Professional Documents
Culture Documents
Pangatnig at Transitional Devices (Filipino)
Pangatnig at Transitional Devices (Filipino)
Ang pangatnig - Ang mga salita o lipon ng mga salita at kataga na ginagamit sa pag-uugnay
ng isang salita sa kapuwa salita, ng isang parirala sa kapuwa parirala, o ng isang pangungusap sa
kapuwa pangungusap.
Uri ng Pangatnig:
1. Paninsay- Ito ay ginagamit sa pangungusap na ang dalawang isipan ay nagkakasalungatan.
Halimbawa: Namatay si Mang Isko ngunit ang kaniyang prinsipyo ay mananatiling buhay.
2. Pananhi- Ito ay ginagamit upang makatugon sa mga tanong na bakit o upang maipakilala ang
mga kadahilanan ng isang pangyayari at ng anomang iniisip o niloloob. Halimbawa: Kaya hindi
natuto ang tao dulot ng kaniyang kapalaluan. Siya’y nagtagumpay dahil sa kaniyang pagsisikap.
3. Pamukod- Ito ay ginagamit upang ihiwalay, itangi o itakwil ang isa sa ilang bagay o isipan.
Halimbawa: Maging ang mga kapuwa atleta ni Hidilyn Diaz ay natuwa sa kaniyang pagkapanalo.
4. Pantuwang o pagdaragdag- Ginagamit ito kung may nais pang idagdag o isamang kaisipan.
Halimbawa: Siya ay matalino saka mapagbigay pa. Abala ang lahat, samantalang ikaw ay walang
ginagawa. Sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento, gumagamit tayo ng mga
transitional devices o mga pahayag na naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod