Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MGA BAHAGI NG PANANALITA

1. PANGHALIP- Ang panghalip ay bahagi ng pananalita na inihahali o ipinapalit sa pangngalan


upang mabawasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangngalan na hindi magandang pakinggan.
HALIMBAWA:
“Ikaw ang pinakamaingay sa klase”
“Kami ay magpapasko sa ibang bansa”

2.PANDIWA- Bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos.


HALIMBAWA:
“Magluluto ako para makakain na kami”
“Madami ang sumasayaw sa bar pag gabi’

3.PANG-URI- Naglalarawan ng katangian ng pangngalan o panghalip.


HALIMBAWA:
-Magandang bata
-Malaki ang bundok
-Maliit na tao”

4.PANGNGALAN- Tumutukoy sa ngalan ng tao, pook, bagay, hayop at pangyayari.


HALIMBAWA:
“Si Catriona Gray ay isang sikat na model”
“May nangyari na suntukan sa kalye kaninang umaga”

5.PANG-UKOL- Ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang
salita sa pangungusap.
HALIMBAWA:
“Batay sa baita kagabi malakas daw ang ulan ngayon’
“Pupunta kami kina bryan”

6.PANG-ABAY- Ang pang abay ay salitang naglalarawan na nagbibigay turing sa pandiwa, pang
uri o kapwa pang abay.
HALIMBAWA;
“Malawak ang iyong pag-iisip”
‘Malinaw na ang aking mata’
7.PANGATNIG- Ang tawag sa mga kataga o lipon ng mga salitang nag-uugnay ng dalawang
salita, parirala, o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap.
HALIMBAWA:
“Dahil sakanya naging masaya si jane”
“Ang pagrespeto sa nakakatanda ay nakakabilib”

8.PANG-ANGKOP- Angkop ang tawag sa mga katagang nag uugnay ng isang salita sa kapuwa
salita. Ito ay ang na, ng, at g.
HALIMBAWA:
“Malaking aso”
“Maliit na kamay”

KAYARIAN NG PANGUNGUSAP

PAYAK- Binubuo ng salita ugat lamang at walang kasamang panlapi at hindi rin nagkakaroon ng
pag-uulit.
HALIMBAWA:
-Lungkot
-Saya
-Pangit
-Sarap

MAYLAPI- Binubuo ng salitang ugat at may panlapi.


HALIMBAWA:
-Katapangan
-Sumpa-sumpaan
-Maganda

TAMBALAN- Ang dalawang saliang pinagsama pinagdurugtong ng gitling(-) ay itinuturing na


isang salita lamang.
HALIMBAWA:
-Akyat-bahay
-Bahay-kubo
-Takdang-aralin

HUGNAYAN- Pangungusap na binubuo ng isang sugnay na nakapg-iisa at isa o higit pang sugnay
na hindi nakapag-iisa na pinakikilala ng mga pangatnig na “kapag”, “pag”, “nang”, “dahil sa” at
iba pa.
HALIMBAWA:
“Malalim na ang gabi at bumabagyo ng malakas nang mawala ang kuryente sa buong barangay”
“Gumawa ng mabuti sa kapwa sapagkat kabutihan ang magdadala sa iyong kinabukasan”

LANGKAPAN- Binubuo ng dalawa o higit pang sugnya na makapag-iisa at isa o higi pang sugnay
na di makapag-iisa.
HALIMBAWA:
“Tataas ang grado mo at magkakaroon ka ng karangalan kung mag-aaral ka ng mabuti”
“Nang pumunta kami sa SM nakita ko ang aking kaibigan sa loob ng Jollibee”

URI NG PANGUNGUSAP

PASALAYSAY- Pangungusap na nagkukwento o nagsasalaysay.


HALIMBAWA:
“Sumasayaw ang mga tao sa bar”
“Kumakain ako kasama ang aking mga kaibigan”
“Lilipat kami ng bahay para makapagtipid sa renta”
“Malakas ang ulan bukas sabi sa balita”
“Babaha mamaya sa lakas ng ulan”

PAUTOS- Ang pangungusap nap autos ay nagpapahayag ng pag-uutos o nakikiusap. Ito’y


gumagamit ng tuldok tulad ng pasalaysay.
HALIMBAWA:
“Dalhin mo ang gamut sa hospital.”
“Bilhan moa ko ng pagkain sa labas’
“Diligan mo ang halaman sa labas”
“Pakainin mo ang aso mamaya”
“Bigyan mo ng ulam ang kapit-bahay natin’

PATANONG- Pangungusap na naghahanap ng sagot nagtatapos din ito sa tandang pananong(?).


HALIMBAWA:
“Nakita mo ba si ellen kanina?”
‘Nabasa mo na ba itong libro?”
“Nanood kaba ng balita kagabi?”
“Napanood mo naba itong pelikula?”
“Taga saan ang kapatid mo?”
PADAMDAM- Ang pangungusap na padamdam ay nagpapahayag ng matinding damdamin tulad
ng pagkagulat, pagkatakot, kasiyahan, at iba pa.
HALIMBAWA:
“WOW! Ang ganda ng damit mo.”
“Nako! Hindi ko nagawa ang takdang aralin natin.”
“OMG! May viral sa fb dalawang estudyante nagsuntukan”
“Hala! Nahulog yung cellphone mo.”
“YEY! Mataas ang puntos ko sa ating pagsusulit”

You might also like