Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Banghay-Aralin

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Ikaanim na Baitang

Pagyamanin ang Mapanuring Pag-iisip

Ikalimang Linggo UNANG MARKAHAN


September 25 -29, 2023
I.LAYU NIN

A. Pamantayang Pangnilalaman
 Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang hakbang
bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat

B. Pamantayan sa Pagganap
 Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para sa ikabubuti ng lahat

C. Pamantayan sa Pagkatuto
 1.Naisasagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang
desisyon na makabubuti sa pamilya
1.1. pagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa pangyayari
1.2. pagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito
1.3. paggamit ng impormasyon Code: EsP6PKP-Ia-i-37

II. NILALAMAN
Paksa: Pagyamanin ang mapanuring pag-iisip
Kaugnay na Pagpapahalaga: Mapanuring pag-iisip (Critical thinking)

III. KAGAMITANG PANTURO


 A.Sanggunian:
K to 12 Gabay Pangkurikulum, Edukasyon sa Pagpapakatao May 2016, pahina 81
▪ https://www.youtube.com/watch?v=zJcTtetwB0E
(video: Gustin (Extended Director's Cut with Reportage) - SNBO Episode (GMA Kapuso
Mini Sine) http://philosophy.hku.hk/think/critical/ct.php
• Iba pang Kagamitang Panturo:
laptop, projector, video clips na may pamagat na “Gustin (Extended Director's Cut with
Reportage) - SNBO Episode”, powerpoint presentation na inihanda ng guro, mga larawan
para sa picture analysis, manila paper na may nakaguhit na graphic organizer, metacards,
pentel pen

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabasa ng isinulat nila sa kanilang
TALAARAWAN.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Itanong:
1. Ano ang kaugnayan ng pag-alam sa katotohanan sa paggawa ng tamang desisyon?
2. Bakit kailangan nating gumawa ng mga tamang desisyon?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin (Alamin Natin)


Picture Analysis

1. Ang guro ay magpapakita ng sumusunod na larawan:


a. aklat
b. computer
c. camera
d. cellphone
e. logo ng facebook

2. Ipapaliwanag ng guro kung ano ang gagawin ng mga mag-aaral sa mga larawang kaniyang
ipapakita.

Panuto: Ang bawat isa ay maglalahad ng mga pamamaraan kung paano magagamit ang mga
bagay na nasa larawan ng may mapanuring pag-iisip tungo sa paggawa ng mabuti.

3.Gabay na Tanong:
a. Ginagamit mo ba ang mga nasa larawan? Paano mo ito ginagamit?
b. Sa iyong palagay, paano nakatutulong o nakasasama ang mga nasa larawan?
c. Paano natin mahuhubog ang mapanuring pag-iisip gamit ang mga nasa larawan?
d. Ano-ano ang dapat nating isaalang-alang sa pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


(Isagawa Natin)

1. Ipapanood ang video clip na may pamagat na “Gustin”.

2. Pagkatapos mapanood ang video clip, itanong ang sumusunod:


a. Sino ang pangunahing tauhan sa video clip?
b. Paano mo mailalarawan si Gustin at ang kaniyang pamilya?
c. Ano ang napulot ni Gustin at ng kaniyang kaibigan? Ano ang ginawa niya rito?
d. Ano naman ang ginawa ni Kapitan pagkatapos lumapit at kumunsulta sa kaniya si Gustin?
e. Paano nagdesisyon si Gustin? Madali ba para sa kaniya ang magdesisyon? Bakit oo/hindi?
f. Sino at ano ang nakatulong kay Gustin upang gawin niya ang tama?
g. Kung ikaw si Gustin, ganoon din ba ang iyong gagawin? Bakit?

3. Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


#2 (Isapuso Natin)

Pangkatang Gawain:

1. Pangkatin ang klase sa tatlo (3).

2. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng pagkakataon upang gumawa o mag-isip ng isang sitwasyon
sa tahanan, paaralan at barangay na nagpapakita ng pagiging mapanuring pag-iisip.
3. Ipapakita nila sa harap ng klase ang sitwasyon na kanilang nabuo.

4. Patnubay na Tanong:

a. Ano ang sitwasyon na inyong ipinakita?


b. Paano ninyo naipakita sa mga manonood ang mapanuring pag-iisip sa sitwasyong inyong
ipinalabas?
c. Paano ninyo naipakita ang mapanuring pag-iisip upang makapagdesisyon.
d. Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita sa pang-araw-araw na buhay ang pagkakaroon ng
mapanuring pag-iisip?

5. Pagproseso ng karanasan:

Itanong:
a. Nagkaroon na ba kayo ng parehong karanasan katulad ng mga sitwasyong inyong ginawa?
b. Paano ninyo naipakita ang mapanuring pag-iisip sa pagbuo ng tamang desisyon?
Sabihin:
Magbahagi ng inyong personal na karanasan na nagpapakita nang mapanuring pag-iisip?

F. Paglinang sa kabihasaan (Isabuhay Natin)

1. Ipagawa ang graphic organizer.

Panuto: Punan ang graphic organizer ng katangian ng taong nagpapakita ng mapanuring pag-
iisip.

2.Pagtatalakay Itanong: Ano-ano ang katangian ng taong may mapanuring pag-iisip? Paano
maisasabuhay ang mapanuring pag-iisip sa tahanan? sa paaralan? sa paggamit ng mass media?
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Subukin Natin)
Indibidwal na Gawain:

1. Ipapaliwanag ng guro ang panuto para sa gawaing ito.


Panuto: Pag-aralan at suriing mabuti ang bawat sitwasyon. Ipahayag sa klase ang inyong
saloobin at kaalaman.

SITWASYON 1
Isang araw habang abala sa panonood si Roger ay biglang tumunog
ang kanilang telepono at nagsasabing siya ay isang bastos at walang pinag-
aralan bagamat maayos naman ang kaniyang pakikipag usap sa kabilang
linya.

SITWASYON 1
Isang araw habang abala sa panonood si Roger ay biglang tumunog ang kanilang telepono
at nagsasabing siya ay isang bastos at walang pinag-aralan bagamat maayos naman ang
kaniyang pakikipag usap sa kabilang linya.

SITWASYON 1
Isang araw habang abala sa panonood si Roger ay biglang tumunog ang kanilang telepono
at nagsasabing siya ay isang bastos at walang pinag-aralan bagamat maayos naman ang
kaniyang pakikipag usap sa kabilang linya.

 Ang guro ay tatawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kaniyang saloobin at


kaalaman tungkol sa isa sa mga sitwasyong nabanggit.

2. Patnubay na Tanong:

a. Ano ang naramdaman ninyo habang sinusuri ang bawat sitwasyon?


b. Ano ang masasabi ninyo sa mga sitwasyong nabanggit?
c. Ano ang isinasaalang-alang ninyo sa pagbuo ng pasya?
d. Mahalaga ba ang pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip? Bakit oo/hindi?
e. Ano-ano pa ang paraan upang magkaroon ng mapanuring pag-iisip?

H. Paglalahat ng aralin
Itanong:
Sa lahat ng nabanggit, ano para sa inyo ang ibig sabihin ng mapanuring pag-iisip o kritikal na
pag-iisip?

(Hayaang ilahad ng mga mag-aaral ang kanilang mga sagot at magkaroon ng talakayan upang mas
maintindihan at tumimo sa kanilang isipan ang pagpapahalagang nililinang sa araling ito)

TANDAAN NATIN:

Ang mapanuring pag-iisip ay ang kakayahan na mag-isip nang malinaw at makatwiran tungkol
sa kung ano ang gagawin o kung ano ang paniniwalaan. Kabilang dito ang kakayahan upang
makisali sa reflective at malayang pagiisip. Ang isang tao na may mga kritikal na mga kasanayan sa
pag-iisip ay magagawang gawin ang sumusunod:
• maunawaan ang mga lohikal na koneksyon sa pagitan ng mga ideya
• kilalanin, suriin, at buuin ang mga argumento
• tuklasin ang hindi pagkakapare-pareho at mga karaniwang pagkakamali sa pagdadahilan
• malutas ang mga problema sa sistematikong paraan
• makilala ang kaugnayan at kahalagahan ng mga ideya
• masasalamin ang pagbibigay-katarungan ng sariling paniniwala at mga halaga

Ang mapanuring pag-iisip ay hindi lamang tungkol sa pagkalap ng impormasyon. Ang isang
kritikal na palaisip ay nakakayang pagbatayan ang kahihinatnan mula sa kung ano ang alam niya, at
alam niya kung paano gamitin ang mga impormasyon upang malutas ang mga problema.
Ang mapanuring pag-iisip ay hindi dapat ipagkamali sa pagiging mahilig sa pakikipagtalo o
pagiging kritikal ng ibang tao. Ito ay maaaring magkaroon ng mahalagang papel sa pagbibigay-
liwanag sa mga gawain. Ito rin ay maaaring makatulong upang makakuha ng kaalaman, mapabuti
ang mga teorya, at palakasin ang mga argumento. Maaari din itong gamitin upang mapahusay ang
proseso sa trabaho at mapabuti ang panlipunang institusyon.

I. Pagtataya ng aralin

1. Ipasagot sa kuwaderno ng mga mag-aaral ang pagtataya.

Panuto: Basahin at suriin ang bawat gawain. Lagyan ng tsek () ang hanay
na nagpapahayag ng mapanuring pag-iisip.
Gawain Oo Minsan Hindi

1. Nagsisikap na maging patas ang mga ginagawang


pasya sa bawat pangyayari.

2. Agad nagdedesisyon kahit hindi pa malinaw ang mga


dahilan sa bawat pangyayari.

3. Nagtatanong sa mga taong nakasaksi ng mga


pangyayari upang malaman ang totoong dahilan
bago bumuo ng desisyon.

4. Tinitimbang ang sitwasyon ng magkabilang panig bago


sabihin ang sariling desisyon.

5. Madaling sumasang-ayon sa mga pangyayari


kahit ito ay walang basehan.
2.Patnubay na Tanong:

A.Sa iyong palagay, nagagawa mo bang magpasya ng may mapanuring pag-iisip?


Paano mo nasabi?
B.Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip?
C.Bukod sa mga nabanggit, ano-ano pa ang paraan upang maisabuhay ang mapanuring
pag-iisip?

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin

1.Gumupit ng limang (5) larawan na madalas mong ginagamit at idikit ito sa iyong kwaderno.
Isulat kung paano mo ito ginagamit upang mahubog ang iyong mapanuring pag-iisip?

1. Ipasulat sa TALAARAWAN ng mga mag-aaral ang mahalagang aral na kanilang natutunan


sa araling ito at ang kanilang nais gawin upang malinang pa ang aral na ito.
Inihanda Ni : Kasangguni:

Bb. KEYNITH C. CALIVARA RONNETH B. TAN

Teacher III Dalubguro 1

Binigyang – pansin ni:

MERIAM B. COLLANTES, Ed. D

PUNONGGURO - IV

You might also like