Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 10

I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong quiz booklet.
1. Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging “madaling maging tao” sa kasabihang “Madaling
maging tao, mahirap magpakatao?”
a. May isip at kilos-loob ang tao.
b. May kamalayan siya sa kaniyang pagtungo sa kaniyang kaganapan.
c. Tapat ang tao sa kaniyang misyon.
d. May konsensiya ang tao.

2. Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging “mahirap magpakatao” sa kasabihang “Madaling


maging tao, mahirap magpakatao?”
a. Ito ang nagpapabukod-tangi sa tao sa kaniyang kapuwa-tao.
b. Ibang mag-isip at tumugon ang bawat isa sa magkapatid na kambal kung maharap sa
parehong sitwasyon.
c. Nililikha niya sa kaniyang sarili ang mga katangiang nagpapabukodtangi sa kaniya habang
siya ay nagkakaedad.
d. May kakayahan ang tao na itakda ang kaniyang kilos para lamang sa katotohanan at
kabutihan.

3. Alin ang nagpapahayag sa katangian ng tao bilang indibidwal?


a. Ang tao ay may matibay na paninindigan, pagpapahalaga, at paniniwalang bukod-tangi sa
lahat.
b. Hiwalay ang tao sa ibang tao dahil noong siya ay isinilang, nagsimula na siyang mag-okupa
ng espasyong hiwalay sa ibang sanggol.
c. Lahat ng tao ay pantay-pantay kahit magkakaiba ang mga katangian, pangarap at
pagpapahalaga ng bawat isa.
d. Bukod-tangi ang tao at naiiba sa kaniyang kapuwa dahil siya ang lumilikha ng kaniyang
pagka-sino.

4. Ano ang kahulugan ng pangungusap? “Ang tao bilang persona ay isang proseso ng
pagpupunyagi tungo sa pagiging ganap na siya.”
a. Nililikha ng tao ang kaniyang pagka-sino sa pamamagitan ng pagsisikap.
b. Lahat ng tao ay dumadaan sa proseso ng pag-unlad.
c. Dapat magsikap ang lahat ng tao.
d. Nagiging ganap ang tao dahil sa kanyang pagpupunyagi.

5. Aling yugto ng pagka-sino ng tao ang nagpapakita ng pagkamit ng kaniyang kabuuan, kaya
hindi siya naiimpluwensiyahan ng pananaw ng nakararami dahil sa kaniyang matibay na
paninindigan?
a. Persona b. Personalidad c. Pagme-meron d. Indibidwal

6. Alin ang dapat paunlarin ng tao upang maisagawa ang kaniyang misyon sa buhay na siyang
magiging daan tungo sa kaniyang kaligayahan?
a. Mga katangian ng pagpapakatao c. Mga pangarap at mithiin
b. Mga talento at kakayahan d. Kasipagan at katapatan

7. Alin sa sumusunod ang nagpakita ng katangian ng hindi pa ganap na personalidad?


a.Nakibahagi si Kesz sa paglutas ng mga suliraning kinakaharap ng kabataan sa buong mundo.
b. Naitaas ni Kap Roger ang antas ng kabuhayan ng kaniyang pamilya at kapuwa magsasaka.
c. Naging instrumento ang mga painting ni Joey Velasco upang imulat sa mga tao ang epekto ng
kahirapan at kawalan ng katarungan sa bansa.
d. Nagpasya si Raffy na magsumite ng proposal tungkol sa Career Guidance upang mabigyang-
solusyon ang problema ng job-skills mismatch sa bansa.
8. Anong katangian ng pagpapakatao ang ipinamalas ni Mother Teresa sa talata? Sa kaniyang
pagninilay, narinig niya ang tawag ng paglilingkod sa labas ng kumbento – ang tulungan ang
mga batang napabayaan, mga taong hindi minahal at may sakit na hindi inalagaan. Ginamit
niya ang kaniyang kaalaman sa panggagamot at kakayahan sa pagtuturo upang tugunan ang
pangangailangang pisikal at espiritwal ng mga mahihirap.

a. May kamalayan sa sarili c. May kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral
b. Umiiral na nagmamahal d. May pagtanggap sa kanyang mga talento

9. Ano ang buod ng talata?

“May kakayahan ang tao na gawing obheto ang kaniyang sarili. Dahil sa kaniyang
kakayahang magmunimuni, alam ng tao na alam niya o hindi niya alam. Nagiging
mundo ang kaniyang kapaligiran dahil sa kakayahan niyang pag-isipan ang kaniyang
sarili.“

a. Ang tao ay may kamalayan sa sarili.


b. Alam ng tao sa mundo ang anumang bagay na may kaugnayan sa kaniyang sarili.
c. Maraming magagawa ang isip ng tao.
d. Gamit ang pagmumuni-muni, nalalaman ng tao ang mga bagay na hindi niya alam.

10. Anong katangian ng pagpapakatao ang ipinakita ni Buddha sa pangungusap? Noong nakita
ni Buddha ang apat na lalaki – isang matanda, may ketong, bangkay, at pulubi, nakabuo siya
ng buod ng buhay: Ang buhay ay isang pagdurusa.
a. May kamalayan sa sarili c. May kakayahang kumuha ng esensiya ng mga umiiral
b. Umiiral na nagmamahal d. Tumutugon sa tawag ng paglilingkod

II. Ibigay ang hinihiling ng mga sumusunod:


1 – 4 Katangian ng Tao
5 – 7 Katangian ng Nagpapakatao o bilang persona
8 - 10 Yugto ng Pagka-sino ng Tao

III. Balikan ang binuo mong Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB) sa Baitang 9.
May gusto ka bang baguhin o paunlarin? Isulat ang pinaunlad mong PPMB. Kung wala ka pang
PPMB, bumuo ka nito gabay ang halimbawa sa ibaba.

Format sa pagbuo ng PPMB:

a. Ano ang gusto mong maging: _____________________________________________________________


b. Ano ang dapat mong gawin upang matupad mo ang “a” __________________________________

Halimbawa:

Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB) ni Rita

Isang mapagkalingang lider na tagapagdaloy ng mga gawaing nagbibigay ng prayoridad sa


kabataan at mahihirap na tagalunsod tungo sa pag-unlad ng kanilang positibong pagtingin
sa sarili at ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng kaalaman at kakayahan sa musika at
isports.

1. Mahuhubog ba ang iyong pagkatao sa mga dapat mong gawin na binanggit mo sa iyong
PPMB?
Ipaliwanag.
2. Kaya mo bang tuparin ang iyong PPMB? Pangatuwiranan.

You might also like