Las Esp 2nd Meeting

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Ikatlong Markahan

PAGMAMAHAL SA BAYAN
PAGYAMANIN

A. Isulat ang mga katangian na sa iyong palagay ay dapat taglayin at hindi dapat taglayin ng
isang taong makabayan. Gayahin ang pormat sa ibaba.

Makabayan Hindi Makabayan

Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Bakit may mga Pilipino na nagpapakita ng kawalan ng pagmamahal sa bayan?
2. Ano ang mangyayari kung ang mga Pilipino ay walang pagmamahal sa bayan?
3. Bakit mahalagang magpakita ng pagmamahal sa bayan?

B. Isulat ang tatlong katangian na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan na mayroon ka.


Isalaysay nang maikli ang karanasan kaugnay ng bawat katangian.

Halimbawa:
Katangian --- May malasakit sa kalikasan
Karanasan --- Pauwi kami noon galing sa bahay ng isang kamag-anak. Bumili ako sa tindahan
ng pagkain. Matapos ko itong kainin, wala akong makitang basurahan para itapon
ang pinaglagyan nito. Sa halip na itapon sa daan, inilagay ko muna ito sa aking bag
hanggang ako ay makauwi.

C. Mag-isip ng isang pahayag o quotation na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan. Kulayan at


lagyan ng disenyo.

You might also like