Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Isang pelikula na nagpakita ng buhay ng isang OFW ay ang "Anak" na

ipinalabas taong 2000. Sa panahon ngayon maraming kabataan ang nagrerebelde


at maraming hindi nakikita ang hirap at kayod ng kanilang mga magulang para
sakanilang kinabukasan. Kaya ang pelikulang Anak ay isa sa magandang panoorin
ng mga kabataan ngayon katulad ko. Ito ay tungkol sa isang inang nag sakripisyo sa
kanyang pamilya, at anak na hindi nakikita ang sakripisyo ng kanyang ina. Ang
kuwento sa pelikulang ito ay tungkol sa isang ina na pinangunahan ni Vilma Santos
na kung saan nawalay sa kanyang mga anak at nagtatrabaho bilang isang Domestic
Helper sa Hong Kong. Ito ay kanyang ginawa upang makapag padala ng pera para
sa magandang buhay at kinabukasan ng kanyang tatlong anak na sila Carla,
Michael at Daday. Dahil sa tagal niya sa Hong Kong nagkaroon ng sumpungan,
tampuhan at galitan sa pagitan ng kanyang mga anak dahil tila nag iba na ang mga
ito lalo na si Carla.
Sa pag-uwi niya sa Pilipinas, siya ay sobrang sabik na makita ang kanyang
mga anak. Siya at ang kanyang mga kaibigan ay naisipan na lamang na mag
negosyo kesa bumalik pa sa Hong Kong. Ilang araw ang nakalipas hindi nya
makilala ang mga kilos ng kanyang anak dahil sa pagkawala niya ng matagal.
Naramdaman niya na may galit sa kanya ang anak na si Carla. Ito ay nag rebelde sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng kasintahan, nag droga, naglalasing, naglayas at
napabayaan ang sarili. Nagkaroon ng kaunting pagsisisi si Josie dahil iniwan niya
ang kanyang mga anak at hindi niya akalain na ganoon ang kanyang madadatnan
pagkauwi. Nais niya ng magandang buhay sa mga anak ngunit tila hindi naging
maganda ang buhay ng mga ito ng wala siya. Sa kabilang dako, nawala si Michael
sa kanyang pagiging iskolar na kung saan hindi niya masabi sa kanyang ina. Sa
kalaunan, napagtanto ni Josie na ang bilis ng paglabas ng pera dahil sa mga bilihin,
gastusin at sumabay pa ang tuition fee ni Michael. Dahil naisumbat niya ito umalis si
Michael ng ilang araw pero bumalik agad at humingi ng tawad sa ina. Naging malapit
sa kanya ang dalawang anak at nagkaroon ng magandang pagsasama. Ang
matinding problema sa pelikulang ito ay ang pagrerebelde ni Carla dahil iniisip niya
na mas mahalaga pa kay Josie ang pera kesa ang makapiling ang mga anak. Hindi
na siya nirerespeto ni Carla kaya silang dalawa ay nagkaroon ng bangayan na kung
saan nasabi ni Josie lahat ng kanyang saloobin lalo na ang kanyang pinagdaanan sa
ibang bansa. Hindi naging madali ang pamumuhay niya roon dahil sila ay
pinahirapan. Isa na ay ang kaniyang amo na kung saan kinuha ang kanyang
passport kaya siya ay hindi nakauwi kahit na malamang namatay ang kanyang
asawa. Naging mahirap ang buhay niya dahil sa pagkalungkot. Sa pag-aaway ni
Carla at Josie, ibinahagi niya sa anak ang naging buhay at ang pakiramdam na
impiyerno ang kanyang pagtatarabaho at ang pagiisa. Dito nasabi ang kilalang linya
na nasabi ni Josie “Kung hindi mo ako kayang respetuhin bilang isang ina.
Respetuhin mo man lang ako bilang isang tao.” Ito ay nagdala ng madaming
emosyon sa mga manonood. Hindi na nakapag pigil si Josie na magalit kay Carla
pero ito ang naging daan upang mabuksan ang isipan ni Carla. Kaya agad itong
bumawi at kinausap ang kanyang ina. Sinabi niya na kahit siya mismo ay hindi na
niya kilala ang kanyang sarili dahil sa kakulangan at paghahanap ng gabay mula sa
ina. Humingi siya ng paumanhin at ganun din si Josie sa kanya. Naging maayos na
ang pagsasama ng pamilya dahil sa kanilang pagkakaintindihan. Sa pagtatapos, si
Josie ay bumalik muli sa Hong Kong upang ipagpatuloy ang pagkayod at ang mga
anak niya ay naging masaya at maintindihin sa kanyang ina. Pinapadalhan na ni
Carla ang kanyang ina ng sulat at nagkakaroon si Josie ng kaalaman sa nangyayari
sa kanyang mga anak.

Ang “Anak” ay isang drama na uri ng pelikula na tungkol sa sakripisyo ng


isang magulang bilang OFW. Ito ay ipininalabas noong 2000 na handong ng Star
Cinema para sa mga inang nag sasakripiso para sa kanilang pamilya sa iba’t-ibang
dako ng mundo. Ang direktor ng pelikulang ito ay si Rory Quintos. Kahit na matagal
na ang pelikulang ito, madami pa ring mga Pilipino ay patuloy at paulit-ulit itong
pinapanood dahil sa kagandahan ng istorya at aral na meron dito. Ito ay naglalahad
ng magandang moral para sa ating mga kabataan pati narin sa mga magulang.
Naipahatid din ng maayos ng pelikula na ang buhay natin sa mundo ay hindi madali
na kung saan mayroong problemang kinakaharap ngunit atin ding masosolusyonan.
Layunin ding ipahatid sa atin na kaya nating maging matsaga, matapang at lalo na
ang maging mahusay na tao. At sa pag tapos ng pelikula naging mahusay sila sa
paggawa dahil naintindihan ko ito, hindi nakakalito, nailagay at magagamit ko sa
aking buhay ang mga layuning ipinahatid nito. Dagdag pa rito, ang mga salitang
ginamit ng mga karakter ay hindi malalalim na mapapaisip ang mga manonood.
Ngunit, may pagkakataon na nagmumura ang karakter dahil sa galit na
nararamdaman. Ang pagpapahayag ng saloobin ng mga karakter katulad na lamang
ni Carla at Josie ay direkta at walang paikot-ikot. Dahil sa mga salitang ginamit, mas
naunawaan at naramdaman ng mga manunod ang nais ipahayag ng pelikula.
Panghuli ay ang mga tauhan na gumanap sa pelikula na kung saan nagampanan ng
maayos ni Vilma Santos ang kanyang karakter na si Josie, isang inang nag
sakripisyo para sa kanyang pamilya. Sumunod naman si Claudine Barretto isang
anak ni josie na si Carla na kung saan hindi niya maintindihan ang mga sakripisyo
ng kanyang ina na naging dulot ng pag bibisyo niya at parerebelde. Isa pa si Baron
Geisler na si Michael na anak ni josie. Siya ay isang tanyag na mag-aaral na
nakakuha ng iskolar ngunit ito ay nawala at nahirapang sabihin sa kanyang ina. Ang
huling anak ay si daday na ginampanan ni Sheila Junsay. Siya ang bunsong anak ni
Josie na kung saan nahirapan din itong kausapin ang kanyang ina dahil sa pag
kahiwalay nito habang siya ay sanggol pa. Ang mga gumanap sa pelikula ay
mahuhusay na kung saan naging epektibo ang pagpapahayag ng paksa, aral at mga
emosyon sa mga manunuod. Ipinakita kung gaano sila kagaling na artista na kung
saan ako mismo ay napaluha dahil sa naramdamang emosyon sa kanilang pag arte.
Lahat lahat, naging epektibo para sa aking ang pelikula at maraming mga aral na
mapupulot lalo na para sa mga kabataan.

Sa konklusyon, ang pelikulang ito ay nararapat na mapanood ng lahat higit sa


lahat ang mga anak at magulang na nawalay sa isa’t-isa upang magkaroon ng
magandang buhay. Hindi ko masisisi si Carla dahil siya lamang ay naghanap ng
isang ina na gagabay sa kanya. Ngunit naipakita rito na naintindihan at nabuksan na
ang isipan ni Carla si Josie matapos nitong malaman ang mga detalye sa sakripisyo
na nagawa ng kanyang ina habang ito ay malayo sa kanilang piling. Kaya naman,
malaking aral sa kabataan ngayon na maging matalino, mahusay at responsable sa
kanilang mga kilos, paggastos at mga desisyon sa buhay dahil bawat magulang ay
nagsasakripisyo para lamang mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak. Sa
pagtatapos, ang ating mga dakilang OFW ay maituturing nating bayani na dapat
nating tingalain at respetuhin.

You might also like