Summative-Test - EPP 4-HE

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Department of Education

Region IV-A CALABARZON


Division of Laguna
District of Bay
BITIN ELEMENTARY SCHOOL
Bitin, Bay, Laguna

Lagumang Pagsusulit sa EPP IV

Pangalan:__________________________________ Petsa: :_________________________

Baitang/Pangkat:____________________________ Iskor:__________________________

I. Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap at tanong. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin pagkagising sa umaga?
a. Buksan agad ang TV at manood ng paborito mong palabas.
b. Kunin ang iyong mga laruan.
c. Maligo, magsipilyo ng ngipin at magbihis ng malinis na damit.
d. Umupo sa isang tabi at panoorin si nanay habang gumagawa.
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi mo dapat gamitin sa pag-aayos sa sarili?
a. sariling tuwalya c. sipilyo ng nanay mo
b. shampoo d. sariling sipilyo
3. Si Rico ay naglilinis ng kanyang ngipin araw-araw, alin sa sumusunod ang kagamitan sa
paglilinis ng ngipin?
a. suklay c. tuwalya
b. sipilyo d. nail cutter
4. Ang nail cutter ay ginagamit na panlinis sa anong parte ng ating katawan?
a. kuko c. buhok
b. tainga d. katawan
5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong paraan ng paliligo?
a. gumagamit ng sabong panlaba
b. gumagamit ng sabong mabango sa buhok
c. gumagamit ng tubig lamang
d. gumagamit ng sabong mabango sa katawan at shampoo sa buhok
6. Ang paggupit ng kuko sa paa at kamay ay isang paraan ng pagpapanatili ng kalinisan sa
katawan. Ilang beses ang dapat na paggupit ng kuko?
a. minsan isang linggo
b. dalawang beses isang buwan
c. isang beses isang buwan
d. umaga at hapon
7. Alin sa mga sumusunod ang dapat isuot bilang pantulog?
a. maong at polo c. gown
b. damit pansimba d. panjama
8. Paano mo gagawin ang tamang pag-upo na hindi magugusot ang iyong paldang uniporme?
a. ayusin ang pleats ng palda bago umupo
b. itikom ang palda
c. ipagpag ang palda
d. ibuka ang palda
9. Ito ay isa sa mga kasangkapan sa pananahi. Ano ang ginagamit sa pagsukat ng tela.
a. medida c. didal
b. gunting d. emery bag
10. Alin sa mga sumusunod ang kasuotan sa espesyal na okasyon?
a. damit na pormal c. damit na pang-araw-araw
b. uniporme d. damit pangtrabaho

II. Panuto: Basahin at unawain ang isinasaad sa bawat sitwasyon. Isulat ang salitang
TAMA kung sang-ayon ka sa ipinapahayag sa bawat bilang at MALI kung hindi. Isulat
ang iyong sagot sa patlang.

__________ 11. Nadumihan ang damit ni Carlo kaya ito ay hinubad niya agad at inilagay
niya sa marumihan upang malabhan sa susunod na linggo.
__________ 12. Araw ng Linggo, naghahanda na si Ella para sumimba. Isinuot niya ang
kanyang paboritong sando at short na isusuot.
___________ 13. Maingat na umupo si Lisa upang hindi magusot ang kanyang paldang may
pleats.
___________ 14. Paalis ng bahay ang iyong kuya nang mapansin mong kulang ang butones
ng kanyang suot na puting polo. Kumuha ka ng butones, karayom at itim na sinulid upang
tahiin ito.
____________ 15. Matindi ang mantsa na kumapit sa iyong kulay pulang damit kaya nilagyan
mo ito ng zonrox upang matanggal.
_____________ 16. Gumagamit ng asul na tina ni aling Lorena para sa dilaw na damit ng kanyang
anak.
____________ 17. Pinapalabhan ni Leo ang sinuot at hinubad nyang uniporme na ginamit sa
maghapon upang maisuot muli kinabukasan.
____________ 18. Hindi nagpapalit ng medyas si Ariel araw-araw kada papasok hanggang sa
pagpasok muli niti sa susunod na linggo.
____________ 19. Kada uuwi at maglilinis ng katawani si Anna, sya ay nagpapalit ng kanyang
underwear.
____________ 20. Maingat na nakain sina Faye at Kim ng tinuhog na kwek-kwek upang di matapon o
di tumulo ang sauce sa kanilang damit.

III. Panuto: Buuin ang pangungusap na naglalarawan sa mga kagamitan sa pananahi.

______________ 21. Karayom at __________ ang pangunahing kagamitan ng pananahi sa


kamay.
_____________ 22. Ginagamit ang medida sa ___________ ng bahagi ng katawan ng tao at
ng telang tatahiin.
_____________ 23. Ang gunting na gagamitin sa ___________ sa telang tatahiin.
_____________ 24. Isinusuot didal sa gitnang __________ ng kamay.
______________ 25. Ang pin cushion ay ___________ ng mga karayom at aspili upang hindi
mawala.

IV. Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na larawan ng mga kagamitan sa pananahi. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

26 26. __________________ 27. _______________________

28. _______________________

29. ______________________ 30. _________________________


IV. Panuto: Sumulat ng apat ( 4 ) na pangungusap sa pagkaka sunod-sunod at wastong
paglalaba.

31.________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

32.________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

33.________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

34.________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Laguna
District of Bay
BITIN ELEMENTARY SCHOOL
Bitin, Bay, Laguna

Ikatlong Lagumang Pagsusulit sa EPP IV

Pangalan:______________________________ Petsa: :_________________________

Baitang/Pangkat:________________________ Iskor:___________________________

I. Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap at tanong. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Ang pagwawalis ng sahig ay sinisimulan sa mga ___________ patungo sa gitna.
a. sulok c. taas
b. baba d. gitna

2. Ang mga basurang nabubulok ay kailangang ilagay sa _____________.


a. basurahan c. plastic
b. balde d. compost pit

3. Upang maiwasan ang pamamahay ng mga daga, langaw, lamok at ibang mga hayop, ito ay dapat
na gawin.
a. tanggalin ang mga ligaw na damo
b. alisin ang mga tuyong basura
c. linisin ang daanan ng tubig o kanal
d. sunugin ang mga basura

4. Ano ang inyong gagawin upang hindi malanghap ang alikabok habang naglilinis?
a. gumamit ng apron c. takpan ang ilong
b. talian ang buhok d. magdamit ng maluwang

5. Kung mag-aagiw ka ng kisame, ano ang pinakamagandang gawin?


a. Gumamit ng walis na may mahabang hawakan
b. Tumuntong sa silya para maalis ang agiw
c. Tumayo sa malapit na bintana
d. Gumamit ng mesa at doon tumuntong

6. Alin sa sumusunod na gawaing bahay ang ginagawa araw-araw?


a. paglilinis ng kisame c. pagpapalit ng kurtina
b. pagwawalis ng sahig d. pagwawalis ng bakuran

7. Alin sa mga sumusunod ang ginagawa ayon sa pangangailangan?


a. paglilinis ng palikuran c. pagwawalis ng bakuran
b. pagpapalit ng kurtina d. paghihiwalay ng basura

8. Ang pagbubunot ng sahig sa salas ay ginagawa tuwing ___________.


a. araw-araw c. lingguhan
b. ayon sa pangangailangan d. buwanan

9. Alin sa mga sumusunod na pagkaing nabanggit ang nagbibigay ng enerhiya, lakas o sigla?
a. baboy c. puto
b. sayote d. prutas

11. Anong pagkain ang mayaman sa bitamina at mineral?


a. lugaw c. itlog
b. talbos ng kamote d. tinapay

12. Ang dalanghita, suha, bayabas, kamyas ay mayaman sa aling bitamina?


a. Bitamina C c. Bitamina A
b. Bitamina B d. Bitamina D

13. Ang mga pagkaing galing sa butil tulad ng monggo, mani ,sitaw , at iba pa ay mayaman sa
________.
a. carbohydrates c. protina
b. mineral d. bitamina

14. Anong kagamitan ang dapat isuot upang hindi marumihan ang iyong damit habang ikaw ay
nagluluto?
a. hairnet c. apron
b. bandana d. may kulay na damit

15. Ang mga basurang nabubulok ay kailangang ilagay sa _____________.


a. basurahan c. plastic
b. balde d. compost pit

II. Panuto: Suriin ang mga salita o bagay na nasa loob ng kahon, alamin kung saan
kabilang ang bawat isa. Isulat ang sagot pagkatapos ng bawat bilang.

* balat ng saging * lumang bote * plastik na kubyertos

* bahaw na kanin * gamit na lata

NABUBULOK DI-NABUBULOK
16 18
17 19
20

III. Panuto: Basahin ang bawat katanungan, at sagutin ang mga ito.
21. Bakit kailangan mong mag walis sa loob ng bahay?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
22. Maari mo pa bang magamit ang ibang mga basurang di-nabubulok?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
23. Saan mo dapat ilagay ang mga basurang nabubulok upang mapakinabangan sa
paligid?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Laguna
District of Bay
BITIN ELEMENTARY SCHOOL
Bitin, Bay, Laguna

Ika-Apat na Lagumang Pagsusulit sa EPP IV

Pangalan:______________________________ Petsa: :_________________________

Baitang/Pangkat:________________________ Iskor:___________________________

I. Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap at sagutin ng TAMA kung ang pangungusap
ay nagsasaad ng wastong paraan ng paggamit ng kubyertos at MALI kung hindi.

__________1. Gamitin sa pagkuha ng ulam ang kutsara na ginagamit mo sa pagkain upang hindi
masyadong marami ang huhugasan.
__________2. Punuin ng punong-puno ang baso ng tubig upang hindi na magpabalikbalik sa pagkuha.
__________3. Gumamit ng serving spoon sa pagkuha ng ulam upang hindi ito agad mapanis.
__________4. Gumamit ng tinidor sa paghigop ng sabaw.
__________5. Maglagay lamang ng tamang dami ng pagkain sa platong pagkakainan.
__________6. Ang masayang mag-anak ay makikitang sama-samang kumakain sa hapagkainan.
__________7. Kung may sopas o sabaw gamitin ang gilid ng kutsara nang paiwas sa iyo at higupin ang
sabaw nang walang ingay.
__________8. Magsubo ng katamtamang dami ng pagkain gamit ang gilid ng kutsara at hindi ang dulo
nito.
__________9. Sandok ang gamitin bilang pamalit sa kutsilyo kung may puputuling pagkain.
__________10. Sa kanang bahagi naman ang kutsara na nakatihaya rin at sa bandang itaas nito ilagay
ang baso na may ¾ na tubig.
__________11. Sa kaliwang kamay ko ginagamit at inilalagay ang kutsara kapag nakain.
__________12. Grade 4 na ako pero kutsarita padin ang gamit kong pangkain.

II. Panuto: Pagsunud-sunurin ang wastong paraan ng paghuhugas ng pinagkainan. Lagyan ng


bilang 1-5.

____ 13. Ilagay sa bandang unahan ang mga kasangkapang karaniwang ginagamit.
____ 14. Ilagay sa dishrack at pabayaang tumulo ang tubig.
____ 15. Ilagay ang mga huhugasan sa dakong kanan.
____ 16. Banlawang mabuti
____ 17. Sabunin ang mga kagamitan
III. Panuto: Magbigay ng isang halimbawa sa mga pagkaing kabilang sa Go, Grow and Glow foods. Isulat ang
mga ito sa kahon sa ibaba.

GO FOOD GROW FOOD GLOW FOOD

18. 19. 20.

You might also like