Fil Gawain 4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

1.

Sa pangyayaring ito, mamamasdan natin ang katangian ni Placido na


palaban. Dahil sa pagmamaliit ng guro sa kanya makikita natin na hindi
natatakot si Placido na lumaban sa mga opressor at mga nang-aapi.
Maiintindihan din natin kung saan nanggaling ang galit ni Plasido kaya't
hindi natin masasabing wala siyang respeto patungo sa kanyang guro dahil
ang guro niya mismo ang nang-aapi sa kanya. Sa kabuuan, matapang si
Placido dahil alam niya na siya lamang ang estudyanteng ipinagtanggol
ang sarili mula sa pang-aapi ng guro.

2. Makikita natin mula sa pangyayaring ito na si Padre Millon ay hindi patas


para sa kanyang mga estudyante. Mataas din ang kanyang pamantayan
kaya't nagmumukhang imposible para sa mga estudyante niya na
magkaroon ng mataas na marka. Inaasahan niyang matalino ang lahat ng
kanyang mag-aaral kaya't pinaparusahan niya kung sino man ang may
mababa na marka o kaya'y hindi nakakasunod sa kanyang klase. Ito ay
halimbawa ng isang taong maniniil.

3. Batay sa pangyayari na ibinanggit, masasabi natin na si Juanito ay isang


mapagpanggap at pasikat na tao. Naipapakita sa paksa na siya ay
nangongopya lamang at nanghihingi ng tulong mula kay Placido dahil
tamad siyang mag-aral, dahil dito pineke niya ang kanyang tunay na
katalinuhan at kinukahanan niya ng pansin ang ibang tao. Si Juanito rin ay
kulang sa pansin kaya't nagpapangap na lamang siyang importante at
mahalaga.

4. Sa pangyayaring ito, masasabi natin na si Isagani ay isang hindi


marahas na tao. Hindi gusto ni Isagani ang gulo kaya't naghahanap siya ng
ibang paraan na hindi nagwawakas ng karahasan. Mapapansin din natin
na si Isagani ay masigasig sa pakikipag-usap sa mga tao katulad ng
pakikipag-usap niya kay Ginoong Pasta. Dahil dito, maaari nating ipalagay
na si Isagani ay isang mabuti at hindi marahas na binata na gusto lamang
makatulong sa kanyang bayan.
1. Kitang-kita sa pangyayaring ito ang katangian ni Placido na pagiging
palaban. Dahil sa sobra-sobrang pagmamaliit ng guro sa kanya, hindi na
nakapagtimpi si Placido kung kaya't napikon ito na siyang nag udlot kay
Placido na lumaban at sumagot nang pabalang sa propesor, at lumabas.
Hindi rin natin masisisi si Placido dahil lahat tayo nauubusan ng pasensya
lalo na't kung pagkatao mo yung sinisiraan. Dapat lang na maging palaban
tayo kung sumosobra na ang pag-aapi sa atin, masasabi kong isang
palaban si Placido Penitente.

2. Mula sa pangyayaring ito, mapapansin natin na si Padre Millon ay hindi


patas, at hindi makatarungan ang kanyang pangangasiwa sa mga
estudyante. Mataas ang kanyang ekspektasyon at pamantayan kung kaya't
mahirap magkaroon ng mataas na marka sa kanya. Gusto at inaasahan
niya na matatalino ang kanyang mga estudyante. Ang lahat ng
nakapagpahayag nang walang mali sa kaniyang pinasasaulo ay
nakakatanggap ng mataas na marka ngunit ang mga nagkamali nang higit
sa tatlo ay nabibigyan ng masamang marka. Alam naman nating lahat na
tayo ay may iba't-ibang kakayahan o talino sa iba't ibang aspeto kaya hindi
natin masisisi ang mga estudyante, masyadong mataas ang kanyang
pamantayan ngunit walang tao sa mundo na perpekto kaya masasabi ko
na si Padre Millon ay isang suwapang na tao.

3. Masasabi natin na si Juanito Pelaez ay lubhang kinagigiliwan ng mga


propesor sa kadahilanang nabibilang siya sa angkan ng may dugong
kastila. Ngunit sa kabila ng pagiging mayaman, si Juanito ay tamad mag
aral. Sa katunayan, umaasa at nangongopya lang siya sa kamag-aral na si
Placido dahil sa katamaran nito. Masasabi natin na si Juanito ay isang
mapagpanggap at mapaglinlang na tao sapagkat nagpapanggap lang siya
na matalino ngunit umaasa lang pala ito sa pangongopya.

4. Batay sa pangyayaring ito, masasabi natin na si Isagani ay isang


Pilipinong may tamang paninindigan sa buhay at may mabuting puso sa
mga kapwa. Siya rin ay masigasig sa pakikipag-usap sa mga taong
maaaring makatulong. Ayaw ni Isagani na idaan sa gulo kung kaya't ibang
paraan ang gusto niya na hindi gumagamit ng dahas at karahasan.

You might also like