Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Bionote ni Jose Rizal

Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo Reolanda Y. Quintos o mas kilala bilang Jose Rizal ang
Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay nakapagtapos ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo De
Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya
ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas at Unibersidad Central De Madrid
hanggang matapos niya ng sabay ang Latin at Greko.

Kilala si Rizal bilang manunulat. Malaki ang papel ng mga akdang isinulat niya sa pagmulat
ng kamalayan ng mga Pilipino noon. “Sa Aking mga Kabata”,ito ay isang tula tungkol sap ag-
ibig ng isang tao sa sariling wika. ”Mi Primera Inspiracion/ Ang una Kong Salamisim”, ang
unang tula na isinulat ni Dr. Jose Rizal sa panahon ng kanyang ikatlong taong akademiko sa
Ateneo de Municipal. ”La Tragedia de San Eustaquio (Ang kasawian ni San
Eustaquio)”,dulang patula na nakasulat sa Italyano na isinatuluyang Kastilla . ”Memorias De
Un Estudiante de Manila” aklat kung saan tinipon ni Rizal ang alaala ng kanyang pinagdaan
sa buhay gamit ang sagisag na P. Jacinto (sa katapusan, pinirma rin ang pangalan. “A La
Juventud Filipino” ay isinulat ni Rizal noong siya ay labing-walong taong gulang lamang at
ito ay nakatuon sa Kabataang Pilipino. Ang dalawang nobela na tumatak sa puso’t isipan ng
mga Pilipino ay ang “ Noli Me Tangere” at “ El Filibusterismo” nobelang naglantad ng tunay
na kalagayan ng Pilipino noong panahon ng Kastila, nagmulat sa mata ng Pilipino at
humawan sa landas para sa himagsikang Pilipino na nagbigay-daan upang mawakasan ang
mapaniil na paghahari ng Kastila sa Pilipinas.

You might also like