Professional Documents
Culture Documents
Banghay Aralin For Co 2
Banghay Aralin For Co 2
Banghay Aralin For Co 2
Inihanda ni:
Gelia A. Gampong
I. LAYUNIN:
A.Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag –aaral ay may pag unawa sa kahalagahan ng pagkamamamayan at pakikilahok sa mga
gawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon ng pamayanan at bansang maunlad, mapayapa, at may pagkakaisa.
B.Pamantayan sa Pagganap
Nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at political
ng mga mamamayan sa kanilang sariling pamayanan.
C. Pamantayan sa Pagkatuto
Nasusuri ang mga pagbabago sa konsepto ng pagkamamayan. AP10KK-IVb-2
D. TIYAK NA LAYUNIN:
A.Naipapaliwanag ang katangian ng lumalawak na pananaw ng pagkamamamayan.
B. Nakapagsasadula ng mga iba’t ibang katangian ng lumalawak na pananaw ng pagkamamamayan.
C. Napahahalagahan ang mga pagbabago sa konsepto ng pagkamamamayan.
III.KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian: Mga pahina sa Gabay ng Guro
Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral – LM pahina 359-361
Mga pahina sa Teksbuk Karagdagang kagamitan mula sa Portal ng LR
IV.PAMAMARAAN:
A. PANALANGIN
B. PAGTALA SA LIBAN
C. MOTIBASYON: BALITAAN at PAGSASADULA: Ang guro ay magpapabalita at magpapasadula ng
napapanahong isyu (hahatiin sa 2 grupo ang klase).
G. PAGLINANG NG KABIHASAAN:
1.) Ilarawan ang lumawak na pananaw ng Pagkamamamayan.
2.) Sa paanong paraan naipapakita ang mga iba’t ibang katangian ng lumawak na pananawaw ng
pagkamamamayan?
3.) Bakit mahalaga ang mga gawain o hakbanging inilahad ng abogadong si Alex Lacson?
K. TAKDANG ARALIN: Sa inyong Journal Notebook, magsulat ng limang (5) katangian ng AKTIBONG
MAMAMAYAN sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan. Ipaliwang ang bawat sagot.