Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Ang Pagbasa at ang

Kahalagahan nito
ANO ANG
PABORITO MONG
LIBRO?
Ano ba ang
pagbasa?
Ang pagbasa ay pagkilala, pag-unawa,
pagpapakahulugan at pagtataya ng mga ideya sa
mga nakalimbag na simbolo. Ito ay proseso ng pag-
unawa sa mga kaisipang hatid ng awtor sa mga
mambabasa. Sa pamamagitan ng pagbasa,
nahahasa ang iba’t ibang kasanayan ng isang
indibidwal. Ang pagbasa kung gayon ay
napakahalaga sa isang indibidwal sapagkat ito ang
tutugon sa kanyang pagkatuto tungo sa mas malawak
na kaalaman sa kanyang kapaligiran, sa bansa at
marami pang iba na nahuhubog ng kanyang
pagkatao.
Ang pagbasa ay isa sa mga kasanayang pangwika
na tulay ng mga estudyante upang mapahusay at
malinang ang kasanayan sa mabisang pag-unawa
sa teksto. Ito ay may malaking kaugnayan sa iba
pang makrong kasanayang pakikinig, pagsasalita,
pagsulat, at panonood ng isang tao dahil
nagkakaroon ng kakayahang makabuo ng mga
kaisipan at makapagpahayag ng damdamin at
maayos na makipagkomunikasyon sa lahat ng
disiplina o larangan. Ang mga kaisipang nakukuha at
nabubuo sa pamamagitan ng pagbasa, pakikinig,
pagsasalita at panonood ay maaaring sulatin upang
maibahagi sa iba.
Batay sa maraming pananaliksik, ang pagbasa ay
isang kompleks na gawaing pangwika at pangkaisipan
na kinapapalooban ng higit pa sa interaksyon ng
mambabasa at ng teksto. Ipinaliwanag ni
Johnston(1990) na ito’y isang kompleks o masalimuot
na gawaing nangangailangan ng konsyus at di-
konsyus na paggamit ng mga estratehiya o kasanayan
gaya ng paglutas ng suliranin upang makabuo ng
kahulugang ninanais ipahatid ng awtor. Bilang isang
kompleks na prosesong pangkaisipan, ang
mambabasa ay aktibong nagpaplano, nagdedesisyon
at nag-uugnay ng mga kasanayan at estratehiyang
nakatutulong sa pag-unawa.
Ang pagbasa ay isa ring kognitibong
proseso ng pag-unawa sa mensaheng
nakalimbag o ng anumang wikang
nakasulat. May kaugnayan ito sa pagsulat,
sapagkat anomang binabasa natin ay
maaaring isulat at ang anomang naisusulat
ng kamay ay nababasa ng mata na
kakambal ng pagpapakahulugan
gayundin sa pagkatuto sapagkat ang
kakayahan sa pagbasa ay daan tungo sa
kaalaman.
Ayon naman kay Baltazar(1977),
ang pagbasa ay kasangkapan sa
pagkatuto ng mga kabatiran ukol
sa iba’t ibang larangan ng
pamumuhay. Sa katunayan, 90%
sa napag-aralan ng tao ay mula
sa kanyang karanasan sa
pagbasa.
Ang isang estudyanteng palabasa ay mas may
malaking posibilidad na maipasa niya ang mga
pagsusulit na ibibigay ng guro kumpara sa isang hindi
palabasa sapagkat sa kanyang pagbabasa mas
nadaragdagan ang kanyang kaalaman, lumalawak
ang talasalitaan at mga karanasan. Mas nahahasa
ang kaisipan ng estudyanteng palabasa na umunawa
nang mas malalalim na ideya, mga argumentong
pangangatwiran at nababatid ang implikasyon ng
kanyang binabasa. Sa ganitong paraan, masasabing
ang pagbasa ay isang masalimuot na proseso
sapagkat nasasangkot dito ang maraming kasanayan.
Sa pamamagitan ng pagbabasa,
nakatutuklas ng maraming kaalaman at
karunungan tutugon sa kanyang
pangangailangang pangkabatiran sa iba’t
ibang disiplina tulad ng agham, panitikan,
teknolohiya, at iba pa. Higit sa lahat,
mahalaga ang pagbasa sa isang tao para
hindi mapag-iwanan ng nagbabagong
panahon gawa ng mga makabagong
teknolohiyang nagsusulputan ngayon.

You might also like