Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Sa pagsusuri ng pelikula ang bigyang pansin ay ang mga elemento nito, gaya

ng iskrip, sinematograpiya, direksiyon, pagganap ng artista, produksiyon, musika at


mensahe.
Sequence o Iskrip - Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang
kuwento sa pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento.
Sinematograpiya - Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa
manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at
lente ng kamera.
Disenyong Pamproduksyon- Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar,
eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na
pagkukuwento.
Tunog at Musika - Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng
ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin ng
manonood.
Sa pagsusuri ng dulang nakasulat, bigyang-pansin ang mga elemento nito gaya
ng
tagpuan, uri ng mga tauhan (bilog at lapad), mga diyalogo, tunggalian, wakas,
aral,
implikasyon ng mga pangyayari sa kasalukuyang lipunan, at estilo ng simula ng
dula.
Mga Elemento ng Dula
Iskrip o Banghay - Ito ang pinakakaluluwa ngisang dula. Sa iskrip nakikita ang
banghay ng isang dula.
Aktor o Karakter - ang nagsisilbing tauhan ng dula at nagsasabuhay sa mga tauhan
sa iskrip.
Dayalogo - ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upangmaipakita
at maipadama ang mga emosyon.
Tanghalan - ang anumang pook napinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula.
Tagadirehe o direktor - siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa
itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at
pagbigkas ng mga tauhan

Pagsusuri sa mga Lingguwistiko at Kultural na gamit ng wika sa Lipunang


Pilipino
Gaya nga ng natalakay na iba’t ibang sitwasyon, ginagamit ang wika batay rin kung sino
ang gagamit, saan gagamitin, at paano ito gagamitin. Isang dapat suriin at asaalang-
alang ang lingguwistikong aspeto lalo na sa
larangan ng pelikula at dula, May sariling sitwasyon, kaya’t may sariling register ng mga
salita ang mga ito. Wika nga pampelikula o pandula lamang.
Lingguwistiko Ito ang tinatawag na kaugnay ng wikang sinasalita nang ayon sa
heograpikong kalagayan ng isang lugar. Maaaring bigyang pansin ang antas na gamit
ng wika. Ang mga sumusunod:
 Sa isang banda, Kultural ay isang katangian ng wika na nagsisilbing
pagkakkailanlan o identidad dahil sa mga paniniwala, tradisyon at ugali,
paraan ng pamumuhay, relihiyon at wika.
 Mahalagang hindi maisantabi ang panglipunang aspeto ng wika dahil
sa maraming paraan. Ang pananalita ay isang uri ng panglipunang
identidad at ginagamit para tukuyin ang pagiging kabilang sa iba’t
ibang panlipunang pangkat o iba’t ibang komunidad ng pananalita.
Bakit mahalagang pag-aralan kakayahang sosyolingguwistiko?
Kinakailangang pag-aralan ang kakayahang sosyolingguwistiko dahil ang
Pilipinas ay isang multilingguwal at multikultural na bansa, kinakailangang ang
kakayahang ito upang magkaroon ng epektibong komunikasyon sa anumang
sitwasyong maaaring kasangkutan at susi ng epektibong komunikasyon na ito ang
kakayahang sosyolingguwistiko. Ang kakayahang sosyolingguwistiko ay hindi lamang
nakakahon sa mga lingguwistikong kumbensyon ng wika kung hindi, tumutuon ito sa
panlipunang alituntunin sa paggamit ng wika.Ayon kay Savignon (1972) isang propesor
sa University of Ellinois,ang competence ay ang batayang kakayahan o kaalaman ng
isang tao sa wika samantalang ang performance ay ang paggamit ng tao sa wika.
Ayon sa kanya magiging maayos lamang ang komunikasyon kung ito’y isasaayos. Kaya
ang salitang SPEAKING sa ingles na tinatawag naman sa Filipino na Pagsasalita ay
isang anyo ng kamunikasyon ng tao. Karaniwang ginagamit ang pagsasalita sa araw-
araw na pamumuhay kaya ito ay napakahalaga sa atin dahil nabigyan ng mga
posibilidad ang mga pangyayari o ang mga nais ipabatid o ipahiwatig sa iba.
Nakakatulong din ito sa pakikipag-ugnayan sa kapwa. Kaya, basahin at unawaing
mabuti ang mnemonic device na SPEAKING at ang kahalagahan nito bilang
mahalagang elemento sa alinmang speech activity.
Setting – Tumutukoy ito sa pook o lugar kung saan nangyayari ang usapan o
pakikipagtalastasan. Mahalagang salik ang lugar kung saan nag-uusap ang mga
tao.Kailangan iangkop natin ang ating pananamit at pananalita sa lugar kung saan
nangyayari ang usapan. Halimbawa: Kapag tayo ay nasa pormal na palatuntunan, hindi
tayo makikiapag-usap na tayo ay parang nasa kalsada. Ang mga salitang ito ay ang
mga sumusunod: tsimay, isnab, sikyo, tsimay, ermat, erpat.
Participant – Kinakatawan nito ang mga taong nakikipagtalastasan. Dapat
nating isaalang-alang kung sino ang ating kakausapin o kinakausap. Hindi natin
kinakausap ang ating guro tulad ng pakikipag-usap natin sa ating kaklase o kaibigan,
dahil sa ating guro kinakailangan nating maging magalang samantalang kampante
naman tayo sa ating mga kaklase o kaibigan. Mahalagang maging magalang tayo sa
pakikipag-usap sa ating mga guro samantalang maaaring maging kampante o
komportable naman tayo sa ating mga kaibigan o kaklase.

Ends – Ito ay ang mga layunin o pakay sa pakikipagtalastasan. Alamin natin


kung ano ang ating mga layunin sa gagawing pakikipag-usap. Halimbawa kung hihingi
tayo ng pabor kinakailangan natin ang pagpapakumbaba.

Act sequence- Tumutukoy ito sa daloy o sa takbo ng usapan. Maging sensitibo


sa takbo ng usapan. Halimabawa kapag mainit ang takbo ng usapan kailangan nating
maging kalmado sa pakikipag-usap upang magtatapos sa isang mapayapang usapan.
Kung minsan naman ang biruan ay nagbubunga ng pagkapikon at alitan kaya kailangan
maging mapagmasid tayo sa kahit anong takbo ng usapan.
Keys- May kinalaman ito sa tono ng pakikipag-usap. Katulad ng setting o
pook/lugar, nararapat ding isaalang-alang ang sitwasyon ng usapan, kung ito ba ay
pormal o di- pormal. Halimbawa ang mga salitang balbal o mga salitang kalye ay di
dapat gamitin sa mga sitwasyong pormal.

Instrumentalities- Nakapaloob naman sa elementong ito ang tsanel o midyum


na ginamit na maaaring pasalita o pasulat. Dapat alamin natin kung ano ang dapat
sabihin at kung saan natin ito sasabihin.

Norms- Dito naman makikita ang paksa ng usapan. Mahalagang alamin natin
kung tungkol saan ang usapan. Minsan may mga sinasabi ang mga nakakatanda “ito ay
usapang pangmatanda lamang”, usapang pambabae o “ girls talk”, may usapang
panlalaki rin. Ibig sabihin kailangan nating iangkop ang paksa ng ating usapan kung
saan ito nababagay o nabibilang.

Genre – Ikinokonsider dito ang diskursong ginagamit. Kailangang maging


sensitibo tayo sa kung anong diskurso ang gagamitin. Nagsasalaysay ba,
nangangatwiran, o nakikipagtalo.

Ang modelong SPEAKING na tinatawag ni Hymes ay nakapaloob sa etnograpiya ng


komunikasyon. Ang salitang Etnograpiya ay nangangahulugang sistematikong pag-
aaral sa tao at kultura sa pamamagitan ng personal na pagdanas at pakikipag-unayan
sa mga kalahok sa kanilang natural na kapaligiran. Kung ilalapat ito sa komunikasyon,
sinasabi na ang pag-aaral sa wika ay nararapat na nakatuon sa paglalarawan at
pagsusuri sa kakayahan ng tagapagsalita na gamitin ang wika sa tunay na sitwasyon
(Farah 1998). Isang kahingian, kung gayon, na pahalagahan ang mga salik na
nababanggit sa modelong SPEAKING tungo sa mas maayos at mabisang
komunikasyon sa tiyak na konteksto.
Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino
DALAWANG ISINAALANG-ALANG SA KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
1. Kakayahang Linggwistika (Linguistic competence)
- Ang kakayahang makabuo ng pangungusap o pahayag na may wastong
panggramatika (Mga tuntunin ng wika at kayariang pangwika na alam ng tagapagsalita
ang wikang ginamit niya.

2. Ang kakayahang komunikatibo (Commmunicative competence)


- Ang kakayahang umunawa at magamit sa pangungusap na may wastong gramatika
na angkop sa panlipunan o sa pisikal na kapaligiran ayon sa hinihingi ng sitwasyon.
MGA SISTEMA NG KOMUNIKASYON

1. PROXEMICS
 Tumutukoy sa distansya o layo sa pagitan ng nag- uusap gayundin naman sa
pook kung saan nagaganap ng pagtatalastasan .
 Ang pagkakaroon ng tamang agwat sa pagitan ng nag-uusap ay may kahulugan,
intimate, personal, sosyal o pampubliko.

2. HAPTICS

 Tumutukoy naman ito sa paghawak o paghaplos (touch) sa pakipagtalastasan.


Maaaring nangangahulugan ng pakikiramay, at pakikiisa sa damdamin ng
kausap.
.
3. OCULESICS
 Tumutukoy sa paggamit ng mga mata sa pakikipagtalastasan .
 Ang pagtingin ng diretso sa kausap ay maaaring nangangahulugan ng
katapatan at malinis na layunin.
.
4. KINESTETIKS
 Ang tawag sa pag-aaral ng galaw ng katawan ng isang tao.
 Kahit hindi gumagamit ng tinig at hayagang salita ang tagapaghatid ng
mensahe, mauunawaan kaagad ito ng tagatanggap batay sa galaw o kilos ng
katawan nito.

Pragmatik
*binibigyang pansin dito ang gamit ng wika sa mga kontekstong panlipunan.
*nakatuon ito sa komunikatibong aksiyon sa loob ng kontekstong sosyokultural.
*natutukoy ang kahulugan o mensaheng sinasabi at di sinasabi batay sa
ikinikilos ng taong kausap.
*natutukoy nito ang kaugnayan ng mga salita sa kanilang kahulugan, batay sa
paggamit nito sa konteksto.
*nililinaw nito ang relasyon sa pagitan ng intension ng mga nagsasalita o
nagpapahatid ng mensahe at kahulugan nito.

Sosyolinggwistik
*kakayahan ng wika na nangangailangan ng pag-unawa sa konteksto ng lipunan
kung saan niya ito magamit.
*Ito ang kakayahang gamitin ang wika nang may naaangkop na panlipunang
pagpapakahulugan para sa isang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon.

Diskorsal
*Tumutukoy sa pagpapahayag ng mga ideya, teorya,at pangkalahatan, ang
kahulugan maaaring nasa pasulat o pasalitang paraan.
*Ito’y tumutukoy sa kakayahang bigyan ng interpretasyon ang serye ng mga
napakinggang pangungusap upang makagawa ng isang makabuluhang
kahulugan.

You might also like