Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 40

MAPEH(Health)

GRADE 1

Key Stage 1 SLM

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


1
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi
maaaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitahan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas
sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan
ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang
maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang
pahintulot ng Kagawaran.

Ang modyul na ito ay masusing sinuri at nirebisa ayon sa


pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum
and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat
bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na
isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa
karapatang pampagkatuto.
Mga Tagasuri

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


PIVOT 4A Learner’s Material
Unang Markahan
Ikalawang Edisyon, 2021

Health
Unang Baitang

Job S. Zape, Jr.


PIVOT 4A Instructional Design & Development Lead
Arthur M. Julian
Internal Reviewers
Ephraim L. Gibas, Hiyasmin D. Capelo & Maylen N. Alzona
Layout Artist & Illustrators
Alvin G. Alejandro, Albert A. Rico & Melanie Mae N. Moreno
Graphic Artists & Cover Designer
Ephraim L. Gibas
IT & Logistics
Socorro R. Comia, Generiego O. Javier, Nicolas A. Asi, Lizbeth M. Ebora, Julieta M. Villano,
Mhelca-win M. Aparato, Roderick C. Tobias, Melda Macatangay, Gerlie U. Asi,
Gemma C. De Torres, Roy D. Escalon, Cyrus T. Festijo, Rosalie O. Ladanga,
Maria Teresa R. Discaya, & Greg P. Jaque
Schools Division Office Development Team

Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A CALABARZON


Patnugot: Francis Cesar B. Bringas

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


Gabay sa Paggamit ng PIVOT 4A Learner’s Material

Para sa Tagapagpadaloy
Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga
mag-aaral na madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturang
MAPEH (Health). Ang mga bahaging nakapaloob dito ay sinegurong
naaayon sa mga ibinigay na layunin.
Hinihiling ang iyong paggabay sa ating mga mag-aaral para sa
paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad nila sa
pagpapakita ng kakayahang magtiwala sa sarili na kanilang magiging
gabay sa sumusunod na mga aralin.
Salamat sa iyo!

Para sa Mag-aaral
Ang modyul na ito ay ginawa bilang sagot sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka
ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga gawain sa pagkatuto.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat gawain.
3. Maging tapat sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung
tapos nang sagutin ang lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa


modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o
tagapagpadaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong magulang o
tagapag-alaga, o sinumang mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas


ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na
pang-unawa. Kaya mo ito!

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


Mga Bahagi ng PIVOT 4A Modyul
K to 12 Learning
Nilalaman
Delivery Process
Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais na
(Introduction)

Alamin resulta ng pagkatuto para sa araw o linggo, layunin ng


Panimula

aralin, pangunahing nilalaman at mga kaugnay na


halimbawa para makita ng mag-aaral ang sariling
Suriin kaalaman tungkol sa nilalaman at kasanayang
kailangan para sa aralin.

Ang bahaging ito ay nagtataglay ng mga aktibidad,


Subukin gawain at nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa
Pagpapaunlad
(Development)

mag-aaral. Ang karamihan sa mga gawain ay umiinog


sa mga konseptong magpapaunlad at magpapahusay
Tuklasin
ng mga kasanayan sa MELC. Layunin nito na makita o
matukoy ng mag-aaral ang alam niya, hindi pa niya
Pagyamanin alam at ano pa ang gusto niyang malaman at
matutuhan.
Ang bahaging ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa
mag-aaral na makisali sa iba’t ibang gawain at
oportunidad sa pagbuo ng kanilang mga Knowledge
Isagawa
Skills, at Attitudes (KSA) upang makahulugang
Pakikipagpalihan
(Engagement)

mapag-ugnay-ugnay ang kaniyang mga natutuhan


pagkatapos ng mga gawain sa Pagpapaunlad o D.
Inilalantad ng bahaging ito sa mag-aaral ang totoong
sitwasyon/gawain sa buhay na magpapasidhi ng
Linangin kaniyang interes upang matugunan ang inaasahan,
gawing kasiya-siya ang kaniyang pagganap o lumikha
ng isang produkto o gawain upang ganap niyang
Iangkop maunawaan ang mga kasanayan at konsepto.
Ang bahaging ito ay maghahatid sa mag-aaral sa
proseso ng pagpapakita ng mga idea, interpretasyon,
Isaisip pananaw, o pagpapahalaga upang makalikha ng mga
(Assimilation)

piraso ng impormasyon na magiging bahagi ng


Paglalapat

kaniyang kaalaman sa pagbibigay ng epektibong


repleksiyon, pag-uugnay, o paggamit sa alinmang
sitwasyon o konteksto. Hinihikayat ng bahaging ito ang
Tayahin mag-aaral na lumikha ng mga estrukturang konseptuwal
na magbibigay sa kaniya ng pagkakataong
pagsama-samahin ang mga bago at dating natutuhan.
Ang modyul na ito ay nagtataglay ng mga pangunahing impormasyon at gabay
sa pag-unawa ng mga Most Essential Learning Competencies (MELCs). Ang higit na
pag-aaral ng mga nilalaman, konsepto at mga kasanayan ay maisasakatuparan sa
tulong ng K to 12 Learning Materials at iba pang karagdagang kagamitan tulad ng
Worktext at Textbook na ipagkakaloob ng mga paaralan at/o mga Sangay ng
Kagawaran ng Edukasyon. Magagamit din ang iba pang mga paraan ng paghahatid ng
kaalaman tulad ng Radio-based at TV-based Instructions o RBI at TVI.

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


WEEKS Masustansiya at
WEEKS
1-2 Di-Masustansiyang Pagkain
1-2
Aralin
I
Pagkatapos ng araling ito, inaaasahan na makilala
mo ang mga pagkaing masustansiya at hindi
masustansiyang pagkain, maipaliliwanag ang
kahalagahan ng masusustansiyang pagkain, at matukoy
ang pagkakaiba ng pagkaing dapat kainin.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahing mabuti ang
kuwento. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa
sulatang papel.

Si Eph ay batang mahilig sa mga pagkaing


hindi-masustansiya. Sitsirya at soda ang agahan niya.
Kaya naman anim na taong gulang pa lamang siya ay
napakalaki na niya kumpara sa kaniyang mga
kaibigang sina Jaypee at Ethan. Minsan, nagkayayaan
silang maglaro sa plasa. Niyaya ni Jaypee si Eph na
makipaghabulan ngunit umayaw ito. Mas mainam pa
raw ang kumain nang kumain kaysa maglaro. Hindi daw
niya kayang tumakbo at mabagal siya. Nagtawanan
ang kaniyang mga kaibigan sabay tukso sa kaniya.
Biglang nalungkot si Eph sa kaniyang mga narinig.

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


6
1. Sinu-sino ang magkakaibigan sa kuwento?
2. Saan nagtungo ang magkakaibigan?
3. Ano ang ginawa ng magkakaibigan sa parke?
4. Sino ang niyaya nila sa larong habulan?
5. Anong dahilan, bakit ayaw makipaglaro ni Eph?
6. Kung ikaw si Eph ano ang nararapat mong gawin?
7. Tama ba ang gawi sa pagkain ni Eph? Patunayan
ang iyong sagot.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Gumuhit ng tsek() kung


ang larawan ay nagpapakita ng pagkaing dapat kainin
ni Eph at ekis () kung hindi. Gawin ito sa sagutang
papel.

1. ____________ 2. ____________
3. ___________

4. ____________ 5. ____________ 6. ____________

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


7
D
Ang gulay at prutas ay mga pagkaing
masusustansiya. Ito ang mga pangunahing pagkain na
dapat isaalang-alang sa araw-araw. Wastong dami ng
isda at karne ay angkop din sa ating katawan. Ang mga
pagkaing gaya nito ang nagdudulot sa ating katawan
ng lakas, gilas at kaaya-ayang kutis.
Ang sitsirya, soda, at mga de-latang pagkain
naman ay ilan lamang sa mga pagkain hindi kailangan
ng ating katawan. Itinuturing itong hindi
masusustansiyang pagkain. Ang labis na pagkain nito ay
nagdudulot ng sakit at labis na timbang.

Mahalaga na masusustansiyang pagkain ang ating


kainin upang maging malusog at makaiwas sa anumang
sakit.

Talahanayan Blg 1.
Masusustansiya at di-Masusustansiyang Pagkain

Masusustansiya Di-Masusustansiya
Prutas Sitsirya
Gulay Soda
Karne Kape
Isda Fries
Gatas Fish ball
Patatas kikiam

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


8
Dan, ang mga
masusustansiyang pagkain
ay kailangan ng ating
katawan. Ito ang nagbibigay Ang sitsirya, kendi at
lakas upang k u mi l o s , soda ay mga halimbawa
gumalaw at magkapag-isip. ng pagkaing hindi
Di-masustansiyang masustansiya. Dapat
pagkain ang mga pagkain iwasan natin ang palagiang
sobrang alat at sobrang pagkain nito.
tamis. Ang labis na pagkain Ugaliin din natin ang
nito ay nagdudulot ng sakit kumain masusustansiyang
sa ating katawan. pagkain upang maging
Ang gulay, prutas, gatas malusog ang katawan at
ay ilan lamang sa isipan. Iwasan ang mga
masusustansiyang pagkain pagkaing nagdudulot ng
na dapat kainin. panghihina at sakit.

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


9
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Kopyahin ang kahon sa
papel. Iguhit sa loob ng kahon ang mga
masusustansiyang pagkain na kinakain ng batang tulad
mo.

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


10
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Tukuyin ang mga
masustansiyang pagkain na nasa larawan. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. B. C.

D. E. F.

H. J.
I.

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


11
D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Sa isang papel gumuhit
ng bulaklak na may limang talulot o petal. Piliin ang
masustansyang pagkain na nasa larawan at isulat ito sa
loob ng talulot na iyong iginuhit.

isda

sitsirya
soda

tinapay
prutas

gulay

pizza at
soda
gatas

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


12
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Iguhit ang  kung ang
larawan ay nagpapakita ng masustansiyang pagkain at
 kung di-masustansiyang pagkain. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

_________1.

_________2.

_________3.

_________4.

_________5.

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


13
A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Piliin ang salita na angkop
sa bawat tugma. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Upang ang bata ay lumusog at bumilog, Kakain siya


ng _____________.
A. manok B. sisiw C. itlog

2. Hugis bilohaba, minsa’y berde, minsa’y dilaw. Ang


dulot nito sa aki’y nagpapaganda. Ano ito?
A. papaya B. kalamansi C. durian

3. Ito ay sinasabing nagpapalakas, Tumutulong ito


upang sa sakit makaiwas. Kailangang uminom ng
isang basong _______.
A. soda B. gatas C. kape

4. Hugis bilog at mamula-mula, kainin ito at huwag


ikikiskis, upang balat ay kuminis. Ito ay _________.
A. kamatis B. isda C. saging

5. Pangkat ng pagkaing berde, bunga at dahon,


parehong may saysay sapagkat ito’y sinasabing
pampahaba ng buhay.
A. karne B. gulay C. gatas

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


14
Ang Epekto ng Hindi Masustansiyang Pagkain WEEKS

Aralin 3-4
I

Ang kalusugan ay kayamanan kung kaya’t dapat


ingatan ang ating katawan. Kailangan ng ating
katawan ang pagkain. May mga pagkaing
masustansiya at mayroon din namang hindi.
Alam mo ba ang mangyayari sa iyo kung patuloy
kang kakain ng hindi masustansiyang pagkain?
Sa araling ito, matututuhan mo ang mga resulta
kung patuloy kang kakain ng hindi masustansiyang
pagkain.

Basahin at unawain ang teksto.

Masustansiyang pagkain laging kainin;


Para ang katawa'y hindi sakitin.

Ano ang masasabi mo sa teksto? Ano ang iyong mga


kinakain? Masusustansiya ba ang mga ito?

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


15
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tukuyin kung ang mga
pagkain na nasa larawan ay masustansiya o hindi
masustansiya. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

sitsirya mga kendi saging

isda mga gulay

lansones soda mais

Ang nasa larawan ay mga halimbawa ng


masustansiya at hindi masustansiyang pagkain.
Ano kaya ang mangyayari kung palagi kang kakain
ng mga hindi masustansiyang pagkain?

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


16
D
Elai, lagi mo tatandaan, ang pagkain ng “chichirya” o junk
foods ay lubhang nakakasama sa ating kalusugan.
Una, ang mga taong madalas kumain ng junk foods
ay humihina ang pagmememorya at nahihirapang
umintindi sa pag-aaral.
Pangalawa, nadadagdagan ang panganib ng
demensiya. Ang demensiya ay isang sakit na nakakawala
ng memorya at nakakabagal ng pag iisip.
Pangatlo, nakakawala ito ng gana sa pagkain.
Maaari itong maging sanhi ng mga pagbabago sa
katawan na puwedeng humantong sa pagkalumbay.
Lagi mong pakakatandaan na may masamang dulot ang
pagkain ng junk foods sa katawan. Ugaliing kumain ng
gulay at prutas dahil ito ay may taglay na sustansiyang
puwedeng tumulong sa pag iwas ng sakit at maaaring
makapagpahaba ng buhay.

Opo Ma’am May, lagi


ko po tatandaan ang
inyong bilin.

Bakit dapat iwasang kumain ng hindi masustansiyang


pagkain gaya ng junk foods? Iguhit ang maaring maging
epekto sa iyo kung patuloy kang kumain ng hindi
masustansiyang pagkain.
PIVOT 4A CALABARZON Health G1
17
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Piliin ang letra ng tamang
sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang masustansiyang pagkain?


A. kendi B. asukal C. soda D. mansanas

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi masustansiyang


pagkain?
A. saging B. lollipop C. repolyo D. kalabasa

3. Ano ang maaring mangyari kay Asha kung araw-araw


siyang kumakain ng kendi?
A. Siya ay magiging malusog.
B. Sisigla ang kaniyang katawan.
C. Maaring sumakit ang kaniyang ngipin.
D. Magiging matibay ang mga ngipin niya.

4. Bakit dapat kumain ng masustansiyang pagkain ang


mga batang tulad mo?
A. upang maging malusog
B. dahil ito ang uso ngayon
C. kasi mas mura ang mga ito
D. upang mapuri ni nanay at ng guro

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


18
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Panuto: Isulat sa
sagutang papel ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng
bawat pahayag at MALI naman kung hindi.

________1. Ang hindi masustansiyang pagkain ay


mabuti sa ating kalusugan.
________2. Kailangan ng ating katawan ang
masustansyang pagkain.
________3. Ang kendi, sitsirya, softdrinks at tsokolate ay
nakapagpapalusog at nakapagpapalakas
ng katawan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Basahin ang mga tanong


sa tsart. Kopyahin ang tanong at isulat ang iyong sagot
sa papel

Tanong Madalas Minsan Hindi


1. Kumakain ka ba ng

2. Kumakain ka ba ng
tsokolate?

3. Kumakain ka ba ng
chichirya?

4. Umiinom ka ba ng
soda?

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


19
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Hingin ang opinyon ng
isa sa kasapi ng iyong pamilya sa usaping: “Bakit dapat
iwasan ang pagkaing hindi masustansiyang pagkain?”
Isulat ang kanilang tugon sa isang malinis na papel.

A
Gawaing Pagkatuto Bilang 6: Isulat sa sagutang papel
ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng bawat pahayag
at MALI naman kung hindi.

________1. Ang pagkain ng hindi masustansiyang


pagkain ay mabuti sa ating kalusugan.

________2. Kailangan ng ating katawan ang


masustansyang pagkain.

________3. Ang mga pagkaing gaya ng kendi, sitsirya,


softdrinks at tsokolate ay nakapagpapalusog
at nakapagpapalakas ng katawan.

________4. Maaring magkaroon ng sakit ang isang


batang mahilig kumain ng hindi
masustansiyang pagkain.

________5. Nakapagpapatibay ng ngipin ang palaging


pagkain ng kendi.

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


20
Wastong Gawi sa Pagkain Upang
WEEKS
Maging Malusog WEEKS

Aralin 5-6
5-6
I
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na
maipamalas ang pagkaunawa sa tamang oras ng
pagkain, matukoy ang mga masustansiyang pagkain at
maibahagi sa kapwa at pamilya ang wastong gawi sa
pagkain at mga natutuhang kaalaman ng wasto,
masaya at may pagpapahalaga.

Tingnan ang mga larawan.

Ano ang masasabi mo sa mga pagkain na ito?


Kumakain ka ba ng mga ganitong pagkain?
Sino-sino ang mga kasama mo tuwing kumakain?

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


21
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahing mabuti ang
sitwasyon sa loob ng kahon. Sagutin ang mga tanong.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Isang araw ay nagtungo ang mag-pinsan na si


Thalia at Stella sa kaarawan ng kanilang kapitbahay.
Masaya sila habang nagmamasid sa paligid. Maganda
ang ayos at napakaraming pagkain. Kumuha ng
pagkain at maiinom ang mag-pinsan. Cake at soda ang
kinuha ni Stella habang si Thalia ay pinili naman ang
kanin, pritong isda, at juice na may halong hiniwang
prutas. Tuwang-tuwa ang dalawa dahil nakasali pa sila
sa mga palaro.

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


22
1. Sinu-sino ang mag-pinsan sa kuwento?
2. Saan nagtungo ang magpinsan?
3. Ano ang ininom at kinain ni Stella?
4. Ano naman ang ininom at kinain ni Thalia?
5. Sino sa dalawang bata ang uminom at kumain ng
masustansiyang pagkain?

D
Sa bawat kagat, tamang pagkain ang dapat.
Kumain ng agahan, tanghalian at hapunan sa tamang
oras. Uminom ng walo (8) hanggang sampung (10) baso
ng tubig araw-araw.

Tama iyon Lhovie. Ang turo naman


ni Sir Jaypee, magsabi ng pakiusap
Elsa, natutuhan ko kay
o pakiabot kapag nagpapaabot ng
Ma’am May na dapat
pagkain at iwasang magsalita kung
maghugas ng kamay bago
may laman ang bibig.
kumain. umupo nang
maayos at magdasal bago
kumain.

Ang turo naman ni


sir Ethan sa klase
namin, kumain nang
dahan-dahan
upang malasahan
ang pagkain at
kumuha lamang ng
may tamang uri at
dami ng pagkain.

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


23
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Pakinggan ang mga
sitwasyong babasahin ng iyong magulang o kasama sa
bahay. Sa sagutang papel isulat ang salitang Tama
kung wasto ang gawi sa pagkain upang maging
malusog at Mali kung hindi.

1. Naghugas ng kamay si Monica bago siya kumain.

2. Dali-daling isinubo ni Tomas ang nakahaing pagkain


kahit marumi ang kanyang mga kamay.

3. Magalang na nakikisuyo si Daniel sa kanyang nanay


upang ipaabot ang pinggan na may lamang ulam.

4. Puno ng pagkain ang bibig ni Nicole pero tuloy pa rin


ang imik niya kaya nalalaglag ang pagkain sa mesa.

5. Ang mag-anak na Panaligan ay nagdarasal bago at


pagkatapos kumain upang magpasalamat sa mga
biyayang kanilang natatanggap sa araw-araw.

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


24
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Tingnan ang mga
larawan. Lagyan ng tsek () kung ang larawan ay
mabuting pagkain sa almusal at ekis () naman kung
hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel

____ 1. ____ 4.

____ 2. ____ 5.

____ 3.

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


25
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Isulat sa sagutang papel
ang “Aking Pangako” at papirmahan ito sa magulang o
kasama sa bahay.

Aking Pangako
Wastong gawi sa hapag-kainan, sa loob ng isang
araw dapat isakatuparan. Gagawin ko ito araw-araw,
nang ako ay magkaroon ng wastong gawi sa
hapag-kainan.

Lagda ng Magulang
_____________________

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


26
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Kopyahin ang mga plato
sa sagutang papel. Iguhit sa plato ang mga
masustansiyang pagkain na gusto mong kainin para sa
agahan, tanghalian at hapunan.

Agahan

Tanghalian

Hapunan

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


27
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Isulat sa sagutang papel
ang Tama kung wasto ang gawi sa pagkain at Mali
kung hindi wasto.
__________ 1. Nagsasabi ng makikiabot kung may
gustong ipaabot.
__________ 2. Nagsasalita kahit puno ang bibig.
__________ 3. Humihigop ng sabaw ng malakas.
__________ 4. Nagdarasal bago kumain.
__________ 5. Kumakain lamang ng may wastong uri at
dami ng pagkain.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Iguhit ang kung ang


pangungusap ay wasto at naman kung hindi.

______1. Ang pag-inom ng gatas ay nakapagpapa-lakas


ng katawan.

______2. Kumain muna ng tsokolate bago kumain ng


tanghalian.

______3. Mag-almusal muna bago pumasok sa paaralan.

______4. Kumain ng mga prutas at mabeberdeng gulay.


______5. Ugaliing kumain ng junkfoods at uminom ng
softdrinks.

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


28
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Piliin ang titik ng tamang
sagot. Gawin ito sa sagutang papel

1. Aling pagkain ang dapat kainin sa almusal?


A. burger C. kanin at itlog
B. pizza D. cake at tsokolate

2. Alin ang angkop sa almusal?


A. itlog C. potato chips
B. kendi D. soda

3. Anong pagkain ang dapat kainin sa tanghalian?


A. adobo at kanin C. sorbetes at soda
B. cake at kendi D. fries at burger

4. Aling inumin ang angkop sa mga bata?


A. gatas C. soda
B. kape D. juice

5. Alin ang dapat kainin sa hapunan?


A. Pansit, puto at kape
B. Kanin, gulay, prutas
C. Kendi, isda, at kape
D. French fries at coke

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 9: Sa isang papel, gumuhit
ng larawan na nagpapakita ng wastong gawi sa
hapag-kainan.

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


29
WEEKS
Pangunahing Pangkat ng mga Pagkain WEEKS
7-8 Aralin 7-8
I
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang matukoy
ang mga pagkaing nagpapalakas,
nagpapalaki at nagpapalusog, makilala ang mga
kabutihang dulot o health benefits ng mga pangkat ng
mga pangunahing pagkain, masabi ang mga food
nutrients na naibibigay ng bawat pangunahing
pangkat ng pagkain at matukoy ang mga pagkain
ayon sa tamang pangkat nito (go, grow at glow).

Pag-aralang mabuti ang mga larawan sa kahon. Ang


mga larawan ay halimbawa ng mga pagkaing may
kabutihang dulot o health benefits sa ating katawan.

pakwan saging
tinapay

itlog
avocado isda

mga gulay gatas

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


30
D
Ang tatlong pangunahing pangkat ng pagkain ay
ang go, grow at glow foods.
Ang go foods ay mga pagkaing nagbibigay lakas sa
ating katawan. Ito ay mayaman sa “carbohydrates”.
Ang kanin, tinapay, sopas, at pansit ay mga halimbawa
ng go foods.

Ang grow foods ay mga pagkaing nagpapalaki ng


ating katawan. Ang mga pagkaing kabilang sa pangkat
na ito ay mayaman sa protina. Halimbawa nito ay
karne, isda, gatas keso at itlog.

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


31
Ang glow foods ay mga pagkaing tumutulong sa
paglaban sa sakit at impeksyon. Ang mga halimbawa
nito ay ang mga uri ng gulay tulad ng kalabasa,
ampalaya, malunggay at iba pa. Ang mga prutas din ay
kabilang sa pangkat na ito. Halimbawa niyo ay mangga,
saging, pakwan, mansanas at iba pa. Mayaman ang
mga pagkaing ito sa bitamina at mineral.

Mahalaga na ang ating mga kinakain sa


araw–araw ay binubuo ng go, grow at glow.

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


32
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Piliin sa hanay B ang mga
pagkaing dapat ilagay sa basket sa hanay A. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B

1.

Go A.

2.

B.
Grow

3.

C.
Glow
PIVOT 4A CALABARZON Health G1
33
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Alin sa mga sumusunod
ang masusustansiyang pagkain? Isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.

A.

E.

B.

F.

C.

G.

D.

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


34
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Piliin ang titik ng tamang
sagot. Gawin ito sa sagutang papel.

1. Anong pangkat ng pangunahing pagkain ang


lumalaban sa mga sakit at tumutulong na
mapanatiling makinis ang ating balat?

A. Go Foods B. Grow Foods C. Glow Foods

2. Ano ang tumutulong para ang isang batang tulad


mo ay tumangkad?

A. Go Foods B. Grow Foods C. Glow Foods

3. Ano ang nutrient na nakukuha natin sa pagkain ng


mga “ go foods”?

A. Carbohydrates B. protina C. mineral

4. Alin sa mga su,usunod ang nagbibigay ng


lakas sa ating katawan?

A. kendi B. chippy C. kanin

5. Aling prutas ang matubig?

A. pakwan B. santol C. mangga

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


35
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Isulat ang G kung go
food, GR kung grow at GL kung glow food. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

1.

_____________
4.

_____________

2.

_____________
5.

3. _____________

_____________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5. Tukuyin kung ang mga


sumusunod na pahayag. Isulat ang T kung tama at M
kung mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

______ 1. Ang tinapay at pasta ay mga pagkaing


nagbibigay lakas sa ating katawan.
______ 2. Ang mga grow foods ay nagpapatibay ng
ating ngipin.
PIVOT 4A CALABARZON Health G1
36
______ 3. Ang karne ng baka at manok ay halimbawa
ng grow foods.

______ 4. Kumain lamang ng glow foods araw – araw.

______ 5. Nakakapaglaro, nakakatakbo at nakakalukso


ako dahil sa mga go foods na kinakain ko.

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Pagpangkatin ang mga
sumusunod na pagkain sa menu ayon sa Go, Glow or
Grow food. Kopyahin ang tsart at isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.
Menu

papaya gulay kanin itlog

gatas soda isda burger, fries at soda

Go Food Glow Food Grow Food

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


37
38
PIVOT 4A CALABARZON Health G1
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto
Gawain sa
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6 Bilang 5 Bilang 4 Bilang 3 Bilang 2
Pagkatuto
1. T 1. GL 1. C B Bilang 1
Go Food Glow Food Grow Food
2. T 2. G 2. B C
Kanin Gulay Itlog 3. T 3. GL 3. A E 1. C
Papaya Isda 4. M 4. GR 4. C F 2. A
Gatas 5. T 5. GL 5. A G 3. B
Weeks 7-8
Gawain sa Pagkatuto
Bilang 1
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto 1. Thalia at Stella
Bilang 8 Bilang 7 Bilang 6 Bilang 3 Bilang 2 2. Pumunta ang
magpinsan sa kanilang
1. C 1. 1. TAMA 1.  1. TAMA kapit-bahay
2. A 2. 2. MALI 2.  2. MALI 3. Cake at Soda
3. A 3. 3. MALI 3.  3. TAMA 4. Kanin, pritong isda at
4. A 4. 4. TAMA 4.  4. MALI juice
5. B 5. 5. TAMA 5.  5. TAMA 5. Si Thalia
Weeks 5-6
Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Pagkatuto Gawain sa Gawain sa Sitsirya— hindi masustansiya
Bilang 6 Pagkatuto Pagkatuto Mga kendi— hindi masustansiya
Bilang 3 Bilang 2 Saging— masustansiya
1. MALI ISda—masustansiya
2. TAMA 1. MALI 1. D Mga gulay— masustansiya
3. MALI 2. TAMA 2. B Lansones— masustansiya
4. TAMA 3. MALI 3. C Soda— hindi masustansiya
5. MALI 4. A Mais— masustansiya
Weeks 3-4
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Bilang 7 Bilang 6 Bilang 4 Bilang 2 1. Eph, Jaypee at Ethan
2. Plasa
1. C 1. A 1.  3. Naglaro
2. A 2.
 F 2.  4. Eph
 H 3.  5. dahil hindi daw niya kayang
3. B 3. 
4. A 4. I 4.  tumakbo
 J 5. 
5. B 5.  6. Sariling sagot ng bata
6.  7. Sariling sagot ng bata
Weeks 1-2
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Health: Unang Baitang Kagamitan ng Mag-aaral.

Kto12 Health Curriculum Guide. 2016, 9.

PIVOT 4A CALABARZON Health G1


39
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region 4A CALABARZON


Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal

Landline: 02-8682-5773, locals 420/421

https://tinyurl.com/Concerns-on-PIVOT4A-SLMs

You might also like