Professional Documents
Culture Documents
Camilo Osias 1889-1976
Camilo Osias 1889-1976
Camilo Osias 1889-1976
Artikulo
Abstrak
PANIMULA
Mula sa kahulugang ito ng Kasaysayan bilang salaysay na may saysay, maaari nating
tingnan ang talambuhay bilang salaysay na may saysay para sa isang tao—at para sa
kanyang kapwa o kapanalig na rin bilang bahagi ng lipunan at kalinangan, higit sa lahat
ng panahon na kanyang kinabibilangan (Salazar 2005, xiii). Matindi ang pagkakaugnay
ng mga tao at ng kasaysayang kanilang nililikha—laluna na yaong nakahawak sa
kapangyarihan bunsod ng pagiging pinuno (Salazar 2005, xiv). Bukod dito, maaari ring
tingnan ang talambuhay bilang tala ng buhay (McCoy 2000, 3).
Mula sa mga kahulugan sa itaas, naglalaman ang pananaliksik na ito, na sinulat sa wikang
Filipino sa diwa ng Bagong Kasaysayan, ng mga tala hinggil sa mga kaganapan sa buhay
ng paksang si Camilo Osias. Kinapapalooban din ito ng pagtalakay sa pag-unlad ng
kanyang kaisipan o mga ideya bilang intelektwal sa konteksto ng kasaysayang Pilipino.
Dalawa ang kalikasan ng papel na ito samakatwid, una, bilang Kasaysayang Buhay o
talambuhay na kinapapalooban ng mga kaganapan sa kanyang buhay noong 1889-1976; at
ikalawa, bilang Kasaysayang Intelektwal na pagtalakay sa pag-unlad ng kanyang kaisipan
noong 1940-1976. Sa unang bahagi, babalikan ang talambuhay ni Osias na may tuon sa
naging edukasyon niya sa loob at labas ng nasyon partikular sa ilalim ng tutelehiya ng
mga Amerikano upang maipakita ang proseso ng kanyang intelektwalisasyon mula sa
impormal at pormal na karanasan niya bilang indibidwal na bahagi ng kanyang lipunan at
panahon. Sa ikalawang bahagi, binabalangkas naman ang paglilinaw sa mga konsepto ng
kaisipan batay sa pagbibigay-kahulugan at pagbibigay-diskurso sa kahulugan ng
intelektwal bilang dalubhasa, pantas, at paham na mga salitaang taal sa kalinangan at
kabihasnan ng bansa. Tinatalakay sa ikalawang bahagi ang pagiging dalubhasa-pantas-
paham ni Osias sa pamamagitan ng kanyang mga ambag sa kaalaman na mahahalaw sa
kanyang mga sinulat na aklat, manuskrito, sanaysay, talumpati, at iba pang dokumento.
Pangunahing binubuo ang ikalawang bahagi ng mga sumusunod na paksain: Pilosopiyang
Pluralisado: Dalumat ng Datayo, 1940-1976; Pilosopiya sa Edukasyon Bilang Gabay Tungo
Sa mga pag-aaral kay Osias, nariyan din ang disertasyong doktoral ni Roland Sintos
(2004) na pinamagatang Empire and Education: Filipino Schooling Under the United States
Rule From 1900s to 1910. Binigyang-paliwanag dito ni Sintos (2004, 101) ang konseptong
disidentipikadong nasyonalismo (disidentifying nationalism), na ayon sa kanya’y maaaring
tingnan bilang tulay sa pagitan ng Kanluran at katutubo o taal na apinidad. Humihimok
ito, ayon sa kanya, ng ikatlong espasyo kung saan ang kolonya’y maaaring gamitin ang
sarili bilang ahensya ng mithiing kalayaan laban sa nangongolonya (Sintos 2004, 101).
Ang konseptong ito ni Sintos ang naging gabay ko sa pagsulat sa aking tesis masteral na
pinamagatang Camilo Osias: Talambuhay at Ideya, 1886-1974 (Cruz 2014) kung saan
nilayon kong ipakitang sa kabila ng batikos sa kanyang pagiging produkto ng
Amerikanong edukasyon, naging kasangkapan din niya ang edukasyong ito sa
pagsusulong ng mithiing independensya1 mula sa mga Amerikano. Matutunghayan ito sa
kanyang talumpati noong nag-aaral siya sa Estados Unidos na pinamagatang “The
Aspiration of the Filipino People” (Osias 1971, 87) hanggang sa kanyang panunungkulan
bilang Residenteng Komisyoner (Resident Commissioner) kung saan matagumpay na
naisulong ang independensya sa pangunguna nina Senador Sergio Osmeña at Senador
Manuel Roxas noong una, at Senador Manuel Quezon nang lumaon.
Sa pagtalakay kay Osias, maaari ring tingnan ang sinulat ni Lisandro Claudio (2015) na
pinamagatang Beyond Colonial Miseducation: Internationalism and Deweyan Pedagogy in
the American-era Philippines. Kung sa disertasyong doktoral ni Sintos ginamit ang
konsepto ng disidentipikadong nasyonalismo, ginamit naman ni Claudio ang papalabas
na pagtingin na nasyonalismo (outward-looking form of nationalism) (akin ang malayang
salin). Isinulong ni Claudio sa kanyang artikulo ang perspektibang ang mga unang
librong sinulat ni Osias na pinamagatang Philippine Readers ay hindi dapat tingnan bilang
kasangkapan ng misedukasyon (miseducation), sa halip, mahalagang tingnan ang mga ito
Tulad ng mga nauna nang nabanggit na pag-aaral, naglalayon ang kasalukyang papel na
ito na tingnan ang ambag sa ating kasaysayan ni Osias bilang intelektwal. Paano
maipopook ang pag-aaral kay Osias sa Kasaysayang Buhay at Kasaysayang Intelektwal?
Isa rin si Charles Wright Mills, isang Amerikanong sosyolohista, sa mga sumang-ayon sa
ganitong pananaw. Ayon sa kanya, magkaugnay ang pag-aaral ng indibidwal sa pag-aaral
ng lipunan (Mills 1959, 3). Buhat sa kanyang akdang pinamagatang The Sociological
Imagination, ang kakayanang iugnay ang kuwento ng buhay ng indibidwal sa malawak na
kasaysayan ng kanyang lipunan ang isa sa mahahalagang ambag sa pagsusulat ng
Kasaysayan (Mills 1959, 3). Nakakatulong ang konsepto ng sociological imagination sa
pag-unawa ng kasaysayan at talambuhay; at ugnayan nito sa loob ng lipunan. Mula sa
ganitong pananaw makikita ang ugnayan sa pagitan ng social time at individual time ni
Braudel. Batay sa paliwanag, naipapakitang hindi dapat isantabi ang talambuhay tungo
sa pag-aaral ng Kasaysayan. Ito ang isa sa mga salik upang mapili ng may-akda ang
paksang ito. Maituturing na may kamalayan si Osias sa kanyang gampanin sa pagbuo ng
kasaysayan na mababanaag sa kanyang talambuhay.
Salalayan ang mga akdang naturan, sinikap sa kasalukuyang papel na ito na iugnay ang
kalagayang panlipunan at talambuhay sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga kaganapan
sa personal na buhay at kalagayang panlipunang kinapapalooban ni Osias sa diwa ng
Kasaysayang Buhay. Paano nakaapekto sa kamalayang indibidwal at panlipunan ang
idinulot na mga pagbabago sa antas ng kultura, wika, paniniwala, at kaisipan noong
panahong Amerikano? Paano ginamit ang edukasyon bilang magkasalungat na layunin
ng pagbabahagi ng kaalaman at pagsupil sa mga pag-aalsa laban sa mga Amerikano?
Batay sa paliwanag ni Leopoldo Yabes (1963, 20), ang puwang na iniwan ng humihinang
klerikal na intelektwalisasyon noong panahong Español ang nagbigay-daan sa pagpasok
ng tradisyong sekular na intelektwalisasyon. Bagama’t nagsimula na ito noong panahon
ng mga propagandista, higit itong tumatag sa tutelehiya ng mga Amerikano. Ang
pagsasanib ng Amerikano at Pilipino ang pumalit sa umiral na tradisyong panginoon at
alipin noong panahong Español (Yabes 1963, 20-21).
ng mga Amerikano subalit hindi rin naman tinalikdan ang sentimiyento sa kalayaan at
kulturang Pilipino na siyang magdudulot ng mainam na kasangkapan para sa kapayapaan
at independensya. Tinasa ito ni Sintos (2004, 85) sa pamamagitan ng mga tinawag niyang
pangmateryal na kultura na nagsilbing ebidensya tulad ng mga dokumento, libro,
larawan, kasuotan, kaugalian, at tradisyon na nagbibigay-konteksto sa isang institusyon o
indibidwal sa loob ng tukoy na panahon.
Bumuo ng naiibang uri ng nasyonalismo ang mga karanasan ni Osias buhat sa kanyang
kabataan noong panahon ng himagsikan, sa kanyang edukasyon buhat sa mga
Amerikano, at sa kanyang kontribusyon sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas.
Naisasalaysay ng mga ito ang karanasan ng isang Pilipinong guro na humugot ng
impluwensya mula sa Kanluran at gayundin naman buhat sa kulturang kinagisnan bilang
pamamaraan ng pagpasok sa mundo ng mga imperyalista habang itinataguyod ang
interes ng nasyon.
Anu-ano nga ba ang mga pagbabagong dulot sa lipunang Pilipino noong dantaon 20?
Nagbunsod ng panibagong henerasyon ng mga intelektwal ang okupasyon ng mga
Amerikano sa Pilipinas (Mojares 2006, 495). Ang sistema ng edukasyon na kanilang
ipinakilala ang naging daan upang makagisnan ng kabataan at mamamayang Pilipino ang
kanilang pamumuhay.
Batay sa mga nauna nang nabanggit, isang konseptong maaaring tingnan bilang
kritisismo sa disentipikadong nasyonalismo na tinahak ni Osias at ng mga kasapi ng
intelligentsia ang konsepto ng hybridity ni Homi Bhaba (Singh 2009). Tumutukoy ito sa
paghahalo ng kultura ng nangongolonya at kolonya. Nagresulta ito ng katangiang bunga
ng pagsasanib ng dalawang kultura. Para kay Bhaba, ang hybridity ay maaaring
subersibong kasangkapan ng kolonya upang labanan ang opresyon.
Ang mga ito ang nagbigay-daan sa aktibong pakikilahok ng mga umusbong na Pilipinong
intelektwal noong panahong Amerikano tulad ni Osias. Buhat sa mga pakikilahok na ito
sa pagsusulong ng independensya nakabatay ang diskusyon sa ikalawang bahagi batay sa
intelektwalisasyon at pagbubuo ng Pilipinong pagkakakilanlan. Ayon kay Annabel Brett
(2002, 113-115), historyador na may espesyalidad sa Kasaysayang Intelektwal buhat sa
University of Cambridge, mahalagang bigyang-pansin na pantay-pantay ang kahalagahan
Ayon pa sa kay Brett (2oo2, 113), dalawa ang daang tinahak sa pagtalakay ng Kasaysayang
Intelektwal. Una, pumapaksa ito sa mga pag-aaral at diskurso sa wika at kaugnayan nito
sa pagkilos ng indibidwal. At pangalawa, tumatalakay ito sa pag-angat ng iba’t ibang
kaisipan kung paano kinakatawan ng indibidwal ang kanilang mundo, mula sa sarili at sa
ibang tao. Batay sa mga kahulugang ito, ang paggamit ng Kasaysayang Intelektwal para
sa ikalawang bahagi ay hindi isang nakabukod na pag-aaral mula sa talambuhay para sa
unang bahagi kundi isang kaugnay na pag-aaral na nakatuon sa pag-unlad ng kaisipan ng
paksa. Tungo sa Kasaysayang Intelektwal na Pilipino, na nauna nang dinalumat sa mga
akda ni Portia Reyes (1996, 2012) hinggil kay Pedro Paterno (1858-1911), ang kabuuan ng
dalawang kalikasan ng kasalukuyang papel na ito—bilang talambuhay ukol sa mga
kaganapan sa buhay ni Osias at bilang pagtalakay sa pag-unlad ng kanyang kaisipan.
Bukod pa rito, ayon din kay Mabaquiao (1998, 205), may dalawang palagay ang ganitong
depinisyon tungkol sa kalikasan ng Pilosopiya—ang teoretikal at praktikal. Batay sa mga
palagay na ito, maaaring tingnan kung nagkaroon ba ng epekto ang kanyang kaisipan o
nanatili lamang ba itong teorya o nagkaroon ng praktikal na aplikasyon.
Ayon pa kay Mabaquiao (1998, 207), ang pagtuklas ng kaisipang maaaring ituring na
siniyasat para sa sariling kapakanan ang isang pananaw sa kategoryang teoretikal o iyong
uri ng kaisipang produkto ng pagkukuro-kuro at pagninilay-nilay subalit hindi
nangangailangan ng aktwal na aplikasyon. Isang uri ito ng pamimilosopiya na maaaring
manatili lamang sa isang ideolohiya at walang pagkilos na naganap.
Ito ang paksa ng papel na magbibigay rito ng natatanging katangiang hindi nabigyang-
pagtalakay ng ilang nag-aral na kay Osias. May temang namamayani sa bawat kaisipan o
pilosopiyang binuo ni Osias. Maiuugnay ang temang ito sa mga naging karanasan niya
bilang indibidwal. Pumapaksa ang temang ito sa kanyang kamalayang globalisado.
Nagtataglay ito diumano ng pinaghalong kamalayang nasyonalismo at internasyonalismo
kung saan tinitibag ang mga pader na naghahati-hati sa mga nasyon at pinagbubuklod-
buklod para sa adhikaing demokrasya at kapayapaan. Malaki ang kaugnayan nito sa
pagiging edukador, pulitiko, at estadista ni Osias. Tinawag niya ang pilosopiyang ito
bilang Pilosopiyang Pluralisado o dalumat ng Datayo sa Ilokano at Tayo sa Filipino (Osias
1940, xii-xiv).4 Ang mga kamalayan at pilosopiyang ito ang batayan ng kaisipan ni Osias
bilang ideolohiyang Pilipino sapagkat sistema ito ng kaisipan na may layuning pulitikal.
Paghubog ng ideolohiyang Pilipino ang pangunahing layunin ng proyekto ni Osias upang
palayain ang Pilipinas sa anumang uri ng pagkaapi at pagkaalipin.
Mababanaag sa mga akda ni Osias na bagama’t nakasulat ito sa wikang Ingles, madalas
niyang banggitin ang bansang Pilipinas bilang kanyang nasyon. Isa itong halimbawa ng
kanyang katapatan sa nasyon bilang mamamayan nito.5 Bilang mamamayang may
ganitong kamalayan, maituturing na Pilipino ang kanyang kaisipan at pamimilosopiya.
Ang pinakahuling kategorya ay nagsasaad na Pilipino ang isang Pilosopiya kung Pilipino
ang kamalayang taglay ng namimilosopiya. Nakabatay ang pananaw na ito sa dalawang
palagay:
Pagbubuod ng Talambuhay
Subalit sino nga ba si Osias at ano ang kanyang papel sa kasaysayang pambansa? Upang
higit siyang makilala, balik-tanawin natin ang ilan sa mahahalagang tala ukol sa kanya.
Isinilang siya sa Balaoan, La Union noong Marso 28, 1889. Ang kanyang mga magulang ay
sina Manuel Osias at Gregoria Olaviano. Nag-aral siya sa iba’t ibang lugar gaya ng
Balaoan, La Union; Vigan, Ilocos Sur; at San Fernando, La Union bago napiling maging
Ipinatupad ng pamahalaang Amerikano ang Batas Pensionado o Batas 854 noong 1903
upang makapagpadala ng mga kwalipikadong mag-aaral na Pilipino sa Estados Unidos.
Naisabatas ito noong Agosto 25, 1903 ni Gobernador-Heneral William Howard Taft sa
pamamagitan ng Komisyong Pilipino (Mojares 2006, 495). Layunin ng batas na ito na
maglaan ng pondo para sa mga kwalipikadong Pilipino na mag-aaral na tinawag na mga
pensionado upang makapagtamasa ng edukasyon sa kolehiyo sa mga pamantasan sa
Amerika (tingnan ang Larawan 1 at 2).
LARAWAN 1
Mga Pensionado sa San Francisco, California noong 1905
LARAWAN 2
Mga De Pardibleng Simbolong Ginagamit
ng mga Pensionado sa San Francisco, California
Gaya ng nabanggit na, kabilang si Osias sa mga unang grupo ng pensionado na ipinadala
sa Estados Unidos noong 1905 (tingnan ang Larawan 3). Kinilala sila bilang mga iskolar
ng pamahalaan na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas (Bananal 1974, 5).7
Nagpakadalubhasa sila sa iba’t ibang larangan at nanguna sa mga ito pagbalik sa Pilipinas
(Osias 1971, 146). Nahahanay sa listahang ito sina Jorge Bocobo, Mariano de Hoya, at
Francisco Delgado na mga kinilalang mambabatas sa Pilipinas (Bananal 1974, 6).
Gayundin naman si Antonio delas Alas, Pangulo ng Kongreso bago ang Ikalawang
Digmaang Pangdaigdig at kinilala bilang isa sa mahusay na mangangalakal ng bansa
(Bananal 1974, 6).
LARAWAN 3
Osias Bilang Pensionado
Bagama’t tinanaw ni Osias na utang na loob ang kanyang mga natutunan buhat sa mga
guro at propesor sa Estados Unidos, hindi tinalikdan ni Osias ang hangarin para sa
independensya ng Pilipinas. Nagbigay-daan ang kanyang pagkapanalo para maanyayahan
siya sa iba’t ibang siyudad upang magbigay ng talumpati. Kabilang dito ang New York,
Indiana, Kentucky, at Ohio. Ayon sa mga tala ni Osias (1971, 111) nang makarating siya sa
Ohio, umabot ang kanyang ipon sa halagang tatlong libong dolyar buhat sa mga paanyaya
sa kanya bilang tagapagsalita.8 Ito ang naging puhunan niya para maipagpatuloy ang pag-
aaral sa Columbia University sa New York.
Nagsimulang mahubog ang husay sa pagsulat ni Osias sa New York. Kung ang
pagkapanalo sa patimpalak sa Illinois ang nagbigay-daan upang makilala siya bilang
mananalumpati, sa Columbia University naman nahasa ang kanyang husay at sipag sa
pagsulat. Dito niya unang nabuo ang aklat niya tungkol sa Pilipinas na may pamagat na
Education in the Philippines Under the Spanish Regime (Osias 1971, 112).
LARAWAN 4
Osias sa Selyo
(Avanzado 2010)
Tagalog. Bukod dito, may mga batikos din sa Batas Tydings-McDuffie na nag-aantala ng
sampung taon sa ipinangakong independensya na unang ipinanukala ng Batas Jones
noong 1916 (Sakdalista 1935, 1-15).
Ang mga nabanggit sa itaas ay mga salungat na pananaw na maaaring tingnan bilang
pantapat sa mga nagbigay-pugay sa mga pensionado. Bagama’t lehitimo ang mga
pamumunang ito, hindi pa rin maitatanggi ang ambag ng mga pensionado sa lipunang
Pilipino at sa proseso ng Pilipinisasyon noong dantaon 20 (Mojares 2006, 492-495). Ang
kanilang edukasyon mula sa iba’t ibang pamantasan sa Estados Unidos ang naging
panimulang hakbang sa pagpasok ng mga Pilipinong intelektwal sa pamahalaan. Dati-
rati mga banyaga lamang ang maaaring humawak ng mga posisyon sa pamahalaan at iba
pang disiplina. Itinuturing si Osias na isang mahalagang intelektwal ng kanyang panahon
dahil sa bilang ng kanyang mga akda, talumpati, at ipinasang batas hinggil sa iba’t ibang
sektor.
Napakahalaga para kay Osias ng independensya. Ayon sa kanya, sa wakas ang Pilipinas ay
isa nang republikang estado na may kalayaan at soberanya. Hindi na kontrolado ang mga
mamamayan ng banyagang kapangyarihan na dulot ng digmaa’y naging insulang
Sa kaisipan ng pagkamamamayan, ayon kay Osias (1954, 17), nasa Saligang Batas ang
pagtuturo sa kabataan upang maging mabuting mamamayan. Tungkulin ng
pamahalaang ipatupad ito sa pampublikong paaralan at gayundin ang pagbibigay ng
libreng edukasyon para sa adult citizenship training.
Samantala, tumutukoy ang patriyotismo, para kay Osias (1954, 123) hindi lamang sa
pagmamahal sa bayan kundi kaakibat din nito ang pagsunod sa magagandang tradisyon
ng lahing Pilipino. Nangangahulugan ito ng katapatan sa bansa at sa mamamayan na
may layunin at may kusang loob na itaguyod ang mga adhikain nito. Aniya, ang
pagmamahal sa bayan at mamamayan ay hindi nangangahulugan ng pagkapoot sa ibang
bansa at ibang lahi, sa halip ito, pagtataguyod ito ng pagmamahal sa sangkatauhan.
Nagtataguyod ito ng sentimiyentong nasyonalismo na kakampi at hindi kaaway ng
internasyonalismo.
Ilan lamang ito sa mga konseptong madalas gamitin ni Osias sa kanyang mga akda at
maging sa kanyang mga talumpati bilang edukador, pulitiko, at estadista. Naging
matingkad ang mga konseptong ito sa kaisipan ni Osias na sunod naman nating
tatalakayin.
Inihahandog para sa
mapag-isip na nagsusumikap at sa nagsusumikap na mapag-isip
(Osias 1971, 13) (akin ang malayang salin)
Kaugnay nito, malawak ang mga ginalawang disiplina ni Osias bilang indibidwal na
kasapi ng mga elit na Pilipino namuo noong panahong Amerikano. Kabilang sa mga
disiplinang ito ang edukasyon, pulitika, usaping panloob at panlabas ng nasyon o
diplomasya, at maging sa larangan ng pilosopiya. Ilang dekada ang kanyang naging
paninilbihan sa publiko at sa mga panahong ito, ilang aklat, talumpati, at batas ang
kanyang nailathala. Maituturing na naging bahagi ang mga ito sa pagbuo ng isang
Pilipinong pagkakakilanlan. Kinapapalooban ito ng mga panahon mula noong huling
bahagi ng panahong Español sa bansa, pagdating ng mga Amerikano, pagsiklab ng
Ikalawang Digmaang Pangdaigdig, at ang paggawad ng independensya sa nasyon.
Naghahanap ang mga Pilipino noong mga panahong ito ng pagkakakilanlan. Naging
bahagi ang kaisipan ni Osias sa konteksto ng mga panahong ito sa pag-ambag ng mga
pilosopiya na nagtaguyod ng katangiang Pilipino bilang bagong bansa. Bukod sa
pagtalakay sa mga ideyang ito, layunin ding bigyang-diskurso ang teorya at praktika o ang
paglalapat ng kaisipan ni Osias sa realidad ng pulitika ng bansa.
Subalit bago dumako ang papel sa bahaging ito, may ilang konseptong nais bigyang-
kahulugan. Kabilang dito ang salitang “intelektwal” buhat sa salitang Ingles na
intellectual na buhat din sa intellectuel ng wikang Pranses o intellectualis mula sa wikang
Latin. Nangangahulugan ang mga ito ng pag-unawa o pagtuklas ng kaalaman (Almario
2010, 508). Maitutumbas ito sa mga kataga sa bokabularyong Pilipino na gaya ng
dalubhasa, pantas, at paham (Almario 2010, 258, 882, 930). Ayon sa UP Diksiyonaryong
Filipino (Almario 2010, 45), nangangahulugan ang “dalubhasa” na isang taong may
natatanging kasanayan o kaalaman sa isang tanging larangan. Nangangahulugan naman
ang “paham” ng taong matalino, taong bantog sa katalinuhan, o sinasamba dahil sa
pambihirang karunungan. Kapareho naman ang “pantas” ng salitang “paham” subalit taal
ito sa wikang Bikolano, Kapampangan, Maguindanaon, at Tagalog.12
Batay sa mga ito, marahil maitatanong bakit mahalagang pag-aralan ang kaisipan ng
isang intelektwal? Ano ang kaugnayan nito sa pag-aaral ng Kasaysayan? Para sa
konteksto ng pananaliksik na ito, hindi nilalayong pairalin ang isang mapangmataas na
pananaw kung saan itinataas ang intelektwal o gawaing intelektwal bilang nakakaangat
na gawain kung ihahambing sa ibang aspekto ng pamumuhay. Layunin ng pananaliksik
na ito na bigyan ng ugnayan ang kaisipan o mga gawaing intelektwal na pumapaloob sa
maraming lebel ng buhay pang-indibidwal at panlipunan. Batay rito, hindi maaaring
iisang-tabi ang Kasaysayang Intelektwal kaugnay ng kaisipan mula sa mas malawak na
kultura (Brett 2002, 113).
Ayon sa kay Brett (2002, 114), may apat na salik na maaaring tingnan hinggil sa pag-
uugnay ng Kasaysayan sa pag-aaral ng kaisipan. Binubuo ang mga salik na ito ng wika,
kaisipan, ahensya, at panahon. Ayon din kay Robin George Collingwood (Brett 2002, 115),
isang dalubhasang Briton na kinilala sa kanyang mga gawain hinggil sa estetika at
pilosopiya ng kasaysayan, hindi maaaring maunawaan ang anumang pagkilos o
produksyon ng indibidwal at ng lipunan kung walang pag-unawa sa pumapaloob na
kaisipan.
DIAGRAM 1
Limang Aspektong Tumutukoy sa Identidad ng Kamalayan
Layunin
Metodo
Paksa
o Pananaw
Identitdad
ng
Kamalayan
Panahon Lugar
Mahalaga ring tingnan sa kabilang banda, ang mga taliwas na pananaw hinggil sa
mabubuting katangian ni Osias bilang intelektwal. Bilang miyembro ng unang
henerasyon ng mga pensionado, bahagi si Osias ng kabataang nagkamalay sa sistema ng
edukasyong buhat sa mga Amerikano. Isa siya sa mga aktibong nagpalaganap ng
Pilipinismo at patakarang Pilipinisasyon sa nasyon sa pamamagitan ng pagiging mataas
na kawani ng edukasyon at matataas na posisyong hinawakan sa pulitika (Mojares 2006,
494). Isa itong uri ng pananaw at damdaming naging akma sa lumaganap na ugnayang
Amerikano at Pilipino kung saan nakalalamang pa rin ang mga Amerikano (Yabes 1963,
201-21). Batay sa pananaw ng mga nasyonalistang Tagalista at rebolusyonaryong
nasyonalista, hindi buo ang diwang makabayan ni Osias dahil sa tinamong Kanluraning
impluwensya sa wika, kaisipan, at kalinangan. Sa kabila ng pangangampanya niya para sa
independensya ng nasyon, itinataguyod naman niya ang kultura ng dayuhan batay sa
kanyang mga akda na nakasulat sa wikang Ingles (Yabes 1963, 201-21).
Ang ikahuli ang tinatawag niyang datayo. Ito ang sinasabing pinakamainam sapagkat
kinapapalooban ito ng kamalayang bukas, pangsangkatauhan, at hindi nalilimitahan ng
lahi. May kakayahan itong tingnan ang sangkatauhan bilang buo at nakikipagtulungan sa
isa’t isa. Hindi rin nito nililimitahan ng lahi, kulay ng balat, uri sa lipunan o paniniwala at
pananampalataya (Osias 1940, 6-7). Pataas mula sa sukdulang siac o kamalayang “pang-
ako” tungo sa kamalayang datayo ang pag-unlad ng kamalayang ito ayon sa kanya
(tingnan ang Diagram 2).
Ginamit ding batayan ni Osias ang iba pang wika para sa kamalayang pluralisado ng mga
Pilipino (Osias 1940, 151) (tingnan ang Hanayan 2).
HANAYAN 1
Konseptong Pluralisado
Wikang Ilokano Wikang Tagalog Wikang Ingles
(Panghalip) (Panghalip) (Pronoun)
Siac Ako I
Data Kita We - two
Dacami Kami We - three or more
Datayo Tayo We - all
(Cruz 2016, hango sa Osias 1940)
DIAGRAM 2
Kamalayang Datayo/Tayo
DATAYO/TAYO
DACAMI/KAMI
DATA/KITA
SIAC/AKO
(Cruz 2016, hango sa Osias 1940)
HANAYAN 3
Pluralisadong Konsepto sa Iba’t Ibang Wika sa Pilipinas
Wika Panghalip
Pampango Ako Ikata Ikami Itamo
Pangasinan Siac Sicata Sicami Sicatayo
Bisaya Ako Kita Kami Kita
Ingles I We – two We - exclusive We - inclusive
(Cruz 2016, hango sa Osias 1954)
Ayon din kay Osias (1940, 222), maaaring mabigyan ng bias at gamitin sa disiplina ng
relihiyon o ispiritwalidad ang ideyang datayo o ang pluralisadong konsepto.
Gayumpaman, may ilang limitasyon pa rin ito sapagkat kahit sa pagdadarasal, nariyan pa
rin ang kamalayang pansarili sa pamamagitan ng pagwiwika ng “Panginoon ko” sa halip
na “Panginoon namin” o “Our Father” sa wikang Ingles at “Pater Noster” sa wikang
Ilokano. Pagdating sa usaping may kinalaman sa lahi o bansa, may apat na mga batayan
sa pagbabago ng kamalayang panlahi o panlipi na maiuugnay rin sa kamalayang
nabanggit sa itaas, ito ayon kay Osias ang mga sumusunod:
1. kamangmangang panlahi
2. prehuwisyong panlahi
3. karunungang panlahi
4. damdaming panlahi (Osias 1940, 11-12)
DIAGRAM 3
Pluaralisadong Kamalayang Panlipunan
Cosmopolitanism
Nations/Entente
Barangay/Unit
Family
(Cruz 2016, hango sa Osias 1940)
DIAGRAM 4
Pluralisadong Kamalayan ng Pamilya
Province/Provincial home
Town/Community home
Household/Family home
(Cruz 2016, hango sa Osias 1940)
Kaakibat ng mga nabanggit na ito, hinikayat niya rin ang pagtataguyod ng kapayaan sa
halip na digmaan. Kanyang winika ang mga sumusunod na kataga:
Para kay Osias (1940, 269), sa isang pluralisadong lipunan, gagamitin ng mga
mamamayan ang kanilang talento para sa layunin ng pag-unlad at hindi para sa
himagsikan. Kanilang aanihin ang mga biyaya ng kalikasan para sa kaginhawaan.
Kanilang ihahandog ang talentong bigay ng Maykapal sa pagpapayaman ng sining ng
kapayapaan, hindi ng digmaan. Buong puso itong iaalay sa pagpapaunlad ng bayan at
pagbibigay ng karangalan sa buhay. Bilang pagpapalawig sinulat ni Osias ang mga
sumusunod:
Para kay Osias (1940, 271), taglay na ng mamamayan ng nasyon ang isang malaya at may
independensyang Pilipinas. Layunin niyang magsilbing gabay ang pluralisadong
pilosopiya para sa mga mamamayang panatilihin ang kalayaang ito hindi lamang sa
pisikal na antas kundi maging sa antas na ispiritwal at pangkaisipan. Magluluwal din ng
malayang mamamayan at bubuo ng isang malayang lipunan ang isang nagninilay at
malayang nasyon para kay Osias. Inaasahang magluluwal sa hinaharap ng mas malayang
mamamayan at bubuo ng mas malayang lipunan ang lipunang taglay ng kamalayang
pluralisado.
HANAYAN 3
Kaibahan ng Pilosopiyang Pluralisado sa Pantayong Pananaw
Pilosopiya Pilosopiyang Pluralisado Pantayong Pananaw
Pangunahing Camilo Osias Zeus Salazar
Tagapagtaguyod
Lapit Pangdisiplina Edukasyon, Pulitika Antropolohiya, Linggwistika,
Kasaysayan
Pangunahing Dalumat Datayo Tayo
Pangunahing Paliwanag Ayon kay Osias, tungkulin ng Ayon kay Salazar, sa lahat ng
edukasyong palayain ang mga wikang Pilipino,
Pilipino sa kamalayang pang- matatagpuan ang mga
isahan o (a) “I,” “siac” o “ako,” konseptong katumbas ng
patungo sa (b) dalawahang “kayo,” “kami,” “sila,” at “tayo.”
konsepto na “we-two,” “kita” o Tinutukoy nitong huli ang
“data,” patungo sa (c) nagsasalita at lahat ng kanyang
pangmaramihan o pluralisado kausap, kasama kahit na iyong
subalit eksklusibo na “kami” o wala subalit ipinapalagay na
“dacami,” patungo sa (d) ang kabahagi sa kabuuang
pluralisadong pangkalahatang kinabibilangan ng nagsasalita
“tayo” o “datayo” na konsepto. at mga kausap... Sa sitwasyong
Nangangahulugan ang misyong ito, ang kalagayan, konsepto,
ito ng paghahanda ng kaisipan, at ugaling maaaring
mamamayan bilang bahagi ng pagtuunan ng pansi’y madaling
kanyang bayan, siyudad, maintindihan, dahil
probinsya, estado, bansa at ng napapaloob sa sariling lipunan-
buong mundo… Nakaangkla at-kalinangan, na kapwa
ito sa panahon ng ipinahihiwatig ng (at nakabalot
internationalismo na sa) isang wikang
nangangailangan ng kaisipan nauunawaan ng bawat isa…
na pang-internasyonal… Ibig sabihin, maihahalintulad
Nangangailangan ito ng isang ito sa isang sistemang closed
konseptong pangmundo (world circuit—isang “nakapinid na
concept) kung saan ang pag-uugnayan/ pakikipag-
sangkatauha’y may ugnayan.” Samakatwid, may
pagkakapareho, at ang “pantayong pananaw” ang isang
ispiritong gabay nito’y walang lipunan-at-kalinangan kung
tao, walang nasyon, walang gumagamit ang lahat ng mga
lahing eksklusibo bilang konseptong alam ng lahat ang
basehan ng demokrasya (Osias kahulugan, pati ang relasyon ng
1954, 170-173). mga kahulugang ito sa isa’t
isa… Mahalaga rito ang
pagkakaroon ng iisang wika
bilang batayan at daluyan ng
pang-unawa at komunikasyon
(Salazar 1991, 57).
(Cruz 2016, hango sa Osias 1954 at Salazar 1991)
Isa ito sa mga kritisismo kay Osias, ang kanyang Pilosopiyang Pluralisado, bagama’t
nagmumula sa loob patungo sa labas ay nasa wikang Ingles. Kung kaya’t kahit Datayo at
Tayo ang panghalip panaong kanyang ginamit, na nangangahulugang kasama ang
Pilipino, pinapalagay na kasama rin dito ang buong mundo, kung saan ang kanyang
kausap o mambabasa’y patungo sa labas o ang mga banyaga, partikular ang mga
Amerikano, at mga banyagang Pilipino, na tinawag ding “kayumangging Amerikano.”
Maaaring epekto ito ng pagiging Ilokano ni Osias, na nangangahulugang kinagisnang
wika niya ang wikang Ilokano kung kaya’t mahirap para sa kanyang sumulat sa wikang
Filipino na batay sa wikang Tagalog. Dahil produkto ng kolonyal na kapangyarihan at
edukasyon noong panahon ng Amerikano sa Pilipinas, wikang Ingles ang naging
pangunahing wika ni Osias kung kaya’t masasabing hindi karaniwang Pilipino ang
kanyang kausap sa kanyang Pilosopiyang Pluralisado. Para sa Pantayong Pananaw, isang
anyo ng Pangkaming Pananaw (Pilipino ang nagsasalita ngunit banyaga ang kausap sa
dayuhang wika) ang Pilosopiyang Pluralisado.
Ito rin marahil ang dahilan kung bakit may empasis sa kapayapaan at de-empasis sa
himagsikan at digmaan ang Pilosopiyang Pluralisado ni Osias. Sa panahong dinalumat ni
Osias ang Pilosopiyang Pluralisado, kapayapaan na ang pangunahing sigaw ng mga elit na
Pilipino, ng mga banyagang Pilipino o “kayumangging Amerikano,” na kasama ng mga
dayuhan, pangunahing kinakausap ni Osias. Samantala, patuloy ang diwa ng himasikan
at digmaan sa Pantayong Pananaw ni Salazar.
Ayon kay Osias (1954, 2), ibinatay niya ang trinidad ng pangkalahatang tunguhin ng
edukasyon bilang episensya, kalayaan, at kaluwalhatian sa Artikulo XIV, Seksyon V ng
noo’y Saligang Batas ng Pilipinas: “Lahat ng paaralan, ay nararapat na maging tunguhing
pag-ibayuhin ang moral na karakter, personal na disiplina, kamalayang sibiko, at
bokasyonal na episensya, at pagtuturo ng tungkulin ng pagkamamamayan.”
Dagdag pa rito, isinusulong din ni Osias ang kanyang pormula para sa isang pilosopiyang
nakasentro sa buhay (life-centered philosophy) kaugnay ng edukasyon. Tuon ng
pilosopiyang ito ang buhay bilang sentro—buhay pang-indibidwal, buhay panlipunan,
buhay pangnasyonal, at buhay pang-internasyonal. Para sa ganitong edukasyon, muli
niyang binigyang-tuon na dapat maging layunin ng edukasyong siguraduhin para sa
indibidwal, para sa komunidad, para sa nasyon, at para sa sangkatauhan ang episensya,
kalayaan, at kaluwalhatian (Osias, 1954, 3). Makikitang nakaangkla ang kaisipang ito sa
nauna nang tinalakay na Pilosopiyang Pluralisado ni Osias. Ayon sa kanya, kailangang
balanse ang pagpapaibayo o pagpapabuti sa indibidwal batay pangangailangan at
kahingian ng estado at lipunan kung saan napapabibilang ang indibidwal. Kung gayon,
ang layuning episensya, kalayaan, at kaluwalhatian ng isang indibidwal ay hindi dapat
natatangi o nalalayo mula sa kanyang lipunan at kultura, sa halip at kaugnay at may
kontribusyon sa kabihasnang kanyang kinabibilangan (Osias 1954, 9).
Ang kanyang karanasan sa Estados Unidos bilang pensionado ang nagpalawak ng kaisipan
at kamalayan ni Osias upang maging isang progresibong guro pagbalik sa Pilipinas. Dala-
dala niya ang mga teorya at kagawiang buhat sa Amerika tungkol sa mga elemento ng
pagtuturo. Kaakibat din ng mga ito ang kanyang mga naging karanasan sa mga
paglalakbay. Hindi nagtagal sunod-sunod ang naging pagtaas ni Osias sa iba’t ibang
posisyon sa larangan ng edukasyon.14
Naging bukas si Osias sa kanyang mga natutunan tulad ng mga prinsipyo ng demokrasya,
independensya, pagkamamamayan, patriyotismo, at internasyonalismo (Osias 1954, 8, 29,
256, 265). Mga susing prinsipyo ang lahat ng mga ito na madalas na bahagi ng kanyang
mga akda lalo na sa pagtuturo. Bilang isang indibidwal, mahalagang unawain ang pinag-
uugatan ng kaisipan ni Osias bilang isang intelektwal. Tulad ng pamagat ng bahaging ito,
nagtaguyod si Osias ng isang kamalayang pangdaigdig kung saan magkakaugnay ang mga
prinsipyo ng demokrasya, independensya, pagkamamamayan, patriyotismo, at
internasyonalismo. Kapag pinagsama-sama ang lahat ng mga ito, mabubuo ang tinatawag
na konseptong pangmundo (world concept) para sa edukasyon (tingnan ang Diagram 5).
Sumisimbolo ang mga nasabing prinsipyo ng iba pang disiplinang kinalahukan niya tulad
ng pulitika at pagiging isang estadista. Maiuugnay ang mga disiplinang ito sa kamalayan
ni Osias bilang isang edukador.
Nabuhay siya sa mga panahong kolonya ang bansa ng Estados Unidos, dahilan upang
maging produkto siya ng sistema ng edukasyon na ayon sa pamamaraang Amerikano.
Hindi maitatanggi ang impluwensyang ito unang-una sa wikang Ingles na kanyang
ginamit sa pagsusulat. Nasa wikang Ingles din ang kanyang mga talumpati at iba pang
akda. Gayumpaman, sa kabila nito, hango sa mga batayang ginamit ni Mabaquiao (1998,
206), hindi nangangahulugang hindi Pilipino ang kamalayan ng isang pilosopong
gumagamit ng banyagang wika. Pangkaming Pananaw ito ngunit Pilosopiyang Pilipino pa
rin. Kung babasahin ang mga akda at talumpati ni Osias, sa kabila ng batikos sa kanya
bilang maka-Amerikano, masasabing sumasalungat ang kanyang mga adhikain at layunin
sa bansag na ito. Nagkataon lamang na bilang isang mamamayan ng nasyon na
nagtamasa ng edukasyong kolonyal mula sa Amerika, wala nang higit pang pamamaraan
para sa kanya na maaaring makatawag-pansin para sa layuning independensya kundi ang
makipag-ugnayan sa mga nangongolonya sa wikang kolonyal na kanilang mauunawaan.
Marahil, produkto na rin ito ng lumalaganap noong Pilipinismo noon sa edukasyon na
hindi naman mga karaniwang Pilipino ang pangunahing kausap kundi yaong mga
dayuhan at elit ng nasyon.
DIAGRAM 5
Pilosopiya sa Edukasyon Bilang Gabay Tungo sa Kamalayang Pandaigdig, 1954-1976
(Demokrasya, Internasyonalismo, Nasyonalismo, Patriyotismo, at Pilipinismo)16
Demokrasya
Nasyonalismo Internasyonalismo
Patriyotismo Pilipinismo
Hindi naman kakaiba ang ganitong pamamaraan, gumamit din ang pambansang bayani
na si Rizal ng wikang Español sa kanyang mga akda subalit sa kabila nito, layunin pa rin
niyang imulat ang sambayanan sa pagkaalipin (Osias at Osias 1933, vii-x). Kung ating
babalikan ang pinagdaanan ni Osias sa kasaysayan bilang isang pensionado, Residenteng
Komisyoner, Senador, edukador, at estadista, mauunawaan ang dahilan upang binuo niya
ang ideya ng kamalayang pandaigdig para sa pilosopiya ng edukasyon. Bago tumungo sa
bahaging ito, hayaang bigyang-pagtalakay ang mga akda niyang maaaring ituring na
pundasyon ng kanyang pagbuo ng nasabing kaisipan.
Noong dekada 1950 itinatag din ni Osias ang dalawang Kolehiyo na ipinangalan sa
kanya—ang Osias Educational Foundation sa La Union at Osias Colleges, Inc. sa Tarlac
(Osias 1971, 177). Nag-aalok ang mga nabanggit na Kolehiyo ng edukasyon para sa
primarya, sekundarya, at kolehiyong antas. Ang pagluluwal ng mga guro ang isa sa mga
katatagan ng mga nasabing institusyon. Sa kasalukuyan, nag-aalok na rin ang mga
nasabing institusyon ng mga kursong bokasyonal.
Ayon kay Osias (1968, 201), itinuturing niya ang sarili hindi lamang bilang tagapagtatag
ng mga nasabing kolehiyo. Isa rin itong institusyong binuo at pinapatakbo sa loob ng
mahabang taon ng mahuhusay at may dedikasyong indibidwal. Layunin ng mga
namumuno nitong pagbutihin ang edukasyon para sa mga mamamayan. Hiniling ni
Osias para sa kanyang kaarawan noong Marso 23, 1968 na higit pa nawang maging
matatag ang mga kolehiyong ito upang patuloy na makapaglingkod at maisulong ang
kaunlaran ng mga mamamayan sa hinaharap. Masasabing nangangahulugan ang
pananatili ng mga kolehiyo sa kasalukuyan bilang katuparan ng hiling niyang ito.
TALA 1
Bisyon-Misyon at Logo ng Osias Educational Foundation, La Union
PHILOSOPHY: Life centered philosophy. Life is central. It is the business of education to enrich and improve it.
VISION: To be the center of excellence in the Arts, Management, Education and Technological Studies through
quality education, responsive research, extension and production for a progressive and sustainable society.
MISSION: Shall produce dynamic, self-reliant, socially empowered, ecologically concerned and globally
competitive citizens involved in scientific and technological researches for community development through
advanced instruction.
(Bascos 2009)
(OEF 2012)
TALA 2
Bisyon-Misyon at Logo ng Osias Colleges, Inc., Tarlac
INSTITUTIONAL VISION: Osias Colleges, Inc. shall endeavor to become a center of excellence in academic and
technological education, responsive to the changing times and accessible to the majority of the populace. As we
share the legacy of our founders, it is our goal to bring about the best quality education and training necessary
for developing creative, innovative, productive and versatile citizens thus contributing to the attainment of a
peaceful and progressive society.
INSTITUTIONAL MISSION: Osias Colleges, Inc. was established in 1949 by the late Telesforo B. Concepcion, an
alumnus of the University of the Philippines and retired school District Supervisor of Victoria, Tarlac, and by Dr.
Camilo Osias (former senator), both respected educators. With the doctrine that “Quality education need not be
expensive”, foremost of our missions is to offer affordable quality education, yet will remain as one of the best
educational institution in Tarlac, which is geared towards the pursuit of better quality of life for our graduates.
PHILOSOPHY: In an environment of freedom, excellence and relevance, it is our philosophy to fully contribute
in harnessing and developing the constructive and productive potentials of an individual who shall become: good
Filipino citizens with strong sense of moral and spiritual values, with high regards for the preservation of the
environment and natural resources, and who will contribute for the enrichment of historical and cultural
heritage.
(Araola 2009)
(OCI 2012)
Dalawa ang mga institusyong ito sa mga buhay na katibayan ng pamana ni Osias sa
larangan ng edukasyon. Magpahanggang sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang mga ito sa
sinimulan niyang tradisyon ng kabutihan sa episensya, kalayaan, at kaluwalhatian na mga
pangunahing tunguhin ng edukasyon para sa mga mamamayan ng bansa.
Bilang pagtatapos sa bahaging ito, sinipi ng mananaliksik ang sinulat na sanaysay ni Jose
Hernandez:
Ang kanyang sipag, tiyaga, determinasyon, at dedikasyon bilang isang guro ang nagbigay-
daan upang tahakin pa ni Osias ang ibat’t ibang larangan bukod sa edukasyon.
Ayon sa kanya (Osias 1971, 169), ang mga bagay na mahalaga sa buhay ang nararapat na
bigyang-pagpapahalaga ng edukasyon at sa kabaligtaran hindi nararapat pagtuunan ng
edukasyon ang mga bagay na walang kinalaman sa buhay.
Marahil masasabing hindi ito isang pundamental na pangangailangan subalit isa itong
pangangailangan sa paghubog ng kamalayang Pilipino ng kabataan para sa susunod na
DIAGRAM 6
Pilosopiya ng Kamalayang Pangdaigdig:
Mula sa Kamalayang Pang-Indibidwal Tungo sa Kamalayang Pang-Internasyonal
buhay pang-internasyonal
buhay pangnasyonal
buhay panlipunan
buhay pang-indibidwal
(Cruz 2016, hango sa Osias 1954)
Kinikilala si de los Reyes sa kanyang papel bilang “Father of Filipino Folklore” at bilang
theologian ng Philippine Independent Church. Ang Folk-Lore Filipino ay isang serye ng
mga dokumento, kasulatan, report, tula, at artikulo mula sa peryodiko na akda ni de los
Reyes at iba pang kontribyutor. Sa Pranses, tinatawag itong bibliotheque, kalipunan ng
mga akdang tapos o hindi tapos. Ang proyektong ito ay hindi lamang isang libro subalit
isang talaan o archive ng kultura at kasaysayan ng sinaunang Pilipino (Mojares 2006,
306). Maaaring tingnan sa anggulong ito na isa si de los Reyes sa mga nakaimpluwensya
sa pagsisiyasat hinggil sa pag-aaral sa katutubong kaalaman.
Ayon kay Osias (1968, xviii), kung tumutukoy ang ekonomiyang pulitikal sa materyal na
mapagkukunan at sa pamamahagi ng yaman, nakasentro naman ang Banal na Ekonomiya
Ayon sa kanya (Osias 1968, 45), naayong mapagtibay at mapabantog ang Banal na
Ekonomiya bilang sining at siyensya ng buhay na may tuon sa moral, relihiyon,
ispiritwalidad, at Kristiyanismo. Ang mga sumusunod ang ilan sa mga deskripsyon ni
Osias (1968, 45) ng nasabing pilosopiya:
Ayon kay Osias (1954, 151), sa pamamagitan nito maipapalaganap ang hindi makasarili,
hindi ekslusibo, hindi mapang-uri o geograpikal na kamalayan. Nakaangkla rin ang
ideyang ito sa kanyang kamalayang internasyonalismo. Naniniwala siya sa kahalagahan
ng ispiritwal na internasyonalisasyon at dito maiuugat ang kanyang pagtuklas ng isang
kamalayang ispiritwal na naayon sa kanyang pilosopiyang pluralisado, tinawag niya itong
Banal na Ekonomiya (Osias 1961, 7-9). Bilang isang kongkretong halimbawa, gamitin
natin ang “Pater Noster,” nabubuhay sa antas na pang-siac o ang lebel na pang-ako ang
karamihan sa mga umuulit ng panalanging ito. Hindi winiwika ang “Our Father” sa
wikang Ingles o ang Ama-Tayo. Marami sa mga nagdarasal sa ganitong paraan ang
nabubuhay sa baitang na pang-data o iyong mga nasa ikalawang baitang. Hindi nito
pinapakahulugan ang pananalangin sa iisang pluralisadong pananaw. Tinitingnan
lamang nito ang Ama bilang Ama ng dalawang tao o sa lebel na pang-dacami. Ayon kay
Osias (1940, 269), mayroon ding aplikasyon sa ating pang-araw-araw na pamumuhay ang
ideyang Datayo sa aspektong panrelihiyon o pang-ispiritwal. Batay sa kanyang
obserbasyon, nagtataglay ng katangiang pang-isahan o pangdalawahan ang karamihan sa
mga relihiyon at sa kabila ng layunin nitong ipalaganap ang pananampalataya ng iisang
Diyos na nagdudulot ng pagkakawatak-watak.
Binigyang-pansin din niya ang papel ng mas midya at iba pang pasilidad ng nasabing siglo
upang maabot ang lahat ng sulok ng mundo. Nariyan ang muling pagkabuhay ng mga
hindi-Kristiyanong relihiyon at nariyan din ang mas napapanahong disposisyon upang
paganahin ang mga interpenetrasyon ng iba’t ibang pananampalataya at mga pilosopiya
sa pagitan ng magkakaibang lahi at mga nasyon.
Ang mga nabanggit na mga pilosopiya o kaisipan ang siyang nagdulot upang ituring ng
mananaliksik si Osias bilang intelektwal. Maituturing na produkto ito ng tatlong
elemento ng kasaysayan na binubuo ng panahon, tao, at lugar sa kasaysayan (Navarro
1998, 110; Reguindin at Elumbre 2008, 52-53). Mahalaga ang mga nasabing elemento sa
produksyon ng mga kaisipan at pilosopiyang namuo na kaugnay ng konteksto ng
panahon at kapaligiran ng isang piryod na sa pananaliksik na ito’y binubuo ng mga
panahong 1889-1976, mga taon kung kailan nabuhay si Osias.
Binubuo ang mga panahong ito ng mahigit sa walong dekada at mula noong isinilang si
Osias, nagdaan ang bansa sa iba’t ibang panahong mula noong panahong kolonyal sa
ilalim ng mga Español, pagdating ng mga Amerikano sa bansa, pagdating ng mga Hapon,
at paggawad ng independensya sa nasyon. Bilang isang intelektwal, aktibong nakibahagi
si Osias sa pagbuo ng isang Pilipinong pagkakakilanlan. Ang mga nasabing kaisipan ang
siyang pagpapatunay sa kanyang ambag na naglalaman ng mga elementong taal na mula
sa kamalayang Pilipino at gayundin naman ang pag-aangkop ng mga paniniwalang
impluwensya ng mga banyaga.
Masasabing Pantayong Pananaw ang una samantalang Pangkaming Pananaw naman ang
ikalawa.
Realidad ng pulitika ng bansa noong panahon ni Osias ang nagtulak sa kanyang isulong
ang independensya gamit ang kanyang kamalayang pluralisado o kamalayang datayo
kung saan namamayani ang pagsusulong ng mapayapang ugnayan sa pagitan ng lahat ng
mga nasyon sa buong mundo. Maituturing itong isang liberal na pananaw na produkto
ng bago pa lamang noong konsepto ng internasyonalismo na nasa anyo na ng
globalisasyon sa kasalukuyan.
Batay sa mga diagram, hinikayat ni Osias ang kamalayang pluralisado para sa bawat
Pilipino sa iba’t ibang antas maging sa pang-indibidwal, pampamilya, at panlipunan.
Bilang edukador at estadistang naging paksa na ng ibang naunang pagtalakay hinggil sa
kanya (Osias 1940, 4-5), mababakas ang pagpapahalaga ni Osias sa kapayapaan at
pagkakaisa. Ito ang layunin ng kanyang pilosopiyang naipamalas niya sa iba’t ibang
larangan at disiplina na kanyang kinalahukan.
Ang kanyang mga naranasang himagsikan at digmaan ang nagbunsod upang maging
adhikain niya ang kapayapaan sa anumang pamamaraan. Malaking impluwensya rin kay
Osias ang kanyang pagiging isang relihiyosong indibidwal na mababakas sa kanyang
ideyang Banal na Ekonomiya (Osias 1968). Hinihikayat din niya rito tulad ng kanyang
Kung babalikan ang talambuhay ni Osias, nasaksihan niya buhat pagkabata sa La Union
ang pag-usbong ng himagsikan laban sa mga Español. Napabilang din ang ilan sa
kanyang kamag-anakan sa mga rebolusyonaryo na nagbunsod ng kanilang pagkamatay
(Osias 1971, 15). Mga salik ito upang iwaksi niya ang anumang pamamaraan na tiwali sa
kapayapaan.
Noong dumating ang mga Amerikano sa La Union, hindi naging marahas ang naging
pagtanggap ng mga mamamayan sa kanila bagama’t iba ang kalagayan sa ibang bahagi ng
bansa (Osias 1971, 61). Naging masipag na mag-aaral siya mula pa noong nasa seminaryo
siya at naging bihasa siya sa wikang Ingles. Nagbigay-daan ito upang maging isa siyang
pensionado. Ang ugnayang ito sa pagitan ng Estados Unidos at ni Osias ang nagbigay-
daan ng isang bukas na ugnayan sa pagitan ng dalawa. Gayumpaman, kahit nasa ibang
bansa, mababakas ang kanyang kamalayang makabansa tulad ng kanyang pagkapanalo sa
isang patimpalak kung saan nagbigay-talumpati siya hinggil sa kahalagahan ng paggawad
ng independensya sa nasyon (Osias 1971, 71).
Nang magbalik siya sa Pilipinas bilang guro, nirepresenta niya ang mga Pilipino bilang
mahusay na mamamayan. Bagama’t laganap noon ang mga Amerikanong guro sa sektor
ng edukasyon, nagbigay-daan siya sa unti-unting Pilipinisasyon ng mga kaguruan at
kawani. Kinilala siya sa kanyang mga aklat tulad ng Philippine Readers (Osias 1932) na
nanguna bilang aklat ng kabataang Pilipino sa mababang paaralan. Naglalaman ito ng
mabubuting asal, mga kuwento ukol sa ating mga bayani at maging ng mga bayani ng
ibang bansa. Layunin ni Osias na sa maagang edad pa lamang, maitaguyod na ang
kamalayang pluralisado sa kabataan at gayundin naman ang kanyang pilosopiya sa
edukasyon hinggil sa kamalayang pangmundo na nakaangkla sa internasyonalismo.
Bilang isang estadista, nirepresenta ni Osias sa iba’t ibang panig ng mundo ang Pilipinas
(Bananal 1974, 217). Dito pa lumawak ang kamalayang internasyonalismo ni Osias na
siyang maghuhulma sa kanyang pangkalahatang pilosopiya na nakaangkla sa demokrasya
at sa kapayapaan.
Isa rin siyang taong relihiyoso. Bagama’t isang Katoliko mula pagkabata, naging
miyembro siya United Evengelical Church of the Philippines at mataas na pinuno ng
samahan ng mga Mason sa Pilipinas (Osias 1971, 289). Mga salik din ito na nagpapakita
ng napakalawak na ugnayan ni Osias sa iba’t ibang organisasyon sa Pilipinas. Mga salik
itong bumuo sa kanyang pilosopiyang Banal na Ekonomiya (Osias 1968).
DIAGRAM 7
Pagtutuhog ng Kaisipan ni Osias
DATAYOISMO
o
TAYOISMO
PANGWAKAS
Bilang pangwakas, mainam na tingnan ang talambuhay at kaisipan ni Osias ayon sa daloy
ng kasaysayang Pilipino. Gayundin, mahalagang iugnay ang talambuhay at kaisipan niya
sa mga elemento ng kasaysayan lalo na kaugnay ng Kasaysayang Buhay at Kasaysayang
Intelektwal upang malagom na rin ang naging pagtugon sa mga layunin ng pananaliksik
na ito.
DIAGRAM 8
Talambuhay at Kaisipan ni Osias Ayon sa Daloy ng Kasaysayang Pilipino
1946-1976
Paggawad ng Independensya
at Pagtahak ng Landas
para sa Pagkakakilanlang Pilipino
1928-1946
Panahon ng Pilipinisasyon
hanggang Panahon ng Hapon at Liberasyon
1901-1928
Panahon ng Paninikil ng Karapatan
at Nasyonalismo Kaalinsabay
ng Pagpupumiglas ng mga Pilipino
1896-1901
Panahon ng Himagsikan
Tungo sa Panahon ng Amerikano
1889-1896
Panahon ng Reporma
Tungo sa Panahon ng Himagsikan
(Cruz 2016)
Ito ang malaking bahagi ng suliraning kinaharap ni Osias, ito ang mga panawagang
kinailangang tugunuan niya bilang intelektwal sa harap ng panawagan ng nasyonalismo.
Mula rito, nabuo ang isang anyo ng nasyonalismong hindi lamang nanaig sa
pamamagitan ng panggegerilya sa kabundukan o digmaan. Nagpapatunay rin itong may
kamalayang panlabas o sibilisasyong internasyonalismo ang mga elit na Pilipino tulad ng
mga Amerikano.
Naging pagkakataon ito para makilahok ang mga elit na Pilipino sa mga gawaing
panlipunan. Ito ang bumuo sa mga intelihensyang nagpakita ng kakayanang intelektwal
upang tapatan ang mga Amerikano matapos ang himagsikan sa halip na hikayatin ang
isang digmaan. Naganap ito noong dekada 1920 hanggang unang bahagi ng dekada 1930,
panahon ng kapayapaan sa mga lunsod ng Maynila at iba pang lugar sa bansa na
pinanghawakan ng Estados Unidos. Ginamit din ng mga Amerikano ang edukasyon
bilang pundasyon ng pagkamamamayang hango sa kanilang tradisyon. Pinalaganap din
ang wikang Ingles na naging wika ng mga intelektwal na dati-rati’y wikang Español.
Bilang bahagi ng mga elit na Pilipino, kabilang din si Osias sa mga nagtatag ng pundasyon
ng samahang Pilipino-Amerikano. Nagbigay-daan ito sa pagtatag ng Pamahalaang
Komonwelt noong 1935 at paggawad ng independensya mula sa Estados Unidos noong
1946. Panahon din ito ng Amerikanismo at Pilipinismo na nagbuo ng prosesong
Pilipinisasyon sa nasyon. Hindi radikal ang naging pagpiglas ni Osias sa kolonyalismo ng
mga panahong ito, sa halip, naging bahagi ito ng kanyang pagkakakilanlan bilang
mamamayan ng bansa.
Sa larangan ng edukasyon, pinabuti niya bilang edukador ang kurikulum ng mga paaralan
sa pamamagitan ng pagtataguyod ng pagtuturo ng mga gawaing industriyal at
pagtatanim. Tinaguyod din niya ang mga gawaing pampalakasan sa mga paaralan na
hindi lamang nagtataguyod ng mabuting kalusugan kundi pati na rin ng isportsmansyip
bilang bahagi ng pagkakakilanlang Pilipino.
Tulad ng ibang pulitiko, sa kabila ng mga tagumpay, dumanas din siya ng mga dagok
tulad ng pagkabigo bilang standard bearer ng Partido Nacionalista noong 1953 at
pagkatalo sa Senado noong 1955. Dahilan dito, mula sa Partido Nacionalista, lumipat si
Bilang estadista, kinatawan din niya ang Pilipinas sa iba’t ibang internasyonal na
kumperensya. Naging pinuno siya ng Philippine Delagation sa 1952 Inter-Parliamentary
Union Conference sa Berne, Switzerland. Naging miyembro naman siya ng delegasyon sa
Inter-Parliamentary Union Conference sa Rome at Istanbul noong 1948 at 1951 (Osias 1971,
186-188). Dumalo rin siya bilang delegado sa 53rd Inter-Parliamentary Union Conference
sa Copenhagen, Denmark noong 1964; First General Assembly of Asian Parliamentarians’
Union sa Tokyo noong 1965; United Nations General Assembly, XIX Session sa New York
noong 1965; Inter-Parliamentary Union 98th Council Session sa Canberra, Australia noong
1966; at maging sa Second General Assembly of Asian Parliamentarians’ Union sa Seoul,
South Korea noong 1968 (Osias 1971, 186-188). Nag-ambag ang kanyang mga karanasan sa
mga internasyonal na kumperensya upang maging nasyonalistang may kamalayang
internasyonalista si Osias. Isang kamalayang pambansa na hindi lamang nakukulong sa
makitid na pagtangkilik sa sariling bayan, sa halip, bukas sa pagtanggap at kritisismo na
makatutulong sa pagpapabuti ng pagkakakilanlang Pilipino.
Ayon kay Osias (1940, 14), sa pamamagitan ng ganitong kamalayan, maipapalaganap ang
hindi makasarili, hindi ekslusibo, hindi mapang-uri o geograpikal na kaisipan.
Nakaangkla ang ideyang ito sa kanyang kamalayang internasyonalismo. Naniniwala siya
sa kahalagahan ng ispiritwal na internasyonalisasyon at dito maiuugat ang kanyang
pagtuklas ng isang kamalayang ispiritwal na naayon sa kanyang Pilosopiyang Pluralisado,
tinawag niya itong Banal na Ekonomiya.
Maaari itong tanggapin, maaari rin namang iwaksi, subalit hindi maitatangging bahagi
ang mga ito ng paghubog ng pagkakakilanlang Pilipino sa kasaysayang Pilipino. May
mga radikal na tumanggi sa mga ito sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Tagalog na
DIAGRAM 9
Talambuhay at Kaisipan ni Osias
Batay sa mga Elemento ng Kasaysayan
Camilo Osias:
Talambuhay at Kaisipan
Panahon: Lugar:
1889-1976 Pilipinas
(Cruz 2016)
Tulad ng una nang nabanggit sa panimula pa lamang ng pag-aaral na ito, dalawa ang
kalikasan ng pag-aaral na ito, pumapaksa ang unang bahagi sa Kasaysayang Buhay o mga
kaganapan sa buhay ni Osias noong 1889-1976 at tungkol naman sa Kasaysayang
Intelektwal o pag-unlad ng kanyang kaisipan ang ikalawang bahagi.
Noong 1570, nasakop ng mga Español ang Ilocos at dito itinatag bilang kabisera ng
gawaing misyonaryo ang mga bayan ng Laoag, Vigan at San Fernando (Realubit 1999, 153-
154). Magkahiwalay na binuo ang Ilocos Norte at Ilocos Sur noong 1818 at pinakahuli ang
La Union noong 1850. Batay sa mga nakalap na batis, tahimik at matiwasay ang kalagayan
ng bayan sa kabila ng pagsiklab ng himagsikan ng 1896. Ilan sa mga salik na nakapaloob
dito ang malayong kinalalagyan ng bayan buhat sa sentro ng himagsikan noong itinatag
ang Katipunan noong 1892. Walang malay sa mga paghahandang ginawa para sa
himagsikan ang karamihan sa malalayong probinsya.
Nagsilbing pintuan sa kabilang banda ang Pangasinan para sa puwersang kasapi ng mga
rebolusyonaryo. Buhat dito, unti-unting namulat si Osias sa maagang edad sa
himagsikan at kadalasan nakikitira sa kanilang tahanan ang ilan sa mga kasapi. Subalit
nang lisanin ng mga rebolusyonaryo ang bayan upang tumungo sa katimugang bahagi ng
probinsya, nanumbalik sa katahimikan ang bayan at naging abala ang mga mamamayan
sa pagtatanim at iba pang gawaing pangkabuhayan. Hindi nagtagal ipinadala si Osias sa
Vigan upang mag-aral sa isang seminaryo. Narinig ni Osias sa Vigan ang tungkol kay
Aglipay na nagtatag ng Iglesia Filipina Independiente na kilala bilang isa sa mga tahasang
tumutuligsa sa mga prayleng Español.
Nasa Vigan si Osias nang sumiklab ang digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at
Amerikano. Naging tahimik sa kabila nito ang bayan hanggang noong Kasunduan ng
Paris kung kailan naging pagmamay-aring insular ng Amerika ang Luzon, Visayas, at
Mindanao (Osias 1971, 15). Nang ipinasara ang seminaryong tinutuluyan ni Osias,
pinabalik siya ng San Fernando upang magpatuloy sa pag-aaral.
Noong 1901, nagsimula siyang mag-aral sa gabay ng mga Amerikanong guro. Ang
edukasyon bilang pensionado ang isa sa kanyang mga tinanggap na benepisyo mula sa
mga Amerikano. Mula rito, tumanaw ng utang na loob si Osias, gayumpaman, ginamit
din niya itong kasangkapan sa pagsusulong ng independensya ng nasyon. Nagbigay-daan
ito upang mapabilang siya sa mga elit matapos ang himagsikan o maaari rin naman bilang
miyembro ng tradisyong sekular na intelektwal. Ito ang naging pundasyon ng kanyang
pagiging isang ganap ng intelektwal.
Bukod sa pagsulat ng talambuhay, tinugunan din ng papel ang ikalawang layunin nitong
mag-ambag sa Kasaysayang Intelektwal sa pamamagitan ng paglalahad sa pag-inog ng
kaisipan ni Osias bilang intelektwal at bahagi na patakarang Pilipinisasyon noong
panahon ng Amerikano. Naging batayan sa pagsusuri ang mga libro, artikulo, talumpati,
at batas na sinulat ni Osias. Sumangguni din ang mananaliksik kay Mabaquiao (1998)
buhat sa kanyang pag-aaral ng Pilosopiyang Pilipino.
Subalit sa kabila nito, paano niya ginamit ang mga ito bilang instrumento ng adhikaing
nasyonalismo, pagpapaunlad ng Pilipinong pagkakakilanlan, at panawagan para sa
independensya ng nasyon?
Tulad ng unang nabanggit sa unang layunin, naging mayabong ang mga papel na
ginampanan ni Osias bilang intelektwal. Naging isa siyang guro, pulitiko, estadista,
manunulat, at pilosopo at sa loob ng panahong iginugol niya sa mga nasabing disiplina,
nagsulat siya ng mga akda na nabasa ng mga elit na Pilipino ng kanyang panahon. Ang
kaisipan niya ay nag-iwan ng marka sa isipan ng mga mambabasa at naging bahagi ng
kanilang kamalayan.
Buhat sa mga batis na nakalap, ano ang mga naging pagkiling ni Osias bilang produkto ng
Amerikanong edukasyon? Ayon kay Almario (1995), isa si de Jesus sa mga nagsulong ng
bago at modernong kalinangang Pilipinong taliwas sa lumaganap na kultura ng mga
“kayumangging Amerikano” bunsod ng pagdating ng mga Thomasite, sistemang
pensionado, panukalang batas na Payne-Aldrich, Asembleyang Pilipino, at Benevolent
Assimilation. Itinuring ni de Jesus (Almario 1995, ii-iii) si Osias bilang isang impraktikal
na bisyonaryo dahilan sa paggamit nito ng wikang banyaga, pananabako ng banyagang
pipa, at pagsusuot ng banyagang kasuotan.
Bukod sa mga manunulat na Tagalog, isa rin ang grupo ng mga Sakdalista na tumutuligsa
sa tradisyong kinabibilangan ni Osias. Isa sa mga katibayan nito ang tula na sinulat ni
Agleham (1932) tungkol kay Osias. Binatikos ng mga Sakdalista ang paggamit ng wikang
Ingles sa halip na wikang Tagalog. Bukod dito, binatikos din ang naaantalang
ipinangakong independensya ng mga amerikano at mga tagasuporta nito.
Kaugnay ng mga puna kay Osias, isa pang magandang banggitin ang analisis ni Salazar
(1991) na nagsasabing ang edukasyong bunga ng pagiging pensionado na tulad ng
tinanggap ni Osias ay nagdulot ng akulturasyon. Mahalagang kritisismo ni Salazar:
Hindi layunin ng papel na itong dakilain lamang si Osias bilang intelektwal na walang
bahid ng pagbibigay-puna sa mga naging pagkiling niya. May mga tumaliwas at hindi
sumang-ayon sa kanyang kaisipan tulad ng mga Tagalista at Sakdalista. Batay kay
Salazar, maituturing ding akulturadong Pilipinong may Pangkaming Pananaw si Osias.
Ngunit sa kabila ng mga ito, mahalaga pa ring pag-aralan ang Kasaysayang Buhay ni
Osias at Kasaysayang Intelektwal ng kanyang kaisipan sapagkat hindi matatawaran ang
kanyang mga kontribusyon bilang intelektwal. Sa kinabutihan man o kinasamaang palad,
pamana niya sa sambayanang Pilipino ang Pilosopiyang Pluralisado: Dalumat ng Datayo,
Pilosopiya sa Edukasyon Bilang Gabay Tungo sa Kamalayang Pangdaigdig, at Dalumat ng
Banal na Ekonomiya Bilang Katangiang Ispiritwal ng mga Pilipino, na maaaring patuloy
na talastasin lalo na sa wikang Filipino. Tungo rito ang kasalukuyang pagpupunyaging ito
sa Kasaysayang Buhay at Kasaysayang Intelektwal na Pilipino.
Talahuli
*
Hango sa M.A. tesis sa Kasaysayan ng may-akda sa Unibersidad ng Pilipinas (UP), Diliman, Lunsod
Quezon, Pilipinas, 2014.
1
Ayon sa University of the Philippines (UP) Diksiyonaryong Filipino (Almario 2010, 497), nangangahulugan
ang “independensiya” ng “kasarinlan.” Samantala, katumbas naman ng “kasarinlan” ang “kakayahang
mabuhay mag-isa ng isang kapisanan, lipunan, o bansa, karaniwan dahil may malayang pamahalaan,
sariling kabuhayan, at hindi napailalim sa ibang kapisanan, lipunan, o bansa” (Almario 2010, 588).
Samantala, pinag-iiba-iba ni Zeus Salazar (1998, 59-61) ang konsepto ng “independencia” ng mga elit sa
dalumat ng “kasarinlan” ng bayan.
2
Ipinatupad noong panahon ng Amerikano ang patakarang Filipinization na nagbukas ng maraming
pintuan sa intellectual elite sa sektor ng edukasyon at pamahalaan. Tumutukoy rin ito sa papapakilala ng
mga bagay na may kinalaman sa Pilipino tulad ng pagsusulat ng mga teksbuk para sa pampublikong
paaralan, pagsusulat dito ng mga pambansang bayani tulad nina Jose Rizal at Andres Bonifacio,
pagwawagayway ng bandila ng Pilipinas, at pag-awit ng Lupang Hinirang. Iniuugnay rin dito ang
Pilipinismo bilang nagbagong-anyo ng nasyonalismong rebolusyonaryo. Isang mabait at konserbatibong
pananaw ng paglikom, pagpapanatili, at pagpapaunlad ng mga tradisyong katutubo at kombinasyon ng mga
pinakamabuti buhat sa kultura ng Kanluran (Mojares 2006, 495).
3
Siya ay kasalukuyang Associate Professor ng Departamento ng Pilosopiya mula sa De La Salle University
(DLSU) Manila. Nanungkulan siya bilang Tagapangulo ng nasabing departamento mula noong 2009
hanggang 2016. Naging Katuwang ng Tagapangulo rin siya ng Departamento ng Pilosopiya ng UP noong
1996-2002.
4
Ayon kay Camilo Osias (1940, xii-xiv), kinikilala ng Pilosopiyang Pluralisado ang kahalagahan ng ugnayang
ng mamamayan at ng mga nasyon. Pinanghahawakan nito ang kaisipan ng pagkakaisa sa pagitan ng mga
indibidwal, sa lipunan at nasyon at sa buong sangkatauhan sa pangkalahatan. Nakabatay ito sa pagkilala sa
ugnayan ito at sa kamalayang nagkakaisa at ang pagpapatuloy ng iisa at parehehong interes.
5
Mga halimbawa ng akda kung saan malakas na naipakita ni Osias ang kanyang pagkamamamayan bilang
Pilipino: Rizal and Regaining Our Eden Lost (Osias at Osias 1933); The Filipino Way of Life (Osias 1940); The
Code of Citizenship: A Guide for the Good Citizen (Osias 1948b); at Life-Centered Education (Osias 1954).
6
Pinangunahan nina Senador Sergio Osmeña at Senador Manuel Roxas ang Os-Rox Mission na nagsulong
sa tinawag na Hare-Hawes Cutting Act noong 1933. Ipinangalan naman ang Hare-Hawes Cutting Act kina
Representative Butler Hare ng South Carolina, Senador Harry Hawes ng Missouri, at Senador Bronson
Cutting ng New Mexico (Laurel 1966, 1-5.).
7
Ayon sa talambuhay na sinulat ni Eduardo Bananal (1974, 5), para sa pagsusulit sa katangiang kailangan
upang maging pensionado, nakakuha si Osias ng 89% na marka, isa sa mga nakakuha ng mataas na marka
sa matagumpay na ipinasa ang pagsusulit. Ayon din kay Celia Bocobo Olivar (1950, 44), tumutukoy ang
salitang pensionado sa mga Pilipinong mag-aaral na ipinadala ng Pamahalaang Insulado ng Pilipinas sa
Amerika upang mag-aral sa pamamatnubay ng Pamahalaan ng Estados Unidos.
8
Nang magpatuloy sa pag-aaral, higit na yumabong ang kaalaman ni Osias dahilan sa katangiang
metropolis ng siyudad ng New York. Nilibot niya ang mga parke at nanood ng mga opera sa Manhattan.
Madalas din siyang bumisita sa mga pampublikong aklatan (Osias 1971, 111).
9
Unti-unting napalapit ang kalooban ni Osias sa mga Protestante dahil sa kanyang interes na matutunan
ang wikang Ingles sa pamamagitan ng mga sermon, himno, at awitin tulad ng “Onward Christian Soldiers,”
“What a Friend We have in Jesus,” “Joy to the World,” at mga babasahing ipinapakalat sa kanilang lugar.
Nagalak ng husto si Osias ng makatanggap siya ng isang Bibliya sa wikang Ingles na kanyang pinag-aralan
at minemorya batay sa mga ipinabasa sa kanya ng mga Misyonaryo tulad ng Exodus, Salmo, at Sermon sa
Bundok sa Aklat ni Mateo (Osias 1971, 75).
10
Isa sa mga mungkahing teorya ni Booker Washington ang pagpapalaganap ng edukasyong naayon sa
tinatawag na “Industrial Education.” Tumutukoy ito sa paghahanda sa mga mag-aaral ng mga kahusayan sa
mga gawaing pang-industriya. Ito ang naging gabay ni Fred Atkinson, na naging Kawani ng Bureau of
Education noong 1900 hanggang 1902. Binigyang-pansin din ito ni Osias ng malulok siya sa mga posisyong
administratibo bilang kawani ng edukasyon (Osias 1971, 211).
11
Kinilala rin si Jose Corazon de Jesus bilang si Huseng Batute (Bananal 1974, 4).
12
Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino (Almario 2010, 45), nangangahulugan ang “dalubhasa” na isang taong
may natatanging kasanayan o kaalaman sa isang tanging larangan. Nangangahulugan naman ang “paham”
ng taong matalino, tao na bantog sa katalinuhan, o sinasamba dahil sa pambihirang karunungan. Kapareho
naman ang “pantas” ng salitang “paham” subalit taal ito sa wikang Bikolano, Kapampangan, Maguindanaon,
at Tagalog. Samantala, pinag-iiba-iba ni Salazar (1994) ang mga dalumat ng “dalubhasa,” “pantas,” at
“paham.” Para kay Salazar, mga antas ito—samakatwid, mas mababa ang “dalubhasa” sa “pantas” at
pinakamataas sa tatlo ang “paham.”
13
Sa aklat na Resil Mojares (2006, 402), tumutukoy ang Filipino sa mga indio o mestizo, katayuan ito sa
lipunan na balakid noon upang makakuha ng edukasyon sa mga unibersidad. Subalit noong 1705, ipinatayo
ang Seminario de San Clemente, tuluyang nakaalpas ang mga Filipino sa pader ng limpieza de sangre at
nagkaroon sa unang pagkakataon ng mga paring indio.
14
Mga hinawakang posisyon ni Osias: 1910-1914—Nagturo sa pampublikong paaralan sa Balaoan, La Union;
1915-1916—Naging kauna-unahang Pilipinong School Superintendent; 1917-1921—Nanilbihan bilang Assistant
Education Director; 1919-1921—Naging Lektyurer sa UP; at 1921-1936—Naging Tagapangulo ng National
University (NU) (Osias 1971, 151).
15
Hinikayat din ni Osias na paunlarin ang pananaw sa paggawa ng mga Pilipino. Ayon sa kanya (Osias
1940, 265), ang pinakamahahalagang bagay sa mundo tulad ng kahusayan, kalayaan, kaluwalhatian,
hustisya, demokrasya, katotohanan, at iba pa ay may kaakibat na halaga. Nararapat na magsumikap upang
labanan ang mga sumusunod: katamaran, kahirapan, kamangmangan, at pagkakasakit. May taglay na
mapanghimok na tungkulin at gawain ang mga mamamayang Pilipino. May taglay na mga suliranin ayon
sa kanya ang natamasang independensya at sariling pamumuno buhat noong igawad ito sa bansa. May mga
pananaw si Osias upang mapabuti ito. Nasa ibaba ang ilan sa kanyang mungkahi:
1. Ang pagsisiguro ng tamang balanse sa pagitan ng mga sentripetal at sentripugal na
puwersa sa pulitika at pamahalaan.
2. Ang pagdadakila sa katauhan ng sangkatauhan at lipunan.
3. Ang pagtutugma ng institusyonalismo at indibidwalidad.
4. Ang pagtatatag ng sistema ng depensa sa baybay-dagat, sa lupa, at sa himpapawid.
5. Ang pagbabalanse ng pambansang pananalapi at pantay-pantay na pamamahagi
ng pondo para sa iba’t ibang pambansang gawain.
6. Ang sistematikong pagpapabuti ng transportasyon at komunikasyon sa kalupaan,
karagatan, at himpapawid.
7. Ang pagbabalak at pagpapatupad ng isang pangmatagalang programang pang-
ekonomiya na humihikayat sa demokrasyang pang-ekonomiya.
8. Ang pagsasakatuparan ng unawaan at pakikipagtulungan sa pagitan ng
pamahalaan at pampublikong utilidad.
9. Ang pagsasaayos at pagpapanatili ng pamahalaan na (a) nagpapatupad ng
koordinasyon sa pagitan ng tatlong ahensya ng pamahalaan; (b) humihikayat ng
pakikipagtulungan sa pagitan ng munisipal, probinsyal, at sentral na sangay ng
pamahalaan; at (c) bumubuo ng pundasyon para sa isang makinarya na sapat para
panloob at panlabas na mga layunin.
10. Ang pag-aampon ng isang naaayong programa para sa kalusugang pampubliko at
kapakanan na naabot ang matataong lugar hanggang sa malalayong baryo at ang
mga lupang bagong bukas ng mga nangungunang homesteader.
11. Ang pagpapatupad ng hustisya sa mayaman at mahirap ng may pantay na
pagtingin at walang takot o pagkiling.
12. Ang paghihikayat ng artistikong pag-unlad at siyentipikong pananaliksik
13. Ang pagbubuo ng mga mamamayang umuukol sa mga kumikitang hanapbuhay.
14.
Ang pagsisiguro ng kapanatilihan ng isang representatibo at konstitusyonal na
pamahalaan.
15.
Ang pagtataguyod ng isang edukasyonal, kultural, at etikal na gawaing
magdudulot sa mga indibidwal at komunidad na umangat sa pinakamataas na
lebel na maaari nilang marating.
16
Gawa ng may-akda ang diagram batay sa mga nakapaloob na salik na bumubuo ng dalumat ng
kamalayang pangdaigdig ayon kay Osias.
Kahulugan ng demokrasya ayon kay Osias: Naniniwala si Osias na ang institusyong Pilipino ay naayon
lamang na ilapat ang mga ideya na naayon sa Konstitusyon. Isang mahalagang probisyong maiuugnay rito
ang Article XIII, Section 4 na nagsasaad ng probisyong “All institutions, shall be under the supervision and
subject to the regulation of the state. Kaakibat nito ang kalayaang makapamili ang mga mamamayan ng
kanilang pananampalataya. Subalit sa kabila nito, mariing ipinaglaban ni Osias ang “optional religious
instruction” sa mga pampublikong paaralan. Ayon kay Osias (1940, 49), isang kalakaran ng sariling
pamumuno ang sistema ng demokrasya. Isa itong kasunduan sa pagitan ng malalayang mamamayang may
pagpapahalaga sa karapatan at kalayaan ng bawat isa. Kapatid ng demokrasya ayon sa kanya ang
international good faith na nag-uugat sa pagbibigay-galang ng mga sibilisadong nasyon at pagpapahalaga sa
kalayaan ng mga karatig at malalayong bansa. Dahil demokrasya ang napiling tunguhin ng bansa, nararapat
ding sundan ng mga “Filipino” ang demokratikong pamamaraan ng pamumuhay. Sa Pilipinas ayon sa
kanya, matatagpuan ang isang pluralisadong uri ang demokrasyang itinataguyod ang pangkalahatang
kapakanan at pagkakapantay-pantay. Dinadala ng demokrasya ang mga konseptong tulad ng:
Lahat—wikang Tagalog
Sapsap—wikang Ilocano
Pantay-pantay—wikang Tagalog
Pinagpapada—wikang Ilocano
Para sa mga Pilipino, nangangahulugan ang demokrasya ng “all equal,” naghahalo na mga konsepto ng
Datayo o Tayo na konsepto; o ang pluralisadong “all-inclusive idea” at “equalitarian principle.” Ayon pa kay
Osias (1971, 8) batay sa ikalawang artikulo, ikalawang seksyon ng Konstitusyon, sinasaad nitong “Isang uri
ng republikang estado ang Pilipinas.” Nasa kamay ng mga mamamayan ang soberanya at nagmumula sa
kanila ang lahat ng kapangyarihan ng estado. Nagmula sa Pilipinas ang pundasyon ng demokrasyang ito at
naapektuhan ang lahat ng sangay ng lipunan maging pulitikal, ekonomikal, panlipunan, at ispiritwal.
Nararapat lamang ayon sa kanyang pagyamanin ito ng mga mamamayan at bigyan ito ng mas malalim na
pagpapakahulugan.
Internasyonalismo: Binigyan din ng pagpapahalaga ni Osias ang konsepto ng internasyonalismo. Ayon kay
Osias (1971, 8), isa sa mga layunin ng edukasyon ang pagtuturo ng internasyonalismong nagpapahalaga sa
pagtuturo ng kapayapaan. Karapatan ng sangkatauhan ayon sa kanya ang kapayapaan upang paglabanan
ang anumang senyales ng digmaang mapanira at mapagwaldas. Madalas na pinagpipitagan sa iba’t ibang
aklat ayon sa kanya, ang mga bayaning may hawak ng sandata. Nararapat ding bigyan ng pagpapahalaga
ayon sa kanya ang mga bayaning gumamit ng instrumento ng kasipagan, talento, at patriyotismo na nag-
alay ng serbisyo sa ilalim ng kapayapaan. Nangangailangan ding isaalang-alang ang konsepto ng
pagkakaugnay-ugnay (interdependence) sa pag-asam ng mga Pilipino sa independensya (independence).
Bilang nasyon, naayon lamang na ipasok sa kamalayan ng mga Pilipino ang kaugnayan nila sa mga nasyon
sa ibang panig ng mundo. Nakilala siya sa pagwiwika ng “Hindi lamang nasyonalismo subalit
internasyonalismo rin ang dapat gumabay sa proseso ng ating pag-iisip at sumulop sa ating gawi ng
pamumuhay.”
Patriyotismo: Iniugat naman ni Osias (1940, 256) mula sa salitang patria ang konsepto ng patriyotismo o
pagiging makabayan (patriotism). Mahalagang may tinatanaw na patria ang Pilipinas na layuning
payabungin at paunlarin ng bawat mamamayan nito. Nararapat na nakaugat ito sa isang malawak at bukas
na konsepto na dapat pagyamanin ng mga Pilipinong institusyon. Nararapat ding may nagpapahalaga ito sa
kapayapaan at nakaugat sa pagmamahal. Layunin din nito dapat na humikayat ng pakikiisa sa ibang
nasyon at magwaksi sa anumang uri ng digmaan na walang dulot kundi pawang kasiraan at kahirapan.
Sanggunian
Almario, Virgilio, pat. 1995. Sa Dakong Silangan at mga Tulang Pasalaysay ni Jose
Corazon de Jesus. Manila: National Commision for Culture and the Arts.
Almario, Virgilio, pat. 2010. UP Diksiyonaryong Pilipino; Binagong Edisyon. Quezon City:
University of the Philippines Sentro ng Wikang Filipino at Anvil Publishing Inc.
Avanzado, Vicente Jr. 2010. Camilo Osias on Stamps. Websayt ng The Anthem Philatelist:
My Erudition Through Entrails, Euphony, Easels, Errors, and Entanglements, pinost
noong Marso 7, http://goo.gl/WD1VzV (nakuha noong Oktubre 16, 2016).
Bananal, Eduardo. 1974. Camilo Osias: Educator and Statesman. Quezon City: Manlapaz
Publishing Co.
Bascos, Zenaida. 2009. Elektronikong liham ni Zenaida Bascos (Secretary to the Board of
Trustees ng Osias Educational Foundation) kay Valerie May Cruz, Disyembre 2.
Braudel, Fernand. 1972. History and the Social Sciences: The Longue Durée. Nasa
Economy and Society in Early Modern Europe: Essays from Annales, pat. Peter
Burke, 11-42. New York: Harper.
Brett, Annabel. 2002. What is Intellectual History Now? Nasa What is History Now?, pat.
David Cannadine, 113-151. New York: Palgrave MacMillan Ltd.
Croce, Benedetto. 1941. History as the Story of Liberty. London: George Allen & Unwin.
Cruz, Valerie May. 2014. Camilo Osias: Talambuhay at Ideya, 1886-1974. M.A. tesis sa
Kasaysayan, University of the Philippines - Diliman, Quezon City.
Hernandez, Jose. 1943. Camilo Osias-Man and Dynamo. Nasa Camilo Osias: Educator
and Statesman, pat. Eduardo Bananal, 4. Quezon City: Manlapaz Publishing Co.,
1974.
Laurel, Jose. 1972. Leader with Integrity and Vision. Nasa The Story of a Long Carrer of
Varied Tasks, may-akda Camilo Osias, 90-96. Quezon City: Manlapaz Publishing
Co.
McCoy, Alfred, pat. 2000. Lives at the Margin: Biography of Filipinos Obscure, Ordinary,
and Heroic. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.
Mills, Charles Wright. 1959. The Sociological Imagination. New York: Grove Press.
Mojares, Resil. 2006. Brains of the Nation: Pedro Paterno, T.H. Pardo de Tavera, Isabelo de
los Reyes, and the Production of Modern Knowledge. Quezon City: Ateneo de
Manila University Press.
Olivar, Celia Bocobo. 1950. The First Pensionados: An Appraisal of Their Contributions to
The National Welfare. M.A. tesis sa Edukasyon, University of the Philippines -
Diliman, Quezon City.
Osias, Camilo. 1932. Philippine Readers; Book One-Seven. Boston: Ginn and Company.
Osias, Camilo. 1940. The Filipino Way of Life: The Pluralized Philosophy. New York: Ginn
and Company.
Osias, Camilo. 1948a. Jose Rizal: His Life and Times. Maynila: Oscol Educational
Publications.
Osias, Camilo. 1948b. The Code of Citizenship: A Guide for the Good Citizen. Manila:
Osias Educational Publishers, Inc.
Osias, Camilo. 1961. Internalization and Internationalization. Philippine Christian 13, blg.
4 (Abril): 7-12.
Osias, Camilo. 1963. Meeting the National Language Problem: Speeches in the National
Language. Manila: Camilo Osias.
Osias, Camilo. 1971. The Story of a Long Career of Varied Tasks. Quezon City: Manlapaz
Publishing Co.
Osias, Camilo at Mauro Baradi. 1933. The Philippine Charter of Liberty. Baltimore,
Maryland: The French Print.
Osias, Camilo at Ildefonsa Osias. 1933. Rizal and Regaining Our Eden Lost. Washington
D.C.: Law Reporter Printing Co.
Osias Colleges, Inc. (OCI). 2012. Logo. Facebook ng Osias Colleges, Inc.,
https://goo.gl/Gacf5b (nakuha noong Nobyembre 15, 2016).
Paras, Corazon de Leon. 2000. The Presidents of the Senate of the Republic of the
Philippines. Quezon City: Giraffe Books.
Realubit, Ma. Lilia. 1999. Spain in the Ilocos Province. Nasa The Philippine Revolution:
The Making of a Nation: Papers from the Regional Conferences Held in Cebu City,
Davao City, Baguio City, and Dapitan City, pat. National Centennial Commission,
153-174. Manila: National Centennial Commission.
Reyes, Portia. 2012. Panahon at Pagsasalaysay ni Pedro Paterno, 1858-1911: Isang Pag-aaral
sa Intelektuwalismo. Quezon City: Bagong Kasaysayan, Inc. at VIBAL Publications,
Inc.
Sakdalista. 1935. The People of the Philippine Islands for the Immediate and Complete
Independence through the Sakdalista Party. Manila: Sakadalista.
Salvatore, Nick. 2004. Biography and Social History: An Intimate Relationship. Labour
History 87 (Nobyembre): 187-192.
Senate of the Philippines (Senate PH). 2016. Biography of Senate President Osias - Senate
of the Philippines. Websayt ng Senate of the Philippines, https://goo.gl/vo5tSj
(nakuha noong Oktubre 16, 2016).
Singh, Amardeep. 2009. Mimicry and Hybridity in Plain English. Websayt ni Amardeep
Singh, pinost noong Mayo 8, https://goo.gl/ik28Qd (nakuha noong Nobyembre 20,
2016).
Sintos, Roland. 2004. Empire and Education: Filipino Schooling Under the United States
Rule From 1900s to 1910. Ph.D. disertasyon sa Kasaysayan, University of Ohio,
USA.
Yap, Diosdado. 1972. Dr. Camilo Osias: A Living Symbol of Dynamic Filipinism. Nasa The
Story of a Long Career of Varied Tasks, may-akda Camilo Osias, 294. Quezon City:
Manlapaz Publishing Co.