Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng

kanilang maliit na barungbarong. Maaliwalas ang kanyang mukha: sa


kanyang lubog na mga mata na bahagyang pinapagdilim ng kanyang
malalagong kilay ay nakikintal ang kagandahan ng kaaya-ayang
umaga. .araw ng pagtatapos ng kanyang anak na dalaga sa gabing iyon
ay tatanggapin nito ang diploma bilang katunayan na natapos Niya ang
apat na taong inilagi sa high school.ang sandalaing pinakahihintay Niya
sa mahaba haba ring namang panahon ng pagpapaaral ay dumating na
ang pagkakaroon ng anak na nakapagtapos ng high school ay hindi na
Isang Maliit na bagay sa isang mahirap na gaya niya ,kanyang naririnig
ang matinis na halakhak ng kanyang anak na dalaga habang paikut-ikot
nitong sinusukat sa harap ng salamin ang nagbubur-dahang puting damit
na isusuot sa kinagabihan.Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng isang
kamay ang isang pangnang sisidlan ng kanyang pamimiling uulamin.
Habang nasa daan patungo sa pamilihang bayan sa Tondo, ay mataman
niyang iniisip ang mga bagay na kanyang pamimilhin. Hindi
pangkaraniwang araw ito at kailangang magkaroon silang mag-anak ng
hindi pangkaraniwang pananghalian. Bibili siya ng isang matabang
manok, isang kilong baboy, gulay na panahog at dalawang piling na
saging. Bibili na rin siya ng garbansos. Gustong-gusto ng kanyang
magtatapos na anak ang minatamis na garbansos.Mag-ikakasiyam na
nang dumating siya sa pamilihan. Sa labas pa lamang ay naririnig na ni
Aling Marta ang di magkamayaw na ingay sa loob .Linggo ng Umaga at
ang palengke ay siksikan ,sa harapan Ni Aling Marta piniling dumaan
Ang lugar ng magmamanok ay nasa dulo ng pamilihan at sa panggitnang
lagusan siya daraan upang madaan tuloy sa tindahan ng mga tuyong
paninda at bumili ng mantika. Nang dumating siya sa gitnang pasilyo at
umakmang hahakbang na papasok, ay siyang paglabas na humahangos
ng isang batang lalaki, at ang kanilang pagbabangga ay muntik na
niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kanyang dibdib.Ang
bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pinag-
ilang-lilis ang laylayan. Nakasuot ito ng libaging kamiseta, punit mula sa
balikat hanggang pusod, na ikinalitaw ng kanyang butuhan at maruming
dibdib. Natiyak ni Aling Marta na ang bata ay anak-mahirap.humingi ng
pasensya ang Bata Kay Aling Marta. ang Bata ay may hawak na Isang
Maliit na tigbenteng bangus . Pinagsabihan ni Aling Marta ang Bata
bago umalis at nagpunta sa kanyang nakaugaliang bilhan.binati Niya ang
tindera at kumuha ng ilang kartong mantika ng dumukot Siya sa bulsa
ng kanyang bestida upang magbayad ay napansin niyang Wala ang
kanyang Kalupi.tinanong Siya ng tindera at Sinabi niyang nawawala ang
kanyang pitaka Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay
pitumpong piso na siyang bigay na sahod ng kanyang asawa nang
sinundang gabi. Nanatili si Aling Marta sa pagkakatayo ng ilang saglit,
nang maalala Niya ang batang kanyang nakabangga tumama ang siko
nito sa kanyang katawan patakbong lumabas si Aling Marta iniisip na
hindi pa marahil nakakalayo ang Bata sa harap ng palengke nakita ni
Aling Marta ang Bata na tumatawad sa harap ng Isang bilao ng
kangkong. Lumapit si Aling Marta at hinatak ang leeg ng bata ,
inakusahan ni Aling Marta ang Bata na ito ang dumukot sa kanyang
pitaka Tiyakan ang kanyang pagsasalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata
sa pag-aapuhap ng isasagot ay masukol niyang buong-buo. Ngunit ang
bata ay mahinang sumagot na Wala siyang kinuhang pitaka , sininghalan
ni Aling Marta ang Bata at pilit na sinasabing ang Bata ang kumuha ng
kanyang pitaka at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa leeg ng
bata .marami ng nakapaligid Kay Aling Marta at sa Bata at sinabi pa ng
Isa na ipapulis na ang bata, Pilit na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya
ang hawak na bangus upang dalawahing-kamay ang pag-alis ng
mabutong daliri ni Aling Marta na tila kawad sa pagkakahawak sa leeg
ng bata May luha nang nakapaminta sa mga mata at ang uhog at laway
ay sabay na umaagos sa leeg ng bata.may dumating na pulis at agad na
nagsumbong si Aling Marta kinapkapan naman ng pulis ang Bata, Sa
bulsa ng bata, na sa pagdating ng pulis ay tuluyan nang umiyak, ay
lumabas ang isang maruming panyolito, basa ng uhog at tadtad ng sulsi,
diyes sentimos na papel at tigbebenteng bangus.tinanong ng pulis si
Aling Marta kung nakakasiguro ba ito na Ang Bata ang dumukot sa
pitaka at sinabi naman ni Aling Marta na ang bata dumukot nga ang
kanyang pitaka at Wala ng iba, tinanong ulit ng pulis ang bata kung saan
nito inilagay ang dinukot at tinakot ang Bata na kapang di ito nagsabi ng
totoo ay ikukulong Niya ito ngunit ang sabi ng Bata ay Wala siyang
kinuhang kahit na ano Kay Aling Marta at kahit kapkapan Siya nang
kapkapan ay Wala Silang makukuha sa kanya dahil hindi Siya
mandurukot , ngunit pilit parin iginigiit ni Aling Marta na ikulong na
Ang Bata pero ang sabi ng pulis ay hindi pwedeng ikulong ang Bata
kapag walang sapat na ebidensya,Maya Maya pay dumukot ang pulis ng
Isang lapis at Isang Maliit na kuwaderno at tinanong ang Bata kung ano
ang pangalan nito at kung saan ito nakatira, sumagot ang Bata ang
pangalan nito ay Andres Reyes at Wala Silang bahay ang tatay nito ay
may sakit at nakikitira lang sila sa bahay ng kanyang tiyang ignes na
nakatira sa blumentritt at kung Minsan ay sa kanyang tiyo na nasa
kiyapo ngunit sa araw na ito ay nakatira ang Bata sa Kapatid ng kanyang
Ina na taga tondo at inutusan lang bumili ng ulam para sa kanilang
pananghalian. Inakbayan ng pulis ang Bata at inilakad papunta sa harap
ng outpost at nakasunod Naman si Aling Marta sa kanila sinabi ng pulis
na na maghitay Muna si Aling Marta at ang Bata dahil tatawag Muna
ang pulis sa kuwartel.naiwan sa harap ni Aling marta ang Bata na
ngayon ay tila maamong kordero sa pagkakatungo, sisiguk-sigok,
nilalaro ng payat na mga daliri ang ulo ng bangus, tanghali na at naalala
ni Aling Marta ang kanyang dalagang anak na magtatapos at ang
kanyang Asawa na kaipala ay naiinip na sa paghihintay at para niyang
narinig ang sasabihin nito kung siya’y darating na walang Dala ano
man.sumiklab ang poot na kanina pa nagpupuyos sa dibdib ni Aling
Marta may kung anong sumalak sa kanyang ulo; mandi’y gagahanip ang
tingin niya sa batang kaharap. Hinawakan niya ito sa isang bisig, at sa
pagdidilim ng kanyang paningin ay pabalingat niyang pinilit sa likod
nito.Napahiyaw ang bata sa sakit, ang bisig nito ay halos napaabot ni
Aling Marta sa kanyang balikat sa likod. Ang mga nanonood ay parang
nangangapatdan ng dila upang makapagsalita ng pagtutol. Ang kaliwang
kamay ni Aling Marta ay pakabig na nakapaikot sa baba ng bata,kinuha
ng Bata ang kamy ni Aling marta at ng mailapit Niya ito sa kanyang
bibig ay buong panggigil na kinagat.hindi gusto ng Bata ang tumakbo
ang gusto lang ng Bata ay makaalpas sa matitigas na bisig ni Aling
Marta , ngunit dahil sa sakit nanaranasan Niya Kay Aling Marta at
makakita ng paglulusutan agad siyang tumakbo papunta sa maluwag na
daan Bahagyang narinig ng Bata ang mahahayap na salitang galing sa
humahabol na si Aling Marta,ang sigaw ng pulis,sunod sunod na tilian
ng mga babae, at ang malakas na busina ng ilang humahagibis na
sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilim ang buong paligid ng Bata at ang
kanyang huling nakita ay ang mga mukhang nakatunghay sa kanyang
lupaypay at duguang katawan.naging maputla ang kulay ni Aling marta
hindi makaimik at TILA pinanawan ng lakas habang pinagmamasdan
ang bata.Ang pulis ay nakabalik na sa outpost at sa isang ospital na
tumatawag. Ang bata ay pinagtulungan ng ilan na buhatin papunta sa
bangketa upang doon ipaghintay ng ambulansiya kung aabot pa. Ang
kalahati ng katawan ng Bata sa dakong ibaba, ay natatakpan ng diyaryo
at ang gulanit niyang kasuotang ay tuluyan nang nawala sa kanyang
katawan. Umuwi na si Aling Marta at umutang nalang ng kanyang
kailangan para sa kanilang pananghalian. Sa daan pa lamang bago siya
pumasok sa tarangkahan ng kanilang bahay, ay natanaw na niya ang
kanyang dalagang anak . Nakangiti ito, ngunit nang malapit na si Aling
Marta at nakita ng kanyang anak ang Dala ay napangunot-noo
ito,lumingon sa loob ng kabahayan at may tinawag. Sumungaw ang
payat na mukha ng kanyang asawa. Tinanong ng anak ni Aling Marta
kung saan Siya kumuha ng pambili sumagot Naman si Aling Marta na sa
pinata ito kumuha nagkatinginan naman ang kanyang anak at Asawa at
sinabi ng kanyang Asawa na naiwan nito ang kanyang pitaka dahil
kumuha ito ng pambili ng tabako at nakalimutan isauli ang pitaka sa
kanyang bestida , biglang-bigla, ay parang kidlat na gumuhit sa karimlan
ni Aling Marta ang larawan ng isang batang payat, duguan ang katawan
at natatakpan ng diyaryo, at para niyang narinig ang mahina at
gumagaralgal na tinig nito na sinasabing kahit kapkapan Siya ay walang
makukuha sakanya.

You might also like