Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

I WANT TO KNOW YOU MORE (STEPS ON KNOWING JESUS)

DATE: December 14, 2014

TITLE: "I Want to Know You More"

TEKSTO: Lucas 19:1-6

PAKSA: Pagkilala Kay Jesus

PAMBUNGAD NA PANANALITA:

(Do I Know You?: Choose representative from the members - magkaibigan, mag-asawa, etc.. Ask some
questions and let them write it on the board

1. What is your partner's favorite color?

2. What is you partner's father's name? mother's name?

3. What is the waistline of your partner?

4. What is your partner's favorite food?

5. What time is your partner's sleep?)

Ang mga tanong ay tumutukoy sa kung gaano natin kakilala ang isang tao. Paano ba natin nalalaman
ang mga bagay na ito? Kagaya sa ating Panginoong Jesus, paano ba natin Siya nakikilala? Iyan ang ating
pag-uusapan ngayong mga oras na ito. Mga hakbang tungo sa pagkilala sa ating Panginoon.

PANGUNAHING PUNTOS:

1. Kilalanin ang sarili (v. 2-3)

Lahat tayo ay may kanya-kanyang kasalanan (Romans 3:23) at kahinaan. Gaya ni Zaqueo, isa siyang
maniningil ng buwis. Ang mga maniningil ng buwis sa panahon ay mandaraya, sapagkat nilalamang nila
ang kanilang kapwa. Sumisingil sila ng sobra sa itinakda. Iyon ang kanyang kasalanan bilang isang tao.
Ano naman ang kanilang kahinaan? Maliit siya. Kung mapapansin natin sa talata, sa sobrang daming tao
ay hindi na niya makita si Jesus. Marahil tumalon na siya o itinulak ang mga nasa harapan niya makalapit
lamang kay Jesus ngunit hindi ito naging sapat. Sa buhay natin para tayong si Zaqueo. Punung-puno tayo
ng kasalanan. Sa simpleng galaw, salita, titig, haplos at iba pa, tayo ay nagkakasala. What are sins? We
have two kinds of sins? (1) Sin of commission. Ito ang mga bagay na hindi mo dapat ginawa ngunit
ginagawa mo. Halimbawa, sabi sa Bibliya sa (Roma 13:13), "Magsilakad tayong mahinhin, gaya ng sa
araw; huwag sa katakawan at paglalasing, huwag sa kalibugan at sa kahalayan, huwag sa mga
pagkakaalit at pagkakainggitan." Malinaw na nakasulat sa Bibliya na huwag maglalasing, ngunit marami
pa ring naglalasing. Hindi naman ipinagbabawal ang pag-inom ng alak ngunit dapat nasa tamang paraan
at panahon. Kailan maraming umiinom ng alak at naglalasing? Tuwing Pasko! Disgrasya na! Sino ba ang
ipinagdiriwang tuwing Pasko? Si Jesus! Isa siyang Diyos na kinikilala nating mga Kristiyano, ngunit sa
kaarawan Niya ay hindi natin ipinapakita ang paggalang at pagdakila. Isa pa lamang iyan sa ating mga
kasalanan, marami pang iba. (2) Sin of ommission. Ito ang mga bagay na dapat ay ginawa mo ngunit
hindi mo ginawa (Mateo 22:37-40). Sabi ng Panginoong Jesus, mahalin natin ang ating Diyos. Minamahal
ba natin Siya ng tunay? Hindi sapat na sabihin lamang natin na mahal natin Siya. Our love should
manifest. Sabi rin ng Panginoong, mahalin natin ang ating kapwa. Minamahal ba natin ang ating kapwa
ng tunay? Hindi rin sapat na sabihin lamang natin na mahal natin ang ating kapwa. Our love should
manifest. Ano naman ang ating mga kahinaan? Ang mga bagay na ito ay maaaring pisikal, emotional,
intelektwal, mental, at espiritwal. Sa mga bagay na ito tayo nabibilang. We're not perfect. Kailangan
lamang nating unang gawin ay aminin ang mga bagay na ito. Tanggapin mo kung sino ka. Kung magawa
mo ito ay maaari mo ng magawa ang susunod na hakbang.

2. Lumapit sa Panginoon (v. 4-5)

Hindi lamang natatapos sa pag-amin ang kwento ng pagkilala. Kailangan lumapit ka rin sa Kanya.
Kailanman ay hindi mo makikilala ang isang tao kung hindi mo siya lalapitan. Marahil alam mo ang
pangalan niya sapagkat ito'y bulung-bulungan ngunit hindi mo alam kung may nunal ba siya sa ilong, itim
ba ang kanyang mga mata, tahimik ba siya, maputi, makinis at iba pa, sapagkat wala ka pang personal na
pagkilala sa Kanya. Kailangan nating mag-effort para makilala natin ang taong ito. Gaya ng ginawa ni
Zaqueo, bagama't siya'y pandak, hindi siya sumuko. Umakyat siya sa puno ng sikomoro. Ito ang maganda
sa ating Panginoong Jesus, kapag nakita Niya na mayroon kang kusang loob at sincere na puso sa
paglapit sa Kanya, hindi na ikaw ang hahabol at tatawag sa Kanya, Siya na mismo ang tatawag sa iyo.
Siya na ang mag-aanyaya sa iyo na, "Halika dito at lumapit ka. Gusto kitang makasama." Napakasarap
pakinggan na ang isang Diyos ay inaanyayahan ka na lumapit sa kanya. Lalapit ka ba?

3. Papasukin si Hesus sa buhay mo. (v. 6)

Ito ang pinakamahalaga sa lahat. Kailangang maging bahagi ng buhay mo si Jesus. Sa paraang ito unti-
unti mong makikilala ang pagkatao Niya. Marami kang matutunan. Marami Siyang irereveal sa iyo.
Malalaman mo ang plano Niya para sa buhay mo. Mula dito uniti-unting magkakaroon ng direksyon ang
buhay mo.

PANGWAKAS NA PANANALITA:

Gusto niyo po bang makilala si Jesus? Or kilala mo na Siya pero gusto mo pa Siyang makilala? I invite
you to come to Him this time. Come forward and pray. Aminin mo sa Kanya ang lahat ng iyong kasalanan
at kahinaan. Lumapit Ka sa Kanya. Papasukin mo Siya sa buhay mo. (Sing: I want to know you more)

You might also like