3RD Quarterly Exam Reviewer

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

FPL REVEIWER

SINTESIS pagsulat ng sintesis. Dapat masagot ang tanong


na kung bakit ito susulatin.
 Galing sa salitang Griyego na syntithenai (syn=
2. Pumili ng mga naayong sanggunian batay sa
kasama o magkasama, tithenai= ilagay;
layunin at basahin nang mabuti ang mga ito.
sama-samang ilagay)
Kung malinaw ang layunin ng pagsulat ng
 Pagsasama-sama ng mga ideya na may iba’t sintesis, magiging madali ang pagpili at
ibang pinanggagalingan. Ito ang integrasyon ng paghahanap ng mga sanggunian para mabuo ito.
mga resulta ng narinig o nabasa samakatuwid 3. Buuin ang tesis ng sulatin. Tiyakin ang tesis ng
ito ay ang pinagsamang dalawa o higit pang sintesis na gagawin. Ito ang pangunahing
buod. ideya ng isusulat. Ihayag ito gamit ang buong
pangungusap.
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA SINTESIS:
ANO ANG PAHAYAG NG TESIS?
 Nag-uulat ng tamang impormasyon mula sa
mga sanggunian at gumagamit ng iba’t ibang  Naglalahad ng pangunahin o sentral na ideya
estruktura at pahayag. ng sulating pananaliksik.

 Nagpapakita ng organisasyon ng teksto na  Isa itong matibay na pahayag na naglalahad sa


kung saan madaling makikita ang mga pinapanigang posisyon o pananaw ng
impormasyong nagmumula sa iba’t ibang mananaliksik tungkol sa paksang handa niyang
sangguniang ginagamit. patunayan sa pamamagitan ng pangangalap ng
mga datos at ebidensya.
 Nagpagtitibay nito ang nilalaman ng mga
pinaghanguang akda at napailalalim nito ang  Nagbibigay direksyon sa mananaliksik sa
pag-unawa ng nagbabasa sa mga akdang pangangalap ng mga ebidensyang magpapatunay
pinag-ugnay-ugnay. sa kanyang argumento.

ANYO NG SINTESIS: 4. Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin.


Maghanda ng isang balangkas na susundan
 Explanatory synthesis- sulating naglalayong sa pagsulat ng sintesis. Ang balangkas na ito ay
tulungan ang nagbabasa o nakikinig na lalong nakaayon sa iba’t ibang mga teknik sa
maunawaan ang mga bagay na tinatalakay at pagdebelop ng sintesis.
gumagamit ito ng deskripsyon o mga
paglalarawan. Naglalayong maglahad ng mga ANG MGA TEKNIK NA GAGAMITIN AY ANG
detalye at katotohanan sa isang paraang MGA SUMUSUNOD:
obhektibo.
a) Ang pagbubuod ang pinakasimple at di-
 Argumentative synthesis- layuning maglahad komplikadong paraan ng pagsulat ng sintesis.
ng ideya o pananaw. Karaniwang pinupunto ng Dito, binubuod lamang ang mga hanguan at
pagtalakay sa ganitong anyo ng sintesis ang inaayos ang paglalahad sa paraang lohikal.
katotohanan, halaga, o kaakmahan ng mga isyu. b) Ang pagbibigay halimbawa o paggamit ng
ilustrasyon naman ay isang teknik na ginagamit
URI NG SINTESIS: sa pamamagitan ng pagtukoy ng isang partikular
1. Background synthesis - ito ay isang uri na na halimbawang inilahad sa isang sanggunian o
sintesis na nangangailangang pagsama-samahin ng isang ilustrasyon na ginamit dito. Tiyakin
ang mga sanligang impormasyon ukol sa isang lamang na mailalagay ang pinagmulan nito
paksa at karaniwan itong inaayos ayon sa tema upang malinaw na makita kung sino ang nagsabi
at hindi ayon sa sanggunian. o saan ito nanggaling.
2. Thesis- driven synthesis - halos katulad lamang c) Isang epektibong pamamaraan ang
ito ng background synthesis ngunit nagkakaiba pagdadahilan. Sa teknik na ito, inihahayag ang
lamang sila sa pagtutuon, sapagkat sa ganitong tesis at iniisa-isa ang mga dahilan kung bakit
uri ng sintesis hindi lamang simpleng ito ay totoo o mahalaga. Ginagawa ito sa
pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang pamamagitan ng paglalahad ng mga
kailangan kung hindi ang malinaw na pag- impormasyon at detalyeng susuporta sa
uugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin. paninindigang inihaharap. Halimbawa, ang
3. Synthesis for the literature - ginagamit sa mga paghuhuli sa pinakamabigat na dahilan
sulating pananaliksik. Nakatuon ito sa mga upang bigyang-diin na ito ang
literaturang gagamitin sa pananaliksik na pinakamahalaga sa lahat ng dahilang
isinasagawa. binanggit.
d) Isang di-pangkaraniwang teknik naman ang
PAMAMARAAN SA PAGSULAT NG SINTESIS: strawman. Sa teknik na ito, inilalahad ang isang
argumentong kontra-tesis, ngunit
1. Linawin ang layunin ng pagsulat. Una sa lahat,
sinesegundahan agad ito ng paglalahad sa
mahalagang maging malinaw ang tunguhin ng
kahinaan ng nasabing argumento. Sa paraang
ito, ang kontra-tesis ay sisirain din at
FPL REVEIWER
ipapawalang-saysay. Mahalaga ito sapagkat
naipapakita nito ang kamalayan ng sumusulat sa
salungat na pananaw, ngunit naipapakita rin nito
ang kahandaang sagutin ang naturang 3. Mang-aliw o Talumpating Manlibang
kasalungatan o kahinaan.
e) Maisasama rin dito ang konsesyon kung saan  Layuning maglibang o magbigay saya sa
tinatanggap ang salungat na pananaw tulad ng mga tagapakinig.
strawman. Ang tanging kaibahan nito, hindi Halimbawa: Pagpapatawa sa mga comedy bar o
pinapawalang-saysay ang kasalungat na pagbibigay-pugay sa isang mahalagang tao sa
argumento ng tesis, subalit ipinaliliwanag na pamamagitan ng pagkukuwentong mga nakatatawa
mahina ito at ang paninindigan ang siyang niyang karanasan.
malakas at katanggap-tanggap.
f) Panghuli ay ang komparison na paghihimay- 4. Okasyonal- talumpati naman ay isinusulat at
himay ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga binibigkas para sa isang partikular na okasyon
akda o sanggunian. Sa komparison at kontrast, katulad ng kasal, kaarawan, despidida,
nagkakaroon ng iba’t ibang mukha ng pagsusuri parangal, at iba pa.
na lalong nagpapalinaw sa kabuuan ng mga
URI NG TALUMPATI AYON SA PAMAMARAAN
pinag-uugnay na akda. Sa ganitong teknik, dapat
mayroong isang tiyak na salik o serye ng mga 1. Impromptu o Biglaang Talumpati-
ito na siyang pinagtutuunang tignan kung may
pagkakaiba o pagkakatulad batay sa iba’t ibang  Isinasagawa ang talumpating ito nang
akdang napiling talakayin. walang ano mang paunang paghahanda.
Mahalaga ang biglaang talumpati upang
5. Isulat ang unang burador. Gamit ang napiling masukat ang lalim at lawak ng kaalaman
teknik, isulat ang unang burador ng sintesis. ng isang mag-aaral o tagapagsalita sa
Tandaan lamang na maging pleksibol sa sarili. isang tiyak na paksa kahit walang
6. Ilista ang sanggunian. Ilista ang mga ginamit na naunang pagbabasa hinggil dito.
sanggunian. 2. Ekstemporanyo o Pinaghandaang Talumpati
7. Rebisahin ang sintesis. Basahing muli ang
sintesis at tukuyin ang mga kahinaan nito.  May maikling panahon na ibinibigay sa
Hanapin ang mga kamalian sa detalye. mananalumpati upang pag-isipan ang
8. Isulat ang pinal na sintesis. Mula sa narebisang sasabihin. Hindi isinulat at hindi isinaulo
burador, maisusulat na ang pinal na tesis. ang mga sasabihin. Sa talumpating ito,
nagbibigay ng ilang minuto para sa
pagbuo ng ipahahayag na kaisipan batay
TALUMPATI sa paksang ibinigay bago ito ipahayag.

 Ang pagtatalumpati ay maituturing na isang uri 3. Isinaulong talumpati


ng sining. Dito makikita ang katatasan at  Sa bahaging, ito ang tagapagsalita ay
kahusayan ng tagapagsalita sa paghihikayat gumagawa muna ng kanyang talumpati.
upang paniwalaan ang kanyang pangangatwiran Samakatwid, may paghahanda na sa
sa paksang tinatalakay. ganitong tipo ng pagtatalumpati at
URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN kailangang memoryado o saulado ang
pyesa bago bigkasin ang talumpati.
1. Impormatibo
4. Pagbasa ng papel sa panayam o kumperensya
 Naglalahad ng mga kaalaman tungkol sa isang  Makikita sa bahaging ito ang kasanayan
partikular na paksa. sa pagsulat ng papel na babasahin sa
Halimbawa: Mga balakid sa pag-aaral ng ikalawang kumperensya. Ang pag-oorganisa ng mga
wika, mga katangian ng isang mabuting ideya at ang pagsulat ng panimula,
mamamayang Pilipino. katawan at wakas/kongklusyon ay dapat
na magkakaugnay at may kaisahan.

2. Nanghihikayat BAHAGI SA PAGBUO NG TALUMPATI


1. Introduksyon - ito ang pinakapanimula. Ito ay
 Ang layunin ay hikayatin ang tagapakinig naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman ng
na magsagawa ng isang partikular na talumpati kaya naman dapat angkop ang pambungad sa
kilos o hikayatin na panigan ang opinyon katawan ng talumpati. Ang mga sumusunod na
o paniniwala ng tagapagsalita. katangian sa isang mahusay na panimula:
Halimbawa: Mga kabutihang maaaring idulot ng - mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga
marijuana bilang gamot sa ilang karamdaman makikinig.
FPL REVEIWER
- maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping • May dalawang uri: kumpas na kinaugalian at
pagtalakay sa paksa. kumpas na mapaglarawan.
- maipaliwanag ang paksa
2. Diskusyon o Katawan - dito makikita ang IBA’T IBANG KUMPAS:
pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat dito
1. Palad na nakalahad sa harap, bahagyang
tinatalakay ang mahahalagang punto o kaisipang nais
nakabukas ang dalawang bisig. Nagpapahiwatig ng
ibahagi sa mga nakikinig. Ito ang pinakakaluluwa ng
bukas ng damdamin.
talumpati.
2. Palad na nakataob at ayos na patulak.
MGA KATANGIANG TAGLAYIN NG KATAWAN
Nagpapahiwatig ng pagtanggi o di pagsang-ayon.
SA TALUMPATI
3. Kumpas na parang may itinuturo - Ginagamit
a. Kawastuhan - tiyaking wasto at maayos ang
upang tumawag ng pansin.
nilalaman ng talumpati. Dapat na totoo at maliwanag
nang mabisa ang lahat ng detalye. 4. Kumpas na paturo - Panghamak, panlilibak,
pagkagalit, panduro, paninisi.
b. Kalinawan - kailangang maliwanag ang
pagkakasulat at pagkakabigkas ng talumpati upang IBA’T IBANG KUMPAS:
maunawaan ng mga nakikinig.
5. Palad na nakataob sa ayos na padapa - Ginagamit
c. Kaakit-akit - gawing kawili-wili ang paglalahad ng upang pakalmahin ang kalooban ng mga audience.
mga katwiran o paliwanag para sa paksa.
6. Palad na nakayukom - Nagpapahayag ng isang
3. Katapusan o Kongklusyon - dito nakasaad ang masidhing damdamin gaya ng galit, lungkot,
pinaka kongklusyon mg talumpati. Dito kalimitang panlulumo at pagtitimpi.
nilalagom ang mga patunay at argumentong inilahad sa
katawan ng talumpati. HULWARAN SA PAGBUO NG TALUMPATI

4. Haba ng Talumpati - nakasalalay kung ilang minuto 1. Kronolohikal na Hulwaran - ang mga detalye o
o oras ang inilaan para sa pagbigkas. Malaking tulong sa nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa
pagbuo ng nilalaman nito ang pagtiyak sa nilaang oras. pagkakasunod-sunod ng pangyayari o panahon.

ELEMENTO SA PAGTATALUMPATI 2. Topikal na Hulwaran - ang paghahanay ng mga


materyales ng talumpati ay nakabatay sa
1. TINIG pangunahing paksa.
 Magkaroon ng barayti sa lakas ng boses 3. Hulwarang Problema-Solusyon - kalimitang
nahahati sa dalawang bahagi ang pagkakahabi ng
*Masyadong malakas ay nakaiinis
talumpati gamit ang hulwarang ito. Kasanayan sa
*Masyadong mahina ay nakaaantok paghabi ng mga bahagi ng talumpati - ang paghahabi
o pagsulat ng nilalaman ng talumpati mula sa umpisa
*Ibatay ang lakas ng boses sa damdaming
hanggang sa matapos ito ay napakahalaga ring
ipapahayag
isaalang-alang upang higit na mahusay,
*Magagamit sa pagbibigay ng interes sa tagapakinig komprehensibo at organisado ang bibigkasing
talumpati.
2. TINDIG
 Maaaring senyales ng nerbyos o
kakulangan ng paghanda
• Tumayo nang diretso, irelaks ang mga balikat at
iwasang yumuko.
3. KILOS - iangkop ang ekspresyon ng mukha,
huwag magkamot ng ulo, ayusin ang pwesto ng
kamay.
*Nagpapakita kung handa o kung hindi handa ang
ispiker.
*Sobra’t kakulangan ay maaaring makasira sa
pagsasalita.
4. KUMPAS
• Nakapagpapadali ng pag-unawa at retensyon ng
mensahe
FPL REVEIWER

You might also like