Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

MORNING PRAISE – SEPTEMBER 12 2023

Let us put ourselves in the Holy presence of God… And adore His Holy Name.

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen

SALMO Ang Diyos ay mapagmahal, tana’y pinauunlakan.

Ang Panginoong D’yos ay puspos ng pag-ibig at lipos ng habag,


banayad magalit, ang pag-ibig niya’y hindi kumukupas.
Siya ay mabuti at kahit kanino’y hindi nagtatangi;
sa kanyang nilikha, ang pagtingin niya ay mamamalagi.

Ang Diyos ay mapagmahal, tana’y pinauunlakan.

Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo,


kapara noong una, ngayon at magpakailan man at magpasa-walang hanggan Amen

Papuri sa Mabuting Balita:


Aleluya! Aleluya!
Sumunod kayo sa akin at kayo’y aking gagawing katambal ko sa tungkulin.
Aleluya! Aleluya!

EBANGHELYO (babasahin ng Teacher)


Sumainyo ang Panginoon
At sumainyo rin
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Papuri sa Iyo Panginoon

Bumaba si Hesus mula sa burol at tumayo sa isang patag na lugar. Naroon ang marami sa
kanyang mga alagad at ang napakaraming tao buhat sa Judea at Jerusalem, at sa mga bayan sa
baybaying-dagat ng Tiro at Sidon. Pumaroon sila upang makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang
mga karamdaman. Pinagaling din niya ang mga pinahihirapan ng masasamang espiritu. At sinikap ng
lahat ng tao na mahipo siya sapagkat may taglay siyang kapangyarihang makapagpagaling ng lahat.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Pinupuri Ka namin Panginoong Hesukristo

MENSAHE: Napakalaki ng pananampalataya ng mga tao kaya’t sinikap nilang mahipo siya sapagkat may
taglay siyang kapangyarihang makapagpagaling ng lahat.

Lumapit tayo sa Diyos at hilining tulungan Nya tayong gumaling sa anumang sakit natin. Ating dasalin ang
panalanging itinuro ng ating Panginoong Hesukrsito… AMA NAMIN

 PANALANGIN
Panginoon, sa pamamagitan ng aming panalangin, tipunin mo ang mga nagsisikap na sumunod sa iyong
Anak, siya na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.. Hinihiling namin ito sa
pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

 INVOCATION TO OUR CLASS PATRON SAINT (Saint………, Pray for us)

BLESSING
Pagpalain nawa tayo ng Makapangyarihang Diyos, ilayo sa anumang kapahamakan at
ihatid sa buhay na walang hanggan. Amen.
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen

You might also like