Mod 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang politika (mula sa Griegong politikos, nangangahulugang “mula, para, o may

kinalaman sa mga mamamayan”) ay ang proseso o pamamaraan ng paggawa ng pasiya sa


antas pandaigdigan, sibiko, o indibiduwal
Ang samahan o organisasyong politikal na ito ay ang tinatawag nating pamahalaan. Ang
pamahalaan ay naglalayon na magkaroon o mapanatili ang kaayusan sa isang lipunan
P. Subsidiarity
- Paglalaan ng serbisyong pangmedikal para sa mga taong maysakit.
- Pagbibigay ng mga pagkain at ayuda sa iba.
- Pagpapatupad ng mga patakaran at kaayusan na may kinalaman sa safety at kalusugan.
- Pagbibigay sa mga mamamayan ng libreng bakuna.
- Ano ang Social Amelioration Progam? Sa Social Amelioration Program (SAP), ang
nasyunal na pamahalaan ay magbibigay ng tulong-pinansyal sa mga sambahayan na
pinakang naapektuhan ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine upang
matugunan ang kanilang agarang mga pangangailangan.

Kabilang sa mga ahensyang ito ay ang DSWD, Department of Labor and Employment
(DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA) at
Department of Finance (DOF) (Bayanihan Act at JMC No. 1 Series of 2020).

Katuwang o nagbibigay rin ng tulong ang Department of Budget and Management (DBM),
Department of Finance (DOF), at ang Department of Interior and Local Government
(DILG) sa pagpapatupad ng SAP.

- Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang hakbang ng pambansang


pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang pantao ng ating mga kababayan.
Nagbibigay ito ng kondisyonal na tulong-pinansiyal para sa pinakamahihirap na
Pilipino upang pabutihin ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang
may edad 0 hanggang 18 taong gulang.

- Halaw ito sa programang Conditional Cash Transfer (CCT) ng mga bansa sa Latin
Amerika at Aprika, na naialpas sa kahirapan ang milyon-milyong tao sa buong
mundo.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang punong ahensiya ng
pamahalaan na namamahala sa 4Ps.
*Lipunang politikal, prinsipyo ng subsidiarity at prinsipyo ng pagkakaisa

Pampolitika- Paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang bawat isa ay malayang
magkaroon ng maayos na pamumuhay sabay ang kabutihang panlahat.
Prinsipyo ng Subsidiarity- Tutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na magawa nila ang
makapagpapaunlad sa kanila. Sisiguraduhin nito na walang hahadlang sa kalayaan ng mga
mamamayan mula sa mga pinuno sa pamamagitan ng pag- aambag sa estado ng kanilang buwis,
lakas at talino.
Prinsipyo ng pagkakaisa o Solidarity- Tungkulin ng mga mamamayan at ang pamahalaan ang
magtayo ng mga akmang estruktura upang makapagtulungan ang mga mamamayan.

You might also like