Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

ANG ESTILO NG RETORIKA

Kahulugan at Kalikasan
Ang estilo ay isa lamang tradisyonal na kahingian ng retorikang klasikal. Mula
kay Richard Nordquist, “the most durable thing in writing is style”. Ibig sabihin ang
estilo ang pinakamatatag na bahagi sa pagsulat. Mula sa salitang latin na stylus,
isang bagay na Matulis na ginagamit na panulat, ang kahulugan ng estilo noong
nakalipas na 2,000 taon. Ngunit sa kasalukuyan, ang estilo ay nangangahulugang
hindi ang gamit panulat kundi ang katangian ng pagsusulat mismo; ang paraan ng
pagpapahayag, pagsasagawa o paglalahad sa pasalita at pasulat na paraan. Kung
pasisimplehin ang kahulugan nito, ito ay ang mga bagay na pinapalamuti sa diskurso
ng isang tao, na kung palalawakin ay manipestasyon ng taong naghahayag o
nagsusulat. Ito ang kahulugan ng salitang estilo n amula sa salitang latin na elocutio
o salitang Griyego na lexis.
Sa puntong ito, ang estilo ay binigyang-kahulugan bilang paraan kung paano
sinasabi, isinusulat o isinasagawa ang isang pahayag. Sa pinasimpleng
pagpapakahulugan, ito ay nakatuon sa paggamit ng salita, pagsasaayos ng
pangungusap at paggamit ng tayutay. Sa pinalawak na pagpapakahulugan, ito ay
tinitingnan bilang manipestasyon ng taong nagsasalita o nagsusulat.
Inuri ni Quintilian ang tatlong antas ng estilo sa mga sumusunod:
a. Ang estilong payak - ginagamit sa pagbibigay panuto sa mga tagapakinig.
b. Ang estilong midyal – ginagamit sa pagpapakilos ng mga tagapakinig.
c. Ang estilong mataas – ginagamit upang magpalubag o ma-please ang
tagapakinig.
Ang mga kaantasang ito ng estilo ay maaaring magamit nang sabay-sabay. Wala
ring kinikilalang mas mataas o mas mababa sa mga ito.

Kahulugang Konotatibo at Denotatibo


Ang karaniwang layunin ng pakikipag-usap sa kapwa ay upang
magkaunawaan subalit minsan, ang pakikipag-unawaan ay hindi natatamo
sapagkat nabibigyan ng ibang kahulugan ang mga salitang ginamit o ginagamit
ng mga nag-uusap.
May dalawang pagpapakahulugan ang maaaring mailapat sa mga salitang
ginagamit o ginamit sa mga pahayag.
Ang Kahulugang Konotatibo
Ang konotatibo ay pagpapakahulugan sa mga salitang ginamit sa
pagpapahayag na nakabatay sa estilo ng nagpapahayag. Kadalasan, ang
kahulugang ito ay nakasalalay sa pagtanggap ng nakikinig na inaangkop sa
paraan ng pagpapahayag ng nagsasalita. Nagbibigay ito ng emosyonal at/o
intelektuwal na dating sa tumatanggap ng kahulugan. Karaniwan sa kahulugang
ito ang pagiging subhetibo ng tumatanggap ng kahulugan.
Ang Kahulugang Denotatibo
Ang denotatibo ay pagpapakahulugan sa mga salitang ginamit sa
pagpapahayag na nakabatay sa kahulugang ibinibigay ng diksyonaryo. Ito ang
kahulugang literal ng salitang ginamit sa pakikipagtalastasan. Inilalabas sa
pagpapakahulugan ng salita ang pahiwatig-emosyonal, politikal at etikal. Ang
tuon ng kahulugang ito ay ang pagiging obhetibo ng tumatanggap ng kahulugan.
Kahulugang Tekstuwal, Kontekstuwal, Subtekstuwal at Intertekstuwal
Sa bahaging ito, ang bibigyang-linaw ay ang kahulugang inilalapat sa mga
pahayag. Nakatutulong sa pakikipag-unawaan ang kaalaman sa pagkilala sa
kahulugan ng mga pahayag na karaniwan nang nagaganap sa ugnayan ng mga
salita sa loob ng mga pahayag.
May apat na uri ang pagpapakahulugan sa mga pahayag na ginagamit sa
pakikipagtalastasan:
Ang Kahulugang Tekstuwal
Ito ang literal na kahulugan ng pahayag batay sa ugnayan ng mga salitang
ginamit. Binibigyang-tuon sa kahulugang ito ang kaayusan ng mga salita sa loob
ng pangungusap, ang kaayusan ng mga pangungusap sa loob ng talata, ang
kaayusan ng mga talata sa loob ng pahayag at ang kaayusan ng mga pahayag
sa kabuuan ng diskurso. Ang kahulugang ito ay nakasalalay rin sa kakipilan,
kaisahan at emphasis ng pahayag.
Ang salitang tekstuwal ay mula sa salitang-ugat na text o teksto na mula
naman sa pandiwang latin na texere na nangangahulugang bumuo o humabi o
maglatag.

Ang Kahulugang Kontekstuwal


Ito ang kahulugang nakabatay sa pahiwatig ng mga pahayag na ginamit sa
pakikipagtalastasan. Ayon kay Kenneth Noland, ito ang kabuuan ng diskurso.
Isinasaalang-alang sa kahulugang ito ang ugnayan ng mga elementong
lingguwistikal at hindi lingguwistikal sa kakayahang pangkomunikatibo ng
nagpapahayag. Ang kahulugang ito ay nahuhulma sa ugnayan ng pahayag at ng
motibo ng nagpapahayag.
Binibigyang-pansin dito ang mga context clue o panandang konteksto.
Maaaring ito ay mga inuulit na salita o parirala o mga hindi tiyakang inihahaing
mungkahi tungo san ais na kahulugan ng nagpapahayag.

Ang Kahulugang Subtekstuwal


Ang kahulugang ito ay maaaring makita sa kabuuan ng isang aklat, dula
musika o pelikula na hindi hayagang ipinababatid ng mga nagpapahayag ngunit
ganap na nauunawaan ng mga bumabasa, nakikinig o nanonood sa wakas ng
aklat, dula, musika at pelikula. Ang kahulugang ito ay nauukol sa ideya at motibo
ng nagpapahayag na minsang tinatakpan ng paggamit ng tayutay.
Ang kahulugang ito ay nakapaloob sa “ilalim” ng sinasalitang pahayag. Ang
“ilalim” na ito ay maaaring nagtatago ng galit, tunggalian, pagmamataas o
anumang hindi hayag na ideya at emosyon. Ito ang kahulugang hindi tuwirang
binabanggit o ipinadarama ng nagpapahayag, ni hindi nag-iiwan ng pananda
upang agad na maunawaan ng mga tagatanggap ng mensahe; bagkus,
kinakailangan ang maingat at seryosong pagtuon sa nagpapahayag at sa
kanyang inihahayag nang bago ito matapos ay ganap na maunawaan ang teksto.

Ang Kahulugang Intertekstuwal


Ito ay ang kahulugang makukuha sa ugnayan ng mga pahayag sa loob ng
isang diskurso na iniuugnay sa diskurso ng iba. Maaaring mahulma ang
kahulugang ito sa pag-alam sa kahulugan ng ibang tekstong may katulad na
paksa. Mabibilang dito ang kahulugang ibinigay ng iba’t ibang mambabasa sa
iisang akda na bibigyang-kahulugan at lalagumin ng iba pang mambabasa.
Maaari ring mabilang dito ang pagbibigay-kahulugan sa isang akda na sinuri ang
kahulugan at paggamit ng mga salita sa akda, ang pagkakabuo, paglalarawan at
pagpapagalaw sa mga karakter nito, ang mga tagpuan at panahong sangkot at
ang layunin ng may-akda sa paglikha ng akda.

KATANGIAN, LINAW, PUWERSA, KAGANDAHAN AT DATING


Ang paglalapat ng estilo sa retorika ay nakapagtitiyak sa kahulugang
ibinibigay ng nagpapahayag. Ang estilo ang nagbibigay-diin sa katangian ,
kalinawan, puwersa, kagandahan at dating ng pahayag.
Sa klasikong retorika, upang mapaghusay ang pahayag, gumagamit ito ng
estilong naaangkop sa paksa, sitwasyon, mananalita at makikinig o mambabasa.
Ito ang tinatawag na dekorum. Sa talakay ni Cicero, hindi nararapat na
magkakatulad ang pagtrato sa iba’t ibang paksa at iba’t ibang makikinig.
Gayundin, nararapat bigyang-pansin ang kaangkupan ng pananalita ng mga
mananalumpati. Nararapat na isinasaalang-alang ang mga katangian ng
pahayag; paksa, sitwasyon, mananalita at makikinig o mambabasa.
Sa pahayag na ito, malinaw na binigyang-diin ni Cicero ang kakayahan ng
mananalumpating iangkop ang sarili sa okasyon at mga tagapakinig. Sa kanyang
palagay, hindi nararapat na magsalitang may iisang estilo sa lahat ng
pagkakataon, nis a harap ng lahat ng tao, sa lahat ng katunggali, hindi bilang
pagtatanggol sa mga kaibigan, hindi lang kasosyo sa lahat ng paniniwala. Kung
gayon, nararapat lamang na ang pananalita ng isang mananalumpati ay
makaangkop sa lahat ng pagkakataon.
Ang dekorum ay hindi matatagpuan saanman. Ito ang katangiang taglay ng
pinag-ugnay na pananalita at ideya, bait at kilos, sining at moralidad, pagtataya
at pagtitilad at ng iba pang element ng pagkilos. Ito ang pinataas na estilo ng
pagbigkas na may tatlong pangunahing gampanin: magpabatid, manlibang at
manghimok, sumakop sa malawak na gawaing pantao ( Hariman, 2001 ).
Kaalinsabay ng pagtataglay ng dekorum ng mananalumpati,
isinasaalang-alang din ang elokusyon o ang kasiningan ng mabisang
pagsasalita sa publiko.
Ito ay ang sining ng pagpapahayag ng nakasulat o sinasalitang wika sa
pinakamahusay na pagtataya ng paraan ng paghahayag ng damdamin,
kagandahan o puwersa ng salitang inilalapat ng mananalumpati.
Ang kahulugan ng salitang elokusyon ay iba sa kasalukuyan kung ihahambing
sa klasikal na retorika. Sa kasalukuyan, iniuugnay ang salitang ito sa paraan ng
pagsasalita; na sa klasikal na retorika ay nangangahulugang estilo.
Lahat ng konsiderasyong panretorika ng estilo ay nagsasangkot sa piling
salita na kadalasan ay nasa ilalim ng paksang kawastuhan, kadalisayan,
kasimplehan, kalinawan, kaangkupan at kasiningan. Binibigyang-konsiderasyon
din ang kaayusan ng mga salita sa loob ng parirala o sugnay. Isinasangkot sa
konsiderasyong ito ang sintaks, balangkas ng mga pangungusap, tamang gamit
ng mga pangatnig at iba pang pang-ugnay sa loob at pagitan ng mga
pangungusap. Higit ding binibigyang -konsiderasyon ang paggamit ng tayutay at
idyoma.
Ayon kay Richard Nordquist (2009), may mga kahingian ang mahusay na
pagpapahayag:
● Malinaw na pagbigkas ng mga salita
● Naaayong bigkas sa kahulugan at katuturan ng salita kaugnay ng
diskurso.
● Naaangkop na kilos at kumpas tungo sa katanggap-tanggap na
animasyon at puwersa ng pananalita.
Bahagi pa rin ng mahusay na estilo sa pagpapahayag ang eloquence o
elekwens. Ito ang kalidad ng mapuwersa, elegante at mapanghimok na diskurso.
Binigyan ito ng kahulugan ni William Shakespeare bilang “words sweetly placed and
modestly directed”. Ang elekwens ay paglalapat ng mga salita nang may pag-iingat
at respeto. Ayon naman kay William Cullen Bryant, ito ang talinghaga ng mga
akdang tuluyan.
Ang elekwens ay ang hangganan ng sining kaya’t ito ang kanyang
kahalagahan. Lahat ng sining ay may elekwens batay sa lebel ng kasiningan ng
sining.
Ang elekwens, na naiiba sa retorika ay walang layunin. Laro lamang ito ng
salita o iba pang pahayag. Regalo itong nararapat na kawiliha, pinahahalagahan at
sinasanay. Tulad ito ng kagandahang nakaaakit sa kulturang nagpapahintulot dito.

Masining na Ekspresyon ng mga Ideya


May mga pagkakataong sa pagpipilit nating maunawaan ang isang
nagpapahayag, ipinagpapalagay natin na gumamit siya ng masining na pahayag
upang mabigyan ng kalayaang mabigyan ng interpretasyon ang anumang tinanggap
na impormasyon bagamat hindi tiniyak ng nagpapahayag na gumamit nga siya ng
masining na pahayag. Ito ay upang maiwasan ang puwang sa daloy ng unawaan sa
pagitan ng nagpapahayag at ng tumatanggap ng pahayag.
Tatlong hakbangin ang dinadaanan ng ganitong gawain”
Una, nilalapatan at sinusuri ng tagatanggap ang literal na kahulugan ng pahayag.
Ikalawa, tinatasa ng tagatanggap ang katotohanan at kaangkupan ng mga literal na
kahulugan kaugnay ng mga kahulugangn kontekstwal at;
Ikatlo, kung mapatutunayang bulaan at hindi angkop ang kahulugang literal,
gagamitin ng tagatanggap ang pagpapakahulugang subtekstuwal at intertekstuwal.
Sa pagtitiyak din ng kahulugan, binibigyang-pansin ang mga tayutay at
idyoma na gamit ng nagpapahayag. Ang mga ito ay nagbibigay-buhay at higit na
linaw sa kahulugang isinasaad ng nagpapahayag. Ayon nga kay Tony Robbins
(2005), ginagamit ang tayutay at idyoma upang higit na mapalalim ang pang-unawa
ng mambabasa sa inilalahad na tauhan, tagpuan o bagay sa pahayag.
Tinatawag ng mga Griyego ang tayutay bilang iskema sapagkat nagsisilbi
naman ang mga salitang ito bilang paraan ng panghihikayat at tuntunin ng
pagpapasang-ayon. Binabago ng tayutay ang karaniwang wika sa pamamagitan ng
pag-uulit, pagpapalit, pagpapatunog at paglalaro ng salita.

Ang Pananalita at Pahayag


Itinuturing na pinakamahalagang instrument sa pagtatamo ng katagumpayan
sa loob at sa labas man ng isang institusyon ay ang kahusayan ng tao sa
pagpapahayag. Malaki raw ang nagiging papel ng tao sa loob ng lipunan kapag
nagkaroon siya ng pagkakataong makuha ang simpatya ng kanyang mga
mamamayan sa pamamagitan ng kahusayan sa pagpapahayag at/o pananalita. Higit
itong angkop sa mga politico na tuwina’y hinahangad na makuha ang boto ng
kanilang mga pinagsisilbihang mamamayan sa pamamagitan ng pakikipagdiskurso.
Dalawang pangunahing pamamaraan ng pagpapahayag ang maaaring
bigyang tuon; ang pagsasalita o pagsusulat.
Kaakibat ng mga pamamaraang ito ang mga kasanayan at kakayahang
pangkomunikatibong dapat na nililinang sa pagtatamo ng kahusayan sa
pagpapahayag. Mahalagang malinang ang kakayahang panlingguwistika na
nakatuon sa kaalaman sa mga aspektong pangwika, masusing pinag-aaralan ang
paggamit ng wika bilang instrument ng pagpapahayag at kakayahan sa maingat,
maayos at magandang paggamit ng wika. Ikalawa rito ang kakayahang
pangkomunikatibo na binibigyang pagpapahalaga ang kakayahang magamit ang
wika sa bawat sitwasyong kinalalagyan ng tao,, matalino, maguni-guni at malikhaing
pagsasabuhay ng mga kaalamang pangwika.

You might also like