3RD Quarter Ap Exam

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Sangay ng Rizal
Montalban Sub-Office
PAARALANG ELEMENTARYA NG AMITYVILLE

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN VI


TP: 2022-2023

Pangalan:________________________________ Baitang at Pangkat: ____________________


Guro: ___________________________________ Petsa: ____________ Iskor:______________

I. Basahin ng mabuti ang mga sumusunod na pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot.
_____ 1. Sino ang unang pangulo ng ikatlong republika ng Pilipinas?
A. Manuel Roxas C. Ferdinand Marcos Sr.
B. Elpidio Quirino D. Carlos Garcia
_____ 2. Siya ay tinaguriang “Tagapagligtas ng Demokrasya".
A. Ramon Magsaysay C. Ferdinand Marcos Sr.
B. Elpidio Quirino D. Manuel Roxas
_____ 3. Ang pangulo na nagpatupad ng patakarang “ Pilipino Muna” ay si ___________.
A. Ramon Magsaysay C. Ferdinand Marcos Sr.
B. Carlos Garcia D. Manuel Roxas
_____ 4. Sa pamamahala ng pangulong ito, inilipat niya ang Araw ng Kalayaan sa
Hunyo 12 mula Hulyo 4.
A. Ramon Magsaysay C. Diosdado Macapagal
B. Carlos Garcia D. Manuel Roxas
_____ 5. Ang huling pangulo ng Ikatlong Republika na nagdeklara ng Batas Militar ay si ________.
A. Ramon Magsaysay C. Ferdinand Marcos Sr.
B. Carlos Garcia D. Manuel Roxas
______6. Ang pangulo na nagpatuloy ng mga programa at adhikain na inilunsad ni Manuel Roxas,
ang
unang pangulo ng Pilipinas ay si__________________.
A. Manuel Roxas C. Ferdinand Marcos Sr.
B. Elpidio Quirino D. Carlos Garcia
_____ 7. Isa ito sa malaking pinsala na idinulot ng digmaan sa ating bansa. Ano ito?
A. Pagbaksak ng ekonomiya C. Pagdami ng negosyo sa bansa
B. Pagdami ng pera ng gobyerno D. Pagkawala ng problema sa trabaho
_____ 8. Pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig natigil ang pakikipagkalakalan ng Pilipinas
sa ibang bansa dahil_____.
A. muling nagkaroon ng digmaan
B. ayaw magtanim ng mga magsasaka
C. walang pagbebentahan ng mga produkto
D. nahinto ang produksiyon ng mga ng mga pangunahing produkto tulad ng palay,asukal, at
niyog
_____ 9. ______ng anumang bagay ang naging pangunahing hanapbuhay ng mga
mamamayan matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig.
A. Buy-and-sell C. OFW
B. Pagkakarpintero D. Pagnenegosyo
_____ 10. Ang samahang ito ay binubuo ng Malaysia, Pilipinas at Indonesia na nilikha sa
Ilalim ng pamumuno ni Diosdado Macapagal. Ano ito?
A. MAPILINDO C. ASEAN
B.U.N. D. OPEC
_____ 11. Ang Retail Trade ay kilala rin bilang___.
A. Tingiang Pangangalakal C. Buy and Sell
B. Bultuhang Pangangalakal D. Smuggling
_____ 12. Upang linangin ang damdaming nasyonalismo at pawiin ang kaisipang kolonyal ng mga
kabataang Pilipino sinikap ng mga naging pangulo sa Ikatlong Republika na _____.
A. Mapabuti ang edukasyon
B. Mapataas ang produksyon ng pagsasaka
C. Pagpapatupad ng tingiang pangangalakal
D. Pagpapalaganap ng patakarang “Pilipino Muna”
_____ 13. Ito ay kinikilalang charter ng ekonomiya ng bansa na nagpapanatili ng katatagang halaga
ng piso.
A. Buy-and-sell C. HUKBALAHAP
B. OWWA D. Bangko Sentral ng Pilipinas
_____ 14. Ang patakarang ito ang nagbigay ng karapatan sa mga Pilipinong magbukas ng mga
kalakal
bago ang mga dayuhan.
A. Patakarang Manggagawa Muna C. Patakarang Pilipino Muna
B. Patakarang Negosyante Muna D. Patakarang Banyaga Muna
_____ 15. Inilunsad ni Pangulong Macapagal ang ______ pahalagahan at pangalagaan ang
karangalan ng maliliit na magsasaka at nailigtas sila sa masasamang kinagawiang pinaiiral
sa mga sakahan.
A. Reporma sa Karapatang Pantao C. Reporma sa Lupa
B. Reporma para sa mga Manggagawa D. Reporma sa Pananalapi
______16. Ang programang ito ni Ferdinand Marcos Sr. ay may layuning mapalaki ang produksiyon
ng mais at bigas dahil sa paggamit ng modernong paraan ng irigasyon at pagsasaka.
A. Rebolusyong Pangkapayapaan C. Rebolusyon ng mga Magsasaka
B. Rebolusyong Pula D. Rebolusyong Luntian
_____ 17. Ano ang kilusang itinatag ni Luis Taruc upang makamit ang kalayaan ng Pilipinas sa
pagmamalupit ng mga Hapones?
A. Gerilya
B. USAFFE
C. MAKAPILI
D. HUKBALAHAP
_____ 18. Sa panahon ni Ramon Magsaysay muling nagbalik loob sa pamahalaan ang mga
magsasakang mas pinili na umanib sa grupong ito upang pabagsakin ang pamahalaan.
A. HUKBALAHAP C. MAKAPILI
B. USAFFE D. AFP
_____ 19. Si Ferdiand Marcos Sr. ay tumulong sa pagtatatag ng samahan kinabibilangan ng mga
bansa sa Timog Silangang Asya.
A. MAPILINDO C. ASEAN
B.U.N. D. OPEC
_____ 20. Sa panahon ni Carlos Garcia nakuha ang bayad pinsala ng digmaan na
nagkakahalagang 550 milyong piso mula sa bansang
A. E.U.A C. Hapon
B. U.A.E. D. Malaysia
______21. Ang Bangko Sentral ng Pilipinas ay tumatayong_________ .
A. kakampi ng bansa sa anumang trahedya
B. haligi ng bansa pagdating sa ekeonomiya
C. tagapagligtas ng mga Pilipino sa oras ng gutom
D. tagapayo ng pamahalaan pagdating sa mga usaping pinansyal ng bansa upang mapabuti
ang kalagayan ng mga manggagawa
_____ 22. Sa panahon ng pamamahala ni Pangulong Elpidio Quirino isinulong niya ang programang
A. Parity Rights
B. Pagpapaunlad ng mga nayon
C. Pagpapalakas ng pananalapi ng bansa
D. Pagtatatag ng PACSA at pagtatag ng Bangko Sentral ng Pilipinas
_____ 23. Ang _________ay ang karaniwang interes ng mga tao at ng buong bansa.
A. Pambansang Kamao C. Pambansang Interes
B. Pambansang Bayani D. Pambansang Kapisanan
_____ 24. Ang isa sa pagkakakilanlan ng pambansang interes ay ang pisikal na interes kung
saan ito ay tumutukoy sa _____
A. pagapapalaya sa sambayanan laban sa kahirapan
B. pagpapanatili at pagkakalinlan ng mga Pilipino
C. mapabuti ang kalagayan ng mga biktima ng digmaan

D. pagpapanatili ng kalayaan, kapayapaan, at pagtatanggol sa teritoryo ng isang bansa

_____ 25. Bilang isang Pilipino kinakailangan mong ipatanggol ang pambasang interes ng bansa
hubugin ang mga kabataan na magtayo ng isang malakas at maunlad na
bansa.
A. Oo C. Wala akong pakialam
B. Hindi D. Hindi ko alam

II. Pagsunud-sunurin ang mga pangalan ng mga pangulo ng Ikatlong Republika. Lagyan ng
bilang mula 1 hanggang 6.
______ 26. Ferdinand Marcos Sr.
______ 27. Manuel Roxas
______ 28. Diosdado Macapagal
______ 29. Elpidio Quirino
______ 30. Ramon Magsaysay
______ 31. Carlos Garcia
.
III. Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap
ay nagsasaad ng katotohanan at MALI naman kung hindi.
______ 32. Si Ferdinand E. Marcos ang pangulong nagwikang “Ang Pilipinas ay magiging dakilang
muli
______ 33. Sa pangunguna ni Pang. Manuel A. Roxas, itinatag ang mga samahang magpapautang
at
mangangalaga sa kapakanan ng mga magsasaka
______ 34. Isa sa naging programa ni Pang. Ferdinand E. Marcos ang pagpapatayo ng mga poso,
artesyano at patubig upang mapabilis ang pag-unlad ng mga baryo.
______ 35. Programa ni Pang. Diosdado Macapagal ang “Pilipino Muna”.
______ 36. Si Pang. Diosdado Macapagal ang umakay sa mga Pilipino at naging huwaran sa
pamumuhay ng payak at walang halong karangyaan.
______ 37. Pinagtibay ni Ramon Magsaysay ang Land Tenure Reform Law
______ 38. Nagsimulang ibangon ni Manuel Roxas ang Pilipinas sa labi ng digmaan.
______ 39. May tatlong pakakakilanlan ang Pambansang Interes
______ 40. Pambansang Interes ay ang karaniwang interes ng mga tao at ng buong bansa.

IV. Piliin ang naging mga pangunahing suliranin at hamon sa kasarinlan pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. Pagbagsak ng Ekonomiya B. Suliranin sa Kapayapaan at


Kaayusan
C. Suliraning Panlipunan D. Kakapusan ng Pananalapi

_________41. Ginamit ng mga opisyal ng pamahalaan ang kanilang kapangyarihan na


magpayaman.
_________42. Humina ng produksiyon at nagkaroon ng kakulangan sa pagkain.
_________43. Maraming magsasaka ang sumanib sa Hukbalahap dahil sa kawalan nila ng gana sa
mga mayayamang haciendero
_________44. Nahirapan ang pamahalaan na makalikom ng buwis sapagkat maraming mamamayan
ang walang hanapbuhay.
_________45. Marami ang nakalimot ng kagandahang asal at pamantayang moral sa lipunan dahil
sa
walang katiyakan sa buhay.
V. Panuto: Piliin ang sagot sa loob ng kahon at punan ang patlang sa bawat aytem.

A. Parity Rights B. Pagpapaunlad ng mga nayon


C. Pagtulong sa mga magsasaka D. Pilipino Muna at pagtitipid
E. Soberanya

_________46. Ano ang programa o batas ang naipatupad sa ilalim ng pamamahala ni Manuel A.
Roxas?
_________47. Kinilala si Pangulong Ramon Magsaysay dahil sa kaniyang paniniwala na kung ano
ang
makabubuti sa karaniwang tao ay makabubuti sa buong bansa kaya naman isa sa
kanyang naging programa ang _______________.
_________48. Pinagtibay ng Kongreso sa panahon ni Pangulong Diosdado Macapagal ang
Agricultural Land Reform Code para sa anong patakaran o programa?
_________49. Pinairal ni Pangulong Carlos P. Garcia ang patakarang ito upang magbigay ng
prayoridad sa mga Pilipino upang paunlarin ang kayamanan ng bansa at pagtangkilik
sa sariling atin.
_________50. Ito ang tawag sa elemento na tumutukoy sa pinakamataas at ganap na kapangyarihan
upang mag-utos o magpatupad ng mga batas at patakaran para sa ikabubuti ng bansa

Inihanda ni:

Sir Jayral S. Prades


Guro sa AP 6
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Sangay ng Rizal
Montalban Sub-Office
PAARALANG ELEMENTARYA NG AMITYVILLE

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN VI


TP: 2022-2023
TALAAN NG ISPISIPIKASYON
Knowled Understa (Thinking
ge nding ,
Applying,
No of
Most Essential Analyzing Test
Days No. of
Learning % 50% 30% , Placeme
Taugh Items
Competencies Evaluatin nt
t
g,
Creating)
20%
Nasusuri ang
mga
pangunahing
1-10
suliranin at
hamong 15 19 35.5 10 6 3 26-31
kinaharap ng
41-43
mga Pilipino
mula 1946
hanggang 1972
Natatalakay ang
mga programang
ipinatupad ng
iba’t ibang
administrasyon 11-22
sa pagtugon sa
mga suliranin at 20 25 50.0 12 7 6 32-38
hamong 44-49
kinaharap ng
mga Pilipino
mula 1946
hanggang 1972

Napahahalagaha
n ang 23-25
pagtatanggol ng
mga Pilipino sa 5 6 12.5 3 2 1 39-40
pambansang 50
interes

40 50 100% 25 15 10 50
Total
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Sangay ng Rizal
Montalban Sub-Office
PAARALANG ELEMENTARYA NG AMITYVILLE

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN VI


TP: 2022-2023
SUSI SA PAGWAWASTO

1. A 11. A 21. D 31. 4 41. C


2. A 12. A 22. D 32. TAMA 42. A
3. B 13. D 23. C 33. MALI 43. B
4. C 14. C 24. D 34. MALI 44. D
5. C 15. C 25. A 35. MALI 45. C
6. B 16. D 26. 6 36. TAMA 46. A
7. D 17. A 27.1 37. TAMA 47. B
8. D 18. A 28. 5 38. TAMA 48. C
9. A 19. C 29. 2 39. TAMA 49. D
10. A 20. C 30. 3 40. TAMA 50. E

Inihanda ni:

Sir Jayral S. Prades


Guro sa AP 6
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Schools Division Office of Rizal
Montalban Sub-Office
AMITYVILLE ELEMENTARY SCHOOL

THIRD
QUARTERLY
ASSESSMENT
(GRADE SIX)
PREPARED BY:

JOCELYN C. MANAHAN – English & ESP


ANILYN M. RAMIREZ – Mathematics
CHRISTINE P. ROSARIO – Science
JULIE ANN L. FINEZA – Filipino
JAYRAL S. PRADES – Araling Panlipunan
CHITO O. EJERTIMA – MAPEH
TESSIE D. FLORES - TLE

You might also like