Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
Schools Division of Surigao del Sur
CARPENITO INTEGRATED SCHOOL

MIDTERM EXAM IN ESP 7


2ND QUARTER

Name: ___________________________ Date: ___________________

I. Panuto: Basahin ng mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang sagot.
Link: https://forms.gle/ikZjNhzhqu3Epr687

1. Ang sumususunod ay katangian ng isip maliban sa:

A. Ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala.


B. Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran
C. Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya.
D. Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay.

2. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?

A. mag-isip
B. umunawa
C. magpasya
D. magtimbang ng esensiya ng mga bagay

3. Ang paghahanap ng isip sa kanyang tunay na tunguhin ay hindi nagtatapos. Ang pahayag ay:

A. Mali, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao


B. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong hangganan
C. Tama, dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi tuluyang nagpapahinga
D. Mali, dahil kapag naabot na ng tao ang kanyang kaganapan ay hihinto na ang kanyang
paghahanap sa kanyang tunay na tunguhin

4. Nahuli ng kanyang guro si Rolando na nagpapakopya sa kanyang kaibigan sa oras ng


pagsusulit. Nagawa niya lamang ito dahil sa patuloy na pangungulit nito at panunumbat. Nang
ipatawag ng guro ay palaging sinisisi ni Rolando ang kaibigan at ito raw ang nararapat na sisihin.
Ano ang nakaligtaan ni Rolando sa pagkakataong ito?

A. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto nito para sa sarili.
B. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng kapwa na akuin ang
pagkakamali.
C. Walang anumang puwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng kilos para sa kanyang
sarili.
D. Lahat ng nabanggit

Poblacion, Carpenito, Tagbina, Surigao del Sur, 8308


0950-275-0295
carpenitois@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
Schools Division of Surigao del Sur
CARPENITO INTEGRATED SCHOOL

5. Ito ay maahalagang bahagi ng pagkatao, dahil ito ang ginagamit upang ipahayag ang nilalaman
ng isip at puso sa kongkretong paraan.

A. Katawan
B. Isip
C. kamay
D. paa

6. Anong bahagi ng ating pagkatao ang humohubog ng personalidad nito, lahat ng kasamaan at
kabutihan ng tao ay dito natatago?

A. Isip
B. Puso
C. kamay
D. katawan

7. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr. may tatlong mahahalagang sangkap ang tao, ano ang mga
sangkap na ito?

A. Kamay, paa at katawan


B. Mata, puso at isip
C. isip, puso kamay at katawan
D. isip, ulo at puso

8. Ang kilos-loob ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip. Ano ang ibig sabihin ng
pangungusap?

A. Ang kilos loob ay walang kakayahang gawin ang nanaisin.


B. Naiimpluwensiyahan ng isip ang kilos-loob, dahil hindi nito nanaisin o gugustuhin ang isang
bagay na hindi niya alam o nauunawaan
C. Ang isip ang ang siya nagbibigay impormasyon sa kilos-loob.
D. Wala sa nabanggit

9. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsiyensiya?

A. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan


B. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
C. Makakamit ng tao ang kabanalan
D. Wala sa nabanggit

10. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsiyensiya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao

Poblacion, Carpenito, Tagbina, Surigao del Sur, 8308


0950-275-0295
carpenitois@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
Schools Division of Surigao del Sur
CARPENITO INTEGRATED SCHOOL

B. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.
C. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama
D. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.

11. Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran. Alam
niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang
sobrang pera. Anong uri ng konsiyensiya ang ginamit ni Melody?

A. Tamang konsiyensiya
B. Purong konsiyensiya
C. Maling konsiyensiya
D. Mabuting konsiyensiya

12. Ang pagbebenta ng pirated na CD sa mga mall ay malaki ang naitutulong sa mga tao dahil
mas nakatitipid kaysa bumili ng orihinal na kopya. Halos lahat ng tao ay ito na ang hinahanap sa
kasalukuyan kung kaya lumalaki na ang negosyong ito at marami ang natutulungan. Ang
sitwasyong na ito ay nagpapatunay na:

A. May mga pagkakataon na ang paghuhusga ay nararapat na ibatay sa benepisyo o tulong sa


taong nagsasagawa ng kilos.
B. Ang masamang pamamaraan sa pagkamit ng layunin ay mababale-wala kung ang layunin ay
mabuti at tama.
C. Ang isang bagay na mali ay maaaring maging tama kung ito ay nakatutulong sa mas
nakararami.
D. May mga kilos na nagmumukhang tama at normal dahil sa dami ng gumagawa nito.

13. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura, ang Likas na Batas-Moral ang nagbibigkis sa lahat ng
tao. Ito rin ang nagpapatupad ng iisang alituntunin para sa lahat. Anong katangian ng Likas na
Batas Moral ang sinasaad sa pangungusap?

A. pangkalahatan
B. walang hanggan
C. obhektibo
D. di nagbabago

14. Si Rhea ay nahaharap sa isang sitwasyon na kinakailangan niyang mamili sa nagtutunggaling


prinsipyo. Ano ang maaaring pagbabatayan ni Rhea upang magkaroon ng tamang pagpapasya?

A. Tamang konsensiya
B. Maling konsensiya
C. mabuting konsensiya
D. purong konsensiya

Poblacion, Carpenito, Tagbina, Surigao del Sur, 8308


0950-275-0295
carpenitois@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
Schools Division of Surigao del Sur
CARPENITO INTEGRATED SCHOOL

15. Kailan masasabing tama ang konsensiyang ginawa sa isang kilos at pasya?

A. Kapag ang mali ay ginawang tama


B. Kapag nakabatay ito sa kagustuhan ng isang tao
C. Kapag hinuhusgahan nito ang tama bilang tama at ang mali bilang mali
D. Kapag hindi inalintana ang kilos sa likas na batas moral

16. Si Sheena ay inutusan ng ina na bumili ng tinapay sa tindahan, inaakala ng ina na tama lang
ang perang ibinigay ngunit nang sinuri ni Sheena dalawang piraso ng limangpung piso ang
ibinigay nito. Naisip niya na huwag ng isauli sa ina total hindi naman nito namalayan at kailangan
niya ng pera pambili ng load. Kung ikaw si Sheena ano ang nararapat mong gawin?

A. Ibili ito ng load total hindi naman alam ng ina


B. Itago ito at isauli kapag hiningi ng ina.
C. Sasabihin sa ina ang totoo dahil ito ang tama
D. Ipangbili muna at saka sasabihin sa ina upang hindi na niya ito mababawi

17. Ano ang nagbibigay hugis o direksyon sa kalayaan?

A. Isip
B. konsensya
C. batas moral
D. dignidad

18. Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos. Ang pangungusap na ito ay nangangahulugang:

A. Magiging malaya lamang ang tao kung ang kanyang ginawa ay kabutihan.
B. Ang kalayaan ng tao ay nagtatapos sa kanyang paglabag sa likas na batas moral
C. Hindi ganap na malaya ng tao, hindi siya maaaring mamili batay lamang sa kanyang nais
D. Lahat ng nabanggit

19.” Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa nang mabuti.” Ang pangungusap ay:

A. Tama, dahil ang tao ay nilikha ng Diyos na taglay ang likas na kabutihan.
B. Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa
paggawa nang naaayon sa kabutihan.
C. Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa paghuhusga ng tao
D. Mali, dahil magkakaroon lamang ng kabuluhan ang kalayaan kung malayang magagawa ng tao
ang mabuti at masama

Poblacion, Carpenito, Tagbina, Surigao del Sur, 8308


0950-275-0295
carpenitois@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
Schools Division of Surigao del Sur
CARPENITO INTEGRATED SCHOOL

20. Bakit mahalagang hayaan ng isang magulang ang kanyang anak na sumubok, pumili at
magpasya para sa kanyang sarili?

A. Ito ang magbibigay sa kanila ng mga karanasang maaari nilang gamiting gabay sa mga
isasagawang pagpapasya sa hinaharap
B. Ang pagkakataong ibinibigay ng magulang ang magtuturo sa mga anak na sumunod mula sa
pag-unawa at pagmamahal at hindi sa pamimilit.
C. Maiiwasan ang pagrerebelde ng isang anak dahil sa labis na pagnanais ng magulang na
magabayan ang kanyang anak patungo sa tamang landas.
D. Ang pagiging malaya sa pagpapasya ng isang anak ay maaaring magdulot ng sakit dahil sa
pagkakamali ngunit dito sila natututo ng mahalagang aral.

ANSWER’S KEY

Poblacion, Carpenito, Tagbina, Surigao del Sur, 8308


0950-275-0295
carpenitois@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
Schools Division of Surigao del Sur
CARPENITO INTEGRATED SCHOOL

1. C

2. B

3. B

4. C

5. A

6. B

7. C

8. B

9. A

10. D

11. A

12. D

13. A

14. A

15. C

16. C

17. C

18. A

19. B

20. B

Poblacion, Carpenito, Tagbina, Surigao del Sur, 8308


0950-275-0295
carpenitois@gmail.com

You might also like