FPL Akad Q1 W8 Pagsulat-ng-Talumpati Ferrer V4

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

Pagsulat ng Talumpati

Modyul ng Mag-aaral sa Filipino


sa Piling Larang-Akademik

Unang Markahan Modyul 8 Linggo 8

MARILOU B. FERRER
Tagapaglinang

Kagawaran ng Edukasyon.Rehiyong Administratibo ng Cordillera

i
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyong Administratibo ng Cordillera
Wangal, La Trinidad, Benguet

Inilathala ng
Sistema ng Pamamahala at Pagpapaunlad ng Hanguan ng Pagkatuto
Rehiyong Administratibo ng Cordillera

PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI


2021

Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293 na hindi


maaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaaan
o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa maaring gampanin ng
nasabing ahensya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang
kondisyon.
Ang materyal ay nagawa para sa implementasyon ng K-12 Kurikulum
ng Kagawaran ng Edukasyon. Alin mang bahagi nito ay pinahihintulutang
kopyahin kung ito ay para sa pag-aaral ngunit kailangang kilalanin ang may-
ari nito.

ii
Alamin
Kamusta! Panibagong aralin ang ating mapag-aaralan sa modyul na ito. Kaya
naman inaasahan kong matutunan niyo ang mga sumusunod:
1. naiisa-isa ang mga proseso sa pagsulat ng talumpati.
2. nakabubuo ng balangkas ng sariling talumpati
3. nakasusulat ng talumpati batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit
ng wika.
4. nasasagot ang mga gawaing nakapaloob sa modyul na ito
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

SUBUKIN

Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng mga pangungusap;


kung hindi naman, isulat ang MALI.

___________1. Isipin na ang mga estratehiya at kumbensiyon ng pagpapahayag na


pabigkas ay mga palamuti lamang.

___________2. Sa yugto ng pagrebisa, mahalaga ang paulit-ulit na pagbasa, pag-


ayon ng estilo ng talumpati sa pagbigkas, at angkop ng haba ng talumpati sa ibinibigay
na oras.

___________3. Ang karaniwang tagal ng talumpati sa panayam o lektura ay 5-7


minuto.

___________4. Ang mga manonood ng talumpati ay mga tagapakinig lamang.

___________5. Hangga’t maaari huwag ding gumamit ng mga kongkretong salita. Sa


halip na gumamit ng mga salitang abstrak.

___________6. Karaniwan, mas madali kung magsimula sa katawan ng talumpati.

___________7. Kung may itinakdang paksa o tema ang mga nag-organisa ng


okasyon, dapat ding alamin at unawain ito ng tagatalumpati para maiayon niya ang
kaniyang talumpati sa paksa o temang ito

___________8. Ang talumpati ay sinusulat hindi para basahin kundi para bigkasin.
Dapat, isaalang-alang ang kakayahan ng mga tagapakinig na unawain ang talumpati
kahit pinapakinggan lamang ito.

___________9. Ang proseso ng pagsulat ng talumpati ay pananaliksik, pagsulat ng


talumpati, pagrebisa ng talumpati at paghahanda.

6
___________10. Matapos matipon ang mga materyal, huwag agad dumiretso sa
pagsulat ng talumpati.

___________11. Ang balangkas ang magbibigay ng direkiyon sa pagsulat.

___________12. Pinakamabisa ang estilong natural dahil para kang nakikipag-usap


lamang sa tagapakinig.

___________13. Dapat gabayan ng tagatalumpati ang tagapakinig sa pamamagitan


ng pagbibigay ng hudyat gamit ang mga salitang una, simula, kasunod nito, at iba pa.

___________14. Kung mahusay ang tagatalumpati, napapanatili niya ang attention


span ng tagapakinig, kaya hindi na kailangang isaalang-alang ang haba ng talumpati.

___________15. Ang tagpuan ng talumpati ay tumutukoy sa lugar, sa kagamitan, sa


oras at sa daloy ng programang kapapalooban ng talumpati.

BALIKAN
Balikan natin ang mga katangian ng paglalahad, pangangatwiran,
paglalarawan at pagsasalaysay.

Paglalahad Pangangatwiran

PAGPAPAHAYAG

Pagsasalaysay Paglalarawan

Ang mga nabanggit na gawain sa itaas o paunang pagtataya ay ang apat na


anyo ng pagpapahayag. Mahalaga ang mga ito upang maging mabisa ang ating
pagsulat ng talumpati. Kaya naman talakayin na natin ang pagsulat ng talumpati.

6
TUKLASIN
Gawain 1: MULING BALIKAN
Natatandaan niyo pa ba ang talumpati ng dating Pangulong Aquino III sa
nakalipas na modyul? Nagustuhan mo ba ang kaniyang talumpati? Mula sa kaniyang
talumpati anong pahayag ang tumatak sa iyo? Bakit ito ang tumatak sa iyo?
Ipaliwanag ang sagot.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Sa naunang modyul binigyan natin ng pokus ang mga anyo ng pagpapahayag


at mga layunin at uri ng talumpati. Kaya naman sa modyul na ito bibigyan naman natin
ng pokus ang pagsulat ng talumpati.

SURIIN
Ngayon naman, kailangan nating pag-aralan ang mga dapat gawing
paghahanda sa pagsulat ng talumpati.

Ang talumpati ay isang pormal na pagpapahayag na binibigkas sa harap ng


manonood o tagapakinig. Pormal dahil ito ay pinaghandaan, gumagamit ng piling
wika, at may tiyak na layunin. Ito ay karaniwang binibigkas bagaman madalas itong
nagsisimula sa nakasulat na anyo. May grupo ng tao o publikong inaasahang
manood o makinig nito. Batay rito, maari ding ituring na talumpati ang iba pang anyo
ng pormal na pampublikong pagpapahayag tulad ng natatanging panayam o lektura,
presentasyon ng papel, keynote address o susing talumpati, talumpating
pangseremonya, talumpating nagbibigay inspirasyon, at iba pa. dahil dito, kailangan
ding matutuhan ng estudyante ang ilang prinsipyo sa pagsulat ng talumpati. (Julian
at Lontoc, 2017)
Ayon kina Julian at Lontoc (2017) at Santos, et.al. (2016) ang proseso ng
pagsulat ng talumpati ay may tatlong yugto: paghahanda, pananaliksik, at
pagsulat ng talumpati (kabilang na dito ang pagrebisa ng talumpati).
Paghahanda
Bahagi ng paghahanda ang pagtiyak sa 1) layunin ng okasyon, 2) layunin ng
magtatalumpati, 3) manonood, at 4) lugar na pagdarausan ng talumpati. Mahalaga
ang panimulang pagsisiyasat sa mga elementong ito dahil kailangang isaalang-
alang ang mga ito sa pagtiyak sa nilalaman, tagal, at tono ng talumpati.
1. Layunin ng okasyon. Mahalagang alamin ng tagatalumpati ang layunin ng
pagdaraos ng okasyon. Maaring ito ay upang magbigay ng inspirasyon sa
mga estudyante, magpaliwanag tungkol sa isang isyu sa isang komunidad,
magkwento tungkol sa isang karanasan para may matutunan ang mga
tagapakinig, at iba pa. Kung may itinakdang paksa o tema ang mga nag -

6
organisa ng okasyon, dapat ding alamin at unawain ito ng tagatalumpati para
maiayon niya ang kaniyang talumpati sa paksa o temang ito.
2. Layunin ng tagapagtalumpati. Bukod sa layunin ng okasyon, dapat ding
tiyakin ng tagapagtalumpati sa kaniyang sarili ( at/o sa pangsangguni sa nag
organisa ng okasyon) kung ano ang kanyang magiging layunin sa
pagtatalumpati. Kung iisa lang siyang magsasalita, maaring ang layunin ng
okasyon ay siya na rin niyang maging layunin. Ngunit kung higit sa isa ang
tagapagsalita, kailangang tiyakin ng tagapagtalumpati ang espesipikong
papel niya sa okasyon. Ang nilalaman, haba, at tono ng talumpati ay dapat
iayon sa layuning ito. Kung ang tagapagtalumpati ay magpapakilala sa
panauhing pandangal, kailangan mas maikli ang pagpapakilala kaysa sa
susing talumpati. Kung siya ang pangunahing tagapagsalita, dapat tiyakin na
masistema niya ang kaniyang talumpati sa tema. Kung siya ay tatanggap ng
gawad, makabubuting ang talumpati ay maikli, nagpapasalamat, at
magpapakumbaba.
3. Manonood. Ang manonod ay hindi lamang tagapakinig. Pangunahing salik
din sila sa nilalaman at estilo ng talumpati. Kaya nakakaimpluwensiya na sila
sa paghahanda pa lang ng talumpati. Karaniwan, inaalam ng
tagapagtalumpati ang dami ng manonood. Kung maliit na grupo lang ang
manonood, maaring maging mas malaman at malalim ang talumpati dahil
higit na magkakaroon ng malapit na ugnayan ang tagapagtalumpati at
tagapakinig. Kung marami namang manonood, kailangang maikli lamang
ang talumpati at lahukan ng maraming kwento at biro para mahuli ang
atensyon ng isang malaking grupo. Ngunit bukod sa dami ng manonod,
kailangan ding malaman ang ilang bagay tungkol sa katangian nila- ang
kanilang pinag-aralan, ekonomikong estado, edad, kasarian, o kulturang
pinagmulan. Dapat isaalang- alang ang mga salik na ito para makabuo ng
talumpating mabisa at makakaugnay sa tagapakinig.
4. Tagpuan ng talumpati. Tumutukoy ito sa lugar, sa kagamitan, sa oras at sa
daloy ng programang kapapalooban ng talumpati. Bago ang mismong
pagtatalumpati, mahalagang makita o mausisa man lamang ang kondisyon
ng lugar na pangyayarihan ng pagtatalumpati: nasa loob o labas, nasa
entablado o nasa lupa, malamig o mainit ba ang lugar? Tignan o tanungin din
kung may kagamitan: projector, kompyuter, audio player, blakbord, at iba
pang kakailanganin sa presentasyon. Alamin din hindi lamang ang eksaktong
araw at oras ng pagtatalumpati, kundi maging oras ng buong programa. Sa
pamamagitan nito, magiging malaya ang tagpagsalita sa kabuuang daloy ng
okasyon at sa tiyak na tungkulin at lugar niya sa daloy nito.

Pananaliksik
Bahagi ng proseso ng pananaliksik ang pagbuo ng plano, pagtitipon ng mga
materyal sa pagsulat ng talumpati, at pagsulat ng balangkas ng talumpati.
1. Pagbuo ng Plano. Sa simula, kailangang pag-aralang mabuti ang paksa o
tema at/o papel ng tagapagtalumpati sa okasyon. Isaisip na marami ng iba’t
ibang paraan o estratehiya ng pagdebelop ng isang paksa o tema. Ilista ang
mga ito at piliin ang pinakaangkop sa okasyon, sa layunin, sa manonood, at
tagpuan. Maaari ding sumangguni sa iba para mapahusay pa ang plano.
2. Pagtitipon ng materyal. Tipunin ang mga materyal na kailangan ayon sa
nabuong plano ng pagdebelop ng paksa o tema. Batay sa karanasan ng

6
maraming manunulat, madali lang ang mismong pagsulat kung ang lahat ng
materyal na kailangan ay nandiyan na sa mismong oras ng pagsulat. Ang
mga materyal na ito ay maaring mga nakalimbag na materyal tulad ng aklat,
artikulo, panitikan; maaari ding di naklimbag na materyal tulad ng mga
panayam o mga kwento; at maari ding materyal na audio visual tulad ng mga
pelikula, musika at larawan.
3. Pagsulat sa balangkas. Matapos matipon ang mga materyal, huwag agad
dumiretso sa pagsulat ng talumpati. Mahalaga pa ring maklasipika o
mapangkat-pangkat ang mga natipong materyal. Batay sa pagpapangkat na
ito, maaring bumuo ng balangkas ng talumpati. Ang balangkas ang
magbibigay ng direksiyon sa pagsulat. Kung wala ito, malamang na malunod
ang susulat ng talumpati sa dami ng materyal, at kasunod nito, magbunga ng
isang maligoy na talumpati. Sa pagbuo ng balangkas, maaari ding makita
kung ano pang bahagi ang kulang sa datos, at kung gayon, kailangan pa ng
dagdag na materyal.

Nasa kalagitnaan ka na ng pagsulat ng talumpati. Kaya naman dumako na tayo


sa susunod na hakbang ng pagsulat ng talumpati.
Pagsulat
Dalawang malaking proseso ang mahalagang isaalang-alang sa yugtong ito:
ang mismong pagsulat ng talumpati at pagrerebisa nito.
A. Pagsulat ng Talumpati. Simulang sulatin ang talumpati ayon sa nabuong
balangkas. Narito ang ilang pangkalahatang gabay sa pagsulat.
1. Sumulat gamit ang wikang pabigkas. Ang talumpati ay sinusulat hindi
para basahin kundi para bigkasin. Dapat, isaalang-alang ang kakayahan
ng mga tagapakinig na unawain ang talumpati kahit pinapakinggan lamang
ito. Dahil dito, pinakamabisa ang estilong natural; ibig sabihin, ang
talumpati ay parang nakikipag-usap lamang sa tagapakinig.
2. Sumulat ng simpleng estilo. Iwasan ang mahahabang salita. Hangga’t
maaari huwag ding gumamit ng teknikal na salita. Sa halip na gumamit ng
mga abstraktong salita, mas gamitin ang mga kongkretong salita o iyong
lumikha ng mental na imahen sa tagapakinig. Iwasan din ang mahahaba
at komplikadong pangungusap. Putulin at paikliin ang mahahabang
pangungusap, at bumuo ng mga pangungusap na may iisang paksa at
komentaryo lamang.
3. Gumamit ng iba’t ibang estratihiya at kumbensiyon ng pagpapahayag
na pagbibigkas. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
a. Paggamit ng matatalinghagang pahayag o tayutay
b. Paggamit ng kwento
c. Pagbibiro
d. Paggamit ng kongkretong halimbawa
e. Paggamit ng paralelismo
f. Paggamit ng mga salitang pantransisyon sa mga talata
g. Pagbibigay ng tatlong halimbawa para maipaliwanag ang isang ideya
Huwag isipin na ang mga estratehiyang ito ay mga palamuti lamang.
Sa halip, dapat ituring ito bilang mga pamamaraan para mas madaling
mapakinggan at maunawaan ng mga tagapakinig ang talumpati.
4. Gumamit ng angkop na mga salitang pantransisyon. Sa nakasulat na
sanaysay o artikulo, ang teksto ay maaring balik-balikan kapag hindi

6
gaanong naintindihan. Ang pagbabago ng mga talata na hudyat ng
pagbabago rin ng ideya ay makikita sa paggamit ng mga espasyo at
indensiyon sa mga pahina. Ngunit ang talumpati ay minsan lang
mapakikinggan. Kapag nabigkas na, wala nang paraan para ito ay balikan
maliban kung ito ay irerekord na hindi naman karaniwang ginagawa ng
maraming tagapakinig. Kaya naman dapat gabayan ng tagapagtalumpati
ang tagapakinig sa pamamamagitan ng pagbibigay ng mga hudyat gamit
ang mga salita. Ilan dito ang sumusunod: una, ikalawa, ikatlo, sa simula,
sa katapusan, pagkatapos, kasunod nito, at iba pa.
5. Huwag piliting isulat agad ang simula at katapusan ng talumpati.
Karaniwan, mas madali kung magsisimula sa katawan ng talumpati.
Pagkasulat ng katawan, mas madali nang isulat ang introduksiyin at
kongklusyon.
Ang introduksiyon ay maaaring maglaman ng aliman sa sumusunod:
a. Sipi mula sa isang akdang pampanitikan
b. Anekdota
c. Pagbangit ng paksa o tema at pagpapaliwanag ng mga susing
konsepto nito;
d. Pag-isa isa sa mga layunin; at
e. Pagtatanong sa tagapakinig.
Ang kongklusyon naman ay maaaring maglaman ng aliman sa
sumusunod:
a. Sipi mula sa isang akdang pampanitikan o anekdota na magbibigay diin
sa nilinang na ideya
b. Paglalagom sa mga pangunahing ideyang dinebelop
c. Pagerebyu sa mga layunin at kung paano ito natamo; at
d. Panawagan sa tagapakinig na gumawa ng pagkilos.

Pagrerebisa ng Talumpati
Sa yugto ng pagrerebisa, mahalaga ang paulit ulit na pagbasa, pag-ayon ng
estilo ng talumpati sa pagbigkas, at pag aangkop ng haba ng talumpati sa ibinibigay
na oras.
1. Paulit-ulit na pagbasa. Kapag nasulat na ang unang draft o borador, hindi ito
nangangahulugan na ganap na ngang tapos ang talumpati. Kailangan itong
rebisahin. Isang mahalagang hakbang sa pagrerebisa ang paulit-ulit na
pagbasa nang malakas sa draft. Tandaan ang laging sinasabi tungkol sa
talumpati- ito ay binibigkas. Kung gayon, kailangan matiyak ng
tagapagtalumpati na madulas ang pagbigkas ng mga salita at pangungusap.
Kung may problema sa pagbigkas ang tagapagtalumpati ( halimbawa, sa
pagbigkas ng tunog/s/ o tunog /r/), iwasan ang mga salitang gumagamit ng
mga letrang ito upang hindi mahirapan sa pagpapahayag ng talumpati.
2. Pag-ayon ng estilo ng nakasulat na talumpati sa paraang pabigkas.
Pakinggan kung may musika o ritmo ang bagsak ng mga pahayag. Nagagawa
ito kung napag-iiba-iba sa talumpati ang mahahaba at maiikling pangungusap.
Sikapin ding ilagay sa dulo ng pangungusap ang mga makabuluhang salita o
mga salitang gustong bigyang diin.
3. Pag- aangkop ng haba ng talumpati sa ibinigay na oras. Bahagi rin ng
pagrebisa ang pagtiyak na ang haba o tagal ng pagbabasa o pagbigkas ng

6
talumpati ay umaayon ng kaunting palugit; ibig sabihin, dapat ay mas maikli
nang kaunti ang talumpati sa itinakdang tagal nito.
Narito ang karaniwang tagal ng iba’t ibang uri ng talumpati:
• Panayam o lektura 45-50 minuto
• Presentasyon ng papel sa isang
kumperensiya 20-25 minuto
• Susing panayam 18-22 minuto
• Pagpapakilala sa panauhing pandangal 3-4 minuto
• Talumpati para sa isang seremonya 5-7 minuto

Tandaan na walang tagapakinig ang gustong maupo at makinig sa isang


napakahabang talumpati, gaano man kahusay ang tagapagtalumpati. May mga pag-
aaral na sumukat na sa attention span o tagal ng kakayahang makinig at magpokos
ng isang tao sa iba’t ibang sitwasyon. Kailangang isaalan-alang ito upang maiwasang
mabagot ang mga tagapakinig.

Mahalagang Tandaan: Sa kabila ng mga paliwanag tungkol sa proseso


ng pagsulat, ang dapat idiin ay ang panlipunang gamit ng talumpati. Ang pagbigkas
ng talumpati sa harap ng publiko sa isang pormal na konteksto ang ikinatatangi nito
sa maraming anyo ng pagpapahayag. Dahil binibigkas ito sa harap ng madla,
mahalagang isaisip na ang talumpati ay dapat na may kabuluhan sa buhay ng mga
makikinig. Ang paksa ay napapanahon at may kaugnayan sa lipunan; ang nilalaman
ay mapagkukunan ng mga ideya para makapamuhay nang mabuti sa lipunang ito.
Ang iba’t ibang pamamaraan at estratehiya namang ipinaliwanag sa araling ito ay
tutulong para higit na mabisang maipapaabot sa mga tagapakinig ang nais na
ipahayag sa mga ideya.

Dumako naman tayo sa mga bahagi ng talumpati.


KASANAYAN SA PAGHABI NG MGA BAHAGI NG TALUMPATI
Ang paghahabi o pagsulat ng nilalaman ng talumpati mula sa umpisa hanggang
sa matapos ito ay napakahalaga ring isaalang-alang upang higit na maging
mahusay, komprehensibo, at organisado ang bibigkasing talumpati. Ayon kay
Alemitser P. Tumangan, Sr. et.al., may akda ng Retorika sa Kolehiyo, sa pagbanggit
nina Julian at Lontoc (2017) at Santos, et.al. (2016) ang isang talumpati ay
kailangang magtaglay ng tatlong bahagi.
1. Introduksiyon - Ito ang pinakapanimula ng talumpati, ito ay naghahanda sa mga
nakikinig para sa nilalaman ng talumpati kaya naman dapat angkop ang pambungad
sa katawan ng talumpati. Mahusay ang isang panimula upang:
a. mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga nakikinig.
b. makuha ang kanilang interes at atensiyon
c. maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtalakay sa paksa
d. maipaliwanag ang paksa
e. mailahad ang balangkas ng paksang tatalakayin
f. maihanda ang kanilang puso at isipan sa mensahe.
Maaaring simulan ang talumpati sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa
ginaganap na okasyon o pagdiriwang, paglalarawan ng isang tanawin o
pangyayaring kaugnay sa paksa, pagbanggit ng isang salawikaing angkop sa

6
paksa, pagbanggit o paggamit sa sinabi ng isang tao o awtoridad, pagtatanong
tungkol sa isang isyu, pagsasalaysay ng isang kuwentong nakatatawa, at marami
pang iba. Sinasabi ng marami na ang pagpapatawa sa simula ay nakakukuha ng
atensiyon at kawilihan ng mga nakikinig.
2. Diskusyon o Katawan - dito makikita ang pinakamahalagang bahagi ng
talumpati sapagkat dito tinatalakay ang mahahalagang punto o kaisipang nais
ibahagi sa mga nakikinig. Ito ang pinakakaluluwa ng talumpati. Narito ang mga
katangian na dapat taglayin ng katawan ng talumpati.
a. Kawastuhan - tiyaking wasto at maayos ang nilalaman ng talumpati. Dapat na
totoo at maipaliliwanag nang mabisa ang lahat ng kailangang detalye upang
maipaliwanag ang paksa. Kailangang gumamit ng angkop na wika at may
kawastuhang pambaralila ang talumpati.
b. Kalinawan - kailangang maliwanag ang pagkakasulat at pagkakabigkas ng
talumpati upang maunawaan ng mga nakikinig. Mahalagang tandaan ang mga
sumusunod:
b.1. gumamit ng mga angkop at tiyak na salitang mauunawaan ng mga
makikinig.
b.2. umiwas sa madalas na paggamit ng mahahabang hugnayang
pangungusap.
b.3. sikaping maging direkta sa pagsasalita at iwasang magpaligoy-ligoy sa
pagpapahayag ng paksa.
b.4. gawing parang karaniwang pagsasalita ang pakikipag-usap sa mga
tagapakinig.
b.5. gumamit ng mga halimbawa at patunay sa pagpapaliwanag ng paksa.
c. Kaakit-akit - gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga katwiran o paliwanag para
sa paksa. Sikaping makabuo ng nilalaman na kaugnay sa paksa at gigising sa
kaisipan at damdamin ng mga makikinig. Higit sa lahat, sikaping mapaniwala ang
mga nakikinig sa mga katotohanang inilalahad ng talumpati.
3. Katapusan o kongklusyon - dito nakasaad ang pinakakonglusyon ng talumpati.
Dito kalimitang nilalagom ang mga patunay at argumentong inilalahad sa katawan
ng talumpati. Ito ay kalimitang maikli ngunit malaman. Maaaring ilagay rito ang
pinakamatibay na paliwanag at katwiran upang mapakilos ang mga tao ayon sa
layunin ng talumpati.
4. Haba ng talumpati - Ang haba ng talumpati ay nakasalalay kung ilang minuto o
oras ang inilaan para sa pagbigkas o presentasyon nito. Malaking tulong sa pagbuo
ng nilalaman nito ang pagtiyak sa nilaang oras.

PAGYAMANIN
Gawain 1: BALANGKASIN NATIN!
Bumuo ng balangkas ng iyong talumpati. Tandaan na ito ay balangkas pa
lamang upang maging gabay sa pagsulat mo ng iyong sariling talumpati.
PAGHAHANDA

1. Layunin ng okasyon:

2. Sino ang manonood? Bakit?

6
PANANALIKSIK

1. Ano ang magiging paksa ng iyong talumpati?

2. Saan mo kukunin ang iyong mga impormasyon?

3. Ano ang mga impormasyon na sumusuporta sa iyong paksa?

4. Ano ang gusto mong maging epekto ng iyong talumpati?

Gawain 2: TANONG? SAGOT…


Sagutin ang mga sumusunod na gabay na mga tanong upang masuri
natin ang talumpating binasa. (Balikan ang ikapitong modyul kung hindi na
matandaan ang binasang talumpati)

1. Simple ba ang estilo ng talumpating binasa? Oo o Hindi? Ipaliwanag ang sagot.


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Magbigay ng dalawang estratehiya at kumbensiyon ng pagpapahayag na ginamit


sa binasang talumpati at isulat ang halimbawang binanggit/ginamit.
a. _________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
b. _________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Paano sinimulan ang talumpati?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. Paano nagwakas ang talumpati?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

6
ISAISIP
Balikan natin ang proseso ng pagsulat ng talumpati dahil ito ang mga
kakailanganin mo upang makasulat ka ng iyong sariling talumpati. Ang proseso ng
pagsulat ng talumpati ay maaring sa tatlong yugto: paghahanda, pananaliksik, at
pagsulat ng talumpati at kabilang ang pagrebisa ng talumpati.
Gawain: PROSESO….ISA-ISAHIN MO…
Punan ang mga patlang upang mabuo ang hinihingi ng mga sumusunod.

PAGHAHANDA
1. layunin ng _______________________
2. layunin ng ______________________
3. ____________________________________
4. _____________________________ na pagdarausan ng talumpati.
PANANALIKSIK
1. pagbuo ng _______________________
2. pagdedebelop ng _____________________________
3. pagtitipon ng mga ________________________ sa pagsulat ng talumpati
4. pagsulat ng ________________________ ng talumpati.

PAGSULAT NG TALUMPATI
1. Sumulat gamit ang wikang _________________.
2. Sumulat ng simpleng ______________________.
3. Gumamit ng iba’t ibang __________________ at ____________________ ng
pagpapahayag na pagbibigkas.
4. Gumamit ng angkop na mga salitang _________________________.
5. Huwag piliting isulat agad ang __________________ at __________________
ng talumpati. Karaniwan, mas madali kung magsisimula sa
__________________ ng talumpati.

PAGREBISA NG TALUMPATI
1. Paulit-ulit na _________________.
2. Pag-ayon ng estilo ng nakasulat na talumpati sa paraan
_________________.
3. Pag- aangkop ng _________ ng talumpati sa ibinigay na _________.

ISAGAWA
Alam kong handang-handa ka na para sa ating pamantayang pagganap at iyan
ay ang pagsulat ng talumpati. Kaya naman inaasahan kong ikaw ay makasusulat ng
isang mahusay na talumpati.

Gawain: PAGSULAT NG TALUMPATI

Susulat kayo ng sariling talumpati. Sundin ang mga sumusunod o mga


kahingian sa pagsulat.

6
1. Gamitin ang balangkas na ginawa sa gawain 1.
2. Isulat ang talumpati sa isang short bond paper.
3. Tandaan na dapat taglay nito ang mga bahagi ng talumpati. Lagyan din ng
sariling pamagat ang talumpati.
4. Maaaring computerized o sulat kamay.
5. Huwag kalimutan isulat ang pangalan, baitang at seksyon at petsa ng
pagkakasulat
6. Lagyan ng margin. Maaring maging malikhain sa paglalagay ng margin.
Isang pulgada ang sukat sa bawat bahagi.
7. Basahin din ang gabay sa pagmamarka ng pagsulat upang mapahusay
ang pagsulat ng sariling talumpati.

GABAY SA PAGMAMARKA NG PAGSULAT


(Ang rubric ay batay sa Patnubay ng Guro o Teacher’s Guide)
Katangian 10 9 8 7
Pokus at May isang May isang May isang paksa. Hindi malinaw
Detalye malinaw at tiyak malinaw at tiyak Hindi gaanong ang paksa at
na paksa na na paksa, ngunit malinaw ang mga ang mga
sinusuportahan hindi detalyado supotang argumento.
ng mga ang mga impormasyon o
detalyadong suportang argumento.
impormasyon o impormasyon o
argumento. argumento.
Organisasyon Kawili-wili ang May May Hindi malinaw
introduksiyon, introduksiyon, introduksiyon, ang
naipakilala nang mahusay na pagtalakay, at introduksiyon
mahusay ang pagtalakay at may pagtatapos ng pagtalakay sa
paksa. Mahalaga karampatang konklusyon. paksa, at ang
at nauukol sa pagtatapos o pagtatapos o
paksa ang mga konklusyon. konklusyon.
impormasyon na
ibinabahagi sa
isang maayos na
paraan. Mahusay
ang pagtatapos o
konklusyon.
Tinig ng Malinaw ang May intensiyon at May kaunting Hindi malinaw
manunulat intensyon at layunin ang kalinawan sa ang intensiyon
layunin ng manunulat. May intensiyon at at layunin ng
manunulat. kaalaman ang layunin ng manunulat.
Kapansin-pansin manunulat sa manunulat.
ang kahusayan paksa. Limitado ang
ng manunulat sa kaniyang
paksa. kaalaman.
Pagpili ng Malinaw ang Malinaw ang Nasasabi ng Limitado ang
mga angkop paggamit ng mga paggamit ng mga manunulat ang paggamit ng
salita. Angkop salita bagaman sa nais sabihin, mga salita.
na salita ang gamit ng ilang pagkakataon bagaman walang
mga salita, ay hindi angkop at baryasyon sa
natural at hindi natural. paggamit ng mga
pilit. salita.
Estruktura, Mahusay ang Mainam ang Nakagagawa ng Hindi maayos
Gramatika, pagkakaayos ng pagkakaayos ng mga pangungusap ang mga
mga salita at mga salita at na may saysay. pangungusap at
Bantas, pangungusap. pangungusap. Maraming mga hindi
Pagbabaybay Walang May kaunting pagkakamali sa maunawaan.
pagkakamali sa pagkakamali sa Lubhang

6
gramatika, gramatika, bantas gramatika, bantas maraming
bantas at at baybay. at baybay. pagkakamali sa
baybay. gramatika,
bantas at
baybay.

TAYAHIN

Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng mga pangungusap;


kung hindi naman, isulat ang MALI.

___________1.Isipin na ang mga estratehiya at kumbensiyon ng pagpapahayag na


pabigkas ay mga palamuti lamang.

___________2.Sa yugto ng pagrebisa, mahalaga ang paulit-ulit na pagbasa, pag-


ayon ng estilo ng talumpati sa pagbigkas,at angkop ng haba ng talumpati sa ibinibigay
na oras.

___________3.Ang karaniwang tagal ng talumpati sa panayam o lektura ay 5-7


minuto.

___________4.Ang mga manonood ng talumpati ay mga tagapakinig lamang.

___________5.Ang pagbigkas ng talumpati sa harap ng publiko sa isang pormal na


konteksto ang ikinatatangi nito sa maraming anyo ng pagpapahayag.

___________6.Karaniwan, mas madali kung magsimula sa katawang ng talumpati.

___________7.Hangga’t maaari huwag ding gumamit ng mga kongkretong salita. Sa


halip na gumamit ng mga salitang abstrak.

___________8.Sikapin ding ilagay sa dulo ng pangungusap ang mga makabuluhang


salita o mga salitang gustong bigyang diin.

___________9.Ang proseso ng pagsulat ng talumpati ay pananaliksik, pagsulat ng


talumpati, pagrebisa ng talumpati at paghahanda.

___________10.Matapos matipon ang mga materyal, huwag agad dumiretso sa


pagsulat ng talumpati.

___________11.Ang balangkas ang magbibigay ng direkiyon sa pagsulat.

___________12.Pinakamabisa ang estilong natural dahil para kang nakikipag-usap


lamang sa tagapakinig.

___________13.Dapat gabayan ng tagatalumpati ang tagapakinig sa pamamagitan


ng pagbibigay ng hudyat gamit ang mga salitang una, simula, kasunod nito, at iba pa.

6
___________14.Kung mahusay ang tagatalumpati, napapanatili niya ang attention
span ng tagapakinig, kaya hindi na kailangang isaalang-alang ang haba ng talumpati.

___________15.Ang tagpuan ng talumpati ay tumutukoy sa lugar, sa kagamitan, sa


oras at sa daloy ng programang kapapalooban ng talumpati.

Napakahusay! Tapikin ang balikat dahil nasagot mo ang mga gawain sa modyul
na ito! Kaya naman inaasahan ko na sa susunod na modyul, ikaw naman ang susulat
ng iyong sariling talumpati. Aasahan kita sa susunod na modyul!

KARAGDAGANG GAWAIN
Gawain: AKO BILANG MANANALUMPATI
Natapos mo sa wakas ang pagsulat ng talumpati. Ngayon naman balikan natin
ang mga katangian ng isang mahusay na mananalumpati.
Ano-ano ang mga katangian na dapat taglayin kapag ikaw ay magtatalumpati.
1. ____________________________________________________________
2. ____________________________________________________________
3. ____________________________________________________________
4. ____________________________________________________________
5. ____________________________________________________________

6
6
ISA-ISIP:GAWAIN: PROSESO….ISA-ISAHIN MO…
PAGHAHANDA-1.layunin ng okasyon, 2.layunin ng tagatalumpati,
3.manonood, 4. lugar na pagdarausan ng talumpati.
PANANALIKSIK
1. pagbuo ng plano
2. pagtitipon ng mga materyales sa pagsulat ng talumpati
3. pagsulat ng balangkas ng talumpati.
PAGSULAT NG TALUMPATI
1. Sumulat gamit ang wikang pabigkas.
2. Sumulat ng simpleng estilo.
3. Gumamit ng iba’t ibang estratehiya at kumbensiyon_ ng
pagpapahayag na pagbibigkas.
4. Gumamit ng angkop na mga salitang pantransisyon.
5. Huwag piliting isulat agad ang simula at katapusan ng talumpati.
PANGWAKAS NA PAGTATAYA Karaniwan, mas madali kung magsisimula sa katawan ng
talumpati.
1. MALI 6. TAMA 11. TAMA PAGREBISA NG TALUMPATI
1. Paulit-ulit na pagbasa.
2. TAMA 7. MALI 12. TAMA 2. Pag-ayon ng estilo ng nakasulat na talumpati sa paraan
pabigkas.
3. MALI 8. TAMA 13. TAMA
3. Pag- aangkop ng haba ng talumpati sa ibinigay na oras.
4. MALI 9. MALI 14. MALI ILIPATGAWAIN: PAGSULAT NG TALUMPATI
Gamitin ang gabay ng pagmamarka sa pagsulat sa
5. TAMA 10.TAMA 15. TAMA pagwawasto ng naisulat na talumpati ng mag-aaral.
TUKLASIN
Gawain 1: MULING BALIKAN
Walang tiyak na kasagutan. Ang sagot ay depende sa
saloobin/pananaw o sariling pag-unawa ng mag-aaral
PAGYAMANIN
Gawain 1: BALANGKASIN NATIN!
Walang tiyak na kasagutan basta naibigay ang hinihiling ng bawat tanong.
Gawain 2: TANONG? SAGOT…
1. Simple ba ang estilo ng talumpating binasa? Oo o Hindi? Ipaliwanag ang sagot.
Walang tiyak na sagot. Depende sa pag-unawa ng mag-aaral.
2. Magbigay ng dalawang estratehiya at kumbensiyon ng pagpapahayag na ginamit sa binasang talumpati at
isulat ang halimbawang binanggit/ginamit.
a. Paggamit ng kuwento - Noong ika-19 ng Hunyo, 1861, isang sanggol ang isinilang dito sa bayan ng
Calamba. Walang kakaiba sa kaniya…
b. Paggamit ng transisyon -Hindi po lahat ay pinapalad na tawagin upang magbuwis ng buhay para sa bayan.
Subalit para sa nakararami, nasusukat ang pagkabayani sa araw-araw nating pagharap sa maliliit na
sangandaan.
Tanggapin ang iba pang sagot ng mag-aaral na may kaugnayan sa tanong.
3. Paano sinimulan ang talumpati?
Sinimulan ang talumpati sa pamamagitan ng pagkukwento hinggil kay Rizal.
4. Paano nagwakas ang talumpati?
Nagwakas ang talumpati sa pamamagitan ng naging huling pahayag ni Elias mula sa nobelang Noli Me
Tangere at ipinaliwanag at iniugnay niya ito sa kasalukuyan at pagbibigay ng mga paalaala.
BALIKAN PAUNANG PAGTATAYA
Paglalahad
- Pagpapaliwanag na sumasagot sa mga tanong na sino, ano at iba pa 1. MALI 6. TAMA 11. TAMA
- Magbigay ng enumerasyon
2. TAMA 7. TAMA 12. TAMA
- Pagpapaliwanag ng kahulugan at kahalagahan
Pangangatwiran - panghihikayat, argumento, ebidensiya 3. MALI 8. TAMA 13. TAMA
Pagsasalaysay - pagkukwento, pangyayari, karakterisasyon
Paglalarawan - katangian, limang pandama, karaniwan/malikhain 4. MALI 9. MALI 14. MALI
Tanggapin ang iba pang sagot na maibibigay ng mga mag-
aaral na may kaugnayan sa apat na anyo ng pagpapahayag. 5. MALI 10.TAMA 15. TAMA
SUSI SA PAGWAWASTO (FPL, W1-W8)
TALASANGGUNIAN
Aklat

Julian, Ailene at Lontoc, Nestor. 2017. Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling


Larang. Quezon City. Phoenix Publishing House Inc.

Santos, Corazon. et.al. 2016. Filipino sa Piling Larang Akademik Patnubay ng Guro.
Pasig City. Department of Education-Bureau of Learning Resources.

Internet

Aquino, Benigno III C. 2011. Talumpati ng Kagalang-galang na Pangulo. Nakuha


noong Hulyo 15, 2020 mula sa
https://www.officialgazette.gov.ph/2011/06/19/president-aquinos-speech-on-
the-150th-birth-anniversary-of-jose-rizal-june-19-2011/

6
Para sa mga katanungan, puna o fidbak, sumulat o tumawag:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong Administratibo ng Cordillera


Wangal, La Trinidad, Benguet,
2601
Fax No.: (074)-422-4074
Email Address: car@deped.gov.ph

17

You might also like