Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

MGA ANYONG

LUPA AT
ANYONG TUBIG
Yuji Gabrielle B. Ramirez
7-SPA
Mr. Norman E. Sabado
- Ang anyong lupa o yamang lupa ay isang buong heograpikal na yunit na kadalasang
nakikita sa taas ng isang lokasyon o tanawin.

BUNDOK – Mataas na anyong lupa na mas maatas kaysa sa burol.

MT. APO
Ang Bundok Apo o Mt. Apo ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas. Ito ay isang bulkang natutulog na
matatagpuan sa Lungsod ng Davao.

BULKAN – Isang anyong lupa na nagbubuga ng abo at lava.

MAYON VOLCANO
Ang Bulkang Mayon ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay, sa pulo ng Luzon sa Pilipinas. Kilala ang
bulkan dahil sa halos perpektong hugis apa nito.

BUROL – Mataas na anyong lupa ngunit mas mababa kaysa sa bundok.

CHOCOLATE HILLS
Ito ay tinawag na Chocolate Hills dahil sa kulay nitong tsokolate tuwing tag-araw, at nagiging berde naman ito
kapag tag-ulan. Ito ay isang malawak na lupain na napakaraming burol at ito ay matatagpuan sa Bohol.

LAMBAK – Ito ay isang patag na anyong lupa sa pagitan ng mga bundok.


LAMBAK NG CAGAYAN
Ang Lambak ng Cagayan ay isang rehiyon sa Pilipinas at tinatawag ding Rehiyon II.

TALAMPAS – Isang patag na anyong lupa sa tuktok ng bundok.

TALAMPAS NG BUKIDNON
Kilala ang Bukidnon sa pitong talampas na may pantay-pantay ang taas. Ito ay tinaguriang “Food Basket ng
Mindanao”.

BULUBUNDUKIN – Ito ay hanay ng mga bundok.

SIERRA MADRE
Ang Sierra Madre ang pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas.

TANGWAY – Anyong lupa na nakausli ng pahaba at napaliligiran ng tubig.

ZAMBOANGA PENINSULA
Ang Tangway ng Zamboanga ay binubuo ng 3 mga lalawigan, 1 mataas na urbanisadong mga lungsod, 4 na
nakapalood na mga lungsod, 67 na mga bayan, at 1,904 mga barangay.

PULO – Ito ay mga anyong lupa na mas maliit sa mga kontinente.


PULO NG LUZON
Ang Luzon ay tumutukoy sa pinakamalaki at pinakamahalagang pulo ng Pilipinas at isa sa tatlong pangkat ng
mga pulo ng bansa.

KAPATAGAN – Ito ay mahaba, patag, at malawak na anyong lupa.

GITNANG LUZON
Ang Gitnang Luzon ay isang malaking kapatagan kung saan inaani ang karamihan sa bigas na kinakain sa
araw-araw.
- Ang anyong tubig ay tumutukoy sa mga iba’t-ibang anyo ng tubig sa ibabaw ng
mundo na may iba’t-ibang hugis at laki.

KARAGATAN – Ito ang pinakamalawak na anyong tubig na sumasakop ng malaking bahagi ng mundo

PACIFIC OCEAN
Ito ang pinakamalaki at pinakamalalim sa limang hatian ng karagatan sa daigdig.

DAGAT – Malaking anyong tubig, ngunit mas maliit sa karagatan.

CELEBES SEA
Ang Dagat Celebes ay ginigilid sa hilaga ng Kapuluang Sulu, Dagat Sulu at Mindanao ng Pilipinas, sa
silangan ng Sangihe, sa timog ng Sulawesi, at sa kanluran ng Kalimantan sa Indonesia.

GOLPO – Ito ang tawag sa malalaking look.

GOLPO NG PANAY
Ang Golpo ng Panay ay isang karugtong ng Dagat Sulu na umaabot sa pagitan ng mga pulo ng Panay at
Negros sa Pilipinas.

LOOK – Isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.


MANILA BAY
Ang Look ng Maynila o Manila Bay ay isang daungan na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Luzon.

LAWA – Isa ring anyong tubig na napapaligiran ng lupa.

LAWA NG TAAL
Ang Lawa ng Taal ay isang lawing tubig-tabang sa lalawigan ng Batangas sa pulo ng Luzon sa Pilipinas.

TALON – Ito ay mga daloy ng tubig mula sa isang mataas hanggang sa mababang bahagi ng isang pook.

TALON NG PAGSANJAN
Ito ay kilala rin bilang Cavinti Falls, isa sa pinabantog na mga talon sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa
Lalawigan ng Laguna.

ILOG – Ito ay isang malaking likas na daanang tubig.


PASIG RIVER
Ang Ilog Pasig ay isang ilog sa Pilipinas na dumadaloy mula Laguna de Bay (sa pamamagitan ng Kanal ng
Napindan) patungong Look ng Maynila.

BATIS – Ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos.

TANDAWAN STREAM
Ang Tandawan Stream ay matatagpuan sa Probinsya ng Davao Del Norte.

BUKAL – Ang bukal ay anyong tubig na sumusulpot sa mga siwang bato.

TIMOGA SPRINGS
Ito ay matatagpuan sa Timoga-Buru-un, Iligan City. Kilala ito sa malamig-lamig, mala-kristal na mga bukal na
malayang dumadaloy sa mga swimming pool na may iba’t-ibang laki.

You might also like