Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Home Economics: Ikalawang Markahan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Edukasyong Pantahanan

at Pangkabuhayan 5
Ikalawang
Markahan Home Economics
EPP- Home Economics - Grade 5
Ikalawang Markahan – Modyul 18-: Paghahanda ng Kaakit-akit na Nilutong
Pagkain sa Hapag- Kainan( Food Presentation
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Bernadette B. Enriquez
Editor: Dolores O. Antolin, Pepito B. Cagunot
Tagasuri: Dolores O. Antolin, Pepito B. Cagunot
Tagaguhit: Edison P. Clet, Arnel R. Ganados
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
EPP 5
Ikalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Paghahanda nang Kaakit-akit na Nilutong
Pagkain sa Hapag-Kainan (Food
Presentation)
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at
Pankabuhayan Home Economics 5 ng Modyul para sa araling Paghahanda nang
Kaakit-akit na Nilutong Pagkain sa Hapag-Kainan (Food Presentation)
Kahusayan sa Pagpili ng Sariwa, Mura at Masustansyang Pagkain
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Home


Economics 5 Modyul ukol sa Paghahanda nang Kaakit-akit na Nilutong Pagkain
sa Hapag-Kainan (Food Presentation)

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang


naihahanda nang kaakit-akit ang nilutong pagkain sa hapag kainan (food
presentation)

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Iguhit ang sumusunod na kagamitan sa paghahanda ng pagkain:

1. Pinggan

2. Baso

3. Kutsara

4. Kutsarita

5. Serbilyeta

BALIK-ARAL

Panuto: Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay pangkaligtasan at


pangkalusugang gawi sa paghahanda at pagluluto ng pagkain at Mali kung
hindi.
_______1. Linisin ang gulay sa pamamagitan ng pagbababad sa tubig ng
ilang minuto.
________2. Ilagay sa lalagyan ang mga kasangkapan na ginamit sa pagluluto.
________3. Maaring iwanan ang tangke ng gas na nakabukas matapos
magluto ng pagkain
________4. Bigyan ng atensyon ang paghihiwa ng pagkain upang hindi
masugatan.
________5. Gumamit ng tinidor sa pagbukas ng mainit na takip ng kaserola.
ARALIN

Paghahanda nang Kaakit-akit na Nilutong Pagkain sa Hapag


Kainan (Food Presentation)
Ang kaakit-akit na paghahanda ng nilutong pagkain ay para din
katumbas ng linamnam nito . Kahit na simpleng putahe ang ulam na
inihanda kung ito ay kaakit-akit tingnan , tiyak magiging kawili-wili at
gaganahan ang mga kakain. Lagi lamang tandaan na iwasan ang
pagsasalita habang gumagawa.
Gusto ninyo bang malaman ang sikreto ng paghahanda ng pagkain na
tiyak na kawiwilihan ng inyong pamilya?
Narito ang dapat isaalang-alang sa paghahanda nang kaakit-akit na
nilutong pagkain sa hapag kainan:

1. Kulay-
Magplano ng ihahandang pagkain na makulay at lubhang kaakit-akit na
pagkain. Tiyaking magkakatugma at magkakabagay sa isa’t-isa halimbawa
ng kulay pula, berde, at dilaw sa gelatin at gisadong gulay

2. Lasa-
Sapagkat ang ulam o pagkaing inihahanda ay binuo ng iba’t-ibang
sangkap. Ibayong pag-iingat ang dapat na isipin sa paghahanda ng pagkain.
Tiyaking hindi masyadong maanghang, maalat o kaya’y matabang . Ang
panlasa ng bawat tao ay iba-iba kaya ang pagbabagay ng pampalasa ay
naayon san ais ng taong kakain.

3. Hugis at Anyo
Partikular ang mga bata sa hugis . At anyo ng mga sangkap na
pakain. Ang pagsasama-sama ng iba’t-ibang hugis at anyo ay nagiging
kaakit-akit sa paningin nila, halimbawa nito ay Santa Hat Cake Pop, gelatin
na hugis bituin at iba pa.

4. Pagkakaiba-iba ng Texture
Ang texture ng pagkain ay iba-iba . Maaring malambot , malutong,
gaya ng carrot stick, pipino stick; mamasa-masa, malambot at chewy.
5.Temperature

Ang ihahandang pagkain ay maaring mainit at malamig. Ihain ang


pagkaing malamig kung ito ay dapat na malamig gaya ng salad; at mainit
kung ito ay dapat na mainit gaya ng soup.

Paghahanda ng Hapag-kainan
May mga alituntuning dapat sundin sa pag-aayos ng hapag-kainan
upang makatipid sa panahon. Isa sa mga ito ay ang pagsigurong ang lahat
ng mga gagamitin ay kailangang malinis. Maglagay ng table cloth sa mesa at
placemat sa lugar ng bawat taong kakain. Magiging kaakit-akit din ang
hapag-kainan kapag may bulaklak at trey ng sariwang prutas sa gitna ng
mesa. Ihanda ang individual cover para sa bawat kakain. Ang cover ay
binubuo ng pinggan, baso, kubyertos, serbilyeta, lalagyan ng tinapay at
mantikilya, tasa, platito, at kutsarita. Ang mga kagamitan sa pagkain ay
nakaayos ayon sa tuntunin.
Narito ang wastong pagkakasunod-sunod sa pag-aayos ng mga
kagamitan para sa bawat cover.
a. Ilagay ang plato nang nakatihaya sa gitna ng placement na may
isang pulgada ang layo mula sa gilid nito.
b. Iharap ang talim ng kutsilyo sa plato sa tabi ng kutsara at
kutsarita. Ang baso ay ilagay sa dulo ng itaas ng kutsilyo.
c. Ilagay ang tinidor sa kaliwa ng plato, katabi ang serbilyeta.
Maaaring ilagay din ito sa kaakit-akit na paraan sa ibabaw ng
pinggan.
d. Ilagay ang platito at tasa sa kanan sa tabi ng kutsarita
e. Kung magkakatabi ang aayusan ng bawat hain ay kailangang bigyan
ng sapat espasyo

Iba’t-ibang Paraan ng Paghahain ng Hapag kainan. (picture)


1. Estilong Filipino – Ang lahat ng pagkain ay nakalagay sa
bandehado o serving dishes at nakaayos sa gitna ng
lamesa. Ang bawat pagkain ay ipinapasa sa mga kumakain
at naglalagay sa sariling pinggan.

2. Estilong English- Ang mga pagkain ay naakaayos na sa


harap ng host o may handa at siya ang naglalagay ng
pagkain sa mga pinggan.

3. Estilong Blue-Plate- Ang mga pagkain ay nakaayos sa


bawat pinggan bago ilagay sa hapagkainan. Ang mga
panauhin ay makakakain kaagad pagkaupo sa hapag-
kainan.
4. Estilong Russian – Ito ay isang pormal na estilo.
Pinakamahal na table appointments ang ginagamit. Ang
estilong ito ay karaniwang ginagamit ng mayayamang
pamilya kapag may handaan sa bahay o sa mamahaling
hotel.

5. Estilong Buffet- ito ang pinakamaginhawang gamiting


estilo kapag maraming panauhin Ang mga pagkain ay
nakakaayos sa mesa , mga pinggan, kubyertos, tasa,
[platito at baso. Ang mga anauhin ang bahala sa kanilang
sarili na pumili ng kanilang kakainin.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay: 1
Panuto: Kilalanin ang wastong paghahain sa hapag-kainan. Piliin
ang sagot na nasa loob ng kahon.

Cover Buffet Style Russian Style


Kulay Blue Plate Style Family Style

____________1. Sa isang kaakit-akit na paghahanda ng pagkain


tinitiyak nito ang ______ kung magkatugma at
magkabagay sa isa’t-isa.
____________2. Ang lahat ng pagkain na inihain ay nakaayos sa bawat
pinggan bago ilagay sa hapag-kainan.
____________3.Nakaayos ang mesa ayon sa bilang at dami ng
kakain na may nakalagay na placemat at mga gamit
sa pagkain.
____________4. Ito ay isang pormal na pagaayos ng mesa/
hapagkainan.
_____________5.Ang kasalukuyang tawag sa paghahain kung saan
ang lahat ng pagkain ay nakahanda sa isang mesa
at ang mga kakain ay kukuha ng kanilang kakainin.
Pagsasanay 2

Panuto: Ayusin ang sumusunod na hakbang sa pagaayos ng


isang cover. Lagyan ng bilang 1-5. Isulat sa patlang ang
tamang sagot.
_________A. Ilagay ang mga kubyertos
_________B. Ilagay ang baso at platito
_________C. Ilatag ang sapin ng mesa o place mat
_________D. Ilagay ang centerpiece
_________E. Ilagay ang plato

PAGLALAHAT

Ano ang gagawin mo upang maging maayos at kaakit-akit ang


pagkaing ihahain sa hapag kainan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
B. Magbigay ng iba’t-ibang estilo sa paghahanda ng pagkain.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
PAGPAPAHALAGA

Kinausap ka ng iyong nakatatandang kapatid dahil nalalapit na ang


kaarawan ng inyong mahal na ina. Inatasan kang mag-ayos ng inyong hapag
kainan ., Ano ang gagawin mong pagaayos sa inyong hapagkainan para
mapasaya mo ang iyong ina sa kanyang kaarawan ?

__________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap. Bilugan ang titik


nang tamang sagot:

1. Sa pag-aayos ng individual cover, saan maaring ilagay ang


kutsilyo?
A. Kaliwa ng tinidor
B. Kaliwa ng baso
C. Kanan ng pinggan
D. Ibabaw ng pinggan

2. Ano ang tawag sa lugar sa mesa para sa isang tao na may


pinggan, kutsara, tinidor at baso?
A. Cover
B. Placemat
C. Bandehado
D. Table napkin

3. Alin sa mga kagamitang pang mesa ang inilalagay sa


kandungan upang hindi marumihan ang damit habang
kumakain?
A. Mantel
B. Dishcloth
C. Serbilyeta
D. Centerpiece
4. Sa paghahanda ng pagkain dapat tiyakin ang tamis, anghang,
alat o asim ng pagkain na ihahain para maging kaakit-akit ito
sa mga bisita . Ano ang dapat na isinaalang-alang dito?
A. Anyo B. Lasa C. Temperatura D. Tekstura

5. Dumalo ka sa isang pormal na pagtitipon. Ano ang nararapat


mong gawin sa mga kubyertos na nakaayos sa lamesa?
A. Gamitin ang kamay sa pagsubo.
B. Punuin ng pagkain ang pinggan .
C. Gamitin ng wasto ang kutsara at tinidor sa pagsubo ng
pagkain..
D. Nguyain ang pagkain ng sarado ang pagkain ng sarado
ang bibig.
Panimulang Pagsasanay:
1 2 3 4 5
Balik-Aral
1. Mali
2, Tama
3.Mali
4.Tama
5.Mali
Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
1.Kulay A. 4
2. Blue Plate Style B. 5
3. English Style C. 1
4. Russian Style D. 2
5. Buffet Service E. 3
Panapos na Pagsusulit
1. C
2. A
3. C
4. B
5. C
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

Herminia E. Alviar Ma. Cereza A. Maguyon Timoteo C. Alviar Unang Edisyon


2008 Angat sa Kabuhayan 5 Rex Bookstore

Evelyn D. Deliarte Ana B. Ventura Randy R. Emen 2015 Makabuluhang


Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan Adriana Publishing Co., Inc.

Gloria A. Peralta, EdD Ruth A. Arsenue, Catalina R. Ipolan Yolanda L.


Quiambao Jeffrey D. De Guzman Elain Q. Borazon, PhD (Patnugot)
Batayang Aklat 2018 Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran Vibal
Group, Inc.

Luzviminda G. Anastacio, Edgardo C. Canonce, Rogelio M. Duldulao, Erlinda


J. Hernandez, Rolando D. Pintuan, Nenita G. Sevilleja, Estrellita M. Tucay
Koordinator Flora V. Peralta Wilmore C. Moredo 2002 Sanayang Aklat sa
EPP cultural Publisher

You might also like