Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Amang mapagmahal,

Ikaw ang tumatawag sa mga anak Mong ito


upang magtalaga ng sarili sa paglilingkod sa Iyo.
Ikaw ang humihirang at nagpapagindapat sa kanila
upang maging mga Tagapaglingkod sa iyong dambana.
Basbasan mo + ang mga lingkod Mong ito
upang sila ay maging mabubuting tagapakinig ng Iyong salita
nang sa gayon, maging mahusay din sila
sa pagsasabuhay ng Iyong mga aral.

Liwanagan Mo ang kanilang isip


at pag-alabin sa pag-ibig ang kanilang puso sa pagsunod sa Iyo,
at nawa'y maganap nilaang kanilang gampanin ng buong katapatan.
Maging magalang nawa sila sa Iyong harapan,
at magsumikap na tumulad sa Iyong kabanalan.
Patuloy nawa silang maging halimbawa
ng tunay na buhay panalangin,
masikap na pagkilala sa Iyo,
at puspusang paglilingkod sa kapwa.
Pagsikapan nawa nilang mamuhay lagi
nang ayon sa Iyong kalooban.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Jesukristo


kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Amang mapagmahal,
Ikaw ang tumatawag sa mga anak Mong ito
upang magtalaga ng sarili sa paglilingkod sa Iyo.
Ikaw ang humihirang at nagpapagindapat sa kanila
upang maging mga Tagapaglingkod sa iyong dambana.
Basbasan mo + ang mga lingkod Mong ito
upang sila ay maging mabubuting tagapakinig ng Iyong salita
nang sa gayon, maging mahusay din sila
sa pagsasabuhay ng Iyong mga aral.

Liwanagan Mo ang kanilang isip


at pag-alabin sa pag-ibig ang kanilang puso sa pagsunod sa Iyo,
at nawa'y maganap nilaang kanilang gampanin ng buong katapatan.
Maging magalang nawa sila sa Iyong harapan,
at magsumikap na tumulad sa Iyong kabanalan.
Patuloy nawa silang maging halimbawa
ng tunay na buhay panalangin,
masikap na pagkilala sa Iyo,
at puspusang paglilingkod sa kapwa.
Pagsikapan nawa nilang mamuhay lagi
nang ayon sa Iyong kalooban.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Jesukristo


kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Amang mapagmahal,
Ikaw ang tumatawag sa mga anak Mong ito
upang magtalaga ng sarili sa paglilingkod sa Iyo.
Ikaw ang humihirang at nagpapagindapat sa kanila
upang maging mga Tagapaglingkod sa iyong dambana.
Basbasan mo + ang mga lingkod Mong ito
upang sila ay maging mabubuting tagapakinig ng Iyong salita
nang sa gayon, maging mahusay din sila
sa pagsasabuhay ng Iyong mga aral.

Liwanagan Mo ang kanilang isip


at pag-alabin sa pag-ibig ang kanilang puso sa pagsunod sa Iyo,
at nawa'y maganap nilaang kanilang gampanin ng buong katapatan.
Maging magalang nawa sila sa Iyong harapan,
at magsumikap na tumulad sa Iyong kabanalan.
Patuloy nawa silang maging halimbawa
ng tunay na buhay panalangin,
masikap na pagkilala sa Iyo,
at puspusang paglilingkod sa kapwa.
Pagsikapan nawa nilang mamuhay lagi
nang ayon sa Iyong kalooban.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Jesukristo


kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
PAGTANGGAP SA MGA TAGAPAGLINGKOD SA DAMBANA
AT PAGKAKALOOB NG KASUOTAN SA PAGLILINGKOD

Tagapagpaliwanag

Gaganapin natin ngayon ang pagtanggap sa mga Tagapaglingkod sa Dambana


at pagkakaloob ng kasuotan nila sa paglilingkod.

PAGTAWAG SA MGA TATANGGAPING TAGAPAGLINGKOD SA DAMBANA

Tagapaghanda ng mga Lingkod ng Dambana:

Lumapit ang mg tatanggapin at aatasang Tagapaglingkod sa Dambana.

Kapag tinawag ang kanilang pangalan, lalapit ang mga tinawag sa harap ng pari.

Minamahal naming Padre Anthony B. Bautista, AM,


narito po ang mga nagnanais na maging mga lingkod sa dambana ng Panginoon.
Sumailalim na po sila sa paghubog at nakapasa sa mga pagsusulit na nararapat
sa mga nais maging Tagapaglingkod sa Dambana.

Tagapagpaliwanag:

Magsitayo ang lahat para sa panalangin ng pagbabasbas


sa mga nagnanais na maging Tagapaglingkod sa Dambana.

PAGBABASBAS SA MGA TAGAPAGLINGKOD SA DAMBANA AT NG KANILANG KASUOTAN


Tatayo ang lahat samantalang ang mga nagnanais na maging Tagapaglingkod sa Dambana ay luluhod.
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay sa mga nagnanais na maging Tagapaglingkod sa Dambana habang
nananalangin.

Pari:

Manalangin tayo.

Amang mapagmahal,
Ikaw ang tumatawag, humihirang, at nagpapagindapat
sa mga nais maging mga Tagapaglingkod sa iyong dambana.
Basbasan mo ✠ ang mga lingkod mong ito
upang sila ay maging mabubuting tagapakinig ng iyong salita
upang maging mahusay din sila sa pagsasabuhay ng iyong mga aral.
Liwanagan mo ang kanilang isip
at pag-alabin sa pag-ibig ang kanilang puso sa pagsunod sa iyo,
at nawa'y maganap nilang kanilang gampanin ng buong katapatan.
Maging magalang nawa sila sa iyong harapan,
at magsumikap na tumulad sa iyong kabanalan.
Patuloy nawa silang maging halimbawa ng tunay na buhay-panalangin,
masikap na pagkilala sa iyo, at puspusang paglilingkod sa kapwa.
Pagsikapan nawa nilang mamuhay lagi nang ayon sa iyong kalooban.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Lahat:

Amen.

Wiwiwsikan ang mga bagong Tagapaglingkod sa Dambana ng banal na tubig. Matapos nito’y tatayo sila at
lalapit naman ang kanilang mga magulang na hawak ang kanilang kasuotan sa paglilingkod.

Tagapagpaliwanag

Ngayon nama’y babasbasan ang mga kasuotan sa paglilingkod. Manatili po tayong nakatayo.

Pari:

Manalangin tayo.

Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay sa mga kasuotan sa paglilingkod habang nananalangin.

Ama naming makapangyarihan,


sa pamamagitan ng Sakramento ng Binyag,
nilinis mo kami mula sa aming karumihan
at sinuotan kami ng damit ng kadalisayan.
Bilang pag-aalaala sa biyaya ng Binyag,
hinihiling naming basbasan mo ✠ ang mga kasuotang ito.
Nawa, sa pagsusuot ng mga ito,
mabatid nila ang dakilang karangalang dapat nilang pangalagaan,
at matanto nila ang dakilang pagtawag
na dapat nilang tugunan nang buong katapatan.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon.

Wiwisikan ng banal na tubig ang mga kasuotan. Pagkatapos, isusuot ng mga bagong tagapaglingkod ang mga
kasuotan sa paglilingkod sa tulong ng kanilang mga magulang.

Tagapagpaliwanag

Magsiupo ang lahat.

PAGKILALA SA MGA BAGONG TAGAPAGLINGKOD SA DAMBANA

Pari:

Bilang pagtanggap at pagbati sa kanila,


pasalubungan natin sila ng masigabong palakpakan.

Haharap ang mga bagong Tagapaglingkod sa Dambana sa sambayanan. Matapos nito ay babalik na sila sa
upuan.

You might also like