Lakbay Sanaysay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

University of La Salette, Incorporated

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


Dubinan East, Santiago City-3311, Philippines
T.P. 2022-2023

Lakbay Sanaysay
(Khenjie V. Reformina at Bernard Shem Alipio)

“Sana Nandito Ka”


Ang Baguio City ay kilala bilang "Summer Capital of the Philippines", dahil sa malamig
nitong klima. Kaya naman madalas ay dinadayo ito ng mga turista. Ang mga tourist spots na ito
ay ang madalas pinupuntahan. Ilan lamang yan sa mga dinadayo dito. Bilang isang pilipino ay
gustong-gusto ko at ng partner ko na makapunta rito upang makita kung bakit nga ba talaga ito
dinarayo ng mga turista mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at pati na rin mga turista mula sa
banyagang bansa. Mula sa mga bidyo na aking napapanood sa internet ay mas nananabik ako na
makapunta sa lungsod na ito. Ngunit alam kong malabo itong mangyari lalo na at ayaw itong
puntahan ng aking pamilya sa kadahilanang malamig dito at prone sa mga natural disasters.
Natatakot sila na pumunta rito dahil sa panganib na maaaring mangyari. Ngunit ako ay nabigyan
ng pagkakataon upang makapunta rito, noong Marso 10, 2023, pumunta ako at ang mga kaklase
ko sa Baguio City upang mag-entrance exam sa Saint Louis University o SLU. Kami ay lumiban
sa klase noong Biyernes na iyon upang maghanda sa Entrance Examination namin. Lubos akong
nagalak sa pagkakataon na ito sapagkat maliban sa nakapunta ako sa Baguio City ay nakapunta
rin ako rito kasama ang aking mga kaibigan at hindi mga matatanda na maraming pagbabawal.
Sa kabilang banda, ang aking partner naman ay nakapunta siya sa Baguio City noong Mayo 2018
kasama ang kanyang pamilya upang magbakasyon at magrelax sa mga magagandang tourist spot
sa Baguio City.
Noong Marso 10, 2023. Ang una
naming pinuntahan sa lungsod na ito ay ang
Burnham Park. Matatagpuan ito sa sentro ng
Baguio. Madalas na pasyalan ito dahil sa iba't
ibang aktibidad tulad nalang ng boating,
biking, skating, tennis at iba pa. Mayroon din
ditong palaruan para sa mga bata, ang
Children's Park. Dito rin matatagpuan ang
Rose Garden kung saan makikita ang
Dancing Fountain. Dito ang una naming
pinuntahan dahil hindi pa kami maaaring
pumunta sa aming pagtutuluyan. Dahil alas
dos pa ng hapon kami maaaring pumunta
doon, ngunit nakarating na kami sa Baguio
madaling araw pa lamang. Pagkatapos
naming kumain ay pumunta na kami sa
Burnham Park at iniwan ang aming mga
gamit sa isang gilid. Kami naman ay
naglibot-libot muna, una naming pinuntahan
ay ang lugar kung saan maaaring magrenta
ng Go Kart. Sa loob ng labing tatlong minuto
ay nag-go kart lamang kaming tatlo at ang
iba naman ay kumakain ng strawberry taho
habang naghihintay. Masaya ako sa pag-go
kart sapagkat parang nakalimutan ko ang aking mga problema sa paaralaan, at ang tanging iniisip
ko lang ay ang pagmaneho ng Go Kart na iyon. Maliban sa katotohanang ako ay nakapag-
ehersisyo ay naging maayos at payapa rin ang aking iniisip. Pagkatapos namin sa Burnham Park
ay pumunta na kami sa The Half House by Elmar Cabin kung saan kami pansamantalang tutuloy.
Sa tuwing napapatingin ako sa aking paligid naiisip ko ang saya at tawanan nating dalawa kung
tayo ay magkasama. Paano nalang kaya kung nandito ka sa tabi ko ngayon at magkasama nating
libutin ang burnham park? Alam kong mas masaya ang aking karanasan kung kasama kita sa
mga bawat sandaling iyon.
At noong taong Mayo 2018, ihayag naman natin ang karanasan ng aking partner. Sa
unang araw, inihanda na namin ang aming mga sarili upang puntahan ang aming agenda sa
Baguio City. Una naming pinuntahan ang Burnham Park kung saan kami ay nagboating kasama
ang pamilya at namasyal sa mga iba’t ibang kuwarda. Dito ako namangha dahil andaming mga
bilihan ng mga pagkain, damit, alahas, anting-anting, at iba pa. Ako ay masaya sa puntong iyon
dahil nakapunta ako sa isa sa mga sikat na lugar sa Baguio City. Pangalawang lugar na
pinuntahan namin ay sa Mines View Park kung saan ay may napakagandang tanawin na
naghihintay sayo, pangalan palang ng park ay malalaman mo na mayroon itong magandang
tanawin na sikat sa mga turista. Dito ko rin unang natikman ang tinatawag nilang signature
strawberry taho, at masarap naman talaga ang kanilang strawberry taho. Marami ring mga
kuwarda ang makikita rito lalo na ang mga bilihan ng pagkain, pasalubong, damit, at iba pa.
Pagkatapos ng aming pamamasyal kami ay bumalik na sa Teacher’s Camp para magpahinga at
kumain. Sa mga oras na ito napapaisip nalang ako kung may pagkakataon kaya akong
makapunta ulit kasama ang mahal ng aking buhay, magkakaroon kaya ako ng pagkakataong
magawa ang mga masasaya at matatamis na bagay kasama ka sa Baguio City?
Sa ikalawang araw namin sa Baguio
City, Marso 11, 2023, ay pumunta
kami sa Saint Louis University upang
mag-entrance examination.
Pagkatapos naming mag-entrance
examination ay pumunta naman kami
sa SM Baguio. SM City Baguio ay
isang bakod na shopping mall sa
Baguio City sa Pilipinas. Sa isang
lugar ng sahig ng 180,331 (m²)
(madaling), ito ay ang
pinakamalaking shopping mall sa
rehiyon. Dahil walang SM sa
Santiago ay nanabik kaming maglibot
sa SM Baguio kung saan kami ay
pumunta sa Miniso, Starbucks,
McDonalds at iba pa. Sa ilang bahagi
ng mall na ito o ang tinatawag nilang
Sky Terrace ay makikita ang bahagi
ng Baguio City. Kahit na nakakalula
ay nag-eenjoy ako dahil nakikita ang
kapaligiran at kalikasan at malamig pa ang hangin. Sa mga ganitong pagkakataon ay
nakakalimutan ko ang aking mga problema at mas dinarama ang nakikita at naririnig ko sa mga
oras na iyon. At ang tanging hindi ko makakalimutan ay ang aking pamilya at minamahal sa
buhay. Sa mga oras na iyon ay iniisip ko na sana ay kapiling ko siya sa lugar na iyon, sa sobrang
galak ko ay iniisip ko rin na mas liligaya ako kung siya mismo ay nasa tabi ko rin. Hindi man
nabigyan ng pagkakataon sa oras na iyon na makapunta kami sa lugar na iyon na magkasama, ay
iniisip ko pa rin na sana sa susunod ay mabigyan na ako ng pagkakataon.
Sa kabilang karanasan naman, pagkatapos ng aming pamamasyal kami ay bumalik na sa
Teacher’s Camp para magpahinga at kumain. Ngunit, tinawag kami ng pinsan ko na sumama
papuntang SM Baguio at kami ay pumayag naman dahil ngayon lang namin ito mapupuntahan.
Sa aming pagtapak sa loob ng SM Baguio ay napanganga ako at namangha sa sobrang laki ng
mall na ito, sa totoo lang hindi pa namin nalibot ang buong mall pero nawalan na kami ng
ganang maglakad dahil sa sobrang lawak nito bago namin naisipan bumili ng mga kailangan
pumunta muna kami sa tinatawag na Sky Terrace, dito natin makikita ang magandang tanawin
ng Baguio City. Napapaisip nalang talaga ako kung ano ang kasiyahan o kagalakan ang aking
mararamdaman kung ang mahal ng aking buhay ay kasama ko sa oras na iyon. Hinihiling ko na
balang araw ay makasama ka sa lugar na ito habang magkahawak ang ating kamay at nilalasap
ang sarap ng bawat sandali na kasama ka.
Sa huling araw ng aking karanasan, ay
pumunta muna kami sa Session Road
bago umalis. Pangunahing lansangan
sa Lungsod ng Baguio kung saan
matatagpuan ang halos lahat ng mga
negosyo sa Baguio. Sa Session Road
makikita ang iba’t ibang taong
nagbubusking kung saan pinapakita
nila ang kanilang mga talento at nasa
mamamayan na kung magbibigay sila
sa kanila ng tip o hindi. Mula sa
nakikita ko sa Facebook at Tiktok ay
nasa Session Road ang mga taong nag-
cocosplay, at bilang isang fan ay
gustong-gusto ko talaga pumunta rito
at makita ang mga tinatawag na
cosplayer. At tama nga dahil, higit sa
sampo ang aming nakitang cosplayer.
Upang hindi namin makalimutan ang
panahong iyon ay nagpa-picture pa
kami sa kanila. Ngunit, parang may
kulang sa mga litratong na iyon. Hindi
ko mapigilang isipin na mas masaya
ako ko kung tayo ang magkasamang
nakipagpicture sa kanila. Balang araw
makakasama na rin kita rito sa lugar na
ito, alam kong magkakaroon tayo ng pagkakataon na magkasamang masaya at magkakaroon ng
mga alaalang hinding hindi natin makakalimutan sa Baguio City. Sa paglibot namin sa Baguio
City ay nakita namin ay Cathedral na tinatawag nila. Ito ay ang pinakamalaking simbahan ng
mga katoliko sa Lungsod Baguio, na sinasabing matatagpuan sa ibabaw ng isang burol. Pumunta
rin kami sa Good Taste Restaurant - Otek Branch, Sky Ranch Baguio, Kennon Road View Point,
at siyempre sa Saint Louis University kung saan kami nag-entrance examination.
Minsan sa ating buhay kailangan din nating mag-relax at mag-unwind, tulad na lang ng
paglalakbay sa mga lugar kung saan hindi pa tayo pamilyar o kaya naman mga lugar kung saan
sikat sa ating bansa. Maaari nating makalimutan ang mga problemang ating kinakaharap dahil
tayo ay nakapokus sa ating kasiyahan o kagalakan. Marami itong naidudulot sa ating pisikal at
emosyonal na aspeto. Makakatulong rin ito sa mga mambabasa na mabigyan ng mga
imahinasyon sa mga lugar na nailahad sa lakbay sanaysay at mahihikayat ang mga ito na
pumunta sa Baguio City dahil sa mga magagandang tanawin, tradisyon, kultura, at iba pa na
ipinakita sa akda. Hindi man kita nakasama sa mga oras na iyon hinihiling pa rin na balang araw
makasama kita habang naglalakbay sa iba’t ibang lugar. Gumawa ng alaala na kung saan maaari
nating balikan ang masasaya nating pagsasama, mga magagandang tanawin na ating nakita, at
ang tamis ng bawat sandaling.

You might also like