Professional Documents
Culture Documents
NGM-AP7-Q1 LAS Aralin 7 - Yamang Tao
NGM-AP7-Q1 LAS Aralin 7 - Yamang Tao
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
DIVISION OF PAMPANGA
MASANTOL HIGH SCHOOL
(FORMERLY STA. LUCIA NATIONAL HIGH SCHOOL)
GAWAING PAGKATUTO
YAMANG TAO
Populasyon
Ito ay tawag sa bilang ng kabuuang dami ng tao na naninirahan sa isang particular na lugar sa
isang takdang panahon.
Population Growth Rate- pagtataya ng bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao sa isang bansa bawat
taon.
Populasyon ng Asya
Ayon sa ulat ng United States Census Bureau tinatayang ang kabuuang bilang ng populasyon ng
daigdig ay umaabot sa 7.005 bilyon. Sinasabi sa ulat na 60 bahagdan nito ay nanggaling sa Asya.
Patunay dito ay ang dalawang (2) bansa na may pinakamalaking populasyon ay matatagpuan sa
Asya, ang China at India
Mga salik sa pagsusuri ng populasyon:
4. Haba ng buhay- Ang mga babae sa rehiyon ay mabubuhay hanggang 70 taon, samantalang ang mga
lalaki ay mabubuhay hanggang 66 taon. Ang mga bansang Asyano na nakapagtala ng malaking
kaibahan sa haba ng buhay ng mga babae at lalaki ay ang Russia at Kazakhstan. Sa Russia mas
mahaba ng 13 taon ang buhay ng mga babae kaysa sa lalaki. Maikli ang buhay ng mga tao sa
Afghanistan. 47 taon lamangag karaniwang haba ng buhay ng tao sa bansang ito. Kabaliktaran
naman ang haba ng buhay ng mga tao sa Japan kung saan ang mga babae ay umaabot sa 86 taon at
mga lalaki naman ay umaabot sa 79 na taong gulang.
6. Literasiya- Ito ay ang kakayahang makapagbasa at makapagsulat. Kaakibat nito ang kakayahang
tumukoy, umunawa, magpaliwang, at magpahayag. Ayon sa ulat ng United Nations Educational,
Scientific and Cultural Oranization (UNESCO) noong 2012, humigit kumulang sa 775.4 milyong
katao sa mundo na nasa wastong gulang ang hindi marunong bumasa at sumulat. Karamihan sa
bilang na ito ay kababaihan at matatagpuan sa Timog-Asya at Silangang Asya.
o Migrasyon – proseso ng paglipat ng tirahan mula sa isang rehiyon patungo sa isa pang
rehiyon o lungsod.
III. Pamaraan
Gawain 1: Basahin at unawain nang mabuti ang mga tanong upang masagutan mo ito nang maayos
at tama. Sa gawaing ito, nais kong malaman kung mayroon ka nang paunang ideya o nalalaman sa
ilang mga konsepto tungkol sa ating aralin. Piliin ang tamang sagot mula sa mga salita nasa loob ng
kahon. Isulat ang sagot sa patlang pagkatapos ng pangungusap sa bawat bilang.
1. Bilang ng tao na marunong bumasa at sumulat
2. Kabuuang halaga ng produkto at serbisyong nilikha sa loob at labas ng mamamayan
3. Inaasahang haba ng buhay ng isang tao.
4. Bansang may pinakamalaking populasyon.
5. Katawagan sa pag-aaral ng dami at komposisyon ng dami ng tao.
China India
Gawain 4: Suriin ang bawat kahulugan sa katanungan at bilugan mo ang titik ng tamang sagot.
1. Tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar/bansa.
A. Demograpiya B. Kasarian C. Migrasyon D. Populasyon
2. Bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao sa isang bansa sa bawat taon.
A. Birth rate B. Death rate C. Population Growth Rate D. Literacy rate
3. Tinatawag na matandang populasyon kung ang edad ay na sa__
A. 60 yrs B. 70 yrs C. 80yrs D.100yrs
4. Tinatawag na bata ang populasyon kung edad ay na sa_
A. 5yrs B. 15yrs C.25yrs D.45yrs
5. Ito ay ang bahagdan ng populasyon na walang hanapbuhay o pagkakakitaan kumpara sa kabuuang bilang
ng mga tao sa lakas paggawa.
A. Birth Rate B. Death Rate C. GDP D. Unemployment Rate
6. Ito ay pandarayuhan sa loob ng isang bansa o sa ibang panig ng bansa.
A. Demograpiya B. Kasarian C. Migrasyon D. Populasyon
7. Ang ____________ ang isa sa mahalagang salik ng produksiyon sapagkat siya ang gumagamit ng lakas
paggawa upang maglinang at pangalagaan ang kalikasan.
A. Bagay B. Bansa C. Lugar D. Tao
8. Bilang ng buhay na sanggol na ipinapanganak sa bawat 1000 populasyon sa loob ng isang taon.
A. Birth Rate B. Death Rate C. GDP D. Unemployment Rate
9. Inaasahang haba ng buhay ng tao.
A. Birth rate B. Life Expectancy C. Migrasyon D. Population
10.Kabuuang halaga ng produkto at serbisyong nilikha ng isang bansa sa loob ng isang taon.
A. Income B. GDP C. Per Capita Income D. Ratio
V. Pangwakas
Binabati kita! Sa matagumpay na paggampan sa ating mga Gawain. Ngayon naman ay bigyan mo
ang sarili ng pagkakataon na makapag-isip at makapagsulat ng isang SANAYSAY o ESSAY tungkol sa
iyong mga naging repleksyon at reyalisasyon sa kasalukuyang batay sa sumusunod.
Ano ang maaaring maging kontribusyon ng populasyon upang maipagpatuloy ang pag-unlad ng
ekonomiya at politika sa lipunang Asyano sa tinatawag na “new normal” na kondisyon. Isulat sa loob
ng puso ang iyong sagot.
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_____________________
Mahusay! Binabati kita sa matagumpay mong pagtugon sa mga gawain sa modyul. Hanggang sa muli.
Aklat:
*Asya: Pagkakaisa sa kabila ng Pagkakaiba
Modyul para sa Mag-aaral
Internet:
* https://depedtambayan.org/grade-8-teachers-guide-tg-k-to-12 curriculum/?
fbclid=IwAR1khGrFSrnvS4oO7mmMVQsmTl-N83UjZBGl1Czma_Polazy5WKt7kG-LPc
*https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01/AP-CG.pdf?
fbclid=IwAR2ywCjynNbVGaHRRMB0RD9QaaeU7x4BwKOSJTBp-JG5xky3YCk1Bp-SUq4
Gawain 1: Gawain 4:
Gawain 2 at 3:
1. Literacy Rate 1. D 6. C
Sariling sagot
2. GDP 2. C 7. D
ng mag-aaral
3. Life Expectancy 3. A 8. A
4. B 9. B
4. China
5. D 10.B
5. Population
Growth rate
Inihanda ni:
NARLYN G. MENDOZA/T-III
Pangalan ng May akda