki ang kwarto. It was well kept as if waiting for me all along. But
it was empty. Even with all the drawers, furniture, dresses, and silver
framed paintings, everything felt bare and empty.

Lights spilled from the window. Ang mga bintana ay pinaliligiran ng


rehas na bakal mula sa labas. Sa mga siwang nito nakikita ko ang
tutok ng mga puno sa kalapit na kakahuyan, at ang maulap na
kalangitan.

Tanging ang tunog ng kamay ng orasan ang maririnig na ingay,


kasabay ang marahang yapak ng tagapagbantay sa likod ng
pintuan. Tuwing oras ng pagkain magdadala ang tagapagsilbi sa
kwarto. Ngunit hindi ko ito gagalawin, hangang sa madatnan niya ito
pagbalik.

Muli akong pumikit. I'm tired. Halos ayaw ko ng magising. In my


dream I was with Zander, and everything were calm and peaceful. It
felt so real, yet so foreign.

I also remembered my Dad. I remembered his smiling face on the


frame in the hallway. Were you happy here, Dad? Were you once a
kid running through this hallways? Was the sound of your laugh a
history in this place? And did it kill you? Did it kill you when you had
to cursed and leave the place you've grown?

I never had a place to call home. I never grew attached. It's what I
always tell myself, to have a clean break, to leave without leaving a
piece of you. Ito ang nangyari sa Charlotte. At ito din ang balak kong
mangyari noong una akong tumapak sa Van Zanth. To leave without
traces, to leave without leaving a piece of me behind.

But then there's Zander... he didn't just took a piece of me, he took
my other half. And I know he's waiting for me.

Oras ang lumipas nang muli kong sinubukang bumangon. Maybe...


maybe if I talk to my Grandpa enough he would hear me. I need to
take another try.

Sunshine washed my pale face as turned into the direction of the


window. I tried to walk to the door. Pero halos muli akong bumagsak.
Umikot ang aking paligid. Napahawak ako sa table. Nasagi ko ang
tray ng pagkain at bumagsak ito sa sahig. The glass of water
shattered into pieces.

"Miss Laura?"

Napakurap ako. Narinig ko ang boses ng matandang tagapasilbi


mula sa labas. Hindi ako sumagot. Isang masamang pakiramdam
ang bumalot sa akin. Napahawak ako sa aking sikmukra at pumasok
sa banyo. Sinampa ko ang palad sa lababo. I threw up.

Bumukas ang pinto ng aking kwarto. Pero nagpatuloy ang katawan


ko sa pagsusuka. I gripped the sink. Malalim ang hugot ng aking
bawat hininga.

Bumukas ang pinto ng banyo. Through the reflection in the mirror I


saw the lady servant holding a tray of tea.

"Miss Laura," nag aalalang sinabi nito.

The strange smell assaulted my senses. Nagmumula ito sa hawak


niyang tray. Pinalala nito ang aking masamang pakiramdam.

"Get that out," halos napapaos na sinabi ko. I waved my hand to


dismiss her while my other hand was still on the sink. "Alisin mo
yan."

Napa-atras ang tagapagsilbi. Agad siyang umalis upang ilayo ang


kanyang hawak. Nilapag niya ito kung saan bago siya bumalik
upang tulungan ako.

Noong bahagya akong kumalma, tinitigan ako ng tagapagsilbi. She


was hesitant with her next words. Pero halos mayanig ang mundo ko
dahil sa kanyang sinabi.

"Miss Laura, buntis ka ba?"

I stood frozen, my heartbeat deafening.

"N-No..."

Ngunit maging ako ay hindi sigurado sa aking sagot. Napansin ito ng


tagapagsilbi. Noong mga oras na yon alam kong siya lang ang
makakatulong sa akin upang kumpirmahin ang aking hinala.

--

Naghintay akong bumalik ang tagapagsilbi. Makalipas ang


kalahating oras muling bumukas ang pintuan ng aking kwarto.
Narinig kong tinanong siya ng dalawang tagapagbantay kung bakit
pabalik balik siya sa loob. Sinabi niya na kumuha siya ng panglinis
para sa nabasag na baso. She never mentioned about the thing I
asked her to bring.

Agad niyang sinara ang pinto nang makapasok. She gave me the kit.
I headed to the bathroom as I held it with my trembling hands. I
didn't know what I was hoping for. But the moment I saw those two
red lines, tears started streaming down my eyes. My hands were
shaking. It was pure joy and fear all at once. I'm pregnant with
Zander's child.
Naki usap ako sa tagapagsilbi na wala munang makakaalam ng nito
sa pamamahay na ito. I worry what they would do.

"Pero Miss Laura, kailangan mong sabihin sa iyong Lolo ang totoo."

Kasalukuyang nasa ibang bayan si Lolo. Sa susunod na araw ang


nakatakda niyang pagdating.

"Sasabihin ko ang lahat pagdating niya. Gusto kong manggaling ito


mismo sa akin." Dahil alam kong maaaring ito ang makasira o
tumapos ng lahat.

"Ang iyong Ama, halos pareho kayo ng kapalaran," bigla niyang


sinabi. "Naalala ko pa noong ibinalita niya sa akin na balak na
niyang pakasalan ang iyong Ina. Kumikislap ang kanyang mga mata.
Nakangiti siya, ang mukha niya napakaaliwalas."

She smiled fondly as the memories. Tinitigan ko siya. She was old,
maybe the same age or older than Aunt Helga. Wrinkles lined her
sun soaked forehead, and white strands sprinkled her hair.

"Kung alam ko lang sana na yon na ang aming huling pag uusap,
nakapag paalam sana ako ng maayos sa kanya. Dahil noong araw
na sabihin niya ito sa kanyang Ama, doon unti unting nabura ang
ngiti na yon at hindi na bumalik pa."

"I won't let that happen," I said. "Hindi ko hahayaan na maulit ang
nakaraan sa amin ng magiging anak ko."

--

Mas naging maingat ako sa aking mga kilos. I tried to eat even if I
barely had an appetite. Natutulog ako ng mas mahabang oras kahit
pa wala akong inisip kundi ang makaalis sa lugar na ito.

Tinulungan ako ng tagapagsilbi. Pero habang tumatagal mas nag


aalala ako sa maaaring mangyari kapag sinabi ko na ang totoo kay
Lolo.

"Kaya kailangan mong mag palakas," bilin ng matanda. "Hindi


maganda ang sitwasyon mo ngayon para sa inyong dalawa ng
bata."

Ang tanging nagbibigay lakas sa akin ay ang makita ang reaction ni


Zander kapag nalaman niya ang lahat.

"Ang Ama ng bata... ang alpha ng bayan tama ba?"

Tumango ako. Nakaupo ako sa tapat ng bintana noong hapong yon


at pinagmamasdan ang tanawin sa labas.

"Hindi niya ba alam na nandito ka?"

Zander's in Fabrice, and he's dealing with the issues in his territory,
the same way I was dealing with mine.

"Hindi ko gustong malaman niya ang pagpunta ko dito."

I need to fix this mess before he show himself here. He couldn't be


here.

"Babalik na ang Lolo mo bukas. Handa ka na bang sabihin sa


kanya?"

Nanatili akong nakatitig sa labas. Natatakot ako sa maaaring


mangyari. Maaaring mas lumala ang sitwasyon. Maaaring mas hindi
niya ako hahayaan na makaalis.

"I'm hoping we'd survive this."

--

Umaga ang nakatakdang pagbabalik ni Lolo sa mansion. Hinintay ko


ang kanyang pagdating. Pinaghandaan ko ito. I waited anxiously yet
with patience. Dahil alam ko kung para kanino ito. Ngunit halos
lumipas na ang maghapon ay wala pa siya.

Unti unting bumalot ang kaba sa akin. The lady servant told me he
was out of town. Pero wala siyang nabanggit kung saan.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako habang naghihintay.


Magdadapit hapon na noong maalimpungatan ako. Narinig ko ang
kumosyon sa labas ng aking kwarto. Tuluyan akong bumangon.

"Miss Laura,"

Nabigla ako nang marinig ang boses ng tagapagsilbi. Nakatayo siya


malapit sa aking kama.

"What's happening?"

"Bumalik na ang inyong Lolo."

Napaupo ako sa kama. Ngunit agad kong napansin ang bahid ng


pangamba sa kanyang boses.

"Hija, nangaling sa Van Zanth ang inyong Lolo."

Bumalot ang matinding takot sa aking dibdib.

"Isang pagatake ang nangyari. Pero maging ang grupo ng iyong Lolo
ay napuruhan. Ngayon alam na ng alpha ang pagkawala mo sa
kanyang teritoyo."

No.

"Pupunta siya dito, hija. At pinaghahandaan ng iyong Lolo ang


kanilang pagdating."

Tumigil nang tuluyan ang aking paghinga. Narinig namin ang


papalapit na yapak sa hallway, dahilan upang matigilan ang
tagapagsilbi.
"Papunta dito ang iyong Lolo," nagmamadaling sinabi ng
tagapagsilbi. "Gusto niyang siguraduhin na hindi ka makakalabas sa
kwartong ito. Miss Laura, bukas ng madaling ang nakatakdang
pagdating-"

Biglang bumukas ang pintuan. Tumigil siya sa pagsasalita. Pumasok


sa kwarto ang aking Lolo. Agad na nagpaalam ang tagapagsilbi.

"Lolo..."

Napakadaming bagay ang nasa isip ko noong mga oras na yon.


Galit, panghihina, takot.

"Pakiusap, itigil niyo na ito. Hwag niyong sasaktan si Zander..."

Dumaing ako nang maramdaman ang matinding sakit na tila gumuhit


sa aking katawan.

"I'm begging you..."

"Ganoon na ba ang pagpapahala mo sa isang halimaw na tulad


niya?"

Umiling ako. "You... you don't understand..."

Napahawak ako sa aking sikmura. Halos hindi ako makapagsalita


dahil sa labis na sakit na nararamdaman.

"Let the alpha dig his own grave."

"May kailangan kayong malaman..."

Muling bumukas ang pintuan ng kwarto. Humahangos na pumasok


ang isa sa mga tauhan ni Lolo.

"Nandito na po ang mga pinatawag niyo."


Agad na tumalikod si Lolo. Pilit ko siyang pinigilan. Humawak ako sa
kanyang braso ngunit pinigilan ako ng tagapagbantay.

"Lolo..." I whimpered.

Hindi siya lumingon. Tila bingi siya sa aking pakiusap. Lumabas siya
ng aking kwarto. Sumunod ang mga tagapagbantay. Sumara ang
pintuan. Binalak ko siyang muling habulin. But my breathe halted
when I felt a searing pain in my stomach. Halos mapaupo ako sa
sahig.

Nangilabot ako nang mapagtanto ang isang bagay. It was a kind of


fear I've never felt before. Takot na bumalot sa bawat himaymay ng
aking katawan. Because in the next few hours I might lose two of the
most important people in my life.

***
Chapter 36: Bloodbath

Chapter 36: Bloodbath

Nakahiga ako sa malambot na kama. Doon ko napagtanto na


sandali akong nawalan ng malay. Muli kong naramdaman ang sakit
na bumabalot sa aking katawan.

"Kumalma kayo, Miss Laura."

Narinig ko ang boses ng tagapagsilbi. Pinilit kong bumangon ngunit


marahan niya akong itinulak upang ihigang muli.

"My... my baby."

"Maayos pa ang bata. Kaya nakikiusap ako, kumalma kayo at


magpahinga."

All I can see was blurred image of the lady servant. Tila hinihila ako
ng aking katawan upang humiga at pumikit.

"Kailangan kong makausap si Lolo..."

"Miss Laura, sa ngayon mas kailangan niyong magpahinga.


Makakasama sa bata kapag nagpatuloy ito."

Nanghina akong bumagsak sa kama. Mahigpit kong hinawakan ang


bed sheet. Dahil wala akong magawa.

"Miss Laura, magpahinga ka na."

Muli ay naramdaman ko ang sakit at pagod na nagpamanhid sa


aking katawan. A chaos was brewing but silence became my lullaby.

Gusto kong magising. Pinilit kong paglabanan ang sakit at pagod.


Ngunit unti unting pumikit ang aking mga mata. Naramdaman ko ang
pagdampi ng kumot sa aking balat.
"Mas makabubuti kung hindi mo masasaksihan ang lahat."

--

Isang ingay ang gumising sa akin. Napabalikwas ako ng bangon. I


was disoriented for a moment. Pilit nag adjust ang aking paningin sa
madilim na paligid.

Umalis ako sa kama. Muli kong naramdaman ang sakit sa aking


sikmura. Tahimik ang loob ng kwarto. Subalit alam kong may mali.
Muli kong narinig ang ingay na gumising sa akin. A sharp nerve
wracking sound. Nanlamig ako.

Baril. Tunog ng pagputok ng baril.

Pumunta ako sa bintana. Hinawi ko ang makapal na kurtina na


tumatakip dito. Halos manlaki ang aking mga mata sa nakita. Fire
torches lit up the dark surrounding. Mula sa bungad ng kakahuyan
hangang sa palibot ng mansion. May mga taong nagsisigawan. May
parte ng kakahuyan na tinutupok ng apoy.

Napaatras ako sa nasasaksihan. Lalo na noong maaninag ko ang


familiar na mga tindig at mabilis na pag galaw. Hybrids. They are
here.

Pumunta ako sa pintuan ng aking kwarto. Sinubukan ko itong


buksan. Nananatili itong nakakandado. Hindi. Kailangan kong
makalabas.

Sunod sunod na putok ng baril ang aking narinig. I could hear the
faint sound of hurried footsteps below. No. I tried to unlocked the
door for the nth time. Tell me what is happening!

Bumalik ako sa bintana upang makita ang mga nangyayari sa ibaba.


Masyadong madilim ang paligid upang mamukhaan ang mga tao.
Pero alam, ramdam ko, nandito siya.
Biglang bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Lumingon ako at
nakita si Dylan.

I gasped. "Dylan."

"Let's go."

Hinila niya ako palabas ng kwarto.

"What's happening?"

"Kailangan mong makalabas habang nagkakagulo pa ang lahat."

Tuluyan kaming nakalabas ng kwarto. Pag tapak kong muli sa


hallway doon ko narinig ang gulo at sigawan sa ibaba. Halos lahat
ng mga tauhan ni Lolo ay nasa labas ng mansion.

"Saan tayo pupunta?"

Nagmadali kaming bumaba sa hagdan.

"Hindi ka magiging ligtas sa lugar na ito."

"Pero si Zander... kailangan ko siyang makita."

Biglang humarap sa akin si Dylan. Mula sa liwanag ng hallway doon


ko napansin ang kanyang estado. Duguan ang kaliwang bahagi ng
kanyang katawan.

"Dylan..."

Ilang putok ng baril ang muli naming narinig.

"In there is a warzone, Laura." Turo niya sa labas. "You either find a
safe place or be stuck in the middle of a bloodbath."

Tinitigan ko siya. Bawat salitang binitawan niya ay parang patalim na


tumarak sa aking dibdib.
"Pero ang mga orders... si Zander..."

Humugot ng malalim na hininga si Dylan saka pinakawalan. Tila


maging siya ay natataranta na sa aming sitwasyon.

"Laura, kailangan mong tangapin na matapos ng gabing ito may


mga hindi na makakabalik pa."

Pilit kong hinila ang aking kamay mula sa kanya. Umiling ako.

"Madami ang napuruhan sa panig ng mga Van Zanth ganoon din sa


pamilya natin. And I won't let you be one of the casualties."

"Pupuntahan ako ni Zander... Kapag hindi niya ako nakita..."

"The alpha is out there fighting for his life and you should, too!"

I became rigid. "What?"

Dylan cursed under his breathe. Tila gusto niyang bawiin ang mga
salitang nabitawan.

"Si Zander... okay lang siya hindi ba?"

"Laura..."

Bigla kaming nakarinig ng mga nagtatakbuhan. Kasabay nito ang


isang sigaw.

"Bumagsak na ang alpha!"

Tila napantig ang aking tenga. Tumigil ang pagtibok ng aking puso.

"Laura, sugatan na ang karamihan sa kanila bago pa sila tumapak


dito."

Patuloy sa pagsasalita si Dylan. Ngunit wala na akong iba pang


naririnig maliban sa pintig ng aking dibdib. Isang ingay na unti unting
tinatakpan ang lahat ng ingay.

"Let me go."

Hindi ko nakilala ang aking boses sa mga salitang aking binitawan.

"Dylan, bitawan mo ako."

I was stunned. Nakatitig ako sa kawalan. Speaking, breathing hard.

"Laura,"

Namalayan ko na lamang na tumulo na ang aking mga luha.

"Please, Dylan bitawan mo ako."

Tinitigan ako ng aking pinsan. Namutawi ang kaguluhan sa kanyang


isip. Ngunit pareho kaming hindi nakagalaw nang makarinig ng mga
yapak na papalapit sa aming direction. Mula sa dulo ng hallway
tatlong tagapagbantay ang nakakita sa amin.

"Shit," sambit ni Dylan.

Maging ang mga tagapagbantay ay nabigla. Agad silang lumapit sa


amin.

"Hindi niyo maaaring ilabas si Miss Laura."

Hinila ako ni Dylan papunta sa kanyang likuran.

"This is an emergency situation and I have the power as the second


in position."

"Pero kailangan naming sundin ang utos ng inyong Lolo," sagot ng


mas nakakatanda sa mga tagapagbantay.

Mahigpit ang hawak ni Dylan sa aking kamay. Hindi niya gustong


harapin ang sarili niyang mga tauhan. Ngunit kailangan niyang
gumawa ng decision.

"Then, you have to face me."

Natigilan ang mga tagapagbantay.

"Dylan..." sambit ko.

Pinisil ni Dylan ang kamay ko. Bahagya siyang naglean sa akin.

"Kapag binitawan kita, tumakbo ka," tahimik na sinabi niya.

"Pero..."

Nakaharang ang mga tagabantay sa daraanan namin. Humakbang


si Dylan palapit. Unti unti kong naramdaman ang pagkalas ng
kanyang mga kamay.

"Dylan..."

Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Tuluyang bumitaw ang


kanyang kamay.

"Run."

Hindi ako nakagalaw. Sinuntok ni Dylan ang isa sa mga tagapag


bantay dahilan upang matumba ito at gumawa ng puwang sa
harang.

"Laura, run!"

Nagdalawang isip akong iwan si Dylan. Lalo na noong makita ang


pagsugod ng dalawa pang mga tagapagbantay.

"Run!"

Tinitigan ko si Dylan. I was confused, scared. Hangang sa tuluyan


akong umiwas ng tingin at tumakbo. Isa sa mga tagapagbantay ang
sinubukan ang pigilan ngunit agad na hinugot ni Dylan ang baril na
nakasabit sa bewang nito at pinaputukan ang binti nito.

Tumakbo ako palayo, nanlalabo ang mga mata dahil sa luha. Bago
tuluyang nakalayo, binalikan ko ng tingin si Dylan. Sa gitna ng gulo
nakita ko siyang nakatingin sa akin at ngumiti.

"Leave this place."

Pinahid ko ang aking luha at tumango. Because in a span of few


meetings, I know I have a family that truly cares for my well being
and happiness. And I just hope that Dylan would be fine after this.
Because I know he would be a great leader of this clan someday.

"Thank you."

--

Puno ng ingay at kaguluhan ang paligid. Hindi ko alam kung saan


pupunta. Madilim ang loob ng mansion. Napatid ang kuryente dahil
sa sunog at kaguluhan sa labas. Ang tanging nagbibigay ng liwanag
ay ang nagngangalit na apoy sa kakahuyan.

Wala ng tao sa loob ng mansion. Ang karamihan sa mga tagasilbi ay


nagmamadali nang makaalis sa lugar. Wala akong balita kay Lolo.
Wala akong balita kay Zander.

Habang naglalakad muli akong nakaramdaman ng matinding sakit


sa aking tyan. Sandali akong huminto sa hallway.

"Please, calm down. Makikita na natin ang Dad mo."

Pinilit kong muling maglakad. Hindi ako naniniwala sa narinig ko


kanina. Alam kong buhay pa si Zander. Nakarating ako sa ibabang
palapag. Ilang hakbang nalang ako mula sa nangyayaring gulo sa
labas. Muli kong narinig ang salitang yon. Alpha.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Sinundan ko agad ang ingay.
Zander. Tuluyan akong nakalabas. The smoke and the breeze
greeted my pale skin. Flecks of ember circulate in the night air. Tila
nagsasayaw na liwanag sa gitna ng madilim langit.

I stood at the dark side of the mansion. Tila hindi marehistro sa aking
isip ang nakikita. The fire. Ang mga sugatang tao. Ang sigawan at
mga nagtatagbuhan mga yapak.

Sa gitna ng dilim pilit akong umaninag ng familiar na mga mukha.


But they were all veiled by the darkness and the chaos. Humakbang
ako palapit until I was nearly exposed. The hem of my white dress
danced in the breeze. Someone saw me, but they were too busy
fighting to stay alive.

Isang familiar na tindig ang aking nakita. Nakatalikod siya mula sa


akin, pilit tumatayo mula sa pagkakabagsak sa lupa. Noong mga
oras na yon alam ko... mula sa mga balikat na naging sandalan ko,
sa mga braso niyang pinaramdam sa akin ang higpit ng kanyang
yakap. Kahit iba ang anyo nita, kahit wala na siyang iba pang
nakikilala, alam kong siya ang nasa aking harapan.

Zander.

Pinaliligiran siya ng tauhan ng aking Lolo. Pinagtutulungan na tila


isang halimaw. Hinihingal siya. Dumudugo ang bahagi ng kanyang
ulo. Sugatan siya at pagod na pagod na. But he remain fighting,
kahit wala ng natatamaan ang bawat pag unday ng kanyang
matutulis na mga kuko, kahit halos matumba na siya sa bawat pag
galaw.

Muli akong humakbang. Sunod sunod na pumatak ang aking luha.


Tila wala ako sa sarili habang pinagmamasdan siya, habang
naglalakad sa gitna ng kaguluhan. Tama na. Pakiusap. Zander.

A sharp distinct sound caught my attention. Tumigil ang aking mga


paa sa paghakbang. Napalingon ako sa pinagmumulan nito. Ilang
hakbang mula sa akin ay ang aking Lolo. Nasa bungad siya ng
mansion. He didn't notice my presence. Dahil nakafocus siya sa
isang bagay. Sa baril na nasa kanyang kamay. Ang ingay na narinig
ko... ay mula sa pagkasa ng kanyang baril.

Sinundan ko ang direction kung saan ito nakatutok. Hangang sa


namalayan kong nakatitig ako sa nakatalikod na si Zander.

Tila tumigil ang oras sa aking napagtanto. Lolo, hindi! Unti unti
niyang kinakalabit ang gatilyo. And in that exact moment I know... it
will end here... in this generation... with Zander and I.

I run. Kasabay ng pagkalabit niya ng gatilyo ay ang aking pagtakbo.

Sorry, sorry if I chose your Dad over us. Sorry if things have to end
this way. But my child, you always have to remember. Your Dad
came for us. He came here to risk his life for us. It's out turn now.

Isang putok ang umalingawngaw sa paligid. I found myself facing


Zander. Lumingon siya sa akin. Unti unting bumalik si Zander sa
normal nitong anyo habang naka titig sa akin.

I felt nothing. Everything was normal, my breathing, no pain.


Hangang sa isang mainit na bagay ang aking naramdamam.
Napakainit at tila binubutas ang aking katawan. Bumagsak ako sa
lupa.

The place was swept by silence. Naramdaman kong bumalot ang


mga braso ni Zander sa akin. He stared at me. His face shadowed
by the moonlight and the trees. It was comforting, the silence, the
trees, and breeze as if they were lulling me to sleep.

"Laura..."

My Zander. Hinawakan ko ang kanyang mukha. I smiled. Will I still


see you waiting for me down the aisles? I want to see that day...
The searing pain keep digging right into me. I could feel it sipping
through every limp of my body. Zander tried to lift me up. His arms
were covered with my blood.

"Laura, tumingin ka sa akin. Laura, wag na wag mong ipipikit ang


iyong mga mata."

All I can see is Zander. Muli ko siyang hinawakan pero nauupos ang
lakas ng aking mga kamay. Nakatungo siya. Tumulo ang luha mula
sa kanyang mga mata at bumagsak sa aking mukha.

"Zander..."

"Laura, pakiusap. Dadalhin kita sa ospital. Pakiusap. Uuwi na tayo


sa Van Zanth."

Van Zanth... I remembered the I place I once called home, the


mansion and the downtown. I always thought I could go back.

"Hwag mong gawin sa akin ito. Hwag niyong gawin sa akin ito!
Umuwi na tayo. Pakiusap, umuwi na tayo."

I smiled as I slowly let go of my last breath. Unti unting pumikit ang


aking mga mata.

In your arms... Zander... home... will always be in your arms. I'm


home.

***
Chapter 37: Sacrifice

Chapter 37: Sacrifice

Hindi nakagalaw ang sino man. Tila panandaliang naputol ang ingay
sa paligid. Sa harapan nila ay ang walang buhay na si Laura.

Nanatiling nakatitig si Zander dito. Patuloy ang paglabas ng dugo


mula sa tama ng bala. Sa bukana ng property patakbong tinungo ni
Miss Loraine ang gulo. Kasunod niya si Sebastian. Sa katahimika na
bumalot sa paligid alam nila na maaaring huli na sila.

Miss Loraine became occupied with the previous attack on Van


Zanth. Hindi niya namalayan ang plano ng kapatid. Van Zanth was
left on Sebastian's care. Kaya noong nalaman ni Miss Loraine ang
kinaroroonan ng alpha, agad siyang tumungo sa lugar na ito.

Tumigil si Miss Loraine sa pagtakbo nang masilayan ang nangyayari.


Sa bisig ng kapatid ay ang duguan na si Laura.

"Hindi..." Tahimik niyang bulong. "Hindi maaari..."

Mula sa blankong mga mata ni Zander hangang sa mukha nitong


tuluyang nabura ang expression, alam na alam ni Miss Loraine ang
ibig sabihin ng katahimikan na ito.

Tumayo si Zander. Sumigaw si Miss Loraine. "Sebastian, get a hold


of Zander!"

Agad pumunta si Sebastian kay Zander. Ganoon din ang natitira


pang mga orders. The humans didn't know what was going on
anymore. Sa kanilang harapan ay ang walang buhay na apo ng
kanilang pinuno na tinamaan ng sarili nilang armas.

Pigilan ng mga orders ang nanlilisik na si Zander. He was slipping.


He was out of control.
Nanatiling nakatitig ang Lolo ni Laura. Nabitawan nito ang baril sa
lupa. Hindi ito naniniwala sa nakikita. Buhay pa ang kanyang apo.
Alam niya na buhay pa ito.

"Dalhin niyo siya... Dalhin niyo ang aking apo sa hospital!"

Natauhan ang mga hunter na nasa paligid. The orders were busy
taming their alpha. Isa sa mga hunters ay binuhat si Laura. Marahas
ang pagpupumiglas ni Zander. He let out a growl that could be heard
in the whole clan.

Walang nagawa si Miss Loraine kundi panoorin ang nangyayari. She


felt helpless. Lalo na noong kunin si Laura mula sa kanila. She has
no right to keep her. Laura is not theirs. Miss Loraine didn't know if
she's still alive. She was hoping she's still alive.

Inabot niya si Laura nang ilayo nila ito. Pero pinigilan niya ang sarili.
Ganoon din si Sebastian na walang nagawa kundi ang titigan ang
paglayo ng mga taong may hawak sa kanya.

Dahil alam nila na sa mga oras na yon, mas tama na ibigay si Laura
sa angkan. Madadala nila ito sa hospital. Maaaring hindi pa huli ang
lahat. Kailangan nila siyang bitawan. Kahit gaano ito kasakit makita.

They failed. They didn't get her back. And things ended up in a
bloodbath. Nanghihina si Miss Loraine. Pero mukhang hindi pa dito
natatapos ang lahat. They were still on the clan's territory.

Nawala ang pinuno ng angkan. Ngunit ilan sa mga hunters ay


pinalibutan parin sila. Mahina na ang bilang ng mga orders upang
makipaglaban.

"Hwag kayong gagawa ng ano mang pag atake."

Lumingon si Miss Loraine sa duguang lalakeng nagsabi nito.


Naglakad ito palapit sa kanila. Mula ito sa loob ng mansion. Kahit
nahihirapan tumayo ito ng maayos ay pilit hinarap ang mga kasama.
"That is an order."

May mga bahagyang yumuko nang makita siya.

"Sir Dylan."

Humarap si Dylan sa mga hybrids. Sebastian stared at him. Familiar


ito sa kanya. Minsan na silang nagkaharap sa Van Zanth.

"Kailangan niyo ng umalis," sinabi ni Dylan. "Sa ngayon ay hindi


makakatulong sa sitwasyon ang pananatili natin sa iisang lugar."

Miss Loraine didn't know if she could trust the guy. Alam niyang may
punto ito. Sa kabilang panig ito lamang ang nanatiling kalmado at
maaari niyang makausap.

"Mas mabuti kung bumalik muna kayo sa inyong bayan. Kung ano
man ang kahihinatnan pinapangako kong ipaparating ko sa inyo."

"I understand."

She decided to trust him.

"Babalik kami sa aming bayan. Tuparin mo sana ang iyong


pangako." Miss Loraine's voice cracked. "At sana gawin niyo ang
lahat para mabuhay si Laura."

"You have my word."

Huminga ng malalim si Miss Loraine. Bilang Van Zanth kailangan


niyang gumawa ng decision. Humarap siya kay Sebastian. Tumango
siya signalling the retreat of the group.

"Ayusin niyo ang lahat. Babalik na tayo."

Miss Loraine went to her brother who's struggling from the order's
grasp. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang labi.
"Alam kong maaaring hindi mo ako mapatawad sa gagawin ko. Pero
ito ang kailangan mo ngayon."

She grabbed Zander's neck. Kinagat niya. Nagpumiglas si Zander.


Ngunit unti unti itong nanghina hangang sa mawalan ng malay.
Bumagsak si Zander sa lupa. Miss Loraine stared at silver moon
above to prevent her impending tears. This long bloody night should
end here.

--

Dinala sa hospital ng bayan si Laura. Agad siyang dinaluhan ng mga


doctor nang makita kung sino ang mga taong kasama nito. Kilala
ang kanilang angkan sa buong bayan.

The doctors motioned for them na hindi na maaaring sumama ang


sino man sa emergency room. Walang nagawa ang pinuno ng
angkan kundi ang maghintay. Hangang sa mga oras na yon hindi pa
humuhupa ang pagkabigla nito. Wala ito sa sarili.

Tuluyang naka-alis ang panig ng mga hybrids. Pinamunuan ni Dylan


ang pagsasaayos ng gulo saka siya sumunod sa hospital. Nadatnan
niya ang kanyang Lolo na naghihintay kasama ang ilang sa
tagapagbantay.

"Sir Dylan."

"Nasaan siya?"

Tinuro nila ang Emergency Room. Dylan cursed. Walang imik ang
kanyang Lolo. Halos mag uumaga na noong lumabas ang doctor
mula sa pintuan ng kwarto. Agad lumapit si Dylan dito.

"Kamusta ang pinsan ko?"

"Nasa critical siyang kalagayan."


Hindi alam ni Dylan kung pagpapasalamat siya dahil buhay si Laura
o manghihina dahil nasa critical parin itong kalagayan.

"Natangal na namin ang bala. She's under comatose right now."

Nag igting ang panga ni Dylan sa narinig.

"May isang bagay pa kayong kailangang malaman."

Doon nagbalik sa kasalukuyan ang pinuno ng angkan.

"The patient is four weeks pregnant."

--

Hapon na noong inilipat si Laura sa isang kwarto sa hospital. Ang


tanging maririnig ay ang ingay ng mga aparatong nagdudugtong sa
buhay ni Laura. Walang sino man ang umimik sa pagitan ni Dylan at
ng Lolo niya. Naalala ni Dylan ng huling sinabi ng Doctor.

"Kapag nagpatuloy ito parehong mapapahamak ang mag ina. Hindi


kayang suportahan ng isang katawang nasa coma ang bata."

Humarap si Dylan sa kanyang Lolo.

"They have the right to know. Ang bata sa sinapupunan ni Laura ay


anak ng kanilang alpha."

Hindi umimik ang pinuno ng angkan. Tinitigan nito si Laura.

"Hwag kang magpapapasok ng kahit sino dito," utos nito bago


tuluyang lumabas ng kwarto.

Ngayon lamang nakita ni Dylan ang kanyang Lolo na ganito. He was


always been dignified, sure of his every move and plans. But regret
and confusion was etched on his face. Ang balang maaaring kumitil
sa buhay ng dalawang taong mahalaga sa kanya ay nagmula sa
sarili niyang mga kamay.
--

Dumating ang gabi. Naging tahimik sa hospital. Nalapatan na ng


lunas ang mga sugatang miyembro ng angkan. The clan was swept
by eerie silence.

Sa paglipas ng oras ay mas nangangamba si Dylan sa kalagayan ni


Laura. Buong gabi siyang nagbantay. Hindi niya namalayan na
nakatulog siya.

Nagising siya dahil sa gulo sa hallway. Umalis siya mula sa sofa at


lumabas sa kwarto. Nakita niyang nagtatakbuhan ang mga
tagapagbantay. Tinanong niya ang isa sa mga ito.

"Nasa labas ang alpha ng Van Zanth at gustong makapasok."

Natigilan si Dylan sa narinig. Pumunta siya sa labas upang tingnan


ang nangyayari. Nakita niya si Zander Van Zanth na pinipigilang
makapasok ng mga tagapagbantay at ilang mga tauhan ng hospital.
Walang pinagbago ang kalagayan nito. Tila hindi ito nagpahinga o
nilapatan man lang ng lunas ang kanyang mga tinamong sugat.

Nagpupumilit si Zander na makalapit sa hospital kung saan


nakaconfine si Laura. Ngunit mahigpit na sinunod ng hospital ang
bilin ng pinuno ng angkan. Walang sino man ang maaaring bumisita.

Dumating sa hospital ang Lolo ni Dylan. Nakita nito ang kumosyon


sa labas. Nagpatuloy ito sa pagpasok sa loob nang hindi humaharap
sa alpha. Nang dumaan siya sa tapat ni Dylan, sinabi nito. "Hwag
niyo siyang hahayaan na makapasok."

Huminga nang malalim si Dylan. Hanggang kailan siya


magmamatigas ng ganito?

Lumapit si Dylan sa gulo. Nagpumigilas si Zander sa kamay ng mga


may hawak sa kanya. Nagtatangis ang kanyang bagang ngunit
makikita sa kanyang mga mata ang pagsusumamo.
"Nasaan siya? Kamusta ang kalagayan nila?"

Natigilan si Dylan. Kung ganoon alam na niya.

"Nasa coma si Laura. Critical ang kondisyon ng bata."

Tinitigan siya ng alpha. Nakita ni Dylan ang sakit na nalaytay sa mga


mata nito.

"Kailangan ko silang makita. Hayaan niyo akong makita siya."

"Mas mabuti kung bumalik ka muna sa iyong bayan."

"Kailangan ko silang makita!"

Dylan could almost see the pleading in the alpha's eyes. Subalit
hindi makatutulong sa sitwasyon ang muliang pagba-banggaan ng
angkan. Specially now they're both in vulnerable position.

Tumalikod si Dylan. "Hindi ko magagawa ang hinihiling mo."

Nagsimula siyang maglakad pabalik sa loob hospital. Narinig niya


ang pagpupumiglas ni Zander. You can never put out fire with fire.
Kailangan na mapagtanto ng magkabilang panig ang bagay na ito.

--

Nanatiling walang malay si Laura. Payapa ang mukha nito habang


nakahiga sa kama. Dylan never saw this kind of calm from her
before. Sa mga nakalipas na buwan nabuhay si Laura sa pagkalito,
takot, at pangamba.

Nakakatulog ka na ba ngayon ng mahimbing? Gusto niyang itanong


sa pinsan. Kaya ba hindi ka nagigising dahil mas gusto mo ang
katahimikan dyan?

Sandaling umuwi si Dylan noong hapong yon upang kumuha ng mga


gamit. Paglabas niya sa hospital nanatiling naghihintay si Zander sa
labas. Dalawang tauhan mula sa mansion ang nakabantay sa kanya
upang masigurong hindi ito makaka-pasok.

Hindi alam ni Dylan kung ano ang nasa isip nito. Papalubog na ang
araw. Buong araw na itong nakatayo doon.

Gabi na noong makabalik si Dylan. Nanatiling nakatayo sa harap ng


hospital si Zander at tila wala balak umalis o gumalaw man lang.
Noong binanggit niya ang bagay na ito sa kanyang Lolo wala itong
ano mang sinabi.

Natulog si Dylan hospital tulad ng mga nakaraang gabi. Muling


umuwi ang kanyang Lolo sa mansion. Pupunta lamang ito upang
magtanong ng kalagayan sa doctor. Tila iniiwasan nitong tingnan si
Laura.

Inaasahan niya na nakaalis na ang alpha kinabukasan. Ngunit isa sa


mga tagapagbantay ang nagsabing hindi ito natulog at nanatiling
nakatayo sa labas.

Bumuntong hininga si Dylan. "Patuloy niyo siyang bantayan. Pero


hwag niyong sasaktan."

Makulimlim noong langit noong umagang yon. Bandang hapon


bumuhos ang malakas na ulan. Nanatili si Dylan sa kwarto ni Laura.
Nagbasa siya ng libro upang magpalipas ng oras. Ang tunog ng mga
aparatong nasa kwarto at ang pagbuhos ng ulan ang tanging ingay
na maririnig sa kwarto.

Tumigil si Dylan sa pagbabasa nang may kumatok sa kwarto.


Pumasok ang isa sa tagapag bantay na inatasan niya kay Zander.

"Umalis na ba siya?"

Umiling ito dahilan upang matigilan si Dylan.

"Nasa labas parin po siya sa mga oras na ito."


Sinara ni Dylan ang libro at tumayo. Lumapit siya sa bintana.
Madilim na langit. Kasabay ng pagsapit ng gabi ay ang paglakas ng
ulan.

"Sa tingin ko nanghihina na siya," sinabi ng tagapagbantay. "Sariwa


parin ang mga sugat nito at hindi pa kumakain. Ano mang oras ay
maaaring sumuko na siya."

Pinagmasdan ni Dylan ang lalakeng nasa ilalim ng ulan at


naghihintay. Isang bagay ang hindi niya inasahang makita.
Nakaluhod ito sa lupa. The alpha who bows for no one was on his
knees begging to see a glimpse of Laura.

Bumukas ang pinto ng kwarto. Lumingon si Dylan. Pumasok ang


kanyang Lolo. Gusto niyang sabihin sa kanya ang tungkol dito.
Ngunit tila alam na niya ito.

Dumerecho ang pinuno kay Laura. Tahimik niya itong pinagmasdan.


Wala may alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nito.

Tahimik na lumipas ang gabi. Patuloy ang pagbuhos ng ulan sa


labas. Nanatili si Zander na nakaluhod sa ilalim ng ulan. Laura
remained unconscious. Nanatili ang kanilang lolo sa hospital noong
gabing yon. Noong binanggit ni Dylan ang tungkol kay Zander ilang
salita lang ang narinig niyang sagot.

"Susuko din siya."

Ngunit dumating ang umaga ay nanatili itong nakaluhod sa ilalim ng


ulan. Pinagtitinginan siya ng mga tao at empleyado ng hospital.
Nagpa-palit palit na ang nagbabantay sa kanya ngunit nanatili ito sa
position niya. Nakayuko. Hindi sumusuko.

Pangatlong araw na mula noong nangyari ang insidente. Wala


paring pinagbago ang kalagayan ni Laura. Nangamba ang mga
Doctor. Kapag nagpatuloy ito tuluyang mapapahamak ang bata sa
sinapupunan niya.
Noong hapong yon tahimik na umiidlip di Dylan sa kwarto nang
isang ingay ang kanya narinig. It was the continious beep of the
apparatus connected to Laura's body. Biglang naalimpungatan si
Dylan at nakita ang tuwid na linya sa monitor. Napagtakbo siya sa
pintuan at tinawag ang Doctor.

Nagkagulo sa hallway. Agad nagmadali ang mga doctor upang


puntahan ang kwarto ni Laura. Nawalan ng lakas si Dylan. Lalo na
nang makitang sinusubukan nilang isalba si Laura. Napamura siya at
na ihilamos ang mga palad sa mukha.

Sa gitna ng nagkakagulong paligid, isang bagong kumosyon ang


nabuo sa pintuan ng hospital. Isang tao ang nagpupumilit
makapasok. Si Zander.

"Laura..."

Sinubukan siyang pigilan ng mga tagapagbantay. Nagpumiglas si


Zander. Patuloy ang pagtunog ng aparato. Tila magkasabay silang
nakikipaglaban sa magkaibang sitwasyon. Tinaasan ang boltahe ng
kuryente upang bumalik sa pagtibok ang puso ni Laura. Nawawalan
na ng pag asa ang mga doctor. Mababakas sa mga mukha nila ang
maaaring hindi magandang kahinatnan ng sitwasyon.

Nakawala si Zander sa pagkaka-hawak ng dalawang tagabantay.


Nakapasok siya sa loob. Agad niyang tinungo ang kwarto ni Laura.
Natigilan ang mga doctor.

"Alisin niyo siya dito!"

Sinubukan si Dylan at ng iba pa na pigilain si Zander. Halos nasa


tapat na ito ng nakabukas na pinto ng kwarto. Tumigil si Zander
nang masilayan si Laura. His dark expression soften.

"Laura..."
Isang tunog ang pumukaw sa lahat. Pagkasa ng baril. Isa sa
tagapagbantay ang tinutukan si Zander ayon sa utos ng pinuno ng
angkan.

"Ilabas niyo siya. Makakasama siya sa kalagayan ng aking apo."

Hindi kumilos si Zander. Tila wala itong balak na lumaban. Nanatili


itong nakatitig kay Laura.

"Kahit sandali... Gusto ko lang siyang makita..."

Inalis ng mga tagapagbantay na tila hindi narinig ang kanyang


pakiusap. Hinila siya ng mga ito. Maya maya pa isang kakaibang
bagay ang pumukaw sa lahat.

"The patient responded."

Ang steady na linya ay unti unting nagkakaroon ng maliliit na alon.


Lumingon ang pinuno ng mga doctor kay Zander.

"Papasukin niyo siya."

Akmang magsasalita ang Lolo ni Laura nang magpatuloy ang


Doctor.

"Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero nagrespond ang


pasyente sa pagdating niya. Nasa bingit ng kamatayan ang inyong
apo. Kung gusto niyo siyang mabuhay hahayaan niyong makalapit
ang alpha dito."

Sa pagkakataong ito hindi gustong makialam ni Dylan. Isang


malaking desisyon ang kailangang gawin ng pinuno ng angkan. At
gusto niya mangaling mismo sa kanyang Lolo ang salitang ito.

The lost expression in his Grandfather's wary eyes faded. Bumaling


ito kay Laura at gumawa ng desisyon.

"Pumapayag na ako."
***

Author's Note:

Next chapter is the last chapter. Then, finally epilogue. Thank you for
reading Living with a Half Blood. It's been a long journey, but it's
been fun. I hope you enjoyed it as much as I do. See you on the last
chapter!

Tweet me: breatheapril


Hashtag: #LWAHB

Until then,
april_avery
Chapter 38: Wavering
Chapter 38: Wavering

Nanatili si Zander sa tabi ni Laura. Hawak niya ang kamay nito.


Lumabas si Dylan at ang kanyang Lolo sa kwarto. In their
grandfather's face was letting go. But at the same time, Dylan never
saw his face as peaceful as this. Tila sa pagtanggap niya kay
Zander, kasama nitong binitawan ang galit na matagal na naipon sa
kanyang puso.

"Gusto ko lang siyang protektahan," sinabi nito habang sila ay


nakatayo sa hallway. "Hindi ko nagawa iyon sa kanyang Ama. Kaya
noong nalaman ko na buhay ang aking apo, gusto ko siyang ibalik
dito. Ito ang kanyang tahanan."

"There is already someone who can protect her more than we can,"
said Dylan. "She is Zander's mate, the mother of the alpha's child.
Hindi natin maaaring alisin ang bagay na 'yon sa kanya."

"Ganoon ba nila kamahal ang isa't isa upang isakripisyo ang sarili
nilang kaligtasan? Ang buong akala ko ay ginagamit lamang si Laura
upang sila ay maghiganti. Alam mo ang gulo sa pagitan ng ating
mga pamilya. Pero noong nakita ko ang kanilang pagsakripisyo,
natakot akong isipin na maaaaring ako ang hadlang sa kanilang
kaligayahan. Ako ang ginagamit ang sarili kong apo upang
makapaghiganti."

Ito ang unang pagkakataon naging bokal ang kanilang Lolo sa


kanyang iniisip.

"Laura is a strong girl," said Dylan. "May sarili siyang pananaw at


desisyon. Madami na ang kinuha ng kanilang uri sa atin. But not all
of them should be treated as enemies. Lalo na ngayong magkaka-
anak na sila ng alpha."
His grandfather sighed. Tila ba pagod na pagod na ito.

"Tawagin mo nalang ako kapag may pagbabago na sa kanyang


kalagayan."

Tumalikod ito at sinamahan ng dalawang bantay paalis. Ngunit bago


tuluyang umalis sa hospital, may huli itong hinabilin.

"Pakainin niyo ang alpha at gamutin ang kanyang sugat.


Hindi ko gustong madatnan ng apo kong sugatan ang kanyang
mapapangasawa."

Yumuko si Dylan sa kanyang Lolo at nagpaalam. Isang ngiti ang


makikita sa labi nito.

"Salamat, Lolo."

Bumalik sa kwarto ni Laura si Dylan. Nandoon parin si Zander at


nagbabantay. Naka pikit ito habang hawak ang kamay ni Laura.
Dylan wonder if he is conscious. Kanina pa kasi ito hindi gumagalaw
sa kanyang position. Lumapit si Dylan at tinapik si Zander.
Napaatras siya nang bigla nalang itong bumagsak mula sa
pagkakaupo sa silya.

"Zander,"

Hindi ito sumagot. Wala na itong malay. Napamura si Dylan. Akmang


lalabas siya sa kwarto upang tumawag ng doctor nang mapansin
niya ang linya sa monitor na konektado kay Laura. Nagsimula itong
mag ingay. Ano ang nangyayari?

Tumakbo si Dylan sa hallway at tinawag ang mga doctor.


Humahangos na pumunta ang isang doctor at ilang nurse sa kwarto.
Agad nilang dinaluhan si Zander. Ang iba ay inasikaso si Laura.
Nakatitig si Dylan at hindi alam kung ano ang gagawin. Tila
konektado ang buhay ng dalawa. Si Zander at si Laura. Hindi.
Matatapos na ang problema. Hindi sila maaa ring sumuko ngayon.
Dinala sa emergency room si Zander. The beating and blinking on
Laura's monitor continued. The green wave on was slowly wavering.
Naihilamos ni Dylan ang palad sa kanyang mukha.

"Pasensya na, Sir pero kailangan niyong lumabas."

Walang nagawa si Dylan kundi iwan si Laura. Nagpalakad lakad siya


sa hallway. Naghihintay. Isang bantay ang lumapit sa kanya.

"Sir, may bisita po tayo galing sa Van Zanth."

Tinitigan ni Dylan ang tinutukoy ng bantay. Mula sa pintuan sa dulo


ng hallway nakatayo si Miss Loraine at Sebastian.

"Papapasukin ko po ba sila?"

"Yes. Let them in."

Yumuko ang bantay at umalis. Lumapit ito sa dalawang nakatayo sa


tapat ng pintuan. Nag usap sila. Maya maya pa naglalakad na si
Miss Loraine at Sebastian papunta kay Dylan. Napansin ni Dylan
ang nag aalalang mukha ng kapatid ni Zander. Mapupula ang mga
mata nito at tila wala pa itong pahinga tulad nila.

Bahagya itong yumuko nang magharap sila. Yumuko din si Dylan


bilang pagbati.

"I'm Loraine Van Zanth, Zander's sister. Gusto ko lang malaman


kung nandito siya." Her voice cracked. "We've been searching for
several days."

"Nandito nga siya," sinabi ni Dylan.

"Nasaan siya?" Tanong ni Sebastian.

Bago pa makasagot, nag salita si Miss Loraine. "He's been deeply


injured. Natamaan siya ng bala sa gitna ng laban bago pa dumating
si Laura. Tumakas si Zander sa hospital bago pa siya magamot."
Natigilan si Dylan. May tama si Zander? Pero nagawa niyang
maghintay ng halos tatlong araw sa ilalim ng ulan. Kung ganoon, sa
buong panahon na 'yon may malubha siya na pinsala.

"Nasaan ang kapatid ko?"

"Nasa emergency room siya sa mga oras na ito matapos mawalan


ng malay kanina."

Pain flooded Miss Laura. "How about Laura? How is she?"

"Pareho silang nasa kritikal na kondisyon."

Halos bumagsak si Miss Loraine dahil sa panghihina.

"This can't... this can't be..."

Sinamahan ni Dylan si Miss Loraine kay Zander. Sinabi ng isa sa


mga doctor na kailangan siyang operahan dahil sa balang nasa
kanyang katawan. Madami ang dugong nawala sa kanya at
nanghihina nang husto ang kanyang katawan.

Napaupo si Miss Loraine sa isa sa mga silyang nasa hallway.

"I told him not to go. Kailangan niyang magpagaling muna,


magpalakas. But he kept saying that Laura needed him."

"She did," said Dylan. "Kung wala siya dito noong mga oras na yon,
kung hindi siya nagpumilit pumasok, maaaring napahamak na si
Laura. Ngunit noong mga oras na yon walang nakaka alam na may
matindi siyang sugat."

"Makakaapekto ang kalagayan ng bawat isa sa kanilang kondisyon,"


sinabi ni Miss Loraine. "The pain they are feeling right now is
doubled because they share each other's pain."

"Ano ang maaari nating gawin?" asked Dylan.


"Let's hope both of them will survive this," sinabi ni Sebastian na
kanina pa tahimik. "Dahil maaaring bumitaw ang isa sa kanila upang
makaligtas ang isa pa."

Dylan turned to Miss Loraine to confirm Sebastian's statement.


Ngunit walang nagawa si Miss Loraine kundi ang tumango. Ito ang
epekto ng bond. Maaari nilang mailigtas ang isa't isa dahil dito.
Ngunit sa oras na pareho silang nasa bingit ng kamatayan, maaari
din pareho nila itong ikawasak.

Naghintay si Miss Loraine, Dylan, at Sebastian. Wala paring doctor


na lumalabas sa alin man sa mga pintuan upang kompirmahin ang
kalagayan ni Zander at Laura. Lumipas ang oras isang doctor ang
lumapit sa kanila.

"Ang buong akala namin ay unti unti ng umaayos ang kanyang


kalagayan. Ngunit tila bumalik ang kritikal na kondisyon niya at ng
bata," sinabi nito na tinutukoy si Laura. "Wala tayong magagawa
kundi ang maghintay."

Nanghina si Miss Loraine dahil sa narinig. "How about Zander?"

Bumaling ang doctor kay Miss Loraine. Naikuyom ni Sebastian ang


kamao nang makita ang expresyon sa mukha ng doctor.
Pagkabahala.

"Ang alpha, mas matindi ang kanyang lagay. Naalis na namin ang
bala. Ngunit ang mga sugat na ilang araw ng hindi naagapan ay unti
unti sinisira ang kanyang katawan."

And Laura also feels it. Once Zander recognize the pain, Laura has
the tendency to suffer, too. That is the power and downside of having
a bond. At this moment, both of them are fighting to live. But if both
pain is too much to bare, who would hold on and who would let go?

Muli ay naghintay sila. Nag paalam si Miss Loraine at Sebastian na


may kailangan pag usapan. Lumabas sila ng hospital. Pinagtinginan
sila ng mga tao. Ngunit hindi tulad ng dati ay hindi sila hinarang o
pinaalis. Pumunta sa labas si Miss Loraine upang pansamantalang
pakalmahin ang kanyang isip. Umupo si Miss Lorane sa isa sa mga
bench sa hardin ng ospital. Nakatanaw siya sa kakahuyan di
kalayuan sa ospital.

"Kahapon ay may natanggap kaming sulat," sinabi ni Sebastian. "Sa


tingin ko kailangan niyo din itong malaman."

Lumingon si Miss Loraine kay Sebastian. "What is it?"

"Galing ito sa council. Gusto nilang malaman kung bakit umalis si


Zander sa Fabrice ng walang paalam. Hindi pa tuluyang natatapos
ang kanilang usapan pagdating sa teritoryo ng Van Zanth."

Natahimik si Miss Loraine.

"Kapag nalaman ng council ang sitwasyon, mas lalo nilang gigipitin


ang Van Zanth."

Binalik ni Miss Loraine ang tingin kakahuyan. "Laura's child could


save Van Zanth. But not until Laura and Zander survived."

"They will," sinabi ni Sebastian. "Nasaksihan ako ang kanilang


pinagdaanan. Isa lamang itong maliit na pagsubok para sa kanila
dalawa. Kailangan nilang sabay na lumaban."

Pero maging si Sebastian ay nababahala sa takbo ng sitwasyon.


Saksi siya sa pinagdaanan ng dalawa. At alam niya ang kayanilang
gawin upang masiguro na magiging ligtas ang isa't isa. Laura can't
take as much pain as Zander can. She's a human. Isa ito sa dahilan
kung bakit hindi pabor ang nakararami sa kanila noon. It will be too
much pain for her.

Isang ingay ang pumukaw sa pag-uusap ng dalawa. Narinig nilang


nagtatakbuhan ilang nurse sa loob ng hospital.
"Ano'ng nangyayari?"

Bumalik si Miss Loraine at Sebastian sa loob. Nadatnan nila


nagmamadali ang ilang nurse na papunta sa kwarto ni Zander.

"The patient isn't responding," narinig nilang sinabi ng isa sa mga


doctor.

Nagmadali si Miss Loraine upang puntahan si Zander. Ngunit


natigilan siya nang madaanan ang kwarto ni Laura.

"She's responding," said the nurse. "The patient will wake up any
moment now."

Natigilan si Miss Loraine sa kanyang nasasaksihan. Nangilabot siya


nang isang bagay ang pumasok sa kanyang isip. Maaari kayang... si
Zander... Bumibitaw ba siya para kay Laura?

Nanatiling nakatayo si Miss Loraine sa gitna ng hallway. Habang


nagkakagulo ang mga tao sa kanyang paligid isa lamang ang
kanyang nasa isip. She was in the middle of the hallway, in front of
Laura's room and a few feet from Zander's. At mula sa kanyang
kinatatayuan ay malinaw niyang naririnig ang lahat.

Habang unti unting bumibitaw ang kanyang kapatid ay unti unting


nabibigyan ng buhay si Laura. Dahil kung parehong kamatayan ang
kinakaharap ng dalawa, ang pag bitaw ng isa ay buhay para sa isa.

"He's not responding."


"Her heartbeat is stable."
"His breathing stopped."
"She's awake."

Lumingon si Miss Loraine sa kwarto kung nasaan si Laura. Mula sa


salaming binta na nakita niya ang mukha ni Laura. Unti unting
bumukas ang kanyang mga mata. Narinig sa hallway ang isa pang
ingay.
"We're losing the patient on ER."

***

Author's Note:

I divided the last chapter of #LWAHB into two. So, this is not officially
the last chapter yet. We still have Chapter 39. You can now breathe
haha. Thank you for reading #LWAHB.

Share your thoughts below! Or tweet me @breatheapril I stalk the


hashtag #LWAHB.

Until the last chapter! (I'm serious this time lol)


april_avery
Chapter 39: Final Chapter

Chapter 39: Final Chapter

Bumungad kay Laura ang maliwanag na paligid. Madami ang mga


matang nakatingin sa kanya. Kumurap siya. Sinusubukang mag
adjust ng kanyang paningin. Nasaan ba siya? Walang familiar sa
mga mukhang kanyang nakikita.

"She's awake."

Isang tunog ng aparato ang pumukay sa kanyang pansin. Tinitigan


niya ang monitor na nakakabit sa kanyang kamay.

"Naririnig mo ba kami?"

"Ano ang nararamdaman mo?"

It was too hazy. Her vision was unfocus. Isang familiar na boses ang
kanyang narinig.

"Laura, salamat at gising ka na."

Bumaling si Laura kay Dylan. Sa familiar na mukhang kanyang


nasilayan tila biglang bumalik sa kanya ang lahat. Humawak siya sa
kanyang tyan.

"My... baby,"

"Maayos ang kalagayan ng bata," sinabi ng isang nurse.

Nakahinga ng maluwag si Laura. Linibot niya ang tingin sa paligid. In


the corner of her eyes she saw Miss Loraine standing on the
doorway. Ngunit tila hindi ito makalapit. Ang mga mata nito puno ng
takot, ng pangamba. May luha din sa mga mata nito.

"Zander..." said Laura. "Where is Zander?"


Nagkatinginan ang mga tao sa loob ng maliwanag na kwarto.
Bumaling si Laura kay Dylan.

"Nasaan si Zander? Nandito... nandito ba siya?"

"He's not... here." Masakit kay Dylan magsinungaling. Ngunit


kailangan niya ito gawin. "Pero papunta na siya."

Ngumiti si Laura. "Gusto ko na siyang makita..."

"You will. Pero sa ngayon kailangan mo munang magpahinga."

Tumango si Laura. Ilang test ang sinagawa sa kanya ng ilang nurse.


Nang matapos, nanatili si Laura sa kanyang kwarto. Umupo siya sa
kama. Naghihintay.

"Darating ba siya ngayong araw?" tanong niya kay Dylan.

Lumipas ang ilang segundo bago sumagot si Dylan. "Hindi ako


sigurado."

"Si Lolo... nasaan siya?"

"Nasa mansion siya sa mga oras na ito. Hindi mo na kailangan pang


mag alala, Laura. Tinanggap na niya ang kanyang pagkakamali."

Isang payapang pakiramdam ang bumalot kay Laura. Napatingin


siya sa bintana habang hawak ang kanyang sinapupunan.

"Ano ang magiging reaction ni Zander kapag nalaman niya?"


Ngumiti si Laura. "Gusto ko ng sabihin sa kanya. Gusto kong makita
ang kanyang mukha kapag nalaman niya na magkaka-anak na
kami."

Napansin ni Laura ang pagiging tahimik ni Dylan. "What's wrong?"

"Nothing. Magpahinga ka na."


Bumaling si Laura sa nakasarang pintuan.

"Where's Miss Loraine? I saw her earlier. Bakit hindi siya pumasok?"

"Laura... kailangan mong magpahinga. They will be here later."

Bumaling si Dylan sa nurse na nasa kwarto na nagmomomitor ng


kalagayan ni Laura. Tumango ito at sinara ang kulay asul na kurtina
na nakapalibot sa higaan ni Laura.

"Dylan?" tanong ni Laura. "He's... he's okay right?"

Napakurap si Dylan sa tanong ni Laura.

"I had... I had a strange dream... I..."

Bumukas ang pinto. Hindi naituloy ni Laura ang sasabihin. Pumasok


ang isang bantay.

"Sir Dylan..."

Bumaling si Dylan dito.

"The patient on ER... the alpha is gone..."

Natigilan si Laura sa narinig.

"Gone?" Naguguluhan na tanong niya. Lumingon si Laura kay Dylan.

"Ano ang ibig niyang sabihin? Nandito ba si Zander?"

Tila doon lamang napansin ng bantay ang kanyang pagkaka-mali.


Yumuko ito. "Patawad po."

Umalis ito sa kwarto. Ngunit si Laura nanatiling nakatitig kay Dylan.


Nagtatanong ang kanyang mga mata. Naguguluhan. Natatakot siya
sa kanyang narinig.
"Dylan, ano ang nangyayari?"

"Laura, si Zander..."

Alam ni Dylan na hindi na niya maitatago pa ang katotohanan.

"Wala na siya..."

"Ano'ng... ibig mong sabihin?"

"May malubha siyang sugat. Hindi ito naagapan agad. Kumalat ito
sa kanyang katawan. He's been critical since the attack several days
ago. And now..."

"No," Umiling si Laura. "Hindi... Mali ang sinasabi mo. Dylan, buhay
siya."

"Laura..."

Pinilit makaalis ni Laura sa kama. Agad siyang pinigilan ng nurse.

"Makakasama sa inyong kalagayan ang iyong ginagawa," paalala


nito.

But Laura wasn't listening anymore. Tears were brimming down her
face.

"Dylan... Dylan pakiusap. Nagkakamali kayo. Hindi siya pwedeng


mawala... Buhay si Zander, Dylan."

Naawa si Dylan sa nakikitang kalagayan ni Laura. Hindi niya


matingnan si Laura ng derecho sa mga mata.

"Maaaring nagkamali sila... Zander... hindi siya basta basta


mawawala. Hindi niya ako iiwan..."

Noong mga oras na yon tumawag na sa intercom ang nurse upang


humingi ng pampakalma. Laura was struggling in the bed. Dylan and
the nurse was carefully forcing her to lay down.

"Dylan, nararamdaman ko... buhay pa siya..." said Laura with dry


voice. "Maaaring nagkamali lang ang mga doctor... Zander isn't
normal. He's a hybrid, an alpha..."

Pumasok ang dalawang nurse at nakita ang nangyayari. May hawak


na tray ang isang nurse na may lamang gamot. Lumapit agad sila sa
higaan ni Laura.

"Dylan, please let me see him," nagsusumamong sinabi ni Laura.


"Zander... he can't be gone..."

Isang manipis at mabilis na sakit ang naramdaman ni Laura sa


kanyang braso. Maya maya pa nakaramdaman siya ng matinding
antok. Tinitigan ni Laura si Dylan. Hangang sa unti unting pumikit
ang kanyang mga mata.

"We need to check the baby's condition," sinabi ng nurse. "Hindi


namin ito magagawa ng maayos hanggang hindi siya kumakalma."

Walang magawa si Dylan kundi ang manghina.

"Totoo bang wala na ang alpha?" tanong ni Dylan.

"It was a flat line. Wala ng nagawa pa ang mga doctor."

Naikuyom ni Dylan ang kanyang mga kamao.

"Maya maya susuriin namin ang kalagayan ng bata."

Tumango si Dylan. Sinulyapan niya ang natutulog na si Laura bago


nagpaalam sa mga nurse na lalabas muna ng kwarto. Pinuntahan ni
Dylan ang kwarto kung nasaan si Zander. Nakatayo sa tapat ng
pintuan si Miss Loraine at Sebastian. Nasa loob parin ng kwarto ang
ilang mga nurse. Ngunit sa halip na umiyak at magluksa, umiiling si
Miss Loraine. Narinig ni Dylan ang sinasabi nito.
"Hindi... nagkakamali sila. Buhay pa ang kapatid ko."

Pinapakalma siya ni Sebastian.

"Tell them, Sebastian. Si Zander, alam kong buhay pa siya."

Tuluyang lumapit si Dylan.

"Ano'ng nangyayari dito?"

Humarap si Miss Loraine sa kanya.

"There must be a mistake here," she said. "Buhay si Zander."

Dylan didn't know if Miss Loraine was only in a state of denial.


Ngunit ganoon din ang sinasabi ni Laura kanina bago siya pinatulog.

"We can feel it. As a pack we are connected. Nararamdaman ko


parin ang presensya ng aming alpha... ng kapatid ko."

"But the monitor already stated a flat line."

"Hindi kami normal. Alam niyo yan. Kaya posibleng may


pagkakamali lang na nangyari."

Lumabas ang nurse mula sa pintuan ng ER. Sinabi nito na kailangan


ng ilipat ni Zander.

"No," said Miss Loraine. "Hindi niyo siya pwedeng alisin sa kwarto na
yan. Buhay ang kapatid ko."

Bumaling ang nurse kay Dylan.

"Sir?" Tanong nila sa pangalawang pinuno ng angkan.

Bumuntong hininga si Dylan. "Bigyan niyo pa kami ng ilang oras,"


sinabi niya. "Continue monitoring the patient."
Naguluhan ang nurse ngunit wala itong nagawa kundi ang tumango.
Nagpaalam ito at bumalik sa loob ng kwarto.

"Maraming salamat," sinabi ni Miss Loraine.

"Kung sinasabi niyong buhay pa siya, kayo ang aking paniniwalaan."

"Kamusta na si Laura?" tanong ni Sebastian.

"Pinatulog siya. Nalaman na niya ang nangyari kay Zander," sinabi ni


Dylan. "Akala ko kapag nagising siya magiging maayos na ang
lahat."

"Kaya nilang isakripisyo ang kanilang kaligtasan at kalayaan para sa


isa't isa," sinabi ni Miss Loraine. "Subalit ngayon mas kailangan
nilang isipin ang kanilang mga sarili. Sa ganoong paraan pareho
silang makakaligtas."

Naghintay sila sa hallway. Inilabas si Laura sa kanyang kwarto.


Nakahiga ito sa hospital bed at wala paring malay.

"Saan niyo siya dadalhin?" tanong ni Dylan.

"Kailangan naming icheck ang kalagayan ng bata. We will head to


the ER."

Natigilan si Dylan. Hindi niya alam kung makabubuti ba na


magkasama ang dalawa sa kwartong yon, na muli silang magkita sa
hindi inaasahang lugar at pagkakataon.

Lumingon si Dylan kay Miss Loraine at Sebastian. Pilit na ngumiti si


Miss Loraine saka tumango.

"Kung ito na talaga ang huling pagkakataon na makakasama nila


ang isa't isa, mabuti pang hayaan na natin sila. Kahit sa ganitong
sitwasyon, hayaan na natin silang magkasama."
Naintindihan ni Dylan ang ibig nitong sabihin. Tumango ito. "Kung
yon ang sa tingin niyo ay mas makabubuti sa dalawa."

Pinasok si Laura sa ER. Tinatakpan ng asul na kurtina ang kama


kung nasaan si Zander. Ito na lamang ang nagsisilbing pagitan ng
dalawa mula sa isa't isa. Hinawi ng isa sa mga nurse ang kurtina at
sa pagkakataong yon, matapos ang madaming paghihirap, muli ay
katabi na nila ang isa't isa. Hindi man ito sa inaasahang sitwasyon,
their fate still led them to each other.

--

Nanaginip si Laura. Sa kanyang panaginip kaharap niya si Zander.


Nasa isang daan sila. Isang maluwang na daan na pinaliligiran ng
puno at kakahuyan.

"Kailangan ko ng umalis," sinabi ni Zander.

Nakangiti si Zander. Ang kanyang mukha ay payapa. Tumalikod ito


at humarap sa maluwang na daan na walang katapusan.

Laura grabbed Zander's hand. Muling lumingon si Zander. Ngayon


lamang nakita ni Laura na ganito kapayapa ang mukha ni Zander.

"Do you really need to? Kailangan mo ba talaga kaming iwan?"

"Hinintay kita upang makapag-paalam ako. Hindi kita gustong iwan


ng mag isa-"

"Then don't!" Umiiyak si Laura. "Don't leave me."

Marahang inalis ni Zander ang kamay ni Laura na nakahawak sa


kanya.

"Ngunit kailangan ko itong gawin upang mailigtas ka... kayo."

Umiling si Laura.
"Let's save ourselves, with our strength, with all that we are,"
pakiusap ni Laura.

"Kahit gaano kahirap kailangan nating lumaban ng sabay. Hwag mo


akong isipin. Lalaban ako Zander. Kaya isipin natin ang ating mga
sarili sa pagkakataong ito."

Tinitigan ni Zander si Laura.

"Mahal na mahal kita Zander. Iligtas mo ang iyong sarili at ganoon


din ang gagawin ko. Let us save ourselves and we will save each
other."

Muling inabot ni Laura ang kamay ni Zander. Sa pagkakataong ito


hindi inalis ni Zander ang kanyang kamay. Sa halip ay hinawakan
niya ng mahigpit ang kamay ni Laura.

"Umuwi na tayo," sinabi ni Laura.

Laura prayed for Zander to never let her hand go. Ngumiti siya nang
may luha sa mga mata nang makitang tumango ito.

"Umuwi na tayo."

--

Tinitigan ni Miss Loraine si Laura. Hindi niya alam kung may malay
na ba ito. Gumalaw ang kamay ni Laura at hinawakan ang kamay ni
Zander na nakahiga sa kabilang kama. Hinawakan niya ito ng
mahigpit.

"Is she already awake?" Yon ang tanong na namutawi sa mukha ng


mga nurse na nasa ER.

All of a sudden a sudden sound caught everyone's attention.


Nagmumula ito sa monitor na nakakonekta kay Zander. The
apparatus started reading Zander's heartbeat again.
Nagtinginan ang mga nasa loob ng ER. Tumakbo ang isa sa pintuan
at tinawag ang doctor. Laura started to feel the immense pain. Bawat
himaymay ng kanyang katawan ay binabalutan ng sakit. She can
feel it in her half conscious state. She can feel it halting her
breathing, messing her head, and slowing her heartbeat. Ngunit
lalaban siya. Para sa kanyang sarili. Para sa kanyang anak. Para
kay Zander.

Lumingon si Laura at inaninag ang mukha ni Zander. Ngumiti siya


nang maramdaman na paghawak ni Zander sa kanyang kamay. The
monitor continued its monotonous beeping indicating his stable
heartbeat. At noong mga oras na yon alam ni Laura na nakabalik na
si Zander sa piling niya.

***
Living with a Half Blood: Epilogue

Epilogue: Eight Months Later

Sun spilled through the open window. Binuksan ni Laura ang


kanyang mga mata at naaninag ang maliwanag na kwarto. Someone
was staring at her.

"Good morning, my wife."

Ngumiti si Laura.

"How are you feeling?"

Sinubukang umupo ni Laura. Tinulungan siya ni Zander. Hirap na


siyang gumalaw dahil sa umbok sa kanyang tyan.

"I have a strange dream."

"Aren't you always?" Nakangiting sinabi ni Zander.

"It's different this time," said Laura. "Napanaginipan ko ang mga


magiging anak natin."

"And?"

"I dreamed of them running around the mansion with their little
voices echoing through the hallways."

Hinalikan ni Zander ang noo ni Laura.

"Hwag kang mag alala. Ilang araw nalang makikita mo na sila."

Lumabas si Laura sa kwarto habang akay ni Zander. Ilang mga


tagapagsilbi sa hallway ang bumati sa kanila.

"Magandang umaga, alpha, Miss Laura."


Ngumiti si Laura. "Good morning."

Bumaba si Zander at Laura sa hagdan. Bumungad sa kanila ang


maliwanag na paligid. Sa loob ng walong buwan madami na ang
nagbago sa mansion. Ang dating abandunadong atmosphere
ngayon ay napalitan na ng ingay at yapak mula sa mga tagapag-silbi
at tauhan ng mansion. Muling binuksan ang mansion para sa mga
tagabayan upang mapakinggan ng alpha ang kanilang hinaing. Ang
dating tahimik at madilim na hallway at mga gamit na natatakpan ng
tela ngayon ay binabalutan na ng liwanag mula sa mga nakabukas
na bintana. Ang tila kagubatan na hardin ay napalitan na ng
malalagong halaman at makukulay na mga bulaklak. Nagkalat din
ang mga tagapag-silbi at tauhan sa mansion.

Pumasok sa dining room si Zander at Laura. Nakahanda na ang


pagkain sa hapag kainan.

"What do you want to eat?" tanong ni Zander.

Umiling si Laura.

"Come on, Laura. Hindi pwedeng lagi ka nalang walang gana."

"Aalis ka ba ngayong araw?" tanong ni Laura.

"May kailangan lang akong asikasuhin sa council." Tinitigan ni


Zander si Laura. "Hindi mo ba ako gustong umalis? I could stay
here."

"If it's about the council you should go."

Hanggang sa mga oras na yon ay hindi pa tuluyang maayos ang


sitwasyon sa pagitan ng Van Zanth at ng council. They are
monitoring Laura's pregnancy. Sa magiging anak niya nakasalalay
ang decision kung maaari ba itong maging tagapagmana.

"Babalik ako agad."


Tumango si Laura.

"That's why you should eat."

Pumasok si Aunt Helga sa dining room. Siya na ngayon ang muling


tagapamahala ng mansion.

"Kailangan mong kumain ng masustansya, hija. Lalo na ngayon na


kabuwanan mo na."

"That's what I'm saying," frustrated na sinabi ni Zander.

Napangiti si Laura sa reaction ni Zander. Zander's been enduring


Laura's unpredictable mood swings caused by her pregnancy. And
his frustration is something Laura find amusing.

"Do you find this funny, my wife?"

Tumango si Laura na may ngiti sa labi. Zander frowned. Ngunit


kalaunan napangiti siya. Hindi niya akalain hanggang sa mga oras
na ito na nakabalik na si Laura sa piling niya, na nakabalik na sila sa
Van Zanth. At ang babaeng nasa kanyang harapan ay ang kanya ng
asawa.

Apat na buwan na ang lumipas mula noong ikinasal sila. It was one
of the biggest events in Van Zanth. Dinaluhan ito ng madaming tao.
Halos lahat ng mga tagabayan ay imbitado. It was a town wide
celebration. On the day they tie the knot dumalo ang Lolo ni Laura at
ang pinsan niyang si Dylan.

Habang kumakain nabanggit ni Laura ang pagbisita ni Dylan.

"Darating si Dylan mamaya."

"Kasama niya ba ang iyong Lolo?"

"Hindi siya makakapunta dahil may kailangan siyang asikasuhin.


Pero nagpadala siya ng mga regalo para sa kambal."
"Hindi na ako magtataka," sinabi ni Zander habang kumakain. "He
seems more excited than we are. Halos puno na ang isang kwarto
sa itaas ng mga regalo mula sa kanya."

Ngumiti si Laura. "Kapag nakakapagbyahe na ang kambal maaari


tayong bumisita."

Tumango si Zander. He gazed at Laura with affection. "We'll do that."

Bago magtanghali nagpaalam si Zander na kailangan ng umalis.

"Nandito si Sebastian. If ever you need anything he'll be here," sinabi


ni Zander habang nakatayo sa tapat ng pintuan ng mansion.

"Mag ingat ka."

Lumapit si Zander at hinalikan ang labi ni Laura.

"Babalik ako agad."

Hinintay ni Laura na tuluyang makaalis si Zander bago muling


pumasok sa mansion. Pagpasok niya bigla siyang nakaramdam ng
sakit sa kanyan tyan. Napa-hawak siya dito.

"Okay lang kayo, Miss Laura?" tanong ng isa sa mga tagapag-sibi.

"I'm fine. Mukhang nagpaparamdam lang si baby," sagot niya.

"Mabuti pa magpahinga na kayo, Miss Laura."

--

Bandang tanghali nang dumating si Dylan sa mansion. Agad siyang


sinalubong ni Laura.

"Dylan!"
Dala ni Dylan ang mga regalo na mula sa kanilang Lolo. Tinulungan
siya ng mga bantay.

"Laura, dahan dahan. Nagkita lang tayo noong isang buwan,"


natatawang sinabi nito.

"Kamusta ang mga pamangkin ko?" sinabi ni Dylan na humarap sa


tyan ni Laura. "Namiss niyo ba si Tito?"

"Hindi mo ako kukumustahin?" tanong ni Laura.

"I know you're doing well, Laura, or was that pregnancy glow?"

Hindi napigilan ni Laura na ngumiti. Higit pa sa pagiging pinsan,


halos kapatid na ang turing ni Laura kay Dylan.

Maya maya pa bumukas muli ang pintuan. Pumasok si Miss Loraine


sa mansion.

"Miss Loraine," bati ni Laura. "Buti bumisita kayo. Sandali, nagusap


ba kayo na bibisita ngayong araw?" tanong ni Laura sa dalawa.

Matapos kasi ang kasal, napagdesisyonan ni Miss Loraine na


bumalik sa bayan ng kanyang ina. Nasa Van Zanth siya upang
tulungan ang kanyang kapatid na bumalik sa dati. Kaya ngayon na
natapos na ang gulo at bumalik na sa pagiging alpha si Zander,
kinailangan ni Miss Loraine na bumalik sa bayan ng kanyang ina
kung saan siya ang namamahala ng mga lupa at ari-ariang naiwan
nito.

Nagkatinginan si Miss Loraine at Dylan. Sa halip na sumagot


humarap si Miss Loraine sa tyan ni Laura.

"Did you miss me, my little darlings?"

Napangiti na lamang si Laura at hindi na nagtanong pa. Umakyat sa


guest room si Dylan upang magpahinga mula sa mahabang byahe.
Dumerecho naman si Miss Loraine sa kusina upang batiin si Aunt
Helga.

Nanatili si Laura sa sala at naglakad lakad. Pumunta siya sa hardin.


Nadatnan niya doon ang pusang si Elvis na payapang natutulog sa
bench sa ilalim ng puno habang nasisinagan ng araw ang itim nitong
balahibo.

"Hey, Elvis," Nagising ang pusa nang marinig ang boses niya.
Tumalon ito sa lupa at sinundan sa paglalakad si Laura.

Pinagmasdan ni Laura ang malalagong halaman sa hardin.


Malayong malayo na ang itsura ng mansion kumpara sa unang
beses niyang tumapak dito.

"Sabi ko na nga ba dito kita makikita."

Lumingon si Laura. Naglakad si Sebastian palapit sa kanya.

"Kamusta ang pakiramdam mo?"

"I'm doing fine," sagot ni Laura.

"Kinakabahan ka ba?"

Ngumiti si Laura. "You know me so well, Sebastian."

"Was it about your child?"

Umupo si Laura sa bench. Inalalayan siya ni Sebastian.

"I'm worried not only the heir, but both of them will be subject into the
council's monitoring until they grow up. Normal ako. Half blood si
Zander. Ngayon lamang nangyari ito. At malaki ang tyansa na wala
ni isa sa aming anak ang makakakuha ng dugo ni Zander bilang
hybrid."

"Nakalimutan mo yata ang isang bagay," sinabi ni Sebastian.


"Zander is an alpha. Hindi lang siya ordinaryong hybrid. His blood is
more prevalent even compared to his pure blooded counterpart. Isa
pa, sa dami ng inyong napagdaanan ngayon ka pa ba mag-aalala?
Zander can protect you and your children at nasa tabi niya kami
bilang kanyang nasasakupan, bilang kaibigan."

Ngumiti si Laura.

"Parang ang tagal na mula noong una akong tumapak sa lugar na


ito," nasabi niya. "Remember you used to warn me about the secrets
of Van Zanth ngunit naging matigas ang aking ulo."

Mula sa pagiging estranghero sa bayan ngayon ay kabiyak na siya


ng alpha. Sino nga ba ang makakapagsabi na darating ang araw na
ito?

Muling naramdaman ni Laura a ng sakit sa kanyang tyan. Napadaing


siya.

"Okay ka lang, Laura?" nag aalalang tanong ni Sebastian.

Hindi nakasagot si Laura. Nakahawak siya sa kanyang tyan.


Kumikirot ito at unti unti siyang nawawalan ng hininga dahil sa labis
ba sakit.

"Laura?"

"Sebastian... manganganak na yata ako..."

"Hah?!"

Napakurap si Sebastian, tila hindi niya alam ang gagawin.

"Sandali... wala si Zander... shit..."

"Sebastian!" sigaw ni Laura dahil sa matinding sakit. "Snap out of it.


Manganganak na ako!"
--

Nagmadali ang mga doctor nang makita ang pasyente. Ang asawa
ng alpha ay manganganak na. Tumatakbo na sumunod sina
Sebastian, Miss Loraine, Dylan at Aunt Helga.

"Zander... si Zander..." sinabi ni Laura habang nakahiga sa stretcher.

"Susunduin ko siya," sinabi ni Sebastian bago tuluyang ipinasok si


Laura sa emergency room.

Hindi na sila hinayaan na makasunod pa. Nagpaalam si Sebastian


kay Miss Loraine na kailangang sunduin si Zander sa Fabrice.

"Mabuti pa nga, Sebastian," she said. "Siguradong pauwi na siya sa


mga oras na ito."

Yumuko si Sebastian bago tuluyang umalis. Naiwan si Miss Loraine,


Dylan, at Aunt Helga sa hallway. Maya maya pa isa sa mga doctor
ang nagsabi na kailangan ng pansamantalang kasama ni Laura sa
kwarto.

"Ako na ang pupunta," sinabi ni Aunt Helga.

Sumangayon dito si Miss Loraine at Dylan. Pumasok sa kwarto si


Aunt Helga. Naiwan ang dalawa sa hallway. Miss Loraine was
anxious.

"I told Zander not to go. Hindi siya pwedeng laging umaalis lalo na at
kabuwanan ni Laura. Now, look what's happening."

They heard Laura's labored breathing. Mas lalong nataranta si Miss


Loraine. Kinagat ni Dylan ang labi upang pigilan ang kanyang ngiti.
So this is what this town looks like when an heir and an heiress is
about to be born.

"Laura surpassed a bullet. She can easily surpassed this."


Somehow Dylan's statement was reassuring. Ngunit hindi parin
maalis ang pag aalala ni Miss Loraine. Ano mang oras ay maririnig
na niya ang iyak ng kanyang mga pamangkin.

Laura's labor lasted for hours. A few minutes before her water broke
Zander came rushing into the hospital. Natigilan ang mga tao at
napayuko nang makita siya.

"Where's my wife?"

"Nasa loob siya ng ER," sinabi ni Miss Loraine. "Go!"

Agad siyang pinapasok sa ER. Nakahinga ng maluwag si Aunt


Helga nang makita si Zander. Tumayo siya at pinaubaya kay Zander
si Laura.

"Ikaw na ang bahala sa kanya."

"Salamat,"

Hinawakan ni Zander ang kamay ni Laura.

"Zander..."

"I'm here."

"Don't leave..."

"I would never, Laura."

Pare-pareho silang naghintay. Zander was inside the ER while


holding Laura's hands, while the others were outside. Maging ang
mga tao ay nag aabang sa pagdating ng mga magiging
tagapagmana ng angkan ng Van Zanth.

There were excited and anxious conversations everywhere. Naka-


abang sa labas maging ang ilang taga bayan. Lumipas ang oras at
narinig ang iyak ng dalawang sanggol sa hospital.
"They're here," halos naluluha na sinabi ni Miss Loraine.

Lumipas ang oras bago sila pinapasok sa loob ng ER. Nadatnan nila
si Zander na hawak parin ang kamay ni Laura. Nakahiga si Laura sa
kama. Isang ngiti ang makikita sa kanyang mukha habang nasa tabi
niya ang dalawang sanggol.

Pinagmasdang mabuti ni Miss Loraine ang dalawang sanggol.


Parehong gising ang mga ito at tila ramdam ang kaguluhan sa
kanilang paligid. Ang babaeng sanggol ay may itim na mga mata
tulad ng kay Laura. At ang lalakeng sanggol ay may kulay dilaw na
mga mata. His eyes were flickering from dark to the color of a
precious metal. The color of gold.

The twins. A normal human and a pure blooded hybrid. Sa isa sa


mga sanggol napunta ang lahat ng dugong hybrid ni Zander. One of
the rarest instances in their kind.

Naiyak sa tuwa si Miss Loraine nang makita ang kanyang mga


pamangkin.

Pinagmasdan ni Laura at Zander ang kambal, ang kanilang mga


anak. Ang bagong generasyon ng mga Van Zanth.

"Zanra Arden Van Zanth and Zackary Arden Van Zanth," said Laura.
"You are my treasures."

Zander smiled. "And all three of you are my life."

Zander kissed Laura's forehead. Saka niya hinalikan ang noo ng


kanyang mga anak. Sa labas makikita ang mga tao na
nagkakasiyahan.

"The heir and heiress of Van Zanth are born!"

Van Zanth.
Malinaw pa kay Laura ang unang pagtapak niya sa lugar na tila
kahapon lamang ang lahat. Mula sa abandunadong mansion, sa
pagbabawal ni Aunt Helga na tumapak sa third floor, mga gulong
kanyang kinasangkutan, ang una nilang pagkikita ni Zander, ang
mga problema na kanilang pinagdaanan na halos nagwasak sa
kanila. Ang mga tao sa bayan na tutol sa kanilang pagsasama, ang
council, ang alitan ng kanilang mga angkan. Sino ang mag aakala na
malalampasan nila ang lahat ng ito?

Kung hindi siya pumayag na pumunta ng Van Zanth at nanatili siya


sa Charlotte magbabago ba ang buhay? Kung hindi siya tumapak sa
third floor noong hapong yon makikilala niya ba si Zander? Kung
hindi nila pinaglaban ang kanilang nararamdaman at pinaubaya ang
lahat sa tadhana, masisilayan niya ba ang kanyang mga anghel?

The world is so mysterious. There's so much to do, so much to


uncover if we are only brave enough. No matter if it's about dealing
with your past, your destiny, or your dreams of the future. A single
step, a single decision, can carve a different path in our lives. And
Laura was glad she took that one step, she's glad that no matter how
scared she was of what the town has instore for her, she took the
chance.

Ngayon kasama na niya ang mga pinakaimportanteng tao sa


kanyang buhay, at maaaring nagsisimula pa lamang siya sa
panibagong parte ng kanyang buhay, ngunit alam niya na ano man
ang dumating ay kanyang kakayanin... kanilang kakayanin bilang
isang pamilya, bilang isang bayan.

Pinagmasdan ni Laura ang mga taong nakapaligid sa kanya, mga


masasayang mukha. Bumaling siya sa kanyang mga anghel at kay
Zander, ang kanyang asawa, ang taong pinili siya sa gitna ng lahat.

"I love you," Laura whispered.

Hinalikan siya ni Zander sa labi. At noong mga oras na yon wala na


siyang ibang mahihiling pa.
THE END.

***

2021 Update:
LWAHB has a book 2 entitled "Never Be Tamed" a new generation of
Van Zanth. See you there!

***

Author's Note:

Living with a Half Blood is (finally!) COMPLETED! Wow it's been a


long time since I completed a story. Typing the words "The End"
gave me feels haha. This story has been a roller coaster ride of
frustration and fulfillment. But in the end, it has been an enjoyable
writing journey. Your immense patience and love for the story make it
worth it.

So thank you! From my heart and the town of Van Zanth, thank you
for being part of the journey. I will miss this story and so are you,
readers. But for every journey, there is the destination and here we
are.

I have to close this book now. But if you ever miss them you can
always come back to the woods and the small town of Van Zanth,
and be part of Zander and Laura's story once again.

You can also check my other stories on my profile or tweet me


@breatheapril or use #LWAHB. I hope to see you there! Thank you
for reading Living with a Half Blood.

Until then, Van Zanth.


@april_avery
Table of Contents
Title Page
Living with a Half Blood
Chapter 1: New Town
Chapter 2: The Alpha
Chapter 3: Flicker
Chapter 4: The Letter
Chapter 5: The Cat
Chapter 6: Meet the Alpha
Chapter 7: Hybrids
Chapter 8: Half Blood
Chapter 9: The Game
Chapter 10: Connection
Chapter 11: Loraine Van Zanth
Chapter 12: Confirmation
Chapter 13: His Mate
Chapter 14: Outsider
Chapter 15: Venise Marseille
Chapter 16: Hurting
Chapter 17: The Beta
Chapter 18: Forbidden
Chapter 19: Destined
Chapter 20: Shattering
Chapter 21: The Invitation
Chapter 22: All Hallow's Eve
Chapter 23: Tamed
Chapter 24: You're Mine
Chapter 25: The Arden
Chapter 26: Lurking
Chapter 27: The Bullet
Chapter 28: Forewarning
Chapter 29: Faded History
Chapter 30: Attack
Chapter 31: Alpha's Mark
Chapter 32: Insignia
Chapter 33: The Escape
Chapter 34: Trapped
Chapter 35: Fear
Chapter 36: Bloodbath
Chapter 37: Sacrifice
Chapter 38: Wavering
Chapter 39: Final Chapter
Living with a Half Blood: Epilogue

You might also like