Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Filipino

Baitang 7 • Yunit 3: Pabula

ARALIN 3.1

Kahihinatnan ng mga Pangyayari


Talaan ng Nilalaman
Introduksyon 1

Mga Layunin sa Pagkatuto 2

Mga Kasanayan sa Pagkatuto 2

Simulan 2

Pag-aralan Natin 3
Ang Paghihinuha sa Kahihinatnan ng Pangyayari 4
Paghihinuha sa kahihinatnan ng Pangyayari sa Pabulang “Si Haring Tamaraw at si Daga”
5
Pabula 6

Sagutin Natin 6

Subukan Natin 6

Isaisip Natin 7

Pag-isipan Natin 7

Dapat Tandaan 8

(Mga) Sanggunian 9
Filipino

Baitang 7 • Yunit 3: Pabula

Aralin 1

Kahihinatnan ng mga Pangyayari

Lar. 1. Isang natural na kakayahan ng tao ang makabuo ng paghihinuha batay sa kaniyang
mga impormasyon na maaaring narinig, nabasa, o nakita.

Introduksiyon
Minsan mo na bang naranasan na marinig nang hindi sinasadya ang usapan ng ibang tao?
Kung oo, malamang ay nakabuo ka ng ilang kongklusyon hinggil sa detalye ng kanilang
usapan. Sa pamamagitan ng pagkalap ng impormasyon mula sa kanila, sa kung paano ang
kanilang naging interaksyon, batay sa kumpas ng kanilang kamay, at lingguwahe ng kanilang
katawan, maaaring mabatid mo ang kahihinatnang pangyayari ng kanilang pag-uusap.

May mga pagkakataon na hindi na natin kinakailangan pang makuha nang buo ang detalye
hinggil sa isang tagpo upang malaman ang susunod na mangyayari, minsan ay ginagamit na

1
Filipino

Baitang 7 • Yunit 3: Pabula

lamang natin ang mga nakuhang impormasyon batay sa ating obserbasyon at mula rito ay
nakabubuo na tayo ng posibleng kahihinatnan bagaman walang kasiguraduhan o katiyakan
na magkatotoo.

Mga Layunin sa Pagkatuto


Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:
● nahihinuha ang kahihinatnan ng mga pangyayari sa kuwento; at
● napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akdang napakinggan.

Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Sa araling ito, ikaw ay inaasahang nahihinuha ang kalalabasan ng mga
pangyayari batay sa akdang napakinggan (F7PN-Ic-d-2).

Simulan

Ako at ang Aking Alaga


Panuto:
Magmasid sa paligid at ilista ang mga hayop na iyong nakikita. Ilarawan at ilista ang
katangian ng hayop batay sa iyong obserbasyon.

Panoorin natin!
Panuto:
Panuorin ang video ng pabula na ang pamagat ay “Si Haring Tamaraw at si Daga”
mula sa Mindanao at sagutin ang sumusunod na katanungan. Bisitahin ang link na ito
upang mapanood ang bersiyon na isinatinig at in-edit ni G. John Dave Cavite.

2
Filipino

Baitang 7 • Yunit 3: Pabula

Mga Gabay na Tanong


1. Saan nagmula ang pabulang “Si Haring Tamaraw at si Daga”?
2. Sino-sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
3. Bakit nagalit si Haring Tamaraw kay Daga?
4. Ano ang nangyari kay Haring Tamaraw sa kaniyang paglalakad sa kagubatan?
5. Paano nakabawi si Daga sa pagpapatawad sa kaniya ni Haring Tamaraw?

Pag-aralan Natin

Mahahalagang Tanong
Ano-ano ang maaaring mga batayan ng ating paghihinuha? Bakit
mahalaga na matutuhan natin ang wastong kaparaanan sa paghihinuha?
Sa anong pagpapahalaga sa ating buhay mailalapat ang kasanayan sa
paghihinuha?

Mayroong mga sandali na dahil sa labis na ganda ng kuwento na ating binabasa o kaya
naman ay teleseryeng pinanonood, labis din ang kapanabikan na nararamdaman natin sa
pagsubaybay at pagtutok dito. Minsan pa nga’y inuunahan na natin ito ng pag-iisip sa kung
ano ang posibleng mangyari sa katapusan o maaaring kahihinatnan ng mga tauhan sa
kuwento.

3
Filipino

Baitang 7 • Yunit 3: Pabula

Halina’t pag-aralan natin sa bahaging ito ang kasanayan sa pagbibigay ng hinuha o


kahihinatnan ng pangyayari batay sa iyong napakinggan/napanood.

Alamin Natin
hinuha hula o palagay

implikasyon pahiwatig

Isang paraan ng pagpapahayag ng ideya hinggil


diskurso
pagtatalakay sa isang paksa

Ang Paghihinuha sa Kahihinatnan ng Pangyayari

Ang hinuha ay tinawag din nating palagay o sa Ingles ay inference. Ito ay isang kasanayang
naglalayong hulaan ang kalalabasan ng pangyayari o kuwento na maaaring nakabatay sa
iyong opinyon o sariling paniniwala sa napakinggan, napanood, o nabasa. Mula sa mga
nabanggit, ikaw ay lilikom ng mga impormasyon na pagbabatayan para sa unti-unting
pagbuo ng iyong konklusyon o haka-haka.

Ang hinuha at implikasyon din ay dalawang salita na halos magkaugnay ang kahulugan. Ito
ay sapagkat nakabubuo tayo ng implikasyon batay sa mga ibinibigay na detalye ng palabas
na pinanood o akdang binabasa. Nakatutulong sa atin sa paglikha ng wastong paghihinuha
ang pag-unawa nang maigi sa mga impormasyong nakapaloob sa paksa, nakadaragdag din
ang pagkilatis nang lubos sa diwa o konteksto ng usapin na binibigyang-hinuha. Bilang
karagdagan, maaaring gumamit tayo ng mga hudyat na salita na nagpapahayag ng sariling
palagay o kahihinatnan ng pangyayari na nagbibigay-diin sa kaisipan na hindi tiyak o
sigurado gaya ng lamang ng baka, parang, sa palagay ko, sa tingin ko, para sa akin, tila,
marahil, at iba pa.

Ang paglinang sa iyong kasanayan sa pagbasa, pakikinig, at panonood ay mahalaga

4
Filipino

Baitang 7 • Yunit 3: Pabula

sapagkat makatutulong ang mga ito upang mabilis o madali kang makapaglahad ng tumpak
at angkop na paghihinuha. Ang hustong paghihinuha batay sa mga pangyayari ay nagiging
daan upang maunawaan din natin ang mga nagaganap sa ating kapaligiran. Malaki rin ang
bahagi nito sa pagbuo ng konklusyon hinggil sa mga diskursong ating naririnig. Bagaman
walang katiyakan ay hindi maisasantabi na ang paghihinuha ay may posibilidad pa rin na
mangyari o magkatotoo positibo man o negatibo ang ipinararating nito.

Paghihinuha sa kahihinatnan ng Pangyayari sa Pabulang “Si Haring


Tamaraw at si Daga”
Subukin nating gawan ng dalawang magkaibang paghihinuha ang wakas ng kuwento sa
pamamagitan ng pag-iiba ng tagpo nito. Paghambingin ang mga mabubuong paghihinuha
gamit ang talahanayan sa ibaba.

1. Nakinig si Haring Tamaraw sa 2. Dahil sa labis na galit ni Haring Tamaraw


pagmamakaawa ni Daga kung kaya’t ito ay sa panggagambala ni Daga sa kaniyang
binigyan ng pagkakataon na makalaya at tulog, walang ano-ano ay kinain niya ito
magbago. nang buo.

Paghihinuha: Paghihinuha:
Nang dumating ang pagkakataon na si Patuloy na nagkakagulo ang mga hayop sa
Haring Tamaraw naman ang nangailangan gubat at hindi alam kung paano tutulungan
ng tulong, walang pagdadalawang-isip na ang kanilang hari. Walang sinoman sa
kumilos si Daga upang ngatngatin ang lubid kanila ang makaisip ng paraan upang
sa hawla at pakawalan ang kaawa-awang mapalaya ito sa hawla. Hanggang sa
hari. Sa ganoon ay makatatanaw ng utang dumating na ang mga mangangaso at
loob si Daga sa kapatawaran na ibinigay sa tuluyan nang nadakip si Haring Tamaraw
kanya ni Haring Tamaraw noong siya ay upang katayin at gawing pagkain.
magkamali.

5
Filipino

Baitang 7 • Yunit 3: Pabula

Pabula
Nabanggit na sa ating nagdaang mga talakayan ang kahulugan at kasaysayan ng pabula
ngunit muli nating balikan sa bahaging ito. Ang pabula ay isa sa maituturing na matandang
panitikan kung saan ito ay napabibilang sa kuwentong-bayan na bago pa man dumating ang
mga Kastila ay umiiral na sa lipunan nanagpasalin-salin sa bibig ng mga tao.
Ang pabula ay isang akda kung saan ito ay tinatampukan ng mga hayop bilang pangunahing
tauhan na siyang naging salik upang pumatok ito sa panlasa ng mambabasang kabataan.
Naging midyum ng pagpapaabot ng mabuting asal o gintong aral ang mga tauhang hayop sa
uri ng akdang ito.
Ang akdang “Si Haring Tamaraw at si Daga” na mula sa Mindanao ay isa na nga sa halimbawa
ng pabula kung saan ang mga tauhan nito ay ginamit ng manunulat upang iparating ang
kahalagahan ng pagpapatawad at pagtanaw ng utang na loob na siyang isa sa
mahahalagang pag-uugali na dapat matamo ng mga mag-aaral.

Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang paghihinuha?
2. Paano naisasagawa ang paghihinuha?
3. Paano mapadadali ang pagbibigay ng hinuha?
4. Paano natatangi ang pabula sa iba pang uri ng kuwentong-bayan?

Subukan Natin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Paano magagamit nang may katuwiran ang paghihinuha?
2. Ano ang maidudulot nito sa iyo sa mga diskurso sa lipunan?
3. Sa iyong palagay, may limitasyon ba ang pagbibigay ng hinuha?

6
Filipino

Baitang 7 • Yunit 3: Pabula

Isaisip Natin
Sa kabila ng katotohanan na ang paghihinuha ay pagbibigay lamang ng iyong palagay o ng
iyong paunang pananaw hinggil sa isang pangyayari, paano mo ito maipahahayag nang
wasto o may katuwiran nang hindi nakasasakit ng kalooban ng iyong kapwa?

Pag-isipan Natin
Sa puntong ito, sukatin natin ang iyong naunawaan sa ating tinalakay na paksa sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng sumusunod na gawain:

A. Ayusin ang mga larawan batay sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga


pangyayari sa pabula na iyong napanood/napakinggan. Gamitin ang bilang 1-5.

7
Filipino

Baitang 7 • Yunit 3: Pabula

B. Ibigay ang iyong sariling paghihinuha mula sa piling tagpo ng pabulang napanood.
1. Kung hindi nagmakaawa si Daga kay Haring Tamaraw matapos nitong magalit, ano sa
tingin mo ang nangyari sa kanya?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
2. Kung hindi pinatawad at pinakawalan ni Haring Tamaraw si Daga, ano sa palagay mo
ang nangyari sa kaniya sa gubat matapos makulong sa bitag?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
3. Kung hindi binalaan ng mga ibon si Daga hinggil sa natutulog na si Haring Tamaraw,
ano sa palagay mo ang nangyari?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Dapat Tandaan

● Nakatutulong ang mga makrong kasanayan sa pagbasa, pakikinig, at panonood


upang makabuo ng wastong paghihinuha.
● Mahalaga ang paghihinuha dahil nakatutulong ito upang malaman natin ang
nangyayari sa ating kapaligiran.
● Ang pagbibigay ng hinuha o haka-haka ay maaaring maging positibo o negatibo.
● Kailangang maging maingat ang bawat isa sa pagbibigay ng kani-kaniyang personal
na paghihinuha upang maiwasang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa kapuwa.
● Ang pangunahing layunin ng pagbabahaginan ng hinuha ay ang pagkakaroon ng ng
malusog na talakayan at mapagyaman pa ang kaalaman, katotohanan, o pananaw ng
bawat isang sangkot sa talakayan hinggil sa kanilang paksa.
● Ang pabula ay isang kuwentong-bayan na ginagamitan ng mga hayop bilang

8
Filipino

Baitang 7 • Yunit 3: Pabula

tauhan.

(Mga) Sanggunian

Fauziya, Adam., et al. 2020. “Pabula”. Quezon City: Department of Education.


Dep Ed TV Channel Media Bureau Online. “Paghihinuha.” Accessed October 23, 2021.
https://www.youtube.com/watch?v=PioTtiTfCmU
DepEd TV- Official. “Pagbibigay ng Hinuha sa Kalalabasan ng Pangyayari Bago, Habang at
Matapos ang Pagbasa.” Accessed October 23, 2021.
https://www.youtube.com/watch?v=9hiVU4frmC8
DepEd TV- Official. “Pag-unawa sa Binasa: Pagtukoy ng Layunin at Paghihinuha.” Accessed
October 23, 2021. https://www.youtube.com/watch?v=3ylo75c2kvI
Pinoy Education Resources/DepEd TV- Official. “Kwentong Bayan at Paghihinuha.” Accessed
October 23, 2021. https://www.youtube.com/watch?v=WfuXObZcgp8

You might also like