Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pinapalibutan siya ng mga kamay na may hawak na mga camera, ang kislap

ng mga ilaw na nagmumula rito ay naglalaro sa kanyang mukha. Naghihintay sa


kanya ang mga estudyanteng mamamahayag, tila mga alagad ng balita na uhaw sa
kaalaman na kung saan ito’y magbibigay sagot sa kanilang mga katanungan.
Mapapansing may halong kaba, pawis, at pangangamba ang naglalaro sa
kanilang mga mukha. Subalit, ano kaya ang sanhi ng mga damdaming ito.
Kanyang tinig ay umaalingaw-ngaw sa buong paligid. Nagpapaliwag sa
impormasyong nais niyang ipalaganap. Siya si Bryan Christopher J. Brazil isa sa
mga tagapagsalita sa Regional School Press Conference sa temang “From Campus
Journalism to Real- World Journalism Shaping Minds From Schools to Societies”
kung saan ay ipinaliliwanag niyang dapat gampanan ang pagiging isang
mamamahayag.
“Do your job as a journalist, you have to be truthful”, ani ni Christopher.
Kanyang mga labi ay walang tigil sa pagsasabod ng mga binhing maaaring
tumubo sa isipan ng bawat mamamahayag. Kung saan ay binigyang tinta ang
papel ng kanilang utak, nang sa gayun ay magagampanan nila ang kanilang
tungkulin bilang isang tunay na mamamahayag.
“Nagiging totoo ang kasinungalingan dahil may iba tayong konsepto ng
tama, kaya lumaganap ang false news. Dapat paniwalaan natin ang awtorisadong
pahayagantulad ng GMA, ABS CBN, TUS at iba pa”, dagdag ni Christopher.
Tapos ng magsulat ang mga estudyanteng mamamahayag. Tahimik na ang
paligid, wala ng ingay na maririnig, tanging upuan at mesa nalamang ang naka
kalat sa paligid.
Nararapat gampanan ng mga mamamahayag ang kanilang mga tungkulin.
Magiging tunay at matapat ang bawat manunulat dahil ito’y kulay sa kanilang mga
sulat. Oo, tunay na mahalaga ang gampanin ng mga journalist. Dahil nasa kanilang
mga kamay ang impormasyong makatotohanan na magbibigay ilaw sa
mamamayan.
Kahit minsan lang: Pagkakataong Nais makamit ng Isang Manunulat

Maraming pagkakataon ang maaaring makuha sa ngayon. Sapagkat


maraming sagabal sa mga taong gustong makamit ang tagumpay para maka ahon.
Laking pagtataka ni Jonathan Manuel, isa sa tagapagsalita ng Regional Press
Conference dahil sa paglimita ng mga nagwawaging mamamahayag para sa
National Press Conference.
“Walang dapat sagabal sa gustong may maabot”, ani ni Manuel.
Nakalulungkot lamang isipin na maraming mga mamamahayag ang nais
ipanalo ang anumang kopetisyon. Ngunit hindi mapigilang mabigo, dahil iisa
lamang makakakuha. Iisa lamang ang dapat maging panalo.
Ngunit sa likod ng mga ganitong sitwasyon, mayroong iilang mga
mamamahayag ang hindi sumusuko. Pauli-ulit na sinusubukan ng tadhana, ngunit
hindi tumatalikod. Dahil alam nila, pagdating ng panahon matutumbasan ang
kanilang paghihirap ng mga ngiting guguhit sa kanilang mukha.

You might also like