Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

MABUHAY KA, ANAK KO

Noon ay panahon ng digmaan sa bansang Cambodia, partikular na sa kapital nito, ang Phnom Penh. Ang
nobela ay umiikot sa karanasan ni Pin Yathay noong digmaan gayundin ng kanyang pamilya, mga kamag-anak at lalo’t
higit ang tungkulin ng gobyerno noong panahong iyon. Si Pin Yathay ay nagmula sa Oudong, isang lugar sa Cambodia na
may layong dalamwpu’t limang milya sa hilaga ng Phnom Penh. Siya ay anak ni Chhor (isang negosyante) at ni Loan.
Payak lamang ang kanilang pamumuhay, at kung iuuri sila sa antas ng mga mamamayan ay nabibilang sila sa pangkat ng
mga maykaya, hindi mayaman at hindi rin mahirap, katamtaman lamang ang katayuan sa buhay.

Siya rin ang panganay sa limang magkakapatid, kaya naman hindi nakapagatatakang naging masipag at
matalino si Thay. Magaling siyang estudyante, siya rin ang naging pinakamahusay pagdating sa matematika sa kanilang
klase. Dahil dito, naging iskolar siya ng gobyerno at ipinadala sa Montreal upang doon mag-aral ng inhenyeriya, pero
dapat ay sa France ngunit nagkaroon ng alitan ang pinuno ng Cambodia at France kaya ganoon na lamang ang nangyari.

Makalipas ang ilang taon, 1965, bumalik na sa Cambodia si Thay at nagtrabaho sa Ministry of Public Works.
Nasundan pa ito ng pagpapakasal niya sa una niyang asawa na si Thary at nanirahan sa bahay ng mga magulang ng
maybahay. Mayaman sila Thary, ang kaniyang ama ay si Mr. Khem, isang mayamang opisyal sa Ministry of Finance.
Noong 1967, ipinanganak ang kauna-unahan nilang anak ni Thary, si Sudath. Taong 1969 naman ng may isang malaking
dagok sa buhay ni Thay ang dumating. Dapat sana’y isisilang na ni Thary ang kanilang pangalawang anak, ngunit
nagkasakit ito ng Hepatitis , na naging dahilan ng pagkamatay ni Thary gayundin ng kanilang anak. Isang taon na
nagluksa si Thay mula sa malagim na pangyayaring ito.

Di naglaon, umibig siya kay Any, ang bunsong kapatid ni Thary, dahil na rin sa kabaitang ipinapakita nito kasama
ng kanyang kapatid na si Anyung sa pag-aalaga kay Sudath. Naging malapit ang loob ni Sudath kay Any. Dahil mahal na
nila ang isa’t isa ay nagpasya silang magpakasal. Noong 1971, ipinanganak ang una nilang anak si Nawath, nasundan
naman ni Staud, ang bunso, noong 1973.

Naging direktor ng Department of New Works and Equipment sa ministry si Thay noong unang taon ng dekada
sitenta. Si Prinsipe Sihanouk ang pinuno ng Cambodia na pinabagsak ni Lon Nol noong 1970 bilang punong Ministro at
pinuno ng armi. Tumakas si Sihanouk papunta sa Peking (Beijing, China) at nagpahayag ng suporta sa dating mga kalaban
na Khmer Rouge. Noong una’y malaki ang tiwala ng taumbayan lalo ni Thay sa bagong pamamalakad ni Lon Nol sa
Cambodia. Ngunit, di kalaunan ay hindi niya nagampanan ang kanyang tungkulin bilang pinuno ng bayan. Naging
paralisado ang kalahating katawan ni Lon Nol at dahil dito’y nagkagulo na ang lahat maging ang administrasyon ay
umalingasaw sa kabulukan. Hindi natalo ang pwersa ng North Vietnamese at ng mga Khmer Rogue, kaya nagresulta pa
ito sa inflation.

Dahil hindi naging maayos ang pamumuno ni Lon Nol, maraming tao kabilang na si Thay ang sumapi sa oposisyon
kay Nol. Naitatag ang Bees Club, isang organisasyon ng mga oposisyonistang pulitiko na nilalayon na magkaroon ng
kaayusan at pagkakaisa ang bansa. Di naglaon, napalitan si Lon Nol ni Long Boret, at siya nang namuno sa gobyerno ng
Cambodia.

Nagpasyang pumunta sina Thay sa bahay ni Oan na pinsan niya. Ngunit, sa di inaahasang pagkakataon ay naabutan
niya doon ang iba pa nilang mga kamag-anak na aabot sa tatlumpu. Naroon si Vouch(isang babaeng inhinyera),
Keng(nakatatandang kapatid ni Vouch), Theng(kapatid na lalaki ni Thay na isang titser sa primary), Sarun(asawa ni Keng),
Srey Rath(limang-taong anak na babae nila Keng at Sarun), Sim(pinsan nila Thay, disiotso, hindi matalino), Thoreon(isa
pang kapatid ni Thay, malayo ang loob sa kanila) at iba pa. Nagkaroon ang pamilya nila Thay ng palitan ng mga pananaw
hinggil sa nangyayaring giyera sa pagitan ng Cambodia at ng mga kalaban nitong pwersa. Dito umusbong ang usapan
ukol sa mga Khmer Rogue, kung saan nagkaroon ng kakaunting mainit na palitan ng mga salita si Thay at ang kaniyang
ama dahil nga sa pagkakaiba ng pananaw.

Sa gitna ng pag-uusap ay natigil ang lahat sa tugtog-militar sa radyo. Narinig sa radio ang boses ni Huot Tat, isang
Patriarkong Budhista na kamag-anak nina Thay. Aniya, “Huwag kayong mag-alala at itigil na ang labanan. Darating na ang
kapayaan.” Nasundan pa ito ng boses ni Heneral Mey Sichan, pinuno ng sandatahang lakas ng Republikano. Pagkaraa’y
isa pang boses ang sumingit, na sinabi na “Ang digmaan ay naipanalo sa pamamagitan ng sandata, hindi ng negosasyon.
Sumuko na ang mga puwersa ng gobyerno! Tapos na ang digamaan!”
Matapos ang digmaan ay kung anu-anong mga isyu ang kumalat tungkol sa Khmer Rogue. Kesyo masama sila, sila ang
may pakana ng nangyayaring ebakwasyon sa ilang tahanan. Ngunit, ang lahat ng ito’y walang katotohanan matapos
mapatunayan mismo ni Thay mula sa kanyang pagpunta sa bahay ni Huot Tat.

Sa huli’y hindi nabali ang paninindigan at paniniwala ni Thay sa sarili at sa mga Khmer Rogue. Bagamat naliligiran siya
ng mga taong hindi naniniwala sa kabayanihan ng mga Khmer Rogue, lalong-lalo na ng kanyang ama ay hindi pa rin ito
nakaapekto sa kanyang mga desisyon. Hindi siya nagpadalos-dalos at nagpaapekto sa mga usap-usapan tungkol sa
ebakwasyon, sa mga paninira sa Khmer Rogue, bagkus ay nanatili itong matatag at nanindigan sa kanyang pananaw.

Sa kabuuan, kung susuriin, tunay ngang maituturing na nabibilang sa Teoryang Eksistensiyalismo ang akda na ito. Una
sa lahat ay naging responsible ang bawat tauhan sa kanilang mga desisyon, lalong-lalo na si Thay, anuman ang maging
resulta nito. Ikalawa, masasalamin dito ang pagka-indibidwal ng bawat isa at walang makapagsasabi kung alin ang tama
o mali. Halimbawa na lamang nito ang pananaw ng mga tauhan sa gerilya ng Khmer Rogue, ang ila’y naniniwala na mga
bayani sila at hindi sila kalaban, ang iba nama’y hindi, gayundin kung sino ang nararapat na mamuno sa Cambodia, kung
sino ang makapagdadala ng tunay na pagbabago. Noong una’y inakala ng marami na walang silbi si Sihanouk, ngunit mas
malala pa pala ang mga pumalit dito.

Ikatlo, nasusuri ang tauhan batay sa kanyang kilos, paniniwala, gawi, paninindigan at ang akda batay sa istilong
ginamit ng manunulat. Sa mga kalagayan pa lamang ng mga tauhan, kung paano sila kumilos magbigay ng pahayag ay
masasalamin mo na agad kung anong uri ng tao sila. Higit sa lahat ay ang nobela/akda ay nakatuon sa buhay ng
manunulat. Simula’t sapul pa lamang ay umikot na ang nobela sa buhay ni Pin Yathay, na may palayaw na “Thay” sa
nobela. Kung papaano niya hinarap ang mga pagsubok, ang kaniyang buhay may-asawa, kalagayan sa lipunan, katayuan
bilang isang anak, kapatid, pinsan at bilang isang ordinaryong mamamayan.

You might also like